You are on page 1of 16

PROJECT SMART (Standardized and Meaningful Assessment Result-based Teaching)

Table of Specification in FILIPINO

1. Sa mitolohiyang “Cupid at Psyche”, nabanggit na may tatlong anak ang hari.


Sino sa mga ito ang pinakamaganda, may natatanging alindog at sinasamba ng kalalakihan?

A. Venus
B. Zephyr
C. Athena
D. Psyche

2. .“Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala” Ano ang pakahulugan ng
pahayag na ito?

A. Titibay ang relasyon kung kaagapay ng pag-ibig at tiwala


B. Mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala
C. Magkaroon ng tiwala sa bawat isa.
D. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili at pagkakaroon ng tiwala sa iba
3. Natural sa isang tao na mahalin at pahalagahan ang tao sa kaniyang paligid. Alin sa
sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at
Psyche?

A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pag-ibig at pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Pysche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay
Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na
pagsisisi.
D. Pinayuhan si Pysche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa
halimaw na asawa

4. “Nanaisin kong mamatay nang isang daang beses kaysa mabuhay nang wala ka sa
aking piling. Pagbigyan mo lang ang kaligayahan kong muling makapiling ang
aking mga kapatid”,buong pagmamakaawa ni Psyche kay Cupid.” Anong kaisipan
ang masasalamin sa pahayag ni Psyche?

A. Masunurin si Psyche at mapagmahal sa kanyang pamilya


B. Mahinhin si Psyche at mapagmahal sa pamilya
C. Maalalahanin sa pamilya
D. Mapagpakumbaba si Psyche at masunurin sa asawa

5. Marami sa ating mga Pillipino ay likas na maparaan sa pagpapakita ng pagmamahal


na mahalaga sa atin. Sa iyong palagay, bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang
pagkatao kay Psyche?

A. Dahil may lihim siyang pagmamahal kay Psyche


B. Dahil baka malaman ng kanyang ina na umiibig siya kay Psyche
C. Dahil nais niyang subukin ang katatagan ni Psyche
D. Dahil iyon ang naging usapan nila ni Apollo

6. ________________, tinawag ng katiwala ang may utang na isang tapayang langis.


Anong pang-ugnay ang angkop sa patlang
A. Ang mga
B. Ng
C. Una
D. Ang

7. ___________ hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang


magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo. Piliin ang angkop na pang-ugnay para
sa pangungusap.
A. Kong
B. talagang
C. Kung
D. ang

8 – 9. Punan ng wastong pang- ugnay ang mga pangungusap.


8. Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus ________ sakim sila sa
salapi.

A. sapagkat
B. maliban
C. una
D. ngunit

9. Tinawag ng katiwala ang mga may pagkakautang ______________ pinapirmahan


ng bagong kasunduan.

a. saka
b. sapagkat
c. ngunit
d. datapwat

10. Sa mabisang pagbuo ng pangungusap o talata, paano nakatulong ang mga salitang
ginagamit na pang-ugnay para maging mabisa ang paglalahad?

A. Maging malinaw ang pangungusap na pinapahayag.


B. Madaling maintidahan kung sino ang pinag - uusapan
C. Para malaman ang tinutukoy ng pangungusap.
D. Para hindli malilito ang mambabasa

11. May iba’t ibang pananaw ang mga tao. Aling papanaw ang nagsasabi na ang tao
ang pinaka sentro sa daigdig.
A. Pananaw Klasisismo
B. Pananaw Romantisismo
C. Pananaw Feminismo
D. Pananaw Humanismo

12. Sa kabanata ng nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame, Anong kakaibang katangian
ni Claude Frollo bilang kontrabidang tauhan sa akda?

A. Siya ay umiibig
B. Siya ay tagapagtanggol ni Quasimodo
C. Siya ay isang paring nagkakamali
D. Siya ang kumupkop kay Quasimodo
13. Batay sa mga salitang galit, muhi, poot, at ngiti, ano ang ayos ayon sa antas o tindi
ng kahulugan nito?

A. galit, muhi, poot, ngitngit


B. poot, muhi, galit,ngitngit
C. poot, galit, ngitngit, muhi
D. ngitngit, galit, poot, muhi

14. May kasabihan na “kung gusto mong respetuhin ka ng iba, respetuhin mo muna
ang iyong sarili”. Anong pagpapahalagang pantao ang itinuturo ni Quasimodo sa
nobela?

A. Ang kapangitan ay suliranin.


B. Ang kapangitan ay hadlang sa magandang samahan.
C. Ang pisikal na kaanyuan ay sukatan ng tunay na pag-ibig.
D. Ang pisikal na kaanyuan ay hindi sukatan ng tunay na pag-ibig.

15. Napapatunayan na ang mga Pilipino ay likas na matulungin. Sa iyong palagay,


Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalagang pantao batay sa
binasang nobela?

A. Ang nakitang magkayakap ang mga kalansay nina Esmeralda at Quasimodo.


B. Sa paghahanap ng pagkain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni
Esmeralda.
C. Lumusob sa Katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at
magnanakaw
D. Ang pagbibigay ni La Esmeralda ng maiinom na tubig kay
Quasimodo.

16. Lubos ang paghanga ni Romeo kay Juliet. Kahit na alam niya na hindi maayos
ang pakikitungo ng pamilya nito sa kanya ay tumungo parin siya sa piging”, Sino ang
dalawang kasama ni Romeo na dumalo sa piging na inihanda ng mga Capulet?

A. Tybalt at Mercutio
B. Benvolio at Mercutio
C. Juan at Baltazar
D. Baltazar at Mercutio

17. Nang makita ng nars at ng Padre si Juliet ay agad na kinausap ng mga ito si Juliet
sa napakahalagang balita tungkol kay Romeo. Ano ang ipinayo ng nars ni Juliet at ni
Padre Laurence sa kanya matapos pinalayas si Romeo sa Verona?

A. sundan niya si Romeo sa Mantua


B. hintayin si Romeo sa Verona
C. kumilos na parang patay
D. magpakamatay na lang siya

18. Ang pag-ibig ay napakahiwaga lalong -lalo na sa mga taong wagas kung mag-
mahal. Bakit dumalo si Romeo sa piging ng mga Capulet?

A. masilayan ang kanyang sintang si Rosaline


B. makipagkita kay Juliet
C. kutyain ang mga Capulet
D. gusto niyang makisaya

19. Lubos na pinahahalagahan ang pangako ni Juliet sa kanya na magmamahalan kahit


pa maraming pagsubok sa kanilang buhay , bakit hindi maaaring magmahalan sina
Romeo at Juliet?

A. Malayong kamag-anak ni Romeo si Juliet.


B. May sakit sa puso si Juliet.
C. magkaaway ang kanilang mga angkan.
D. lilipat na ng tirahan sa ibang bansa si Juliet.

20. Dahil sa nalamang balita tungkol kay Juliet, hindi matanggap ng binata ang mga
pangyayari kaya’t kinitil na nito ang kanyang buhay. Paano at saan nagpakamatay si
Romeo?

A. gamit ang isang patalim sa halamanan


B. gamit ang isang lubid sa plasa
C. gamit ang isang espada sa kwarto ni Juliet
D. gamit ang isang lason sa libingan ni Juliet

21. “Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang dibdib, at sa wakas ay naitaas niya
ang kaniyang paninging hilam sa luha ang winika, “Malakas humaba ang buhok
ko, Jim.” Ano ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan.

A. Puno ng luha
B. Maningning na mata
C. pananakít ng matá
D. malabong paningin

22. Ang pagmamahal ay kaakibat ng pagsasakripisyo. Anumang pagsisikap natin


para sa ating minanahal ay mahalaga. Batay sa pangungusap, aling mga salita ang
magkaugnay o magkatulad ng kahulugan?

A. Pagsasakripisyo at pagsisikap
B Pasko at sakripisyo
C. Kaakibat at mahalaga
D. Pagsisikap at pasko

23. “Sa palagay ko’y walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil
sa buhok o sa pabango, o ano pa man”. Wika ni Jim sa asawa. Batay dito, paano
ipinakita ni Jim ang pagmamahal kay Della?

A. Ipinakita ang pagmamahal sa pamamagitan ng marangyang regalo


B. Walang anumang yaman ang makakapantay sa pagmamahal sa asawa
C. Hindi basehan ang pisikal na anyo ang nadaramang pagmamahal sa asawa
D.Sa pamamagitan ng pag-aalay ng regalo tuwing pasko kahit mahirap ang
buhay.
24. “O Poong Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y maganda pa rin.”
Batay sa munting dasal ni Delia, anong ang damdaming masasalamin mula rito?

A. Nangangamba
B Natatakot
C. Umaasa
D. Nagdaramdam

25. Anong damdamin ang ipinapahiwatig sa pahayag na “ Ipinaputol ko at


ipinagbili,” wika ni Delia. “Hindi mo ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking
buhok?”

A. Pag-aalala
B. Pagtataka
C. Pagkainis
D. Pagtatampo

Para sa bilang 26-28. Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong sa bawat
saknong.
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday? Yaman
ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.At ang katalinuhang
nangungusap sa iyong mga mata, Maging sa iyong halakhak.

26. Mula sa saknong sa itaas, ano ang sinisimbolo nina Zeus at Aphrodite na nais ialay ng ina
sa kanyang anak?

A. Kabutihan
B. Kagandahan
C. Kamusmusan
D. Kalakasan at katatagan

27. Ang kahulugan ng taludtod na Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng


kagandahan, ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab ay __________.

A. Maingat na pagpili sa pangalan ng anak.


B. Pangarap ng isang ina sa kanyang anak
C. Pagpapakita ng pagmamahal at pag-aaruga sa anak.
D .Panghuhula sa magandang kinabukasan mga anak

28. Ang bisang pangkaisipan na nais ipahiwatig ng tulang “Hele ng ina sa kanyang Panganay” ay
_______________________.

A. Pagpapahalaga ng ina sa anak.


B. Pagiging mandirigma ng anak
C. Wagas na pagmamahal ng ina sa anak
D. Pagsasakripisyo ng mga magulang sa anak.
Para sa bilang 29-30

Kapag ika’y itinatanghal na gererong marangal 29.


Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

29. Ano ang kahulugan ng matalinghagang salitang malulunod sa luha?

A. Maiiyak
B. Mahihiya
C. Matutuwa
D. Malulungkot

30. Anong bisang pandamdamin ang ipinahihiwatig ng mga taludtod?

A. saya
B. lungkot
C. galit
D. nakakadismaya

31. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano


ang ipinahihiwatig ng matalinghagang pahayag na may salungguhit?
A. itago
B. ilibing
C. kalimutan
D. magpatawad
32. Ang desiyon sa buhay ay pinag-iisipan at pinagplaplanohan. Maaring ang iyong desisyon tama
at may pagkakataon na mali ngunit alam mo sa sarili na handa ka sa anomang pagkakataon. Alin sa
mga sumusunod ang pangunahing layunin ng paninindigan?
A. manghikayat
B. magbigay-aliw
C. magsalaysay
D. magpaliwanag
33. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?

A. Hindi kita iiwan, pangako iyan.


B. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
C. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis
D. Mahirap magtiwala sa mga tao ngayon

34. Mahusay na ikinuwento ng griot ang pakikipagsapalaran ni Sundiata.


Ano ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan?

A. mananalaysay
B. manunulat
C. tagapagsalin
D. mananalumpati

35. “Mapapasaakin din ang kapangyarihan ni Sassouma”. Ang pahayag na ito ay tumutukoy sa
_________________.

A. Perspektibong pansarili
B. Panlipunan
C. Pandaigdig
D. Sangkatauhan

36. Ang sinumang magtatangka at may layuning pabagsakin ang pamahalaan


ay mapaparusahan. Ang tawag sa taksil sa bayan ay ____________.

A. Filibustero
B. Erehe
C. Indio
D. Amigo

37. Tinaguriang tagapagligtas ng nobelang El Filibusterismo dahil sa kaniyang


pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pagpapalimbag ng nobela. Sino ito?

A. Ferdinand Blumentritt
B. Padre Gomez, Burgos, Zamora
C. Valentin Ventura
D. Jose Ma. Basa

38. Kilala si Rizal sa pagiging manunulat. Isa sa mga ito ang popular na El Filibusterismo. Saang
bansa ito sinimulang isulat ni Rizal?

A. London
B. Ghent
C. Calamba
D. Paris

39. Sa dami ng suliranin na kinakaharap ni Rizal ay tinuloy pa rin niya itong isulat kahit pa
naghihirap na ito. Kailan sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo?

A. 1887
B. 1891
C. 1890
D. 1889

40. “ Ang mga Espanyol ay nakaupo sa harapang bahagi ng silid-aralan na may 400 na kapasidad,
samatalang ang mga Indiyo ay pinauupo sa likuran.”
Anong maling sistema sa lipunan ang binabatikos ni Rizal sa sitwasyong ito?
A. Encomiendero
B. diskriminasyon
C. kawalan ng hustisya
D. kanser ng lipunan

41. Maihahalintulad ni Simoun ang kanyang buhay sa binatang si Basilio. Anong paniniwala ni
Simoun na pagkakatulad nilang dalawa?

A. bigo sa pag-ibig
B. uhaw sa katarungan
C. tinutugis ng mga Kastila
D. dumanas ng kasawian

42. “Ang pang-aalipusta at pag-aalimura ng mga kamag-aral at propesor kay Basilio ay isang
halimbawa ng anong tunggalian?
A. tao laban sa tao
B. tao laban sa lipunan
C. tao laban sa sarili
D. tao laban sa kalikasan

43. Isa si Simoun na kilalang pinakamayamang negosyante na dumating sa Pilipinas batay sa


aklat ng El Filibusterismo. Alin sa mga sumusunod ang pinakalayunin ni Simoun sa kanyang
pagbabalik sa Pilipinas?

A. Magnegosyo
B. Maghiganti
C. Humanap ng mapapangasawa
D. Tumulong sa mga naghihirap na Indio

44. “Mas maigi umano na paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-
tangi at magkaroon ng mga layuning Pambansa.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?

A. Natatangi ang katutubong wika sa ating bansa


B. Mamahalin natin ang basa kung may iisa tayong wika
C. Huwag hangarin na maging wika ng bansa ang dayuhang wika.
D. Kapag napaunlad ang isang Wikang Pambansa, magdudulot ito ng
pagkakaisa.

45. Sumasagisag sa mga Pilipino noon na may-ari ng lupang sinasaka at


pinagyaman ngunit nang umunlad na ay inangkin ng korporasyon ng mga pari. Sa nobelang el
Filibusterismo, ito ay sumisimbolo sa pagkatao ni__________?

A. Kapitan Tiyago
B. Kabesang Tales
C. Sinong
D. Simoun

46. “Ano ang halaga ng pagsasarili kung ang mga alipin ngayon ay siyang magiging maniniil
bukas?” Ano kahulugan ng salitang maniniil?

A. Mapang-api
B. Mabait
C. Mapagpanggap
D. masipag.

47 “Ang karunungan ay ipinagkaloob lamang sa sadyang karapat-dapat na pagkalooban. Ang


ipagkaloob iyon sa mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal ay kahalay-halay
lamang.” Ang kahulugan ng salitang kahalay-halay ay _________________.

A. Mapagbalat-kayo
B. May mabuting kalooban
C. Kasuklam-suklam
D. Matuwid

48 “Ang kanser ay magagamot lamang ng apoy at bakal. Ang kasalanan ay dapat pagbayaran.”
Ano ang ibig sabihin ni Simoun sa pahayag na ito?

A. Mabisang gamot sa kanser ang mainit na bakal.


B. Kayang gamutin ang sakit na kanser gamit ang apoy at bakal
C. Ang madugong rebolusyon ang makapapawi ng sakit ng lipunan.
D. Ang apoy at bakal ang magiging hantungan ng mga makasalanan.
49. “Maniniwala ka, at matatandaan mo ako, at sasabihin mong tama ako kapag ang buhok mo ay
kasimputi na ng sa akin.” ayon kay Ginoong Pasta. Ang kahulugan ng pahayag na ito ng Ginoo ay
___________________.

A. Huwag baliwalain ang mga pangaral ng mga magulang.


B. Dapat makinig nang mabuti sa mga paalala ng matatanda.
C. Tumahimik at makinig nang mabuti kapag nagsasalita ang mga
nakatatanda.
D.Kapag nasa tamang edad ka na mauunawaan mo na ang lahat.

50. “Ang nagawa na ay nagawa na. Hindi ako dapat mahulog nang buhay sa kahit kaninuman.”
Ang kahulugan ng nasalungguhitang parirala ay _____________________.

A. Ang nangyari na ay hindi na maibabalik pa.


B. Ang paninindigan ay nasa tama. Pag-isipan ang mga desisyon.
C. Maging responsable sa lahat ng pagkakataon
D. Pagpapanggap na tapos na ang mga gawaing ibinigay sa iyo.
Mga Sagot
1. D 18. B 35. A
2. A 19. C 36. A
3. B 20. A 37. C
4. A 21. A 38. C
5. A 22. A 39. A
6. C 23. B 40. B
7. C 24. C 41. B
8. A 25. C 42. D
9. A 26. D 43. B
10. A 27. C 44. D
11. D 28. B 45. C
12. C 29. C 46. A
13. B 30. A 47. C
14. D 31. B 48. C
15. D 32. C 49. D
16. B 33. B 50. A
17. A 34. C

You might also like