You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
SARRAT NORTH CENTRAL SCHOOL
SARRAT, ILOCOS NORTE

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5


S.Y. 2023-2024

Panuto: Basahing Mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Lahat ng mga ito ay ginagamit natin para maitala ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng
isang tao MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Anekdota B. journal C. patalastas D. talaarawan
2. Sa anong pangkalahatang sanggunian mo mababasa ang balita?
A. Almanac B. Atlas C. Diksyunaryo D. Diyaryo
3. Isang uri ng sanggunian na kung saan pinagsama-sama ang mga mapa sa iisang aklat. Ano ito?
A. Almanac B. Atlas C. Diksyunaryo D. Ensayklopidya
4. Ito ay gabay na ginagamit ng mga turista upang malaman ang mga impormasyon at pangyayari sa
isang bansa sa loob ng isang taon.
A. Almanac B. Atlas C. Diksyunaryo D. Ensayklopidya
5. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa tauhan MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. pananalita B. kilos C. ginagawa D. damdamin
6. Ito ay ang pangunahing pinag-uusapan sa isang akda gaya ng kuwento, sanaysay, balita, talumpati at
iba pang kaugnay na tekstong maaaring nabasa, napakinggan o napanood.
A. tauhan B. ideya C. paksa D. Pangyayari
7. Natutukoy ang mga pangyayaring nasaksihan o naobserbahan sa pamamagitan ng_____________.
Ano ito?
A. Pagbibigay ng opinyon
B. Pagbabahagi ng karanasan
C. Pagbibigay ng impormasyon
D. Pagbibigay ng mga karagdagang detalye na hindi naman nangyari.
8. Ano ang tawag sa pagpapahayag na naglalayong mailahad nang sunod-sunod ang mga pangyayari?
A. kuwento B. drama C. Pelikula D. Video
9. Ang _____________ ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat, pagkatuwa,
pagkalungkot o pagkadismaya matapos makita,malaman, marinig o mapanood ang isang bagay na
may halaga sa isang oraganismo kagaya ng tao. Ano ito?
A. ideya B. Konklusyon C. opinyon D. reaksyon

10. Kung magsusulat tayo ng reaksyon o opinyon, dapat bang isang panig lang ang ating titingnan?
A. Mali B. Tama C. Hindi sigurado D. Wala sa Nabanggit
11. Pumasok ka nang maaga sa paaralan at naroroon na ang iyong mga kamag-aral. Ano ang sasabihin
mo gamit ang magagalang na pananalita?
A. Magandang umaga.
B. Maaari po ba akong lumabas?
C. Paumanhin at hindi ko sinasadya.
D. Mabuhay! Maligayang pagdating po sa aming paaralan.
12. Nabangga mo ang isang kamag-aral at nahulog ang kaniyang mga gamit. Ano ang sasabihin mo
gamit ang magagalang na pananalita?
A. Magandang araw po.
B. Puwedeng ko bang hiramin ito?
C. Paumanhin at hindi ko sinasadya.
D. Kumusta, kumain ka na ba ng agahan?
13. Ibig mong humingi ng pahintulot sa iyong guro upang lumabas. Ano ang sasabihin mo gamit ang
magagalang na pananalita?
A. Magandang araw po.
B. Puwedeng ko bang hiramin ito?
C. Paumanhin at hindi ko sinasadya.
D. Gng. Alma, maaari po ba akong magpunta sa banyo?

Pag-aralan ang form at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

DEPED LIBRARY AUTHOR _______________


TITLE: _________________
NUMBER OF BOOKS :_____________
DATE BORROWED : ______________
NAME OF BORROWER : _________________
NAME OF SCHOOL : ___________________

14. Alin sa mga mahahalagang impormasyon ang HINDI makikita sa kard na ginagamit sa aklatan?
A. Author B. Date Borrowed C. Lagda o pirma D. Title
15. Ano ang dapat ilagay sa TITLE?
A. Pangalan ng Author
B. Pangalan ng paaralan
C. Panagalan ng hihiram
D. Pamagat ng aklat na hihiramin
16. Ang talambuhay o biography ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng
isang tao. Anong mga impormasyon ang dapat mong ilagay?
A. Mga nagyayari sa araw-araw
B. Kwento ng isang kawili-wiling insidente
C. pangalan, edad, magulang, tirahan atbp.
D. Lahat ng nabanggit
17. Gusto mong malaman ang kahulugan ng salitang nabighani. Sa anong pangkalahatang sanggunian
ang gagamitin mo?
A. Almanac B. Atlas C. Diksyunaryo D. Ensayklopidya
18. Ang mga sumusunod ay maibibigay ng pagtatala ng mahahalagang impormasyon mula sa binasa
MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. mas mahirap masagot ang mga tanong kaugnay dito
B. maaari itong mabalikan agad upang muling pag-aralan
C. higit na mauunawaan at matatandaan ang mahahalagang detalye
D. maaaring magamit ang mga naitalang impormasyon sa iba pang layunin
19. Bakit mahalagang matutuhan ang pagtukoy at pagsabi ng pangyayari, detalye impormasyon sa
binasa, pinakinggan at pinanood?
A. hinahasa nito ang ating pag-iisip
B. nililinang nito ang ating mapanuring pag-iisip,
C. mas maunawaan ang isang akdang binasa, pinakinggan, o pinanood.
D. Lahat ng nabanggit.
20. Ano ang dapat mong isaalang-alang para maibigay ang paksa o layuning ng iyong nabasa?
A. Unawaing mabuti ang akda o tekstong pinakikinggan, binabasa, at pinanonood.
B. Itala ang mahahalagang detalye at mga sumusuportang impormasyon mula rito.
C. Suriin ang mga naitala, maging mapanuri sa bawat naitalang mahahalagang detalye.
D. Lahat ng nabanggit

21. Bakit mahalagang magkaroon ng pagbabahagian patungkol sa mga nangyayaring nasaksihan?


A. Dahil ito ay tungkol sa iyong saloobin
B. Magiging trending ito kapag naibahagi mo
C. Magiging kapakinabangan ito sa iyong sarili
D. Makakatulong ito upang makapagbigay impormasyon sa iba
22. Ito ay sumasagot sa katanungang may dahilan ng isang suliranin o pangyayaring nasaksihan.
A. Bakit B. Kailan C. Paano D. Saan
23. Sa paghahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan,
kailangang unawaing mabuti ang isyu o balitang napakinggan.
A. Mali B. Tama C. Siguro D. wala sa nabanggit
24. Nawala ang iyong pera sa klase. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro?
A. Nawala ang aking pera.
B. Hanapin niyo ang aking pera.
C. Ma’am nawala po ang aking pera.
D. Ikaw ba ang kumuha ng aking pera?
25. Ang mga sumusunod ay yugto ng pagtatala ng datos maliban sa isa.
A.Pagsusuri C. Pagbasa at pagtatala
B. Panonood D. Panimulang paghahanap
26. Gusto mong magsulat ng talambuhay ng iyong kaibigan, ano ang gagawin mo?
A. Magpasulat anekdota sa kaniya.
B. Tanungin sa iba ang kanyang mga detalye.
C. Kausapin siya at tanungin kung ano ang nangyayari sa kanya araw-araw.
D. Kausapin siya at tanungin kung pwede siyang kapanayamin para makuha ang kanilang datos.
27. Nais mong mangalap ng impormasyon tungkol sa istatistika ng populasyon ng bansang Hapon at ang
mga makasaysayang pangyayari sa lugar na ito. Ano ang gagamitin mong pangkalahatang
sanggunian?
A. Atlas B. Diskyunaryo C. Ensayklopidya D. Yearbook
28. Nagpapatulong ang kapatid mo sa pagbibigay ng kahulugan at kasalungat ng mga salita. Ano ang
gagamitin mong pangkalahatang sanggunian?
A. Atlas B. Diskyunaryo C. Ensayklopidya D. Yearbook
29. Paano mo maibibigay ang paksa ng iyong napakinggan, nabasa, at napanood?
A. Ulit-uliting panoorin.
B. Unawain itong mabuti.
C. Ipagawa sa iba dahil mas magaling.
D. Huwag pansinin ang mga mahahalang detalye
30. Si Leslie ay masipag gumawa ng kanyang takdang-aralin. Tuwing hapon bago siya maglaro ay
ginagawa na muna niya ang kangyang takdang aralin. Tumutulong din siya sa ga waing bahay kaya
naman tuwang tuwa ang kanyang magulang. Ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay mabait at
masunuring anak. Si Leslie rin ay mapagmahal na anak. Ano ang pinakaangkop na paksa?
A. Ang paglalaro ni Leslie
B. Ang pag- aaral ni Leslie
C. Ang takdang aralin ni Leslie
D. Ang magagandang ugali ni Leslie.
31. to ay isang pamamaraang ginagamit sa pagbabahagi ng impormasyong tuwirang layon sa
pamamagitan ng pagbabalita.
A. Buod B. Inverted Pyramid C. panaklaw D. Pyramid
32. Ang pagbabahagi ba ng pangyayaring nasaksihan ay isang paraan ng komunikasyon maaaring
isagawa nang pasalita at pasulat?
A. Tama B. Mali C. Siguro D. Ewan
33. Ipinatutupad ang ECQ sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Ano ang kuro-kuro mo rito?
A. Nakalalabas ang lahat ng mga tao
B. Ang mga babae lamang ang nakalalabas
C. Ang nasa gulang na 18-59 lamang ang nakalalabas
D. Nauutusan din ang mga bata na bumili sa labas ng kanilang pangangailangan

34. Gusto ni Ben na manood kayo ng sine kasama ng iyong mga kaibigan, ngunit may gagawin kang
importante na ipinagagawa ng iyong nanay. Paano mo siya tatanggihan?
A. Hindi maaari, dahil may gagawin pa ako.
B. Ayaw ko, hindi naman maganda ang palabas ngayon.
C. Nais ko sanang sumama ngunit may inuutos sa akin si Nanay. Sa susunod pipilitin kong
makasama sa inyo.
D. Wala sa nabanggit
35. Gusto mong humiram ng libro sa silid-aklatan, anong uri ng form ang iyong pupunan ng datos?
A. Bank deposit slip B. Cedula C. Library Card D. email
36. Bakit mahalaga ang pagsangguni sa mga sanggunian sa pananaliksik?
A. Upang mas lumawak pa ang kaalaman
B. Upang malaman mo ang mga nangyayari sa iyong paligid o sa inyong lugar.
C. Nakatutulong ito upang makakalap ng iba’t ibang impormasyon at kalaaman ukol sa
pananaliksik at para magkaroon ng isang mapagkakatiwalaang sanggunian.
D. Lahat ng nabanggit
37. Pinakaaabangan ng mga tao sa Pilipinas ay ang kapistahan sa bawat lugar. Iba't ibang tradisyon ang
iyong makikita. Hindi mawawala ang paghahanda ng masasarap na pagkain. Ang iba ay dumarayo pa
upang makikain at makipiyesta. May mga palaro at palabas na inihahanda upang maging masaya ang
Kapistahan. Ano ang paksa ng tekstong binasa mo?
A. Handaan tuwing Pista
B. Mga palaro tuwing Pista
C. Pinakaaabangan ng mga Pilipino
D. Iba’t ibang Tradisyon Tuwing Pista
38. Kung ako ang tatanungin mas masarap ang sopas kaysa sa lugaw. Ang pangungusap na ito ay isang
halimbawa ng ano?
A. Ideya B. opinyon C. reaksiyon D. sanggunian
39. Isa sa nakatutulong upang maiiwasan ang “CORONA VIRUS”ay ang pagsunod sa “health protocol”
na ipinatutupad ng ating pamahalaan. Ano ang palagay mo rito?
A. Tinutulan ito ng lahat ng mga tao
B. Sinunod ito ng mga tao nang buong puso
C. Maraming mga tao ang sumunod ngunit marami rin ang lumalabag dito
D. Ang mga kawani lamang ng pamahalaan at pribadong mamayan ang sumusunod dito
40. Bakit nga ba mahalaga ang maging magalang sa pakikipag-usap sa iba’t hinaing o reklamo sa guro?
A. napananatili ang maayos na pag-uusap
B. naitataguyod ang magandang samahan
C. nagpapakita ito ng mabuting pag-uugali
D. lahat ng nabanggit
41. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama?
A. Mas mahirap masagot ang mga tanong kapag itinala ang mga mahahalagang impormasyon.
B. Mahirap maunawaan ang mga importanteng detalye sa pagtatala ng mahahalagang impormasiyon.
C. Mahahasa ang mapanuri at kritikal na pag-iisip ang pagtatala ng mahahalagang impormasiyon.
D. Lahat ng nabanggit
42. Sila ang gumagabay sa mga bata. Marami silang sakripisyong ginagawa upang matuto at
makapagtapos ang mga bata. Gumagawa sila ng paraan na matuto sa aralin at matutunan din ang
magandang ugali mula sa paaralan. Sila rin ang gumagabay at umaalalay sa mga bata. Sila ang mga
guro na pangalawang ina ng mga mag-aaral. Alin sa mga sumusonod ang pinakaangkop na paksa ng
teksto?
A. Paggabay ng mga guro sa mga mag-aaral
B. Pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral
C. Tungkulin ng mga guro sa mga mag-aaral
D. Pangalawang ina ang guro ng mga mag-aaral

43. Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa epektibong pagbabahagi ng isang pangyayaring
nasaksihan MALIBAN sa isa.Ano ito?
A. Maging malinaw sa pagbabahagi o pagsasalaysay.
B. Magdagdag ng mga detalye na hindi naman nasaksihan
C. Maging makatotohanan sa pagbabahagi ng pangyayaring nasaksihan.
D. Alamin ang kahalagahan ng pangyayaring nasaksihan na nais ibahagi.

44. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama tungkol sa pagbibigay ng opinion?
A. Ibalita agad sa iba bago magbigay ng opinion
B. Kapag may nagbigay ng opinion, sabihin na mali siya at ibigay ang sariling opinion.
C. Bago magbahagi, tiyaking tama at sapat ang mga detalye o impormasyon na ibibigay.
D. Dagdagan ang impormasyong ibabahagi sa iba kahit hindi totoo upang maging makatotohanan
ang iyong sinasabi.
45. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagbibigay ng reaksiyon?
A. Tutol ako sa sinabi…
B. Sumasang-ayon ako…
C. Nais ko lamang magbigay ng puna…
D. Lahat ng nabanggit

46-50. Gumawa ng simpleng patalastas o islogan tungkol sa produktong sabon. Ilagay ito sa sagutang
papel.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
SAGPATAN ELEMENTARY SCHOOL
SARRAT, ILOCOS NORTE

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

SUSI SA PAGWAWASTO

1. D 11. A 21.D 31.B 41.C

2. D 12.C 22.A 32.A 42.A

3. B 13.D 23.B 33.C 43.B

4. A 14.C 24.C 34.C 44.C

5. C 15.D 25.D 35.C 45.E

6. C 16.C 26.D 36.D 46.

7. C 17.C 27.A 37.D 47.

8. A 18.A 28.B 38.D 48.

9. C 19.D 29.B 39.C 49.

10. A 20.D 30.D 40.D 50.

You might also like