You are on page 1of 1

Pasko, Narito Na!

Ni Ma. Ela M. Sarmienta

Naririnig ko ang mga kanta sa labas ng tahanan


Ito’y masarap pakinggan kahit kailanman
Heto nanaman ang panahon na inaabangan ng lahat
Ang pinakamasayang oras ng taon, ang Pasko.

Kaygandang pagmasdan ang maliwanag na buwan


Kasabay ng pagihip ng malamig na hanging amihan
Panahon na naman ng pagbibigaya’t pagmamahalan
Sa sanlibutan

Munting regalong iyong matatanggap


Magpasalamat at wag maghanap
Meron man o wala
Ito ay sapat na

Subalit huwag nating kalimutan ang tunay na kahulugan ng Pasko,


Ang pagsilangan ng ating Panginoong Diyos
Habang tayo ay kumakain na masagana kasama ang pamilya
Aalahanin natin Siya, at magpasalamat sa Kanya

You might also like