You are on page 1of 5

BANGHAY- ARALIN SA ESP 10

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
B. PAMANTAYANG PAGGANAP: Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan na umiiral sa lipunan.
C. KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Napangangatwiranan na: a. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil
nabubuhay tayo sa iisang kalikasan (Mother Nature) b. Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi maging
tagapagdomina para sa susunod na henerasyon. c. Binubuhay tayo ng kalikasan 12.4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang
maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan.

Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, ang mga mag aaral ikasampung baitang ay inaasahang makamit ang mga
sumusunod
na layunin:
a. nakakapagpaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan;
b. napapahalagahan ang pangangailangan sa pangangalaga ng kalikasan;
c. nakakagawa ng mga angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan

II. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO


Paksa: Ang Pangangalaga Sa Kalikasan
Sangunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 10 pahina 184-197
Mga Kagamitan: Multi-media Presentation, TV, Laptop, Internet Connection, Markers, Manila Papers
Kalinisang Aral: Kooperasyon at pagkakaisa
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating Panalangin.
Mark, pangunahan mo ang ating panalangin. (Tatayo at mananalangin ang lahat ng mga mag-aaral)
2. Pagbati Oh, Almighty God…..
Magandang Umaga mga bata.
Kumusta kayo? Magandang umaga teacher, magandang umaga classmate
3. Pagtatala ng liban ng klase Mabuti po naman.
May liban ba sa klase?
4. Pagtatala ng Gawaing Bahay (Maaaring wala o meron ang kanilang sagot.)
Mayroon ba takdang aralin mga bata?
5. Paalala ng Panuntunan sa Silid Aralin (Maaaring wala o meron ang kanilang sagot.)
Bago tayo magsimula ay magkakaroon muna tayo ng kasunduan.
Lahat pakibasa ang nasa harap. 1.Makinig palagi sa guro
2. Maging tapat sa lahat ng oras
3. Maging magalang sa lahat ng oras
4. Magtaas ang kamay kapag nais sumagot.

B. BALIK-ARAL
Ano ang inyong pinag-aralan noong nakaraang lingo?
Noong nakaraang lingo ay aming pinag-aralan ang tungkol sa
pagmamahal sa bayan.
Tama! Ating palakpakan si _____. Pakisulat na rin ng iyong
puntos.

Tinalakay natin sa nakaraang module ang tungkol sa pagmamahal


sa bayan. Doon natutunan natin ang mga tunay na indikasyon na
nagpapatunay ng totoong pagmamahal sa bayan. Ilan dito ay ang
pagpapahalaga sa buhay, pagbibigay halaga sa katotohanan,
pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa at iba pa.
Nahuhusgahan natin ang mga angkop na kilos o tugon sa mga
sitwasyon na nangangailangan ng mapanuring pag –iisip bilang
pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

Isa sa pinakamalaking indikasyon ng ating pagmamahal sa bayan


ay ang patunay ng ating pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.
Ayon kay Pope Benedict XVI, “ The planet you do not save is the
earth you will not live upon”.

C. PAGGANYAK

Atin munang panoorin, pakinggan, at sabayan sa pagkanta ang


isang awiting patungkol sa kalikasan na isinulat ni
(Isinasalarawan ng awitin ang biyayang ipinagkaloob sa atin ng
Maykapal, isang mala-paraisong kapaligiran, hitik at sagana sa
yaman, mapa-ilog, dagat, gubat man, o kabundukan. Punong-
puno ng buhay, sumisimbolo ng kaginhawaan at kapayapaan, na
maari lamang magpatuloy ng kanyang kagandahan kung may
pag-ibig sa puso ng bawat isa.)

D. PAGLALAHAD
Batay sa ating kinanta hinggil saan kaya ang paksang ating
tatalakayin sa araw na ito.
Sa tingin kop o ay tungkol sa pagmamahal sa bayan ang ating
pag-uusapan.

Tama! Ating palakpakan si _____. Pakisulat na rin ng iyong


puntos.

E. PAGPAPALALIM
Noong nakaraang talakayan natin ay ating napag-alaman ang
tungkol sa pagmamahal sa bayan pati na rin ang pagkakaiba ng
patriyotismo at nasyonalismo. Sa araw na ito bilang pagpapalalim
ng inyong kaalaman ay mayroon akong ipapakita sa inyong mga
larawan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang nakikita mo sa larawan?
(Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata.)
2. Ano ano ang mga gampanin ng mga mamayang Pilipino sa
mga larawan?
May gampanin ang mga Pilipino na maglingkod hindi lang sa
bayan kundi pati na rin sa ating kapwa Pilipino.

3. Gaano kahalaga ang ugnayan natin, mga Pilipino sa pwersa ng


kalikasan?
(Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata.)

Ang mga larawan sa itaas ay ilan sa mhga kilos na nagpapamalas


ng pagmamahal sa bayan. Ngayon ay narito ang mga angkop na
kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan. Lahat pakibasa.
Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa
Bayan
1. Mag-aral ng mabuti
2. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga
3. Pumila ng maayos
4. Awitin ang pambansang awit nang may paggalang at
dignidad
5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya
6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at bhuwag
magtapon ng basura
7. Iwasan ang anumang Gawain na hindi nakatutulong
8. Bumili ng prudoktong sariling atin
9. Kung pwede ng bumuto, isagawa ito ng tama
10. Alagaan at igalang ang nakakatanda
11. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa
mamamayan

Pag-isipan:

1. Alin sa mga sumusunod ang naisagawa mo na?

2. Paano mo gagawing instrument ang iyong sarili upang maging


kaisa ang iyong kapuwa kabataan na isabuhay ang mga kilos na
ito?

3. Paano naman ang ibang mga Pilipino na nangingibangbansa


upang doon magtrabaho at hindi rito sa bansa lalo na ang mga
nagpasiyang manirahan at piliing matawag na mamamayan nan g
ibang bansa (citizen). Ang aksiyon ban a kanilang ginawa ay lihis
o di ayon sa pagiging makabayan?

Sa puntong ito ay mayroon na naman akong ipapakitang mga


larawan sa inyo. Suriin at unawain ninyong mabuti.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang nakikita mo sa larawan? (Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata.)

2. Bakit kaya ito nangyayari?


(Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata.)

3. Ano kaya ang maaaring maging solusyon dito? (Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata.)

Ang nasa larawan ay ilan lamang sa mga kilos na nagpapakita ng


paglabag sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan. Narito pa
ang ilan sa mga halimbawa. Lahat pakibasa.
Mga Halimbawa ng Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal
sa Bayan

✓ Kung hindi ka nagbibigay-pugay sa bandila o watawat ng


ating bansa.
✓ Kung hindi mo tinutupad ang iyong mga tungkulin bilang
isang mamamayan.
✓ Kung hindi ka tumatawid sa tamang tawiran at pasiga-siga sa
lansangan.
✓ Kung hindi pinahahalagahan ang iyong pag-aaral.
✓ Kung hindi mo pinapahalagahan ang ating kultura at mga
tradisyon.
✓ Kung hindi mo tinatangkilik ang mga produktong sariling atin.
✓ Kung ikaw ay nagkakalat ng basura sa lansangan.
✓ Kung isa ka sa pumuputol ng mga puno sa kabundukan na
nakasisira sa kalikasan.
✓ Kung isa ka sa humuhuli at pumapatay ng mga hayop na
pinagbabawal hulihin.
✓ Kung isa ka sa lumalabag sa mga batas na ipinatutupad ng
bansa.

Ang pagiging Pilipino ay isang biyaya, hindi ito aksidente,


nakaplano ito ayon sa kagustuhan ng Diyos bilang isang
indibidwal na sumasakatawang diwa.

F. PAGLALAPAT

STORY RELAY
Ngayon kayo ay aking hahatiin sa dalawang pangkat. Sa loob ng
5 minuto ay paghandaan ang dalawang tema na maaaring
mabunot ng inyong pangkat para maging paksa sa esturyang
gagawin.

Tema 1: maikling esturya na nagpapakita nga pgmamahal sa


bayan.
Tema 2. Maikling esturyang nagpapakita nga mga paglabag sa
pagmamahal sa bayan.
G. PAGLALAHAT
(Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata.)
Anong konsepto ang natutunan mo?

Anong aral/pagpapahalaga ang nakuha mo? (Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata.)
Paano mo magagamit ang mga natutunan mo sa totoong buhay? (Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata.)
Kailan mo gagamitin ang mga natutunan mo?
(Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata.)

H. PAGTATAYA

Pangalan:______________________________
Baitang at Seksyon;______________________
Petsa:_________________

Pagtataya
Isulat ang tamang sagot.

1.
Alin ang hindi angkop na kilos ng pagmamahal sa bayan? 1. c
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain, at sa lahat ng
pagkakataon.
b. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at
dignidad.
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang
sariling pamilya.
d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng
bansa.
2. b
2. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat
linangin upang tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
answer choices
a. Paggalang at pagmamahal
b. Katotohanan at pananampalataya
c. Katahimikan at kapayapaan
d. katarungan at pagkakaisa

3. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa 3. c


pag-unlad ng isang bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?
answer choices
a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.
b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
d. Nakakaapekto sa mabuting pakikipagkapwa.

4. Dahil sa COVID19 , ang mga frontliners ay mga halimbawa ng 4. d


mga bagong bayani sa kasalukuyang panahon na nagpapatunay
na sa pamamagitan ng paggawa , naipapamalas nila ang
_________________.
a. tunay na pagkatao
b. magandang hangarin sa buhay
c. pagmamahal sa kapwa
d. pagmamahal sa bayan
5. c
5. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa
pamamagitan ng sumusunod maliban sa _______________ .
answer choices
a. kakayahan ng isang taong umunawa.
b. pagmamalasakit sa may kapansanan.
c. pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan.
d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa.

I. TAKDANG – ARALIN

Panuto: hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang bawat grupo ay


gagawa ng isang infomercial bilang paraan ng tamang
pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan.
ESP 10 Q3 Pahina 207

You might also like