You are on page 1of 90

REGION 02 DEVELOPMENT:

EMPOWERING LEARNERS’
CHARACTER

A Project for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Key Stage 2

CLMD RD ESTELA L. CARIŃO, EdD, CESO IV


Project Proponent Consultant

1
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02(Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

COPYRIGHT PAGE
Assessment Tools in EsP 4-6

Copyright © 2019
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office where the work is created shall be necessary prior to
utilization in part or in whole.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and the
copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and profit.

Consultants:
Regional Director : ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV, DepEd R02
Assistant Regional Director : RHODA T. RAZON, EdD., CESO V, DepEd R02
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD

Development Team
Writers: MARIVIC F. MANUEL, Teacher III, Nabbuan Elementary School, SDO Santiago
: WILFREDA N. GARCIA, Teacher I, Sinsayon Elementary School, SDO Santiago
JOVELYN ACOB, Master Teacher, SDO Isabela
WINEFRED D. NADAL, Master Teacher, SDO Quirino

Content Editor: NOEMI C. SOLIVEN, PhD, EPS-EsP, PSDS, SDO Cagayan

Illustrators: JAY-AR A. ULEP, T-2, Isabela School of Arts and Trades-Main

Layout Artists: MARK RICCI D. MADDARA, T-2, San Antonio National Agro-Industrial and Vocational High
School

Focal Persons: ISAGANI R. DURUIN, Education Program Supervisor, Math/EsP, CLMD, DepEd RO2
RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor, LRMDS, CLMD, DepEd RO2

Printed by: Curriculum and Learning Management Division


DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City

(078) 304-3855 DepEDRO2 Document Code: ED-DepEd


(078) 396-0677 https://region2.deped.gov.ph Rev.: 00
(078) 396-9728 region2@deped.gov.ph As of: 07-02-2018
Project RD ELC

REGION 02 DEVELOPMENT:
EMPOWERING LEARNERS’
CHARACTER

____________
Module in Edukasyon sa Pagpapakatao
Key Stage 2

Focal Person: ISAGANI R. DURUIN, PhD.


Education Program Supervisor, CLMD

Adviser: OCTAVIO V. CABASAG, PhD.


Chief, CLMD

Consultants: ARNULFO M. BALANE, CESO V


OIC, Office of the Assistant Regional Director

ESTELA L. CARIŇO, EdD., CESO IV


Director IV/ Regional Director
I.Rationale

Success in teaching Edukasyon sa Pagpapakatao(EsP) is


directly related to the learners’ ability to apply the values
learned from within the four walls of the classroom to daily
living. This may only be attained through developing an
appropriate instruction which involves a comprehensive
programming with an emphasis on strengthening learners’
character for community and nation building.

However, such instruction becomes successful when program


implementers from the top down to the school setting will work
together and move forward towards a common goal- to labor
together in integrating the Filipino ethical values with the
core values among the learners - MAKADIYOS, MAKAKALIKASAN,
MAKATAO and MAKABANSA.

The Department of Education Regional Office 02 through the


Curriculum and Learning Management Division (CLMD) has
conceptualized a project dubbed as RD ELC which stands for Region
02 Development through Empowering Learners’ Character. This is
in response to Republic Act No. 10533 otherwise known as the
Enhanced Basic Education Act of 2013 which aims to empower
learners behind being productive and responsible citizens
equipped with the essential competencies and skills for both
life-long learning and employment of which Volume 1 of the
project is already utilized in schools across the region
particularly Key Stage 1(Kindergarten to Grade 3)

While recognizing how critical in ensuring a well-rounded


education for the young learners, we further maintain that what
is even more essential is making sure that each learner is
consistently guided to become a loving, honest, and ethical
person. In Region 02, we sustain to work together as a team with
the school program implementers to ensure that learners
experience a physically, emotionally, and spiritually safe
environment with healthy, respectful relationship and positive
life choices. This is the very essence of rolling out this
project to the field.

DepEd Central Office once reminded the program implementers


that while we want to develop learners with knowledge and skills,
we want them to have big hearts as well. Generations nowadays -
as individuals, must grow with balanced minds and hearts. While
we focus on the character of the young generation, we can
actually make hearts bigger. In fact, we can make the mind and
heart co-equal. While we develop learners who are thinking
individuals, we also want to make them as loving persons.

Interestingly, this dream continuously motivates the


Regional Office 02 wanting to mold the learners’ hearts to be
reconciliatory as this ensures progress and development. This
module hopes to provide EsP teachers for Key Stage 2 an
appropriate instruction by integrating the Filipino ethical
values to EsP lessons, to mobilize all Region 02 learners for
nation building through the practical exercise of ethical values
in their daily lives as citizens, and to awaken all young
learners to the power of values and ideals in achieving the
individual and national goals.

Prepared by:

ISAGANI R. DURUIN, PhD.


EPS, CLMD
Contents Noted:

OCTAVIO V. CABASAG, PhD.


Chief, CLMD
ETHICAL VALUES MATRIX
FOR KEY STAGE 2 EsP CLASSES

MONTH ETHICAL VALUES DESCRIPTION


January Pagkamatatag Naiaangkop ang sarili
(Resiliency) sa oras ng
pangangailangan at
nakapaghahanda sa
kalamidad.
February Pagmamahal Naipaparamdam ang
(Love) pagmamahal sa Diyos,
kapwa at lahat ng
kanyang nilikha.

March Pag-asa Naipakikita ang


(Hope) kahalagahan ng
pagbibigay pag-asa sa
iba.

April Pagpapatawad Paglimot at


(Forgiveness) pagpapatawad sa
kamalian ng kapwa.

May Pagkakawanggawa Nakakatulong sa mga


(Charity) nangangailangan.

June Pagpapahalaga sa Naipamamalas ang


Sarili aking kakayahan ng
(Self-Esteem) may tiwala sa sarili
at walang sinasaktan.

July Kalinisan Napapangalagahan ang


(Cleanliness) kalusugan sa
pamamagitan ng
paglilinis sa
kapaligiran.

August Pagkakaisa Pagkakabuklod-buklod


(Unity) ng pamilya sa
pagkain, pagdarasal
at pamamasyal.

September Pagmamalasakit Pagdama sa damdamin


(Empathy) ng iba at
pakikibahagi sa
kanilang
nararamdaman.
October Pagkamagalang Pantay-pantay na
(Respect) pagtingin at
pakikisalamuha sa
iba.

November Pagkamatapat Nagsasabi ng


(Honesty) katotohanan sa mga
magulang at kapwa.
December Pagkamasunurin Nasusunod ang utos ng
(Obedience) Diyos, magulang at
kapwa.
ETHICAL VALUES MATRIX
FOR OFFICES(RO,SDOs,Schools)

MONTH ETHICAL VALUES DESCRIPTION SUGGESTED


ACTIVITIES
January Pagkamatatag Naiaangkop ang 1.Posting the
(Resiliency) sarili sa oras character trait
ng for the month in
pangangailangan conspicuous
at areas(It can be
nakapaghahanda a
sa kalamidad. saying/quotation
February Pagmamahal Naipaparamdam )
(Love) ang pagmamahal
sa Diyos, kapwa 2. Integrating
at lahat ng in messages
kanyang delivered the
nilikha. character trait
for the month
March Pag-asa Naipakikita ang every Monday
(Hope) kahalagahan ng during Flag
pagbibigay pag- Rites and in any
asa sa iba. program or
activity
April Pagpapatawad Paglimot at
(Forgiveness) pagpapatawad sa 3. Giving
kamalian ng recognition to
kapwa. employees
exemplifying the
May Pagkakawanggaw Nakakatulong sa character trait
a mga for the month
(Charity) nangangailangan
. Note: SDOs and
schools may
June Pagpapahalaga Naipamamalas create relevant
sa Sarili ang aking and meaningful
(Self-Esteem) kakayahan ng activities to
may tiwala sa support the
sarili at project.
walang
sinasaktan.

July Kalinisan Napapangalagaha


(Cleanliness) n ang kalusugan
sa pamamagitan
ng paglilinis
sa kapaligiran.
August Pagkakaisa Pagkakabuklod-
(Unity) buklod ng
pamilya sa
pagkain,
pagdarasal at
pamamasyal.

Septembe Pagmamalasakit Pagdama sa


r (Empathy) damdamin ng iba
at pakikibahagi
sa kanilang
nararamdaman.

October Pagkamagalang Pantay-pantay


(Respect) na pagtingin at
pakikisalamuha
sa iba.

November Pagkamatapat Nagsasabi ng


(Honesty) katotohanan sa
mga magulang at
kapwa.
December Pagkamasunurin Nasusunod ang
(Obedience) utos ng Diyos,
magulang at
kapwa.
MARIVIC F. MANUEL NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS-EsP
Writer / Author Editor

1
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4-6
PAGKAMATATAG

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa
kaligtasan kung may kalamidad. (ESP5PPP-IIIc-26)

Paksa/Pagpapahalaga
Pagkamatatag

Mga Kagamitan
ICT Resources, Manila Papers, Marker, Masking Tape, Glue, gunting at
tsarts

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras:
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang ating bansa ay madalas nakararanas ng iba’t ibang uri ng


kalamidad tulad ng bagyo, baha, pagguho ng lupa, sunog at marami pang iba.
Dahil dito dapat nating pagmalasakitan ang ating kapaligiran kung kayat dapat
maging responsable ang bawat isa sa pangangalaga nito.

Sa makatuwid, bawat pamilya ay nakararanas ng mga kalamidad na ito.


Para mapaghandaan ang ano mang mapinsalang kapahamakan sa pamilya,
sa kapwa at pagkakasira ng mga ari-arian, pag-aralan natin ang mga
pangunahing kaalaman para sa ating kaligtasan.

Mahalagang samahan ng katatagan ng loob upang maging ligtas sa


anumang sakunang darating.

2
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

Alamin natin ang mga paalaala para sa kaligtasan sa mga sumusunod na


sakuna.

PAGHAHANDA SA KALAMIDAD
(google.com)

PAGHAHANDA PARA SA BAGYO

BAGO DUMATING ANG BAGYO


Bago pa man dumating ang bagyo at may panahon pa, mahalagang
magsagawa ng nararapat na paghahanda:
1. Mag-imbak na pagkain at malinis na tubig.
2. Maghanda ng mga ilawan at radyong de baterya.
3. Makinig sa radyo o manood sa telebisyon tungkol sa weather updates.
4. Suriin ang bahay at kumpunihin ang mga mahihinang bahagi nito.
5. Maghanda ng mga pagkaing hindi nangangailangang lutuin.
6. Ilikas ang mga hayop sa ligtas na lugar.
7. Anihin ang mga pananim na maaari nang anihin.
8. Para sa mga mangingisda, ilikas ang mga bangka sa ligtas na lugar.
9. Kung ang inyong lugar ay bahain o malapit sa dagat, maghanda ng mga
dapat dalhin kung kinakailangang lumikas (damit, mga pagkaing matagal
masira, first aid kit, kandila/gasera o flashlight, radyong de baterya, lubid
at iba pa).

HABANG MAY BAGYO


1. Manatili sa loob ng bahay.
2. Makinig ng radyo o manood ng telebisyon upang malaman ang
pinakabagong impormasyon ukol sa bagyo.
3. Pakuluan ang inuming tubig ng dalawampung minuto o higit pa. Tipunin
ito sa mga lalagyang may takip.
4. Ingatan ang mga kandila o gaserang may sindi.
5. Huwag lumusong sa tubig baha upang maiwasan ang mga sakit na dala
nito o ang mga aksidenteng tulad ng pagakakuryente.
6. Kung kinakailangang lumikas, lumikas nang mahinahon; isara ang mga
bintana; at ibaba ang main switch ng kuryente.
7. Ilagay sa mataas na lugar ang mga mahahalagang bagay gaya ng
appliances, kama at iba pa.
8. Iwasan ang daan patungo sa ilog.
3
PAGKATAPOS NG BAGYO
1. Kung napinsala ang bahay, tiyaking matibay pa ito bago pumasok.
2. Mag-ingat sa mga mapanganib na hayop gaya ng ahas na maaaring
nakapasok sa loob ng bahay.
3. Tiyaking walang buhay na kable o outlet na nakababad sa tubig.
4. Ipaalam sa mga kinauukulan kung may mga natumbang poste ng kuryente
o mga napatid na kable.
5. Itapon ang mga naipong tubig sa mga gulong, lata, o paso upang hindi
pamahayan ng lamok.

PAGHAHANDA PARA SA PAGBAHA

PAGHAHANDA BAGO BUMAHA


1. Alamin ang mga babala tungkol sa pagbaha at tiyaking alam ito ng buong
pamilya. Makinig araw-araw sa ulat ng panahon.
2. Kung apektado sa pagtaas ng tubig sanhi ng high tide, sikaping magkaroon
ng kalendaryo tungkol sa high tide at low tide.
3. Lagyan ng matibay na suporta ang haligi ng bahay.
4. Mag-imbak ng malinis na tubig.
5. Maglaan ng pagkaing delata o iyong hindi madaling mapanis, lalo na kung
tag-ulan; magtabi ng flashlight, ekstrang baterya, posporo at kandila sa
lugar na madaling hanapin kahit na madilim.
6. Isaayos ang mga kagamitan upang hindi abutin ng baha.
7. Maglaan ng isang lugar na maaaring lipatan kung kinakailangang lisanin
ang tahanan.
8. Ibaba ang main switch ng kuryente. Kung kinakailangang lumikas, isara
ang lahat ng mga pinto at bintana.
9. Kumain lamang ng mga pagkaing niluto nang mabuti at takpan ang mga
natirang pagkain.
10. Huwag maglaro o maligo sa tubig-baha upang maiwasan ang sakit na
maaaring maidulot nito gaya ng alipunga, galis, at leptospirosis ganundin
ang aksidente tulad ng pagkakuryente, pagkahulog sa imburnal o
pagkalunod.
11. Mag-ingat sa mga tulay o daang lubog sa tubig-baha.
12. Iwasan ang hindi kinakailangang pagbabasa at paglabas-labas ng bahay.

PAGKATAPOS NG BAHA
1. Sa pagbalik sa mga tahanan, gumamit ng flashlight kung walang ilaw.
Iwasan ang paggamit ng gasera o kandila dahil maaaring magdulot ito ng
sunog.
2. Ipagbigay-alam ang mga putol na kawad ng kuryente o telepono sa tamang
ahensiya. Huwag paandarin ang main switch ng kuryente o gamit na de-
kuryente kung ito ay nabasa. Ipatingin ang mga ito sa isang electrician bago
gamitin.
4
PAGHAHANDA PARA SA LINDOL

BAGO PA MAN LUMINDOL


Sa Bahay:
1. Siguraduhing nakakabit sa dingding ang mga mabibigat na kasangkapan
tulad ng aparador at refrigerator.
2. Ayusin ang mga bahagi ng bahay na inaanay.
3. Kung maaari, ang mga bubungan at kisame ay gawa sa mga magagaang
materyales.
4. Palaging ihanda ang mga kagamitang pang-emergency tulad ng flashlight,
kandila, posporo, first aid kit at iba pa.
5. Alamin kung paano ang pagbigay ng pangunang lunas (first aid).
6. Alamin ang kinalalagyan ng main switch ng kuryente.
7. Huwag maglagay ng mabibigat na bagay sa mataas na lugar. Hikayatin ang
pamunuan ng paaralan na magkaroon ng programang nagbibigay-alam sa
pag-iwas sa mga sakunang maaaring idulot ng lindol sa paaralan tulad ng
earthquake drill.

HABANG LUMILINDOL
1. Huwag mag-panic.
2. Kung ikaw ay nasa loob ng bahay o gusali, huwag nang lumabas pa.
Protektahan ang sarili muna sa mga naglalaglagang bagay sa
pamamagitan ng pagtago sa mesa o istrukturang tulad nito. Lumayo sa
bintanang may salamin.
3. Kung nasa labas, manatili dito. Magtungo sa bahaging ligtas sa sakunang
maaaring idulot ng naglalaglagang kawad ng kuryente, nabubuwal na puno
at gumuguhong pader.
4. Huwag magsindi kung may sumisingaw na tangke ng gas.
5. Gumamit ng hagdan kaysa elevator.
6. Kung nasa loob ng sasakyan, iwasang dumaan sa mga flyover o tulay.
Ihinto ang sasakyan sa kalyeng ligtas sa anumang natutumbang struktura
at manatili sa loob ng sasakyan habang naghihintay ng tulong.
7. Kung ikaw ay nasa lugar na malapit sa dagat, lumikas agad sa mataas na
lugar upang maka-iwas sa tsunaming maaaring idulot ng lindol.
8. Kung nasa loob ng mataong gusali tulad ng sinehan, huwag mag-unahang
lumabas. Huwag mag-panic at umiwas sa mga naglalaglagang bagay.

PAGKATAPOS NG LINDOL
1. Inspeksyunin ang sarili at ang mga kasama. Isagawa ang pangunang lunas
kung kinakailangan.
2. Suriin ang linya ng kuryente, tubig at gas. Isara agad ito kung napansing
may sira ang linya. Magsuot ng sapatos, bota, at iba pang bagay na
maaaring maging pamprotekta sa paa. Maaaring ang iyong daraanan ay
maraming bubog o basag na bagay na maaaring makasugat.
5
3. Mag-ingat sa mga kawad ng kuryente. Ipagbigay-alam sa mga awtoridad
ang pagkawala ng inyong linya ng kuryente.
4. Umiwas sa tabi ng dagat. Maaaring dumating ang tsunami kahit natapos
na ang pagyanig.
5. Gamitin ang telepono para sa emergency lamang.
6. Maging handa para sa mga panghuling pagyanig o aftershocks. Umiwas
sa mga napinsalang gusali sapagkat sa anumang oras ay maaari itong
gumuho.
7. Sundin ang planong pang-emergency ng inyong pamunuan.
8. Kung nais lisanin ang lugar, mag-iwan ng mensahe patungkol sa inyong
patutunguhan. Magdala ng mga kagamitang pang-emergency.

PAGHAHANDA PARA SA SUNOG

PAGSUGPO SA SUNOG HABANG MALIIT PA LANG ANG APOY/SUNOG


1. Huwag magpanic, maging listo at mahinahon.
2. Kapag ang sunog ay nag-uumpisa pa lamang, patayin agad ang apoy
habang hindi pa ito kumakalat. Tumawag agad ng bumbero habang hindi
pa lumalaki ang apoy.
3. Alamin kung saan-saang lugar ng bahay maaaring lumabas at tumakas
mula sa sunog.
4. Huwag tumalon sa matataas na gusali maliban na lamang kung wala nang
ibang paraan sa paglabas. Maghintay ng mga bumbero.
5. Kung may oras pa upang maglabas ng mga mabibigat na gamit, humingi
ng tulog sa mga kapitbahay upang ang mga gamit ay mailagay sa isang
ligtas na lugar. Iwasang ilagay ang mga gamit sa gitna ng kalye upang hindi
ito makaabala sa trapiko at sa rumirespondeng bumbero.
6. Kapag ang sunog ay nagmumula sa kuryente, patayin ang main switch ng
kuryente bago patayin ang apoy.

HABANG LUMALAKI NA ANG SUNOG


1. Buhusan ng tubig ang nasusunog na kahoy, tela o papel (class A fire)
subalit kung ito ay sanhi ng gasoline, langis o petrolyo, takpan ito ng
basang basahan o sabuyan ito ng buhangin. Huwag gagamit ng tubig sa
pagsugpo sa apoy dulot ng mga ito sapagkat mas lalo lamang kakalat ang
apoy (Class B Fire).
2. Kung ang sunog naman ay sanhi ng sirang kable ng kuryente o short circuit,
patayin ang main switch ng kuryente. Huwag din itong bubuhusan ng tubig
sapagkat maaari kang makuryente (Class C fire).
3. Kapag ang apoy ay masyado nang malaki, palabasin ang mga tao sa loob
ng bahay. Siguruhing lahat ng kasambahay ay nasa labas. Kung may
naiwan sa loob, humingi ng tulong sa bumbero o sa rescue team.
4. Huwag subukang bumalik sa loob ng bahay o gusali nang mag-isa.
6
5. Huwag nang subukang patayin ang apoy sa isang silid na kung saan ang
usok ay makapal na. Ang usok ay maaaring makamatay.
6. Dumapa at gumapang papalabas ng silid kung ito ay puno na ng usok.
7. Ilabas ang lahat ng mga bagay na maaaring sumabog, patayin ang
kuryente at alisin ang lahat ng mga gas o likidong nakakasunog.
8. Huwag nang babalikan ang mga kagamitan sa loob nang nasusunog na
gusali. Di hamak na mas mahalaga ang iyong buhay kaysa mga ito.

PAGKATAPOS NG SUNOG
1. Magpagamot kaagad kung ikaw ay may sunog sa katawan o nakalanghap
ng maraming usok. Maaaring ang inaakalang maliit na sunog sa balat o
paglanghap sa usok ay nakamamatay.
2. Anuman ang sanhi ng sunog, malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng
fire extinguisher upang maiwasan ang pagkalat ng apoy at pagkakaroon ng
malaking sunog. Siguraduhin lamang na alam mo ang wastong paggamit
nito.

I. Pagganyak
Panoorin ang isang video clip
Terrific Natural Disasters Compilation
https://www.youtube.com/watch?v=-QQ-_T5lB_w

II. Pagpapalawig
a. Anong mga kalamidad ang nasa video clip?
b. Nakaranas ka na ba ng sakuna o kalamidad? Ano ang iyong ginawa?
c. Ano ang dapat tandaan upang mapanatili ang kaligtasan?
d. Bakit kinakailangang bigyan ng sapat at wastong kaalaman ang bawat
tao tungkol sa kaligtasan?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

I. PAGPAPANGKAT
Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Talakayin ang bawat sitwasyon
pagkatapos ay iulat sa klase.
Pangkat I – Masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan sa
sektor ng tahanan.
Pangkat II – Mga paghahandang ginagawa para sa kaligtasan ng mga
mag-aaral para sa sektor ng paaralan.

7
Pangkat III – Mga paalala at panoorin na ibinabahagi ng sektor ng
pamayanan.
Pangkat IV – Mga alituntuning ipinatutupad tungkol sa pag-iingat sa
sunog at paalala kung may kalamidad para sa kaligtasan
at kaayusan sa buong bansa.
II. PUNAN ANG GRAPHIC ORGANIZER
Panuto: Punan ang bawat graphic organizer ng mga paalala para sa
kaligtasan kung may kalamidad. Iulat sa klase.
Pangkat I – Sunog Pangkat II – Lindol
Pangkat III – Baha Pangkat IV – Bagyo

Habang maliit pa Habang lumalaki Pagkatapos ng


ang sunog ang sunog sunog

Bago ang lindol Habang kasalukuyan Pagkatapos ng


ang lindol lindol

8
Bago ang baha Habang may baha Pagkatapos ng baha

Bago ang bagyo Habang may bagyo Pagkatapos ng bagyo

9
ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Sipiin at sagutan sa kuwaderno ang tsart ng kinakailangang datos.


Pag- aralan ang halimbawa.

Mga Paalala Mga Dapat Gawin


1. Huwag maglaro ng posporo o lighter Itabi ang mga posporo o lighter sa ligtas
na lugar.
2. Magtabi ng mga emergency supplies
katulad ng flashlihgt, radyong de-
baterya at iba pa.
3. Kung walang kuryente, tanggalin ang
lahat ng mga nakasaksak na
appliances.
4. Maging alerto, magmasid sa
nangyayari sa paligid at makinig ng
balita.
5. Magkaroon ng plano ang bawat
pamilya kung saan lalabas kung
magkasunog.
6. Maging alerto sa mga amoy at usok
sa bahay.
7. I-displey ang emergency number na
maaaring tawagan.
8. Alamin ang main switch ng inyong
tubig, gaas, at elektrisidad upang
maisara kung sakaling may
emergency.
9. Tiyaking may nakaimbak na
emergency supplies tulad ng tubig at
pagkain.
10. Pag-aralan ang plano ng pamilya.

Ipoproseso ng guro ang mga sagot

10
TANDAAN

Ang ating bansa ay madalas nakararanas ng malalakas na bagyo at


malawakang pagbaha. Sa mga panahong ito, kaligtasan ng miyembro ng
pamilya ang tinutumbok ng pamahalaan. Bawat pamilya, lalong-lalo na ang
mga nasa mabababang lugar ay ibayong pag-aagap at paghahanda ang
pangunahing sandata para sa lubos na kaligtasan.

Ang pangunahing paghahanda na napag-aralan tungo sa kaligtasan ay


nagpatibay ng katatagan ng isang mag-aaral sa panahon ng kalamidad.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng dula-dulaan tungkol sa mga dapat gawin kung may


kalamidad ayon sa mga paalalang napag-aralan

Mga Tauhan: Miyembro ng pamilya: ama, ina, mga anak at mga kapitbahay.

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Isulat sa journal ang mga maaari mong maibahagi upang


mapangalagaan ang iyong sarili at ibang tao kung may
sakuna/kalamidad na darating.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________.

11
MARIVIC F. MANUEL NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS-EsP
Writer / Author Editor

12
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4-6
PAGMAMAHAL
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag kung paanong ang pagmamahal sa Diyos ay
nagpapakita ng pasasalamat sa Kanya.
2. Naisasaalang-alang ang kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang
pamayanan.

Paksa/Pagpapahalaga
Pagmamahal sa Diyos at Kapwa (ESP4PD-IVa-c-10) (ESP5PD-IVa-d-14)
(ESP6PD-Iva-i-16)

Mga Kagamitan
Larawan, Manila Paper, Marker, Masking Tape at gunting

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras
Isang Linggong Aralin (2 0ras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang tao ay nangangailangan ng masasandalan at mahihingan ng tulong


sa panahong nakararanas ng kagipitan. Nariyan ang pamilya, mga kaibigan,
at kasamahan upang tumugon dito.
“Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa akin.” Isa
ito sa sampung utos ng Diyos na gumagabay sa atin.
Ang pagmamahal natin sa Diyos ay naipakikita natin sa iba’t ibang
paraan tulad ng pagsisimba tuwing Linggo at araw ng pangilin, paggalang sa
ating mga magulang, pagsunod sa utos ng nakatatanda at pagkakaroon ng
malasakit sa kapwa.
Ang pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang pinagkakaloob niya
sa atin ay hindi dapat puro pasalita lang. Dapat nating ibahagi ang mga ito sa
ating kapwa lalong-lalo na sa mga nangangailangan.
Hindi natin ito dapat sarilinin bagkos gamitin natin ito upang mapasaya
at matulungan ang iba. “Kung anuman ang ginawa mo sa kapwa mo ay
ginawa mo na sa akin”, katagang binigkas ni Hesus noong siya ay nanahan
sa atin.

13
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

I. Paghawan ng Balakid
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kilos na ipakikita ng guro.
A. Pagmamahal sa Diyos
B. Pagmamahal sa Kapwa

II. Pagganyak
Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa Diyos? Sa kapwa tao?

Ipakita ang mga larawan.


Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan at tukuyin ang ipinakikita ng
mga ito.

14
III. Pagpapalawig
a. Ano ang masasabi mo sa mga larawan?
b. Ano ang mga inilarawan ng mga ito?
c. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa Diyos, pamilya at
kapwa?
d. Bilang mag-aaral, sapat na ba ang mga ito upang maipakita mo na
mahal mo ang Diyos? ang iyong kapwa? Bakit?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.


Panuto: Tukuyin kung ano ang dapat ninyong gawin sa mga sumusunod na
sitwasyon. Itala rin ang dahilan kung bakit ninyo ito gagawin. Iulat sa
klase.

Pangkat 1:
Napanood mo sa telebisyon na maraming napinsala at nasaktan sa
nakaraang Lindol sa Zambales.

Gagawin: _________________________________________________________

Dahilan: __________________________________________________________

Pangkat 2:
Nakita mo ang isang matanda na naglalakad na may mga karga, siya ay
tatawid sa kalsada.

Gagawin: _________________________________________________________

Dahilan: __________________________________________________________

15
Pangkat 3:
Ang kapitbahay ninyo ay nasunugan ng bahay. Wala silang naisalbang
gamit at wala ring matutulugan.

Gagawin: __________________________________________________

Dahilan: ____________________________________________________

Pangkat 4:
Nagkaroon ng malakas na bagyo at marami ang nawalan ng tahanan, isang
pamilya ang pumunta sa inyong bahay dahil nasalanta sila.

Gagawin: __________________________________________________

Dahilan: ____________________________________________________

16
ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Basahin ang mga nakatalang katangian sa unang hanay. Lagyan ng ✓ )


tsek ( ) ang angkop na hanay. Maging matapat sa pagsagot. Isulat
sa kwaderno ang iyong kasagutan.

HINDI
MGA KATANGIAN AKO ITO
AKO ITO
1. Palaging pumupunta sa lugar ng panalanginan.
2. Sinusunod ang paniniwala ng kinaaanibang relihiyon.
3. Mapagbigay sa mga kapatid.
4. Nagbibigay ng tulong sa nasalanta ng bagyo.
5. Nakikipag-usap ng maayos sa kapwa bata at
nakatatanda.
6. Hindi pinagtatawanan ang kamaliang nagawa ng
kaklase.
7. Iniiwasan ang mga bagay na hindi naayon sa gawain
sa paaralan.
8. Iginagalang ang mga guro at mga magulang.
9. Nagpapasalamat sa Diyos sa mga araw-araw na
biyayang dumarating.
10. Nakapagbibigay ng tulong sa iba sa abot ng
makakaya.

TANDAAN
Anumang relihiyon ang ating kinabibilangan, dapat nating tandaan na
mahalagang magmahalan. Mahirap man o mayaman, kaaway o kaibigan, at
kakilala o estranghero man.
Ang pagtulong sa kapwa gaano man kaliit ay tanda ng pagmamahal sa
ating Diyos na lumikha. Kaya ano mang bagay na binigay niya dapat nating
ipamahagi sa iba.

17
ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Lagyan ng tsek ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay


nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos, mga magulang at kapwa at
malungkot na mukha naman kung hindi.

1. Nagpupunta sa pook dalanginan upang


magpasalamat sa mga biyaya ng Diyos.
2. Ibigay sa kapwa ang mga sira-sirang gamit para
iparamdam na sila’y mahirap.
3. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain upang
ipakita lamang sa iba.
4. Ang pagsunod sa mga magulang ay tanda ng
pagmamahal sa Diyos.
5. Matutong magsakripisyo para sa mga
nangangailangan.
6. Pagtawanan ang mga nakikitang pulubi sa
lansangan.
7. Pagtulong sa iba na may hinihintay na kapalit

8. Pagsasalita ng mahinahon kung nakikipag-usap

9. Hindi pinapansin ang ang mga taong humihingi ng


tulong

10. Paggawa ng masigla kung inuutusan ng magulang

Ipoproseso ng guro ang sagot ng mga bata sa bawat aytem.

18
SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Pangkatin ang mga bata.


Panuto: Ipakita ng pagmamahal sa Diyos, kapwa at sa lahat ng kanyang nilikha
sa pamamagitan ng mga sumusunod.

Pangkat 1- Paggawa ng Poster


Pangkat 2- Paggawa ng Slogan
Pangkat 3- Dula-dulaan
Pangkat 3- Jingle

19
MARIVIC F. MANUEL NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS-EsP
Writer / Author Editor

20
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4-6
PAG-ASA

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang
mga biyaya sa pamamagitan ng pagpapakita at pagpapadama ng
kahalagahan ng pagbibigay pag-asa sa iba. (ESP4PD-IVa-c-10)
(ESP5PD-IVe-i-14) (ESP6PD-IVa-i-16)

Paksa/Pagpapahalaga
Pag-asa

Mga Kagamitan
ICT Resources, Larawan, Manila Papers, Pentel Pen, Gunting, Glue,
Tasrt, Masking Tape.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, tayong lahat ay


may pananagutan sa isat- isa”, yan ang ayon sa awiting Pananagutan. Lahat
tayo ay may kakayanang tumulong sa nangangailangan, lalo na sa mga
nawawalan ng pag-asa. Kung kayat ang pagkakaroon ng pag-asa ay repleksyon
ng ating pagmamahal sa Diyos. Kapag tayo’y umaasam, tayo’y nagtitiwala na
matutupad ang ating mga ninanais. May mga panahon ding nawawalan tayo ng
pag-asa lalo na kung nakararanas tayo ng mga kalamidad o kaya naman ay
nagkakasakit tayo. Sa ganitong pagkakataon kailangan nating maging matatag
at huwag mawawalan ng pag-asa upang maging inspirasyon tayo ng iba.

Paano natin gagawin ito?

21
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

I. Panimulang Gawain
Panuto: Paano mo mabibigayn ng pag-asa ang pamilyang nasa larawan.
Isulat sa kahon ang iyong kasagutan.

II. Pagganyak
Panoorin ang video clip (Paper Boat)
https://www.youtube.com/watch?v=6dZ7b7Bimrc

III. Pagpapalawig
a. Sinu-sino ang mga tauhan sa napanood nating video clip?
b. Anu-anong katangian ang masasabi niyo sa kanila?
c. Kung ikaw ang tauhan sa video ano naman ang iyong gagawin?
Tutularan mo ba siya? Bakit?

22
ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grupo.


Panuto: Pag-aralan ang nasa larawan. Paano niyo bibigyang pag-asa ang mga
sumusunod:
LARAWAN PARAAN NG PAGBIBIGAY PAG-ASA
Pangkat 1

Pangkat 2

Pangkat 3

23
Pangkat 4

ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng isang graphic organizer. Punan ng mga nais mong gawin
upang pasayahin at bigyan ng pag-asa ang mga taong
nangangailangan. Ibahagi ito sa klase.

Mga Plano upang


makatulong sa
mga taong
nangangailangan

TANDAAN
Lahat ng tao ay nangangailangan, mayaman man ito o mahirap. Ang
mahihirap ay hindi lang humihingi ng tulong kundi may kakayahan ding
nakapagbigay din ng tulong sa ibang tao, gayundin ang mga mayayaman. Mga
halimbawa ito na nakapagbibigay ng pag-asa ang bawat isa.

24
Ang pagbibigay pag-asa sa iba di lang sa mga kaibigan at kakilala ay isang
napakahalagang katangian. Paraan ito ng pagpapakita ng ating pagmamahal sa
Panginoon nating Diyos at nabibigyan sila ng isa pang pagkakataon upang muling
maging masaya at magkaroon ng panibagong buhay.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na salaysay.


_________ 1. Ang iyong kaibigan ay huminto sa pag-aaral dahil sa kahirapan
ng buhay. Sinabi mo ito sa magulang mo upang matulungan
siya.
_________ 2. May kaklase kang may kapansanan na laging tinutukso ng
iyong mga kamag-aral, hinayaan mo lang silang kutyain siya
dahil ito ang nararapat.
_________ 3. May sakit na Cancer ang Nanay ng iyong kamag-aral. Kung
kayat nagpasya kang dalawin ito.
_________ 4. Upang gumaan ang kalooban ng iyong kaibigang namatay ang
kanyang Tatay, sinamahan mo siyang uminom ng alak.
_________ 5. Nakita mo ang isa mong kamag-aral na nag-iisa tuwing recess
time at hindi makabili ng merienda dahil wala siyang baon,
kaya tinawag mo siya upang sumabay sa iyo upang ilibre mo
siya.

Ipoproseso ng guro ang sagot sa bawat aytem.

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Mamili kung ano ang maaari
mong gawin:
A. Poster C. Tula
B. Slogan D. Awit
Ang mag-aaral na nasa ika-anim na baitang ay nangalap ng pagkain,
damit, mga groceries para sa nasalanta ng bagyo. Nagpunta sila sa evacuation
center upang maibigay ang kanilang tulong sa mga biktima. Naramdaman nila
ang pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng susunod na
pagdalaw sa mga ito.

25
WILFREDA N. GARCIA NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS – EsP
Writer/Author Editor

26
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4 - 6
PAGPAPATAWAD

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Maisabubuhay ang positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa
Diyos at sa kapwa. (ESP6PD-IVa-i-167)

Paksa/Pagpapahalaga
Pagpapatawad

Mga Kagamitan
ICT Resources, Manila Paper, Marker, Masking Tape, Cardboard,
Gunting, Sobre at bola

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA
(30 minuto)

Ang pagpapatawad ay paglimot sa kasalanang nagawa ng isang tao sa


iyo. Masasabing ikaw ay nakapagpatawad na kung wala ka ng hinanakit sa kaniya
at hindi ka na humihingi pa ng anumang kabayaran sa kanyang pagkakasala sa
iyo.
Ang pagpapatawad ay nakagagaan ng iyong kalooban. Kung ikaw ay
marunong magpatawad, magkakaroon ka ng mas masaya at positibong ugali sa
mga taong nakapaligid sa iyo at ganun din sila sa iyo.
Nais ng Diyos na magpatawaran tayo sa isa’t isa gaya ng pagpapatawad
Niya sa atin. (Ephesians 4:32) Tayo ay dapat matutong humingi ng tawad at
magpatawad.
Paano mo maipakikita na mahal mo ang Diyos? Sa mga pagkakataong
may nagagawang malaking pagkakamali sa iyo ang iyong kapwa pinatatawad mo
ba sila? Gaano nga ba kahalaga ang pagpapatawad? Alamin sa araling ito.

27
ALAMIN NATIN
30 minuto

I. Paghawan ng balakid
Ipaliliwanag ng guro ang ibig sabihin ng mga sumusunod na salita.
Alipin – tagapag-silbi o manggagawang maaring utusan
Kahabagan – pagbibigay awa
Pagpapatawad – paglimot sa kasalanan
Utang – ano mang bagay na hiniram na kailangang bayaran o ibalik

II. Pagganyak
Panoorin ang video clip: The Unforgiving Servant
https://www.youtube.com/watch?v=XvTk34qUMv4

III. Pagpapalawig
a. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
b. Ano ang nais gawin ng hari sa aliping nagkautang sa kanya?
c. Bakit nagbago ang isip ng hari?
d. Paano itrinato ng alipin ang kapwa niya aliping nakautang din sa kanya
matapos siyang kahabagan ng hari?
e. Ano ang ginawa ng hari matapos niyang malaman ang ginawa ng
unang alipin sa kapwa niya alipin?
f. Kaninong ugali ang gusto mong tularan? Bakit?
g. Naranasan mo na ba ang magpatawad ng taong nagkasala sa iyo?
Ano ang iyong pakiramdam? Ibahagi ang iyong karanasan.

ISAGAWA NATIN
30 minuto

Panuto: Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Ipakita kung ano ang wastong
gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon sa pamamagitan ng
pagsasadula.

1. Narinig mong nagsasabi ng hindi maganda tungkol sayo ang


iyong kaklase.

2. Naglalaro kayo ng iyong mga kaklase nang bigla kang naitulak ng


isa mong kaklase kaya ikaw ay napaupo at pinagtawanan ng iyong
mga kamag-aral.

28
3. Hiniram ng iyong kaibigan ang paborito mong aklat at hindi niya ito
sinasadyang matapunan ng iniinom niyang juice.

4. Inaya kang maglaro ng iyong mga kaibigan at hindi mo namalayan


ang oras kaya ginabi ka na nang uwi. Alam mong pagagalitan ka
ng iyong mga magulang.

Lubhang kasiya-siya Kasiya-siya Hindi kasiya-siya


Kraytirya
5 4 3
Maraming linya ang
May iilang linyang
nakalimutan at di
Sauladong-saulado ang nakalimutan ngunit
Kasanayan gaanoong
mga linyang binitawan nakasasabay pa rin
nakasasabay sa
sa usapan
takbo ng usapan
Madamdaming- Kulang sa
Madamdamin ang
madamdamin ang damdamin ang
Tono ng boses paglalahad ngunit
paglalahad at malakas paglalahad at
mahina ang boses
ang boses mahina ang boses
Makahulugang- Hindi gaanong Kulang na kulang
Ekspresyon makahulugan ang nabigyan ng ang pagbibigay
ng muka pagpapakita ng kahulugan ang kahulugan sa
damdamin damdamin damdamin
Hindi gaanong Hindi
Makatotohanan at
makatotohanan at makatotohanan at
kapanipaniwala ang
Pagkakaganap kapani-paniwala ang kapani-paniwala ang
pagkakaganap ng mga
ng tauhan pagkakaganap ng pagkakaganap mula
tauhan mula sa
mga tauhan mula sa sa pananalita at
pananalita at galaw
pananalita at galaw galaw
Kabuuang Iskor = 20

29
ISAPUSO NATIN
30 minuto

Panuto: Ang pagpapatawad at paghingi ng tawad ay isang paraan na nagpapakita


ng pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa. Gumuhit sa Film strips ng
iba pang gawain na nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa Diyos.

TANDAAN
Ang sabi ng Panginoon, “Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang
kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa
kalangitan.” (Mateo 6:14-15 ADB)
Nais ng Diyos na tayo ay matutong humingi ng tawad kung tayo ay
nagkamali at matuto rin tayong magpatawad sa mga taong nagkasala sa atin
sapagkat ang Diyos ay mapagpatawad sa ating mga pagkakamali gaano man
ito kaliit o kalaki. Sa pamamagitan nito ay naipakikita natin ang ating
pagmamahal sa ating kapwa at sa ating Panginoon.

ISABUHAY
NATIN

Mahalaga na tayo ay matutong humingi ng tawad at magpatawad dahil ito ang


nais ng Diyos. Sa iyong journal ay sumulat ng iyong sariling karanasan sa
pagpapatawad. Gamiting gabay ang mga sitwasyon na nasa kahon sa susunod na
pahina.

1. Ginamit mo ang paboritong tsinelas ng iyong kapatid nang hindi


nakapagpaalam. Sa paglalaro ninyong magkakaibigan ay napigtas ito. Ano
kaya ang mararamdaman ng iyong kapatid? Paano mo ito ihihingi ng tawad
sa kanya?
2. Lagi kang niloloko at inaasar ng iyong kaklase. Humingi siya sa iyo ng tawad
ngunit inuulit pa rin na ang pang aasar sa iyo. Ano ang mararamdaman mo
at paano mo maipakikita ang pagpapatawad sa kanya kahit paulit ulit ang
kanyang ginagawa sa iyo?

30
SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Ano ang iyong pakiramdam kung may nakasakit sa iyo? Magagalit,


maiinis at iinit ang iyong ulo at kung minsan ay nakagagawa tayo ng hindi
maganda dahil sa ating galit. Kung ikaw ay makakahawak ng isang maiinit na
bagay, hahawakan mo ba ito nang matagal? Syempre hindi! Bibitawan mo ito
kaagad upang di ka masaktan. Ganun din kapag may nakasakit sa atin
kailangan nating magpatawad agad upang mapanatag tayo at maiwaksi sa
ating puso at kaisipan ang mga negatibong bagay na maaari nating magawa
laban sa ating kapwa. Sa gawaing ito ay matutunan natin ang kahalagahan ng
pagpapatawad.

Laro: “PATAWAD”
Sa larong ito, ang bola ay ang mga negatibong kaisipang dulot ng galit
kung may taong nakasakit sa atin at kailangan natin itong iwaksi kaagad. Bubuo
ang mga mag-aaral ng isang malaking bilog. Habang nagpapatugtog ang guro
ng awit, ipapasa ng mga bata ang bola. Kapag tumigil ang tugtog, kung kanino
nahinto ang bola ay kailangan niyang hawakan ito hanggang masabi ng mga
kamag-aral na nasa bilog ang “patawad.”
Ang batang may hawak ng bola ay sasagot ng “pinatatawad ko na kayo”
saka niya ipapasa ang bola sa katabi. Siya ay matatanggal na sa laro.
Magpapatuloy ang laro hanggang isa nalang ang matira sa bilog
*Kung marami ang bilang ng mag-aaral maaaring hatiin ng guro sa tatlo
hanggang limang pangkat ang klase.

31
WILFREDA N. GARCIA NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS – EsP
Writer/Author Editor

32
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO G4-6
PAGKAKAWANGGAWA
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos may buhay
at mga material na bagay. (ESP4PD-IVa-c-10)

Paksa/Pagpapahalaga
Pagkakawanggawa

Mga Kagamitan
Larawan, Manila Papers, Pentel Pen, Masking Tape, at krayola.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Biyaya ng Diyos ang lahat nang nakikita natin sa ating paligid may
buhay man o wala. Bilang nilalang ng Diyos ay tungkulin nating
pahalagahan at palaguin ang lahat ng Kanyang nilikha.
Ang ating buhay ay biyaya pa rin ng Diyos sa atin kaya naman
inaasahan Niyang gagamitin natin ito sa Kanyang kaluwalhatian sa
pamamagitan ng pagpapahalaga natin sa lahat ng kanyang nilikha kasama
dito ang kapaligiran, mga hayop, ang ating mga sarili at kapwa.
Ang pagbibigay ng tulong nang kusang loob nang walang hinihinging
kapalit, pagkalinga sa mga hayop at pagpapahalaga sa kapaligiran ay
tanda ng paggalang sa Panginoon na Siyang Lumikha.
Sa araling ito matututunan mo kung paano mo maipakikita ang
pagmamahal mo sa iyong sarili, kapwa at sa mga nilalang ng Diyos tulad
ng mga hayop at mga halaman.

33
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

I. Pagganyak
Suriin ang larawan.

II. Pagpapalawig
Sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Ano-ano ang mga nasa larawan?
b. Mahalaga ba ang mga ito? Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga
sa kanila? Pangatwiranan.
c. Dapat mo bang mahalin at ingatan ang mga nilikha ng Diyos? Bakit?

34
ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Panuto: Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bawat pangkat ay


magpapakita sa klase kung paano igalang at pahalagahan ang mga
nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng drama, awit, slogan, o poster. Ito
ay batay sa mabubunot ng pangkat. Magsagawa ng pagpaplano,
paghahanda at pag-eensayo sa loob ng labing limang minuto at ipakita
ang palabas o pag-uulat sa loob lamang ng tatlong minuto.

Pagpapahalaga
1. Pangkat Mahal 2. Pangkat 3. Pangkat Biyaya 4. Pangkat Likha
(Drama) Kapuwa (Awit) (Slogan) (Poster)
mga hayop lalo
mga may
mga biktima ng na sa mga Kalikasan
kapansanan at
kalamidad endangered (Likas na Yaman)
may sakit
species

ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

A. Panuto: Gumuhit ng puso. Isulat o iguhit sa kanang bahagi ang mga tao o
bagay na iyong pinahahalagahan. Sa kabilang bahagi naman ay
isulat kung paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa mga
nasa kanang bahagi.

35
B. Panuto: Gawin sa iyong journal
1. Gumawa ng isang panalangin ng pasasalamat sa Diyos para sa mga
biyayang kaloob Niya sa iyo.
2. Sumulat ng iyong pangako sa pag-aalaga sa mga biyayang ipinagkaloob
sa iyo ng Diyos.

Panalangin
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
______________________.

Pangako
Ako si ____________________ ay nangangakong aalagaan ko ang
__________________________________________________________
__________________________________________________________
____________________.

TANDAAN
Ang pagkalinga sa mga hayop, paggamit nang tama sa mga likas na
yaman, at pagdamay o pagtulong sa ating kapwa sa panahong sila ay nawawalan
na pag-asa dahil sa kahirapan at pagdurusa ay tanda ng ating pagmamahal sa
Diyos dahil siya ang lumikha ng lahat.
Ang pagkakawanggawa ay kusang-loob na pagtulong sa mga
nangangailangan ng hindi humihingi ng anumang kapalit. Nais ng Diyos na tayo
ay tumulong sa ating kapwa nang taos-puso o walang halong pagkukunwari.
(Mateo 6:1-2)

36
ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Punan ng sagot ang graphic organizer tungkol sa mga paraan upang
maipakita ang pagpapahalaga at pag-aalaga sa mga nilikha ng Diyos.

LIKAS NA
YAMAN
_________
_________

SARILI Paraan upang


KAPWA-
_________ maipakita ang TAO
_________ pagpapahalag _________
______ a at pag- _________
aalaga sa:

HAYOP
_________
_________
______

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

A. Panuto: Iguhit ang puso kung ang sitwasyon o pangungusap ay


nagpapakita ng pagpapahalaga sa likha ng Diyos at malungkot na mukha
☹ kung hindi.
_____1. Ako ay naliligo araw-araw upang mapanatili kong malinis ang
aking sarili.
_____2. Tinutulungan namin ang aming guro sa pagtatanim ng mga
halaman sa aming Gulayan sa Paaralan.
_____3. Ibinabahagi ko sa aking pamilya at kaibigan ang aking kaalaman
tungkol sa wastong pangangalaga ng mga hayop at mga
halaman.
_____4. Napagkatuwaan naming magpipinsan na gulatin ang mga
natutulog na mga tarsier noong namasyal kami sa zoo.
_____5. Maingat kong ginagamit ang aming mga kagamitan sa paaralan.

37
B. Panuto: Bilang tagapangalaga ng mga likha ng Diyos, ano ang iyong
gagawin sa mga sumusund na sitwasyon at isulat kung bakit mo ito gagawin.
1. Napansin mo na natatanggal na ang isang piraso ng kahoy sa bahaging
sandalan ng upuan ng iyong kaklase.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Nakita mong itinapon ng iyong kaklase ang kanyang basura sa sahig ng


inyong silid-aralan.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Binabato ng iyong kapatid ang hayop na ligaw na nakikita niya sa daan.


___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. May inilunsad na kawanggawa ang inyong Punong Barangay. Ito ay ang


pagdadamo at paglilinis sa inyong lugar.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

5. Binibigyan ka ng tsokolate ng iyong kaklase ngunit alam mong masama


sa iyo ang matatamis na pagkain.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

38
WILFREDA N. GARCIA NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS – EsP
Writer/Author Editor

39
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4-6
PAGPAPAHALAGA SA SARILI
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng
pamilya ng anumang babasahin, napakikinggan at napapanood.

Paksa/Pagpapahalaga
Pagpapahalaga sa Sarili

Mga Kagamitan
Larawan, Manila Papers, Marker, Masking Tape.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang paglalang ng Diyos sa tao ay katangi-tangi sapagkat sa lahat nang


kanyang nilikha tayo lamang ang may mapanuring pag-iisip. Binigyan tayo ng
Diyos ng kakayahan na malaman kung ang mga impormasyon o mga bagay na
ating nakukuha ay makabubuti sa atin o makasasama. Mayroon din tayong
kakayahan na masuri ang katotohanan ng mga impormasyon na ating nakakalap
bago natin ito ibahagi sa iba.
Maliban sa pisikal na pag-aalaga, ang pagiging mapanuri ay isang paraan
din upang mapahalagahan natin ang ating mga sarili. Nakaiiwas tayo at ang ating
pamilya sa mga bagay na maaaring magdulot sa atin ng kapahamakan.
Bibigyang diin natin sa araling ito ang pagiging mapanuri sa anumang
babasahin, napapanood at napakikinggan upang higit na maging
kapakipakinabang na miyembro ng komunidad.

40
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

Suriin ang mga larawan.

Talakayin at sagutin sa klase:


1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?
2. Nakapanood, nakabasa o nakapakinig ka na rin ba ng balita?
3. Pinaniniwalaan mo ba ang lahat ng naririnig o nababasa mo?
4. Paano mo pinahahalagahan ang iyong mga narinig o nabasa?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Suriing mabuti ang mga pangyayari o sitwasyon upang maiwasan ang


dulot nitong kapahamakan. Basahin ang kwento. Pansinin kung paano naging
mapanuri si Marco upang makaiwas sa kapahamakan.

41
Huwag agad Maniniwala!
Isinulat ni: Wilfreda N. Garcia
Nakatayo si Marco sa labas ng kanilang paaralan nang may
humintong sasakyan sa kanyang harapan. “Ikaw ba si Marco?”
tanong ng lalaking nagmamaneho ng van.
“Ay, opo ako nga po. Bakit po?” ang tanong ni Marco sa kausap.
“Gusto mo bang sumama sa aking mamasyal at maglaro sa
plaza?” alok ng lalaki.
Nagtaka si Marco sapagkat hindi niya kilala ang kausap at
ngayon lamang niya ito nakita. Naalala niya ang malimit na paalala
ng kanyang ina sa kanya na huwag siyang sasama sa taong hindi
niya kilala.
“Salamat po pero susunduin po ako ni Tatay.” Sagot ni Marco.
“Ang totoo niyan ay naaksidente ang tatay mo kanina kaya
tinawagan ako nang Nanay mo upang sunduin ka.” Muling tugon ng
lalaki.
“Naku! Baka nagkakamali po kayo dahil kausap ko lang po si
Nanay sa cellphone kanina at ang sabi niya ay papunta na po sila
dito ni Tatay.” Sagot ni Marco saka siya dali-daling tumakbo papasok
muli sa paaralan. Naalala niya kasi ang kanilang napag-aralan
kanina sa klase ni Bb. Gomez na maging mapanuri sa mga balitang
naririnig. Mahalagang malaman muna kung ito ay totoo bago
paniwalaan.
Pagbalik sa loob ng paaralan ay agad niyang tinawagan ang Ina.
“Anak malapit na kami ng tatay mo. Hintayin mo na lamang kami sa
labas ng inyong silid-aralan” narinig na bungad ng ina sa kabilang
linya. Kaya nawala ang pag-kaba ni Marco. Ilang sandali lang ang
lumipas ay nakita na niya ang ama na papasok ng gate.
Patakbo niyang sinalubong ang ama at niyakap nang mahigpit.
Habang sila ay pauwi ikinuwento ni Marco ang nangyari. “Tama ang
ginawa mo anak. Hindi ka dapat basta basta sumasama sa kahit
kanino lalo na kung hindi mo kilala dahil sa panahon natin ngayon
ay marami na ang mga manloloko” saad ng ama ni Marco.
“At mabuti rin anak na hindi ka kaagad naniwala sa sinabi ng
lalaki kaya dapat ay mas maging maingat ka sa mga nakakausap
mo at maging mapanuri ka sa kanilang sinasabi.” Dagdag pa ng ina
sabay yakap sa anak.

42
Talakayin at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Tama ba ang naging aksiyon ni Marco? Ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay, ano kaya ang nangyari kay Marco kung hindi siya naging
mapanuri?
3. Kung ikaw ang naharap sa ganitong sitwasyon, ano ang gagawin mo?
Ipaliwanag.

ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Anong mga kaalaman ang nakukuha mo sa mga nasa larawan? Isulat ang
iyong mga sagot sa bawat patlang.

Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa apat. Bawat pangkat ay


bubuo ng maikling pagsasadula kung paano nila maipakikita ang mapanuring
pag-iisip sa mga impormasyong naisulat sa graphic organizer at kung paano
nila mapahahalagahan ang mga impormasyong ito. Magsagawa ng
pagpaplano, paghahanda at pag eensayo ang mga mag-aaral sa loob ng labing
limang minuto at ipakita ang palabas sa loob lamang ng tatlong minuto.

43
TANDAAN
Napalalawak ang kaalaman ng isang batang tulad mo sa pamamagitan ng
pagbabasa ng mga aklat, pakikinig sa radyo at panonood ng mga makabuluhang
mga programa sa telebisyon, social media, at cell phone.
Maging mapanuri sa katotohanan ng mga nababasa at napakikinggan
upang maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng maling impormasyon sa
ating sarili at sa ating pamilya.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Lagyan ng tsek kung naisasagawa mo ang mga bagay na kaugnay sa


pagpapahalaga sa iyong sarili.

Paminsan-
Madalas Hindi Mga Gawain
minsan
1. Ginagamit ko sa pang-araw-araw ang
mga makabuluhang impormasyong
aking nabasa, napanood o
napakinggan.
2. Pagkain ng mga junk foods at pag-inom
ng soft drinks na iniindorso ng aking
mga idolo.
3. Ginagamit ko ang internet hanggang
madaling araw upang makakuha ng
impormasyon.
4. Sinusuri kong Mabuti ang mga
impormasyong aking nakukuha sa
social media.
5. Nagtatanong ako sa ibang tao tungkol sa
mga impormasyong aking napapanood
o napakikinggan kung hindi ko
nauunawaan.
6. Pagkalap sa iba’t ibang sanggunian ng
mga impormasyon sa tuwing
pinagagawa ka ng pag-uulat sa klase.

44
7. Mas gustong manood ng mga telenobela
kaysa sa panonood ng balita
8. Pagbabasa ng diyaryo upang malaman
ang mga pangyayari sa loob at labas ng
bansa
9. Nagbabasa ng aklat at magasin na
nakadaragdag sa iyong kaalaman at
kakayahan
10. Pakikinig sa mga programa sa radyo na
nagtuturo ng paggawa ng
makabuluhang bagay.

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Ang mga nababasa at napapanood sa mga social media ay may


malaking impluwensiya sa mga batang tulad mo.
Mamili ng isang patalastas na iyong napapanood sa telebisyon. Suriin
ito at sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa mensaheng nais nitong ipabatid.
Gawin ito sa inyong Journal.

45
WINEFRED D. NADAL NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS – EsP
Writer/Author Editor

46
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5-6
KALINISAN

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakalalahok sa pagganap sa pagpapatupad ng mga batas para sa
kabutihan ng lahat. 1.1 Kalinisan (ESP5PPP-IIIg-30)
2. Nasusuri nang mabuti ang mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari. (ESP6PKP-Ia-i-37)

Paksa/Pagpapahalaga
Kalinisan

Mga Kagamitan
Larawan, Tsart, Manila Papers, Markers, Wordstrips, at Masking Tape.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Kalikasan at kapaligiran, ano ang sumasagi o pumapasok sa inyong isipan


sa tuwing nababanggit ang mga salitang ito? Dahil ako kapag ito’y aking naririnig
ang sumasagi sa isipan ko ay kalat, polusyon, at baha. Paano kaya natin
mapapanatili ang kagandahan, kaayusan at kalinisan ng ating kapaligiran hanga’t
hindi pa huli ang lahat? Alam mo ba kung ano anong maaaring dulot nito sa ating
sarili at sa ating paligid kung hindi tayo marunong mangalaga?
Dapat nating Tandaan:
“Ang kalinisan at kaayusan ng ating katawan at paligid ay nakatutulong
upang tayo’y maging ligtas sa kapahamakan.”

47
ALAMIN NATIN
(30 minutes)

I. Paghawan ng Balakid
Panuto: Piliin sa kahon ang mga salitang tumutugon sa mga pahayag sa
ibaba.

Republic Act Philippine Air Act of Leptospirosis


No.9003 1999
Climate Change Global Warming Ozone Layer
Depletion

a. Dulot ng ihi ng daga na sumasama sa tubig at pumapasok sa mata,


bibig, at bukas na sugat na maaari nating ikamatay.
____________________________.
b. Ito’y batas na ipinatutupad upang hadlangan ang alinmang polusyon
ng hangin. ____________________________.
c. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa mga
pribado at pampublikong lugar. ____________________.
d. Pagtaas ng temperature ng mundo. _______________________
e. Pagbabago ng klima ng isang lugar. _______________________.
f. Kalagayan ng ating ozone layer na maaaring makasama sa ating
balat, mga halaman at hayop.

II. Pagganyak

48
Pagmasdan mo ang larawan. Ano ang ginagawa ng bata? Bakit
kailangan niyang magwalis sa kanilang paligid?
Sa modyul na ito magkakaroon ka ng kaalaman tungkol sa
pagpapatupad ng mga batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan, at
kapayapaan sa ating kapaligiran.

Pag-aralan Mo
30 minuto

PHILIPPINE AIR ACT OF 1999


Karapatan ng bawat mamamayan ang lumanghap ng malinis at
sariwang hangin, kaya’t isinabatas ang Philippine Air Act of 1999. Mahigpit na
ipinatutupad ng batas na ito ang mga sumusunod. (Module Grade 4)
1. Hadlangan ang alinmang polusyon ng hangin mula sa:
a. Usok sa sasakyan at pabrika;
b. Gas na nagpapatindi ng init sa sanlibutan na tinatawag na greenhouse
gases,
c. Hazardous substances na nakasisira sa kalusugan; at
d. Infectious and medical waste na galing sa mga pagamutan.
2. Magkaroon ng taunang pagmomonitor sa kalidad ng hanging nilalanghap.
3. Paglalathala taon-taon sa mga uri ng nakalalasong kemikal.
4. Pagkakaroon ng pag-aaral sa masamang epekto at lawak ng polusyon sa
bansa.
5. Pagbabawal sa pagsisiga ng medical at nakalalasong basura.
6. Pangangasiwaan ng Department of Environment and Natural Resources
(DENR) ang pagpapatupad ng batas na ito.

May kaakibat na tungkulin ang karapatang lumanghap ng malinis at


libreng hangin kaya’t laging magmasid at gampanan ang tungkulin.

PELIGRONG DULOT NG GLOBAL WARMING (Google.com)


Napatunayan na ng mga siyentipiko na nag-uugat ng maraming delubyo
sa climate change o global warming na nagbubunsod ng greehouse effect.
Kinakailangan na solusyunan ng sangkatauhan ang polusyon na bumabalot sa
buong mundo. Napakalaki ng epekto ng polusyon sa kalikasan, kabilang na
ang pagkakalat ng sakit ng maruming hangin, ng maruming tubig at ang pagsira
nito sa atmospera. Iyan ang global warming, ang pagtaas ng temperature dahil
halos wala nang sumasala sa init ng araw na tumatama sa ating daigdig.

49
NAGLALAHONG OZONE
Ang ating planeta ay pinaliliguan ng walang tigil na ulan ng sinag ng
araw. Bagaman ang karamihan ng sinag na ito ay kapaki-pakinabang,
nagdadala ng init at liwanang sa ating daigdig, ang maliit na porsiyento nito ay
lubhang nakamamatay. Ito ang tinatawag na ultraviolet-B, o UV-B. Nakatutuwa
naman, ang ating planeta ay idinisenyo na may isang “payong” na
nagsasanggalang sa atin mula sa mga sinag na ito, isang payong na tinatawag
na ozone layer. Nakakalungkot sabihin, sinisira ng tao ang payong na iyon.

Ang Ozone ay natural na nagyayari sa stratosphere, sinasagap ang


mapanganib na sinag ng UV-B samatalang hinahayaang lumagos ang
kinakailangan at ligtas na liwanag. Ang mga siyentipiko ay naghinala na ang
mga CFC, o mga chlorofluorocarbon ay mga gas na sumisira sa Ozone. At,
ang mga ito ay nasa lahat ng dako. Ang mga ito ay ginagamit upang gumawa
ng lahat ng uri ng mga produktong plastic na may foam, mula sa insulasyon
hanggang sa mga tasa at mga sisidlan na gamit sa fast-food. Ang mga ito ay
ginagamit bilang mga propellant sa mga lata ng nag-iisprey, bilang mga coolant
sa mga air conditioner at mga refrigerator, at mga solvent upang linisin ang
mga kagamitang elektroniko.

REPUBLIC ACT NO.9003 (ECOLOGICAL SOLID WASTE MANANGEMENT


ACT OF 2000)
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtapon ng basura sa mga pribado at
pampublikong lugar. Ang sinumang lumabag ay magmumulta ng hindi bababa
sa 300 piso ngunit hindi lalagpas sa 1,000 piso o magsasagawa ng community
service ng ilang araw ngunit hindi lalagpas sa 15 araw.
Tapon dito, Tapon doon! Saan ba ang tungo ng mga basurang ito? Hindi ba
napakabigat na suliranin ang dulot nito?
Naranasan mo na bang maglaro sa gitna ng malakas na ulan?
Napakasaya di ba? Ngunit alam mo ba ang masamang dulot ng maruming tubig
dala ng pagbaha? May epekto ba ito sa ating kalusugan? Kung malinis ang
kapaligiran, maiiwasan ang mga sakit. Kapag bumaha, maraming sakit sa balat
ang maaari nating makuha tulad ng pigsa, galis, alipunga, eksema at iba pa.
Kung ang lugar ay ginawang bahay ng mga daga, ang ihi ng mga ito kapag
sumama sa tubig at pumasok sa mata, bibig, at bukas na sugat ay magdudulot
ng leptospirosis na maaari nating ikamatay.
Ngayong naunawaan mo na ang ating kalagayan, may magagawa ka ba
upang makatulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?
Bata ka pa, ika mo? Sa iyo nga dapat simulan ang paghikayat upang
mapangalagaan ang ating kapaligiran.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong
sagutan.

50
1. Ano ang sakit na dulot ng ihi ng daga na sumasama sa tubig at
pumapasok sa mata, bibig, at bukas na sugat na maaaring ikamatay ng
tao?
2. Ano ang sanhi ng pagtaas ng temperature ng mundo?
3. Bakit kailangang iwasan ang polusyon?
4. Ano ang dahilan ng mga suliranin sa kalinisan ng ating kapaligiran?
5. Paano mapananatili ang kalinisan nito?

ISAGAWA NATIN
30 minuto

1. Pangkatang Gawain: Pangkatin sa apat ang klase at sundin ang


ibibigay na gawain.
Talakayin ang inyong sagot sa klase. Maaari kang magsaliksik sa
internet, mga aklat, at mga babasahin upang makapagbigay ng
makabuluhang sagot.

Gawain 1. Itala ang mga magagawa niyo upang mapanatiling malinis


ang kapaligiran at maging malusog at masigla ang mga tao? Ilagay sa
mga kahon ang sagot.

Iguhit ang larawan ng masasayang tao

Gawain 2. Magbigay ng mga paraan upang masunod nang mabuti ang


mga batas na may kinalaman sa kalinisan.

Republic Act No.9003


_________________________________
_________________________________

Philippine Air Act of 1999


_________________________________
_________________________________

51
Gawain 3. Itala ang maaari niyong gawin upang mapanatili ang kalinisan
sa sarili at sa kapaligiran. Gawin ito sa iyong kuwarderno.
Ang Aking Kalendaryo sa Pangangalaga sa aking Sarili at sa aking
Kapaligiran
Araw Mungkahing Gagawin sa Mungkahing Gagawin sa
Sarili Kapaligiran
Linggo
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado

Gawain 4. Gumawa ng poster tungkol sa Kalinisan ng kapaligiran.

ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang “Pangako sa Pagpapanatili
ng Kalinisan sa sarili at sa Kapaligiran. Huwag kalimutang lagdaan
ito. Gawin ito sa sagutang papel.

Ako si _____________________________. Nangangako na


________________ araw-araw upang maging malinis ang katawan.
Pananatilihin kong malinis ang aking __________________ upang makaiwas
sa sakit. Magiging mapanuri rin ako sa aking _________. Iiwasan ko ang
_________, ______________, at _____________ ako sa mga gawaing
pangkalinisan at pangkalusugan.
________________

TANDAAN
Ang kalinisan ay kayamanan. Ang kalinisan ng katawan at kapaligiran ay
napakahalagang salik upang maiwasan ang mga sakit. Karapatan mong
lumanghap ng malinis na hangin ngunit may pananagutan kang pangalagaang
manatili ang kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran. Ang pagkakaisa ng mga
mamamayan ay kailangan upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran na
nagbubunga ng malusog na pamayanan.

52
ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng listahan ng mga gawain sa araw-araw upang mapanatili


ang kaayusan at kalinisan ng katawan at kapaligiran.

Oras ng Paggawa Gawain

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

1. Mag-interbyu sa mga opisyales ng barangay.


2. Ano anong mga programa ang kanilang isinasagawa upang
mapanatiling malinis ang barangay at maiwasan ang mga sakit at
peligrong dulot ng global warming? Ibahagi ito sa klase.

53
WINEFRED D. NADAL NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS – EsP
Writer/Author Editor

54
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4-6
PAGKAKAISA

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng
gawain.
(ESP5PKP-If-32)

Paksa/Pagpapahalaga
Pagkakaisa

Mga Kagamitan
ICT Resources, Larawan, Manila Papers, Masking Tape.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras: Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang pagkakaisa ay ang pagtitipon-tipon ng malaking bilang ng tao o ang


pagkakaintindihan ng mamamayan sa isang bayan. Masasabi mo kung may
pagkakaisa sa isang grupo o lugar kung silang lahat ay nagkakaintindihan,
nagmamahalan, nagbibigayan, nagtutulungan at rumerespeto sa bawat isa,
katulad ng isang pamilya.
Ang pagkakabuklod ng pamilya ay simbolo ng pagiging masaya. Ang
pamilya ang kanlungan ng bawat isa. Natututunan nating magbigay at
makipagtulungan sa mga responsibilidad kung tayo’y may pagkakaisa.
Sa araling ito ay mas lalong mapag-iibayo ang pagpapahalaga sa
pagkakaisa at pagkabuklod-buklod tungo sa matiwasay at mapagkalingang
pamilya.

55
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

I. Paghawan ng Balakid
Gamitin ng guro sa pangungusap ang mga sumusunod na salita at tukuyin
ng mag-aaral ang kahulugan nito.
tungkulin respeto pagkakaisa

II. Pagganyak
Ano anong tungkulin ang ginagampanan ninyo sa bahay?
Panoorin ang isang video clip
(Pagkakaisa ng Pamilya 2)
https://www.youtube.com/watch?t=64s&v=V4ybZTIZ5jw

III. Pagpapalawig
a. Tungkol saan ang video?
b. Ano ano ang masasabi niyo sa kanilang pamilya?
c. Ano anong mga gawain ang kanilang pinagsasaluhan?
d. Ginagawa din ba ng inyong pamilya ang mga ito? Bakit mahalaga ang
pagkakaisa sa pamilya?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Gawain 1 Basahin ang mga sumusunod na salawikain. Ipaliwanag kung ano


ang ipinahihiwatig nito. Ibahagi ito sa klase.

Kaya Matibay ang Walis Anuman ang tibay ng Abaca, ay


Palibhasa’y Nabibigkis wala ring lakas kapag nag-iisa

Gawin 2 Pangkatin ang klase sa apat. Ipagawa ang mga gawain.


(Activity sheets Grade 5)
Unang Pangkat – silid-aralan
Pangalawang Pangkat – tahanan
Pangatlong Pangkat – pamayanan
Pang-apat na pangkat – simbahan

56
ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Isulat sa loob ng puso ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagtatapos


ng gawain.

TANDAAN
Ang pagkakaisa at pagkakabuklod ng pamilya ay mahalaga upang
mas maunawan at maisakatuparan ang mga tungkulin ng bawat miyembro.
Ang pagkakaisa ay lubhang napakahalaga dahil ito ang nagiging
daan tungo sa pagkakaisa upang maisakatuparan ang isang gawain.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng kahalagahan ng pakikiisa sa


pagtatapos ng gawain

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng talaan ng mga gawaing kaya mong isakatuparan para


maipakita ang pakikiisa sa pagtatapos ng gawain.

57
WINEFRED D. NADAL NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS – EsP
Writer/Author Editor

58
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4-6
PAGMAMALASAKIT
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Naisasabuhay ang pagiging bukas –palad sa
a. mga nangangailangan.
b. panahon ng kalamidad (ESP4P-IIe-20) (ESP5P-IIa-22)

Paksa/Pagpapahalaga
Pagmamalasakit

Empowerment
Integrasyon sa lahat ng aralin

Nakalaang Oras
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Nabubuhay ang tao hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa
kaniyang kapwa. Likas sa ating mga Pilipino ang pagmamalasakit sa kapwa. Sa
kahit anong panahon, saan mang lugar at kahit sa mga simpleng bagay ay
naipapadama natin ito.
Sa paanong paraan pa tayo puwedeng magkawanggawa? Alamin sa araling
ito.

ALAMIN NATIN
(30 minuto)

I. Pagganyak
Naranasan na ba ninyong tumulong sa mga biktima ng kalamidad? Sa
papaanong paraan kayo nakatulong? Ano ang inyong pakiramdam ng kayo ay
nakatulong sa kapuwa?
Panoorin ang isang balita tungkol sa lindol na naganap sa Pampangga.
https://news.abs-cbn.com/video/news/04/23/19/5-patay-higit-60-sugatan-
sa-lindol-sa-pampanga
59
II. Pagpapalawig
a. Saan naganap ang kalakasan ng lindol?
b. Batay sa balita, ilan ang naging biktima ng lindol?
c. Sino sino ang mga nagtutulungan sa panahong iyon?
d. Paano nila ipinakita ang pagmamalasakit sa kapwa?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Pangkatang Gawain. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.

Pangkat I
Isulat sa sobre ang mga naramdaman ninyo habang pinapanood ang
pangyayari.
Itala ang maaari ninyong gawin para maipakita ang pagmamalasakit sa
kanila.

Pangkat II
Bumuo ng plano kung paano makakatulong sa kanila. Isulat sa mga
kahon.
______________________________
______________________________
____________________________

Ang aking plano


upang makatulong
sa kanila

______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
____________________________ ____________________________

60
Pangkat III
Sa inyong palagay, ano anong mga ahensiya ng pamahalaan ang
tumutulong sa mga biktima ng kalamidad at mga kapos-palad? Punan
ang graphic organizer.

_____________________

Mga ahensiya ng
Pamahalaang
_____________________ tumutulong sa _____________________
kalamidad at mga
kapospalad

_____________________

Pangkat IV
Masdan ang mga larawan. Pumili ng isa at magkuwento kung paano
maipakikita ang pagmamalasakit sa mga biktima ng kalamidad at kapos
palad. Gamitin ang inyong mga papel sa inyong pagsusulat.

61
ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagbibigay ka ng tulong sa iyong


kapuwa? Isulat sa loob ng puso ang iyong sagot.

__________________________________
__________________________________
________________________

TANDAAN
Ang pagmamalasakit sa kapwa sa panahon ng kalamidad ay maipapakita
sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong gaya ng tulong pinansyal, pagkain,
matitirhang pansamantala, pagpapaayos ng tirahan.

62
ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Punan ang puso ng mga gawaing maaari ninyong gawin upang
maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa.

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

SITWASYON: “Sa panahon ng kalamidad” ipakita mo ang pagmamalasakit


sa iyong kapwa sa pamamagitan ng paggawa ng:
a. Poster b. Slogan

63
JOVELYN G. ACOB NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS-EsP
Writer/Author Editor

64
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4-6
PAGKAMAGALANG

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa oras ng pamamahinga, kapag
may nag-aaral at kapag mayroong maysakit. (EsP4P-IIf-i-21) (EsP6P-IId-
i-31)

Paksa/Pagpapahalaga
Pagkamagalang

Mga Kagamitan
Activity card, kuwaderno, kartolina, pangkulay, pangguhit

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras
Isang Linggonng Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang mga Pilipino ay kilalang-kilala sa pagkamagalang. Nirerespeto natin


hindi lamang ang mga nakatatanda kundi ganoon na rin sa ating mga kapwa.
Nararapat na bigyan natin ng respeto ang mga taong namamahinga o
may mga karamdaman upang magkaroon sila ng sapat na panahon upang
magpalakas.
Ang pakikinig sa tuwing may nagsasalita ay isa ring paraan ng
paggalang. Sa pamamagitan nito ay naipaparamdam natin na mahalaga ang
kanilang opinyon.
Kahit sa simpleng pamamaraan, ang paggalang sa Gawain ng iba ay
maaari pa ring maipakita.
Ang pagpapanatili sa kaayusan at kalinisan ng pasilidad ay isang hamon
din ito sa bawat isa.

65
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

I. Paghawan ng Balakid
Ikikilos ng mga mag-aaral ang mga sitwasyong babanggitin ng guro.
• Tumatawa ng malakas • Masayang kuwentuhan
• Patakbo-takbo • Mahinahong paglalakad
• Maingat na pagsasalita

Alamin ang damdamin ng mga mag-aaral sa kanilang ginawa o iniaksyon.

II. Pagganyak
Paano ninyo ipinapakita ang respeto o paggalang sa mga pagkakataon na
nagpapahinga ang isang tao lalo na kung siya ay may sakit?

Basahin ang kuwento.

Salamat sa Paggalang
Si Tiya Juling ay isang guro sa Mababang paaralan ng Mamboc. Sa
pag-uwi niya sa hapon, bitbit niya ang maraming aklat na babasahin.
Iniaabot siya ng hatinggabi sa paghahanda ng mga kagamitang panturona
gagamitin niya kinabukasan.
Tuwing Sabado, nakaugalian na ni Tiya Juling na maglaba ng
kanyang mga damit sa umaga. Pagdating naman ng hapon, natutulog siya
at nagpapahinga. Kakaiba ang araw na ito ng Sabado. Hindi naglaba si
Tiya Juling. Nasa loob lamang siya ng kanyang silid at nakahiga sa
kanyang kama. Nang araw na iyon, bisita namin sa bahay ang aking mga
pinsan. Masaya ang lahat. May ilan pa na tumatawa nang malakas at
patakbo-takbo hanggang sa loob ng silid ni Tiya Juling.
Kinausap ko ang aking mga pinsan. “Maari ba ninyong hinaan ang
inyong boses dahil nagpapahinga si Tiya Juling sa kaniyang silid? Iwasan
din muna ninyong pumunta sa kaniyang silid upang hindi siya maabala,”
ang sabi ko sa kanila. “Sige, Raul,” ang pagsang-ayong sagot ng aking
mga pinsan. Itinuloy naming ang masayang kuwentuhan subalit naging
maingat kami na maistorbo si Tiya Juling.
Pagdating ng hapon, lumabas na ng kaniyang silid si Tiya Juling.
“Nandito pala kayong magpipinsan. Mabuti na lang at nakapagpahinga ako
ng mabuti. Nawala na ang sakit ng aking ulo. Maya-maya ay maari ko nang
simulan ang aking paglalaba,” ang sabi ni tiya Juling.
Ngumiti ako sa aking narinig. Mabuti na lang at hindi naming
nagambala si Tiya Juling sa kanyang pagpapahinga kanina.

Pinagmulan: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5

66
III. Pagpapalawig
a. Anong sitwasyon sa kuwento ang nagpapakita ng pagmamalasakit ni Raul sa
kaniyang Tiya Juling?
b. Sang-ayon kaba sa ginawa ni Raul? Pangatwiranan?
c. Magtala ng mga dahilan kung bakit kailangang igalang ang mga taong:
• nagpapahinga
• may sakit
d. Ibahagi sa iyong kamag-aral ang mga karanasang nagpapakita ng paggalang
sa mga taong nagpapahinga at may sakit.

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo.


Panuto: Maghanda sa isang pagtatanghal o pagbabahagi.
Pangkat 1 – Gumawa ng isang sabayang pagbigkas na nagpapakita ng paggalang o
pagpapahalaga sa mga taong lansangan na nagpapahinga sa daan o
kalye.
Pangkat 2 – Sa pamamagitan ng sayaw, ipakita ang paggalang sa taong gustong
mapag-isa upang magmuni, magdasal o makiisa sa kaniyang Diyos.
Pangkat 3 – Ipakita sa pamamagitan ng awit ang paggalang sa mga alagang hayop
na nangangailangan din ng paggalang sa kanilang pamamahinga lalo na
kung ang mga ito ay may sakit.

Suriin ang pagtatanghal batay sa rubric na nasa ibaba.


Pamantayan 3 2 1
Nilalaman Naipakita ang lahat ng Naipakita ang Hindi naipakita
pagpapahalaga na pagpapahalaga ang nararapat
kinakailangang ngunit hindi sapat ang na
palabasin. ideya ng palabas pagpapahalaga.
Partisipasyon Lahat ng kasapi ay May 1-2 na kasapi May 3 o higit pa
nakilahok sa pagbuo ng ang hindi nakibahagi na kasapi na
konsepto at sa sa pagbuo ng hindi nakilahok
pagtatanghal. pagtatanghal. sa Gawain ng
pangkat.
Kaangkupan Angkop lahat ang Medyo angkop ang Hindi angkop sa
ginagawa ng pangkat ginawa ng pangkat sa sitwasyon ang
sa sitwasyon at naayon sitwasyon na ginawa ng
sa mga nakatalagang nakatalaga pangkat.
Gawain.

67
ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Isulat sa kaliwang bahagi ng paruparo ang salita o bagay na sumasailalim sa


karapatan o pangangailangan ng taong nagpapahinga at sa kanang bahagi, isulat
kung ano ang paggalang na dapat ibigay sa taong may sakit.

TANDAAN
Ang paggalang sa kapuwa-tao ay natutuhan natin mula sa pagkabata.
Ito ay isang hakbang sa pagkakamit ng isang mapayapang pamayanan.
Kapag iginagalang ng lahat ang kaniyang kapuwa tiyak walang magkakagalit
dahil nirerespeto ang karapatang pantao. Isang karapatan ng tao ang
pagpapahinga (Right to Rest) ayon sa Listahan ng Human Rights (UNESCO-
Article 24).
Ang paggalang at pagtrato na nais nating gawin sa atin ng ibang tao
ay napakahalaga. Sabi nga, kung ano ang nais mong gawin sa iyo ay siya
ring gagawin mo sa iyong kapuwa-tao. Ito ay hindi lamang naipakikita sa salita
kundi pati sa kilos at gawa.
Sa panahon na ang isang tao ay may sakit, nangangailangan siya ng
tahimik na paligid. Kaya ang iyong mga kilos ay kinakailangang maayos at
marahan.
Matuto tayong magbigay-halaga sa pangangailangan ng ating kapuwa.
Igalang natin ang kanilang oras ng pagpapahinga.

68
ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo.


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Ilagay sa manila paper at iulat sa klase.
Pangkat 1 – Naglalakad kayo sa kalye. Sa madilim na bahagi ng daan, nakita
ninyo ang isang batang marungis na natutulog sa malamig na
semento gamit ang isang karton. Ano ang dapat ninyong gawin
upang hindi maabala ang kaniyang pamamahinga?
Pangkat 2 – Namamasyal kayo sa isang lugar na maraming puno. Napansin ninyo
sa itaas ng puno ang isang ibon na nakalimlim sa kaniyang pugad.
Ano ang inyong gagawin?
Pangkat 3 – Naiwan ninyo sa loob ng silid-tulugan ng inyong magulang ang baon
mo sa pagpasok sa eskwelahan. Ang inyong Nanay na may sakit
ay natutulog sa silid ano ang inyong gagawin?

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay naranasan mo nang gawin at ekis (x) kung
ito ay hindi pa naranasang gawin. Gawin ito sa iyong kwaderno.
_____ 1. Tahimik na nag-aalay ng panalangin sa kaibigang may sakit
_____ 2. Maingat na isinasara ang pinto kapag may natutulog.
_____ 3. Tumigil sa paglalaro at pag-iingay kapag may nagpapahinga.
_____ 4. Pinagsabihan ang mga kamag-aral o kaibigan na huwag maingay
dahil natutulog ang nakababatang kapatid.
_____ 5. Inaaliw ang mga may sakit nang hindi inaabala ang kanilang
pagpapahinga.
_____ 6. Iniiwasan ang pamamasyal sa bahay ng kaibigan sa oras ng kanilang
pamamahinga.
_____ 7. Hinihintay na matapos ang pagpapahinga ng kapatid bago
magpatugtog ng paboritong maiingay na musika.
_____ 8. Tahimik na hinihintay ang kaibigan sa labas ng kanilang simbahan
para makipaglaro.
_____ 9. Iniiwasan ang pangungulit sa taong maysakit.
_____ 10. Hindi ginigising ang magulang na nagpapahinga at may sakit upang
sagutin ang tawag sa telepono.

1 hanggang 3 ang tsek - Sikaping gawin ang iba pang paggalang


4 hanggang 7 ang tsek - Pagbutihin pa ang iyong paggalang
8 pataas ang tsek - Hinahangaan kita! Ipagpatuloy ang PAGGALANG
sa kapuwa.

69
JOVELYN G. ACOB NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS-EsP
Writer/Author Editor

70
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4-6
PAGKAMATAPAT

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa kalooban gaya ng
pagkuha ng pag-aari ng iba, pangongopya sa oras ng pagsusulit at
pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng pamilya, at iba pa (EsP5PPP-IIIe-
28) (EsP5PKP-Ih-35)

Paksa/ Pagpapahalaga
Pagmamahal sa katotohanan

Mga Kagamitan
Video clip, ICT Resources, tisa, pambura, krayola, manila paper, pentel pen

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras:
Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang pagmamahal sa katotohanan ay isang mabuting ugali na dapat na


taglayin ng bawat isa kabilang na ang mga kabataan.
Kapag ang isang bata ay matapat, magkakaroon siya ng maraming kaibigan
dahil magtitiwala sa kaniya ang mga tao sa kaniyang paligid. At kapag matapat ang
isang bata, maraming pagkakataon ang magbubukas sa kaniya na magtatagumpay
dahil alam ng mga taong hindi niya sasayangin ang pagkakataong ibinibigay sa
kaniya.
Inaasahan rin ang pagsasauli sa mga gamit na hindi sa atin. Ito man ay
napulot o hiniram natin.
Ang bawat isa ay inaasahang tutupad sa mga tuntunin sa ating komunidad
ng may katapatan at walang pasubali.
Sa araling ito ay mas lalong mapag-iibayo ang ating kaalaman at
pagpapahalaga sa pagiging matapat at pagmamahal sa katotohanan.

71
ALAMIN NATIN
30 minuto

I. Paghawan ng Balakid
Panuto: Isulat sa palaso ang mga salitang maaaring maiugnay sa salitang
“MATAPAT”

MATAPAT

II. Pagganyak
Kung ikaw ay nakadampot ng laruan ng hindi sinasadya, isosoli mo pa ba?
Basahin ng guro ang isang sitwasyon na nasa kahon.

Paalis na sa tindahan ang isang ina at ang kaniyang maliit na anak na lalaki.
Biglang huminto ang bata na namumutla. Hawak niya ang isang maliit na laruan na
dinampot niya sa tindahan. Nalimutan niya itong ibalik o tanungin ang kaniyang
nanay kung puwede ba nila itong bilhin. Takot na takot siya at sinabi niya ito sa
kaniyang ina. Pinakalma siya ng kaniyang ina at sinamahan siya pabalik sa
tindahan para isauli niya ang laruan at humingi ng paumanhin. Habang ginagawa
ito ng bata, tuwang-tuwa ang nanay.

III. Pagpapalawig
a. Tungkol saan ang sitwasyong nabasa?
b. Batay sa siwasyon, paano niyo mailalarawan ang bata?
c. Ano ang napulot ng bata?

72
d. Kung ikaw ang bata maiisipan mo rin bang ibalik ang napulot na laruan?
Bakit?
e. Bakit kaya tuwang-tuwa ang kanyang ina habang humihingi ng paumanhin
ang kanyang anak?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Panuto: Pangkatin ang klase sa apat at ipagawa ang mga sumusunod.

Gumawa ng tula na
nagpapakita ng Pagkamatapat

Gumawa ng
Magsadula ng
awitin sa
isang
pamamagitan PANGKATA pangyayari na
ng rap tungkol NG nagpapakita ng
sa GAWAIN Pagkamatapat
Pagkamatapat

Gumawa ng isang panalangin


ng paghingi ng tawad sa mga
oras na nakakalimutang
maging matapat

ISAPUSO NATIN
30 minuto

Panuto: Panoorin ang isang video clip tungkol sa mga magaaral na maging tapat sa
salita at sa gawa.
➢ https://www.youtube.com/watch?v=2psel8u4R-E
➢ Talakayin kung bakit naging tapat sa salita at gawa ang mga mag-aaral.
(Think-Pair-Share Activity)
➢ Talakayin kung ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa kalagayan nila.

73
TANDAAN
Ang pagsasabi ng katotohanan at pagiging tapat ay nangangahulugan
ng isang makatuwiran at matuwid. Ito’y magsisilbing patnubay natin sa
pagkamit ng tagumpay. Pero dapat nating tandaan na kahit masakit sa
kalooban kailangan pa rin nating isagawa kung ano ang nararapat . Huwag
tayong maghangad ng mga bagay bagay na di naman sa atin. Bagkus
sanayin nating maging matapat na siyang magdadala sa atin sa
katagumpayanan.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng isang pangako na magiging matapat ka sa lahat ng oras. Isulat


ito sa inyong journal
____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

74
SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Kumuha ng kapareha at ipasagot ang mga katanungang nasa kolum A at


isulat ito sa kolum B. Pagkatapos, iulat ito sa harap ng klase.
A B
1. Palagi ka bang nagsasabi ng totoo?
Bakit?
2. Sa aling pagkakataon ka dapat
maging matapat?
3. Madali bang magsabi ng totoo?
4. Ano ang pakiramdam mo tuwing
nagsasabi ka ng totoo?
5. Sino ang natutuwa kapag nagsasabi
ng totoo ang isang katulad mo?
6. Kapag masakit sa inyong kalooban
dapat bang hindi na ituloy ang pagsasabi
ng totoo?

75
JOVELYN G. ACOB NOEMI C. SOLIVEN, Ph.D., EPS-EsP
Writer/Author Editor

76
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4-6
PAGKAMASUNURIN
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran (ESP5PPP-IIIed-27) (ESP4PPP-IIIg-i-22)

Paksa/Pagpapahalaga
Pagkamasunurin

Mga Kagamitan
ICT Resources, Larawan, Manila Papers, Pentel Pen, tsart

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng aralin

Nakalaang Oras: Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga


programang pangkapaligiran ay isang tungkulin na dapat nating isakatuparan.
Bilang mamayang Pilipino, sa ating nakasalalay ang ikagaganda o ikasisira
ng ating bayan. Nararapat lamang na maging responsibilidad tayo sa pamilya,
paaralan, pamayanan, at bansa.
Sa pamayanan, marapat lamang na sundin ang mga tuntunin, ordinansa at
mga batas upang mapanatiling maayos sa mga pambublikong lugar. Kapag hindi
tayo nagmalasakit sa kapaligiran natin, tayo rin ang magdurusa sa bandang huli.
Sa atin din mapupunta ang maraming basura, maruming hangin, maruming tubig,
at iba pa.
Alamin pa ang ilang mga gawaing nagpapakita ng pagkamasunurin sa
araling
ito.

77
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

I. Paghawan ng balakid
Panuto: Iugnay ang salita sa Hanay A sa kahulugan nito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. napapansin a. paglago
2. pag-unlad b. namatay
3. dumi c. napupuna
4. pumanaw d. pagbagsak
5. kalikasan e. kalat
f. kapaligiran

II. Pagganyak
Ano sa iyong palagay ang magiging buhay ng batang nakatira sa maruming
kapaligiran”
Panoorin ang Awit
Masdan Mo Ang Kapaligiran by: ASIN
https://www.youtube.com/watch?v=yt314R-UAxE

III. Pagpapalawig
a. Ano ang napansin ninyo sa awit na napakinggan at napanood?
b. Bakit naging madumi ang ating kapaligiran?
c. Ano ang magiging epekto kung magiging malinis ang kapaligiran?
d. Bilang isang Pilipino, gagampanan mo ba ang responsibilidad na
pangalagaan ang kapaligiran?

78
ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Panuto: Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat at isagawa ang mga sumusunod.

1. Isayaw Mo – Pananagutan ng mga magulang na palakihin nang maayos


ang kanilang mga magulang
2. Iawit Mo- Responsibilidad ng mga mag-aaral na sundin ang lahat ng
alituntunin sa paaralan.
3. Itula Mo- Responsibilidad ng mga tao na suportahan ang mga proyekto
ng pamayanan.
4. Iakto Mo- Responsibilidad ng mga mamamayan na sundin ang mga
batas sa bansa.
5. Iguhit Mo- Pagsunod sa Batas sa Kapaligiran

ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng poster o slogan gamit ang isang buong kartolina kung paano
pangalagaan ang kapaligiran.

79
TANDAAN
Nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis bilang lalaki at
babae. Kaakibat nito ang Kanyang tagubilin na alagaan ang kalikasan na
Kanyang nilikha. Ang pagtitiwalang ito ay isang patunay ng pagmamahal ng
Diyos sa tao. Kung kayat ang pagmamalasakit sa kapaligiran ay nagpapakita
ng pagsunod sa tagubilin ng Diyos at ng pagmamahal ng tao sa Kanya na
Siyang lumikha.
Ang pangangalaga sa kapaligiran ay isang tungkulin at responsibilidad
na nakaatang sa balikat ng bawat tao. Sa kanila nakasalalay ang ikagaganda o
ikasisira ng kapaligiran. Magiging maayos at payapa ang ating lugar kung tayo
ay sumusunod sa mga tuntunin, ordinansa at mga batas dahil tayo rin ang
magdurusa sa bandang huli kung tayo ay hindi marunong sumunod.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng pangako kung paano maging responsible sa kapaligiran at isa-


isang ipabasa ito sa mga mag-aaral.

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

80
SUBUKIN NATIN

Panuto: Magnilay at isulat sa puso ang isang responsableng tagapangalaga ng


kapaligiran. Bakit responsibilidad ng mga tao na pangalagaan ang
kapaligiran? Ano ang maaaring mangyari kung ang bawat tao ay hindi
makikiisa sa programang pangkapaligiran. Ibahagi sa klase.

81

You might also like