You are on page 1of 279

The Last Elysian Oracle

by mahriyumm

◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢

Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms.

The Alphas know it isn't over. The Gods are constantly up on their sleeves,
giving them missions, perhaps proving the Alphas' loyalty to their deities.

What is it with the deities lately?

The mortal realm is in for a big surprise after the demigods learn more about
the war that has happened. Unfamiliar voices and faces will slowly reveal the truth
about what the world will soon become: a battlefield.

Our heroes will have to sacrifice something for the sake of their future...

or is it a someone?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Bitter N' Sweets

Ria's POV
"Is she gonna be okay? I mean.. anong nangyari sa kanya? Panay na ang pagiging
unconscious niya.." hinigpitan ko ang paghawak sa nanlalamig na kamay ni Art.
I traced the visible freckles on her cheeks. Walang halong kulay ang pisngi
niya.
Namumutla siya.

Nakasarado ang mga mata niya.


It's been a week since she started fainting. Bigla nalang siyang natutumba nang
wala sa oras.
Minsan nga nababahala na kami kapag iniwan namin siyang mag-isa.

This time, ako ang nagbabantay sa kanya nang nahimatay siya sa corridors.

"I can't get a diagnosis.. But I'm trying.." inilapag ni Doc Liv ang isang tray
na may gamot at tubig sa mesa.
Nag-aalala na ako sa kondisyom niya.
She's not herself anymore.
Di na siya katulad nung dati, with her bubbly and hyper personality.
Nahahalata na talaga namin ang pinagkaiba niya.

"When will she stop fainting?" napabuntong-hininga ako.


Gayundin si Doc na tumungo sa tabi ni Art.
"I don't know... Maybe this is just her body's reaction after her divination.."
bakas rin sa kanyanh mukha ang pag-aalala.
"Pero bakit ako? Hindi naman ako nahihimatay nung time ko. In fact, I felt
better. Gumaan nga yung pakiramdam ko." sagot ko habang inaalala ang pinakauna kong
divination.
I don't remember feeling weird. Maybe a little bit weird. Pero madali naman
akong bumalik sa dati. I was quick to get a full recovery.
"Saka... Dalawang buwan na ang lumipas since the war. Ba't ngayon lang siya
nagkakaganito?" we're worried as hell.
Idagdag mo pa ang tantrums na ibinibigay ni Cal pag nalaman niyang nahimatay na
naman si Art.
He just storms out the dorm and disappears. Olympus knows where he goes to
everytime he gets frustrated.

Lahat naman kami.

We're worried and confused at the same time.


"I don't know..." mahinang sagot ni Doc.
I took another breath bago tumayo at nagpaalam sa kanya.

Dumiretso ako sa labas.

Gods. Maiimagine ko na lang ang mga hitsura ng Alphas pag nalaman nilang nasa
clinic na naman si Art.
Hindi ko binigyan ng pansin ang iilang mga estudyante na nagtataka kung bakit
ang angas kong maglakad ngayon.
I'm tired to be honest.
Pinihit ko na ang knob at pumasok sa dorm.

Wala namang nag-iba sa dorm. Ganun pa rin. Walang unusual na nnangyayar ever
since...
Maliban nalang kay Art at ewan ko ba kung anong nangyayari sa kanya.

Nadatnan ko si Cesia na kumakain ng salad. Nakaupo siya sa harap ng TV katabi


sina Dio at Chase na umiinom ng canned sodas.
"Ba't di mo kasama si Art?" tanong ni Chase na nasa tapat na ng ref sa loob ng
isang segundo.
"Nasa clinic.." sagot ko.

"Kawawang Art.." umiling-iling pa siya before tossing me a drink na agad ko


namang nasalo.
"anong sabi ni Doc?" tanong niya kasabay bukas sa softdrinks niya.

Binuksan ko rin ang hawak kong can at uminom bago sagutin


ang tanong niya.
"Yun parin... Stil nothing..." I took another sip saka pumunta sa sala at
tumabi kay Cesia.
I rested my head.

"sa tingin mo... Okay lang ba siya?" narinig ko ang mahinang boses ni Cesia sa
tabi ko.
"ano sa tingin mo?" pinikit ko ang mata ko.
Nakakapagod kasi ang araw na'to.
Umagang-umaga at pinapatawag ako sa office para i-close ang case ni Mayethrusa.

Ang babaeng ahas.

Kinuha siya ng kapatid niyang councilor ng Arcadia para doon nalang ikulong. Sa
Arcadia na rin ang punishment niya na galing mismo sa Gods.
Pagkatapos, PE namin kung saan wala kaming ginawa kundi maglaban lang ng todo-todo.

After that, nag training kami kasama si Sir Glen since nag skip kami ng ilang
Semideus classes para sa recent mission namin.
And the mission?

Ibalik ang libro na may blueprints sa Council of Elders safely including the
map and the rest of his properties na nasa Academy.

Nakakapagod talaga.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi na ako nag effort na lumingon para
tignan kung sino ang pumasok dahil alam ko na kung sino.
Naramdaman ko ang pagbagsak ng isang katawan sa tabi ko. I heard he sigh which
meant she's exhausted too.
"Ba't ka natagalan?" tanong ko, nakapikit pa rin ang aking mga mata.
"I heard about Art again so I dropped by the clinic." sagot niya.
Kara has been busy too. Kahit saan lang siya pinadala ng Academy.
Gawa dito, punta doon... Punta dito, gawa doon...

Talk about stress.

Iminulat ko na ang mata ko kasabay ang pagtunog ng doorbell.


Agad tumayo si Cesia para buksan ito at tinanggap ang nakabag na snacks namin
mula sa aurai. Ipinatong niya sa harap nami na mesa ang bags bago tumabi sa'min at
kumuha ng ilang chips.

"Sa'kin ang cake!" sigaw ni Chase.


Pero bago pa niya maabot ang cake, pinalo ko ang kamay niya at inunahan siya sa
pagkuha nito.
Nasa mood kasi akong mag dessert ngayon.
May ice cream naman sa fridge pero tinatamad akong tumayo at kunin ito.
"Ako ang nag-order, ako ang kakain." ani Chase at hinablot ang cake mula sa
kamay ko.

Buti nalang at hindi ko agad nabitawan.

Hinatak ko pabalik ang cake sa'kin. "bakit? Lahat tayo nagbayad dito kaya may
karapatan ako."
"Ako ang mas may karapatan dahil ako ang nag order!" hinatak na naman niya ang
cake.
Gods! Para siyang bata! Siya na talaga ang susunod ni Art.
Di na namin kailangan ng isa pang bata dito. Ipaampon ko kaya siya?
"Ako ang nakauna." sinimulan ko na ang pagkain ng cake nang sinubukan na naman
niyang kunin ito.
"Ako ang nakauna dahil ako ang nag-order. Pag hindi ako nag-order, edi wala
ring cake." pasimple niyang sabi.

Sabagay..

May point siya...

Pero anak parin ako ng God of War kaya hindi ako magpapatalo.
"Shut up. Pakainin mo nga ako!" I drew the cake hard kaya pati yung braso niya
nahatak ko.

And guess where his hand landed.

"CHASE!" mahigpit kong hinawakan ang kamay niya na nakakapit sa dibdib ko at


tinanggal ito.
Naramdaman ko ang init na namumuo sa mukha ko.

Shit.
Inangat ko ang ulo ko at nakita silang lahat na nakatingin sa'kin.
My eyes flinched nang makita ko sina Chase at Dio na natatawa.

"nice" puna ni Dio.

WHAT. THE. HELL.

Kinamay ko ang cake at ibinato ito kay Chase.


Headshot.
Pinunasan naman niya ang nakadikit na cake sa mukha niya at ibinato ito pabalik
sa'kin. Pero mas madali ang reflexes ko kaya nahadlangan ko ito gamit ang kaliwang
kamay ko.
I sent it to another direction.
Kaya...
sa mukha ni Dio napunta ang cake.

"what the-" hinablot ni Dio ang cake na natira mula sa'kin at hinagis ito kay
Chase.
Binalik na naman ito ni Chase.
Unfortunately, para kay Cesia, siya ang ginawang shield ni Dio kaya sa mukha
niya ito tumama.

It was fun until one of us accidentally hit Kara.

Oh no.

Nagtinginan lang kami at nag antay sa magiging reaksyon ng anak ni Athena.


Nanlaki ang mga mata namin nang may kinuha si Kara na kahon mula sa bag.

Binuksan niya ito at...

"HIDE!!! HAHAHAHAHA" natatawa ako habang nagtago sa ilalim ng table. May


inilabas kasi ni Kara na isa pang cake and I swear I was the first to get out of
her sight.

"Ayan naa!!" hiyaw ni Chase.

And there the mess started.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Unexpected Turn

Ria's POV
I screamed.
"anong klaseng cake ba'to?!?!"
Pinipilit kong tanggalin ang pink sticky thingy sa shirt ko pero hindi pa rin
siya natatanggal.
May pinkish bump pa rin na ibinilin ng cake sa damit ko.
Just awful.

Panis ba yung icing na ginamit nila?!

Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ang sigaw na nagmumula sa kwarto ni


Kara.
Patakbo akong lumabas at pumunta sa kwarto niya saka pinihit ang doorknob na
nadiskubre kong nakalock pala.
"Who's screaming?" tanong ni Dio.
Nagsilabasan na rin silang lahat nang nakabihis na.
"Kara.. locked yung kwarto niya.." hindi ko alam pero kinabahan ako sa mga
sigaw niya.
Lumapit si Dio sa pinto para itulak ito.
Pero kahit anong tulak niya hindi pa rin ito bumubukas.

"Chase! my weapon!" he asked in a desperate tone.

And with a mere second, nakabalik na si Chase dala-dala ang pendant na may gold
liquid sa loob.
Kinuha ito ni Dio at binuksan para ilabas ang weapon niya. The gold liquid
floated and covered the knob.
By now, wala na kaming naririnig na ingay mula sa loob.
"Dio. Bilisan mo!" natataranta na ako dito.
Namumuo na rin ang malalaking butil ng pawis sa noo ko and I must say, I feel
like my heart is going to explode any time soon kapag hindi pa nabubuksan ang pinto
na 'yan!
The doorknob melted and afterwards, Dio kicked it off the door.

Pumasok kaming lahat at nadatnan si Kara na walang malay sa sahig.

Shit. Ito na nga sinasabi ko!

Lalapit na sana ako sa kanya pero hindi natuloy dahil nakita ko ang malaking
sugat sa kanyang leeg.
"K-kara..." mahina kong tugon.
Yumuko si Dio at inangat si Kara. With quick steps, he got out of the room
carrying her. Upon a closer inspection, parang binuhusan ng acid ang balat ni Kara
dahil sa hitsura ng sugat.
Sinundan ko ng tingin si Dio hanggang sa makalabas siya ng dorm bitbit si Kara.
Sumunod sa kanila si Chase na alam kong wala ring kamuwang-muwang kung bakit at
paano nangyari yon.
Nilingon ko si Cesia na nanlalaki pa rin ang mga mata.
"Samahan mo'ko.." hinatak ko siya papasok sa kwarto ni Kara.

"Damn it." I murmured while looking for strange marks or objects around her
room. I found nothing.

"Ria..." narinig ko ang pagtawag ni Cesia sa'kin.


Nagbuntong-hininga ako bago tumayo at nagsimulang maglakad papalabas ng dorm.
Sinundan ako ni Cesia at tahimik kaming tumungo sa clinic. Only my loud
footsteps were audible.
Her room was locked and her windows weren't open, kaya sigurado akong walang
nakapasok. Kami lang naman ang nandoon sa dorm even before she got injured.

Saka... bakit nasa leeg yung sugat niya?

Napahawak ako sa ulo ko. "Gods."

Kailan ba matatapos yung walang-tigil na pag-aalala ko para sa kanila? Nasa


clinic na si Art, tapos isinugod na naman do'n si Kara-

"Calm down.. please..." naramdaman ko ang kamay ni Cesia sa


aking balikat.
And like how a leaf goes with the wind...
kumalma rin ang sistema ko.
I let out a deep sigh. "thank you.." Tinignan ko siya at napangiti.
She knows how to use her abilities now.

And she uses it so well.

Hindi na ako nag-isip ng kung ano dahil baka ako na naman ang mahimatay at
masusunod sa clinic.

We entered the room at hindi ko maiwasang mabahala sa nangyayari sa loob.


Nakakalat kasi ng mga aurai na nurses at tila hindi mapakali. Ang ingay ingay
nila.
Paper sheets were flying everywhere.
May ibang nurses na tumatakbo.
May iba, lumilipad.
I scanned the whole place at tumigil ang mga mata ko kina Dio na nakaupo sa
bench sa waiting area. His sando was stained with blood. Nakayuko siya, with his
handa covering his face.
Si Chase, nakatitig sa kawalan.
Tinabihan namin ni Cesia si Dio. The both of us gave each other a sympathetic
look.

"is she... okay?" nag-aalala kong tanong kay Dio.


"I.. I don't know.." mahina niyang sagot.
"dumating kami dito sa clinic tapos naging ganito yung reaksyon nila..." ani
Chase.
Ano ba talaga ang nangyari sa kanya... to the point na lahat ng staff dito sa
clinic nagkakandarapa na.
Seeing all of this sent a shiver to my spine na nagresulta ng panandaliang
kaba.

Natataranta na rin kami kakatingin sa kanila.

I felt so bad na nakaupo lang kami dito at walang magawa sa nangyayari sa


kanya.
Like heck. Wala nga kaming alam kung na-ano nga siya.

"Can someone bring me the ambrosia?!" narinig kong sigaw ni Doc Liv.
Agad namang sumunod ang mga aurai at nag mimic sa sinabi ni Doc.
"Ambrosia!"
"Ambrosia daw!"
"Ilabas ang ambrosia!"

Ngayon, lahat ng sinisigaw nila may 'ambrosia' ng kasali. Ewan ko nalang kung
may tinutulong ba talaga 'tong mga nurses na'to.
Tumayo si Cesia sa tabi ko at pumasok sa first cubicle kung saan nakaconfine si
Art kaya sumunod na rin ako. Sinarado ko ang kurtina at napatingin kay Art na hindi
pa rin nagigising hanggang ngayon.
"What the hell is happening.." I groaned as I sat on a chair.
Biglang bumukas yung kurtina saka pumasok ang dalawang boys sa loob.
"Nahihilo na ako kakatingin sa mga nurses. Dito nalang ako." saad ni Chase nang
napaupo na siya.
Pinapalibutan lang kami ng katahimikan.

The uncomfortable kind of silence.

But I like it this way... Walang umiimik.


Nakakatawa nga kasi parang ang lalim ng iniisip naming lahat. Yun pala, if I
know, katulad ko, nagkakagulo na rin pati ang laman ng mga isipan nila.
"may idea na ba kayo sa nangyayari?" binasag ni Chase ang katahimikan dahilan
na sikuhin ko siya.

I gave him a threatening look.

Mayamaya,naalerto ako nang mapansin ang pag galaw ng mga daliri ni Art sa harap
ko. Nakapikit pa rin ang mga mata niya pero nakakunot na ang kanyang noo.

"A-aco.." nakatuon na ang atensyon naming lahat kay Art nang subukan niyang
magsalita.
"Art.." agad napatayo si Cesia at hinawakan ang kamay niya.

"Si K-kara..." umiling-iling si Art.


Nagtinginan kaming lahat pagkatapos marinig ang sinabi niya.
"bakit Art?" si Dio na naman ang napatayo.

"A.. A-aco... nite..." naghahanap siya ng hangin pero sinusubukan pa rin niyang
magsalita kahit isang segundo ang gap ng bawat katagang binibitawan niya.

"Art? Ano?" tumayo ako. Her voice was strained but she is trying really really
hard to speak.
I held her arm and gave it a gentle squeeze, to tell her that I'm here and I'm
listening.
"A...a-aconite... aconite..." humahangos siya.

"Aconite?" nagtaka ako.


Tumango siya.
"K-kara... A-a...acon-nite.."
Tuluyan na ngang bumigat ang braso niya kaya alam kong nawalan na naman siya ng
malay.

"Aconite...?" napatingin ako sa kanila.

Anong meron sa Aconite?

"ACONITE!" nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Dio.


"Aconite! Wolfsbane! Poison!"
Nanlaki ang mga mata namin pagkatapos marinig ang sinabi niya.
What the Underworld.

Ba't ko nakalimutan yun?!

Aconite is one of several plants that contain poison. To mention it, this
plant, when concocted to a liquid with the right amount of other substances, gives
an acidic effect to skin and internal organs.

"Chase! Ipaalam mo kay Doc!" napasigaw na rin ako. "Now!"

"On it!"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Poisoned

Cesia's POV
May inilapag si Doc na folder sa mesa. Nasa office niya kami ngayon kasi
pinatawag niya raw kami.
"Aconite... comes from a plant. It is a type of poison used to hunt wolves in
ancient times." naglakad siya papunta sa isang drawer at may kinuha na test tube,
saka niya ito binuksan at sinuri ang laman nito.
Nabasa ko ang label na 'akoniton' na nakadikit dito.

Transparent ang laman ng tube pero napansin kong nagiging smoky ang kulay nito
pagka tinatapat sa liwanag.

"...also termed as the Spittle of Kerberos. Heracles was sent to fetch Kerberos
forth from the underworld as one of his twelve labours. The spittle of the beast
dripped upon the earth, and from it sprang the first aconite plant." may kinuha
pang isang test tube si Doc mula sa bulsa niya.
"but the thing is..." binuksan niya ang ikalawang tube at binuhos ang kulay
gold nitong laman sa Aconite.

Kakaiba ang nangyari nang maghalo yung dalawa. Panandaliang nagbuga ng maitim
na usok yung mixture bago naging kulay pink.

"the poison was made with Ichor, the golden blood of divine immortals."
Napanganga ako sa sinabi niya.

Paano naman?

Ang alam ko, mahirap makuha ang ichor dahil dugo ito ng mga immortals, kasali
na rito ang gods at goddesses. Syempre kapag gusto mong makakuha nyan, dapat mo
pang sugatan ang isang deity... or pwede na ring ikaw na mismo ang manghingi sa
kanila at sila na ang magbibigay sa'yo nang may kapalit.

"The cake... it was disguised as an icing wasn't it?" ani Dio na maiging
nakatingin sa hawak-hawak ni Doc Liv na lason.
"Well then... Kung nasa cake pala yan.. Eh bakit hindi kami naapektuhan?"
nakapameywang na tanong ni Ria.
Tumango-tango ako.

Tama.

Ang dami pa ngang icing na napunta sa'kin.


"The ichor used was from a blood of a warrior.. or from Athena herself... or
from an immortal that is a decendant of Athena. We don't know.. We can't trace any
strand of DNA from this." umiling-iling si Doc habang tinitignan ang tube.

Ibig sabihin, kung sino man ang may kapakana nito, intensyon niya talagang
saktan si Kara.
Pero bakit naman kay Kara lang?

"Is she gonna recover?" tanong ni Ria.


LHindi ko alam kung dapat bang gumaan yung pag-aalala ko dahil sa totoo lang,
lumala ang pakiramdam ko pagkatapos niya kaming bigyan ng malungkot na ngiti.

"Her mother is the Goddess of Courage and Strength. She will be." huli niyang
sambit bago pumasok sa cubicle ni Kara.

Napailing ako.

Grabe. Ang bilis ng takbo ng puso ko.


Sa mga panahong 'to, madalas na akong kinakabahan nang todo-todo na parang
ewan.
Simula nung unang nawalan ng malay si Art, parang may boses sa utak ko na
gustong magparinig pero hindi ko naririnig.

Masama palagi yung kutob ko sa mga pangyayari...

Aish.

"Cesia? Naaalala mo paba yung aurai na naghatid ng pagkain?" tanong sa'kin ni


Chase.

"H-ha?" panandalian akong nabigla. "Ahh.. oo.. tanda ko


pa.."
"Siya yung regular na naghahatid ng pagka-" napahinto ako dahil sa sobrang
lakas na pagbukas ng glass panels ng clinic.

Ayan.

Dumating na ang asawa ng isa sa pasyente kasama si Trev.


Napasinghap ako nang hinatak ako ni Ria papalabas ng clinic. Huli kong nahagip
ang mga mata ni Cal na nakatingin sa'kin. Wala akong nakitang repleksyon ng liwanag
sa mga mata niya kaya't nakaramdam ako ng takot para sa mga naiwan sa clinic.

"We're going to the aurai." padabog na naglakad si Ria. "I already have my fill
with all these crap and-"
"R-ria teka lang.." hindi ko alam kung paano ko nagawa 'yon pero tila may yelo
na gumapang mula sa balat ko patungo sa kamay niya kaya't nabitawan niya ako.

"I'm sorry..." bumagsak ang kanyang tingin sa sahig. "my temper.. It's just
getting worse.."
Nginitian ko nalang siya. "Naiintindihan naman kita Ria.."

Kaya nga napilitan akong tanggalin yung kamay niya mula sa'kin kasi
nararamdaman ko ang galit niya.

Kinabahan rin ako na baka mabali niya yung buto ko.

"Na eenjoy mo ba minsan ang abilities mo? the touch thingy..." narinig kong
tanong niya bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Minsan..." sagot ko. "pero kasi may disadvantages din ata yung abilities
ko..."
"yeah... lahat naman siguro tayo." mahina niyang tugon.
Sinundan lamang ng katahimikan ang lumipas na mga minuto hanggang sa makarating
kami sa lobby.

"Can we talk to your leader or whoever is in-charge?" hindi nagdalawang-isip si


Ria na ipahalata ang galit niya sa aurai.
"Y-yes miss.. r-right now?" nanginginig ang kanyang kamay na nakapatong sa
telepono.

"Isn't it obvious?! NGAYON NA!" nagulat ako nang biglang sumigaw si Ria.
Napaatras ang aurai. Pati ang iilang mga students na andito sa lobby napatigil
rin sa ginagawa nila at napatingin sa direksyon namin.

"y-yes m-miss.." dali-daling inangat ng aurai ang telepono at nagsimulang


pumindot.
Sinamaan lang ni Ria ng tingin ang mga estudyante na agarang nagsibalikan sa
ginagawa nila pagkatapos makatanggap ng tingin niya.
Napailing ulit ako.

"S-she can't talk right no-" pinutol ni Ria ang sasabihin sana ng aurai.
"Nasa'n ba kasi ang office ng babaeng yan?!" inis na inihampas ni Ria ang kamay
niya sa desk.
Napansin kong napalunok ang aurai bago sumagot. "N-nasa basement ng s-staff
building.."

Pagkatapos yung sabihin ng aurai, gumalaw na si Ria sa kinatatayuan niya at


tumungo sa nasabing building.

"Pasensya na po kayo... May dugo kasing Ares.." pagpapaumanhin ko sa aurai bago


sumama kay Ria. Halos lahat ng mga estudyante na dinadaanan namin ay umiiwas ng
tingin.

"We're not done yet.. aren't we?"


"Huh?" nagtaka ako sa sinabi niya.
"Akala ko tapos na... Na wala ng mangyayari na ganito sa'tin pagkatapos ng
digmaan. Pinaglalaruan ba nila tayo? just because they control everything around
us?" dinig na dinig ko ang galit at inis sa boses niya.

Hmm.

Galit na galit talaga siya sa mga deities kahit di pa nagkagulo sa Academy ano?
"Wala pa naman tayong alam Ria... Baka di 'to connected sa nangyari... Baka
bago na naman 'to.." sagot ko.
Nakatingin lang ako sa baba. Kasi kahit ako, may hinala na konektado pa rin ito
sa nangyari.
Na baka nga, hindi pa kami tapos at may naghihintay pa sa'min na gulo.

"Kung totoo nga ang sinabi mo... then I'm damn sick of it." mas binilisan ni
Ria ang kanyang mga hakbang.

"Hayaan mo... baka magkakaroon na tayo ng idea pagdating natin sa office." sabi
ko sa kanya.
Pinilit ko ang sarili ko na wag munang magpadala sa galit ni Ria sa mga
deities. Mas priority namin ngayon ang nangyari ni Kara kesa paghugutan ang mga
Gods.
Idagdag mo pa si Art na wala na sa sarili. Minsan bumabalik ang pagkabata niya.
Pero mas lumalamang ang mga oras na napakaseryoso niya. Na parang may palaging
bumabagabag sa isipan niya.
Tinatanong naman namin siya pero hindi niya kami sinasagot. Lumilipat lang siya
sa ibang topic.. gano'n.
Minsan rin, naririnig ko siyang nagsasalita nang mag-iisa.
Usually, nagsasalita naman talaga siya nang mag-isa. Syempre, si Art, mahilig
kumausap sa sarili niya ang batang yan.
Pero iba na ang lumalabas na bulong sa bibig niya. Para siyang sinaniban ng
kung anong masamang espirito.

Ang creepy nga.

"You know what's going to be the death of my sanity?" narinig kong tanong ni
Ria nang tumigil kami sa harap ng malaking pinto.

"ano?"

"everything that's happening right now."


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

The Accident

Jamie's POV
Kahit anong lagay ko ng toothpick sa mata ko wala pa rin. Ang bigat bigat na
kasi ng eyelids ko. Di kaya mga bes!
"Jamie! Kumain ka na ba?" nilingon ko ang kapatid kong pinaglalaruan ang buhok
niya.

"Itanong mo sa pusang may bangs." sinara ko ang Chemistry book ko at kinuha ang
printed copies ng homework namin.

"Ate naman eh! Patay ka ni mama pag nalaman niyang di ka pa kumakain!" ang bata
bata pa nga eh ang spoiled na niya. Bawat kilos sumbong kay mama. Kulang nalang i-
handcuff ko siya ni mama.

"okay lang ako... Dalhan mo nalang ako ng kape." utos ko sa kanya at sinenyasan
na kunin nya ang tasa na wala ng laman na nakalapag sa desk ko.
"Ate! Panlimang kape mo na yan eh!" reklamo niya bago kinuha ang mug at padabog
na lumabas sa kwarto ko.

Umiling nalang ako. Paglaki mo Arah makakarelate ka rin.

Maiintindihan mo kung paano makakasurvive ang isang estudyante ng walang


pagkain. Kape lang.

Narinig ko ang pag buzz ng cellphone ko kaya napaurong ako.


Pilit kong wag pansinin ang cellphone ko na alam kong napupuno na ng messages
sa messenger.

Temptasyon lang yan Jamie. Ano ba.

"THE ATOMS INTERACT BY A PARTICULAR METHOD." binasa ko ng malakas ang nakasulat


sa copy para di ko masyadong marinig ang buzz ng phone.

Ilang minuto ang lumipas at nasa harap na ako ng desk nakaupo nagbabasa ng
conversation ng group chat namin.

Wala. Hindi talaga nakaya.

Alam ko naman talagang sa harap ng screen ang hantungan ko pag nags-study ako.

Hays.

Mid-term pa naman namin bukas tas nagpapadala ako sa gossips ng barkada ko.

I shrugged. Wala eh. Dapat updated ako eh.


Pagkatapos magbasa ng iilang mga chismis tungkol sa mga classmate naming
malalandi, ni-lock ko na ang phone.
Hindi pa ako nakailang hakbang papuntang kama kung saan nakahintay ang mga
libro ko, nag ring agad yung phone.
Nagbuntong-hininga ako. Ano na naman 'to.

Bumalik ako at kinuha ang phone para makita na si mama ang tumatawag.
"Ma?" sagot ko pagkatapos pinindot ang green button.
Pero sa laking gulat ko, ibang boses ang nagsalita sa kabilang linya. "Hello?
Kilala nyo po ba si Mrs. Adelphine Reyes?"
"uhh- opo. Anak nya po'to. Bakit ho?" nakakunot ang noo ko.
"kung pwede sana na pumunta muna kayo dito sa District. Naaksidente kasi si-"
hindi ko na pinatapos ang lalaki at dali-dali ko nang kinuha ang jacket na
nakasabit sa likod ng pinto.

Tumakbo ako papalabas ng kwarto at dumiretso sa kusina kung saan alam kong
nandoon ang kapatid kong nagtitimpla ng kape.
"arah?" tawag ko sa kanya.

"ate?" bitbit niya ang mug na may laman ng kape. Kinuha ko ang mug mula sa
kanya at pinatong ito sa counter saka ko siya binuhat.
"ate? San tayo pupunta?" tanong niya nang lumabas na kami sa inuupahan naming
bahay.

"wag ka nalang magtanong Arah. Basta sumakay ka na."


sumunod naman siya.
Kinuha ko ang helmet at pinasuot sa kanya bago i-andar at pahiritin ang motor.
Nanginginig na ang kamay ko.
Hindi dahil sa makina kundi dahil sa kaba.
Ano na namang kaguluhan 'to.

Nakakastress na.

May exam pa tas ngayon nalaman kong na aksidente si mama.


"a-ate..." hindi ko narinig masyado ang boses ni arah dahil sa bilis na
pagtakbo ko.
"arah?" bahagi akong napasigaw para marinig niya ako.
"ate?! Sa'n tungo natin?!" sumigaw na rin siya.
"Hintay ka lang!" di naman siya sumagot pagkatapos kong sabihin yun.
Ang hirap pa namang makipagsigawan lalo na't ako ang nagd-drive dito.

Lumipas ang ilang minuto at huminto na kami sa may dilaw na bahagi ng aspalto.

Sa harap ng ospital.

Nakahawak ng mahigpit sa kamay ko si Arah, dumiretso kami sa may desk ng


nurses.

"umm.. Reyes po.. Accident.." napalunok ako habang tinitignan ang isa sa nurse
na may pininpindot-pindot sa computer.
ANO KA BA ATE. BILISAN MO!

"uhmm.. Under operation po siya ngayon. Nasa third floor po yung surgery room.
May waiting area po doon." sabi niya saka tinuro kung saan nakabanda ang elevator.
Hindi na ako nagpasalamat at hinila si Arah para sumakay sa elevator.
Agad nag green yung button na may number 3 na nakaukit pagkatapos kong pindutin
ito.
"ate? Ba't po ba tayo nasa ospital?" alam kong nangangati na si Arah sa tanong
na yan kaya napabuntong hininga nalang ako.

"may tumawag kasi sa ate, Arah.. Si mama daw naaksidente" sagot ko.
Hindi na ako nag alanganing tignan ang reaksyon niya.

Mayamaya, tinawag kami ng isang lalaking naka lab gown.

Yung doktor ata.

"Hey are you-"

"Yes. I'm your girlfriend."


Sheeeet!! Ang gwapo niya! Di ko akalaing may ganito pa palang mga mukha.
Napadako ang mga mata ko sa biceps niya na nahagip ng matutulis kong mata. Oo
bakat na bakat ang muscles.
OH MY. Para siyang isang greek god.
Pero wait... kadalasan kasi sa greek statues ng mga lalaki ano eh...
Ang laki ng katawan tas ang liit ng ano...

Ano ba...

"Umm? Are you the daughter of the patient?"

ANO NA BA 'TONG INIISIP KO.

"ahyeah. Ako yung girlfr- anak. AKO YUNG ANAK." napahiss ako dahil sa epic
failure ko sa harap ng isang gwapo.

"who's this?" lumuhod siya para magkalevel na sila ni Arah saka niya nginitian
ang kapatid ko.
Sheeeet! Mas gwapo talaga siya pag nakangiti.

Tinkyu Lord. Grabe.

"your future sister-in-law" para namang wala sa kanya yung sinabi ko.
Syempre. Intentional yon. Ang landi ko tologo. Hehehe...
Eh kasi minsan lang kaya ako nabibigyan ng opportunity na makausap ang isang
gwapong nilalang.
Sa mukha kong 'to.

Tumayo muna siya bago hinilamos ang mukha niya na para bang ang lalim ng
problema.
"So doc? Ano? Kumusta na po yung mama natin? anong kondisyon niya ngayon?"
tanong ko.
Hanggang ngayon nakatingin pa rin ako sa napaka perfectly chiseled na jawline
niya.

OH MY SIOMAI.
"She's gonna be fine..." kahit papano, napaluwag naman ang hininga ko.
Atleast alam kong okay si mama. Saka atleast nakausap ko ang nakalaglag panty
na lalaking 'to.
Doctor pa.

OMG.

Siya na. Siya na talaga ang dreamguy ko.


Siya na nga si Mr. Right.
Siya na talaga ang icing sa ibabaw ng cupcake ko.

Napahawak siya sa likod ng leeg niya na para bang may gustong sabihin.
"the funny thing is.. I'm actually the one who brought her here.." sinundan
niya ang mga katagang yun ng awkward na tawa.

Hanudaw?
"ha? Eh salamat po talaga. Baka hindi na maagapan yung mama ko pag di nahatid
dito ng maaga..." nag bow ako sa kanya.

"Uhh-no..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Ako... Ako yung nakabangga sa kanya"

Nanlaki ang mga mata ko.


"ANO?!" siya?! Siya yung nakabangga ni mama?! Siya yung may kasalanan?! Ang
gwapong 'to ang nakapahamak sa mama ko?!
"I'm really sorry miss.. I didn't mea-" hindi ko na siya pinatapos at hinayaang
bigyan ng freedom ang kamay kong may hawak na helmet since nangangati na akong
isapak ito sa kanya.
"WALANGHIYA KA! Putangina! Ikaw?! Ikaw pala huh? Huh?! HUH?!?!" pinagpatuloy ko
lang ang paghahampas sa kanya hanggang sa nakaramdam ako ng paghila sa t-shirt ko.

"ate... Nasa ospital tayo.." narinig ko ang boses ni Arah.

"eh! Kahit na! Pagkatapos nya akong ngitian ng ganyan?! Hoy FYI. Ang pangit
pangit mo!" hiyaw ko.

Dinig na dinig ko ang nag eecho na boses sa corridors kaya aware ako na nasa
amin ang atensyon ng mga tao.
"what the hell are you talking about? Bakit pangit yang pinagsasabi mo?!"
nakayuko pa rin siya.

Mas naganahan akong hampasin siya ng helmet dahil sa matigas niyang biceps.
Grabe made of steel ba siya? Superman?

Namamangha pa rin talaga ako.


"could you stop?!" narinig kong sigaw niya. Infairness, ang laki ng boses niya
kaya napatigil na rin ako.
"Hoy kumag. Maghanda ka na. Dahil isusumbong kita sa police!" pagbabanta ko sa
kanya.
"She didn't cross on the pedestrian lane! The light was green!" depensa niya sa
sarili.

Hmm...

"ahh.. Ganun ba?" curious kong tanong.


"yeah.. Ganun nga ang nangya-"
"ah basta! Kahit na! Magsasampa pa rin ako ng kaso!" hindi ko na naman siya
pinatapos saka hinila si Arah papalayo sa kanya at nagsimulang maglakad patungong
exit.

"Kukunin po ba natin yung mga gamit ni mama ate?" tanong ni Arah na pinabayaan
akong hatakin siya.

Tumango ako.

Tsk sayang. Ang gwapo pa naman!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

A Call

Art's POV
Save your brother Artemia... Pull him from the past.. He is lost.. You're the
only light left... Find him...
Akala siguro nila wala pa rin akong malay. Hindi naman talaga. Nakapikit lang
ang mga mata ko at nanonood ng visions kung saan pwede kong hanapin ang kakambal
ko.

Ewan ko pero may kutob akong malapit lang kami.

Huhuhu. Nasan ba kasi siya.

"I know you're awake." narinig kong bulong ni Cal.

"shhhh!!!" binelatan ko siya. Eh kasi naman eh! Panira ng drama ko.

Diba nahimatay ako? Dapat saka pa ako magigising pag kinakailangan na.

Eh busy naman sila kaya eto.

Iniimagine ko lang hitsura ng kapatid ko. Baka nag iba na yung mukha niya.
Di na kami magkamukha.

Or di kaya... Naging bakla siya.


Tas naging drag queen..
Or baka drug addict na siya ngayon...
Or presidente ng pilipinas...

"when do you plan to open your eyes?" tanong niya. Hula ko nakasimangot na
naman 'to.

"nandyan pa ba sila?" di ko na kasi naririnig ang mga boses nila.

"They're all gone."

Phew. Idinilat ko na ang mga mata ko pero napaurog ako ng konti dahil sa silaw
ng lights.

"Vision?" tumayo si Cal at umupo sa may paanan ko.

"Oo pero iba 'to... Buhay ang kapatid ko Cal... at nandito siya." halatang
nagulat si Cal sa sinabi ko.

Ako lang naman siguro ang nakakahalata kung gulat ba siya.. Masaya.. Malungkot
or ano...
Eh kasi ang hirap tignan kung ano ba ang nararamdaman niya.
Nakasimangot lang naman siya palagi eh.

Hindi ko pa naman nakalimutan yung goal ko ngayong taon na lagyan siya ng


flower crown tas mag anime eyes.

Mehehehe.

"How?" nagtataka niyang tanong.

Engot pa rin ang mukha niya pero mag aassume nalang ako na nagtataka siya.

Hihi.

"di ko alam eh.. Basta yun yung utos ni papa. Na hanapin ko daw siya." sabi ko
sa kanya.

Bigla akong kinabahan kaya napalingon ako sa katabi kong cubicle.

Wala naman akong nakikita na ano kundi pader pero alam ko kung sino ang
nakahiga dun.

Buti nalang talaga nagising ako nung nagkagulo ang clinic.


Saka mas gumaling naman yung ability ko kaya ginamit ko yun para tignan kung
ano at sino ang pinagkakaguluhan nila.

Kakagising ko lang nun kaya medyo mahirap magsalita pero okay lang!
Hihi. Na gets naman nila Dio yung payo ko eh.

"Nandun ba sila?" ngumuso ako sa labas.

Tumango naman siya kaya tumayo na ako para tumungo dun sa kabilang cube.

"careful!" narinig kong sigaw ni Cal ng naapak ko yung


isang paa ko sa tiles at nag acting na para bang na slide.

"biru lang. Hihihi. Peace yow." ang saya lang kasi pag ginugulat mo siya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"cal naman ihhhhh.." tinawag ko siya kasi nakatakip yung palad niya sa mukha
niya.

"caalll... ihh.. biro lang naman yun.." niyakap ko siya. Huhuhu. Ba't ang pikon
niya ata ngayon. Huhuhu.

"You had me worried and now you're scaring me to death?" napailing siya.

"Hala. Di ko naman sinasadya yun ihh... Plittthh" pout pout.

Namamalik mata na rin ata ako kasi para bang nag iba ang kulay ng mata ni Cal
ng nag pout ako. Galit na galit ba talaga siya sa ginawa ko?

Huhuhu.

Please... Don't leave me... I'll die.

Napatigil ako ng narinig ko ang isang pamilyar na boses.

"sinabi mo yun Cal?" kumunot ang noo ko.

"what?"

"wala... Ano kasi eh.. Vision na naman." malungkot kong sabi.

Nababaliw na ba ako? Huhuhu.


Dahil ba'to sa sobrang kain ko ng ice cream? O dahil sinumpa ako ni Princess
Sara?

Or baka... baliw na nga ako.


OH NO. OH NOOOOO.

"are you okay?"

"Cal... Nandyan ba yung mga pinadala kong stickers?" siningkitan ko siya ng


mata.

Nagkaroon kasi ako ng vision na may stickers eh kaya pinabili ko siya.

"yeah.." may kinuha siya sa pouch ng jacket niya at inilahad sa harapan ko ang
isang matabang envelope.
Kitang kita ang glitters na nagmumula sa stickers sa loob.

"lahat yung may glitters diba?"

Tumango naman siya.

"Is it really because you had a vision or you just wanted me to buy these
shits?"

"Grabe ka naman. Wala kang support." binelatan ko siya.

Tinawag pang tae yung stickers ko. Hala. Asan ka ba makakakita ng tae na may
glitters? Tanga talaga tong si Cal paminsan eh.

"Cal? Punta tayo sa office mamaya.. Hihingi lang ako ng permission ni principal
para hanapin yung kambal ko. Wag ka nang sumama. Napakadelikado." seryoso kong
sabi.

Tinignan niya lang ako na para bang di naniniwala sa sinabi ko.

"Biru lang. Hihi. Syempre sama ka. Kung pwede nga tayu lahat eh. Para masaya.
Yun gusto mo diba?"

"you know I'd go with you even if you say no." nag cross arms siya na para bang
may awtoridad dito sa cubicle ko.

Helloooo ako yung may sakit dito. Ako dapat yung may kapangyarihan sa'ming
dalawa.

"hihi sabi ko nga." biru lang. Alam ko talagang napakatigas ng ulo ni Cal eh.

Sabi ko nga siya boss dito eh. Huhu.

Hmm.. Pukpukin ko kaya ng martilyo yung ulo niya o di kaya ipakain ko siya ni
Blobblebutt? Tas ipapadala ko siya sa Mount Olympus. Dun sa pinakatuktok ko siya
ipapabagsak kay Blobblebutt.

Tignan natin kong tatalab pa siya. Hmp.

"teka... Nasan nga ba si Blobblebutt?" okay lang kaya yun dito sa bago nyang
tahanan?

"He's at the stables with the horses. The aurai's are taking care of him so
don't worry."

Tumango ako.
Last time ko kasi siyang nakita yung after the war. Mas madalas ko kasing
nakikita ang puting kurtina at ang ilaw dito sa clinic. Hmp.

Pero ang sarap lang dito kasi ang tahimik... Tas yung blue and white na motif
ng cubicle nakakakalma...

Biglang pumasok sa isipan ko ang convo namin ni Daddy.

'You need to go Art...'

'Pero dad.. Huhu wala akong alam ni isa tungkol sa kanya eh'

'You will, so be prepared. I cannot help him only you, my mortal daughter
could.'

'kahit isang word lang dad. Bigyan mo ko pliiitthh!!'

narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.


Hihi.

'The other gods are here. I have reached my limitations with my earthly
contact. They must not hear me talking with you.'

'Pero dad! Yung word!'

'Revered Art... He is revered'

"Cal... May tanong ako..."


Tinignan niya lang ako na para bang nag aantay ng pandagdag.

"Diba Gods see everything? Eh bakit di nila tayo ginagabayan? Yung straight to
the point! Pagka may itatanong ako kay dad eh riddles lang yung binibigay niya.
Tinanong ko siya kung sino yung kapatid ko. Isang word lang ang binigay niya. Hindi
pa niya pangalan. Huhu nahahati na utak ko nito."

Ba't ba kasi di pa bumaba yang mga Gods.


Ang saya saya siguro nilang naninirahan sa Olympus.
Nanonood lang sa mga pinagdadaanan namin. Pfft. Nakakainis.

"It is by the law that the Gods must not interfere with the fates. If it is
what is destined, then it should happen. One change and the whole future will too.
That's why, they only leave clues. to guide us in a more... natural way..."

May ganun pala? Ang OA naman!


Eh anak nila kami eh. Dapat tulungan nila kami dito. Huhu.
Gusto ba nilang makita ang mga anak nilang naghihirap tas sila wala man lang
ginagawa?

Ang nice naman ng parenting nila.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Another One

Cesia's POV
"What is it this time?!" napaatras ang aurai na may dala-dalang folders at naka
eyeglass.

"P-pinatawag po kayo sa office ni sir R-rio..." lumiit yung boses niya na nag
g-give way sa malaking authority ng aura na pinapalibas ni Ria ngayon.

Nainis siya kasi wala dito yung chairperson ng mga aurai.

Aish. Ria naman. Lumalamang talaga yung pagiging violent niya.


"Wow.. Nahimatay na naman si Art. Tas nasa clinic ngayon si Kara kasi kakaalam
lang namin na may nagbantang patayin siya. Kaya eto pinuntahan namin ang maaaring
may kapakana. Tapos, madatnan naming wala dito ang hinahanap namin. And now..."
napansin ko ang pagtinis ng boses ni Ria. Nakayukom rin ang kanyang kamao.

"PINAPATAWAG KAMI SA OFFICE NI RIO?!" huli niyang sigaw bago nagsummon ng nag
aapoy niyang espada.

Agad namang nagliwanag ang aurai saka bumungad sa'min ang kanyang mga pakpak.

Lumalabas ang mga pakpak ng aurai pag iba ang pakiramdam nila sa paligid. Para
na ring reflex action pagka may nasesense silang mali.

Hindi na ako magtataka kung bakit ganito ang reaksyon ng aurai kay Ria.

Nakakaawa ang aurai. Siya tuloy ang napagtripan ng bipolar kong kaibigan.
Tatawagin ko na sana si Ria para mapakalma nang bigla na lang siyang
humalakhak.

See? I told you. Bipolar.

"HAHAHAHAHAHA!" mas lumakas ang mga tawa niya.

Hmm.

Posible bang nabaliw na siya?

"HAHAHAHAHAHA Oh Gods! Ano bang ginagawa ko?" agad naglaho ang nag-aapoy na
espada.

hmm.. posible naman siguro...

"Of course I expected this! The Gods hate us! HAHAHAHA" nakahawak siya sa tiyan
niya habang tumatawa.

Tinignan ako ng aurai na takang-taka sa kaibigan ko.

Napangiti nalang ako at nagkibit-balikat.

Nginitian ako ng aurai at tumango. Kasabay nito ay ang paglaho ng kanyang mga
pakpak.

Parang nasanay na ata ako sa ibinibigay na mga tingin ng iba sa tuwing umaandar
ang pagiging bipolar ni Ria.
"HAHAHAHA! Syempre tatawagin tayo sa office! How dumb can I be?!" napahawak
siya sa ulo niya.

Nakapako ang tingin ko sa baba kasi isa lang naman ang ibig sabihin pag
pinapunta kami sa office ni Sir Rio.

May problema na naman. May bagong problema.

"HA! Let's get going Cesia. I can't wait to write down another problem on the
list." huli niyang sambit bago magsimulang maglakad palabas.

Napailing nalang ako saka nagpaalam sa aurai.

Habang naglalakad, naalala ko ang sinabi ni Ria.


'Of course I expected this! The Gods hate us!'
Di ko rin maiwasang magtanong kung alam ba ng mga Gods ang nangyayari dito.
Eh syempre mga anak nila kami...
Pero pwede ring sila mismo ang may gawa ng mga problemang pinagdaraanan namin.

Pero anak pa rin nila kami...

Ewan pero pakiramdam ko may butas ang loob loob ko... Na may bahagi sa'kin na
nakukulangan pagka naiisip ko ang mga deities namin.

Di naman siguro ako nag-iisa.

Di namin pinili na maging isang demigod. Di rin namin pinili na mapunta sa


sitwasyon na'to...

Nabuhay lang kami dahil sa deities....

Pero dapat nga ba kaming mabuhay para sa kanila?

Ang ibig ko lang naman sabihin, iba sila.

Mga diyos at diyosa.

Ang ipinagtataka ko lang, ay kung bakit may kutob akong may malaking pangyayari
na magaganap.

Pakiramdam ko rin...

Hindi kaya hinahanda nila kami?

Or for entertainment purposes lang ang nangyayari sa'min ngayon kasi


nakakabored pag isa kang God?

"you might be wondering kung bakit parati kong pinagbibintangan ang mga
deities..." nabalik ako sa realidad nang narinig ko ang boses ni Ria.

Napansin niya siguro ang tahimik ko.

"actually... Hindi... Naiinis nga ako minsan sa kanila." bumagal ang lakad niya
pagkatapos marinig ang sinabi ko.
"talaga? I thought magiging neutral ang sasabihin mo like-"
"dati pa naman talaga akong galit sa kanila..."

"Ba't ngayon mo lang nasabi yan?" tanong niya.


Tumigil na ako sa pagtawag sa kanya ng 'ma' or 'mom'. Sa totoo lang, matagal
tagal na rin ang huling pag-uusap namin kaya di ko masasabing close kami.

"Kasi... Sino ba tayo compared sa kanila diba?" napangiti ako.

"are you underestimating... us? Lowlife creatures?"

"Naalala mo? May mga pagkakamali din ang mga Gods. Hindi ko lang talaga gets
yung-"

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.


"yep... Ang mga magulang ang dapat marunong umintindi sa anak diba? Funny how ours
is the opposite."

Napangiti ako sa sinabi niya.

Di naman yun ang sasabihin ko kaso may point rin siya.

"why can't we just be like those puny mortals living their normal lives" inayos
niya ang buhok niya gamit ang kaliwa niyang kamay.
Napatigil kaming dalawa nang lumitaw ang pagmumukha ni Chase sa harap namin.
"there you are! Bilisan niyo nga ang paglakad. Naiinip na sila."

Napatingin ako kay Dio na nasa labas ng office ni Sir Rio at hinihintay kami.
Pagpasok ko, naamoy ko kaagad ang kape. Napansin ko rin si Trev na nakaupo na
pala sa loob.
"Nasan si Cal?" tanong ni Ria.
"Clinic. Pinatawag na. Papunta na siguro dito." sagot ni Chase.
Tumayo si Sir nang makaupo kami.
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Trev na nasa harap ko.
Isang mesa lang ang nasa pagitan namin. Pero ramdam na ramdam ko ang layo niya.
Halatang malalim ang iniisip.

"should we wait for them?" tanong ni Dio.

Them...
Kasama na ba ni Cal si Art?

Nasagot ang tanong ko nang bumungad sa pintuan si Art na may malapad na ngisi,
kasalungat sa kasama niyang nakasimangot.

Tumabi si Art kay Ria.

Siguro ngayon, gagaan na ang loob ni Ria kahit konti kasi nandito na si Art.
"So... ano ba pag-uusapan natin?" nakataas ang isang kilay ni Ria.

"Mission."
Nagbuntong-hininga ako.
Mission.
Okay.
"There has been... Some PROVEN rumors in the mortal realm. Many are already
disturbed by what is currently happening around the local areas."
Ako lang ba or... kinakabahan pa rin kasi ako pag may mga seryosong meetings
tulad nito.
Pakiramdam ko anytime masu-suffocate ako.
"Rumors? From whom? Like what?" napatigil si Sir sa paglalakad pagkatapos
marinig ang mga tanong ni Trev.
"FROM our sources inside the realm and..." huminto si Sir para huminga ng
malalim.
"like the increasing amount of massacred indirect descendants. Mostly men...
And children... Some, died without even knowing that they are indirect descendants
and that they died for that reason. Anyways, may idea na ba kayo sa misyon niyo?"
Napatingin kami sa isa't isa.
"Protect the remaining descendants by collecting them before they die?"
nakasingkit ang mga mata ni Dio.

Tumango si Sir.

"yun lang naman pala bro!" nag imaginary fist bump si Chase.

"please don't underestimate your task. You, stepping inside the mortal realm
makes you a favored prey knowing that you are direct descendants. Who knows? Baka
kayo ang magiging bagong target nila." sumimangot naman si Chase nang narinig niya
ang babala ni Sir.

"When do we start?" tumayo na si Trev at handang lumabas ng office.

"tonight..."

Napatigil kaming lahat.

Agad agad?!

"No way." napailing si Ria.

"You heard me right, Ria..." nakatutok ang mga mata ni Sir sa direksyon namin.

"TONIGHT."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Bags

Cesia's POV
Hindi na ako nag abalang maligo. Dumiretso na kasi ako sa pagkuha ng mga gamit
ko. Sinisigurado ko lang na kompleto ang lahat ng kakailanganin ko.
At nagdagdag na rin ako ng extra damit.
Wala naman kasing may alam kung ilang araw kami aalis.

Kaya mas maganda talaga pag handa.

Isinara ko na yung bag nang may kumatok sa pinto.


"Cesia?" narinig ko ang boses ni Ria.
"yeah.. Eto na." Nakasabit ang isang knapsack, nakahawak ang kanang kamay sa
luggage, lumabas na ako sa kwarto.

Mukhang ako nalang yung hinihintay nila.

"We're back at it again.. Missions. Ang galing." nahagip ko ang pagkadismaya ni


Chase.
"Trabaho na natin yan since. Ba't nagreklamo ka pa?" nakasabit sa balikat ni
Dio ang kanyang bag.

Habang naglalakad sa corridors, siniko ako ni Ria kaya napalingon ako sa kanya.
"Ang gentlemen naman nila." bulong niya.
Nagtaka ako. "huh?"
"Duh."
Kinurap-kurap ko ang aking mga mata. "B-bakit?"
"Can you do me a favor?" ngumuso siya.

Uhh...

Tumango ako. Ano bang kailangan niya?

"Can you... umm..." napatingin siya kina Chase. "use your abilities to.. you
know.. so we don't have to carry our bags atleast.."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ria! Hindi pwede.. paano kung magalit sila-"
"Pretty please?" nag puppy eyes siya.

Napapikit ako at huminga ng malalim.


"Okay." nginitian ko siya. "Pero pag nagalit sila, ikaw ang ituturo ko."
"Psh? Sila magagalit sa'yo?" natawa siya ng marahan. "Shut up. Kung ako, isang
anak ni Aphrodite, I'd make them slaves."

Natawa ako sa sinabi niya.

Biglang lumapit si Art sa'min na may di maiguhit na mukha.


"Ang saya saya niyo ah. Di ba kayo nabibigatan sa mga bags? Huhuhu." halatang
nahihirapan siya.

Idagdag mo pa ang dala niyang paperbag na may lamang mga PPG unan niya.

Mayamaya...
"Boys.." kinuha ko ang atensyon nila kaya't huminto sila sa paglalakad.
Napatingin silang apat sa'min.
"Gentlemen pala." napalunok ako.
"Carry our bags." saka ko sila inutusan.
Nagtinginan sila kaya nagdadalawang-isip ako kung tumalab ba yung ability ko.
Ilang segundo ang lumipas, lumapit sila at kinuha ang bags namin pati yung luggage.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Amazing with a z.." pumapalakpak si Art. "Amazing with a c pala.. hihi.. C for
Cesia."

Sumingkit ang mga mata ko nang matrace ang will ng boys. Sasabihin ko na sanang
successful yung inveiglement ko kaso...

Mukhang hindi tumalab ang ability ko sa isa sa kanila.

Nag abot ang kilay ko.

So... malakas pala ang resistance niya sa ability ko.


Eh yung dugong Aphrodite ko kaya?

Hinintay kong magkaroon kami ng eye contact tas binigyan siya ng isang matamis
na ngiti.
"thank you.." sabi ko pagkatapos i-abot sa kanya ang lahat ng dala ko.

I managed to bump his shoulder slightly dahilan na mapangiti ako.

Pagkatapos, tumigil ako.

Teka...

Tinignan ko ang anak ni Zeus na halatang nagulat sa ginawa ko.


Nanlaki ang mga mga mata ko nang kumunot ang kanyang noo habang nakatingin
sa'kin.

Gods. Kailan pa ako natutong lumandi?!

"una na kami! Hihi" hinila kaagad ako ni Art at Ria na nagmamadaling tumatakbo
papalabas ng campus.
"Ferrari or Porsche?" humihingal na tanong ni Ria habang tumatakbo.
"Ferrari kasi mas higher ang horsepower! WAAAAHH!!" nakataas ang mga kamay ni
Art habang tumatakbo.
"Then Ferrari it is!" masayang tugon ni Ria.

Narating namin ang pulang Ferrari at sabayng pumasok sa loob.


"Ayan na sila! Hihihi." nilingon ko ang direksyong tinuro ni Art at natawa ng
marahan.

Tumatakbo kasi sila samantalang si Chase may sinisigaw ata kesyo di ko marinig
ng maayos kasi nakasarado ang bintana.
Nagulat nalang ako nang nasa tapat na namin siya at kinakatok ang bintana.

Binuksan naman ni Ria ang bintana na nakataas ang isang kilay.

"Hello!" bati niya kay Chase na may kasama pang nanunukso na ngiti.
"Nakakatawa ba?" inis na tanong ni Chase. "Alam kong ikaw ang dahilan kung
bakit nagawa 'yon ni Cesia, Ria..."
Napangiti ako.
Ayan na naman kasi ang dalawa.
Syempre, di magpapatalo si Ria kaya sinuot rin niya ang kanyang shades na may
totoong diamonds na nakadikit sa frame.
Take note.
Gabi pa.
At nakashades na sila.
"Yeah. May problema ba? It's funny for me atleast." nakapatong ang dalawang
kamay ni Ria sa steering wheel.
"Funny enough that you'd fall for me?" yumuko si Chase.
For a moment, napatingin ako kay Chase.
Abot langit ang ngiti ko nang marinig ang mabibilis na tibok ng puso ni Ria.
"Funny enough that I could kill you pag di ka tumahimik diyan." sagot ni Ria.
Ang galing. Kahit kinakabahan siya ng todo-todo di pa rin siya nauutal. Nagawa
pa niyang makasagot.
"Ako? Papatayin mo?" natawa si Chase. "Then my last words would be..."

Namula ang pisngi ni Ria... at may pakiramdam ako ito ay hindi dahil galit siya
kay Chase.

"Salamat dahil lalaki ang biceps ko dahil dito. Oh. Bags mo." inabot ni Chase
ang bags na agad ring tinanggap ni Ria.
Pagkatapos masara ni Ria ang bintana, natawa kami ni Art sa likod.
Napagaan rin ang loob ko nang ibinalik ni Ria ang shades niya sa bag. Akala ko
pa naman magmamaneho siya habang nakasuot nyan.

Ngunit naglaho ang aking ngiti nang may narinig akong boses.

'You're already killing me Ria.'

kusa akong napatigil.

Teka.

Wait...

Totoo ba yung narinig ko?!


Umiling-iling ako. Baka nag ha-hallucinate lang ako? Or....

Huh. Isa sa ability ko ang Empathy or the chaneling of feelings...

kaya sigurado akong nasabi niya 'yon.

Napatingin ako kay Ria na nakayuko at namumula pa rin ang mukha.

Akalain mo nga naman...

"Your other heavier things are in our car... So don't bother to COMMAND us
again." narinig kong reklamo ni Dio nang maibigay kay Art ang mga gamit. Padabog pa
niyang isinara ang pinto.

Bumalik ang atensyon ko kay Trev na seryosong nakatingin sa'kin.


"Is there anything else you need?" tanong niya pagkatapos ibigay ang knapsack ko.

"Wala na.." tinabi ko na rin yung bag saka niya sinarado ang pinto.

Nakakahiya yung kanina ah...

"M-multo na ba ako R-ria?" nilingon ko si Art na nakayakap sa tatlong plushies


niya, wide-eyed at nanginginig.
"Nope. Totoo yung nakita mo." nakangisi si Ria habang tinetest ang accelerator
ng sasakyan.
"P-pusa na ba ako... m-meow... m-meoww?" tinititigan ako ni Art na para bang
ako yung multo.

"Anong meron?" tanong ko.

Nagulat ako nang biglaang napasinghap si Art na tila may nangyaring di kapani-
paniwala.
"W-wala... hihi" saka naman siya nag peace sign. "Nababaguhan lang ako..."

"sa ano?"

"kay Trev."

Nagsimula nang tumakbo ang sasakyan. Pero bigla nalang itong huminto.
"A-aray." hinihimas-himas ko ang noo ko. Di pa nga kami nakaabot sa syudad may
bukol na ako.
"Ria naman eh! Huhuhu" nakapikit si Art at nakayakap ng mahigpit kay Bubbles.
"sorry... asan nga ulit yung shortcut papunta sa mortal realm?" tanong ni Ria.
"Sabi ni Principal, left daw then left again tas straight. Then may dead end
daw except for two roads... tas doon tayo sa right... hihi."
Sure akong hindi sure si Art sa sinagot niya.

"Sure na sure na ba talaga yan Art?" hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, baka
kasi mauumagahan kami dito.
"Si Kara sana eh.. kaso wala siya dito.." napatango ako sa sinabi ni Art.

Si Kara talaga ang makakasagot sa mga ganitong tanong. Siya rin naman ang
captain of the ship namin. Sa kanya kami nanghihingi ng mga sagot.

"Wait. Naalala ko na..." sambit ni Ria.


Pinikit ko ang aking mga mata at naalala ang nangyari kanina.

Pati sarili ko di ko na kayang mapagkatiwalaan.

Lalo na sa tuwing umaandar ang pagiging Aphrodite ako.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

A Visitor

Jamie's POV
"Hey..." kumunot ang noo ko. Hinila ko ang blanket para matakpan pati mukha ko.

"Hey... miss?" wow ha. Ang aga aga. May natutulog!

Naramdaman ko ang ilang pindot sa may tagiliran ko. Pero binalewala ko nalang
kasi nga ang sarap ng tulog ko.
"Miss... the operation is done..."

Operation?! Anong operation?!

"wala akong pakialam." Umurog ako ng konti para mapalayo sa sino mang may
masamang balak na gisingin ako.

"Ate... Yung operasyon ni mama.." narinig ko ang boses ni Arah.


Operasyon...
Ni...
Mama....
"H-HA?!" Agad akong napabangon dahilan na mabunggo ang ulo ko ng may
pagkalakas.
"Ow!"
"Aray!" hinawakan ko ang ulo ko.

Napaangat ako para makita ang nilalang na nakabangga sa mama ko nakahawak rin
sa noo niya.

"Ano ba?! Pinahamak mo na nga mama ko tas ngayon ako na naman!" sinigawan ko
siya. Hindi maganda ang araw ko simula nang magising ako.
Dagdagan mo pa ng sakit sa ulo. Ang lalaking 'to ang may kapakana!

Tsk.
"Look. I said I was sorry..." hinihimas himas niya ang noo niya nang nakapikit.
"bakit? Sorry ba ang makakabayad sa ospital?! Sorry ba ang makakaligtas sa mama
ko?!" sinigurado kong bakas na bakas ang inis at galit sa boses ko.
Just to make sure na alam niya kung gaano kalaki ang naidulot niyang problema sa
pamilya namin.

Hinatak naman ni Arah ang t-shirt ko kaya napatingin ako sa kanya.

"oh?!" nakaabot pa rin ang dalawang kilay ko.


"Ate... Wag kang OA. Hinaan mo boses mo. Nasa waiting area pa rin tayo."
Kusang napatingin ako sa iilang mga tao na dinadaanan kami at nakatingin sa
gawi ko.

"saka... Siya na daw ang magbabayad sa ospital. At baka nakalimutan mo ate,


siya mismo ang nag opera kay mama.." ngumuso siya sa lalaking nakatayo sa harap ko.
Iniangat ko ang ulo ko at tinaasan siya ng kilay.
"Mag c-cr lang ako." kinuha ko ang bag ko saka tumayo at nagsimulang maglakad
papuntang CR.

"miss?"

"ano na naman?" napahinto ako nang narinig ko ang pagtawag niya.


"you're going the wrong way."
Bumalik ako sa dinaanan ko at nilagpasan silang dalawa.
"ge" maikli kong sagot.
Habang naglalakad, naririnig ko ang pag e-echo ng boses nila.

"Ganyan ba talaga yang ate mo?" tanong niya kay Arah.


"mmhmm... Sorry po pag ganun siya kuya Seb ah?"
Seb...

Seb ang pangalan niya.


Lumiko ako pagkatapos makita ang signage ng comfort room na may arrow.
Mayamaya, nakapasok na rin ako. Pinatong ko ang bag sa marbled sink saka
humarap sa malaking salamin.
Ang haggard haggard ko na.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na.

2:45 am...

Binalik ko sa bag ang phone ko.


Pinihit ko na yung handle ng gripo nang narinig ko ang pagbukas ng pinto.
Pumasok ang isang babae at dumiretso sa katabi kong sink.
Binasa ko yung mga kamay ko at nagsimulang maghilamos para mahimasmasan.

Pagkatapos, kinapa-kapa ko ang bag ko habang nakapikit.

Nasa'n ba kasi yung panyo ko...


"here..." narinig kong sambit ng babae sa tabi ko.
Binuksan ko ang isa kong mata at nakita sa salamin na may inabot siyang panyo.
Kinuha ko naman ito at ginamit para mapunasan ang basa kong mukha.

"salamat..." nagdadalawang isip akong ibalik sa kanya ang panyo niya kasi
basang basa na ito.
Pero nasagot naman yun nang kinuha niya ang panyo mula sa'kin nang nakangiti.

Isang huling tingin sa salamin bago ko kinuha yung bag at dali-daling naglakad
papalabas.
Sino bang hindi magmamadali eh ang weird lang ng tingin ng babae sa'kin.
Nakangiti pa.

Posible kayang multo siya?

Ospital naman to eh...


Habang naglalakad, sinantabi ko nalang ang nakakakilabot na babae at inisip ang
kalagayan ni mama ngayong tapos na ang operasyon niya.
Tumigil ako sa harap ng operation room. Saktong lumabas ang isang nurse kaya
tinawag ko siya.
"Nurse! Sa'n po yung babaeng naaksidente na inoperahan niyo kanina?"
Hindi ko na kasi nakikita si Arah saka yung doctor sa blue seats ng waiting
area. Nawala na rin yung bags ng mga gamit ni mama kaya hula ko nasa room sila.

"nasa room A214 po siya naka assign." tumango ako at nagpasalamat sa nurse.
Tinignan ko muna ang mga upuan. Baka kasi may nakalimutan sila.

At tama nga ang hinala ko.


Kaso di ko maalala kung may dala ba kaming kumot. Nasa dulo kasi ng huling
upuan nakasabit ang isang green na kumot.

Eto ata yung ginamit ko habang natutulog.

Oh well. Baka kay Arah to.

Kinuha ko na yung kumot at tuluyang hinanap ang nasabing room.

Nagtatanong tanong lang naman ako sa mga staffs hanggang sa nakita ko na


finally ang pinto na may nakalagayng letrang A at mga numerong 214.
Pumasok ako sa loob saka ako sinalubong ng malamig na kwarto.
Ngayon ko lang rin napagtantong malaki rin ang room na 'to. May maliit na sala set
at may sariling kitchen na rin.

May dalawang pinto rin.

Lumabas mula sa mas malaking pinto yung Seb. Napatigil naman siya nang nakita
niya akong nakatayo.

"Your mother will be fine... And uh..." bumaba yung tingin niya sa dala-dala
kong kumot.
"sayo ba'to? Eto..." naglakad ako papunta sa kanya saka inabot ang kumot.
"thank you... Babalik ako mamaya to check her condition." casual niyang sabi
bago tumungo.
"T-thank you rin Doc..." naguiguilty ako sa ginawa ko kanina. Malaki rin naman
ang tulong niya.

"Just call me Sebastian... Nice to meet you Jamie." narinig ko ang pagsara ng
pinto.
Sebastian...

Kaya pala Seb....

Napangiti ako. Alam niya pangalan ko.


Agad akong pumasok sa loob at kinuha ang unang unan na nakita ko para ihampas
ito kay Arah na nagbabasa ng libro.

"Walanghiya kang bata kaaaa!!!"

Kinuha naman ni Arah yung unan it tinapon ito sa dulo.


"Bakit ba?!" nakadepensa ang dalawa niyang braso.
"Hindi mo sinabing close pala kayo sa lalaking yon!" padabog akong umupo at
kumuha ng isang unan. Niyakap ko ito at sinubsob ang mukha ko.

"Nakakahiya yung ginawa ko kaninaaaaaa!"


Sinigawan ko pa siya sa isang public area.
"syempre magiging friends kami ni Kuya Seb. Siya lang kaya yung kausap ko nung
nakatulog ka."
Naramdaman ko ang unti-unting pag iinit ng mukha ko.
"Walangyaaa! Ba't di mo'ko ginising?!"
Nakakahiya na talaga! Tulo laway pa naman ako matutulog! Hindi ko na kayang
humarap sa lalaking 'yon....
"sabi niya baka pagod ka daw eh kaya gisingin ka nalang daw pag nailipat na si
mama sa room. Dinalhan ka pa nga niya ng kumot! Yieeeeeeee" tinutulak niya ng
mahina ang balikat ko.

"che!" tumayo ako.


"Sa'n ka pupunta ate?" tanong niya.
"sa bahay. May exam pa kami mamayang umaga. Babalik nalang ako pagkatapos."
napako ang mga mata ko kay mama na mahimbing na natutulog.
"saka sabi rin ni Sebastian na magiging okay rin siya...." ginulo ko ang buhok
ni Arah.

"Basta diretso ka dito ate.." bumalik siya sa pagkaupo at kinuha ang libro
niya.

Tumango ako.
•••
Nagpapatuyo ako ng buhok habang naghihintay na tumunog yung microwave.
Nag init nalang ako ng leftovers ng pagkain namin kagabi. Nagugutom kasi ako.
Tinignan ko ang nakasabit na orasan.

3: 51 am...

2 hours nalang at magbibihis na ako ng uniform.


At may 2 hours rin akong ituloy yung naputol kong pagreview.
Babalik na sana ako sa kwarto ko sa taas nang may kumatok sa pinto.

"sino po-" napatigil ako sa pagsalita nang nakatapat ko ang babae sa kanina.
Nasa kamay niya ang panyo na pinagamit niya.

Saka niya ito dinilaan.

Ew.

"Delicious..." biglang nag iba ang boses niya.


Isasarado ko na sana yung pinto nang itinulak niya ako kaya napatapon ako sa
kabila.

Aray...

"S-sino ka?!" nakaluhod ako hawak hawak ang braso kong namamaga.
Nanlaki ang mga mata ko nang kumalahati ang katawan ng babae kasabay ng
paglabas ng kaluluwa niya....

SABI KO NA NGA BANG MULTO 'TO EH!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Battle Axe

Di ba ako nagpagpag?
Dahil ba'to sa sobrang kapangitan ko na naaattract ko ang mga multo?
May sinabi ba akong mali?
Nasundan ba ako ng isang patay?
Kinukulam ba ako?
Kung anu-ano na ang lumalabas sa isipan ko ngayon at bakit napunta ako sa
sitwasyong 'to.
"Hindi ko akalaing makakakain ako ngayon ng isang semideus. Tatawagin ko pa
sana ang iba pero nagdesisyon na akong akin lang ang hapunang 'to." lumabas ang mga
matatalim niyang ngipin. Saka niya hinagis sa taas ang panyo at sinalo ito ng
malaki niyang bunganga.

Halata naman siguro kung sino ang sinasabi niyang hapunan.

Teka.
"Kailan ba kumakain ng tao ang mga multo?" tanong ko dahilan na humalakhak siya
ng malakas.

Sinubukan kong maghanap ng gamit na maaaring pandepensa.

Sa may di kalayuan, may nakita akong dustpan.

Wala na akong choice. Yan lang naman kasi ang nasa reach ko eh!
Sa american movies ka lang makakakita ng mga baseball bats, metal rods na
maaaring gamitin. Pero iba to! Pilipinas to kaya syempre dustpan ang pinakalapit
sa'yo.

Tsk.

Napailing ako.

Agad namang tinignan ng nilalang ang dustpan.

"seryoso ka?" saka niya itinapon ito papalayo sa'kin.

wow ha!
"Alam ko namang kakainin mo rin ako eh! Edi sana naman binigay mo nalang yung
dustpan! At least mamamatay akong naglaban. Puta." napaatras ako.

Kung saan na naman naglibot ang mga mata ko para makahanap ng pwedeng magamit
laban sa tao-eating-multo.
Walang kwenta. Alangan namang yung gas ang gagamitin ko. Ano? Itatapon ko rin
sa kanya? Ganon? Ano ako? Supergirl?

O etong gallon kaya ng mineral water na walang laman. Di naman siguro to


mabigat.

Biglang tumigil ang mga mata ko sa ilaw na nasa taas ng multo.

Kinuha ko ang gallon at hinagis ito sa ilaw. Bumagsak ang iilang mga sparks ng
kuryente sa mga mata ng multo.

At doon na akong nagsimulang kumaripas ng takbo papunta sa taas at dumiretso sa


kwarto ko.

Sinet ko ang tatlong alarm clocks ko. Pati na yung laruan kong crossbows.

This time, nag iisip ako sa pwedeng madistract sa multo.


Balloon sa birthday ng pinsan ko kahapon.
CD.
Gatorade na bottle.
At isang superglue.

Pwede na'to. Simple lang naman 'to eh. Nilagay ko silang lahat sa mesa.

Ginamit ko ang glue para idikit ang lid ng gatorade sa CD.Tas kinuha ko ang
balloon at tinanggal ang tali nito. Dali dali kong tinali ito sa lid bago pa ito
maubusan ng hangin.
Naalala ko 'to kasi isa 'to sa favorite experiments ko noong bata. Di ko alam
na magiging life-saving instrument ito.

Pinalutang ko na ang ginawa kong mini hoverboard at binigyan ito ng konting


push para lumutang ito sa direksyon 36 inches papuntang bintana.
Saktong nakatago na ako sa likod ng cabinet nang nakapasok
na ang multo sa kwarto.

"Mmm..." nakatitig ang multo sa lumulutang na CD.

"what have you turned yourself into demigod?" bulong niya sa sarili.

Demigod?

Biglang nag alarm ang unang clock na siyang kumuha ng atensyon niya.
Pagkatapos, tumunog na rin yung pangalawa.

At ang pangatlo.
Napahiyaw siya sa sakit nang natamaan siya sa nilagay kong mga compass sa
maliliit na crossbows. Yung mga compass na metal tip ang dulo.

Ngayon, alam ko nang di siya multo.

Nag anyong tao siya at pinuntahan ang mga alarm clocks.

Tinapon niya ito at bakas sa mukha niya ang inis. Pero nag-iba naman ito nang
narinig niya ang tunog ng DIY hoverboard ko.
Ibig sabihin maliit nalang ang hangin at tamang papalabas na ito ng bintana.

Tumakbo ang babae kaso di niya naabutan ang balloon kaya bumagsak na nga ang CD
sa labas.

Nakatingin lang rin siya sa baba.

Ang bobo naman ng nilalang na'to.

hawak hawak ang sungkod ng yumaong tatay, na buong buhay ay hinanap ko pero
nandito lang pala nakalagay sa kwarto ko, lumabas ako sa pagtatago.

sana patawarin ako ni papa sa gagawin ko sa sungkod niya.

"waaaaahhhhh!" tatamaan ko na sana ang babae mula sa likod.

Kaso...

KASO NAGING ISANG MALAKING GINTONG PALAKOL ANG SUNGKOD.

Kaya nahati ko ang katawan ng nilalang.


•••
Nakatayo ako ngayon sa kwarto. Tinitignan ang hawak hawak kong...

ewan pero para siyang palakol. Nasa isang side nga lang yung malaking blade.
Parang weapon sa mga computer games.

Ang alam ko ginto 'to at ang gaan gaan lang nito sa kamay ko.

Bumalik sa pagiging sungkod ang gintong 'sandata' ilang segundo ang lumipas
kaya nagsimula na akong tumakbo pababa.

Si Arah... baka may nangyari sa kanya.

"Jamie-" napatalon ako nang may taong lumabas galing sa kusina.


"Sebastian?! Anong ginagawa mo dito?" hinigpitan ko ang pagkahawak sa sungkod
habang humahakbang sa kanya.

Baka isa siya sa umatake sa'kin.

"May pinapakuha ang kapatid mo. May nangyari ba?" binaba niya ang bag ni Arah.

So nandito nga siya para kunin ang mga gamit ni Arah.

"W-wala naman... bakit?" kinuha ko ang bag ni Arah. Nakatuon pa rin ang mga
mata ko sa kanya.

"Are you sure? because this place is a mess." nag gesture siya na tignan ang
paligid kaya napatingin rin ako.

Putspa.

"May nakapasok na mga kawatan!" nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko.


"p-pero napaalis ko na sila kaya.." nginitian ko siya. Sana naman tanggapin
niya ang rason ko.

Malalaki ang mga hakbang niya papunta sa'kin. Saka niya ako tinignan.

"uhh-" na a-awkwardan na ako sa titig niya nang kinuha niya ang kamay ko.
"your arm is swollen. We need to get you to the hospital." sabi niya bago ako
hinila papalabas.

Swollen daw pero feel niya atang palalain ang kondisyon ko kasi ang lakas ng
pagkahila niya. Pfft.

Pinapasok niya ako sa maitim niyang sasakyan.

So far, papuntang ospital, tahimik lang kaming dalawa. Mabuti naman at di siya
nagtatanong sa nakita niyang gulo kanina. Paano ko nga ba siya masasagot eh hindi
ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko.

"One question." napabuntong-hininga ako.

Eto na.

"what's that you're bringing?" tinignan ko siya sa salamin ng sasakyan saka


napunta ang tingin ko sa sungkod na dala ko.
"is that a staff?" tinignan ko ang sungkod ni papa.
"ewan ko kung ano 'to." hindi naman nag-iba ang reaksyon niya. Instead,
nagpatuloy lang siya sa pag drive.

Samantalang ako, nakapako ang tingin sa bagay na nasa kamay ko.

Si papa lang ang makakasagot sa tanong na'yan.

Papa... may tinatago ka ba na lingid sa kaalaman namin?

"We're here." sabay kaming lumabas at pumasok sa ospital.


Napahinto ako habang naglalakad kami sa hallway.

"Why?" kumunot ang noo niya.

"Si Arah... kailangan ko siyang makita." kailangan kong malaman ang kalagayan
niya.

"But-"

"wag ka ngang ano! basta kailangan ko siyang makita!" tumakbo ako sa direksyon
papuntang room ni mama.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Moving Out

"Ate naman eh! Ba't kinalimutan mo yung bag ko!" hinarangan


ko siya.

"A-ano kasi! Basta! Ako nalang ang kukuha sa gamit mo." hinigpitan niya ang
paghawak sa shirt ko at pilit hinihila ito.

Wala sanang babalik sa bahay sa ngayon. Not until may ideya na ako sa nangyari
kanina. Hindi na safe ang bahay.

Kung pwede, dito muna kami matutulog. Hangga't sigurado na ako.

"Ayoko ate! Baka makalimutan mo na naman! Gusto ko nang umuwi!" sinusuntok niya
ang tiyan ko gamit ang mga maliliit niyang kamao.

Pero nakaginhawa naman ako ng maluwag pagkatapos makita si Arah. Galit nga lang
siya sa'kin kasi nakalimutan namin yung bag niya.

Ba't ko nga ba kasalanan yun. Tsk. Di kaya ako ang nagdala sa bag niya.

"walang uuwi!" napatigil siya pagkatapos kong isigaw ang mga salitang gusto ko
na talagang sabihin sa kanya kesyo wala akong mababack up na dahilan.
"H-huh?" iniangat niya ang ulo niya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Sabi ko wala munang uuwi. Dito lang tayo." nag iba naman ang hitsura niya.
"kaya nga gusto kong umuwi ate eh kasi di ko gusto dito sa ospital. Nakakatakot
isipin na nasa isang building ako kung saan maraming namatay. Iiihhhh!!" bumalik
naman ang mga kamay niya sa pagtanggal sa'kin.
Pero wala siyang magagawa kasi nakadikit talaga ako sa pinto. At nakadikit na
sa isipa't loob ko na hindi siya pwedeng lumabas.
"Maghahanap tayo ng pwedeng matirhan wag lang yung bahay."

Sorry Arah. Alam kong biglaan at nakakapagtaka ang lumalabas sa bibig ni ate
ngayon. Pero sana maintindihan mo'ko. Malay ko ba may susugod sa bahay na isang
hindi-ko-alam-kung-ano ghostly creature.
Hope to die. Wala talaga akong alam na may mangyayaring ganun.

"Ate naman eh! May pera ka ba? Katulad ng saan?"


May pera naman ako. Mga savings galing sa allowance ko. Pero hindi nga lang
sapat para pambayad ng renta. Hay.

"Katulad saan? Ano..."

Pumapasok sa isipan ko ang listahan na pwede naming matuluyan.


Napatigil ang mga mata ko sa lalaking nakahalukipkip at nakatayo sa harapan.

"Sebastian!" nagulat siya sa pagsigaw ko ng pangalan niya. Pati nga ako nagulat
sa desisyon ko.

"huh?" tumigil si Arah at binigyan na naman ako ng reaksyong di maipinta.

Kingina ka Jamie.

Wala ka nang choice. Magdasal ka nalang na okay sa dalawa ang sasabihin mo.

"sa kuya Seb mo tayo titira..." napalunok ako.


Please.
Please.
Please.
"H-HA?!"
"WHAT?!"
I-'HA' 'WHAT' niyo ako!
Grabe ha. Ang OA lang. Ako na nga 'tong naghihirap dito tas bibigyan niyo ako
ng 'ha' at 'what'.
Ako na nga 'tong muntik nang mapatay kaninang madaling araw.
Ako na nga 'tong absent sa exam namin.
Maawa ka'yo sa'kin. Mababaliw na ako dito.

"Tama ba yung narinig ko kuya Seb?" nilingon niya si Sebastian na binigyan ako
ng anong-sinasabi-mo look.

Tinignan ko rin siya ng ngayon-lang-to-kaya-gora-ka-nalang


look.
Ilang segundo rin ang lumipas bago siya ngumiti kay Arah at tinanguan ang
kapatid ko.

"Yes, You're staying with me." sagot niya.

Parang nawala ang bigat sa dibdib ko nang bumitaw na rin si Arah at naglakad
papunta kay Sebastian na binuhat siya.

"Bakit ho?" naging malambot ang boses niya.

Aba matindi.

Halata naman talaga na may favoritism siya sa'ming dalawa. Sino ba kapatid niya
dito? Ako o ang lalaking yan?

"because... Jamie said so." binigyan ako ni Sebastian ng bored look.

"kailan ba kami lilipat sa inyo kuya Seb?" mukhang excited 'tong kapatid ko.

"right now. So go get your things." binaba niya si Arah na agad tumakbo sa room
ni mama.

"really?" tinaasan niya ako ng kilay.

Dineadma ko nalang siya at sinundan si Arah.


•••
Tumigil kami sa harap ng maitim na steel door. Sa isang condo pala siya
nakatira. Pagpasok pa lang namin ng building napanganga na ako. Ang gagara ng mga
nakatira dito.

May pinindot siyang buttons sa touchscreen na nakaset sa tabi ng doorknob.


Password ata. Saka niya nilagay ang hinlalaki sa screen. Agad nag scan ng
fingerprint ang pad.

Nakarinig kami ng tunog ng bell kasabay bukas ng pinto.

Napailing ako.
Iba talaga pag mayaman.

Binuksan ni Sebastian ang pinto para sa'ming dalawa ni Arah.

Nung una, wala akong makita kasi napakadilim. Pero nang automatic na nag on ang
lights, nakatumbad sa harap ko ang isang modern paradise.

All black ang walls pati ang tiles. At ang mga natitirang furnitures ay all
white. May mga wooden figurines din ang condo niya na mas mataas pa ata sa'kin.

"Ang gandaaaa!!" tumakbo si Arah sa may couch.

"There are two rooms. Mine and yours." sabi niya pagkatapos sinarado ang pinto.
"Di ba pwedeng ours and hers lang?" kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang
'yon.

Hindi naman siya sumagot. Di nya ata narinig. Buti naman. Ang aga aga para
maglandi ako.
Dumiretso kami sa direksyon ng dalawang magkatapat na kwarto. Kitang kita kung
ano ang nasa loob kasi gawa sa glass ang pader.

"Don't worry, if you turn on the lights inside the room, the glass will
automatically appear tinted." paalala niya.

Grabe ha.

Pumasok na ako sa loob pati siya.


Dun nga lang sa kwarto niya.

Napaupo ako sa kama.


Di ko inaasahan ang nagdaang mga pangyayari.

Life nga naman. Parang buhay.

Nakita ko si Arah na lumabas sa balcony ng condo. Enjoy na enjoy ang kapatid ko


ah.

Napangiti ako.

Tumayo ako at nag inat para malabas ang tension sa katawan ko.
Napatigil ako nang napansin ko si Sebastian na nakatingin sa'kin kaya
napalingon rin ako sa gawi niya. Imbes na umiwas ng tingin, pinagpatuloy lang niya
ang pagtitig hanggang sa naging itim ang noo'y glass walls ng kwarto niya.

"Ate!! Anong oras na?" tanong ni Arah na kakapasok lang.

"bakit?" dumiretso ako sa may puting switch at pinindot ito. Kagaya ng sinabi
niya, naging itim ang glass at automatic nag on ang lights sa loob.

"syempre pupunta ako sa school ate. Pati yun nakalimutan mo?" tinanggal niya
ang bag at humiga sa malaking kama.

"Mag hahalf-day ka sa school?" tanong ko.

"Mmhmm!" tumango siya.

Kaya consecutive valedictorian 'to eh. Ang sipag naman kasi. Hindi ata nagmana
sa ate niya.

"11:40 na. Kumain ka muna bago pumunta sa school. Ihahatid nalang kita." kinuha
ko ang bag ko at pinatong ito sa may desk.

"Ayoko!" reklamo niya.

"Bakit? Akala ko ba pupunta ka sa school?" umupo ako sa upuan na nakaharap sa


vanity table.
"Ayokong ikaw ang maghahatid sa'kin." napaupo siya na may kasamang nguso.

"oh? Ano na naman yan?" ewan ko kung bakit ang spoiled ng batang 'to.

"gusto ko si kuya Seb ang maghahatid sa'kin!" galit na tugon niya.

ABA.

"Sa'kin lang si Sebastian."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

On The Hunt

Cesia's POV
"Elementary school?" tanong ko kay Ria na nakatanaw sa mga estudyante mula sa
bintana ng sasakyan.

"Yeah. This is where our sources said so." si Kara nalang ang sumagot.

Medyo nagulat nga ako nang marinig ang boses niya. Nasa utak ko kasi na hindi
siya kasali ngayon.
Ewan pero si Kara lang rin ang makakasagot kung bakit siya nandito. Pag gising
ko nalang kaninang umaga, nakita ko na silang nag-uusap ni Ria. Narinig ko rin
siyang may sinasabi tungkol sa mga salitang 'bored' at 'I must do something'.

Isa nga siyang anak ni Athena.

Kahit nakabandage yung leeg pumunta pa rin para daw matulungan kami. Ayaw niya
daw mag missing in action.

Hindi na talaga ako magugulat kung bakit sa tuwing may mangyayari present siya.

Napatingin ako sa dalawang demigods na nakatitig sa labas.

Para tuloy silang alien sa ibang planeta kasi punong-puno ng curiousity ang mga
mata nila.

"Omygeee Ria! Ano yung nilalaro nila?!" tinuro ni Art ang mini park sa may
gilid ng gate kung saan may maraming mga bata na naglalaro ng luksong tinik.

"I don't know!" nanlalaki pa rin ang mga mata ni Ria.

Hula ko public school 'to. Kaya mas malaki ang posibilidad na may tumatambay na
mga aurai.

"We need to go." unang lumabas si Kara saka kami sumunod.


Saktong pagpasok namin ay ang pag tunog ng bell kaya nagsimula ng magtungo ang
mga estudyante sa kani-kanilang classrooms.
"Biliiis! Patay tayo kay ma'am!" hiyaw ng isang estudyante na tumatakbo kasama
ang isang kaibigan niya.
Napangiti ako.
Na miss ko ata ang panahon na elementary student pa ako. Ako yung estudyante sa
klase na pinapagalitan tuwing umaga. Inborn na kasi yung pagiging late-comer ko.

"So... Paano ba natin mahahanap yung mga aurai?" tanong ni Art.

Napag-alaman naming Aurai ang kumakain ng mga demigods. Walang nakakaalam kung
bakit pero simula nung digmaan, kumakain na ng demigods ang mga aurai.

Ibig sabihin hindi ang kakayahan ng Elite ang nagbago sa appetite nila.

Na confirm nga matapos naming magbreakfast kasama si Heather, ang vice-


commander ng mga Hunters ni Artemis.

Dahil sa mga pangyayari, napilitan silang mag camp dito sa mga area na maraming
tao. Bagong task nila ang sundan ang mga aurai at tulungan ang mga demigods.
Kasulukuyan silang naghuhunt ng mga aurai slash daemons.
"Hi!" nakangiting bati ng isang teacher sa'min.
"Hello teacher!" eto naman si Art kung sumagot parang Grade 1 lang.
"Bakit nga pala kayo naparito? Kayo nalang kasi ang nakikita ko dito sa
corridors. Ihatid ko kayo sa office?" alok niya.

Umiling naman kaming apat. "Wag na. May bibisitahin lang kami." napangiti ako
sa sinabi ni Ria.

Ang taray niya kasing pakinggan. Wala man lang 'po'.


"Ah sige... See you when I see you." bigla siyang natawa.
Kumunot ang noo ko. Medyo weirdo kasi ang pagtawa niya.

Siguro isa siya sa uri ng mga matatandang guro na trying


hard maging teenagers. Yung iba, bagay sa kanila. Pero yung ganito, nakakairita
minsan...
"Yeah." agad na nilagpasan ni Kara ang teacher.
"excuse me po..." ako nalang yung nanghingi ng paumanhin.

"Let's scatter and take a look around this place." suggest ni Kara na nabobored
na ata sa paglalakad.

"Kita nalang tayo sa car after 7 minutes." ani Art.

Lumiko kami sa iba't ibang direksyon.

Napagdesisyunan kong lumabas ng building at magpahangin habang naghahanap ng


something fishy.

Lumabas ako sa mini-playground. Napagtanto kong ang laki rin ng campus nila.

May mga benches na nakalinya sa harap ata ng canteen nila. Ewan pero walang
part ng concrete building ang connected sa bahaging ito ng school.

"Ate naman eh!" napalingon ako sa kararating na estudyanteng babae.

Tinanggal ng 'ate' niya ang kanyang helmet pagkatapos niyang bumaba sa motor.
"wag ka ngang maingay! Late ka na! Shoooo!"

"Hmp!" isang dabog ang sagot ng bata bago tumakbo papunta sa loob ng building.
"Ang spoiled talaga. Tsk." narinig kong sabi ng babae. Bumaba siya sa motor at
naglakad papunta sa direksyon ko.

Napansin kong may dala siyang sungkod.

Nakakadrive na pala ang mga disabled?

"Excuse me... Alam nyo po ba kung saan yung canteen?"


Naglalakad naman siya ng maayos ah.
Di rin naman niya ginagamit yung sungkod. Nasa kamay lang niya talaga.
"Uhh... Sa tingin ko dun..." tinuro ko ang lugar na pinepwestuhan ng mga
benches.
"sige... salamat." tinalikuran na niya ako nang may nahagip akong anino sa
kanyang likod.
Panandalian lang ang nakita ko kaya binalewala ko nalang ito at tumungo pabalik
sa sasakyan.

Pero kusang napatigil ang mga paa ko pagkatapos ng ilang hakbang.

May mali.

Bumalik ako sa canteen at nakitang wala na yung babae.

Imposibleng mawala siya. Isa lang naman ang daan pabalik... at dito yun.

Tumakbo ako sa harap ng canteen at nakita sa isang bench ang nakabukas na


wrapper. May laman pa ito.

Nag-ikot ang mata ko para hanapin ang babae. Dumako ang tingin ko sa signage na
'Private Property'.

Sa likod ng sign ay may sirang gate.

Pumunta ako sa gate at nag inspect kung ano yung nasa kabila.

Mga kakahuyan lang ang nakikita ko.

Mga halaman...

Isang hidden garden...


Teka. paanong hindi nakita 'to ng committee ng school? Hindi ba 'to delikado sa
mga bata?
Paano kung maliligaw sila dito?

Or...

Baka sinadya nga 'to.

Dali-dali akong pumasok sa garden. Nakuha kaagad ang atensyon ko sa bagay na


nasa aking paanan.

Sapatos.

Tatawagin ko na sana sina Kara nang nakarinig ako ng yapak ng paa kaya agad
akong nagtago sa likod ng mga gumamela.

Nakita ko yung guro na nakasalubong namin kanina.


Isa siya sa mga aurai.

"Tigil." tumayo ako at tinignan ang nagbabalat-kayo na aurai.


"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Sabi ko na nga ba..." natatawa niyang sagot. "ikaw at ang mga kasama mo..."

Nakayukom ng mahigpit ang kamao niya.

Gusto niyang makawala sa utos ko.

"sagutin mo'ko. Anong ginagawa mo rito?"


"Hinatid ko lang ang ulam ng kasamahan ko." pinakita niya ang kanyang matatalim
na ngipin.

Ulam...

Nanlaki ang mga mata ko.


"Dalhin mo ko sa iba pang mga aurai. Ngayon na!"
Sana hindi pa ako huli.

Ang kakapal ng mukhang gawing massacre bed ang mortal realm.

"Lumayo kayo sa'kin!" narinig ko ang sigaw ng babae.

Sumingkit ang aking mga mata.

Binilang ko ang mga aurai na nasa harap niya at handang-handa na kainin siya ng
buo.

"I smell..." magkasabay na lumingon ang mga aurai sa direksyon ko.


Huminga nalang ako ng malalim. Nakita nila ako.

"DEMIGOD!"
Inuna ko yung teacher at pinalipad siya papalayo.
Di katulad ng mga aurai na nakalaban namin sa digmaan, mas mahina ang mga ito.
Ginamit ko ang bracelet para ihagis ang mga bato sa kanilang direksyon.

"Tumakbo ka na!"

Sinunod naman ng babae ang utos ko at pinulot ang sungkod niya bago nawala.

"kakayanin." napabulong ako matapos hinagis ang isang aurai.


"DEMIGOD!"
"SNACKS!"
"MMM!"
'Stop shouting!' sinamaan ko ng tingin ang mga aurai na biglang natahimik
matapos kong gamitan ng ability.

Wala pang ni isang aurai ang nakalapit sa'kin dahil sa weapon ko. Hindi ko
kayang madumihan ang balat ko.

Kakaspa lang.

Tatakbo na sana ako kesyo nilagpasan ako ng isang spear mula sa likod kaya
napalingon ako.
"Sorry." nakapameywang si Ria.
"paano nyo'ko nahanap?" tanong ko.
"Ang tagal mo kasi eh kaya hinanap ka namin. Saka may babae na ring
nakapagsabi." sagot ni Art. Lumiliwanag ang mga palad niya dahil sa paulit-ulit na
paglabas ng mga energy spheres mula dito.

"Y-yung babae asan?" napahiyaw ako dahil sa ingay na nagmumula sa mga aurais.

"She was in a hurry. why?" tumalon si Kara sa isang aurai at pinalipot ang mga
braso niya sa leeg.

"Isa yung demigod." napailing ako.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Lured Sailors

Chase's POV
Nakaplay ang starboy by The Weeknd, maraming pole dancers, may mga strippers na
humaharang sa dinadaanan namin. Umuulan rin ng pera sa platform ng club.
"Bro. Alam ba ng girls na andito tayo?" kinalabit ko si Dio.
"Hindi." maikli niyang sagot.
"Ayy yun naman pala eh! Lez celebraaaate!" didiretso na sana ako sa isang table
nang hinila nila ako pabalik.
Tsk.
"Alam mo kung ano ang pinunta natin dito." bulong niya sa'kin dahilan na mawala
ang gana ko sa misyong 'to.
"Tsh. Kahit ilang segundo lang bro. Give chance!" pagmamakaawa ko sa kanila.
Eh minsan lang kami nakakapunta sa mga ganitong klaseng lugar.

Akalain niyo. Nasa basement kami ng isang cruise ship kung saan matatagpuan ang
clubs.

Hindi 'to uso sa Academy.

Makapatayo nga ng isang club sa Academy. Ako ang magiging manager nila.
"This is important Chase. We need to finish this immediately." binigyan ako ni
Dio ng nakakakilabot na tingin.

"Sus! Immediately? Namiss mo na kaagad si Kara?" siniko ko siya.

Eh halata namang nag-aalala siya kay Kara na kararating lang kaninang umaga.
Eager ata na sumama sa mission kaya kahit may bandage sa leeg, kinaya pa ring mag
drive patungo dito.
Kamangha-mangha talaga ang isang anak ni Athena.

"Shut the fu-" hindi natapos ni Dio ang buong salita dahil biglang sumibat ang
isang waitress na ~ohlalaaaaa....
Maganda.
Sexy.
"Hey boys..." bati niya with those ugh-piercing eyes.

Opportunity na ba'to na ibinigay ng mga diyos?

"Hey..." binaba ko ang tono ng boses ko para mas manly pakinggan. Katulad ng
sabi nila, girls like it hot.

Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa. Di ko tuloy maiwasang isipin na
parang may mali sa kanya.

Or sadyang mapanghusga lang talaga siya. May kasamang look of disgust kasi yung
mga titig niya.

What the. Iniinsulto ba niya ang kagwapuhan ni Chase, demigod, son of Hermes
the Great?!

"You want some drinks? Let me get you some-"


"Stop the act. Alam mo kung bakit kami nandito." pinutol ni Dio ang alok ng babae.

"I know. So follow me. There's a secret passage in one of the VIP rooms." as
said, sinundan namin siya hanggang sa makapasok na kami sa loob ng dark room. May
malaking screen at sa harapang table ay ang mic.
Nagulat nalang kami nang sinarado ng babae ang pinto at pinabayaan kaming apat
sa loob.

"It's a trap." bulong ni Cal habang pilit na pinipihit ang knob na ayaw umikot.
"Shit. Anong gagawin natin?!" nagsimula na akong mag panic. Kitang kita naman
kasi ang taranta sa mga mukha nila kahit madilim.
Bago pa may makasagot sa tanong ko, nag-off ang karaoke screen kaya tuluyan na
ngang nagdilim ang buong room.

Hindi ko gusto 'to.

Buti nalang, may pinalabas na iilang sparks ng electricity si Trev sa buong


katawan niya.

Sumunod ang pagtunog ng string instruments. Pagkatapos, ay


mga magagandang boses na kung hindi lang dahil sa malungkot na tono, aakalain mong
awitin ng anim na muses.

"Listen to the voice you hear..."


Bawat kataga ng pagkanta ay pumapasok sa isipan ko.
"Let our sound draw you near..."
Sinusubukan kong wag ipikit ang mga mata ko.
"It is okay to be tired my dear..."
Unti-unti ng nanghihina ang katawan ko.
"You're safe, you're ours to keep..."
Naramdaman ko ang wave ng pagod mula sa tenga saka kumalat sa buong katawan ko.
"So close your eyes... And sleep..."
Para akong lasing na naglakad hawak-hawak ang nanlalamig kong mga braso.
Nag-on naman ulit yung mga ilaw kaya dumiretso ako sa couch sa tapat ng screen.
"BRO?" kung saan napapadpad ang mga mata ko kesyo malabo talaga ang pananaw ko.
Bumibigat kasi ito sa bawat kurap.
"Shhh demigod..."
Hinigpitan ko ang pagkahawak sa leather ng couch para maiwasang ma out-of-
balance.

Naalala ko tuloy nung nasa terraria pa kami, hinahabol kami ng terrarians. Saka
sa digmaan nang nakidnap kami nila Kaye.

Putangina.

Palagi nalang ba kaming mahihimatay ng ganito?!


Bumalik na naman ang tunog dahilan na mapapikit ako ng panghuli bago bumulagta
sa sahig.
•••
"Hinahanap na kaya nila tayo?" nakaangat ang noo ko sa only source of light
dito sa loob ng dungeon. Tatlong butas sa itaas namin.

Humiga ako sa sahig na gawa sa bato. Pati pader gawa rin sa bato.

Lahat ata. Kasali na rin abs ko.

"We're on the middle of an islet or something... di ko nga lang kaya ang


makapal na foundation ng dungeon na'to." halatang pagod na sa paghahanap ng tubig
si Dio. Bakas sa mukha niya ang dismaya.

Nilingon ko sila na katulad ko, ay nakagapos rin ng silver chains.

Pero nakuha ang atensyon ko sa tatlong pares ng mga mata na nakasilip sa


likuran ng katapat pa naming dungeon.

Binigyan ko sila ng malumbay na ngiti.

"Ang cute niya... hihihi" nag echo sa buong lugar ang mga giggles nila.

"Kanina pa kayo jan?" tanong ko sa kanila kaya napatingin na rin sa kanila sina
Dio.

Sabay silang tumango matapos magkatinginan.

"Ah... may names ba kayo?"

"Tsk. Galawang Chase." nakangiting sambit ni Dio.


Sinamaan ko siya ng tingin saka binalik ang atensyon sa mga nakatago't
sumisilip.
"Sheshira..."
"Almopithena..."
"Erenisha.."
Kami na namang apat ang nagkatinginan. Kinanta kasi nila ang mga pangalan nila.

"Uhh... sweet voices. Pwede nyo ba kaming kantahan?" natahimik sila pagkatapos
kong magrequest.

Naririnig namin ang mga boses nilang nagbubulungan. Sa huli, tumango sila at
nagpasyang bigyan kami ng chance since prisoners naman daw kami. Maaari dawng
huling request na namin 'yon.

Lumabas sila mula sa madilim na bahagi ng dungeon at naglakad papunta sa'min.

Napalunok ako matapos makita ang tatlong babae na nakahubad. Walang takip sa
mga katawan nila maliban nalang sa dala-dala nilang maliliit na harps.
Maganda man ang figures nila, minus one naman ang mga pakpak nila na sunog at
sira.
Umupo silang tatlo sa harap namin at pinatong ang mga instruments sa hita nila.
"Follow the breeze, let the air make its way..." nagsimula na silang kumanta
kasabay tugtog ng malungkot na tono.
"Make the moon rise, let the night become the day-" kusa silang tumigil at
napatingin kay Cal.
"I command you to stop." galit na tugon ni Cal na tila alam niya ang
patutunguhan ng kanta nila.
"We're sorry... This is the only song we know.." mahinang sagot ni Sheshira
saka sila nagpatugtog ulit matapos huminga ng malalim.

"Open your minds and let us in.. Feel the pain slowly begin..."

Katulad ng kanta nila, unti-unting sumakit ang ulo namin.

Eto na.

"Make the wounds run deep... Cuts and bruises, let them creep..."
Napasigaw ako sa biglaang paghapdi at pamumuo ng mga sugat sa iba't-ibang
bahagi ng katawan ko.
"M-MAKE IT STOP!" hiyaw ni Dio na nakahiga na sa sahig at naliligo ng dugo.
"Don't let them breathe.. Harness the energy underneath..."
Galing sa kneeling position, bumagsak ako sa mga bato at napayuko. May mga
broken shards na sumubsob sa tuhod ko. Pero balewala lang ito sa tinding sakit na
naramdaman ko ngayon.

"Give birth to more pain... should your blood rain. The suffering will only be
stopped, when one reaches the open..." huli nilang kanta saka nagmamadaling umalis.

Talagang lalala ang sitwasyon namin dito pag hindi kami makalabas.
"We need to g-get out of here." humihingal si Trev na may mga bukas na sugat sa
braso at leeg.
Napangiwi ako sa sakit nang may namuo na namang sugat sa dibdib ko.

Naghahanap ng hangin, puno ng sugat at mabigat ang katawan, napasandal ako.


Ramdam na ramdam ang pagkatalo.

Mga puchang Sirens!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

To The Open Waters

Art's POV
Left... Right... Left... Right... Left... Right...
Sinusundan ko lang ng tingin sina Ria at Cesia na hanggang ngayon ay
natataranta pa rin. Pabalik-balik lang sa paglalakad. Nakakunot ang mga noo at
nakasayad ang mga mata sa sahig.
Eh si Kara, chill lang at nakayanan pang yumuko kahit may bandage na nga yung
leeg niya.
Sasali din sana ako sa walk-a-thon nila pero may nakita kasi akong left-over
fries kanina kaya heto.

om nom nom nom.

Napansin kong malapit nang maubos ang fries ko kaya napagdesisyunan kong ako na
ang unang magsalita.

Syempre, concern din ako sa suliraning ito...

tumayo ako at tinignan silang tatlo.

"may extwa fwies pa ba?" tinaas ko ang walang laman na tray .

Narinig ko silang nagbuntong-hininga.

Ayan na naman yang mga reaksyon nila pagka may sasabihin ako ih!

"Art. Hindi pa umuuwi ang mga boys tas fries... Fries pa talaga ang hinahanap
mo?" sinimangutan ako ni Ria.

Eh? Akala ko ba fries before guys?

"Alangan namang magtatanong ako kung nasaan yung boys. Bakit? May maisasagot ba
kayo?" napaisip silang tatlo sa sinabi ko.

Oha. Sabi ko nga diba? Concern ako. PERO MAS CONCERN AKO SA FWENCH FWIES.

Kukuha na sana ako ng fwies dun sa ref nang nagsalita si Kara.

"You stand up and get your fries or sit down and help us think?"

Omg. This is a matter of life and death.

Biru lang.

Binelatan ko si Kara. Di nya ako maiintindihan kasi ang sawap ng fwies.

Pero dahil, dapat paninindigan ko ang pagiging responsableng Alpha, nilagay ko


ang tray sa table

at...

At tumakbo papalayo sa kanila patungo sa ref.

Hinablot ko ang fries sa loob at kumaripas na naman ng takbo pabalik sa chair


ko.

"okie, sasali na ako sa brainstorming. Hihi." binigyan ko na rin sila ng peace


sign para no hard feelings. Inuna ko kasi yung fwies.

"Art? Hindi ka ba concerned sa kung ano nang nangyari kina Cal? Isang gabi na
silang nawawala." tinanong ako ni Cesia.

Ewan ko pero habang nagtatagal, mas nagiging soft ang boses ni Cesia. Mas
nagiging manipulative. Alam niya kaya yun?

Nakakatakot na kasi. Everytime na magsasalita siya para akong sinasapian ng


force na pilit pinapakinggan ang boses niya. Huhuhu. Takot na talaga ako kay Cesia.

"Hindi. Alam kong okay naman siya eh. Marami nga lang gasgas. Pero sabi niya
okay lang daw siya. Tatakas daw sila. Ewan ko kung paano at kailan." halatang
nagulat sila sa sinabi ko.

Aahhh...

Nakalimutan ko nga palang sabihin sa kanila yung vision ko. Kung hindi lang
sila nawawala ngayon, aakalain ko talagang panaginip lang yun.
"Ah.. Kasi ano..." nagkamot ako ng ulo. Iiihhh... Ba't ko ba kasi nakalimutan.
"Nagkavision kasi ako. Nasa isang dungeon sila."

Padabog na umupo sina Ria.

Galit ba sila? Huhuhu.


"Ikaw Art ha. Pagka may alam ka sabihan mo kami kaagad." paalala ni Ria na
problemado ang mukha.

Tumango ako.

Yes. Roger that.


Biglang nag ring yung doorbell. Si Cesia naman ang tumayo para buksan ang
pinto.

Nakita kong pumasok si Heather.


Waaaahh!! Ang leader ng mga huntres ni Artemis!!
Alright. Kalma ka muna Art.

KYAAAAHHH!!!

Umupo si Heather sa harap namin.


"We are currently focused on doing lab research with an aurai that we caught."
paninimula niya.
Tahimik lang kami. Base kasi sa mukha niya, parang interesting ang susunod
nyang sasabihin.
"And one thing's for sure..." sumingkit ang mga mata niya. "they're not
aurai's..."
Tumaas ang kilay ni Ria.
Kumunot ang noo ni Kara.
Bukas ang bibig ni Cesia.
"ANO?!" eh syempre hindi ako magpapatalo sa mga reaksyon nila. Halatang nagulat
nga sila sa biglaang pagsigaw ko. Hehehe...
"what do you mean?" umusog ng onti si Kara sa harap.
Kulang nalang idikit ni Kara yung mukha niya kay Heather.

"well.. Maybe partly... They are hybrids. Part aurai and part daemon. Noon pa
kami may kutob na hindi sila ordinaryong aurai's. They manifest the wings and the
abilities from aurais. But their man-eating habit and their super strength... Are
from their daemon side." sagot niya.

So may bagong species na pala ng monsters? Aurais and evil daemons combined?
Ganun? Edi ibig sabihin mas mahihirapan kami ngayong talunin sila?

Napasinghap ako.

~~~dandandunnn!

Oh no.

"teka... Matanong ko lang bakit andito yung mga evil daemon hybrids na'yan...
Nasa'n ba yung good daemons? Yung guardian spirits?" kumuha ako ng handful mg fwies
at kinasya ito sa bunganga ko.

Akala ko ba na get rid off na yang mga mumu.

"That is one thing I am here for. We will need you at our camp next week."
tumingin siya sa relo niya. Nagmamadali ata.

"Heather. May alam ka pa ba tungkol sa Wave Night Club?" tinignan ko si Ria na


kanina pa siguro nangangating itanong yan kay Heather.
"Wala na. Bakit?" halatang nagtataka si Heather.
Sasagot na sana si Ria pero inunahan na siya ni Kara. "Nothing to worry about.
You're in a hurry right?"
Tumango-tango si Heather saka tumayo para i-dismiss na ang pagkikita namin.
Sinabayan na siya ni Cesia para ihatid sa labas. Napailing nalang si Ria.

Bumalik na rin si Cesia sa upuan niya. Buo pa rin ang tensyon na pumapalibot sa
room.
"Nakapagbook na ako sa cruise ship ng club. Mamayang 9 pm daw... Kararating
lang ng tickets." inilapag ni Cesia sa mesa ang apat na tickets para mamayang gabi.
"I don't really get it. Nakuha nga nila ang apat na boys. Tayo pa kaya? What
did the boys not do that we must?" bumalik na naman ang panic mania ni Ria.

Kinuha ni Kara ang isa sa mga tickets at sinuri ito ng maigi.


"Special sea view of the enchanting Seneries Islands..." binasa niya ang
content na nakalagay sa loob dahilan na mapangiti siya.

"They forgot to read the ticket." natatawa niyang sabi na siyang ipinagtaka
naming tatlo.
"Huh?" kumuha kami ng tig-iisang ticket.
Binasa ko ang nakalagay sa ticket.
Wave's Holiday Bonus: Free drinks for VIP's and a reserved videoke room. Our
beloved members will also get to see a special sea view of the enchanting Seneries
Islands!

May pagka weirdo din 'tong Wave Night Club. Wave... Tas yung club nasa cruise
ship... Lahat nakaturo sa dagat. May special sea view pa sa Seneries Islands. Eh
gawa lang naman sa putik at mga bato yung mga islands na yun eh.
"Enchanted..." narinig kong bulong ni Ria.
"Seneries Islands..." dugtong ni Kara.

"Sei...renes.. Seirenes is the plural form of the greek word Seiren or Siren."
binalik ni Kara ang ticket sa table.

Ayun. Binaliktad na naman yung pangalan.

"Seirenes Islands can be called 'The Islands of the Sirens'." nakasandal si


Kara sa upuan at nakatingin sa'ming tatlo.

"Those boys are too aggressive. Hindi tuloy napansin even the smallest of
hints." natatawang sabi ni Ria saka pinatong ang ticket sa mesa.

Wahaha. Eh kasalanan naman pala yun nila eh.

Ayan tuloy. Di nakapaghanda ng maayos. Sila na yung nahulog as 'damsels in


distress'.

Wihihi.

Wait lang kayo boys andito na ang knights in shining dresses ninyo.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Seirenes' Islands

Cesia's POV
"Lalalaaa~~" nahihilo na ako kakasunod kay Art na ayaw suotin ang belt ng dress
niya.
Nag ba-ballerina twirl kasi siya palagi kaya ni isang segundo di nya magawang
mapanatiling tumayo.

"Art naman eh..." grabe. isang oras na siyang nag-eensayo ng ballerina choreo
niya at hindi pa siya tapos hanggang ngayon.

Para akong nanay dito na nag aantay matapos ang kakulitan ng bata para masuot
yung diapers niya.

Pero hindi bata 'to. Aish. Ano ba naman yan.

"Art. Tumigil ka na jan at pumunta ka dito sa harap ko ngayon na." wala na


akong choice kundi gamitan siya ng ability. Ang tigas naman kasi ng ulo.

Sinunod niya ang utos ko at humakbang papunta sa'kin.

"Ano bang meron sa belt na 'yan! Iiihhh!!! Ang bigat niyan eh!" reklamo niya
habang ina-adjust ang belt sa waistline ng sapphire dress niya.

"Art, walang sunlight doon kaya kailangan mo nito para sa abilities mo. Okay?"
inayos ko ang embedded na sunstones sa belt.
Alam naming kinakailangan ni Art ang malaking source of energy tuwing may
mission kami. At since hindi kami sigurado kung ano ang mangyayari sa Seneries
Islands ngayong gabi, dapat lang na bumili kami ng substitution source para kay
Art.

Naghanap kami ng witch at nakipagtrade sa kanya. Binigay lang namin yung nag-
aapoy na espada ni Ria. Pero no worries dahil anytime naman maaaring ma summon ni
Ria yung sword.

At ayun na nga, ginawan niya si Art ng belt na may tatlong warm red stones, or
sunstones.

Narinig ko ang reklamo ni Art nang nilock ko na yung belt.

"Alam naming kailangan mo'to. Energetic ka kasi. Palaging nag aaksaya ng


energy. Gets mo?" hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

Nag pout muna siya bago tumango.

Tinignan ko si Kara na nahihirapan sa pag adjust ng choker niya para matakpan


ang natitirang scars sa kanyang leeg.

Kinuha ko yung gold na necklace na binili ko kanina. Binili ko talaga 'to para
sa kanya.

"Eto. Pagka tumitingin sila sa leeg mo, kukunin ng necklace ang atensyon mula
sa scars mo." tinanggal naman ni Kara yung choker at hinayaang ako ang magkabit sa
necklace.

"Ayan." nginitian ko siya pagkatapos.

Bagay na bagay.

Ngumiti siya saka ako tinaasan ng kilay. "Since when did you become a fashion
police?"
Natawa ako ng marahan sa tanong niya. "When the blood of Aphrodite started to
run in my veins and woke my inner self?"

Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko. "Napansin ko rin eh. Is it me or Cesia


has become more and more seductive?" puna ni Ria.

"It's not just you." sagot ni Kara.

"Oh well. Then that means karibal na tayo Cesia." sinimangutan ako ni Ria.

Kumunot ang noo ko. "H-huh?" Anong karibal pinagsasabi niya?

"I'm supposed to be the hottest one here." inirapan niya ako.

"Te-teka-"

"Joke. Isa kang anak ni Aphrodite. And that reason is enough for me not to
inflict insecurities, but rather support you." kinindatan ako ni Ria.
Lumuwag ang airsacs ko pagkatapos marinig yon. Akala ko
seryoso siya.

"We got your back princess." saad ni Ria na nakapameywang.

"Uhhuh" dugtong ni Art.

Tinignan ko silang tatlo na nakatayo sa harap ko kaya't kusa akong napangiti.

Ang swerte ko sa kanila.


•••
"Hey.." hindi pa nga kami nakapasok sa club pinagtitripan na kami dito.

"Don't touch me." sinamaan ko ng tingin ang lalaking sunod-sunod sa'kin.

Pa'no ba kasi, ang dami ng mga tao dito kaya hinahanap ko ngayon sina Ria.
Nakikipagsiksikan pa yung iba.

Nawala kasi sila sa pananaw ko..

Or ako yata 'tong nawawala.

"Bakit? It's entertainment night!" natatawang sabi ng lalaki.

Entertainment night yang mukha mo. Tas ipapaamoy nya sa'kin ang amoy alak nyang
hininga?

Ibang level ng suffocation ang ikakamatay ko.

Mas prefer kong tumalon mula sa barko kesa abutan ako ng umaga langhap ang
hininga niya.

Naramdaman kong may humila sa kamay ko. Bibitawan ko na sana ito nang narinig
ko ang boses ni Ria. "There you are. Let's jive in while wala pang maraming VIPs
ang dumarating!"

Pumasok kami sa nasabing club. First time kong makapasok sa mga ganitong lugar.
Ang sabi nila, nakakahype daw yung active music.

Ewan pero nawalan ako ng gana pagkatapos makita ang dancefloor.


Tas nakakabingi rin yung sounds. Tas yung amoy, kombinasyon ng alak at pawis.

Nakita ko sina Art at Kara na naghihintay sa may counter.

Agad lumapit sa'min ang isang waitress na malapad ang ngiti. "You want drinks?"
alok niya.
"Yes please." inabot ni Ria ang VIP tickets sa waitress.
"Ooh. VIP's." tumigil siya saka tinignan kami. "We reserved a special room for
you. Follow me."

Napangiti kami pagkatapos marinig ang sinabi niya. Napaghalataan ko na alam


niyang demigods kaming apat.

Special room pala huh?

Pinapasok niya kami sa isang madilim na videoke room. May couch at malaking
screen.
"Is it locked?" tanong ni Kara.

Chineck ni Art yung doorknob at siniguradong nilock nga ng waitress mula sa


labas ang pinto.

Biglang nagdilim ang buong silid kaya kinapa ko nalang ang earplugs na naka
insert sa short na suot ko ilalim ng dress.

May naririnig na akong sounds galing sa speakers kaya dali-dali ko nang sinuot
ang earplugs.

Binasa ko ang lyrics na nasa screen.

May lyrics pa yung kanta nila.

Pagbalik ng lights, tinanggal na namin ang earplugs sabay higa sa sahig.

Ang sabi kasi sa lyrics, 'sleep' kaya kinailangan naming magpanggap na


natutulog.

Mayamaya, narinig ko ang pagbukas ng pinto pati na rin ang boses ng mga babae.

"I don't know why pero ang swerte ata natin. We caught 8 demigods within two
nights!" sabi ng isa.

"Oo nga ano? Manghingi kaya tayo ng ransom sa mga gods kapalit ng freedom ng
mga anak nila? Oh boys. Kunin niyo na yang mga 'yan." may pagka bossy din 'tong isa
eh.
Nakarinig ako ng iilang mga yabag ng sapatos bago ko naramdamang may nagbuhat
sa'kin.

Binuksan ko ng kaunti ang aking mga mata at napag-alamang dumaan kami sa


backdoor ng club.

"Faster. 10 minutes lang ang stop ng ship sa Islands. Make sure walang
makakakita sa inyo." utos ng isa.

Pinasakay nila kami sa isang speedboat papunta sa Islands.

Habang umaandar, naramdaman kong may pumindot sa tagiliran ko. Nakita ko si


Kara na ang nagd-drive. Sa baba nakatali ang apat na lalaking walang malay.

Ang dali nun ah.

"Sa'n ba tayo patungo?" tanong ni Art na katabi kong nakaupo.

"Over there." tinuro ni Kara ang malaking gap na namamagitna sa dalawang


islets.

"That is the entrance to their barrier. You see those stars above the islands?
Those are mirrored stars. Look closely." sinunod namin ang sinabi ni Ria at
napatingin sa langit.
Para ngang repleksyon lang ang mga bituin na nasa itaas ng islets.

Pumasok na kami sa barrier.

Tumingin ulit ako sa taas at nakitang nawala na lahat ng mga bituin kaya medyo
dumilim na rin ang kapaligiran.
Sumunod lamang si Kara sa daloy ng tubig. Dumaan kami ng iilang mga islets na
gawa sa bato at putik.

Ilang minuto ang lumipas bago nahagilap ng mga mata ko ang ruins ng isang
malaking palasyo.

"Art diba sabi mo nasa dungeon sila?" tinanong ko agad si Art.

"Mmhmm.." tumango siya.

"Di kaya nandun yung sinasabi mong dungeon?" napatingin sila sa direksyon ng
ruins.

Agad tinigil ni Kara ang makina. "We'll have to walk."

Tama.

Dapat di namin maantala ang mga Sirens na nakapaligid sa'min. Nandito pa naman
kami sa teritoryo nila.

"Cesia? mukhang may idea na ako kung bakit madaling nadakip ng mga Sirens ang
boys.." nilingon ko si Art na nakatingin sa may di kalayuan dahilan na mapatingin
rin ako.

Nandoon pala ang mga Sirens na nagtatawanan at naglalaro sa putik.

Ewan ko kung matatawa ba ako sa sinabi ni Art.

Nakahubad kasi silang lahat.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

The Heroes

Dio's POV
"Pwede ba? Wag kayong umupo sa harap namin na walang saplot sa baba. Atleast
wear some panties!" Nakakainis na talaga yang tatlong sirens na yan.
They still have the guts to return after singing their stupid song.
Kung kamatayan lang pala ang hahantungan namin, then buti pa't kantahan nila kami
ng song na direktang papatay sa'min.

I'd rather choose death than feel my body give birth to wounds unwillingly.

"B-bro... Kahit yan lang... G-give c-chance-" mas nainis ako sa sinabi ni
Chase.
"Wow. Mamamatay na nga tayo at porn pa talaga ang iniisip mo?" I responded
sarcastically.
"K-kaya nga bro eh.. M-mamamatay na tayo..." napailing nalang ako sa sagot
niya.

Tinignan ko ang dalawa ko pang kasamahan na nakayuko. Nakakatulog pa rin sila


sa ganitong sitwasyon.
Buti pa sila.

Umayos ako sa pagkaupo at sumandal sa matigas na pader. Ipinikit ko nalang ang


new batch of fresh wounds na namumuo sa katawan ko.

Kailan nga ba 'to matatapos?

As if answering my question, nakarinig kami ng mga pamilyar na boses nag-eecho


sa buong dungeon.

"Eto yung nasa vision ko." hindi ako nagdalawang-isip na tumayo pagkatapos
marinig ang boses ni Art.
Gayundin sina Chase, Cal at Trev.

Then, lumitaw sa harap namin ang tatlong girls na nakaparty dresses. Pero puno
na ito ng putik at napupunit na yung tip ng skirts nila.

"Where's Cesia?" tanong ni Trev matapos makita silang tatlo.


Narinig naming nag gasp ang tatlong aurai's at dali-daling lumabas sa dungeon.

"Hear that? Someone's singing a new song!" nanggigil na hiyaw ni Sheshira


habang tumatakbo sila patungo sa taas.

"Quick. Habang nasa trance pa sila." nilabas ni Kara ang susi at binuksan ang
metal bars.

Nag summon rin si Ria ng nag-aapoy nyang espada na siyang ginamit para makawala
kami sa pagkagapos.
You should know how our faces changed when we were set free. Desperado na
kaming lumayas sa lugar na ito. It's like breathing new air.

Pinaikot ko ang ulo't mga kamay ko, warming up for our next action kahit
masakit pa rin para sa'min na gumalaw.

"You can't heal our wounds here." saad ko nang makita ang pagliwanag ng mga
palad ni Art. "The song states that meanwhile we're still in this place, babalik at
bubuo na naman ng bago ang mga sugat."

"Grabe naman.." ngumuso ang disappointed na batang nagngangalang Art.

"Their songs are curses." dagdag ni Kara na may kinuhang dagger mula sa thigh
strap niya.

"Alam kong curious na kayo kung anong nangyayari sa taas kaya tara na!" unang
tumakbo si Ria kasama ang mga girls. While nag jog lang kaming mga lalaki, still
struggling from our neverending pain.

Sinenyasan kami ni Kara na wag mag-ingay.

Pagkalabas namin, nakita ko ang mga Sirens na nakaupo sa bato katabi ang mga
instrumento nila.
Encircling a girl na kumakanta.
Nakapikit ang mga Sirens.

Nasa trance nga sila.

"Lavender's blue... Dilly dilly... Lavender's green..." at


yung kanta pa talaga ni Cinderella ang naisip niyang kantahin.

We made no sound papalabas ng ruined castle. Inantay naming makalabas na si


Cesia para sabay na kaming sumakay sa nakalaan na speedboat.
"Pinatulog ko sila... Not until may maririnig silang ingay. Tiyak na magigising
sila." sabi ni Cesia pagkalabas niya ng ruins.

Suddenly, an ear-itching scream was heard not far below.


"AYAN SILA! AT ANG ESPADA!"
Napalingon kami sa matandang babae na may kasamang mga lalaki tumatakbo papunta
sa direksyon namin.

Napatingin ulit kami sa mga Sirens na noo'y natutulog.

"DEMIGODS!" galit na sigaw ng isa sa mga Sirens.

Great. Gising na sila.

Cesia's POV
Aish. Yung witch nga pala.
"DEMIGODS!" narinig kong sigaw ng Siren.
Napailing nalang ako. Sa dinami-daming situations na pwedeng sumigaw ang witch.
NGAYON PA TALAGA?!
Nasayang lang ata ang boses ko habang kinakantahan ang mga Sirens eh.
Nanginginig pa naman ako habang kumakanta.

Haaayyy buhay!

"Sino na naman yan?!" inis na tanong ni Chase.


"Eh malay ba namin masundan kami ng witch! Huhuhu!" nangingiyak na sagot ni
Art.

Wala na kaming choice kundi tumakbo sa may madilim na gubat ng isla. Medyo
nahihirapan kami sa pagtakbo dahil sa putik. Pero kakayanin namin.

Kayo ba naman habulin ng mga Sirens at isang galit na witch kasama ang mga
tauhan niyang may dala pang mga baril at kutsilyo?!

Habang tumatakbo, ginagamit ko ang weapon ko para matakwil ang iilang mga
tauhan ng witch at sirens na inuunahan kami.

Hindi ko kayang gamitan ng inveiglements ang mga sirens dahil hindi sila
ordinaryong mga nilalang. Di kakayanin ng sistema ko ang maglagay ng inveiglements
sa kanila. Mas superior pa rin sila kesa sa'ming mga mortals.
Ang mga lalaking tauhan lang ng witch ang pwede. Mga mortals lang naman sila.

"WE HAD A DEAL DAUGHTER OF ARES!" hiyaw na naman ng matandang witch.

"Ria! Kasalanan mo na naman 'to?!" reklamo ni Chase na halatang pagod na sa


pagtakbo.
Actually, naaawa na ako sa kanilang apat na naliligo na sa sarili nilang dugo.

"Hoy bakla! Wag mo'kong sisihin. Dahil in the first place, nagawa lang naman
namin ang deal para mailigtas kayo!" sagot ni Ria.
Parang ewan din 'tong dalawa eh. Nagbabangayan na naman on the verge of death.

Kung mamamatay man lang ako, deathwish ko nang matigil ang ingay ng dalawang
'to.

Napatigil nga naman yung dalawa sa pagsisigaw.

Why?

Dahil mamamatay na nga ako.

Sa harap kasi namin ay dead end. Isang cliff na isang hulog ay sapat na para
matigok ka. Suicidal maniacs lang ang pupunta sa dulo. Anytime, maaari kang mag
wrong move at maslide dahil sa putik.

Tumigil kami sa pagtakbo at hinarap ang angry mob na kanina pa kami hinahabol.

"Kami na ang bahala dito. Magpahinga muna kayo jan." nakahanda na ang
nagliliwanag na si Art.

Tama nga si Kara. Gamit na gamit talaga ang sunstones.

Sinunod ng boys ang sinabi ni Art saka umatras para mag give way sa'min.

Nagkatinginan nalang kami tas natawa ako ng marahan.


Pa'no ba kasi. Ang cute ng mga reactions nila. Parang tanggap nila na di nila
kakayanin ang action scene na'to.

Nag charge sa gitna sina Kara at Ria. Pinapatumba lahat na kaharap nila.
Samantalang ako at si Art, naglakad lang papunta sa crowd since di naman kailangan
ang skin-to-skin contact para maglaban.

Ginamit ko ang bracelet para madeflect ang tatlong knives papunta sa witch.
Although, dalawa lang ang nahagip ko kaya nagkaroon ako ng SHALLOW CUT SA
KALIWANG PISNGI KO.

PSH!
"Men! Raise your weapons!" napatigil silang lahat sa utos ko.
Itinaas ng kalalakihan ang mga baril at kutsilyo nila. Halatang nagulat nga
sila sa biglaang pagkilos ng mga kamay nila.

Ginamit ko ang weapon para ma control ang mga baril at kutsilyo nila saka
itinapon lahat ng mga ito.

"Ba't ba kasi pinakialaman niyo pa ang flawlessness niya..." nakangisi si Art


na patuloy sa paglalabas ng orbs of light.

Dahil sa ginawa ko, karamihan sa kanila na nakuhanan ng weapons ang dumiretso


sa'kin.

Di ko namalayang may dalawa pala na nakaiwas sa'kin kaya nasunggab nila ako sa
blind spot ko.

Pilit akong kumawala nang biglang may sumipa sa kanila mula sa likuran.

"We need to go!" kinuha ni Trev ang kamay kong suot ang bracelet.

Nagtaka ako saglit bago napatingin sa iilan pang mga sirens na papunta sa
kinaroroonan namin.

Ah... may reinforcements pa pala sila.

"Paano?" nakaharang sila sa daan.


Di niya sinagot ang tanong ko. Instead, laking gulat ko nalang nang binuhat
niya ako bridal style.
"What the fu- Chase!" gayundin, binuhat ni Chase si Ria.
"What do you think you're doing!?" inis na sambit ni Kara na nasa bisig na ni
Dio.
Nakita kong naka piggy back ride na si Art kay Cal.

Sabay nag-iba ang kulay ng kanilang mga mata.


"Te-teka-" ANO BA 'TONG GINAGAWA NILA.
"HOY?!" nanlalaki ang mga mata ni Ria.

And with a second, nawala sa pananaw ko sina Cal.


Isang gust of wind lang ang ibinilin nila Chase.

Hindi man lang nila kami binigyan ng chance na makapagsalita ni Kara, agad
silang tumakbo patungo sa cliff.

Napalunok ako.

"Hold tight." sinunod ko ang sinabi niya.


Tinawag ko muna lahat ng gods sa kung ano man ang balak ng lalaking 'to.
Habang nagdarasal, tila tumigil ang oras at naramdaman ko ang maamong hangin sa
paa at pisngi ko.

Iminulat ko na ang mata ko at tinignan ang mga Sirens at mga kawal ng witch na
iniwan namin.
Nakalutang man sa ere, narinig ko ang maingay na pagsaboy ng tubig mula sa
baba kaya alam kong sina Dio na 'yun.

Iniangat ko ang ulo ko para tignan ang mga mata niya.

Tch. Mukhang di nakayanan ng pride ng boys ang manood lang.

Biglang tumunog ang kidlat na siyang gumulantang sa'kin.


Walangya!

"stop staring at me like that." narinig kong sabi niya.


"manggulat ba naman!" kinurot ko ang pisngi niya.

"Next time you do that, I will seriously lose my grip of you." diniinan niya
talaga ang bawat salita ng banta niya.
Asuus! May warning pa siyang nala- "AAAAAAHHHHH!!!!" napasigaw ako nang
binitawan niya nga ako.

"TREEEEVV!!! PATAY KA TALAGA SA'KEENN! IPAPAKIDNAP KITA KAY HADES PAGDATING KO


SA UNDERWORLD!!!"

Lumakas ang halakhak niya.

Kahit saang anggulo, ang salbahe talaga ng lalaking 'to!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Traumatized

Jamie's POV
Ilang katok ang naririnig ko pero di ko pa rin ito kayang buksan.
"Ate!! Punta na'ko school... Byers! I love you ate! Sana alam mo yan! Ihahatid
ako ni Kuya Sebastian! Take care! Kain ka na! Andito lang ako. Call me when you
need meeee!!" sigaw ng kapatid ko mula sa labas ng kwarto.
Napaurong ako matapos marinig ang sinabi ni Arah.
Mas nagiging sweet siya ever since nilolock ko na yung sarili ko sa kwarto.

Ilang araw na ata ang nakalipas pero hindi pa rin ako nakapagmove-on.

Ang bilis lang ng nangyari at wala akong nahahanap na explanation.


Ano ba talaga ang mga 'yon? Sino yung babaeng tumulong sa'kin... Yung tatlo pa
nyang kasama?

Tinignan ko ang sungkod ng yumaong tatay.

Most importantly... ANO BA TALAGA 'YAN?!

Grabe. Nababaliw na ako dito.


Nagiging isang golden palakol ang sungkod ni tatay. Hinahabol pa ako ng mga multo.
Kumuha ako ng unan at pinatong ito sa mukha ko.

Traumatized na nga ako dito eh! Nakakainis na!


Ilang minuto ang lumipas, nakarinig na naman ako ng katok sa pinto.
Hindi na ako nag-abalang tumayo at buksan ito. Alam ko naman kung sino ang nasa
labas.

"Jamie? I left the food on the table. May aasikasuhin lang ako sa ospital."
sambit niya.

Pinikit ko ang mga mata ko tas huminga ng malalim.

Nag-antay muna ako ng ilang minuto bago tumayo para masiguradong wala na ngang
tao maliban nalang sa'kin.

Paglabas ko palang, naramdaman ko ang isang kamay na humatak sa'kin. Saka niya
ako itinulak sa pader at ibinihag sa pwesto gamit ang muscular arms niya.

"S-sebastian!" di ko kinaya ang mga titig niya kaya napatingin ako sa painting
na katabi lang namin.

Anyare at feel nya atang mag remake ng classic scene mula sa KDramas?!

"H-hindi ka ba titigil jan?!" mas lumapit ang mukha niya as if sinusuri ang
buong pagkatao ko.

Akala ko ba may aasikasuhin pa siya sa ospital?!

Ewan pero bigla akong kinabahan. Di kaya all this time...


"RAPIST!" sinampal ko siya.

Kumunot ang noo niya saka hinipo ang pisngi na ngayo'y pulang-pula na dahil sa
sampal ko.

Pati nga ako nagulat sa ginawa ko.


Like putangina Jamie. Ang swerte mo ata pag ni-rape ka nga ng lalaking 'yan.

"Im sorry..." Mukhang nagalit ata siya sa ginawa ko. "Eh kasalanan mo rin naman
yun eh! Tas nabigla lang ako!"

Totoo namang nag panic ako sa ginawa niya.

"Rapist? Are you serious?! I was just checking your face. Your eyes have gone
darker and your skin paler." narinig kong sabi niya.

Napakamot ako sa ulo ko. Ows. Yun pala intensyon niya.

Sayang naman.

Inirapan ko siya at dumiretso sa kusina kung saan may naghihintayng fresh milk
at cereal.

"Ganyan na nga hitsura mo. Di ka pa kumakain ng maayos.


Tch." kinuha niya ang bowl na may cereal sa loob.
"Sebastian! Ibalik mo yan!" utos ko sa kanya.
Balak ko sanang kunin mula sa kanya yung bowl pero kasi, pagod ata ang katawan
ko. Di kaya ng sistema ko kahit ilang stretches lang.

Pumunta ako sa sofa at doon humiga.

Pinatong ni Sebastian ang isang kamay niya sa noo ko saka dinamdam ito.

"You're hot..." narinig kong bulong niya.

"Thank you.." sagot ko at tuluyan na ngang napapikit.


•••
Nagising ako sa beep ng thermometer.
Haaaayy!
Ang sarap ng tulog ko grabe.

Nag stretch muna ako bago hinila ang kumot at bumalik ulit sa
napakakomportableng posisyon ko kani-kanina lang.

"Donnie! Gimme that!"

Donnie? Ba't ang ingay. Tsk.

"Leo should buy another one!"

Naririnig ko ang mga napakapamilyar na boses galing sa naka ON na TV sa harap


ko.

Napagtanto kong di na nga ako makakatulog dahil sa ingay kaya binuksan ko na


rin ang mata ko.
Bumungad sa'kin ang apat na mga pagong na nakamask dala-dala ang mga sandata
nila, nag aagawan ng pizza.

Nang biglang tumunog yung tiyan ko.

"Watdapak. Anong oras na?" dali-dali akong bumangon dahilan na mahilo ako. May
nahulog rin na basang towel mula sa noo ko kaya pinulot ko ito at nilagay sa mesa.

"Kailangan ko pang mag grocery..." tumayo ako at inayos ang kumot na may mukha
rin ng apat na mga ninjang pagong.

"I'll come with. wala naman akong gagawin. And you're still sick..." nilingon
ko siya na umiinom ng kape sa harap ng laptop niya.

Naka polo siya. Nakasabit rin ang coat niya sa mesa. Galing pa ata sa ospital.
Tumango ako. Kakailanganin ko ang biceps niya para sa grocery bags.

At para na rin may inspirasyon ako. Hihihihi.

Pagkatapos magbihis, di na ako nagbigay effort ayusin ang mukha at buhok ko.

Wala naman talaga akong pakialam since nakatatak na sa isipan ko na panget ako.
Mabuti pa't hayaan nalang ang pimple residents sa mukha ko.
Pakyu Pimples. Nakikitira na nga kayo sa mukha ko, di naman nagbabayad ng
renta! Mula ngayon magtatatag na ako ng RH Bill!
Sabay na kaming lumabas sa building at dumiretso sa sasakyan niya.
"Arah is at her friend's house. May project daw sila." sambit niya bago in-
unlock ang pinto.
"Tsk. Batang-bata pa nagtatambay na sa ibang bahay. May group project pang
nalalaman." sumimangot ang mukha ko pagkaupo ko pa lang sa loob.

Hindi na nga safe yung school nila. Kung saan-saan ba naman gumagala 'tong
kapatid ko.

Tahimik lang kami habang nasa daan.


Malalim ata iniisip ni Sebastian at nakafocus siya masyado sa pagmamaneho.
"Are you sure you can go? I can buy the groceries all by myself. You can wait
here." finally, nagsalita na rin siya.

Akala ko pa naman iniisip niya yung sampal ko kanina.


Wolo tologo. Di ko sinasadya yun huhuhu pramis.
Pero buti nalang at nakalimutan niya agad yun! Dapat di mo siya inaaway Jamie.
EH NAKATIRA KAYO SA BAHAY NYA MALAMANG. NAKAKALIBRE KA NA NGA NG KURYENTE'T TUBIG.

Tas sino nga ba ako para gasgasan ang gwapong mukha niya?

Eng kepel nemen ng mekhe ke peg genenen ke sye.

"Nope. Okay lang ako..." sagot ko.

~~~Ggggrrrrrrr
Pero yung tyan ko di okay!

Sa wakas, narating na rin namin ang mall. May bibilhin lang daw siya sa Toy
Kingdom kaya tumungo ako mag-isa sa supermarket.

Saglit lang naman akong mag grocery. Pagkatapos, dumiretso na rin ako sa Toy
Kingdom.
Tatawagin ko na sana si Sebastian nang nakita kong may kausap siyang babae kaya
nagtago nalang ako sa likod ng pinakamalapit na stall.
"Eh kasi nabili ko na lahat ng limited edition na stickers pero ngayon ko lang
ata nakita tong collection ni mojojo na may glitters!" nagtatalon-talon ang babae
na parang bata.
"Really? Here... I'll buy them for you..." nakangiti si Sebastian. Kesyo di ko
makita ang hitsura ng babae kasi nakatalikod siya.

Tumili yung babae bago pumili ng stickers. Actually, lahat ata ng nakadisplay,
kinuha niya.

Sinundan ko sila hanggang sa cashier desk.

At doon ko nakita ng maayos ang mukha ng babae.

Tumalikod na ako't nagmadaling naglakad papunta sa parking lot ng mall nang


biglang nag ring yung phone ko.

Magkakilala sila?!

"Jamie? Where are you? Akala ko ba kakain pa tayo?" boses ni Sebastian ang nasa
kabilang linya.
"Wag na. Bumalik ata yung lagnat ko. Uuna na ako. Sasakay nalang ako ng jeep.
Ikaw nang kumuha kay Arah." pinindot ko na ang end call saka napabuntong-hininga.

Buti nalang at sa phone kami nag-uusap.

Kanina pa kasi ako nanginginig. Idagdag niyo pa ang migraine kong umaandar na
naman.

Pero yung babaeng kausap niya kanina...

Isa siya sa nagligtas sa'kin.

Naalala ko na naman ang nangyari sa araw na 'yon.


shet. shet. shet.
WATDAEP JAMIE. MAGHUNOS-DILI KA!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Kamille Raina Nicastro

Cesia's POV
"GLETEERRSSS! Tignan mo Cesia oh!" sinalubong kami ni Art nakataas ang isang
kamay na may dalang maliit na paper bag.
Mukha pa lang niya, alam na alam na namin kung ano ang laman nito.

"Ano na naman yan?" tanong ni Ria na dumiretso sa sala para umupo at manood ng
TV.
Nakalatag rin sa harap namin ang iilang mga pagkain tulad ng popcorns, jerky,
etc., na leftovers ata ng mga boys. Sabi nila uuna na daw sila sa camp ng mga
Hunters ni Artemis.

Ako nga rin eh.


Excited na rin ako makita kung anong hitsura ng lair nila.
Marami na akong naiimagine.
Sa pagkakaalam ko, may pagka nature lover din tong si Artemis. Baka treehouses ang
tinitirhan ng mga Hunters. Or di kaya marami silang pets na wild animals.

Either way ang cool pa rin!

"Nakita ko kasing limited editions sila. Buti nalang dumating yung kuya! Sabi
niya libre niya daw eh. Hihihi." sagot niya na may malapad na ngiti.
Napasigh ako. Ang dali niyang ma-manipulate.
Di na talaga ako magdadalawang-isip na bata talaga 'tong anak ni Apollo. Mga 5
years old ata.
Malubha na 'tong sakit niya. 'Artemia Syndrome'.

Mukhang nagets ni Art ang mga worried looks namin kaya tumalon siya sa harap at
nag-explain. "Hihihi. Hindi naman ako magpapakidnap eh pag may nanlilibre ng
stickers. Di naman daw ako kikidnapin ni kuya." naka peace sign siya.

"Paano mo naman nalaman na wala siyang gagawing masama sa'yo?" nakapameywang ko


tanong.

Kung tutuusin, hindi naman talaga issue ang pagkidnap ng demigods.


Walang wala ang mortals sa abilities namin pero paano na kung hindi pala mortal ang
lalaking 'yon?
Aish. Sinabihan na nga kami ni Sir na mag ingat hanggat nandito pa kami sa syudad.

"Eh kasi... tinanong ko siya kung kikidnapin niya ba ako." binigyan niya ako ng
'syempre-yan-ginawa-ko' look.

Napabuntong-hininga na naman ako at nagsimulang maglakad patungong kwarto para


magbihis.

Mayamaya, lumabas na ako, fully-packed ang backpack at bihis na.


Nakita ko si Ria na kumakain, nakabihis na rin. Ibinaba ko ang bag at binuksan
ang ref para maghanap ng pwede ring kainin.
Nagutom kasi ako bigla pagkatapos makita ang sandwich na kinakain ni Ria.
Kinuha ko ang huling piece ng sandwich at tumabi kay Ria.

"Ugh.. this mission really goes deep in my stomach." puna ni Ria. Tahimik lang
akong tumatakam sa sandwich habang nagra-rant si Ria kung gaano na niya gustong
bumalik sa Academy.
Namention din niya ang wish niyang bigyan ng flying kick si Sir Rio pagbalik
namin.

Bigla siyang natawa "You know.. ikaw lang ang nakakausap ko ng maayos dito."
nilingon ko siya. "Si Art... alam mo na, isang toddler pa lang yan... and si
Kamille.. she's fine.. she's just you know too 'Athena'-ish. Nagsasalita naman siya
but hell. Mabibilang lang ang mga katagang lumalabas sa bibig nyan."

Tumayo si Ria at kumuha ng ice cream mula sa freezer.

"Kamille?" di ko maiwasang matanong si Ria kung sino ang Kamille na sinasabi


niya.

"Kara..." bumalik siya sa tabi ko.

"Ria.. Si Kara ba... Ganyan na ba talaga siya bago ano.. Bago..."


nagdadalawang-isip akong tanungin siya.

Baka kasi mag-iba yung tingin niya sa'kin. Mapagkamalan pa


akong pakialamera.

"Bago siya napunta sa Academy? Before she was claimed?" nakuha ata niya yung
ibig ko.

Tumango ako.

"Kara... Before she knew she was a demigod, had the worst experiences a child
can have..." pagkatapos marinig ang sinabi ni Ria, umusog ako ng onti sa kanya para
marinig ng maayos ang susunod na sasabihin niya.
Alam kong magiging interesado 'to.

"like seriously the WORST. EVER." dagdag pa niya.

"Mmhmm..." nakailang tango na ata ako "like ano?"

"Ipinanganak naman siyang mayaman. Napakayaman nga nila. Kaso, yung source ng
kayamanan nila... To think of it.. Parang source na rin ng kayamanan nila si
Kara.." uminom muna siya ng juice bago tinuloy ang kwento.

"Her father's business is killing people. He has men under him.. A.k.a.
Assassins. People call them whenever may gusto silang patayin. Obviously."

"So pa'no nga naging source nila si Kara?" ayan. Umandar na pagkachismosa ko.

Tumawa siya ng marahan. "Her father knows her abilities... And so... He trained
her to KILL. And pagka nanghihina si Kamille or somewhat failed her assassinations,
she was punished. Severely punished. Like tortured to death."

"H-ha?"

Akala ko yung 'worst experiences' na tinutukoy niya eh yung tipong naging


witness siya ng napakaraming pagpatay na nagawa ng papa niya kaya na traumatized
siya.
"I know right? Di niya tinuring na anak si Kara at all. Pinatira niya ang anak
niya sa sinful home kasama ang mga iba pa niyang assassins. He treated her like she
was nothing but one of his men. At an early age, nagawa niyang kumitil ng buhay..
And for all I know, libo-libo na ang napatay niya."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko naiimagine ang isang inosenteng bata... Na may
bitbit na baril o weapon imbes na mga laruan.

"Kamille Raina Nicastro. Hindi pa rin ako naniniwala na buhay siya hanggang
ngayon."

Nicastro...

"Te-teka siya ba yung anak nung-"


"An elite businessman. Their assassination business started to fall dahil sa
pagkawala ni Kamille. Di nagtagal, nahuli na rin siya kaya... Yeah. You heard the
news." napailing siya habang inuubos niya ang juice.

Dioscoro Nicastro... Siya ang nakapagpatayo ng mga hotels na kilalang-kilala


dito.

Pero doon talaga nakuha ni Mr. Nicastro ang atensyon ng lahat nang inilabas ang
balitang nagpakamatay siya dahil sa pagkahuli ng isa pang business niya.
Tandang-tanda ko dati, nakaprinta sa lahat ng dyaryo ang issue ng pagkamatay
niya. Pati na rin sa mga balita sa TV.

Hmmm...

Ewan pero parang masaya ako para kay Kara at namatay yung tatay niya.
At ngayong alam ko na ang pinagdadaanan niya, mas naging idol ko siya kaya
tumaas na rin ang amount of respect ko para sa kanya.
Magtatanong pa sana ako nang biglang pumagitna si Art sa'ming dalawa.

"Haloooo! Ano topic?" sibat niya.

"w-wala" dali-dali akong lumingon sa likuran ni Art para tignan kung narinig ba
ni Kara ang pinag-uusapan namin.

Buti nalang, nakita ko siyang kakalabas lang sa kwarto niya.

"We should go. We'll reach the camp at night by now." paalala ni Kara sa'min.

Sumunod kami at tahimik na naglakad patungo sa labas ng hotel.


Hindi ko napigilan ang sarili ko at tinitigan si Kara hanggang sa napansin niya
ako habang nakasakay pa kami sa elevator.

"what?" nag abot ang kilay niya.

Kinuha ko ang kamay niya at naramdaman ang lamig nito. Pumasok sa katawan ko
ang sakit. Sakit na may halong pait.

Isa ito sa disadvantages ng abilities ko.

Agad kong binitawan ang kamay niya matapos maramdaman ang mga luhang kusang
namumuo sa mga mata ko.
"I... I felt a part of my power surging out. What did you do?" nagtataka niyang
tanong.
Nginitian ko siya. "wala.. Naiinitan kasi ako eh tas ang lamig ng kamay mo."

Sa ngayon, takot ang nararamdaman ko para kay Kara.

Narinig ko nga ang tibok ng puso niya.

Pero wala eh...

wala akong nararamdamang buhay sa loob.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Curiosity

Jamie's POV
Agad kong binaba ang kutsara matapos mapagtantong di na nga titigil sa
panginginig ang kamay ko.
Di ko alam na ganito pala ako ka nerbyosa. Jusko.

"wala na akong appetite" nilapag ko ang napkin matapos itong gamitin bago
tumayo.

Napapikit ako dahil umandar ulit yung migraine ko.


Ang healthy ko naman ah. Ba't kung saan-saan nalang ako nahihilo? Di pa rin
tapos yung lagnat ko. Nakailang check-ups na ako pero wala talaga.
Hmmm...

Di kaya magkakaroon ako ng tumor pero hindi pa nga lang na identify? Tas
mamamatay na ako within a month kasi grabe yung symptoms. Wala nang cure.

Or di kaya nabarang ako?

Tinignan ko si Sebastian na kumakain. Wala man lang pakialam sa mahigpit na


kapit ko sa upuan.

Kahit mahimatay ako dito. Kahit doctor siya. Titignan niya lang siguro yung
walang malay kong katawan pagkatapos ng ilang segundo lalagpasan ako.

Pero... actually, ang cute lang niyang tignan. Hehe. Ang laki laki ng biceps
niya. Katawan na daig pa si Clark Kent. Pero kung nagtatampo parang bata.
Sa totoo lang, bata naman talaga siya eh. Ano nga bang klaseng doctor ang adik
na adik sa Teenage Mutant Ninja Turtles?

Hindi naman siya vet as far as I know.

"I really don't get you." narinig kong bulong niya.

"Huh?" kumunot ang noo ko.

Tumigil siya sa pag kain at inangat ang ulo niya para tignan ako.

"We ignore each other for days and then.. You just stand there staring at me
like that. Smiling."
Nagulat ako saglit saka binalik ang mukha ko sa neutral expression.

"seriously?" tumaas ang isang kilay niya.

"Oh bakit? Anong meron? Kung bumalik ka kaya sa ospital instead na sundan ako
buong araw a.k.a. 'bantayan ako'?" I tilted my head. "Di naman ako nag request ng
assistance. Much more a personal bodyguard."

Ngumiti siya saka umiling. "you can't even stand on your own feet." tinignan
niya ang upuan na ginagawa kong support.

"Teka nga ha. Kailan ka ba naging concern sa kalagayan ko?"

Eh pati sa pamamalengke ko sinasamahan niya ako. Kulang nalang magmala


caregiver siya.

"I'm not concerned. Never once."

"Huh?"
aray ko po.
"I'm just curious." gamit ang jet black eyes niya, tinitigan niya ako.

Huminga ako ng malalim.


Putangina. Pinaasa niya ang kagandahan ko. Shet.
"Curious sa alin?" kinalma ko ang sarili ko.
"When I went into your house and I found you amidst the big mess."
"Tsk. Yun lang?" sinamaan ko siya ng tingin.
"No." umiling siya.
May pagka pakialamero din pala 'to. Pagkatapos niya akong paasahin ng ganun.

Duh. Di ko kailangan ng mga taong paasa. Okay na sana yung


curious eh. Pero concern never once?! Watdapak. WATDAPAK.

Yung feeling na hanggang assume ka na lang~~~ masakit.


"Diba sinabi ko na sa'yo-"
"I was curious because you lied."

Tumigil ako.

"I knew something very big happened. So big that it made you live here. Like
heck. Nanginginig ka nga parati. Idagdag mo pa ang unscheduled panic attacks mo."
tumayo siya at naglakad papunta sa'kin kaya umatras ako ng ilang hakbang.

"what do you know Jamie?" sumingkit ang mga mata niya tila ba binabantaan ako.

"Wala!" tinulak ko siya papalayo at kinuha ang sungkod ng tatay bago dumiretso
sa labas.

Lumabas ako ng building at hinayaan ang paa ko na siyang magdala sa'kin kung
saan.

Sa wakas, nakahanap na rin ako ng swing sa playground na may di kalayuan.

Nilibang ko muna yung sarili ko sa swing. Pagswing ko pababa, pabalik sa


pwesto, di ko maiwasang sumigaw.

Wala namang tao dito eh. Ako lang.

"pa... Ano bang nangyayari sa'kin.." tumigil ako at sumandal sa chains ng


swing.
"Putangina kaaaa!" sana nadinig niya yun. "Mamamatay ka lang naman pala tas
mang-iiwan ka pa ng sungkod na nagiging murder weapon. Ano ka pa? Isang ancient
warrior ganun? Isang God? Puta de Leche!" alam kong mali ang lumalabas sa bibig ko.
Baka may mga batang nakikinig sa'kin ngayon.
Di ako good role model para sa kanila.
Hmm. Wala akong pake.

"Papa! Hoy! Ikaw lang makakatulong sa'kin ngayon. Pakiexplain naman please!
Labyu." sigaw ko taas-taas ang sungkod niya.

"HAHAAAAAY!" napapaos na boses ko.


Pagkatapos mag emote sa swing, napagdesisyunan ko nang bumalik at kausapin si
Sebastian.

Di kami pwedeng mag-away. Di dapat ako pagalitan ni crush. Turn-off yun.

Tumayo ako saka narinig ang sigaw ng bata mula sa playhouse.


Di na ako nagdalawang-isip na tumakbo papunta doon. Dahan-dahan akong sumilip
sa likuran ng playground.

May umiiyak na bata. Puno ng pasa ang katawan niya. May black eye rin siya. Sa
harap niya may nakatayo na lalaki.

Pipigilan ko na sana ang lalaki kesyo di ko kayang lumapit nang nag-iba ang
anyo niya saka naging isang... Multo.
Ayun. Nagre-reproduce na pala sila
Mukhang nakuha ko ang atensyon ng nilalang na umatake sa'kin noon kaya lumingon
ito sa direksyon ko.

Nagtago ulit ako.

Ibinaba ko ang tingin sa sungkod na hawak-hawak ko.


"Bwiset."
Pinaikot ko ang sungkod sa kamay ko and as expected, naging gintong axe ito.

"MAMATAY NA KAYOOO!!" hiyaw ko at sumugod sa likuran ng nilalang. Di ko


pinalagpas ang dalawang segundo para hatiin ang katawan niya.

Halatang nagulat ang lalaki pero late reaction na siya kaya babush.

Medyo mabigat ang axe sa kamay. Buti nalang at nagbalik-sungkod ito pagkatapos.

"Hi.. pasensya na kung kailangan mong makita yun." nginitian ko ang bata kahit
na nanlalambot yung tuhod ko.

Mas natakot ko ata siya kaya lumayo siya sa kinatatayuan ko.

"Ako nga pala si Jamie... ikaw?"


Natagalan rin siya sa pagsagot pero atleast nagsasalita na siya.
"J-james.." medyo audible naman yung mahinang boses niya.
"Ah James.. Nasan yung mga magulang mo? Sino kasama mo dito?" lumuhod ako para
magkalevel na kami.
"wala na s-sila.. Naiwan ako" nagsimula nang pumatak ang mga luha niya.

Tumayo ako at isa-isang tinignan ang mga sugat na natamo niya.

Dapat mapagamot agad ito.

"Sama ka sa'kin? Aayusin natin yang mga sugat mo saka hahanapin natin yung mga
magulang mo." ngumiti ako. "wag kang mag-aalala. Di ako kidnapper. At mas lalo nang
hindi ako katulad nung lalaki." iniabot ko ang kamay ko para tulungan siyang
tumayo.

Tinanggap naman niya ito.

Hawak ko ngayon ang kamay niya habang naglalakad.


Ang tahimik niya kaya nakarating nalang kami sa condo ni Sebastian ng walang
imik. Di ko rin kayang magsalita kasi wala rin akong alam sa nangyari.

"You're... back?" tinignan niya ang bata.


"James umupo ka muna jan." tinuro ko ang sofa. Sinunod naman niya ito.

Hinila ko si Sebastian patungong kusina.


"Ano na naman?" tanong niya.
"Gusto mong malaman kung ano talaga yung nangyari?"
At dun ko sinabi sa kanya lahat ng mga weirdong events na nangyayari sa buhay
ko simula nung naaksidente si mama hanggang sa kung paano ko natagpuan si James.
"Nasa'yo na yan kung maniniwala ka ba o hindi." uminom ako ng tubig. Ang haba
naman kasi ng story-telling namin.

"I believe you." kinuha niya ang baso mula sa kamay ko at nilagyan ito ng
tubig.

Uminom muna siya bago magsalita. "I'm really not from this world. Or at least
that's what I think."
Nagtaka ako sa sinabi niya.

Alien siya?

"One day.. I just woke up here and learned that I'm a doctor and my name is
Sebastian Kent Sol with no childhood memories or anything from the past. I can't
find my family background either..." nagkibit-balikat siya.
"Hindi mo alam kung sino ka?"
Tinanguan niya ang tanong ko.

Di naman pala ako nag-iisa.

Lumabas sa isip ko ang isang idea.


"Hahanapin natin sila... yung mga babaeng nagligtas sa'kin..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Huntre's Camp

Cesia's POV
Tinuro ni Kara ang daan papunta sa camp ng mga huntres gamit ang relo niya.
Tinuturo nito ang direksyon kung saan may maraming mist. Sa ibang salita, kung saan
malakas ang signal, dun kami.

"wala pa naman akong nakikitang signs ng civilization eh! Karaaa!" maktol ni


Art.

Para kaming mga hitchhikers sa outfit namin. Nakailang liko na nga kami sa
gubat.
Natatandaan ko tuloy yung mga horror movies na naka-set sa gubat.

Baka magkawrong turn kami at-


"we're here." anunsyo ni Kara.
nevermind.. Andito na pala kami.

Pagtingin ko sa harap, wala akong ibang nakita kundi mga kahoy lang.
Magsasalita na sana ako kung nasan yung camp kesyo naalala ko ang sinabi ni Heather
na nakatago ito sa ilalim ng mist na blanket kaya medyo mahirap itong matuntunan.

Nakita ko kung paano naglaho si Kara sa harap namin kaya dali-dali an rin
akong pumasok sa mist.

Pagpasok ko, lumitaw ang napakaraming tao at iba pang mga Huntres na
nagpapakabusy sa kani-kanilang mga gawain.

"Alphas? Let me lead you to your camp." isang cute na bata ang bumati sa'min.
Naka huntre outfit siya kaya I'm sure na isa siya sa mga nakakabatang huntres.
Sinundan namin ang cute na cute na huntre. Hindi ko nga namalayan na nasa tent
na pala kami kasi yung baby huntre at ang spear niya ang nasa isip ko.

Hihihi.

Hangkyuuut niya talaga.


But somehow, naaawa ako sa kanila. Di kasi pwede sa mga Huntres ang mga lalaki.
Dapat mananatili silang virgins and NBSB whole throughout.
Okay naman eh kaso mga bata pa sila. Paano kung may magustuhan sila na lalaki
pag lumaki na sila?

Once a Huntre, you can never go back.

At pag nilabag mo ang batas, tiyak na makakatikim ka sa galit ni Artemis.


Sabi nga nila, wag na wag mong galitin ang mga Gods kung gusto mo pang mabuhay.

"Thank you..." nginitian ko ang mini Heather. Magkamukha naman talaga sila.

Nilagay ko ang bag sa upuan. Lahat ata dito gawa sa kahoy. Pati yung bunk beds.
Umupo muna ako saglit. Ang haba naman pala ng nilakad namin.

"Just to check na andito kayo sa exact tent ninyo. My sister can get really
confused with locations sometimes." pumasok si Heather na may dalang unan at kumot.
Sister... kaya pala magkahawig sila.
"confused?" tanong ni Kara.
Inabot sa'kin ni Heather ang isang unan na agad kong pinasa kay Art para
malagay niya sa bunker.
"my sister is blind." sabi ni Heather na siyang ikinagulat namin.

Bulag pala yung mini Heather...

"Anyways, you should follow me to the laboratory." saad niya.


Tumayo kami at sinundan siya.

Habang naglalakad, napapansin ko ang mga taong may dala-dalang pagkain. Mga
batang naglalaro sa putik. Dito pala nila pinoprotektahan ang may halong dugo ng
Gods mula sa mga hybrids ng aurai at daemons.

Sa may di kalayuan, nakita ko ang mga boys na galing sa


madilim na parte sa gubat.

Mukhang nag-enjoy sila ah... Sa'n kaya sila galing?

Pumasok kami sa loob ng tent.

Sa loob, may isa pang tent pero hindi na ito dirty white. Plastic ito kaya
kitang-kita mula sa labas ang bangkay ng isang hybrid.

Napangiwi ako sa katawan.

Open na open kasi. Fresh pa nga yung mga lamang-loob niya. Nakaspread din ang
wings.
May mga wires na nakakonekta sa iba't-ibang bahagi ng katawan.

"ew..." tinakpan ni Art ang mga mata niya.

"Lalabas na kami.." ani Ria na halatang di rin nagustuhan ang view dito sa
loob.

"Art will stay here.." nagsuot ng gloves si Kara.

"Ha? Bakit ako? Huhuhu... Pwede namang si Cesia ah.." nagtago si Art sa likod
ko.
Di ko nga kayang malagpasan ang limang segundo dito.
"Sino ba ang anak ni Apollo dito?" nakapameywang si Ria.
Nagsigh of defeat si Art saka kumuha ng surgical mask at gloves.

Sinenyasan ako ni Ria kaya magkasabay na kaming lumabas ng tent bago pa kami
madamay ni Art.

"I'm gonna check on updates about the mortal realm. You?" tanong ni Ria.

"Umm.. Mag se-self tour nalang ako." paalam ko sa kanya.

"okay. just remember not to go outside the mist." aniya saka tumakbo papunta sa
isang grupo ng huntres.
Tumungo ako sa magkatabing tents kung saan naka settle ang mga biktima ng
hybrids.
Pumasok ako sa isa sa tents at dumiretso sa huntre na nakaupo sa harap ng
computer.

Naalala ko kasi yung babaeng demigod na natagpuan ko sa likod ng skwelahan.


Napapalibutan ng maraming hybrids.

"Hi.. Umm.. may listahan ba kayo sa mga taong andito ngayon sa camp ? May
hinahanap kasi ako."

Tumango ang huntre "yes. Matutulungan kita. He or She?"

"She." sagot ko "Isa siyang demigod."


Konting types and clicks saka lumabas sa monitor ang mga mukha at bio namin.

"Aside sa Alphas... Kayo lang ang nandito na demigods..." sabi niya.

"Diba may information kayo tungkol sa mga descendants na nasa mortal realm? In
any cases, may demigod bang babae?" tumabi ako sa huntre.

Madali naman siyang nag respond sa sinabi ko at binuksan ang listahan nila.

"Demigods... Female.. Sa'n mo ba siya nakita?" kung sino-sino ang lumalabas sa


screen.

"Sa isang elementary school.. Public.. Pero hindi siya estudyante... Brown
hair.. May konting freckles din siya.." nakatitig ako sa screen. Wala akong
nakikitang pamilyar na mukha.

Aish.

"I'm sorry pero wala talaga." tumigil siya sa pag scroll down.
"I'll alert the others. We will find her. She's a demigod afterall..." binigyan
niya ako ng reassuring look.

I sighed. "sige..."

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papalabas ng tent.


Ang sayang naman. Gusto ko sanang matignan kung okay na siya. Mukha kasing wala
siyang alam sa nangyari.

Saka, isa siya sa main target ng mga hybrids. Baka kung napano na siya. Baka di
na siya mahanap ng mga huntres kasi nakain na siya.

Wag naman sana...

Agad lumapit sa'kin ang isang babae na may dalang baby. "Isa ka ba sa tutulong
sa'min? Pakisabi sa kaibigan mo na yung anak ko... Naiwan sa syudad. S-sige na..
Hanapin niyo siya.. Hindi pwedeng mag-isa lang siya.."

"Tumahan na po kayo.." tinignan ko ang baby at napangiti. "sigurado akong


hinahanap na nila yung anak mo..."

Nagulat ang babae. Sinuri niya ako ng maigi.

"Isa kang anak ni Aphrodite.. Hindi ba?" mas nagulat ako sa tanong niya.
"Paano niyo po nalaman?"
Bumaba ang tingin niya sa baby na dala-dala niya kaya napatingin rin ako.
"Ganyan din ang boses ng ama niya... Bawat salitang binibitawan kusang
pumapasok sa buong sistema ng isang katawan.." ngumiti siya habang inaalala ang
asawa niya.

So demigod pala ang ama ng batang dala-dala niya...

"Bawat utos.. Masusunod..." naiiyak niyang sabi.

Di na ako magtatanong kung nasan ang ama niya. Obvious naman kasi mula sa
reaksyon niya na masakit para sa kanya ang mga alaala nila.
"Kaya po pala ang ganda niya. Sana lumaki siyang matapang katulad mo. Ano po
yung name niya?" hinipo ko ang chubby cheeks ng baby.

Ang ganda ng hugis ng ilong niya. Marami siguro ang magkakandarapa sa beauty ng
batang 'to.

"Abigail. Abigail ang pangalan niya..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

A New Fire

Ria's POV
Para akong bata na nakangisi sa bonfire kasama ang mga Huntres. Sumali na rin
ang Alphas maliban nalang sa boys. Ewan ko kung nasan na yun nagpunta. Baka
nakidnap na naman ulit.

Tsk. I won't waste any effort saving them for the second time around.. in other
words, bahala na sila.

Nakita ko si Heather na may kasamang mga Huntres na by the looks of it, ay ka


age ko lang. Sinenyasan nila akong pumunta sa circle nila.

Without hesitation, tumayo ako at nag transfer sa kanilang pwesto.

"It's been a while since we hanged out like this..." Heather, with a proud
face, proceeded to add more drink on my glass.

She looks drunk.

But I know, without a doubt, na kayang kaya pa rin niyang dalhin ang kanyang
sarili kahit nakainom siya.

"I know... we should do this more often" ininom ko ang sinerve niyang drink.
Hindi ko gusto ang lasa ng alak nila pero nagulat nalang ako matapos masarapan sa
matamis na aftertaste nito.

Rough and Sweet. My style.


"Heather? You seem close with this Alpha. Paano ba kayo nagkakilala?" tinignan
ko ang unfamiliar na huntre. Mukhang ngayon ko lang siya napansin ever since.

And I think they're close too.

"Mm.. That.." uminom muna si Heather bago pinatuloy ang pagsagot "we started as
enemies..."

Lumapad ang ngiti ko habang inaalala ang unang pagkikita namin.

Sinalubong ako ng isang Art na namamaga ang mga mata at namumula ang ilong sa
corridors.
Inabot ko sa kanya ang handkerchief ko.

"Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong.


"Eh k-kasi... yung babae.. Inaway niya ako.." tinuro niya ang direksyon sa
dating grounds namin.
I squinted my eyes just to see kung anong meron sa labas. Isang grupo ng mga
babae ang naglalaban gamit ang mga spears nila.

Oohh.. that looks fun...

"Sino sila?" tanong ko kay Art as I almost forgot about her swollen face.
"yung mga followers ng kambal ni papa... S-si Artemis..." nangingiyak niyang
sagot.
I put a hand on her shoulders para pakalmahin siya nang napangiwi siya sa
sakit.

Naramdaman kong may dumaloy na kung ano sa kamay ko kaya agad ko itong
tinignan.

I sighed.

"Siya ba ang may gawa nito?" ngayon ko lang napansin ang sugat sa kanang
balikat niya.

Tumango siya.

Hinatak ko kaagad siya pagkatapos.


"R-ria... Araaay naman ehh!!" reklamo niya.

Alam kong nasasaktan siya pero di ko kayang mahinahon pagkatapos makita ang
duguan niyang balikat.
Who does that girl think she is?
"Is that her?" tinuro ko ang babae na nasa gitna ng circle of friends niya.
Nagtatawanan pa nga sila.

"Ria..." pilit akong pinabalik ni Art sa loob ng building.

"Hey!" kinuha ko ang atensyon nilang lahat.

"Sinong may gawa nito?!" ang ganda lang ng greetings ko diba? Well let's see
kung ikakaganda ba talaga nila ang ginawa nilang pananakit kay Art.
"Me.." confident niyang sagot.
Her other friends made way for me.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?" nagsimula akong maglakad para harapin
siya.
"Yeah. Why? Will Apollo make me regret that I hurt his daughter?" she stepped
forward. Hinahamon ba ako ng babaeng 'to?
"No. I'm gonna make you regret because of what you did." nag summon ako ng
spear.
And after a millisecond, tunog ng magkasangga na blades ang maririnig sa
grounds.

"Seriously though, I got scolded. And I also got punished..." she sipped from
her cup and looked at me just to make sure that I'm still listening.
"By Apollo?" tanong ko.
Umiling siya.

"Artemis herself.." she corrected na siyang ikinagulat ko.


For all I know, hatest ni Artemis ang mga anak ni Apollo.
Nagseselos kasi siya sa mga babaeng iniibig ng kambal niya. Ayaw niya rawng
mapalayo sa kanya si Apollo dahil sa mga babae.

Pero... wala akong alam na concern si Artemis kay Art...

Takot na takot nga si Art kay Artemis.

Baka daw kasi gawin siyang kahoy katulad ng ginawa ni Artemis sa nanay ni Art
at ng kambal niya.
Magtatanong na sana ako kung ano ang ginawang punishment ni Artemis nang
narinig kong may sumitsit.

Pumunta ako sa pinanggalingan ng tunog at nakita si Chase kasama sina Cesia,


Art at Kara.

"May problema..."

Napalitan ng kaba ang relax na mood ko.

Okay I admit. Sinabi ko kanina na wala na akong pakialam sa kanila kung may
mangyari pero...
But...
Kasi...
Because?
Wait. Ba't nga ba ulit ako concern sa boys?
Damn. Anong meron sa iniinom ko? Lutang na lutang ako.
"Sa'n ba? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Cesia.
"Nag-uusap lang kami tas bigla silang dinakip ng-ahh basta! Sundan nyo nalang
ako!" agad siyang tumakbo papalayo sa camp ng huntres.
Ilang minuto ang lumipas saka ko napagtantong kanina pa pala kami nakalabas sa
forest.
Nilingon ko si Cesia na nakatingin sa taas kaya napatingin rin ako.
The stars are shining bright tonight.
Muntik na akong madapa dahil sa biglaang pag shift ng lupa..

Or...
Sand?

Napatingin kaming apat sa isa't-isa.


Hinanap namin si Chase na kanina'y nasa tabi ko lang pero ngayon, wala na.

I looked around the whole area.

"A BEACH?" I said in disbelief.


Tumigil ang mga mata ko sa apat na lalaking naka squat at nakapaligid sa
bonfire.
"Seryoso sila?" natatawa kong sabi saka tumakbo sa bonfire.
"What's this?" ani Kara habang nakatingin sa barbecues at marshmallows na
nakaprepare.

"Aweee... This actually melts my heart..." binigyan ko sila ng dramatic face at


umupo sa buhangin.

Sumunod rin yung tatlo.

"Woooh! ong gondooo! Kayo ba nagplano nito?" hindi ko namalayang kumakain na


pala si Art ng BBQ.
Habit niya talaga ang mang-entertain kahit puno ng pagkain ang bibig niya.
Nakaka sorpresa din na kahit ni isang beses, di pa siya nabulunan with that habit
of hers.

"Strangely... It was-" tumigil si Dio dahil sa matatalim na mga titig ni Trev.


"It was fun! Nung nagdecide kami na gawin ito."
Kumuha ako ng barbecue pinainit ito sa bonfire.

Nakailang BBQ rin ako when I stopped. Di ko gusto ang kumain ng marami tuwing
gabi.

The whole time, nag-uusap lang kami habang umiinom. The liquor is the same as
the Huntre's pero mas matamis ang aftertaste nito kumpara sa camp.

Hmm..

I wonder kung ano ang ginagamit nilang sweetener...

I felt myself giving up kaya humiga ako at ginawang unan ang as expected, very
soft thighs ng anak ni Aphrodite.

Is it me or... umiikot ang mga bituin sa itaas?

"Chase. Anong nilagay mo sa- teka..." bumangon ako.


"Ano ba 'tong pinainom mo sa'min?" tanong ko. Buti nalang at di ako na knock-
out.
"Huh? In-order ko kaya 'to mula sa mga Huntres.." sagot niya.

Nagkamot siya sa ulo. "Ah yeah.. Sinabi ko nga palang.. Extra ambrosia..."

Tsk.

Tinignan ko ang katabi kong nakapikit na.


Bigla akong tumayo kaya muntik na akong matumba. My head is weightless right
now.

Sumigaw ako "Alright!!"

Sinadya ko talagang gulatin silang lahat.

Times like these are very rare to find lalo na't nagkakagulo ngayon sa mortal
realm. Kaya sulitin!

Hinubad ko ang v-neck ko.


"R-ria? Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Cesia.
"Taking off my shirt? I'm still gonna wear my shorts though." kinindatan ko
siya at tinanggal ang sapatos ko.
It's not like fully naked ako. Duh. Eh dual use kaya yung bra ko. Pwede siyang
maging underwear or bikini!

"I mean.. Let's have fun! Hindi naman pwedeng hanggang tingin lang tayo sa
dagat." I suggested.

At enough na para sa'kin na tumayo si Cesia at sumang-ayon sa sinabi ko.


Tumango siya "Mmm! Let's have fun!"

Kusang tumaas ang energy ko at its full power.


Tumayo silang lahat and like what Cesia said, nabalutan ng hype ang buong
atmosphere namin.
May ipinadalang malaking alon si Dio kaya hindi pa nga kami nakaaabot sa dagat,
basang-basa na kaming lahat.

Namatay na rin ang apoy dahil dito.

After a moment of silence dahil sa ginawa ni Dio, I smiled.

"HAHAHAHAHA!" nagsitakbuhan kami patungo sa dagat.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hss-Bitten

Jamie's POV
"Sa'n po kayo pupunta?" tanong ni Arah na busy sa pagt-trace ng drawing book
niya. Binilhan kasi siya ni Sebastian ng mga books at art materials.
Para daw 'to keep her busy' habang hinahanap namin yung mga babaeng nagligtas
sa'kin.
"Grocery lang.." sagot ko at isinuot ang jacket.

Nakita ko si Sebastian na nakabihis na.


"Tsk.. Punong-puno nga yung ref eh. Sabihin niyo nalang kasi na may date
kayo.." narinig kong bulong niya.
Bago pa ako maka angal, hinila na ako ni Sebastian sa labas.
"It's gonna be a long drive. We don't want to be late. Okay?" aniya saka ako
binitawan.

Ang sungit naman. Tsk.


Sabay kaming lumabas ng building at dumiretso sa sasakyan niya.
Habang nakasakay, ini-imagine ko ang hitsura ng mga 'witches' daw.
May nakapagsabi kasi kay Sebastian noon na may tatlong 'witches' daw na
kilalang-kilala sa labas ng syudad.
Napakalayo din ng baryo na tinitirhan ng tatlo kaya nagdala na kami ng mga
pagkain para di na kami mag aksaya ng oras na lumabas para sa pagkain.
Ibinaba ko ang bag kong may laman na mga bawang at asin.
Alam nyo na.
For emergency purposes.

"What's that smell?" tanong niya.


"Ha? Wala naman akong naaamoy ah... Baka sa aircon mo yan. I off mo nalang
yan." agad kong pinindot ang button sa gilid para mabuksan ang bintana.
Buti nalang at mukhang naniwala siya sa sinabi ko. Binaba niya rin kasi ang
bintana sa driver's seat.
"Malapit na ba tayo?"
Nagsimula ng bumigat ang mga mata ko.
"We're not even halfway there.." aniya at mas binilisan ang pagtakbo.

"Sige..." inayos ko ang pagkahiga sa upuan


"Gisingin mo nala-AYY PUTANGINA! ANO BA?!"
napahawak ako sa noo ko.
Eh ang perfect na ng pagkapwesto ko tas bigla nalang hihinto tong sasakyan.
"Shit." napamura siya.

"May nabangga ba tayo?" napalitan ng kaba ang antok ko.


Hindi niya ako sinagot. Nagkaroon pa ata ng post-traumatic effect.
Which means... may nabangga nga!
Napasinghap ako.
Dali-dali akong lumabas sa sasakyan para tignan kung may tao bang duguan.
Sa laking gulat ko, wala akong nakita kahit pusa man lang o patay na hayop.
Tinaasan ko ng kilay si Sebastian na kakalabas lang ng sasakyan. "Alam mo bang
di nakakatuwa yung ginawa mo?"
"I swear I saw a woman." para siyang bakla. Nakatakip sa bibig niya yung isa
niyang kamay tas yung isa nakaturo sa kinatatayuan ko.
Sinimangutan ko siya.

Tsk. Seryoso ba talaga siya sa ginagawa niya ngayon? Inirapan ko siya at


tinignan ang ilalim ng sasakyan. "Wala naman akong nakikita eh!"

"Jamie..." narinig kong bulong niya.


"alam mo-" tatayo na sana ako nang pinigilan niya ako. "Jamie.. kung gusto mo
pang mabuhay wag na wag kang gumalaw."

"Ang kapal rin ng mukha mo ano?"


"NO! Please don't! J-just.. stay still..."
Naiirita na talaga ako sa lalaking 'to ha. Nagsisimula na akong magsisi dahil
sinama ko pa siya.
"Alam mo Sebastian. Kent. Sol. Ikaw na talaga ang pinaka abnormal na nilalang
na nakilala ko." tumayo ako at pinagpag ang jeans ko.
Ewan ko ba sa kanya. Ewan ko kung anong nangyari sa kanya at ewan ko kung anong
meron sa kanya ngayon.

Tinignan ko siya na nakatingin sa may paanan ko kaya napatingin rin ako.


...
Juskopo.

Napalunok ako.
"S-sebastian..." halos maiyak na ako sa kinatatayuan ko.
"S-sebastian..." di ko alam kung pinagpapawisan ba ako o mga luha na nga ang
nararamdaman kong dumadaloy sa pisngi ko.
Sinubukan kong igalaw ang paa ko pero napakagat nalang ako sa labi dahil
humigpit yung pagkapit NG MALAKING AHAS SA BINTI KO.
Hindi ko deserve 'to! Hindi ko deserve ang mamatay ng ganito. Kung hindi ako
mamamatay dahil sa kagat ng ahas, mamamatay ako dahil sa atake sa puso.
AAAAHH!! Kasalanan bang ipanganak sa mundong ito?! Ba't parang pinagtitripan
ata ako ng author ng buhay ko.
Or sadyang madaldal lang talaga ako? Ang kapangitan ko ba ang magdadala sa'kin
sa sarili kong kapahamakan?

Walangya naman oh!

"Sebastian! Ano ka ba? di mo ba ako tutulungan dito?" inis na tanong ko sa


lalaking nakatitig lang sa akin at naka poker face.
"Why? tinulungan kita. EARLIER. Is it my fault that you weren't listening?"
nakataas ang kilay niya at nakahalukipkip.
WOW HA. WOW HA! WOW HAAAAA!
Kanina lang takot na takot siya tas ngayong nangangailangan na ako ng tulong
dinidilatan niya lang ako ng mata.
"Alam mo?! nakakairita ka na ha?! kanina pa-"
"see?"
nag abot ang kilay ko.
"mas inuna mo pa ang pagalitan ako. Hindi mo nga namalayang kinagat ka na ng
ahas." saad niya.
Di ko na kayang tignan ang marka na ibinilin ng ahas dahil sa pagbigat ng ulo
ko.
Nag umpisa nang kumalat ang lason sa ibabang bahagi ng katawan ko. Di ko na
kasi ito kayang magalaw kaya natumba kaagad ako.
Kung mamamatay man lang ako, sana alam nilang lahat na kasalanan ito ni
Sebastian.

Di nagtagal, dumilim na rin ang paningin ko.

"You are... the dumbest creature that I have ever met." puna niya.
•••
Nagising ako dahil may sumusundot sa pisngi ko. Di ko pa nga nabuksan ang mga
mata ko, alam ko na kung sino 'yun.
"shh... may natutulog.." bulong ko sa kanya.
"ate naman eh! ginulat mo'ko" tinulak niya ako ng mahina kaya napangiti ako.
Tinignan ko siya at umarte na para bang nasaktan sa ginawa niya "a-aray"
"h-hala.. sorry ate.." hinihimas-himas niya ang braso ko. Bumangon ako saka
pinitik ang noo niya. "Ikaw ha... na ospital lang ako, ang brutal mo na."
Binelatan naman niya ako at tinulak ako ng may lakas kaya di ko na kailangang
magpanggp na nasaktan.
Brutal talaga 'tong kapatid ko.
Manang mana sa ate.

Inilibot ko ang tingin sa pamilyar na kwarto. "si mama ba nasa kabilang


kwarto?"

tumango naman si Arah.


"nga pala, ba't ang tagal niya atang magising?" tanong ko sa kanya.
"tanungin mo yung sarili mo... ang tagal mo kayang nagising. mga 3... 4... apat
na araw na simula nung natuklaw ka ng ahas."pagbibigay-alam niya habang nagbabasa
ng libro.
APAT NA ARAW?! FOUR DAYS?!

"Si Sebastian?" siya ata yung naghatid sa'kin dito. Unless pinabayaan ako ng
lalaking 'yon sa gitna ng kalsada tas may nakakita sa'kin na passersby.
"Ah... tinutukoy mo ba yung lalaking iniwan ka sa gitna ng kalsada para
mamatay? Hinahanap siya ng mga pulis ngayon.." kalmang sagot ng kapatid ko.
"ANO?!"napasigaw ako.
"Joke." aniya at binigyan ako ng peace sign. "Nasa ibang room siya. Mamamatay
ka na nga sana eh buti nalang naisipan niyang sipsipin ang lason.." nilipat niya sa
susunod na pahina ang librong hawak-hawak niya.
"GINAWA NIYA YON?!" pangalawang beses na akong sumigaw.
"Oo.. ang weird nga kasi ang dali lang kumalat nung lason.. knocked out ka
agad.. atsaka, wala pa ring may alam kung anong klase ng ahas ang kumagat sa'yo."
umiling si Arah.
Ilang segundo rin akong tulala sa pader. Ini-imagine ko kasi ang nangyari
pagkatapos kong mahimatay.
Tinaas ko ang kumot at napansing nakasuot pala ako ng compression socks.
Hanggang ngayon namamaga pa rin ang kaliwang binti ko.
Haaay buhay.
Humiga ulit ako.

Ilang beses na akong muntik mamatay ah... Ilang beses ko na sigurong na deadma
ang invitation ni kamatayan.
"Ah ate Jamie?"
"hmm?"
"Hanggang ngayon, di pa nagigising si Kuya Seb. Umepekto rin ata sa kanya yung
lason eh. Na knock out din siya nung hinatid ka niya dito sa ospital-"
"ARAH!" dali-dali akong tumayo.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Safe & Found

Jamie's POV
"Sure ka bang kaya mo ng maglakad?" halata namang di pa nya kaya eh.
Nagpupumilit lang talaga kaya wala na kaming magawa kundi tignan siyang
nagsusumikap na makatayo.

"eh ikaw?" bumaba ang mga mata niya sa namamaga ko pang binti

Sinimangutan ko siya. "Ako nga yung tinutulungan ka eh.."

Napabuntong-hininga nalang ako habang tinitignan ang sitwasyon niya. "Abnormal


ka rin ano?"
Nakita ko ang disappointment sa mukha niya at padabog na umupo. Napagod ata.

"Ewan ko sa'yo kung bakit ginawa mo pang sipsipin ang lason sa katawan ko.
Tignan mo yung nangyari sa'yo." tumabi ako sa kanya.

Kumuha pa ako ng extra crutches para sa kanya na sa tingin ko'y useless muna sa
ngayon.

"Shouldn't you be thanking me?" nakayuko siya habang inuugoy ang mga paa,
sinisiyasat ang kondisyon nito.

Huminga ako ng malalim.


"salamat..." mariin kong sabi na siyang kumuha ng atensyon niya.

Okay fine. Sige na. Ako na ang may kasalanan kung bakit nandito kami ngayon
naka admit sa ospital. Ako na ang tanga. Hindi naman kasi ako nakinig sa sinabi
niya.

"You're so stupid.." napailing siya habang tinitignan ako.

"alam ko kaya di mo na kailangang sabihin 'yan.." wala na akong option kundi


sumang-ayon sa sinabi niya.
Apat na arawng walang malay... May ganun ba? Grabe naman.
Pag siguro mga tatlong araw di ba patay na yun? Tas apat?

Medyo weirdo din yung ahas eh.


Paglabas ko sa sasakyan, wala pa naman akong nakikitang ahas. Pero posible ring
nanggaling yun sa ilalim ng kotse.

Ilang minuto kaming tahimik hanggang narinig namin na may kumatok kaya napatayo
kaagad ako para lumabas na.

"Yung nurse na ata 'yan. Babalik muna ako sa room ko." pagpaalam ko sa kanya.

Tinanguan niya ako. Tinignan ko muna siya bago pinihit ang knob. Binuksan ko
ito at nakita ang isang nakangiting nurse na may dalang tray.
Nginitian ko rin ang nurse saka lumabas na sa room.

Ilang hakbang lang nang tumigil sa paglalakad ang mga paa ko.
Agad rin akong kinilabutan sa daloy ng hangin.
Umikot ako para tignan ang likurang bahagi ng hallway.
Wala naman akong nakikitang kakaiba kaya humarap ulit ako.

"Sebastian." bumalik ako sa dati kong landas at dali-daling binuksan ang pinto.
Napag-alaman kong lock ito kaya naghanap ako ng pwedeng gamitin pang bukas.

Katabi ng pinto ay isang bench na may nakalagay na mga kung anu-anong bagay.

Mga gamit na naiwan o nakalimutan siguro katulad ng mga rubber bands... card!

Isang grocery store loyalty card.

Ininsert ko ang card sa gitna ng pinto at frame. Patuloy kong itinaas-baba ang
card para makapasok ito ng tuluyan sa latch. Ilang segundo ng pagkalog sa knob at
sumuko na rin ito.

Pagbukas ko, hindi na ako nagmake time para mag react at kinuha ang vase sa
mesa saka binasag ito sa pader.
Lahat ng atensyon niya nasa pag kain kay Sebastian, di nga niya narinig ang
pagbasag nung vase.

Shunga lang.

Hinila ko ang buhok nung Sebastian-eating-nurse.


Halatang nagulat yung bruha kaya bago pa siya maglaban, ginamit ko ang matalim
na dulo ng vase at hiniwa ang leeg niya.

Ako lang ang may karapatang kumain sa lalaking 'yan.

KUMAIN KASAMA SIYA.

"tangina mo." bulong ko sa ulo bago ito itinapon kasama yung sirang vase. Sa
sobrang higpit ng pagkahawak ko, may sumubsob na glass sa palad ko. Pero balewala
lang ito sa reaksyon ni Sebastian.
Hindi ko nga lang matukoy kung nakanganga ba siya dahil dun sa nurse o sa
super-ultra-mega-hero-action scene ko. Meh.

"Sebastian?" natauhan siya pagkatapos marinig ang boses ko.

"Pasensya na kung-" bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napangiwi ako ng
konti sa sakit.

"you're hurt." puna niya.

"Ay hindi. Okay lang. Hindi ako hurt. Dumudugo pero hindi ako 'hurt."
sarkastiko kong sagot.
"Si Arah." pagkasabi niya sa pangalan ng kapatid ko, bigla akong kinabahan.
Tumungo ako sa telepono at tinawagan ang phone number ng room namin.

"Helloooo?" nakahinga ako ng maluwag pagkatapos marinig ang boses niya.

"Papunta na kami diyan. Wag na wag kang lumabas ng room kung gusto mo pang
magkaroon ng bonus allowance." banta ko sa kanya saka ibinaba ang telepono.
Tumawag na rin ako ng isang nurse para malinis ang room.

"kami?" nagtatakang tanong ni Sebastian habang nakaupo.

"Mmm." kinuha ko ang jacket niya "ililipat kita ng room unless gusto mong
mangyari ulit yun?" tumayo siya kaagad at kinuha ito.

"Nakakatayo ka lang pag may nagtatangkang kumain sa'yo?" puna ko at napangisi.


Mas lumapad ang ngiti ko nang sinimangutan niya lang ako at una pang lumabas.
Nakita kong nawala na yung katawan ng nurse pati ulo nito kaya ang naiwan nalang
ang basag na vase at ang nalaglag na tray.

"So those were the creatures you were talking about?" tanong niya.

Tumango ako. "Kung saan-saan lang sila sumusulpot."

"why though?" dagdag pa niya.

"Wag mong itanong sa'kin yan. Hayaan mo itatanong ko yan pag may nakasalubong
akong mumu." di pa rin gumaan ang atmosphere pagitan sa aming dalawa.
Parehong malalim ang iniisip namin.

Nakuha lang ang atensyon namin dahil may isang nurse na tumawag sa'kin.

"Yung kamay nyo po.. kanina pa tumutulo yung dugo." tinuro niya ang duguan kong
kamay. "Umm- magpapatawag nalang po ako ng nurse pagdating ko sa room namin." sagot
ko.
Binigay ni Sebastian sa nurse yung room number namin since isa naman siyang
kilalang doctor dito.

Maraming mga tao ang tumitingin-tingin sa'min habang naglalakad.


Akalain ba naman kaming nakatakas sa mental.
Naka suot kasi kami pareho ng hospital gown. Naiwan din namin yung dextrose ni
Sebastian eh. Wala na ring nakakonekta na dextrose at oxygen sa katawan ko.

Malaking milagro at nakakalakad na ako ng walang crutches. Medyo fighter din


itong sistema ko.

"Huy.." siniko ko si Sebastian "okay ka lang?"

"No." aniya di man lang ako tinignan at patuloy lang sa paglalakad.

Nakapout ako na para bang batang naghihintay mabigyan ng atensyon.

Hindi ko naman siya masisisi dahil naramdaman ko na ang nararamdaman niya


ngayon. Ayaw ko ring mairita siya sa'kin kaya tumahimik nalang ako.

Pumasok kami at nadatnan si Arah na nakaupo tila may kinakausap. Napansin naman
nila ang pagdating namin.
Tinignan ko ng masama si Arah. Kung sinu-sino lang ang pinapapasok!

Isang babae ang tumayo at binigyan kami ng matamis na ngiti.


Nag activate ang mumu alert ko dahil kakaiba ang kulay ng mata niya. Para siyang
naka contact lens.

"Hi." nilahad niya ang kamay niya para makipagkamayan.


Yung kaliwang kamay ko sana ang gagamitin ko kaso naalala kong puno pala ito ng
dugo.

Tinago ko ang duguan kong kamay sa likuran para di nila ito makita. Pero
mukhang nahalata niya ang ginawa ko.

"Hello" sinuri ko ang babae. Wala naman akong nasesense na masama sa kanya
maliban nalang talaga sa mata niya at ang tindig niyang daig pa ang PE teacher
namin sa ganda ng postura.

"so you're Jamie?" aniya at hinead-to-toe ako.

Tumango ako.

"I'm Heather."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Rain

Cesia's POV
"Chase! Yung bag ko." kinuha ni Chase ang pink bag saka hinagis kay Kara na
inabot sa'kin.

"Nasa'n si Heather?" tanong ni Ria.

"City." maikling sagot ni Kara saka zinip yung bag niya.

"Aish. Ba't ba naman kasi nakatakas yung ahas na yun." bulong ko. Nabitin kasi
ako sa stay namin dito.

Gusto ko pa sanang maligo sa hidden beach. Sa susunod, dapat talaga akong


maging handa. Magdadala na ako palagi ng limang pair ng bikinis sa bag ko.

Sa ngayon, pupuntahan muna namin si Ariethrusa. Nakatanggap kasi kami ng


mensahe galing sa mahiwagang ibon na kailangan daw kami sa Arcadia.

Saka baka magalit sa'min si Heather since di pa niya alam na lalabas kami sa
camp. Ayaw niya kasing may lumabas unless pinahintulutan niya.

Medyo strict kaya sila dito.

Ni review ko na lahat ng mga gamit ko. Syempre may iniwan ako dito sa camp na
mga damit just in case.
Tinignan ko si Trev na nakatulog habang hinihintay kaming makapack up na. May
nakapatong na unan sa mukha niya kaya napangiti ako.

Bilang anak ni Aphrodite, alam kong may hidden agenda din itong mga lalaking
mysterious at seryoso kuno.
Hindi nga lang nila alam kung paano ito ipakita sa iba o intensyon talaga nila
ang mag poker face para masabing matapang sila. Walang pakialam. Walang
kinatatakutan.

But we all have our own weaknesses...

Gigisingin ko na sana siya nang nakarinig ako ng tunog ng kidlat.

Napasimangot ako.

Okay lang sana kung ipaalam niyang gising pala siya.

Di niya kailangang gamitin ang kapangyarihan niya para ipaalam sa'kin.

Kinuha ko na yung mga kagamitan ko. Kanina pa naghihintay yung huntre sa kotse.

Una akong lumabas ng tent tas tumungo na sa nakaparadang van sa labas ng camp.
Tinignan ko muna ang landscape ng camp bago pumwesto sa pinakalikuran.

Nakatitig lang ako sa huntre na nakaupo sa drivers seat nang may naalala ako.

"Nahanap na ba yung anak ng isa sa refugee?" tanong ko.

Tinanguan naman ako ng huntre. "Mm.. nalocate na. Si Heather na rin mismo ang
pumunta para kunin si James."
Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos marinig ang sinabi ng huntre.

James pala yung pangalan niya.. mabuti naman..

Sinandal ko ang ulo ko sa headrest at nag adjust para komportable ang


pagkakaupo.

Saktong nakapikit na ako nang maramdaman kong may tumabi sa'kin.

"Bubblllleeeesss!" at di ko na kailangang dumilat para malaman kung sino...

Ilang minuto ang lumipas at pumasok na rin sila sa loob ng van.

Akala nga nilang lahat na natutulog ako.

Pinatahimik kasi ni Kara si Art habang naglalaro kasi nga, "Cesia is sleeping."

"Nakaka stress talaga ang ahas na yan.." reklamo ni Ria.

Sang ayon ako sa sinabi niya. Naging komportable na kasi kami sa camp.
Akala ko nga mas magtatagal pa kami doon.

Unfortunately, ayun, nakatakas si Mayethrusa. Hanggang


ngayon, walang nakakaalam kung paano niya nagawang tumakas. Mahigpit naman daw yung
pagbabantay ni Ariethrusa sa kakambal niya.

Narinig ko ang unti-unting pagpatak ng ulan sa labas kaya iminulat ko na ang


mga mata ko para tumingin sa labas.

Nakailang buntong-hininga rin ako.

Malay ko ba kung trip ko lang mag emote pag umuulan... nakasakay sa isang
sasakyan.. eto kasi yung madalas na nakkita ko sa mga music videos kaya sa tingin
ko nakakatrigger ang ulan sa 'emote reactors' ng sistema ko.

Hindi ko nga lang gagalawin yung music ngayon kasi nakakatakot yung huntre.

Napansin kong mas lumakas ang ulan kaya napangiti ako.

"You like rain?" nagulat ako dahil sa boses mula sa tabi ko.
Binuksan ko ang aking mga mata at hinanap ko si Art na nasa harap pala katabi
si Kara.
Hindi pala si Art yung naramdaman kong tumabi sa'kin kanina.

Syempre, hindi ako nag fret at nagpanggap na alam kong katabi ko siya...
at katabi niya ako...

at magkatabi kaming dalawa...

dito sa likod ng van..

kami lang dalawa...

Teka ba't kami lang dalawa ang andito?! Silang lahat kasi nasa harapan umupo.
Inassure kong stable ang ginhawa ko bago sumagot.
"Hindi-oo.. may pagka?" kung anu-anong mga sagot ang lumulutang sa utak ko.

Shoot. OO at HINDI lang naman yung choices. Ba't kinakabahan ako?

"A-ano.. feel ko kasing mag emote kung umuulan." sinundan ko ng awkward na tawa
na agad kong pinagsisisihan.

Ilang beses na akong nag imaginary face palm.

Tinitigan niya lang ako.

"B-bakit?" tanong ko sa kanya.


"your eyes changed.." aniya. Kinakabahan ko sa titig niya.
"h-huh?" nanlalamig ang mga kamay ko.

Anong nangyayari sa'kin? Kinain na ba ng melodrama ang sistema ko?

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya kaya napaatras din ako...

Anong trip ng lalaking 'to?!

"Trev! nalagay mo ba sa bag ko yung gold?" tila isang biyaya ang boses ni
Chase.

Bakas ang dismaya sa mukha, lumayo siya sa'kin at kinuha ang bag sa opposite
side ng upuan para iabot ito kay Chase.

Ewan ko pero parang bumalik ang supply ng hangin sa pwesto ko.


Napapikit ako.

Mabuhay ka Chase!

Dahil sa ginawa niya, naalala ko yung time na nasa dorm kami. Yung nahuli niya
akong nakatitig sa kanya.

Pero kasi...

Ibang-iba siya para sa'kin..

Nanlaki ang mga mata ko sa iniisip ko at sinasampal-sampal ng mahina ang pisngi


ko.

kasalanan ito ng dugong Aphrodite ko...

Hindi pwede 'to. Binilisan ko ang pag sampal.

Tila naririnig ko ang mahinang tawa ni Aphrodite mula sa kalayuan kaya mas
nataranta ako.

Nakalagay ang palad sa pisngi, nilingon ko siya na nakapikit na at


nakahalukipkip ang braso sa dibdib.
Huminga ako ng malalim at pilit iniba ang kung anong nasa isip ko para maiwasan
ang mapahiya sa harap niya.
Mayamaya, nagulantang kaming lahat dahil sa magkasunod at magkasinglakas na
kidlat.

"Trev!" sabay na nabanggit nila ang pangalan ni Trev.

Naramdaman ko ang galit niya.

Gusto kong matawa.

Nainis ba talaga siya kay Chase kasi sinira niya yung moment namin?

Mayamaya, napansin ko ang isang van na kasalubong namin sa opposite lane. Hindi
tinted glass ang harap kaya nakita ko ng malinaw si Heather na nakaupo sa tabi ng
driver's seat at isang huntre na nagmamaneho ng sasakyan.

Tumango lang sina Heather sa direksyon namin.

Kung pwede lang sanang ipahinto yung sinasakyan namin para makapagpaalam kami
ni Heather ng maayos...

kaso, may anak dito si Zeus na nababad trip kaya wag nalang.

Baka magreklamo 'to.

Ang haba naman ng pasensya niya. Manang-mana sa ama.

Napatingin ako sa bintana.

Mas lumakas ang ulan kaya napagtanto kong hindi ako makakapag-emote kung
nagbabagyo sa labas.
"just for once-" narinig kong bulong niya.

Nagtaka ako sa sinabi niya.

Ginamit ko ang ability ko at napangiti pagkatapos malaman kung ano ang


nararamdaman niya.

So ang atensyon ko pala ang gusto niya?

Natawa ako ng marahan.

Di naman nagsabi kaagad.

Nakalimutan niya sigurong empathy ang isa sa abilities ko kaya kahit hindi niya
sabihin, alam ko pa rin ang tumatakbo sa isipan niya.

Umurog ako ng konti hanggang sa magkatabi na nga kami dahilan na magulat siya.

Pinatong ko ang aking ulo sa balikat niya at pumikit.

"just for once..." napahikab ako.

Narinig ko ang paghina ng ulan sa labas.

Son of Zeus...

Ano nalang ang gagawin namin pag hindi mo nakukuha ang gusto mo.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Stuck

Kara's POV
I didn't sleep the whole trip.
I was staring at the mirror watching the funniest thing I have seen so far:
Cesia sleeping on Trev's shoulder. Funny because of the look on the guy's face.
Clearly, kinakabahan siya.
Not moving a single millimeter making sure na hindi magigising si Cesia.
It's the first time I met someone that can actually match Trev.. and I'm happy
for our leader.
We all are. Lahat kami nakatitig sa salamin. And when Trev looks at us, we just
nod and look at the windows or pretend to be asleep.
It was entertaining... very entertaining...
"nakasmile si Kara... what the-oww!" siniko ng malakas ni Ria si Chase.
I sighed and gave him a blank look. We're currently in Arcadia having dinner.
We occupied one circular table.
I would prefer eating on my own if I could. The main reason is this son of
Hermes.
"daydreaming?" Dio, sitting beside me, asked me.
I don't know about him but he doesn't know I'm still mad about what he did the
night we saved them from the Sirens. Manhid ba siya? Imposible. He's sensitive. I
just know.
Or is he pretending that he doesn't know?
Dio is unpredictable. I gave a sigh as an answer. That would make it obvious na
galit pa rin ako sa kanya.
Tinuon ko nalang ang aking atensyon kay Cesia na nakangiti habang kumakain. A
smile formed on my face unknowingly.
A sad smile.
Why can she still smile like that? How can she wear a vibrant smile like that?
How can all of them speak and think without remembering their painful pasts?
Why can't I be like them?
I may be the daughter of Athena. Alam nilang walang imposible para sa'kin.. na
kaya kong gawan ng solusyon ang kung anong problema.. that I don't have a weakness.
They didn't know they're my strength. They're my pillars. I cannot get strength
from myself anymore. My system is tired.
Funny how they look at me like I'm the strongest.. but I'm the weakest here.
I'm wise enough to be aware of that.
"Sasabihin ko sanang nagseselos ka.." the annoying one whispered.
"do I look like I care?" I whispered back.
"you look like you care too much.."
my eyes widened. Paano niya nabasa ang utak ko?
Gods! I'm having mixed feelings with this guy. Nagpapanggap ba siyang alam
niya? or isa sa secret ability niya ang mind reading?
Nalilito ako.
"you don't know me." I gave him a piercing stare at the same time, studying his
facial expressions, changes and shifts. If he can read my mind, then I can read his
every move...
and he's hiding something.
"you're not Kamille anymore, Kara."
All of a sudden, his words stabbed me.
It actually hurt.. to the point that tears threaten to slide down on my cheeks.
I slammed my hands on the table, abruptly making my exit.
I can't shed a tear in front of them. I can't cry in front of anyone.
I let my feet bring me anywhere as long as I'm alone. At nakahanap ako ng
pwesto sa isa sa gardens nila. It's already dark kaya useless lang ang paghahanap
sa'kin, if ever they decide to find me.

But I know they won't.


I closed my eyes setting the tears free... every breath I draw is painful.
I know I'm still stuck in the past. Being a daughter of Athena makes it worse.
I know what I'm not supposed to know.
My eyes wandered sensing someone approaching and stopped to look at the flowers
blooming.
"let me guess.. they sent you to comfort me?" I asked realizing the person
behind me.
She gave me a pat on the shoulder and proceeded to sit beside me.
Umiling siya. Nandoon pa rin ang ngiti niya... walang nag iba.
"it's my job." she responded looking away from me.
Of course she'd be here. She's a daughter of Aphrodite. Every beat of heart,
she can hear. Every second of silence, she can understand.
I just stared at the flowers blooming near us. I should feel like blooming too.

But sadly, I am not.


"Wag kang mag-alala hindi ko ginagamit ang ability ko para tulungan ka. Alam ko
namang hindi tatalab sa'yo yun eh." natatawa niyang sabi.
Cesia is unlike any girl I have met.
There's something inside her that I am interested of. Siguro isa sa rason ay
ang dugo niyang Aphrodite. Like her mother, she knows how to get anyone's attention
within a second.
"Alam mo.. may nakalimutan nga pala akong sabihin sa'yo..." she lifted her
head.
I didn't say a word but she accepted my silence as a signal to continue so she
started to speak again...
"Nung war... nung nasa trance ako.. nakita ko si Athena. Actually, siya yung
nagpakita sa'kin. Who knew? Siya yung nasa huli ng list ko ng gods na makikilala at
makikita ko. Isa pa namang malaking karangalan ang maka face-to-face ang isang
goddess. Yung Goddess of Wisdom pa!" even without looking at her, I know she's
speaking the truth.
"and you know what?" she looked at me with a funny look.
"what?" I finally spoke a word.
"tinawag niya akong coward! Hahaha akalain mo yun?" siya lang mag-isa ang
tumatawa. But her laugh brought a smile to my face.
I should smile more often...
"yung feeling na hopeless na hopeless ka na sa digmaan tas may magpapakita
sa'yo na goddess para lang tawagin kang coward?" when she laughs, the more flowers
bloom... should I be like these flowers and accept her radiant rays, I should have
no problem laughing with her.
But I'm not. I'm a being with darkness threatening to eat me alive if I don't
cooperate with it.
"hahayaan ko nalang daw na magpatiwakal kayo para sa'kin.." her voice turned
sad. So did the flowers.
"Ang selfish ko raw kasi.. kasi sarili ko lang ang iniisip ko..." but still,
her smile remained.
"It didn't hurt me though. May point naman yung mama mo. Alangan namang di ko
paniniwalaan yung sinasabi niya eh goddess of wisdom na mismo ang nagsabi? Duh."
she tried so hard to cheer herself up that her voice broke.
"Okay.. partly masakit..." she nodded. "kaso... needed yun eh. Para akong si
Sleeping Beauty... pero imbes na isang halik, isang malaking sampal ang kinailangan
ko para magising."
I wanted to say something...
but I laughed.
"wag mo nga akong pagtawanan." inirapan niya ako but failed because she ended
up laughing too.
"thank you for making me laugh today.." I smiled. "I needed it.."
tumango siya "sa tingin ko.. kailangan mo na ring magising... madadapa ka lang
palagi kung ayaw mong kumawala sa kung anong humihila sa'yo. Pero di kita pinipilit
ah? mag antay lang tayo... alam kong may tutulong sa'yo... baka kasi, isa ka ring
sleeping beauty na kailangan ng halik para magkamalay. At pagkagising mo, ibang tao
ka na." her genuine smile gave me goosebumps.
Kahit mahirap paniwalaan, a part of me wants to believe her. Hoping that
someday, that someone will help me.
I am a daughter of Athena. But I have accepted that I am not alone... and will
never be. No one deserves to be alone... and no one deserves to dwell in the past,
to float in eternal darkness like me.
I'll find that light someday... ang siyang gigising sa'kin so that I may be
able to wake up and start anew.
"Close your eyes and command all the flowers here to bloom.."
Sinunod niya ang sinabi ko. I heard a voice whisper before the whole garden
started blooming... her voice made the dandelions' flower heads dry out causing the
seeds to float everywhere.
Meanwhile, the whole place was glowing bright.
"Ang gandaaaa!!!" I heard Art's voice from behind.
Tinignan ko sila and was relieved to know that they just arrived. Akala ko
narinig nila lahat ng pinag-uusapan namin.
The rest of the Alphas came to watch the white umbrella-like fuzz float from
the dandelion puff balls.
It seemed like a dream. And after many years of living a nightmare, I finally
had a happy one.
'The greatest sin is to think yourself weak' a woman's voice whispered. 'What
you're seeking for is within your radius... be fearless child.'
Tumigil ang mata ko sa lalaking nakayuko habang sinusuri ang bulaklak.
He looked at me back.
Our eyes locked for a moment when a fuzz sat on the tip of his nose making him
sneeze.
I laughed...
and I meant it.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

True Self

Jamie's POV
Hindi ko nasalo ang hinagis na unan nung Heather.
Nasa camp kami nila.
Nagdidistribute lang siya ng mga kakailanganin namin dito sa tent. Dito muna
kami hangga't 'safe to roam' na daw yung syudad. Lalo na't mga 'kalahi' daw namin
ngayon ay 'main target' ng mga 'daemons'.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong alam sa sinabi niya kanina eh.
Sumama lang kami kasi alam niya yung kababalaghang nangyayari sa'min.

May ibang terms pa siyang ginamit na hindi ko gaanong naintindihan.

Hello. Bago pa ako sa ganito. Isa lang po akong ordinaryong babae noon.

"Jamie. Come here..." tinawag ako ni Heather.

Binaba ko ang bag at kumot na dala-dala ko saka pumunta sa kanya.


"Your mom... I have sent some of my girls to take care care of her so you
really don't have much to worry..." kakaiba ang tono ng boses niya kaya nahalata
kong may tinatago siya mula sa'kin.

"Bakit? Anong meron kay mama?" tanong ko.

Nagbuntong-hininga muna siya bago sumagot. "When you told me she has been
asleep for a long time, I was curious. I examined her and saw a lot of mist inside
her."

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"She's under an enchantment... but that's just a guess.." sagot niya.

Hindi niya ako hinintay na mag react sa balita niya. Iniwan niya lang akong
tulala.

WATDAPAK.

Akala ko na comatose lang yung nanay ko tas ngayon? May kung anong abracadabra
ang nasa katawan niya.

Kaya pala antagal niyang magising...

Ba't nga naman di ko napansin yun... Tsk. Ang tanga ko talaga...


"Hey? You okay?" nabalik ang atensyon ko kay Sebastian na tinapik ang balikat
ko.
Tumango ako. "Mukhang okay lang naman ako..." nginitian ko siya.
"You want to talk?" alok niya saka hinawakan ang kamay ko.

Binitawan ko agad siya at nagtitingin-tingin sa labas. "Si Arah..." iniba ko


ang topic para makaiwas ng drama.

Pero hinawakan niya ang pisngi ko dahilan na humarap ako sa kanya.


"You're confused right now.. But we'll go through it all together, right?"
Kahit kailan hindi talaga ako marunong magtago ng feelings. Syempre obvious na
obvious na may problema ako. Hindi kasi ako magaling magpanggap. Hindi ako best
actress no. Sadyang mabunganga lang talaga ako. Kung anong nararamdaman ko,
nilalabas ko.
Ngumiti ulit ako saka binaba ang kamay niya. Kahit gusto ko yung feeling ng
ginawa niya.

Wag ka munang lumandi ngayon Jamie.


Kakaalam mo lang na na abracadabra yung nanay mo.

"Wag kang OA. Baliw. Syempre magkasama tayo. Maliban nalang kung magpapakamatay
ka. Mag solo ka kung ganun." tinaasan ko siya ng kilay.

Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya napangiti ulit ako habang nakatingin sa
kanya.

"Yeah.. If I die, I'll make sure to bring you with me. I'd ask them to bury you
alive beside my grave. Death can't part us either." puna niya.

"Sweet na sana eh! Walangya! Hahaha" sinuntok-suntok ko


siya.

"Am I interrupting something?" napatigil kaming dalawa dahil sa boses.

Lumingon ako at nakita ang isa sa mga kasamahan ni Heather na may dalang spear.

Tinanong ko kay Heather kung amazona ba sila, hindi naman daw. Nakalimutan ko
tuloy yung tawag sa kanila.

Pero ang cool nilang tignan infairness. Feel na feel ko ang girl power sa camp
na'to.

"Demigods?" isa-isa niya kaming tinignan.

Kinuha ni Sebastian ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.


Potek. HINDI NIYA BA ALAM NA KINIKILIG AKO tuwing ginagawa niya yan.
Enebeeee. Asdfghjkl. Sige Sebastian wag na wag kang bumitaw. HHWW tayo kumbaga.

It's us against the world. Charot.

"Should we start your lecture? I'm not a good history teacher pero alam ko ang
sinasabi ko. I'll try my best to be understandable." saad niya at unang tumungo
papalabas ng tent.
Sumunod kaming dalawa.

Tinignan ko si Sebastian na straight look lang ang pinapakita sa lahat. Walang


bakas ng takot, kaba kahit curiousity man lang.

Katulad niya, sinubukan ko ring wag pansinin ang mga titig na natatanggap ko
mula sa karamihan ng tao na nasasalubong namin.

Para kaming mga bagong bilanggo sa bilangguhan.

Hindi naman siguro kami i-bubully diba?

Pinapasok kami ng babae sa loob ng madilim na tent. Sapat na yung liwanag sa


labas para maaninag ang dalawang upuan na nasa loob.

Umupo kaming dalawa at nag antay na magsalita ang babae.

"This is a presentation we made for unaware divinities. Fortunately, we get to


use it!" excited na sabi niya.

Ngayon ko lang napansin na mas bata pala siya kesa sa'min. Nakakakilabot kasi
yung tindig niya. Parang matanda kung umasta.

Lumabas ang isang screen sa harap namin.

"Uso din pala projectors dito?" natatawa kong tanong.

"With our unlimited source of electricity? Yes of course." sagot niya.

Tumango ako. Unlimited source of electricity... May ganun pala... Sige.

Tinuro kasi sa'min sa eskwelahan na may limitations lahat ng energy sources..


Kasama na dito ang kuryente kaya dapat magconserve and/or preserve.

Magtatanong na sana ako kaso umilaw na yung screen, at nagsimula ng magsalita


ang babae.

Unang nag appear ang painting ng isang dosenang katao na nakikipaghalubilo sa


isa't-isa. Iba-iba rin ang mga suot at dala nila. May halong ancientry yung
painting.

Sunod na lumabas ang iba pang mga paintings.


Lahat sila magkaiba ang laman. May babaeng nakaupo sa tabi ng ilog, lalaking
naglalaro kasama ang mga bulaklak.

"You know these paintings?" tanong nung babae.

"They all have one thing in common. They're about the greek mythology.." sagot
ni Sebastian.

Eh ako? wala lang.


Di ako nakakarelate sa pinag-uusapan nila. Di kaya ako mahilig sa history. Di
rin ako interested sa mga ganyan. Dakila akong tamad.
Greek myths... alam kong isa yan sa itinuro sa'min noon.
Pero wala talaga akong kaalaman tungkol diyan since wala naman akong naalala na
lesson namin ni isa. Hehehe.

Bumaba ang mata ko sa mga kamay namin at napangiti. Wala talaga siyang planong
bitawan ako.

The whole time, nakikinig lang ako sa lecture habang sinusuri ng maigi ang
bawat picture na nilalahad ng projector.
Ngayon ko lang napagtanto na nakaka interes din yung mga ganitong topic. Lalo
na't kung katabi mo isang gwapo. Kaholding hands pa.

"I cannot tell you all the stories. There are a lot of them. I just want to let
you know the basics." sabi niya patuloy pa rin ang pag s-scroll ng maraming
portraits, pictures at paintings.

May mga drawings akong nakita na hindi ko gaanong naintindihan.


May half kabayo at half tao.
May mga lumilipad na lions. Yung tipong sa libro at internet mo lang makikita.

"Last but never the least, the olympians... the major deities living at the top
of Mt. Olympus." puna niya. Bumalik yung pinakaunang painting na nakita ko.

Marami siyang sinabi sa'min tungkol sa katangian ng mga diyos at diyosa na


nakatira sa bundok. Iniisa-isa pa nga niya lahat ng deities eh.

"What's with them?" naiintrigang tanong ni Sebastian. "Actually, what are all
of these?"

Napatigil yung babae a moment bago magsalita ulit. "Maybe you tried to search
for your history.. your family background.. but failed." naglakad siya papunta sa
harap namin.

"well here's the answer."

Nagtinginan kami ni Sebastian.

"this is who you are."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Fears

Cesia's POV
Apat na kwarto ang inihanda ni Ariethrusa para naming mga Alphas. Kaya ngayon,
nakahiga lang ako sa king size bed at nakatingin sa kisame.
Kakagising lang namin. Hinihintay ko ngayon na matapos si Ria.
Sa cr na siya nagtatambay tuwing umaga kasi ang laki ng cr nila dito. Saan ka
ba makakahanap ng malinis na cr na gawa sa marble. May jacuzzi at sauna pa.
Syempre, may pader rin na gawa sa glass kung saan maaari mong makita ang kabuuan ng
Arcadian Golden Gardens.
Wala kang makikitang kulay itim dito sa Arcadia. Ang darkest shade siguro dito
eh yung grayish-white saka violet.

Para ka ngang nasa paraiso.


"Riaaaa!!" nag echo ang boses ko sa buong kwarto.
Hindi ko nakayanan. Halos dalawang oras na siyang nasa CR.
At kinakailangan ko na talagang maligo kasi dalawang araw na rin akong hindi
naliligo.
Tumayo ako at dumiretso sa malaking pinto na gawa sa sapphire.

"Ria?"
Wala akong narinig na sagot mula sa loob kaya tinulak ko ang pinto at pumasok
para lang makita si Ria na natutulog sa isa sa dalawang bathtubs.

Nakasuot siya ng face mask at nakasandal ang ulo sa dulo ng tub.


Puno pa ng orange bubbles yung tub niya kahit umaapaw na yung tubig dahil
nakalimutan niyang i-off yung faucet.
Ako na mismo ang nag abalang isarado yung gripo.
"Ria talaga..." napabuntong-hininga ako.
Naglagay ako ng sapat na tubig sa katapat na tub saka kumuha ng pampabula.
Pinili ko yung may Lavender essence at namangha pagkatapos makita ang pag-iba
ng kulay ng tubig, naging royal purple ito na may halo pang glitters.
Agad agad, nagsimula na ring bumuo ang purple bubbles.
Naghubad ako at dali-daling ibinabad ang katawan sa tub.
Nilagay ko ang bottle ng essence sa baba katabi ang orange essence na ginamit
ni Ria.
Napangiti ako habang nag hu-hum...
Nakatuon ang atensyon ko sa labas ng bintana. Ang garden kung saan nakita kong
umiyak si Kara sa unang pagkakataon...
"I like the smell of lavender and orange combined.." narinig ko ang boses ni
Ria.
"me too.." sabi ko habang pinuputok ang bubbles na lumulutang sa harap ko.
Tuwing pumuputok sila, may nirerelease silang bango na pamilyar para sa'kin.
Di kaya Lavender yung perfume niya?
Napaisip ako at napangiti nang maalala ang mga panahong malapit siya sa'kin
kaya naaamoy ko siya palagi.
"The bond between you two is stronger than I thought..." narinig kong bulong ni
Ria.
"Ano yun?" tanong ko.
Binuksan niya ang kanyang mga mata saka inangat ang ulo.
"you and Trev got closer quicker than we expected.." puna niya.
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
Siya nga pala yung gumising sa'min nang nakatulog kaming dalawa sa van...
"nevermind" sabi niya nang matantong wala akong masasabi tungkol sa'ming
dalawa.
Napag-alaman kong 7 pa ng umaga dahil sa malaking sundial na nakapwesto sa
gitna ng garden.

Traditional ang mga gamit nila... Limitado lang ang modern


widgets.
Sa bagay, malayo naman talaga ang Arcady sa mortal realms. Wala pang pure
mortal na nakapunta dito.
"Beautiful right?" mukhang nakita niya ang pagkamangha sa mukha ko.
Tumango ako.

"This is who we are now.." ani Ria na pinabubula ang tub niya gamit ang mga
kamay.
"Masaya lang ako na kayo ang kasama ko ngayon..." pumikit ako.
Ang dali naman kasi ng panahon.
"Cesia.." narinig kong ibinulong ni Ria ang pangalan ko kaya lumingon ako sa
kanya.
"Your mom is the goddess of love... Do you think it is okay to have fears? To
be scared?" nagulat ako sa seryosong tanong niya.
Parang matagal na niyang gustong itanong yan kaso wala pa siyang nahahanap na
sagot.
"Nasabi mo ba yun kasi anak ka ni Ares?"
Hindi ko siya pinasagot. Instead, nilahad ko ang isang kamay ko para mahawakan
niya ito.
"here..."
Halatang nagtaka siya pero nagets naman niya ang pinapagawa ko sa kanya.
Unang hinawakan niya ang kamay ko, napabitaw siya agad dahil may bumuong spark
sa mga kamay namin.
"di yan kuryente..." natawa ako.
Tinignan niya ako saka hinawakan ulit ang kamay ko.
Pumikit ako.
Nararamdaman ko ang daloy ng dugo mula sa puso niya.
Ngumiti ako.
Pagkatapos ng ilang minuto, binitawan ko na siya saka binalik ang kamay ko sa
tub.
"Paano mo nagawa yun?" tanong niya.
"Hindi ko kayang ma control paminsan ang abilities ko... To the point na
unintentionally, nag-aabsorb ako ng feelings... Heartbeats... At kasama na niyan
ang fears nila... Everyone is a child, Ria. Kahit anak ka ng God of War, doesn't
mean na wala sa vocabulary mo ang fear. Kailangan rin nating matakot.."
Pinaramdam ko sa kanya ang takot mula sa mga taong kilala at nakasalubong ko.
Para malaman niyang hindi siya nag-iisa.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtaka siya.
"Without fear, we wouldn't take risks." sagot ko.
Nakita ko kung paano nagbago ang kulay ng kanyang mga mata.
Kinabahan ako dahil naalala ko kung paano siya magalit.
Nalaman ko rin kung paano niya muntik mabura ang buong history ng civilization
sa South Borders kasi nakita niya ang pugot na ulo ng isang batang babae habang
naglalaban sila.
Ang unang pagkakataon na nag supreme divination siya.
Buti nalang nandoon si Art...
Pero muntik niya ring mapatay si Art...
Shoot.. Ano 'tong ginawa ko.
Nakatitig lamang siya sa'kin.
"R-Ria..."
Hindi pa rin siya umiimik kaya nakaramdam na ako ng matinding takot.
Hindi ngayon ang tamang panahon na magalit si Ria.
Lalo na't nakahubad kami sa cr!
What the actual fudge.
"You don't know what I've been through!" nagulat ako sa biglaan niyang
pagsigaw..
Agad lumitaw ang nag aapoy niyang espada.
Itinaas niya ito at akmang saktan ako kaya kusa akong pumikit.
"Ria!" napahiyaw ako.
"Arianne!" narinig ko ang pagtama ng dalawang metal sa harap ko kasabay ang
boses ni Chase.
Agad akong dumilat at nakita ang weapon ni Chase na siyang sumangga sa espada
ni Ria.
Nakabukas ang pinto at doon nakatayo si Chase. Sa tabi niya ay si Trev na
seryosong nakatingin sa gawi ko.
Makaking hakbang ang ginamit niya para puntahan ako at abutan ng bath robe na
agad ko namang sinuot.
"I'm sorry..." bulong ko habang tinutulungan niya akong tumayo.
Inalalayan niya ako papalabas ng CR.
Naririnig ko pa rin ang pagsalubong ng dalawang weapons kaya mas tumindi ang
kaba ko.
Galit na galit pa rin siya.
Hanggang dito sa labas nararamdaman ko ang galit ni Ria.
"What were you thinking?!" pilit niya akong harapin siya.
"eh kasi... Hindi ko naman inexpect na magagalit siya sa'kin.." nanginginig ang
buong katawan ko.
I heard him growl.
Great. Dalawa na silang galit sa'kin.
Huminga siya ng malalim saka yumuko.
"How am I supposed to keep you safe?" mahina niyang tugon.
Tumingin ako sa nakabukas na pinto dahil sa mga tunog ng nababasag na
kagamitan.
Nakita ko ang pag iwas ni Chase sa mga atake ni Ria habang ginagamit ang weapon
niya bilang depensa.
"Stop it Arianne!" nawala si Chase sa kintatayuan niya.
Ginamit niya ang kanyang ability para lapitan si Ria.
"Hindi ikaw 'to..." naging malambot ang boses ni Chase saka...

Saka niya...

Nanlaki ang mga mata ko.


Napansin ni Trev ang reaksyon ko kaya napatingin rin siya sa dalawa.
"aggressive..." I saw him smirk.
Ginamit ko ang bracelet para isarado yung pinto.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakita ko.
Nag-aaway sila pagkatapos... Ganun lang?
Ganun lang yon?!
Tinignan ko si Trev na nakangiti pa rin.
Ngiting may kahulugan.
"okay lang ba sila?" tanong ko sa kanya.
Unless totoo yung nakita ko?
"What do you think?" tinaasan niya ako ng kilay. "They just kissed."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

A Message

Dio's POV
"Ako lang ba or parang may mali sa kanilang apat?" bulong ko sa katabi kong
tahimik na kumakain.

"Something happened.." muntik na akong matumba mula sa pagkakaupo dahil kay


Kara na nakalimutan kong katabi ko pala.
Siningkitan ko silang apat. Si Chase, nakangisi.. pati si Trev.
At bilang isang lalaki, masasabi kong pareho ang kahulugan ng mga ngiti nila.
Katabi ni Trev, si Cesia na para bang malalim ang iniisip tas sa dulo si Ria, na
kanina pa nakatulala at pulang-pula ang mukha.

I asked what happened but none planned to talk.


"Trev." sinamaan ng tingin ni Cesia ang dalawang lalaki na nagbubulung-
bulungan.
"What?" nag iba ang kulay ng mata ni Trev intentionally threatening the girl
sitting beside her. Pero imbes na matakot, siniko niya si Trev making him whince a
bit.
I am not cupid to tell this.. but they're kinda made for each other. I mean,
they're a perfect match. Everybody knows except them.

"Boys. eat your food." I heard the daughter of Aphrodite murmur a command.
In an instant, naramdaman ko ang gutom kaya agad kong kinain ang pagkain na
nakalahad sa gitna ng mesa.

Actually, hindi lang ako ang nakaramdam ng biglaang gutom dahil lahat kaming
mga lalaki sa table nakatuon na ang atensyon sa pag kain.

Hindi na ngumingiti ang dalawa sa harap namin dahil puno ng beef at kanin ang
mga bunganga nila.

Humalakhak ng tawa ang apat na mga babaeng kasama namin habang ginagawa kaming
entertainment.

"slowly..." dagdag ni Cesia.

Gaya ng sinabi niya, naging mabagal ang galaw ng mga kamay namin.

What the hell. Nasasaktan ang ego naming mga lalaki pag ganito.
I felt my eyes change its color and the familiar surge of control in my body.
So did they too. Four pairs of eyes are now glowing.
An attempt to break free from Cesia's inveiglements.
I'm not gonna get pissed off though. That's actually cool. Nasasanay na si
Cesia sa mga abilities niya.
Kasabay na bumalik ang kulay ng mga mata namin gayundin ang pagpipigil ng tawa
ng mga babae.

Tsk. I should warn Cesia though. Nakakabakla ang ginawa niya.


It actually scares the hell out of me.
Imagine what she can do with that ability.

Napailing ako habang iniisip kung gaano ka delikado ang ability ni Cesia pag
nagiging clumsy siya or if ever she gets too emotional.

But her abilities are beautiful, too...

Naalala ko kasi kung paano niya nagawang ibloom ang buong garden sa gabi.

"What are you thinking?" bulong ng katabi ko.

Like love... beautiful yet dangerous...

"Oh so it's your turn to read my mind now?" I joked dahilan na mainis siya
sa'kin.

"Gago." I heard her whisper.


"Ano yun?" I leaned closer. From now on, I'm gonna start teasing her. I want to
see her smile and laugh. Hindi yung palaging seryoso like the daughter of Athena
she is.

It would be better though.... Kung ako ang dahilan ng ngiti


at mga tawa niya.

What the hell.

What the hell am I thinking.


Umiling na naman ako. I can't be serious right now.
Huminga ako ng malalim. Napansin kong ang tahimik nila.
Tumigil ang mata ko kay Trev na hindi pa bumabalik ang kulay ng mata.

Napangiti ako.
One thing that Trev hates is being ordered. But forced to follow a command?
He's gonna go crazy.
A few sparks emit from his body kaya dumistansya si Cesia sa kanya. Pati na rin
si Chase.

Tahimik lang kami.

Not until a lightning hit our table.

It was our cue to run for our lives.


•••
"Sa tingin ko dito dumaan si Mayethrusa.. through here and then there.." tinuro
ko ang corner ng room kung saan may butas sa pader.
"But how did she manage to create a hole though?" tanong ni Ria habang maigi
itong sinusuri. "Alangan namang may acid spit siya?" dagdag ni Chase.

Matagal na sumagot si Ariethrusa..

"actually, she does." sumingkit ang mga mata niya. "It is our only ability. She
can spit fire, I can spit ice." halatang may inaalala siya habang sinasabihan kami
tungkol sa mga katangian at kakayahan nilang magkambal.

"But I made all these walls enchantment proof..." nagtataka niyang sabi.

"Let's not talk about how she escaped. Let's talk about where she's heading."
sumandal si Trev sa pader habang nakapamulsa.
"She's heading to the city." maikling sagot ni Kara na kakapasok lang.

"May nakita kaming trails sa baba ng Arcadia. May binilin rin siyang dugo.
Mukhang masakit ata yung pagbaba niya." dagdag ni Art bitbit ang gintong bow and
arrows niya. Katabi niya si Cesia na nakatitig sa butas na ginamit ni Mayethrusa
para makatakas.
"Based on my calculations, she has just arrived.. but where where would she
seek shelter though?" she asked.

Nakayuko lang ako waiting for a voice that might answer her question and get us
going.
We need to find her before she leaves any permanent damage. Malaki ang syudad
kaya dapat alam namin kung saan kami magsisimulang maghanap sa ahas na yun.

Biglang nagpakita sa Chase sa harap namin.


"Bagong balita. A huge snake is wreaking havoc in the city. Inside a village..
just now."

Napangiti ako. Answers.

I looked at them still occupied. Lahat sila malalim ang iniisip.

"we should go.." I said clasping my hands.

"We should..." tinignan kami ni Trev "right now.." una siyang lumabas sa
chamber. Agad akong sumunod sa kanya.

Alam kong pagod na rin sila. Palagi nalang kaming lumilipat. From one place to
another.
Ako nga rin eh. But we were trained to do this. To endure different adventures
and missions in just a week.

Pagkatapos kunin at ayusin ang laman ng bags namin, dumiretso na kami kay
Ariethrusa para magpaalam.
Binigyan niya kami ng dalawang vials ng ambrosia. Saka siya nagpatawag ng
alagad para ipahatid kami sa destinasyon namin.

Lumisan na kami sa Arcadia.

Napagdesisyunan nalang namin na doon sa syudad kumain. Like I said, we


shouldn't waste time.
I was half asleep when I was woken up by the sudden halt of the car.
Nakatanggap ng masasamang tingin si Chase na nagmamaneho.
"aw anak ng- Sino ba yang babaeng yan?!" minura ni Chase ang babae na naka
white robe, nakatayo sa gitna ng kalsada.
She is not a mortal. Halata sa suot niya. We can't see her face clearly kaya
lumabas kami.

"You almost killed me." sabi niya habang pinapagpag ang maputi niyang robe.
"Tsk. Ba't nasayo ang staff na'yan? Ninakaw mo ba 'yan?" agad nag react si
Chase.

Nagpoker face lang yung babae.

Tinanggal niya ang hood niya.


Only now did I realize she has blonde hair. A bit older but has this...
Youthful glow.
"You should know demigod na hindi lang ang ama mo ang may ganitong staff."
sagot niya.

"What are you doing here?" nakakunot-noong tanong ni Kara.

"Watch your words. You are talking to a goddess here." nakapameywang siya.

Goddess...

"I'm delivering a message to someone. Hermes got sick... or did he? Nakakainis
ang lalaking yon. I'm doing all his work for him. Nakakapagod din ano? Who does he
think he is-" napagtanto niyang nasa harapan niya kami kaya tumigil siya.
"You're here because?" tanong ko.

Mukhang alam ko na kung sino siya. Base sa staff niya at sa rainbow hairpins
niya.

Everything about her screams rainbow. Pati yung dress niya. Proud ata.

"Oh children. I'm here to tell you that Hermes is sick and he wants to... -
uhh.. Tell you..." mukhang nakalimutan niya ang mensahe.

With a wave of her staff, nag appear ang letter sa harap niya.

"Right. He wants me to tell you that.. What the underworldly penmanship is


this?!" reklamo niya habang sinusuri ang letter.

"You're wasting our time." ani Trev.

"Go and you will face my wrath." banta niya kay Trev.

After a few seconds, mukhang na gets na niya ang nakasulat.


"Okay... Hermes needs you stop by his mortal lair. That's it." sabi niya saka
ibinulsa ang letter.

"He already knows where. Bye." tinuro niya si Chase bago naglaho leaving a
rainbow path.

Pumasok kami sa van.

"I don't like her already." narinig kong sabi ni Ria sa likuran.

"I like Iris! Because I like rainbows!" nakangiti si Art habang nilalaro ang
plushies niya.

Anong kailangan ni Hermes at pinatawag niya kami?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Forgotten Memories
Art's POV
Okie. So kailangan naming mag stop by sa mortal lair ni Hermes. Saka namin
hahanapin si bes.
"Cal. Pakihawak nga si Bubbles." inabot ko sa kanya si Bubbles na niligo ko ng
perfume kagabi.
Hindi naman siya umangal. Tinanggap lang niya si Baby Bubbles ko.
Nakaupo ngayon si Blossom sa harap ko. Nakatalikod. Nagmumuni-muni ata. Di man
lang nakapansin na wala na si Bubbles.

Mayamaya, napansin kong dumadahan na yung takbo ng sasakyan hanggang sa tumigil


na nga kami sa harap ng maliit na factory.
May nakasulat sa itaas 'Wings Express' tas sa ibaba may 'Hero of Messages'
Natawa ako bigla... Hero... Her... Messages.. Mes... HerMes
Yung logo pa eh talaria, winged sandals ng mga Gods na gawa ni Hephaestus. Ang
halata naman ni Hermes.

"Wala kang nabanggit sa'min about owning a business." narinig kong sabi ni Ria
nang nakalabas na kami sa van.

"You didn't ask." kinindatan siya ni Chase.

Nagtinginan kami ni Cal.


"Ew." bulong ko sa kanya. Naging mas close ata yung dalawa. Nababaguhan lang
ako.

Nababaguhan kasi.. Kasi si Blossom lang ang dala ko. ASAN SI BUTTERCUP?!
Hindi pa nasarado ni Dio yung van kaya nagmamadali akong bumalik dun.
Pero bago pa ako makapasok, naramdaman ko nalang ang pag tigil ng oras.

Nawala silang lahat. Walang tao. Walang gumagalaw. Huhuhuhu. Hindi ako ready
para magkaroon ulit ng vision. Pagod na akong mahimataaay! Tuloooong!
"Ano na naman 'to." napailing ako. Tsk tsk tsk.
Nag iba na naman ang scenery sa harap ko. Nasa gubat ako. May lalaking
nakatalikod.

Tas katabi niya si Blobblebutt.

Pagkatapos suriin ang buong lugar, napagtanto kong nasa Academy pala kami sa
field namin. Tanaw na tanaw ko ang balcony ng Alpha Dormitory.

Waaaahh!!! Na miss ko'to!


Hinimas-himas niya yung featherish-fur ni Blobblebutt saka siya sumakay.
Lumingon siya sa likod pero hindi nakatingin sa'kin kundi sa taas.
"Cal?"
Hindi niya ako narinig.

"I'll find you... again."

Tumingin ulit ako sa balcony. Nandoon si Cesia... Katabi si Trev.


Nag iba na naman ang paligid.
Grabe naman ihh! Nakakasuka yung ganito. Parang nasa rollercoaster ride ako.
Huhaaays.
Tatlong bata ang nasa harap ko ngayon. Dalawang lalaki at isang babae.

"Hi! I'm Artemia!" tumatalon-talon siya.


Waaaaahh!! Ang cute ko talaga noon!
"I'm Hector and this is Cairo, my brother."
Nag abot ang kilay ko. Ba't di ko ata naaalala ang moment na'to?
Meh. Ang bata ko pa kasi. Pero ang kyot ko talaga wahaha tas ang kyot ni Cal
ohh! Yieee! Ang sarap kurutin ng cheeks niya.

Yun nga kukurutin ko na sana yung pisngi ni Cal nang nag iba na naman ang
vision ko.

"Bitawan niyo ko!" umiiyak si Mini Art. Pilit siyang


kumawala sa kamay ng dalawang bangkay na nakahawak sa kanya ng mahigpit.

"I'm looking for a wife. Finally, I found you." nag evil grin ang batang
lalaki.
Ish. Nakakakilabot.
Anong nangyayari sa'kin?

"I made a promise. That whomever my son wishes to marry, he will marry." boses
ng matandang lalaki ang narinig ko.
"Huhu! Wag niyo po ako itulad ng asawa niyo! Ang bad niyo! Patay kayo ni Papa!"
nag echo ang boses ko sa buong room.
"Please Hades!" nagmamakaawa ang babae sa tabi niya.

Hades...

"Apollo will not mind... Wala na siyang magagawa sa oras na makasal sila."
natatawang sagot ng lalaki.
Nanlamig ang mga kamay ko.
"Tu-tulungan niyo'ko..." humagulgol ako ng iyak sa loob ng kweba mag-isa.
Nakatali ang mga paa't kamay ko. Puno ng pasa ang buong katawan ko.
"Art!" dalawang lalaki ang pumasok sa loob.
Bago pa ako makabalik sa real world, nahagilap ko ang saya at pag asa sa mata
ng batang babae pagkatapos makita silang dalawa.

"Why are you crying?" binuksan ko ang mga mata ko.

Nasa van pa pala kami.


"Hector..." nabulong ko ang unang pangalan na narinig ko sa vision.
Halatang nagulat si Cal sa sinabi ko.
"Why do you know that name?" nagtatakang tanong niya.

"Narinig ko lang..." sagot ko na may kasamang kibit-balikat. Tumigil ang


sinasakyan namin.
Magkapareho yung pinakita sa vision ko.
'Wings Express: Hero of Messages'
1... 2... 3...

"Wala kang nabanggit sa'min about owning a business."


4... 5...
"You didn't ask" and wink.
Pero bago tuluyang makalayo sa van, syempre, di ko nakalimutang kunin si
Buttercup.
Ngapala... Di ko pa nakita sina Bubbles sa visions ko. Pati na rin yung mortal
enemy ko...
Si Princess Sara... Dandandunnnn...
"May kapatid ka ba Cal?" tanong ko sa katabi ko.
Pumasok kami sa magulong building. Amoy kahon. Tas ang dami pang workers.
"I.... did" Base sa reaksyon niya, masasabi kong isang malaking mystery para sa
kanya ang bagong napag-alaman ko.
Pero kasi... kasali siya eh... At alam kong may alam siya.

Pumasok kami sa elevator.

Wew...
Sa labas kasi parang ang liit lang tignan ng factory. Wala siyang upper
floors... Anim na basements lang?!

Pinindot ni Chase yung 'B6'

Lumabas kami sa Basement 6. Pagkatapos ay lumipat na naman sa katabing


elevator.
Nakakalito din eh. Asan ba talaga yung destinasyon namin?
"What floor?" tanong ng elevator.
Walang sumagot sa'min.
"Anong floor nga?" tanong ulit ng babae sa speaker.
"Ang lakas ng mic pero walang cam para makita kung sinong nakasakay. Tsk."
naiiritang sagot ni Chase.
"Ohoooy! Tama ba yung narinig ko? Tol! Ikaw ba yan?" ibang boses na naman ang
narinig namin.
"Juan? Bro!" masayang bati ni Chase.
"Ano ka ba! Si Pedro 'to! Fasten your seatbelts ladies and gentlemen. Antay ka
lang 'tol kita tayo sa itaas."

Wala pa ngang isang segundo ang lumipas eh bigla nalang nag mala-rocketship ang
elevator.
"WAAAAAAHHHHH!!!!" hinigpitan ko ang pagyakap kina Blossom.
Magkaka heart attack na sana ako kaso tumigil agad sa pag launch yung elevator.
YUN NA YUN?!?!
.
"Hihihihi!!! Again again!!!"
Para akong lumipad kasama sina Blossom! Waaaaaah! Ang sayaaaa!
Pero kasi... Nagsilabasan na sila.

Ayy...

Di bale na... Mamaya ulit! Wihihi.


"Brooooo!!!" dalawang satyrs ang sumalubong sa'min. May handshakes pa sila ni
Chase. Nasa'n nga ba kami?
"Welcome to the real factory guys." nabasa ata ni Chase yung mga mukha namin.
Nakapatong ang factory sa isang cloud. Busy lahat ng mga tao. May mga aurai na
nagdadala ng iba't ibang sizes ng boxes. May mga half donkey half tao rin na siyang
tumutulak ng trolleys. Tas mga taong may six arms.

Lahat ng mga creatures nakasuot ng uniform.


Kyaaaahhh!! Gusto ko magtrabaho dito!
"Matagal-tagal na rin ah..." isa-isa kaming tinignan ng dalawang satyrs. Kusang
tumigil ang mga mata nila kay Cesia,

May binulong yung dalawa kay Chase. Saka tinawag ni Chase si Cesia na lumapit
sa kanila.
"Hi Miss! I'm Juan, pleased to make your acquaintance." nag bow siya.
"and I'm Pedro. Can you be my girlf- putek!" siniko ni Chase yung Pedro.
"This is Cesia of Alpha. Daughter of Aphrodite. Pasensya na boys pero...
Hanggang pakilala lang kayo. This one is...." hinead-to-toe ni Chase si Cesia
"reserved" pagkatapos ay tinignan si Trev.
.
Nakuha ata nila ang ibig ni Chase kaya agad nilang iniba ang topic.
Si Cesia naman... Ewan ba. Parang kanina pa nagpipigil ng tawa.

"Anong nakakatawa?" kinalabit ko siya.

"Sorry.. pero" lumapad ang ngiti niya "ang cool kasi ng mga pangalan nila...
May naaalala lang ako."
Tumango ako.

Hanudaw?
"Tara na. Baka magalit na naman yung boss natin." aya ni Juan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Awakened

Ria's POV
I read the words on the golden plate.. 'The Boss'

Binuksan ni Juan ang pinto.

Sa gitna, may lalaking nakaupo sa swivel chair niya, nakatalikod, viewing the
skyscape. Ordinardyo lang naman yung hitsura ng office niya.
Nothing ordinary except the cloud scenery outside the huge glass walls. Malaki
rin yung space. Wala akong nakikitang furnitures kundi isang table lang sa gitna.

"Boss? Nandito na sila."

Pero katahimikan lang ang narinig naming sagot mula sa kanya. He faked a cough,
then turned around para harapin kaming kanina pa nakatayo.
Sinamaan niya ng tingin ang dalawang satyrs. "Nasira ang main entrance ko dahil
sa inyo. Magsilayas." lumindol sa buong office dahil sa boses niya.
Agad namang sinunod ng dalawa ang utos ni Hermes.

Lean but muscular... parang ka edad lang namin siya. Kulot ang buhok. Di sila
magkamukha ni Chase. Maliban nalang sa ilong nila at athletic body.
Pure Greek beauty kasi 'tong ama ni Chase. Eh siya, may halong pinoy. But
that's okay. I like him more.

Mas mataas pa ang tindig ni Chase kesa sa kanya. Pwede silang mapagkamalang
magkapatid.
Nabasa ko sa maraming libro na youthful daw ang hitsura ni Hermes. Pero hindi
ko inakalang ganito ka 'youthful'.

TInignan niya kaming lahat "The Alphas..." tumigil ang mata niya kay Chase.
"Brooo!!!"

"Broooo!" nagyakapan silang dalawa at nag fist bump. They were closer than I
thought.
I grinned. Mukhang alam ko na kung saan nakuha ni Chase ang malaking ego niya.
"Broooo! I thought I'd never see you again." pinunasan ni Hermes ang imaginary
tears sa pisngi niya. Pati yung kabaklaan ni Chase nakuha niya mula sa ama niya.

Napansin ko na iba ang mga tingin na ibinibigay ni Hermes sa'kin.

Well shit.

Tama nga ang hinala ko nang pumunta siya sa harap ko at saglit na nawala.
Naramdaman ko ang kamay niya and with a second, nakatayo na siya katabi ni
Chase bitbit ang weapon ko.

"It looks like mine. But mine is better." puna niya habang sinusuri ang espada
ko.

I remember. Nagkaroon din pala siya ng golden sword noon na pinahiram niya kay
Perseus para patayin si Medusa.

"Mine's better." I insisted saka binawi ang espada mula sa kanya.

Wala akong pakialam kung God siya. In the first place, wala rin naman silang
pakialam sa'min.
Bigla siyang nag appear sa harap ko. Hawak-hawak ang golden weapon niya.
Magkapareho silang gold pero mas kumikinang yung sa kanya. Obviously, mas may
kapangyarihan ang weapon niya since it is wielded by a God. My weapon is nothing
compared to his'.

"I smell my son's scent on you." he made sure I was careful by pointing his
sword at me.

"And you just threatened my confidence." hindi ako umatras kahit diniinan niya
ang espada sa leeg ko.

Then, I felt blood trickle down my neck.

"Ria-" it was my turn to point my sword at Chase. My way of saying na wag


siyang makialam.

Umatras siya.

There was silence. The atmosphere was intense too. Mas naging intense ito dahil
sa namuong ngiti ko.

Dio's POV
"So this is what happens when the both of them gets to meet each other for the
first time." natatawa kong sabi saka inakbayan ang kaibigan kong hindi maguhit ang
mukha.
Kagat-kagat ni Ria ang dumudugong labi niya.
Halos limang minuto na simula nung ngumiti siya at napagdesisyunang labanan si
Hermes. Paulit-ulit na siyang natumba.
Pero mas namangha ako dahil nakangiti pa rin siya.
Something tells me that she's been waiting for a chance to spar with a god.

"Cheater." bulong ni Ria pagkatapos siyang itulak ni Hermes mula sa likuran.


"We didn't mention any rules, did we?" kung saan-saan nalang sumusulpot si
Hermes.

"Show me your worth demigod." hamon ni Hermes kay Ria na duguan.

"Sure." she snapped back. Sinangga niya ang espada with an epic flip.

Her eyes turned blood red.

Plano niya talagang talunin si Hermes.

"Parang kayo lang ni Ria sa Academy. Wahaha!" natawa si Art.


Natawa rin ako. Nung nasa Academy pa kami, halos araw-araw silang nag-aaway
tulad ng ganito.
Nakuha ang atensyon ko kay Kara na nakatitig lang sa dalawa.

"He meant to fight with her. It's his intention to change Ria's eyes."
pagbibigay-alam niya kaya napatingin rin ako.

Intensyon nya niyang pagurin si Ria. Technique siguro ni Hermes na umatake pag
mahina na ang kalaban. Who knows? He is a master trickster.

Pinulot ni Ria ang natapong espada niya. One step forward at umikot na naman
siya sabay yuko para iwasan si Hermes.
Alam niya kung saan ang bagong lokasyon ni Hermes sa tuwing nawawala siya.
Enhanced senses. Like Kara's. Nagkaroon ng dramatic boost ang battlefield
abilities nila.

Cool.

For Kara, she has super strength. Wala pa kaming alam kung ano ang hidden
ability ni Ria pag nag-iiba na ang kulay ng mga mata niya.

Halos kakulay na ng mata niya ang katawan niya dahil sa dugong nakakalat sa
balat niya.
Tumayo si Ria mula sa pagkaluhod. Pero agad siyang sinikmuraan ni Hermes.
Then, using his speed, strangled her while pinning her on the wall. Binitawan
naman kaagad ni Hermes ang leeg niya. She gasped for air.

Bakas sa mukha ni Chase ang pag-alala.

Nagsimula na rin akong kabahan. Kaming lahat ata.


Tutulungan sana namin si Ria pero pinigilan kami ni Kara.
"Look."

Tumayo si Ria na may ngiti pa rin sa mukha.

After a few seconds, a visible red wave started to vibrate behind her. It
slowly took a form.

A form that only we can see in books.

"Are those...?" hindi ko natapos ang tanong ko.

Tumango si Trev.
Biglang nawala si Ria sa kinatatayuan niya. Malaking gap ang tinalon niya
papunta kay Hermes.
Sasalubungin na sana siya ni Hermes kaso nawala ulit si Ria. We just saw an
eagle-like glowing red bird gliding with sharp gold as feathers. Masakit sa mata
ang pakpak nito.

Sinunggab ng malaking ibon ang espada ni Hermes at bago pa ito mag land sa
likod niya, nagkaroon ng pagsabog.

Ang sunod naming nakita ay si Ria na nakaturo ang dalawang espada kay Hermes na
hindi makagalaw. May konting sugat din si Hermes sa bandang tagiliran niya.

"You cannot control your divination because you cannot give freedom to what's
inside you." humihingal si Hermes.

Binaba ni Ria ang dalawang weapons. "Paano mo ginawa yon?"

Humarap sa kanya si Hermes. "I am also a God of Unconsciousness. I can drift on


every part of your unconscious side. I can't bear to watch you struggle because
that thing inside you can't be awakened."

Kinuha ni Hermes ang espada niya mula sa kamay ni Ria.

"I knew you hated the Gods. And so I gave you the time to release all your
anger."
Tama nga si Kara. Pero iba ang intensyon niya.

"Don't thank me yet."

Bumalik na ang kulay ng mga mata ni Ria. Nakatulala pa rin kaming lahat.
Tinignan niya kami giving us the what-the-hell-just-happened-look.

"You're a phoenix!" Kara exclaimed.


Alam kong gustong-gusto niyang tulungan si Ria. At ngayong di na niya
kailangang mag-alala para kay Ria, masaya siya para sa kanya.

And for the first time, she smiled in front of all of us.
"Buti naman..." narinig kong bulong ni Cesia.
"She's finally learning how to trust again." tumabi ako sa kanya habang
tinitignan sila na masaya para kay Ria.

"Akala mo siguro hindi ko naririnig kung gaano kabilis yung heartbeats mo pag
nandyan siya ano?" binigyan ako ni Cesia ng nangangahulugang ngiti.

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"


Umiling lang siya saka tumakbo para puntahan sila.

My eyes widened.

Tatanungin ko pa sana si Cesia nang biglang nagsalita si Trev.


"Men don't ask. They know what they're feeling."

Nilingon ko siya. "Do you even know how confused I am right now?"
I'm confused with myself. My own mind. Minsan mapapansin ko nalang na
nakatulala ako. I'm not in sync with my heart anymore.

What is this unfamiliar change.

"I do..." nilagpasan niya ako. "because I am too."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

The Voices

Cesia's POV
Hindi pala kami pinatawag ni Hermes para tulungan si Ria. Pinapunta niya kami
kasi kailangan niya rin ng tulong.

Nakakatawang isipin na nangangailangan rin ng tulong ang mga katulad nilang


gods.

"You see this staff?" tinaas niya ang staff niyang may pakpak sa dulo.
Magkatulad nga sila ng staff ni Iris kaso may kulang yung sa kanya.

"The Herald's Staff?" tanong ni Kara.

Ayy wait. Herald's Staff. Mukhang alam ko'to. Nabasa ko na'to sa isa sa libro
namin sa Academy. The Heralds like Iris and Hermes use this staff. Common ito dahil
madalas itong gamitin ng mga mortals bilang symbolo ng medisina. Maaari rin itong
isang symbol of commerce associated with the god Hermes, ang nagmamay-ari nito.

"May kulang diba? Obviously. I know you have seen Iris' caduceus." binigyan
niya kami ng disgusted face showing his distaste to the goddess.

Nagkaalitan ata yung dalawa. Halata naman.

Inis na inis kasi si Iris noon.

"My staff is quite popular. And I want to keep it that way. But.. look at
this..." Hinagis niya kay Kara ang staff niya.

Hindi pa pala bumabalik si Chase at Ria.


Sinamahan kasi siya ni Chase pagkatapos ng all-out battle, para kumuha ng
ambrosia sa van.

"Where are the entwining-" hindi pinatapos ni Hermes si Kara.

"Yun na nga!" saka binawi agad ang staff niya. "Hindi ko alam kung anong
gagawin ko kung kulang ang simbolo ko!" naging dramatic ang boses niya.
Napailing ako. Chase na Chase nga.

"Tell me. What is my purpose in life?" hinawakan niya ang dibdib niya with
matching look-away effect.
Nakatingin kami sa kanya na naka poker face. Sanay na sanay na kami sa ganitong
scenario.

Masasabi kong mas worse nga lang si Hermes compared kay Chase.

"Looking for them? Sisyphean." puna niya habang nakaharap sa malaking glass
walls niya.

Sisyphean?

"Pointless." nabasa ata ni Kara ang mukha ko. "From the tale of King
Sisyphus.."
tumango ako.
Kailangan ko na talagang mag review ng Greek Myths at stories.
Buti nalang at nandito si Kara para tulungan akong intindihin ang unfamiliar
terms nila. Para lang akong nanonood ng kdrama na walang subtitles.

"I did try looking but I found none so it was of no point.I plan to lure them.
I went to Arcadia to search for the entwining snakes. But I did meet Ariethrusa.
She told me about a place full of snakes. It is in the mortal realm. Hindi pa ako
nakapasok doon. It is said that a lot of creatures live there... I cannot go there,
however, so you must bring the snakes here."

Tamad. Yan si Hermes.

Hindi niya kayang hanapin ang dalawang ahas na nakapulupot sa staff niya kaya
ngayon, kami ang uutusan niyang hanapin sila saka dalhin dito.

Psh.

"Ano kayang meron sa mga ahas ngayon at hinahanap-hanap sila." ani Art sa tabi
ko nakasingkit ang mga mata.

Binigyan ako ni Hermes ng nakatiklop na papel.

"That is the name of the place."

Agad kong binulsa ito.

"Please be careful upon handling them. You may find them engaged in a never-
ending battle. My staff is the only thing that can give peace to both. You know how
the story goes..." tinignan niya ako na walang alamag sa tinutukoy niyang 'kwento'.

"Is that all?" na bored ata si Trev.

"Yes. That is all. You may leave." umupo siya saka binuksan ang laptop niya. "I
still need to discover this new... Object..."

Nagsilabasan na kaming lahat.

"Tapos na?" biglang lumitaw si Chase sa harap namin.

"Nasan si Ria?" tanong ko.

"Malala pa yung injuries niya kaya sinabihan ko na magpahinga muna habang


hinihintay na mag take effect yung ambrosia." sagot niya.

"Alalang-alala ka bro?" inakbayan ni Dio si Chase.

"Tumahimik ka nga. Responsibilidad ko siya kasi ama ko ang may gawa ng injuries
niya." tinanggal ni Chase ang brasong nakakabit sa balikat niya.

"Pinabayaan mo kasi. Ayan tuloy." ani Art.

"Sinubukan ko nga. Pero ayaw naman eh." nagkibit-balikat si Chase.

Walang umimik sa amin. Alam kasi namin na isa sa unspoken rules ang: Don't
interrupt a warrior on battle. Lalong-lalo na kung ang warrior na yun ay isang
babaeng demigod na anak ng God of War at ang pangalan ay Ria.

At ngayon, hindi lang siya isang demigod. Isa siyang phoenix!

Pag naka settle na kami, magreresearch ako tungkol sa phoenix na yan.

Pumasok na kami sa van at hindi na nag-aksaya ng oras para makaalis sa factory.

Occupied ang back seat dahil nandun natutulog si Ria. Hindi namin siya ginising
for obvious reasons.

"One day, Hermes saw two snakes engaged in a battle while strolling in Arcady.
His staff was the only thing that gave peace to both. How come they got separated
again?" nagtatakang tanong ni Kara.

"Hermes did mention about his staff stolen for a couple of weeks. Then nakita
niya lang itong nakalutang sa dagat wala na ang mga ahas. Tinapon ata." dagdag ni
Dio.

Ang sabi pa nga niya, may distinct characteristics daw yung dalawang ahas.

Kulay silver daw ang scales nila.

Pero yung isa kasi, tamad, self-centered but wise. Tas yung isa naman, mabait,
masipag pero 'dumb'. Walang kaalam-alam sa mundo.

Paano nga ba namin mahahanap yung dalawa?

"Pupunta muna tayo sa village o compound na binisita ni Mayethrusa bago


magpahinga sa hotel." lumiko si Chase.

Ang dami naman ng gagawin namin. Porke't nasa mortal realm kami akala na ng iba
na available kaming utus-utusan.

Nakakalito na nga 'tong schedule namin.


Mababaliw na ata ako.
'Oh you will... When you witness the destruction of the world the Titans have
created. The collapse of the walls the Gods have built. Under my hand is the most
powerful. A revolution against the good. It's our turn to rule everything now.'
kumunot ang noo ko.

Tinignan ko ang mga kasama ko kung meron ba silang narinig na boses ng


matandang babae.

'Sino ka?' sinubukan kong tanungin ang boses na ako lang ang nakakarinig.

'Oh no. We are many.' dumami ang boses na naririnig ko.

Iba't-ibang pitch, tone. Iba't-ibang tinig ang humahalakhak sa isipan ko.

Pinagtatawanan ako.

May ibang nagsasabi na ang bobo ko daw. Na hindi ako karapat-dapat maging
Alpha. Na ako ang dahilan ng pagkamatay ni Auntie.

Huminga ako ng malalim at tinawag si Aphrodite. Pero wala rin akong natamong
sagot.

Akala ko ba binabantayan niya ako palagi?

'I am listening.' isang di-kilalang boses ang narinig ko.

'Keep calm sweetheart. The voices in your heads are just... just creatures who
want to scare you.. Don't believe anything they say.' wicked pero comforting yung
boses niya. Ewan ko kung maniniwala ba ako sa kanya. Pero mabuti naman kasi yung
intensyon niya.

'You must not tell anyone about this.. for I am one of them.' utos niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

A Dance

Jamie's POV
Ilang araw na ang lumipas simula nung history lecture namin.
May dalawang araw pa kami para makapagdesisyon kung uuwi ba kami sa mortal
realm at ipagpatuloy ang buhay na nakasanayan namin o manatili dito sa camp at
literal na magbagong buhay.

Ano nga bang desisyon ko?

Edi manatili dito. Hinding-hindi ako babalik sa mortal realm.

Baka maulit na naman yung biglaang pag atake ng mga daemons. Lalo na't
sinabihan kami ni Heather na main target kami nila.
Saka mas mabuti dito kasi alam kong ligtas si Arah. May nakabantay na mga
huntres 24/7 at nandito na rin ang mga bagong kaibigan niya.
Tinanong ko nga siya kung gusto niya bang bumalik sa bahay.

Tinignan niya lang ako ng masama saka binelatan ako. "Dito na ako titira.
Bleeee!"

Oh diba? Kasing sama talaga ng kapatid niya... Which is ako.

Huminga ako ng malalim.

Hinihintay ko lang naman si Sebastian eh. Para sabay kaming pumunta kina
Heather.

Nagdadalawang-isip pa ata yung gwapong kumag na yun.

Ewan ko ba kung bakit ang tagal niyang bumalik dito sa tent namin. Wala nga
akong alam kung saan siya nagpunta.

Tas tuwing sasabihin kong sasamahan ko siya sinisimangutan niya lang ako na may
dagdag pang "I need to be alone."

edi wow. Hinayaan ko nalang. Duh. Yun sabi niya eh.

Paiba-iba na ako ng sleeping position dito dahil gusto kong matulog.

Pipikit na sana ako nang may narinig akong pumasok sa tent.

Sinundan ko lang siya ng tingin. Tinignan niya ako saglit saka ako nagpanggap
na tulog.

Naniwala naman siya at pinagpatuloy ang paghahanap ng damit.

Para akong chinita-wannabe habang tinitignan siyang nagbibihis ng t-shirt. Ayaw


ko sanang isingkit yung mga mata ko pero kasi.

MESEREP EHHH!!

Huminga na naman ako ng malalim at pumikit.

Temptasyon... temptasyon...

Makatulog na nga.
Baka magkakaroon na ako ng peace of mind ngayong nakita ko ang mga pandesal
niya. Makakatulog na rin ako ng mahimbing.

Sa wakas. WAHAHA-
"She's even smiling while sleeping." narinig kong sabi niya.

Hindi ako gumalaw at nagpatuloy sa pag play dead.

Mayamaya, narinig ko rin ang paglabas niya sa tent. Binilisan ko ang pagbangon
to the point na nahilo ako dagli.

Balak ko sanang sundan siya. Para malaman kung saan siya tumatambay.

Lumabas ako ng tent.


Sinigurado kong maintained yung safe distance namin. Safe na ibig sabihin ay di
niya ako napapansin at nakikita sa peripheral view niya.

Nagtaka ako saglit dahil narealize kong nasa labas na pala kami ng camp.

Syempre, slow motion yung paglakad ko. Baka marinig niya yung pagkabali ng mga
sangang naaapakan ko.

Tsk tsk.

Namalayan ko nalang na nasa open area na kami dahil sa sinag ng araw.

Tumigil ako.

Puting buhangin?
Naramdaman ko bigla ang hangin na may kasamang amoy ng dagat.

Inangat ko ang ulo ko.

Hindi nga ako nagkakamali. Nasa dagat nga ako.

Nasa isang bonggang bonggang isolated at hidden beach.

Hindi talaga ako nagsisisi na sinundan ko si Sebastian.

Sebastian...

Teka. Asan nga ba si Sebastian?


"Curious?" isang boses ang nanggaling sa likod ko.

"Puta-" huminga ako ng malalim. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" nakapameywang


kong tanong sa kanya.
"I should be the one asking you that." pumunta siya sa harap ko. This time,
siya na yung nakapameywang.

"Eh kasi... Kasi panay na yung pagkawala mo. Ibig kong sabihin, di na kita
nakikita palagi sa tent kaya di ko maiwasang-"

"you missed me?"

"Unang-una sa lahat, patapusin mo nga ako. Pangalawa, wag kang assuming."


inirapan ko siya.
Nagtungo siya papalapit sa baybayin kaya sumunod rin ako sa kanya.

Ang sarap ng hangin ditoooo!!

Napansin kong nakatingin siya sa'kin kaya tinignan ko rin siya.


"Ano?"

Hindi siya nagsalita na tila hindi narinig ang sinabi ko. Mayamaya, bigla
nalang siyang umiling saka ngumiti.
"I decided... I'm staying..."
Finally!
"I'm staying because of you.."
Kiniliti ko siya. "Yieeee!! Yan naman pala eh! Sabihin mo na kasi. Ayaw mong
magkahiwalay tayo! Yeah!"
And for the first time in forever, narinig ko ang isa sa tawa niya. Ang
halakhak ng gwapong nilalang na ito.

Parang tumigil ang oras dahilan na mapatigil rin ako.

Nagtaka siya saglit. "What?"

Alam ko ang feeling na'to.

"W-wala.." tinalikuran ko siya.


Oo wala. Wala lang 'to. Ilang beses na akong nagkakaganito pero palpak. Walang
kwenta yung effort na ibinibigay ko.

Kasi nga, hindi ako maganda.

Ilang beses na nga akong umaasa. Kaya ayaw kong mahulog dahil alam kong walang
sasalo sa'kin. Masasaktan ulit ako. Katulad ng sabi nila, isa akong vulnerable,
easy-to-get ugly chick.

Nagbuntong-hininga ako.

"What's the matter?" bakas ng pag-alala ang tanong niya.


Napangiti ako.

Ows? Concern ba talaga siya?


"Sebastian..." tinignan ko ang mga mata niya. "nagugutom ako..."

Naging seryoso ang mukha niya. Tinaasan ko siya ng kilay kaya nag-iba naman
yung ekspresyon niya.
Pag papalag siya, baka makatanggap siya ng flying kick. Pagkain na ang pinag-
uusapan natin ano.

"Let's eat then, m'lady.." pabiro siyang nagbow at inilahad


ang kamay niya.

Tinulak ko siya ng mahina.

Bigla siyang nagkaroon ng ideya pagkatapos kong matanong kung anong oras niya.
Alam ko kasi ginawa niya yung reaksyon ng mga cartoons tuwing may idea sila.
Kulang nalang may mag'ting' na light bulb sa itaas.
Nagulat ako nang hinila niya ako papasok sa madilim na forest na dinaanan namin
kanina.

Aba gago. Anong gagawin namin dito?

"Close your eyes."


Pero imbes na pumikit, nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy Sebastian ha! Wag moko-" tinakpan niya ang bibig ko.

"They'll get disturbed. Just close your eyes and listen. Don't make a sound."
nagtago kami sa likuran ng malaking kahoy.

Anong trip ng lalaking 'to. Baka kung anong gawin sa'kin. Kahit pangit ako may
dignidad rin ako no!
Pumikit ako ng nag-aalinlangan. Ano ba yung gusto niyang iparinig?

"You hear it?" bulong niya.


"TANGINA. ANO BA KASI-" tinakpan niya ulit yung bibig ko.
Magsasalita ulit sana ako nang nakarinig ako ng mga boses.

Mga tinig ng mga babaeng kumakanta.

Binuksan ko ang mga mata ko. "Ano yun?"

"Their music is so soft you can barely hear it. But it'll get audible
eventually." aniya at nagtitingin-tingin sa paligid na tila may hinihintay.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko." saad ko.

"They are the wood nymphs. Classified as Dryads and Hamadryads. Dryads are
immortal. Hamadryads are not. Once you kill the tree they are connected to, they'll
die." mahina yung boses niya. Pero okay naman dahil unti-unti kong naririnig ang
kanta.

"So alin sila?" tanong ko.


"Dryads. The favorite companions of Artemis." sagot niya.

Tumango ako. Kaya pala napili ng mga Huntres na mag camp dito.
Isang babae ang lumabas mula sa kahoy na pinagtataguan namin. Pero tahimik lang
kami.

"Mga engkanto?!"
"Dryads."
Ay oo nga. Dryads pala. Nakalimutan ko.
Dumami ang mga boses gayundin, mas lumakas ang kinakanta nila. Para silang my
sariling acoustic band. Isang choir. Lahat ng tinig nila nag b-blend.

May naghahumm at may kumakanta.

Sinundan ko ang isang dryad na kakalabas lang mula sa kahoy at tinignan kung
saan siya pupunta.

Sa gitna ng gubat, nagtitipo-tipo ang lahat ng mga nymphs habang sumasayaw.

Sa ngayon, hindi na madilim ang gubat. Isa na itong enchanted forest.


"Dance with me?"
"Huh? Saan?" nag abot ang dalawang kilay ko.
"There." tinuro niya ang mga nymphs na nakatingin pala sa amin.
"I met them thrice already. They know me. I know them." kinuha niya ang kamay
ko.
"Teka. Okay lang ba sa kanila?" bigla akong kinabahan sa ginawa niya.
"What do you think?" dinala niya ako sa gitna ng mga nymphs.

Isang napakagandang nymph ang pumunta sa'kin at nilagyan ng flower crown ang
buhok ko.
"Lucky." bulong ng babae sa'kin saka kinindatan ako.

Nagsimula ulit ang kanta nila. At lumiwanag ang kinatatayuan namin.

"They gave me the chance to choose and dance with the most beautiful nymph. But
I declined." nag nod siya sa mga nymphs na nakapaligid sa'min.
"because even the Gods cannot tell how you are the most beautiful in my eyes."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Shit." napamura ako. Kinikilig kasi ako.


"Bola." hindi ko kayang maitago ang ngiti ko.

Pero nawala kaagad ito nang maalala ko ang sinabi ko sa sarili ko kanina.

Pinaikot niya ako.


Noon...
Walang sumasayaw sa'kin dati sa tuwing may prom kami...
Wala naman kasing may gustong maging prom date ako.
"And I will see to it that you're safe, Jamie.... So never ever ever.."

Sinalubong niya ako ng yakap dahilan na mapasinghap ako.


"leave me."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Reading Hearts

Cesia's POV
"Sa zoo?! Pinapunta niya tayo dito sa zoo?!" umiling-iling si Chase sa driver's
seat.

"Yan yung nakalagay sa papel..." sagot ko habang tinitignan ang mga taong labas
pasok sa zoo.

Ilang minuto lang kami sa village na binisita ni Mayethrusa. Wala kaming


nakuhang impormasyon tungkol sa kanya.

Lahat kasi natakot at tumakbo papalayo kaya walang nakapansin kung saan siya
nagtungo.

Kaya eto kami ngayon sa harap ng zoo.

Dahil dito pinapahanap ni Hermes ang mga ahas niya. Psh.

"I guess we have no choice." unang lumabas si Kara na siyang cue namin para
magsilabasan na rin.

Dumiretso na kami sa loob. Maraming tao as expected.

Karamihan nandito mga batang naghahabulan, kumakain ng ice cream or simply


nalilibang lang sa nakikita nila.

Tumigil ako sa harap ng glass frame na may nakasulat na 'Anaconda' sa itaas.

Nagkahiwalay ata kami at some point dahil namalayan ko nalang na wala na pala
ang mga kasamahan ko.

"Hiiiisss..." kumunot ang noo ko pagkatapos tinignan ang batang katabi ko.

"Hiiiisss..." sinusubukan atang kausapin yung malaking ahas.

Napangiti nalang ako habang tinitignan ang batang babae.


"Hi! Anong ginagawa mo?" lumuhod ako para magkalevel kami.

"Kinakausap. Baka kasi isa pala akong wizard na nakaligtas mula sa kamay ni
Bullymart." nakapout siya. Ni hindi man lang ako tinignan.

"Voldemort?" natatawa kong tanong.

"Ahh basta!" tinadyak niya yung kanang paa niya.

Kinagat ko ang labi ko. Gigil na gigil ako sa batang 'to. Ang cute niya kasi...

"Lah. Ate Ganda. Nagandahan daw siya sa'yo oh!" sabik niyang sabi saka tinuro
ang ahas.

Curious, tinignan ko ang ahas na ilang inches lang ang layo sa mukha ko kung
hindi dahil sa glass window na nakaseparate sa'min.

"Waaah! Nagseselos ako kung bakit sa'yo siya nakatitig. Dapat sa'kin eh! Ako
yung wizard dito. Slytherin pa nga house ko." she murmured.

Natawa ako bigla nang may tumawag sa kanya.

"makauwi na nga. Blllleee!" binelatan niya ang ahas.

Tumakbo ang bata bago ko pa matanong ang pangalan niya kaya nabura kaagad ang
ngiti sa mukha ko.
Napalitan ito ng pagtataka pagkatapos makita si Trev na nakatitig rin sa'kin.

Nagulat siya nang nag abot ang mga mata namin. Naglakad siya papunta sa'kin
kaya dali-dali akong tumayo.

"Anong tinititig-titig mo dyan?" tanong ko sa kanya. "nagandahan ka ano?


Hahaha" natatawa ko pang dagdag.

Ewan ko pero mas komportable na akong mag biro sa harap niya.

"Yes." seryoso niyang sagot habang nakaharap sa glass frame.

Nagulat ako sa sinabi niya pero kinibit-balikat ko nalang ito.

"So you can read hearts?" nagtanong na naman siya out of the blue.

"No pero nakakarinig ako ng heartbeats."

Bakas sa mukha niya ang curiousity.

Hindi niya alam pero para sa'kin, mahirap basahin ang mga emosyon niya kasi
pare-pareho lang naman yung binibigay niyang ekspresyon.

Naka poker face lang.

"Really? Can you tell me something about that woman over there?" tinuro niya
ang isang babaeng nakaupo sa bench.

I reached out to her. Naghahanap ng bond na pwedeng makapitan. Madali lang


naman kasi lahat ng tao may vulnerable spot.
Di nagtagal, naririnig ko na ang tibok ng puso niya.

"Nasa kamay ang vulnerable spot niya." sabi ko. Nakatalikod na kami ngayon sa
ahas at nakaharap sa mga tao.

"Siguro mahilig siyang mamalo o manakit gamit ang kamay niya." dagdag ko.

"Are you saying that she's a bad person?"

Umiling ako.

"Pero kasi, may anak siya.. Tas nakita mo kung paano niya tignan yung anak
niya? Kaya masasabi kong isa siyang mabuting ina. Ang mga kamay ang proof na mahal
niya ang anak niya. Lahat ng kilos at gawa sa bahay nasa kanya. Dalawa lang siguro
sila sa tahanan." saad ko.

Tinignan ko siya "Hindi ko naman kailangang mag dig deeper para malaman kung
anong meron. Makikita lang 'to sa mga mata nila." nginitian ko siya.

"But why... does she look sad?" aniya kaya napatingin ulit ako sa babae.

Fast learner naman pala 'tong anak ni Zeus.

I'm impressed.

"Isa sa weakness niya ang mawalay sa anak niya. Dahil alam niyang kaunti nalang
ang time niya dito sa mundo. Mahina ang heartbeat niya... May sakit siya kaya
nadudurog ang puso niya sa t'wing magkasama sila." malungkot ang ngiti ko.

Maaaring panghuling gala na nila dito sa zoo.

Naalala ko ang mga panahong gumagala kami ni auntie. Minsan lang akong
lumalabas ng bahay kasi delikado raw.

Pero sinusunod ko naman siya kasi alam kong mahirap akong alagaan. Malaki rin
naman yung respeto ko sa kanya since hindi siya nagdalawang-isip na alagaan ako.

"How about that man over there?" tinuro niya ang binata na nagtatawanan kasama
yung girlfriend niya.

Isa sa vulnerable spot niya ang ego niya.

Natawa ako ng mahina.

"Hindi niya mahal yung babae. Peke yung pinapakita niya. Hindi siya nasisiyahan
pag magkasama sila. Nasasarapan oo. Hahaha."
Maganda naman talaga yung girlfriend niya. Sexy pa.

Buti pa nga yung babae mahal siya.

Sana naman matuto siyang magmahal ng totoo. Hindi niya alam kung gaano siya
kaswerte.

"We're all messed up." puna niya.

"Kaya siguro naiiba tayo sa mga Gods. We're all so messed up." nagbuntong-
hininga ako.
Kung mamamatay ang isang tao, wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang
katotohanang wala na siya.

Kung masasaktan ka man, wala ka na ring magawa kundi masaktan...

Umiyak...

Pero paglipas ng panahon, matututo rin naman tayong bumalik saka bumangon.

"Nandito lang pala kayo. Wala kaming nahanap. Pero may nakapagsabi na may
bagong darating daw. Babalik tayo pag madilim na. Sinabi kasi ni Kara na bibilhin
daw niya ang dalawang ahas na darating mamayang gabi." ani Dio na kasama si Chase.

"Huh? Legal ba yun?" sumulpot si Art sa likod ko.

"As long as we get a hold of those snakes." tinignan namin si Kara.

Kahit anong paraan talaga gagawin ng isang anak ni Athena matapos lang ang
misyon na'to.
Nga pala, isang misyon lang ang pinunta namin dito.

Ba't dumami na ata?

Halatang pagod na sila kaya ako yung nag suggest na magpahinga muna kami.
Sumang-ayon naman sila.
Nagpahuli ako sa kanila para makasalubong yung lalaking tinuro ni Trev kanina.

"Hey Miss.."
Kumunot ang noo ko. Kahit nandito ang gilfriend niya, lumalandi pa rin siya sa
iba.

"Kailangan mong matutong magmahal." tugon ko sa kanya.


Imbes na sagutin ako ng maayos, kinindatan niya lamang ako.
"My place? Or yours?"
Umiling ako. Grabe ang lalaking 'to.
"You know what?" tinaasan ko siya ng kilay. "ilang taon na ba kayo ng
girlfriend mo?"
"7 years. But I can leave her for a night with you. Wala siya sa'kin."
ngumingiti pa yung kupal.

Kung gamitin ko kaya abilities ko para utusan siyang magpakamatay?!

Huminga ako ng malalim.

All those years for nothing.

"Listen." kinuha ko ang atensyon niya.


"You will tell your girlfriend how much you crave only for pleasure and how you
don't love her. Tell her the truth. Break up with her and then feel nothing but
regret for wasting someone so special." bakas sa boses ko ang inis sa lalaking
kausap ko.

Wala siyang sinagot nagsimulang naglakad papunta sa girlfriend na naghihintay


sa kanya.

That's right. Hindi mo deserve ang girlfriend mo.


"Hey." tinawag ko ang lalaking vulnerable spot ang puso.
"yes?" nilingon niya ako.

Sa tingin ko mabait ang lalaking 'to. Gwapo pa.


"May makikita kang babae na tatakbo papalabas habang umiiyak. Habulin mo siya.
Buy her her comfort food. Make her smile at the end of this day."
Tumango siya. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Halika na Cesia!" boses ni Art ang narinig ko.


Tumakbo ako patungo kay Art na binuksan ang pinto saka pumasok na sa sasakyan.

Bago pa kami tuluyang makalayo, nawala na ang lalaki sa kinatatayuan niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Night Of A Deal

Ria's POV
"We don't need to bring anything." sabi ko sa kanila na naghahanda para sa
illegal exchange namin mamaya.

"but feel free to bring your weapons. Baka may mangyaring di natin inaasahan."
dagdag ko.
I was there when Kara went to consult a group of big men wearing all black.
Nagkaroon daw siya ng hunch na iba sila.

Since siya si Kara, she was right. Armado ang mga lalaking yon. Wala kaming
alam kung ano ang ginagawa nila dito sa zoo.

Buti nalang, nakumbinsi sila ni Kara na isa siya sa 'underground men' saka
humingi ng favor.

Turns out, the snakes that they will be selling are very precious and rare.
Kaya malaking halaga ang hiniling nila.

Hindi nagtagal, nakatayo na kami sa harap ng nakasiradong zoo.

It's past 1 am.

Doon kami pumasok sa likod ng building. Pero tumigil kami pagkatapos makita ang
napakaraming van na nagbabantay sa likod.

Tatlong armadong lalaki ang nakatayo sa gitna.

"Cesia?" tumango siya bago pumunta sa kanila.

We don't need to gain attention at the beginning. May noiseless killer naman
kami dito.
"Hindi ka pwedeng makapasok dito miss..." narinig kong sambit ng isa.
"shhh..." ginamit ni Cesia ang weapon niya para macontrol ang mga baril na
nakatutok sa kanya.
Bago pa makagawa ng ingay ang tatlo, bumulagta na sila sa sahig. I actually
drowsed a little dahil sa command na ginamit niya.
Kung ano man yon.

Dahan-dahang binaba ni Cesia ang mga baril not creating any sound.

"Are they still breathing?" tanong ko.


"Mm... natutulog lang." sagot niya saka tumabi kina Art.

Samantalang ako, I backed up a little for space pagkatapos makita ang opening
sa isa sa glass ceilings.

Naghiwa-hiwalay na sila when I felt power surge in my body. Isang segundo lang
at nag iba na kaagad ang kulay ng mga mata ko.

My vision started to warp dahil sa visible red rays na pumapaligid sa'kin.

Tumakbo ako for a start, and before I knew it, I turned into a phoenix. I made
a turn before settling para makita kung saan sila nakapwesto.

Ang aattend lang sa meeting ay sina Kara at Dio. We're only keeping a watch.
Baka isa na naman 'tong trap.

We encircled the whole building. So we have eyes and ears everywhere.

Narinig ko ang nag eecho na boses sa loob ng building kaya di ko maiwasang


tignan ang mga tao na nasa loob.
My instinct tells me that there are hundreds of men guarding.

Di nga naman ako nagkakamali.

Nahagip kasi ng mga mata ko ang limang tao na nagtatago sa likod ng mga
aquariums.

May iba na pinapalibutan sila sa loob mismo ng building.

Why so many though?

Kumunot ang noo ko. Ganito pala ka precious ang mga ahas. Nangangailangan sila
ng maraming mga katao para dito.

I began to soar high. Enough to see the hidden black cars


under my radius.

We were layers of a circle.

First circle ay ang mga lalaking nakablack sa building. Second ang mga Alphas.
Third ay ang kasamahan pa ng mga tauhan ng dealer.

Fourth.

May fourth layer sa circle.

Men but from a different group. Which got me confused.

These men are keeping a tight watch.

Bumaba ako at nakiusisa sa nangyayari kina Kara. May pinag-uusapan sila.


Tatlong tao ang nakikita ko sa gitna.

Tatlo pala silang magkikita-kita ngayon.

I guess kung sino man ang makabigay ng mas malaking halaga ang siyang
makakakuha ng mga ahas.

Dalawa ang buyers.

Tumingin ulit ako at napangiti dahil sa nakita ko.

Sa likod ng mga guards at the fourth layer is a very familiar darkness.


If they thought they're surrounding us, they're wrong. Little did they know
nandyan si Cal. Ready to strike from the back.

Nakarinig ako ng putok ng silencer kaya agad namang nabalik ang atensyon ko sa
loob.

Binaril nung seller si Dio.

I was about to take it as an offense nang tinignan ako ni Kara. She gave me a
warning look.

Mukhang alam niya ang ginagawa niya kaya nanatili nalang ako.

"I let you shoot him. Do you trust me now?" tanong ni Kara.
"A'ight. I will give them to you." sagot ng kaharap niya.
"This is a joke. Akala ko ba first come, first serve? We are business partners,
Rex." sabat nung isa.

So Rex pala pangalan nung nagbebenta ng ahas.

"Pasensya ka na pero kasi..." tinutok ni Rex ang baril sa 'business partner'


niya. "mas mahalaga ang pera. Alam mo na yon."

Hmm. Dirty work at its best.


"at alam mo rin kung ano ang mangyayari kapag natalo ka sa usapan." before the
trigger was pulled, nagsalita yung business partner.

"How about I trade the snakes for my daughter? You will not just be my partner,
Rex but my son-in-law. Imagine what you can do with two powerful businesses under
your hands."

He was convincing. Pero alam kong hindi mangyayari 'yon.

He was lying.

Eto namang si Rex, hindi nagdalawang-isip na itutok yung baril kay Kara.

He fell for that old man's lie.


Nagtataka tuloy ako kung paano napunta sa kanya yung mga ahas. I mean.. he's
stupid as hell.

Tumingin si Kara sa direksyon ko. Umiling siya.

I sighed.

Then that means wala dito ang mga ahas.


Agad akong bumaba sa kinatatayuan ni Trev. Shifting back to my human form.
"Wala sa loob ng building yung hinahanap natin." pagbibigay-alam ko sa kanya.

Bigla namang nagpakita si Chase sa harap namin. "Mga tauhan ng kakompetensya ni


Kara ang unang gagalaw. Naka receive daw sila ng signal galing sa loob."

Nalaman ata nila kung paano muntik na matalo yung boss nila sa deal.

I gave them a disgusted face. "pero wala nga dito yung dalawa."
Nakakairita na. Tumalikod ako saka bumalik sa pagiging Phoenix.

I searched around the area.

Isang van ang nakita ko papalayo sa lugar.

Bullshit.

Bumalik ako kina Chase.

"May nakita akong van. Hindi ko alam kung kanino. They're on their way out." I
told them.
"Patay na yung nagbebenta ng ahas." humihingal si Art kakatakbo.
"Kara?" tinanguan niya ang tanong ko.

Looking at her earlier, talagang nabored siya sa mga kasama niya.


Hindi ata niya nakayanan kaya agad niyang binawian ng buhay ang kawawang Rex.
I mean alam naman naming lahat na patayan ang solusyon sa gabing 'to.

"Nasa'n si Cesia?" tanong ni Art.

Suddenly, the air stopped moving. May mainit na bagay akong naramdaman sa likod
ko.

Sabay-sabay kaming napatingin kung ano ito.


50 bullets are surrounding us. We were so busy di namin namalayan na
pinapaligiran pala kami.

And I just smiled when I saw the mortals' reactions.

"Nandito." binaba ni Cesia ang kamay niya gayundin ang pagbagsak ng mga bala na
iniikutan kami.

This girl is something.

Nagsimula na silang nakaramdam ng takot pagdating ni Cal dahil sa intense aura


niya.
Sino bang hindi matatakot after mong makitang nakahandusay na sa sahig ang mga
kasama mo pagkatapos silang isa-isahin ni Cal?
Nakakakaba nga yung hitsura nila.
Pumuputok kasi yung mga ugat sa leeg nila. Gross.. but cool.

"wag niyo hayaang makatakas ang isa pang grupo." sabi ko sa kanila.

"Sa'n ka pupunta Ria?" tanong ni Chase.


"Sa van. Cesia, pagkatapos mo jan, dumiretso ka sa Highway, hanapin mo'ko.
Okay?" I asked.
"Okay." sagot niya saka hinagis papalayo ang isang lalaki.

Pumasok kaagad sa isip ko ang van na posibleng naglalaman ng mga ahas.


Hindi ko kayang mag aksaya ng oras.

"Ayaw mo ba talagang magpasama?" tanong ni Chase.

"After you finish this mess." Looking at Chase, I winked at him bago nag iba ng
anyo.

Ngumiti siya saka umiling.

Cute.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Demigod of Pain

Cesia's POV
"Ria!!" nakita ko si Ria na walang malay sa gitna ng kalsada.

Gods. Natagalan kasi kami.

Sa harap niya ay dalawang lalaki. Nasa gitna namin ang batang babae na
seryosong nakatitig sa kambal niyang nakahostage sa bisig ng isang lalaki.
"Huwag kang gumalaw kung gusto mo pang mabuhay ang kapatid mo." sambit nung
lalaking may hawak sa umiiyak na bata.
Teka...
Siya yung batang babae na nakausap ko ng saglit sa zoo kanina.
"Caisy..." narinig kong bulong niya habang humahagulgol sa pag iyak.

Nilingon ako ng kapatid niyang nakakunot ang noo. Tinignan niya lang ako saglit
saka binalik ang atensyon sa kambal niya.

Nakita ko ang bahagi ng balat nilang kulay silver. Kumikinang ito dahil sa
liwanag ng buwan.

"Bitawan mo siya." utos ko.

Humalakhak ng malakas ang lalaki bilang sagot.

Psh. Mahirap nga palang kontrolin ang mga baliw.

"Sasama ako sayo kung bibitawan mo siya." narinig kong sabi ni Caisy.
Kahit anong tapik ko kay Ria di pa rin siya gumigising.

Shoot Ria. Anong gagawin ko sa'yo.

Nakita ko ang malaking hiwa sa kanang bahagi ng tiyan niya.

Pinulot ko ang matalim na bagay at napagtantong isa ito sa kaliskis ng ahas na


nasa dulo ng buntot nila. Alam ko kung ano ito dahil magkasama kami ni Ariethrusa
noon.
Napabitaw ako dahil sa hapdi ilang segundo pagkatapos ko itong hawakan.

Aish. Nakalimutan ko.

Poisonous ang balat nila.


Tinignan ko ang lalaki at ang kakaibang dagger niya. Maaaring gawa ito sa balat
nila saka ito nilagyan ng handle.
Napapikit ako dahil sa repleksyon ng liwanag na nagmumula sa balat ni Caisy.

Nagtaka ako kung saan nanggaling ang liwanag. Saka ko nakitang galing pala ito
sa palad ni Art na tumatakbo papunta sa'min.

"Tumakbo agad ako dito kasi alam kong may nasugatan na Alpha. Hindi pa sila
tapos sa zoo." ani Art. Nagulat siya nang makita ang malalim na sugat ni Ria.
Mabagal daw ang pagkalat ng lason sa buong katawan ni Ria dahil hindi ito
tinatanggap ng dugong demigod niya.

Kinokontra ng sistema niya ang lason.

Pero dahil may lalim ang sugat, critical ang kalagayan niya ngayon.
Bumalik ang dugo sa mukha ni Ria kasabay ang pag ngiwi niya sa sakit. "Ah-oww!"
reklamo niya habang nakapikit.

"Di ko kayang kunin yung lason Ria eh.. Eto muna yung magagawa ko.." sinenyasan
ako ni Art na samahan si Caisy. Tumango ako at tumabi sa bata.

Tila walang emosyon ang pinapakita niya.

Pero sa likod ng walang buhay na mga titig niya ang mabilis na tibok ng puso
niya.

Tinignan ko ang kapatid niya.

Vulnerable spot nila ang isa't-isa. Gagawin nila ang lahat wag lang mapahamak
yung isa.

Tumayo ako. Bumagsak ang aking mga mata kay Caisy na hinihila ang jeans ko.

Umiiling siya.

Pero isang ngiti lang ang sinagot ko.

"May asawa kang naghihintay sa'yo." sabi ko na siyang ikinagulat ng lalaki.


Alam ko dahil vulnerable spot niya ang ginagawa niyang pang-aabuso sa asawa
niya.

Pero sinundan niya agad ito ng tawa. "Ano ngayon?"

Ewan ko kung masasaktan ba ako sa kanya. May nakikita kasi akong mga sugat na
hindi pa naghihilom sa kanyang katawan.

Posibleng inabuso rin siya dati.

Kumapit ako sa sugat na pinakamasakit para sa kanya.


"Kung ayaw mong maramdaman ulit ang sakit na dinanas mo, pakawalan mo yung
bata." utos ko.
Ano nga ba ang pinakamasakit na sugat niya?

Tch.

Guilt.
Pagkat marami na siyang napatay na mga inosente. Kahit alam niyang mali.
Nababaliw na nga siya ngayon dahil unti-unti na siyang kinakain ng karimlan.

Magdudusa siya.

Kinuyom ko ang aking kamao. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla nalang
siyang sumigaw.

Unti-unting lumabas ang mga hiwa at gasgas sa kanyang katawan.

Agad tumakas ang bata nang makita niya ang pagkakataon saka tumakbo sa likuran
ko.

Tinignan ko ang katabi niyang lalaki na bakas sa mukha ang tinding takot.
Bumagsak siya sa kalsada. Nakaluhod, nagmamakaawa na itigil yung sakit na
dinaramdam niya.

Bakit?

Naramdaman ba nila ang sakit na ginawa nila sa iba?

Kaya mas maganda kung pagsabaying buksan ulit ang mga sugat nilang natamo mula
sa umpisa.

"May a-asawa ho ako.." narinig kong bulong ng isa.

Kumunot ang noo ko.

"Sabi mo nga diba?" nilapitan ko siya. "Ano ngayon?"


Mas binilisan ko ang pagbukas ng mga sugat nila.
Mas dinamihan ko pa nga ito.
"Mas matindi pa ang dinaranas ng iba dahil sa inyo." Bakas ang galit at inis sa
boses ko.

Tama lang naman.

Nagagalit ako sa kanila dahil may kaya pa silang tumawa habang nagtatangkang
patayin ang isang bata.

Hindi sila marunong rumespeto sa buhay ng iba.. imortal man o mortal.

Napako ang mga mata ko sa kutsilyo na hawak ng isa sa kanila.

Sumingkit ang aking mga mata.

"Kill him." utos ko.


Sinunod niya ang sinabi ko at ilang beses niyang sinaksak ang kanyang katabi.
Hindi ko kayang mahawakan ang kutsilyo kaya ginamit ko ang weapon ko para
nakawin ito mula sa duguang kamay ng lalaki.

Ilang segundo ang lumipas at natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakadikit sa


kahoy, nagpupumiglas.

"Cesia! Anong ginagawa mo?!" boses ni Chase ang narinig ko.

"Bitawan mo'ko." napilitan siyang bitawan ako.

Kulang pa nga yung ginawa ko.


Kahit hindi ako nakatayo sa harap ng duguang lalaki, nakalutang na ang kutsilyo
sa harap niya.

Ang bigat bigat ng nararamdaman ko.

Pero mas mabigat ang mga kasalanan nila.


Sinubukan akong hadlangan ni Kara pero nawala kaagad siya sa harap ko.
Bigla akong napatapon. Bumalik na naman ako sa dating pwesto ko pero hindi na
si Chase ang nakahawak sa balikat ko

"Stop this."
Sinamaan ko ng tingin ang anak ni Zeus. Sa tabi niya ay si Cal.
Tinaas ko ang aking kamay sa direksyon ng nag-aagaw buhay na lalaki para
matapos ko na siya.

Tatapusin ko siya.

Mahigpit na hinawakan ni Cal ang kamay ko at ibinaba ito. Unti-unting


namamanhid ang aking katawan dahil sa weapon ni Cal kaya't napasigaw ako.

Nasa harap ko si Trev at naririnig ko ang paulit-ulit niyang pagtawag sa'kin.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bagay na papalapit sa kanyang
likuran.

"Trev..." binanggit ko ang kanyang pangalan dahilan na mapatigil siya.

"D-down.. now!" agad niyang sinunod ang utos ko. Yumuko siya saka naiwasan ang
dagger na mabilis na lumilipad tungo sa'min.

Napasinghap ako pagkatapos.

Napagtanto kong mali ang ginawa ko. Muntik na silang mapahamak dahil sa'kin...

Binitawan kaagad ako ni Cal.

"Cesia!" narinig ko ang sigaw ni Art.


Bumaba ang mga mata ko sa dagger na tumama sa aking dibdib.

Dahan-dahan ko itong tinanggal.

Wala akong naramdaman na sakit dahil lahat ng atensyon ko nakatuon sa biglaang


pagpatak ng ulan.

Wala akong alam sa nangyari... pero...

Ngayon palang ako nakaramdam ng ganito.


Hindi ko akalaing magagawa ko ang nagawa ko sa kanila.

Paano nalang kung...

Napatingin ako sa kanya na nakatingin rin sa'kin.

Nakatakas ang isang luha sa mata ko.

Gusto kong magsorry sa kanila...


"Cesia-wag ka munang pumikit.. please.." tila binuhusan ng acid ang sugat ko
nang itinapat ni Art kanyang kamay dito. "k-kailangan natin siyang maibalik sa
Academy..."

"Can she sustain a whole night?" tanong ni Trev.

"H-hindi ko alam..." nakayuko si Art.

Gumapang ang dalawang ahas sa braso ko. Nakaramdam ako ng init mula sa katawan
nila.
Magsasalita na sana ako pero dugo ang lumabas sa bibig ko. Konting galaw nalang
at bibigay na talaga ang katawan ko.

"The snakes say she will last a night." boses ni Kara ang narinig ko.

"That's just all I need." Agad akong inangat ni Trev.

Next thing I knew, nasa himpapawid na kami. Napangiti ako kasi may naalala ako.

Nakakagaan sa pakiramdam...

Gusto ko tuloy matulog...

"Don't even try to fall asleep." bulong niya.


Naramdaman ko ang pag agos ng dugo mula sa bibig ko.

Nakakapagod ang huminga.

Hinigpitan ng dalawang ahas ang kapit nila sa'kin.

Bumagal ulit ang heartbeats ko kaya pumikit na ako.

Pero gising ako...


Dahil sino nga bang makakatulog sa ingay ng puso niya?

"Just who are you... Cesia." bulong niya sa kanyang sarili.


Hindi ko rin alam...

kung anong nangyayari sa'kin.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Twin Mistake

Art's POV
Magandang bukas. Magandang buhay!
"Yiieee!!" binuksan ko ang bintana at inenjoy ang sinag ng araw. Syempre, nag
store ako ng sunlight para maiwasan ang energy gap.
Nag abot ang kilay ko.
May nakalimutan ata ako...
Pero kinibit-balikat ko nalang ito.

Yun nga siguro... Nakalimutan ko kung ano yung nakalimutan ko.

Anyways, the sun is out so dapat nasa labas na rin ako para mag almusal.
Namiss ko lahat ng details dito sa dorm namin. Pati yung dumi sa sahig namiss
ko.
Lumabas na ako ng room. Nakita ko si Ria at Cal sa counter kumakain.
"Goodmorniiinnngg!!!" bati ko sa kanila.
"Kakagising mo lang ba?" nagtatakang tanong ni Ria.
Tumango ako saka tumabi kay Cal.
"Wait... So who's in the clinic with Cesia?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi
ni Ria.
OH NOOOOOO. Ako nga pala dapat yung magbabantay kay Cesia. Hindi nga dapat ako
natulog eh.
Huhuhu. Ang bad bad ko! Nakalimutan ko si Cesia. Hindi ako true friend.
Isa akong traydor...
Isa na akong 'bes'...
"Trev is with her." lumabas si Kara sa kwarto niya. Naka towel pa yung buhok
niya.
Ayy.. Hehehe nandoon naman pala si Trev eh. Safe na safe pala si Cesia.

Susubo na sana ako sa katakam-takam na pagkain nang inutusan ako ni Ria na


gisingin yung dalawa na natutulog pa sa kwarto ni Cesia.

Hmp.
Padabog akong pumunta sa kwarto at nakita ang dalawang magkapatid na himbing na
natutulog. Ang cute nilang tignan kasi nakacuddle position sila.
"Hss..." narinig kong reklamo ni Caisy.

"Gising na daw huuuy!!" tumatalon-talon ako sa kama nila. Pero tumigil naman
ako dahil sa tunog ng spring. Naku naku. Patay ako nito ni Cesia pag nasira yung
bed niya.
"Tererereeennn.. Caisy... Daisy... Waakke uppp ~~Lallaalaaaa!!!" tinapat ko ang
bibig ko sa tenga ni Caisy.
Unang bumangon si Daisy. Kinusot-kusot niya ang mata niya.
"anong oras na ho ba?" tanong niya.

Omooo!! Ang cute cute niyang tignan. Gusto ko siya pakainin ng maraming ice
cream para mas magiging chubby yung cheeks niya.

Omg. Nice idea.


Tumayo ako at pinagpag ang skirt ko.
"oras na para kumain tas maligo dahil susunduin na kayo ni Hermes mamaya."
sagot ko.
"Really?"
"Totoo?"
Sabik na sabik pa yung dalawa.
"Mmhmm.." tumango ako.
Isang woosh ng hangin lang ang iniwan nila sa harap ko.
Tsk tsk. Ang salbahes talaga ng mga batang 'to. Hindi man lang sila nag thank
you na ginising ko sila.

Pagkatapos ayusin ang higaan, lumabas na ako para kainin ANG ALMUSAL KONG
HINANDA KO PARA SA SARILI KO PERO KINAKAIN NA NGAYON NI CAISY.
"Hoy hoy hoy... Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" kinalabit ko siya.

Dineadma lang ako ni Caisy tas pinagpatuloy ang pag kain sa


almusal ko.
Huhuhu. Bata palang ang maldita na.

Binalewala ko nalang ang kasalanan niya. Malaki rin naman ang utang na loob
namin sa kanila dahil tinulungan nila si Cesia.
Kumuha nalang ako ng sandwich at umupo SA UPUANG KATABI NI CAL NA NGAYO'Y
INUUPUAN NA NI DAISY.
Kinaaaliwan pa talaga ni Cal si Daisy ah.
Okay na sana yung almusal ko eh kunin nila. Pero yung main course ko ninakaw
rin.
"Where are you going?" narinig kong tanong niya.
"Sa kwarto. May meeting kami nila blossom.." Kung paano ka patayin dahil ang
landi-landi mo.
"Should I go with you?"
Umiling ako. "Wag na. Kitang-kita ko namang nag eenjoy ka jan."
Napansin ko si Ria na nagpipigil ng tawa.
"Mas mag eenjoy daw si Cal pag ikaw kasama niya... Sa kwarto..."

Huh?

"Eat with us.." aya ni Kara.


Tinignan ko ang sandwich ko tas umiling na naman. Tinalikuran ko sila at
dumiretso na sa kwarto ko.
Tahimik lang ako hanggang hapon nang handa na kaming isauli ang kambal kay
Hermes.

"These are not mine." ani Hermes pagdating sa harap namin.


"Ano?" inis na tanong ni Ria.
Umiling si Hermes. "These snakes aren't mine." pasimple niyang sagot.
Nagtinginan kami. Pero hindi ko tinignan si Cal. Kasi nga, nagtatamputampuhan
ako sa kanya. Sira na ang araw ko dahil sa kanya simula umaga.
Makakain nga ng ice cream mamaya!

Sanay naman akong mag-isa eh...


"Father. Pinahanap mo sila sa zoo. Ayan. Sila ang nahanap namin. Puta- nag
aagaw buhay na nga si Cesia ngayon. Tas nagkamali pa kami ng ahas?!" tumaas bigla
ang boses ni Chase.
Siniko siya ni Dio para ipaalala na isang God parin ang kausap niya. Isang major
God.
Pero close sila ng ama niya eh kaya. Meh.
"I don't know whose-" naputol ang pagsasalita ni Hermes dahil may usok na
lumabas sa likod niya.
"Mine." lumindol sa buong room dahil sa nakakabinging pamilyar na boses.
Ha. WAAAAAAHH! Wait. Alam ko ang boses na'to. Idol ko'to eh!!

At di nga ako nagkamali.


Naglakad siya papalapit sa kambal.
"Iris? Where did you come from? When did you arrive? What the hell are you
doing here and most importantly, what are you wearing?!" inulanan ni Hermes si Iris
ng nga tanong.
"Hermes." ika niya at nang snob. "I came from Boracay. Just arrived. I'm here
to claim what's mine and yes, I am wearing a bikini I just bought. I WAS ON
VACATION REMEMBER?!" nakapameywang siya.
Para siyang miss universe sa pose niya ngayon. Glittery mint green ang kulay ng
bikini niya tas naka white heels pa siya.

Nakita kong sinapak ni Ria si Chase kaya di ko maiwasang ngumiti.


Ahihihi. Ang kyot kaya nilang tignan. Nakaka heart heart.

Isa-isa kaming tinignan ni Iris. "Listen. The caduceus I'm holding right now is
fake. I had to fake it so that other deities can't sense my powers weakening."
Hinead to toe niya si Hermes. "You heard me right. That's why I took the time
to relax because I was using my goddamn powers the whole time. It was tiresome.
Wala akong caduceus na kakapitan ng kakayahan."
Bumalik ang mga mata niya sa'min na naghihintay na ipagpatuloy ang sinabi niya.

"I was searching too. That's when someone told me na isang grupo ng weirdong
teenagers ang kumuha sa kanila. And that is why... I'm here." hinipo niya ang
pisngi ni Caisy.

Nag hiss si Caisy bilang sagot.


Ilang segundo lang ang kinailangan ng dalawa para mag anyong ahas. Inikutan
nila ang dulo ng staff bago sila naging metal. Nagulat si Iris saglit nang bumigat
bigla yung staff pero kinibit-balikat lang niya ito pagkatapos.
"I will be looking for the reasons why both our staffs were stolen. Good luck
for your search." nawala agad siya sa harap namin. Ginulat na naman niya kami dahil
bumalik siya.

"Where is Aphrodite's daughter?" nag-aalalang tanong niya.


"Still unconscious. Why?"
Hindi sinagot ni Iris ang tanong niya. "I need to talk to her... Her mom wishes
to send her something. But she is not here so... ~taa taa!!"
Naglaho na siya. Akala ko nga babalik siya eh kasi gustong-gusto ko talaga
siya. Sana siya nalang yung mommy koooo!!
'Hihihi... Joke lang pa... Kung narinig mo man yon.. Peace...'

"But what you said... They describe the twins perfectly..." puna ni Dio.
Hmm... Ano nga bang pinagkakaiba nila?

Matagal na nag-isip si Hermes.


"They don't have names-" hindi pa tapos magsalita si Hermes nang nag-appear
ulit si Iris.
Sasalubungin niya sana si Iris ng kamao pero mukhang alam ni Iris ang
mangyayari kaya nag appear siya sa tabi ko. Smoke lang ang lumabas sa harap ni
Hermes.
"You know... I have heard that your snakes are back in Arcady. You might find
them under a fight like you did. Palagi pa naman silang nag-aaway. Tsk." nawala
siya sa tabi ko.
Tumango ako. Oo nga. Baka ang staff lang ni Hermes ang makakaunite ulit sa
dalawa.

"Ah.. I forgot..." napahawak si Hermes sa ulo niya. "The snakes are different
when separated. Only when they are together, their skin turns silver. Katulad ng
mga alaga ni Iris. Magkasama sila palagi at ayaw nilang mahiwalay sa isa't-isa."
"So ano nga? Para matapos na natin 'to!" sabik na sabi ni Chase.

Huhuhuhu. Babalik na naman kami sa simula sa paghahanap.


Ayoko naaaa! Pagod na pagod na ako. Huhuhu.

Gusto ko mag spa.


"Mahirap ipagtagpo ang dalawa. They are both adults unlike Caisy and Daisy.
They have both distinct personalities. They have different abilities and color.
Every inch of them is opposite to the other." kahit anong explain ni Hermes, wala
akong naririnig kundi "blah blah blah. Dapat hanapin niyo ulit sila."
HUHUHUHU HALP.

"What do they look like?" halata sa boses ni Kara ang pagkadismaya.


"One has the ability to control ice. And the other, fire." sagot ni Hermes.

"RED AND BLUE?!" napasigaw si Ria.


Tumango si Hermes.
"ARE YOU FUCKING SERIOUS." napamura si Dio.
Mukhang hindi pala kami babalik sa running start.
Magkapareho lang naman kasi yung misyon na binigay sa'min eh!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Death of A Camp

Jamie's POV
"Ate... dito nalang ba tayo forever?" narinig kong tanong ng kapatid ko.

Napaisip ako saglit sa sinabi niya.

Actually, as long as safe siya rito. Oo, papayag ako na dito nalang kami
mamalagi.

Pero bata pa siya. Di kaya ng sistema niya ang ma enclosed sa kampo na'to.
Gusto niya ring makaranas ng kalayaan. Maka gala kung saan-saan.

Tinignan ko siya na may nilalarong maliit na spear. Kumunot ang noo ko.

"Sa'n yan galing?" usisa ko.

Pinaikot niya ito sa kamay niya. "Binigay sa'kin ng buwan."

Nagtaka ako sa sagot niya. Binigay ng buwan?

Tumango-tango siya. "Mmm... binigay ng isang babae sa'kin. Ang cool nga kasi
may kasama siyang mga wild animals. Naka mask nga lang siya pero ang ganda ng mga
mata niya!" sabik na sabik siya habang inaalala ang nangyari.

Hindi ko maiwasang maging interesado sa sinasabi niya.

"Tinanong ko siya kung ano ang pangalan niya. Tinuro niya yung buwan kaya
ayun." tinuro niya sakin ang handheld na weapon niya.

Ngumiti ako saka tumayo. Dumiretso sa sungkod ng yumaong tatay at hinawakan


ito.
Balak ko sanang ipakita sa kanya ang weapon ko.

"Nahanap mo na pala yung sungkod ng tatay mo?" tanong niya.

Tumango ako.

Mahal na mahal ko si Arah kahit magkaiba kami ng ama. Wala naman kaming choice
kundi maging close kasi yun ang palaging bilin ng nanay.
Away man ka mi ng away eh hindi naman namin binibring up ang pagiging half-
sisters namin.
Noong una, oo, nagalit ako kay mama nang malaman kong buntis siya. Akala ko
kasi may karibal na ako.

Muntik na ngang mamatay sa sinapupunan si Arah dahil sa'kin. Namatay kasi yung
tatay niya.
Pero ininsulto ko parin si mama kahit alam kong sobrang lungkot ang
nararamdaman niya sa mga panahong 'yon.

Alalang alala ko pa...

"Karma mo siguro 'yan kasi ang landi landi mo! Di mo kayang hintayin si tatay
kaya naghanap ka ng iba!" sigaw ko sa kanya na nakatayo, nakatingin sa picture ng
stepfather ko.
Tinignan niya ako. Nakakuyom ang isang kamao niya.
"Ilang beses ko na bang sinabi na hindi na babalik ang tatay mo!" binalik nya
ang frame sa mesa.
"Babalik siya kasi yun ang sabi niya!" nagsimula na rin akong umiyak.
Tinignan ako ni mama na tila hindi kapani-paniwala ang sinabi ko.
Huminga siya ng malalim. "Jamie... please kahit ngayon lang... Marunong kang
umintindi... Sa isang babaeng nagdadalang-tao.. Pangalawang beses na nawalan ng
asawa..."
Umiling ako.
"Ang malas malas mo." tinignan ko siya. Ni isang beses di ko siya tinuring na
ina. Kahit ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin. "Sana ikaw nalang yung
umalis. Sana ikaw nalang ang hinding-hindi na babalik-"
Nagulat ako sa ginawa niya. Nanginit ang pisngi ko saka ito sinundan ng hapdi.
Humagulgol ako ng iyak. Kinaya niyang saktan ang anak niya. Hindi niya ako
mahal.

"Wag na wag mong sabihin 'yan!" namumula ang mukha niya sa


galit. Pero patuloy pa rin ang pag agos ng mga luha niya.
Tinitigan niya ako. Naging malungkot siya. Huminahon siya saka hinipo ang
pisngi ko.
Tinulak ko siya.
"J-Jamie..."
Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos makita ang dugo sa sahig.
Anong nagawa ko...

"Ate okay ka lang?" boses ni Arah ang gumising sa'kin.

Inangat ko ang ulo ko para tignan siya.

"Umiiyak ka ba?" nakakunot-noo niyang tanong. Nagbuntong-hininga ako saka


pinunasan ang isang luha na nakatakas.

Binalik ko ang sungkod.

"Bisitahin natin si mama?" aya ko sa kanya.

Ngumiti siya saka tumango.

Hindi pa kami nakalabas sa tent namin ay nakarinig kami ng malaking pagsabog


dahilan na mapaluhod kami. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni Arah saka kinuha
ang weapon ko.
Sinundan pa ito ng napakaraming pagsabog.

"Dito ka muna." ginabayan ko si Arah sa ilalim ng mesa namin.


Bago ako makalabas, pinigilan ako ni Arah.
Nginitian ko lang siya "babalik ako..." alam ni Arah na hindi niya ako
mapipigilan kaya tumango lang siya at binitawan ako.

Tumakbo ako papalabas at huminto pagkatapos makita ang eksenang nakabungad sa


harap ko.
"The barrier is damaged!" sigaw ng isang huntre. Tinignan ko ang dome na
nakapaligid sa'min. Unti-unti itong nababasag.

Pinaikot ko ang weapon para lumabas ang dalawang malalaking blade nito. May
chain rin ito sa dulo na nakakonekta sa kamay ko.
Buti nalang at nakita ko si Heather at ang iba pang mga huntres. Inutusan niya
yung iba na bantayan ang mga refugees at yung iba na lumabas mismo ng camp para
pigilan kung sino man ang may planong lusubin ang lugar.

Bigla akong natapon papalayo sa kanila. Muntik na akong mablack out kundi dahil
sa labrys.

Labrys...

ang pangalan ng weapon ko.

Pinalupot ko ito sa isang kahoy bago pa ako tuluyang mahagis. Medyo masakit nga
lang yung kamay na may chain dahil abrupt ang pagkahila sa'kin.

Tinignan ko ang napakalaking... abot-langit na higante.

Nakaramdam ako bigla ng takot.


Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

Napapikit ako nang apakan niya ang dalawang refugees. May hawak siyang salamin.
Isang malaking basag na bahagi ng barrier.

Sinubukan nila Heather na panain ang higante pero wala itong epekto sa malaking
katawan niya.
Wala ngang ni isang palaso na tumama sa kanya dahil winawalis niya lang ito
gamit ang malaking kamay niya.

Tumakbo ako kina Heather na nagtatago sa likod ng tent.

"Gration.." humihingal siya habang nagsasalita. "Isang gigantes na nakalaban ni


Artemis." tinignan ko ang dumudugo niyang noo.

Tumango ako. "pero bakit yan nandito?" hindi ko kayang maitago ang matinding
kaba ko.

"We don't know.." tinignan niya ang isang huntre. "where is your team?"
Walang sinagot ang huntre. Umiling lang ito sa kanya. Yumuko si Heather at
napaluhod.

"Heather.." tinulungan ko siya. Nakahawak siya sa tiyan niyang may nakasubsob


na bagay.

"The refugees..." narinig kong bulong ni Heather. "send the rest of the
huntres.. protect them at all cost."

"pero yung camp-" nag-aalanganing sabi ng isa.

"The camp is nothing. Just hide them in our safe place... narinig nyo ba ako?"
mayamaya, kaming dalawa nalang ni Heather ang natira. Lahat kasi ng huntres na
pumupunta sa kanya ay inutusan nyang pumunta sa mga refugees para tulungan sila.

Inalalayan ko siyang tumayo. "I will be fine. Get your little sister and run
away from here as far as you can. Gration might follow us."

Tinanggal niya ang kamay kong nakaalalay sa kanya saka tumakbo.

HIndi na rin ako nag aksaya ng oras at dumiretso sa tent namin.


Sa laking gulat ko, wala si Arah sa loob.

Narinig ko ang sigaw niya sa labas kaya agad kong sinundan ang boses niya.

"Mama!! S-si Mama ko!" nagpupumiglas si Arah. Pinipigilan siya ng isang huntre
na makapasok sa nasusunog na tent.

Pero natapon sila papalayo dahil sa biglaang pagsabog nito kasabay ang matinis
niyang sigaw.

Ginamit ko ang labrys bilang support.


Bigla kasing bumigat ang katawan ko. Naramdaman ko nalang ang pag agos ng luha
sa pisngi ko.

Napansin ko ang higante na papunta sa kanila.

Kusang kumilos ang buong katawan ko at nakita ko nalang ang sarili ko na


nakakapit sa leeg ng higante. Ginamit ko ang blade para di mawalan ng balanse
habang nakapatong sa balikat niya.

Nakaikot ang chain sa leeg niya at nakakakapit lang ako sa dulo. Umuusok ang
leeg niya na tila acid ang ginto ng labrys.

Pero madali pa rin sa kanya na hugutin ang gintong kadena at itapon ito. Kasama
na ako jan.

"Uhh.." nagawa ko paring tumayo kahit nahihirapan na akong huminga.

Kumikirot ang likod ko pag gumagalaw ako ng konti kaya medyo awkward ang
postura ko ngayon.

Tinanguan ko ang huntre na may hawak ng kapatid ko. "Pumunta kayo sa safe place
na tinutukoy ni Heather." utos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.
Umiiling si Arah pero katulad ng nakasanayan, binigyan ko lang siya ng ngiti.

Kung ngayon ang huli naming pagkikita, atleast alam niya ang dahilan ng ngiti
ko... Dahil alam kong ligtas siya at nagawa ko ang tungkulin ko bilang ate niya.

Nakakabinging sigaw ang binigay sa'kin ng gigantes.

Hindi pa pala ako tapos dito.

Binatak ko ang chain ng labrys at tinignan ang higante.


Ginapos ko ang labrys sa kanang paa niya pero hindi ko siya napatumba.

Wala na kasi akong lakas para hilahin ito.

Nagtaka ako saglit nang magsimula siyang sumigaw habang nag-aapoy ang balat
niya. Nakatakip ang kamay niya sa mukha na para bang nasisilawan.

Pero nagawa niyang ibato sa'kin ang basag na barrier.

Hindi nga lang ito nakaabot dahil natunaw kaagad ito nang may humarang sa'kin.
Nakataas ang kamay niya sa mga mata ng gigantes.

Hindi ako nakagalaw.

"Sebastian..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Connections

Jamie's POV
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Baka kasi hallucination ko lang pala ito.
Pero wala eh.
Ibig sabihin... totoo ngang may lumalabas na liwanag sa dalawang kamay ni
Sebastian.
Hindi... yung buong katawan niya nagliliwanag.
Nakabalot siya sa nakakasilaw na liwanag.

"Ah... a son of light." lumindol sa buong lugar dahil sa mga halakhak ni


Gration.

"Are you okay?" tumigil siya sa harap ko.


"Gago!" sinapak ko siya. "Ako okay?! Bulag ka ba?!" sarkastiko kong tanong.
Eh napuno na nga ng mga pasa't sugat tong katawan ko tas tatanungin niya kung
okay lang ba ako?! Muntik na nga akong mamatay tas okay?! OKAY?!

Naiiyak na nga ako dito!

Ginulo niya ang buhok ko. "stay here." utos niya bago mawala sa harap ko.
Nagtago muna ako sa likod ng isang kahoy saka naghanap ng hangin.

Mayamaya, nakaipon na rin ako ng sapat na lakas para harapin ulit ang gigantes.

Nahagip ng mga mata ko ang maliit na sibat ni Arah.


Pinulot ko ito saka sinuri ang kakaibang hugis nito. May spirals na nakalilok
sa silverish metal. Tas mga tribal patterns na nakaukit sa handle.
Binigay ng buwan.

Naalala ko ang sinabi sa'kin ni Heather tungkol kay Gration.

Kinuha ko rin ang pana na naiwan ng huntre. Sana nga lang tama 'tong iniisip
ko.
Lumabas ako mula sa pagtatago at pinana ang paa ni Gration since yun lang ang
madaling target dito sa pwesto ko.
Narinig ko ang sigaw ng gigantes nang dumikit ang spear sa balat niya. Natumba
ang gigantes.

Nakaramdam ako ng pag-asa.

Tama. Ang goddess mismo ang nagbigay ng spear kay Arah. At ang spear lang ang
makakasakit sa gigantes.

Hand-held lang ang sibat na'to pero kaya nitong patumbahin si Gration.

Tumakbo ako sa tabi ni Sebastian.


Alam kong nagtataka siya kung paano ko napatumba yung higante pero mamaya ko
nalang ikuwento sa kanya.
Sumisigaw parin ang gigantes.
Hinagis ko ang labrys sa kabila para gapusin si Gration at iwasan siyang
makatayo.
Nagwawala ngayon si Gration habang nakahiga, nagpupumiglas.

Tinignan ko si Sebastian na nakatitig lang sa'kin. "Ano?!"


Umiling siya saka tinaas ang dalawang kamay niya. Nagdilim ang buong
kapaligiran maliban nalang sa isang makapal na ray of light sa tiyan ni Gration.
Tila kinolekta ni Sebastian ang natitirang liwanag at pinagsama-sama ito.

Lumakas ang hagulgol ni Gration.


Walang awang binutas ni Sebastian ang tiyan ni Gration gamit ang liwanag.
Tinignan ko si Sebastian na halatang nanghihina.

Kusa siyang nawalan ng malay nang marinig ko ang huling sigaw ni Gration at
paglaho niya.
Bumalik na rin ang liwanag.

"Sebastian!"
Hinatak ko ang chain ng labrys at binalik sa kamay ko ang staff.
Pinuntahan ko kaagad siya. Puno ng dugo ang mga palad niya.

"H-hoy!" kinakalog ko siya.


Nanginginig ako habang nakatingin sa kondisyon niya.

"Ang sabi mo pa nga wag kitang iwan pero bakit ikaw ata 'tong nang iwan?!"
mahina ko siyang sinampal-sampal.
Wag naman siyang mawala ng ganito lang.
Bweset! Ang dami ng nawala sa'kin tas iiwan niya pa ako?!
"Gago!" niyakap ko siya.
"G-gago..." umiyak ako. Pakiramdam ko.. nawalan ako ng isang mahalagang parte
ng pagkatao ko.
Mahaba-haba rin ang speech ko nung gumalaw ang kamay niya.

Bakas sa mukha niyang ang ngiti ng tagumpay...


"I knew it." nagawa pa niyang magsalita kahit malapit na siyang mamatay.
"H-huh?"
Umayos siya ng upo.
"I knew you'd care."
Tinulak ko siya dahilan na mapangiwi siya sa sakit. "WAG KA NA NGANG MAGBIRO NG
GANYAN!!"

Humagulgol ako ng iyak.

"Hey... look at me." aniya at inangat ang ulo ko.

Binigyan niya ako ng ngiting hinding-hindi ko ipagpapalit ng kung ano man. "I
will never leave you.."

"I just need you to trust me."


I just need you to trust me...

Tumango ako. Hindi niya alam na higit pa sa trust na'yan ang kaya kong ibigay
sa kanya.

Cesia's POV
Puno ng lungkot at alala ang katabi ko ngayon. Nakapikit ako pero alam ko ang
bigat ng emosyon na dinadala niya.
Nakaramdam ako ng kiliti sa kamay ko kaya binuksan ko na ang mga mata ko.
Maliliit na sparks ng kuryente galing sa mga daliri niya ang naglalaro sa kamay
ko.
Napangiti ako habang tinitignan siyang naglalaro sa tabi ko. Nakapatong yung
ulo niya sa unan na katabi ng paa ko.

Ang mature niyang tignan kung saang anggulo. Palagi kasing nakasimangot. Pero
kung titignan siya dito mula sa view ko, para lang siyang normal na tao.
Okay. May pagka cold at harsh din siya. Saka bossy, manipulative, spoiled,
short-tempered... kung ano pang description ng majority sa kanya.
But I know that's just a part of him. Nature na siguro yan para matakot yung
nakapaligid sa kanya.
Nagulat ako nang napansin kong nakatitig din pala siya sa'kin. May halong
lungkot nga lang yung mga mata niya.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

Nag abot ang kilay niya. "I should be the one asking you that..."
Ayy oo nga. Ako nga pala 'tong nakahiga sa clinic.
Hindi ko pa kayang bumangon pero gising na ako. I guess counted na yun bilang
okay.

"hey..." umusog siya papalapit sa'kin.

"want to see something?"

Nagtaka ako sa sinabi niya pero tumango nalang ako. Para siyang bata na may
nadiskubreng bagong laro.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko saka unti-unti niya itong nilayo.

At first wala akong nakikitang unusual maliban nalang sa kuryente na lumalabas


sa palad niya.

Nang lumabas mula sa'kin ang violet dust. Nakakonekta ito sa kuryente forming a
wave sa pagitan ng dalawang kamay namin.

Pero naglaho ito nang sapat na ang distansya ng kamay niya mula sa kamay ko.

"Ang cool..." puna ko.

"we're like magnets..." saad niya at umupo sa tabi ko.


"I just discovered it earlier while I was playing-"

"wait." pinatigil ko siya sa pagsasalita.


"so pinagtitripan mo'ko habang natutulog ako?" tinaasan ko siya ng kilay.
Nagulat siya sa tanong ko. Natawa ako ng mahina dahil sa reaksyon niya.

Ang cute niyang tignan. Kung alam lang nilang lahat na ganito din 'tong si
Trev. I'm sure isa ito sa most shocking moments ever since history started.

Bumalik ang poker face niya nang narealize niyang binibiro ko lang siya.
Haha. Nainis ata sa'kin.

Nagbuntong-hininga siya.
"I just discovered it earlier... I think it has something to do with my
electrical abilities and your empathy." seryoso niyang sabi.

Tumango ako.

"and nobody must know about it."

"anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Because..." hinawakan niya ang kamay ko.


"it means you're my weakness."

"and I am yours."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

The Missing Half

Chase's POV
Nabulunan ako sa iniinom kong kape dahil sa hindi inaasahang pagyanig ng lupa.
Sinundan ko ito ng tingin kay Dio na nagkibit-balikat lang.
Eh kung hindi siya, sino?! Putangina naman oh.
Namantsahan tuloy yung t-shirt ko!

Nagsilabasan kami sa veranda para tignan ang mga estudyanteng nasa field.
May iba na pinapakalma ang nagtitipon-tipon na mga students.
Nakarinig kami ng mga tili sa baba nang dumilim ang buong kapaligiran.

Tsk. Ang ingay-ingay.


Tumingin ako sa taas at nakita ang araw. Pero naging grayish eto na tila
naubusan na ng liwanag.

Napansin namin ang pag-iba ng kulay ng mata ni Art kaya alam naming may
nasesense siya. Kumunot ang noo niya habang isa-isa kaming tinignan gamit ang
nakakakilabot niyang mata.
Tinaas niya ang kamay niya sa direksyon papuntang syudad. Nanginginig ang kamay
niya. May kinokontrol ata.
Huminga muna siya ng malalim saka kinuyom ang kamao niyang nakataas pa rin.
Ilang segundo ang lumipas at binuksan na niya ang palad niya kasabay nito ang
pagbalik ng liwanag.

Muntikan na siyang mawalan ng balanse.. buti nalang at nasa likod niya si Kara.
Napansin ko ang tahimik kaya napatingin ako sa baba. Silang lahat nakatuon ang
atensyon kay Art.

Nakanganga pa nga yung iba.

Nakalimutan ko, first time pala nilang makita ang mga mata ni Art.

Pero ewan ko nalang kung ano ang magiging mukha nila pag nakita nila ang
kakayahan ni Ria.
"The Huntres' Camp has fallen. Attacked by a gigantes." narinig ko ang boses ni
Trev na kararating lang.
"So ano yung nawitness natin kanina?" karagdagang tanong ni Ria.

"Not an earthquake. Just a vibration of something big that crashed." sagot ni


Kara.

"Alphas!" tinawag kami ni sir Rio. "down now!"


Wala na kaming magawa kundi tumalon mula sa veranda.
Nagpaiwan sina Art at Kara sa taas. May pinag-uusapan ata.
"I need you to check the camp this instant. A huntre has sent a distress
signal. Critically wounded ang leader nila ngayon." pagbibigay-alam niya sa'min.
Naging alerto kami sa kinalabasan ng camp ngayon. Hindi man lang namin
namalayan na may nangyayari na pala doon.

Tsk.

Gumaan na sana yung pakiramdam ko nang malamang isa nalang ang misyon namin:
ang hanapin si Mayethrusa. Yan lang naman talaga ang concern namin pero unavoidable
talaga na magkaroon kami ng mga karagdagang problema.

"Apparently, the earthquake was due to Gration's impact on land. He was knocked
out... dead." lumabas si Madam Viola mula sa crowd ng mga estudyante.

Tama nga ang hinala ni Kara.

"Akala ko ba may binigay silang signal? huntres are known for their combat
skills and strength. Hindi sila nagsesend ng signals ng ganun-ganun lang." ani Dio.
Tumango ako. Natalo naman pala nila ang gigantes eh bakit kinakailangan pa nila
ng tulong?
"Who told you the huntres were the ones who defeated the gigantes?" nagtaka
kami saglit sa sinabi ni Madam.

"Update!" sumigaw ang isang aurai at lumipad sa


kinatatayuan namin.

"Their leader requested aid from the academy for a lot of huntres... were
greatly affected. Death count is 197. a hundred and forty-one from the refugees and
56 from their pack." narinig namin ang mga gasps ng mga estudyante.

Lalo na si Art na hanggang ngayon di pa rin bumabalik ang kulay ng mga mata.

Napalunok ako.

Shit.
Lagpas isang daan ng mga refugees at kalahati ng mga huntres ang nawala.

"Una na'ko." paalam ko sa kanila.


Dumiretso ako sa labas ng Academy. Iniba ko ang kulay ng mga mata ko saka
tumungo na sa direksyon kung saan nangyari ang trahedya.

Mayamaya, napangiti ako nang makita kung sino ang lumilipad na pulang ibon sa
taas.
Huminto ako nang makarating sa camp. Wala akong masabi sa baha ng dugo.
Nagsummon ako ng limang Chase para asikasuhin sila. Isa-isa ko silang binigyan
ng trabaho. May tutulong sa pagpapatay ng apoy. May tutulong sa mga napinsala at
kung anu-ano pa.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako.

Kahit kailan talaga namamangha pa rin ako sa kulay ng mga mata niya.

"Akala ko ba kasama mo si Trev?" tanong ko since silang dalawa lang naman ang
may flight bilang abilities sa Alpha.
Pero mas mabilis pa rin ako kahit papano. Ha. Wala pang nakakatalo sa'kin dito.

"May pag-uusapan pa daw sila ni Cesia." natawa ako sa sagot niya.


Ang lakas naman pala ng tama ni Cesia sa bro ko. JACKPOT kasi anak ni
Aphrodite.
Nakatanggap ako ng sapak mula sa kanya. "narinig ko yung Jackpot ha."
"Bakit? ikaw naman talaga jackpot ko ah. Sabi ko jackpot kasi ikaw yung kasama
ko ngayon." isang sapak na naman ang natamo ko mula sa kanya.
Ewan ko kung bakit ang brutal ng babaeng 'to. "Jackpotin mo yang mukha mo. tsk.
Bakla." aniya.

"Halikan pa kita jan eh." panunukso ko sa kanya.


"Ehem.." nakuha ang atensyon ko sa isang Chase na nasa harap pala namin. Kanina
pa ba siya dyan? "Pinatawag kayo ni Heather." tinuro niya si Heather na nakasandal
sa bag ng huntre. Isang huntre ang kasalukuyang inaasikaso siya.
Dumiretso na kami sa kanya.
"Paparating na yung iba." boses ni Ria ang gumising kay Heather na nakatitig
lang sa itaas.

Umayos siya ng upo.

"we didn't know where that bastard came from. Our huntres are on their move
finding remnants of the gigantes para malaman namin kung saan siya galing."
napangiwi siya nang hinipo ng huntre ang sugat niya sa tiyan.

"so where's Gration?" tanong ni Ria.

"Burned alive by raw sunlight." sagot ni Heather.


Burned alive by raw sunlight? Nagtaka kami sa sinabi niya. Sino namang may
kakayahan dito na marunong mag manipulate ng sunlight?
Si Art lang ang alam namin na kayang magmanipulate ng liwanag pero limitado
yung kakayahan niya. Mga segundo lang siguro ang kaya niya.

"Someone told us hindi kayo ang pumatay sa gigantes. So sino?" bakas sa boses
ni Ria ang matinding curiousity.
Pati nga ako di ko maiwasang maging interesado rin.

"Two demigods-"

"where are they?" hindi pinatapos ni Ria sa pagsasalita si Heather.


Nagbuntong hininga si Heather saka tinuro ang tatlong katao na nakaupo sa
bench. Isang bata ang nakayakap sa babaeng ka edad namin.
Katabi rin nila ang isang lalaking nakabandage ang mga kamay.

Tumayo si Heather at sinamahan kaming puntahan ang sinasabi niyang demigods.


"Someone wants to talk to you." nginitian sila ni Heather. "and Arah.. umm..
pwede ba kitang makausap?"

Tumango ang batang babae saka sumunod kay Heather.


Halatang na alarma ang dalawang demigods pagkatapos nila kaming makita.
"Hey.." bati ni Ria sa kanilang dalawa.

"Tell us your concerns."

napa 'ooh' ako saka napatingin kay Ria na sumimangot ang mukha nang marinig ang
sinabi ng lalaki.
Agad namang siniko ng kasama niyang babae ang lalaking demigod.
Napansin ko ang hawak-hawak na wooden staff ng babae. Weapon?

"Maupo kayo.." gaya ng sinabi ng babae, hinila ko si Ria para umupo sa tabi ko.

Nagcacalculate pa ata kung ano ang irerespond niya sa malupit na one-word convo
nila ng lalaki.

"Pasensya na. Ganito lang talaga 'tong si Sebastian." nakangiting sambit ng


babae. "Ako nga pala si Jamie."
"Okay lang. I'm Chase, son of Hermes.. and this is Ria, daughter of Ares."
pagpapakilala ko.

Nagulat na naman sila sa sinabi ko.

"demigods?" tanong ni Jamie.

"Yes. May alam na ba kayo kung sino ang deity parent niyo?" tanong ko sa
kanila.
Umiling yung Jamie.
Ah... bago pa pala sila dito.

Teka..
kung bago sila dito... pa'no nila natalo yung gigantes? Wala pa nga silang
qualified na training.

"then how the fuck-" tinakpan ko ang bunganga ni Ria. Alam kong pareho kami ng
iniisip ngayon.
"then how... did you defeat the gigantes?" may pagka abnormal din 'tong babae
ko.

Kakakilala pa nga lang minumura na sila. Baka sabihin nilang walang good morals
ang kapwa demigods nila. Tsk tsk. Bad impression ang maiiwan namin sa kanila.

Nagkibit-balikat si Jamie.

Tumango-tango ako. Pwede rin namang mangyari na kusang lalabas yung abilities
nila especially pag triggered. Kahit wala pa silang alam sa buong pagkatao nila.

"Haloooo!" nagulat kami sa boses ni Art.

"pwede bang magtanong?" tumabi si Art kay Ria. Magkasunod na umupo si Cal...
tas si Kara.. Si Dio at Trev.
Nandito na pala silang lahat.

Nagtataka tuloy 'tong si Jamie kung sino sila at bakit bigla nalang silang
sumipot.
"Okay..." napansin ko ang commanding boses ni Art.
Kumunot ang noo ko nang naging seryoso ang mukha niya.

"Sino yung nagnakaw ng stored energy ko?"

"H-huh?"

"Me." seryosong sagot nung Sebastian.

Nagpalitan ng tingin si Cal at Art.


"Nandito ka lang pala."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

New Members

Ria's POV
"So that guy is her long lost twin?" tanong ko kay Kara habang pinapanood namin
silang dalawa na may pinag-uusapan.

Instead na si Kara ang sumagot, si Cal na mismo ang nagsalita. "Yes..." may
halong disbelief ang sagot niya.

"Apollo asked her to look for him afterall." dagdag niya.

Obviously, Cal doesn't trust the guy yet.

"Since childhood friends kayo... do you believe her?" diniretso ko na siya pag
tanong.
Magkakilala silang dalawa ni Art noon pa. Kilala rin niya ang kambal ni Art.
Nobody knows their past.
Hindi pa naikwento ni Art sa'min ang nangyari kung pa'no sila nagkita ni Cal...
pa'no sila nagkahiwalay ng kambal niya.

"Yes.. I believe her." Tumango ako sa sagot niya.

Art knows her missing half. Imposible naman sigurong magkakamali siya eh kambal
nga. They shared the same womb at the same time.
I looked at Kara silently staring at the two.
Naiinip ata. She really frets over Art. When it comes to her, nag-aalala talaga
siya ng sobra.

Tinignan ko sina Dio, Trev at Chase na may sariling topic rin.

Napagdesisyunan kong tumayo at maglakad-lakad sa camp kasi na bored ako.


Kusang tumigil ang mga paa ko nang makita ang kasama ni Sebastian.
Jamie ba yun?

Naka squat siya sa harap ng mga remnants ng isang tent. Nakatulala.


Tumabi ako sa kanya. Hindi niya ata namalayang nandito ako. Nakakabingi parin
kasi ang katahimikan niya.

"Jamie?" kinuha ko ang atensyon niya pero hindi ito umepekto.

I gave her a nudge. "hi..."

"M-may kailangan ho kayo?" pinunasan niya ang mga luhang di ko napansin kanina.

That look she's giving me...

ngumiti ako saka umiling.

"I know that feeling... losing someone and not having the chance to talk to
them for the last time." nagulat siya sa sinabi ko.
Kilalang-kilala ko ang mga mata ng isang anak na nangungulila. Regret and guilt
are behind those tears.
Slowly killing yourself kasi wala kang magawa... or wala kang nagawa.
"Hindi ko man lang nasabi kay Mama-"

The word pierced through me.

"But she knew how much you loved her." I don't know but I feel like quoting the
words someone told me. The guy whom I hate so much.

"I mean... that's the most important thing right?" tumawa ako ng mahina. "Kahit
di nila narinig... naramdaman naman nila yung pagmamahal natin."
Ngiti ng pait ang binigay niya. She knows I feel her pain. Wala akong pakialam
kung kaaawaan niya ako.
Dahil mas nakakaawa ang mga taong hindi nakaranas mawalan. Tao man yan o gamit.
Losing someone is a pain that lingers inside you forever. Either you blame
yourself or just accept it and live as if you never lost someone...

You just gained a reason to be strong.

Napansin kong nakatingin siya sa direksyon ng bata na kasama niya kanina.

"kapatid mo?" tanong ko.

Tumango siya.

Kung magkapatid sila... pero siya lang yung demigod... they must be half-
sisters then.

Nakaramdam ako ng inggit.

Well atleast may natitira pa siyang pamilya...


"May kapatid ka naman pala.. so be strong." I smiled at her.

Yumuko siya. "Di ko kayang magtapang-tapangan sa harap niya. Naaawa ako sa


sarili ko tuwing makikita ko siya. Paano ko ba siya matulungan kung pati ako di
kayang tulungan yung sarili ko. Di ko kayang bumangon mag-isa."

I know that feeling girl.

"Maybe that's why Sebastian is here."

Napaisip ako....

maybe that's why the Alphas are here.


Para tulungan namin yung isa't-isa. We're like a pile of puzzle pieces. So
messy... so confusing.
But a puzzle wouldn't be complete if a piece is missing.

Someday, we'll learn how to assemble ourselves. I'm just waiting for that day.
Where we will learn to grow and hopefully, see to it that we are a part of a
beautiful picture.

Smart Girl.
Kumunot ang noo ko.
You are indeed pieces of a puzzle. But what if it is not a beautiful picture?
Hinanap ko kung kanino yung boses na naririnig ko.

What if you're pieces of different disasters?

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Jamie.


Hinintay kong bumalik ulit yung boses pero wala na akong narinig kaya umiling
nalang ako.

"I'm fine..." sagot ko.

Huminga siya ng malalim. "Yung sinabi mo tungkol kay Sebastian..."

"Nangako siyang hindi niya ako iiwan..." finally, a genuine smile made it to
her face. "Tama ka. May pamilya pa rin ako..."

Trust me Jamie. Lalaki ang pamilya mo... dahil nandito kami.

"You have us too.."

Nagtaka siya sa sinabi ko.


Humarap ako sa kanya. "I'm Ria of Alpha, daughter of Ares, the God of War."
pinakilala ko ang sarili ko. This time, kinompleto ko na.

"Alpha?" tanong niya.

"A group of demigods, descendants of major deities trained to be sent on


exciting but deadly missions."
"H-huh?"

I let out a chuckle. "atleast that's what they say..."

I looked at the people behind me busy and all saka ko binalik ang atensyon ko
sa kanya.

"We're a family..." naalala ko si Cesia. "Bonded by faith and the blood of


immortality."

Kailangan kong mag sorry ulit sa kanya nang muntik ko na siyang masaktan sa
Arcadia.

"A family that will risk everything just to let you know how much they love
you."

I meant everything that I said.

"Will you be a part of that family too?" nagulat siya sa tanong ko.

"Pero di ko pa alam kung sino yung deity ko.." nag-aalanganin niyang sagot.

Tinignan ko ang labrys sa tabi niya.

"Trust me hun. I know." kinindatan ko siya.


•••
"You're aliveeee!!!!" tumakbo ako kay Cesia na nasa veranda nakangiti.

"A-aray.."

Bumitaw kaagad ako. Nahigpitan ko ata yung yakap ko.


Shit. I missed this girl.

"I'm sorry again... about what happened... sa Arcadia.." I said pagkabitaw ko.

"Ano ka ba? Kalimutan na natin 'yun." natatawa niyang sagot.


Her voice was sweeter than I expected. Her glow is as radiant as ever. And her
hair is starting to flow as if under water.

"What the hell. Muntik ka lang mamatay gumanda ka na?!" I realized.

Her transition is beautiful. Pero alam ko naman dulot ito ng semi-supreme


divination niya.

How about me? Ano nga bang napala ko sa encounter namin ni Hermes sa factory
niya?

Napangiti ako.

What I needed the most: Control.

"Ikaw nga eh! Lumakas yung aura mo. Mas nakakatakot ka na ngayon. Ish." tukso
niya.

I guess may obvious changes rin kagaya ng sabi niya.

But its nothing compared to hers.

Looks are everything according to her deity. Kaya hindi na ako magtataka kung
bakit pinapaganda pa niya lalo ang anak niya.

"Teka.. ba't ikaw lang yung andito?" tanong niya.

"Oo nga pala. You will be accompanying me to the special dining area. We need
to make a reservation for tonight." excitement filled my voice.

Nag abot yung kilay niya. "Ano yung occasion?"

Lumapad ang ngiti ko nang nag ring yung doorbell ng dorm. Binuksan ko ito at
tinanggap ang apat na sets ng uniform.

"T-teka... para kanino yan?" Sinundan niya ako ng tingin nang inilapag ko ang
mga ito sa sofa.

"We need to get going." aya ko.

"P-pero-"

"Halika na kasi!" hinila ko siya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

GTKY Gone Wrong

Cesia's POV
"Hi." Tinanggap ko ang kamay ng sinasabi nilang Jamie saka umupo sa tabi niya.

Katabi niya rin ang kambal daw ni Art. Sebastian ata yung pangalan niya.

"Bago ka rin dito?" bulong sakin ni Jamie kaya napangiti ako.

"Di niyo alam kung gaano ako na excite pagkarinig ko na may bagong Alphas."
Para akong tatalon anytime sa kinauupuan ko.

Wala pa ngang isang taon, may bagong dating na. Nasa super secret hidden
underground resto thingy kami.

Syempre, mas lumaki ang circular table sa gitna since nadagdagan kami ng
dalawa.

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na rin sina Trev na siyang hinihintay


nalang namin.

Umupo siya sa kabilang side ng table kaya magkaharap kami ngayon.

"Bale... ako ang weakness mo... at ikaw yung akin?" Nakakunot-noo kong tanong
sa kanya.
Huminga ako ng malalim dulot ng biglaang pag sakit ng ulo ko. Nababaliw na ako
sa sinasabi niya.
"Teka. Sure ka ba sa sinasabi mo Trev?" nagtataka pa rin ako hanggang ngayon.
"Pa'no mo nga ulit nalaman 'yan?"
Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago nagbuntong-hininga.
"The twins... they... told me..." tumigil siya sa pagsasalita.
Ginamit ko ang ability ko para malaman kung totoo ba ang sinasabi niya. Hindi
ko siya naiintindihan dahil kung anu-ano lang ang sinasabi niya. Para siyang
napapraning.
Nagulat nalang ako nang hinigpitan niya ang paghawak sa braso ko.
Agad itong nag numb saka niya ako sinamaan ng tingin.
"Don't even try to read me." binitawan niya kaagad ako.

"Trev.. " nanliit ang boses ko dahil sa pinapakita niya ngayon. Naging bulong
ata yung pagtawag ko sa pangalan niya.

Agad siyang tumayo at iniwan ako mag-isa sa cubicle.

Namalayan ko nalang na nakatingin din pala siya sa'kin.

"The faculty decided it would be best kung dito lang muna tayo. We will
postpone searching for Mayethrusa." nagsimula ng magsalita si Dio.

Tahimik lang kami maliban kay Art na naghuhumm habang nakakapit sa braso ni
Sebastian. Napangiti ako nang makita ang reaction ni Cal.

"It would be the right decision para mabigyan natin ng chance na maka follow up
sila." tumingin si Dio sa direksyon namin.

Ibig sabihin... babalik ulit kami sa pagiging estudyante?

Sa bagay...

Namiss ko na ang mga subjects namin. Pero kung tutuusin, mas marami akong
natutunan mula sa missions namin compared sa subjects namin dito. Sorry not sorry.

Bahala na. Namiss ko rin naman yung uniform ko.

"Enrolled na pala sila dito?" tanong ko kay Ria.


Tumango naman siya "Mm.. not fully enrolled because they haven't changed their
name yet."
Sila nalang pala ang natirang dapat mag adjust. Madali lang naman mag adjust sa
bagong surroundings lalo na kung willing ka.

Medyo mahihirapan ka nga lang kasi nga, di ordinaryo ang


school na'to.
Anyways, lahat naman ng nandito hindi ordinary pati na yung kinakailangang mag
adjust.

Mayamaya, dumating na rin yung pagkain.

"Wag ka ngang mahiya." natatawa kong sabi sa katabi ko.


Ang tagal niya kasing kumuha ng pagkain. Nakatitig lang siya sa plate niyang
walang laman.

"Ganito ba ang pagkain nyo dito?" bakas sa boses niya ang hanga sa mga pagkaing
nakalantad para sa'min.

Tumawa ako ng mahina. "Trust me. Nagulat rin ako."

Tumango-tango siya.

Naging pleasant naman ang dinner namin. Chill lang yung vibes. Gusto ko
palaging ganito. Yung tipo ng gathering na walang nai-istress.

Yung typical and relaxing conversations lang ang meron.

Napatigil nga lang kaming lahat dahil sa biglaang pagtili ni Art.

Of course. Expected na may mangyayari talagang ganyan.

"Gets ko na! GETS KO NA! IIIIHHHH!!!" napangiwi kaming lahat sa matinis niyang
boses.

"Ang sabi sa'kin na clue ni Papa tungkol sa kambal ko... ay ano.. sabi niya..."
ngumuso siya at nag make face.

"He is revered Art..." sinubukan niyang i mimic ang boses ng isang lalaki.

"So?" inis na tanong ni Ria.

"Sebastian is a latin name that means venerable... or revered." si Kara ang


sumagot habang kumakain.

Bumagsak si Art sa upuan niya. "Lah. Ba't di ko kaya naisip yon?" Umiiling-
iling siya.

Tinignan ko naman ang kambal niya na walang imik na nakatingin kay Art.
"Mamaya... bili tayo ng stickers! Samahan mo'ko twinny ah?" Sabik na alok ng
bata.

Namalayan ko nalang na kanina pa nakangiti si Jamie habang kinukwento ni Art sa


kanila ang hobbies niya na magcollect ng kung ano basta may powerpuff girls.

May binulong si Jamie ni Sebastian dahilan na mamula siya.

Mukhang close ang dalawang 'to...

Buti nga si Jamie may close siya dito kahit first time niya. Ako nga ninisang
kilala wala talaga.

Mas gumaan ang atmosphere nang nagsimula na ang bangayan ni Ria at Chase.

Magduduel daw sila ngayong gabi. Syempre nag agree kaming lahat. Sino nga bang
hindi sasang-ayon? Mas magiging entertaining ito ngayo't phoenix na si Ria.
•••
Napailing ako. Palpak ang plano nilang duel.

Nasa training room kami.


Nakatanggap ako ng suntok sa sikmura.

"Kalalabas ko nga lang sa clinic!" hiyaw ko saka ginamit ang weapon ko para
itapon ang cyclopes.

Ang duel na dapat sa pagitan lang nilang dalawa ay naging Girls vs Boys na.
Ewan ko kung paano napunta dito 'tong visual cyclopes. Nag away kasi yung dalawa
kung sino ang unang makakaubos ng cyclopes. Yung girls ba o boys.

Nahilo ako kaya sumandal muna ako saglit.

"HAHAHAHAHA! FUCKYOU." rinig na rinig ko ang boses ni Ria.

Tinignan ko ang mga lasing sa harap ko.

Kaninong plano ba'to?!


Sumasayaw si Chase at kung saan pinapalipad ang weapon niya. Nakahiga lang si
Kara habang nakapikit. Kung sino mang nagtatangkang lapitan siya ay agad niyang
hinahagisan ng shield niya.

Nakaupo lang si Jamie, Sebastian at Trev pinapanood ang gulo sa loob ng room.

Si Cal? Eto. Ginagawang dummy ni Art.

Kung anu-ano na ang scenario dito sa room.

Nakita ko nalang ang dalawang kaibigan ko dito.

"Hello... old friends..." bati ko sa dalawang lobo.


Gusto ko tuloy kantahin yung kanta tungkol sa lobo...
Yung.. ako ay may lobo...

"Buti naman at nandito kayo... kailangan ko rin kasi ng makakausap." Nag squat
ako.

Nanlilisik ang mga mata nila. Gayundin ang paglakas ng growls nila.

Ases. Ang kj ng dalawang 'to.

Susugod na sana sila nang pinigilan ko ang dalawa.

"Sit." Natahimik sila bigla saka umupo sa harap ko.

"Ikaw rin! Umupo ka dito!" Inutusan ko ang isang cyclope.

"May crush kayo ano? Yiiee..." tinutukso-tukso ko sila.


Tinignan ko ang cyclopes. "Eh ikaw? Meron ka ba?"

Tinakpan ng cyclopes ang mukha niya gamit ang dambuhala niyang mga kamay.

Kinikilig pa ah?
"shhh... lika.. share tayo ng secret." bulong ko sa kanila.
May mga kaibigan naman pala ako dito. Walang nagsabi. Tsk tsk. Naaawa na tuloy
ako sa mga napatay ko noon. Pwede naman pala kaming maging squad. Yun lang naman
talaga gusto ko.

Peace to everyone.
Tinuro ko ang lalaking papunta sa'min. "Crush ko oh..."

"Ang gwapo-gwapo niya..."

"Cesia." narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Shoot guys. Anong gagawin ko?! Nakatingin siya sa'kin!!!" tinulak-tulak ko


sila.

"Are you drunk?"

"NO." tumayo ako at naglakad ng straight line para iprove sa kanya na hindi ako
'drunk'.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakakapit sa kanya.

Ang gwapo talaga ng masungit na'to.


"Let's take them to the dorm already."

Mayamaya, natagpuan ko ang sarili ko na nasa bisig ni Trev.


"Hey... nandito pa rin ako kausapin mo'ko, son of Zeus."

Huminga siya ng malalim.

"Hello daughter of Aphrodite."


Napapikit ako sa ganda ng boses niya.
"Ikaw nalang palagi ang sumasagip sa'kin..." bulong ko sa kanya.

"you're like my hero.." sinusundot-sundot ko ang pisngi niya.

"thank you...." tinignan ko siya. "kahit ang sungit sungit mo!"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Black Hole

Ria's POV
Whaaat theee fuuuu.
I didn't expect wearing my uniform again would turn out so uncomfortable as
shit.
Kanina pa ako nasa kwarto ko. Most of the time I spent looking at myself in
front of the mirror.

I sighed. Wala na akong magagawa. Balik klase na kasi kami.


Magkasabay kaming lumabas ni Cesia. Suot-suot rin niya yung uniform niya.
"Asan si Jamie?" tanong ko.
"Di pa tapos sa pagbibihis." sagot niya.
Napagdesisyunan naming mag additional rooms at the end of the year nalang kaya
habang wala pang extra rooms, dun muna mag s-stay si Jamie sa kwarto ni Cesia at si
Sebastian dun kay Chase.
"Teka. Kung mag half day ka kaya? Halatang hung-over ka pa eh." ani Cesia while
studying my face.
Umiling ako.

"Diba nalasing ka rin kagabi?"


Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Instead, namula lang yung pisngi niya.
"Hey... wanna eat ice cream?" aya ko sa kanya nang napansin kong hindi pa
lumalabas yung iba.
Dumiretso ako sa kitchen saka kinuha ang isang gallon ng mint-chocolate ice
cream mula sa freezer.

Tumabi ako sa kanya na nakaupo sa salas, nanonood ng TV.


"Ano nga pala subject natin ngayon?" nag scoop ako ng ice cream.
"Uhh... Semideus." sagot niya.
I don't know what happened pero nakita ko nalang ang sarili ko na nanonood ng
PPG dahil kay Art. Katabi ko si Kara na kumakain rin ng ice cream pati sina Chase
at Dio na naghahati sa chips na nakalatay sa mesa.
"Anong oras na?" tanong ko kay Kara.

"we're 30 minutes late."


Dahil sa sinabi niya, natapon ko ang ice cream sa mesa saka tumayo.
"Late na tayo Alphas!" anunsyo ko sa harap nila.
•••
"Oh wow. I didn't know you'd be present." puna ni Sir Glen habang hinihimas-
himas ang owl niya.
Buti naman at buhay pa ang hayop na'to. Naalala ko kasi ang nangyari nang
ginamit sila ni Kaye.
Sa pagkakaalam ko, lahat ng natira sa massacre eh nakatago. Not literally pero
the school is keeping them. Naging endangered na sila pagkatapos ng nangyari.
I also believe they did it for the sake of the goddess Athena's favor. Sacred
pa naman ang owls dito kaya naiiba sila sa ordinary owls. All animals here are
sacred and blessed by the gods.
"I heard there are new students?" Bakas ang sabik sa boses niya.

"They're still at the office." sagot ko.

Tumango siya.
"I wonder why... andami nyo ngayon. The school is lucky to have an abundant
amount of direct descendants of the Olympians." aniya at isa-isa kaming tinignan.
"Nevertheless, let's continue shall we?" umatras siya.

Mayamaya, napaatras din kami dahil sa biglaang pag iba ng paligid.

Trance.
The whole world went black. I cannot see even the faintest of light.
"Heeeelllooooo" narinig ko ang pag echo ng boses ni Art.

"Kara?" nagsimula na akong maglakad.


"Oomf!" napatigil ako nang may nabangga ako.
"I-it's me.." narinig ko ang boses ni Kara.
Hinipo-hipo ko yung noo ko. Naramdaman kong may humila sakin patayo.

"well shit." napamura ako. Wala kasi akong nakikita.


"At the center is a piece of a stone." nakuha ni Sir Glen ang atensyon ko.
"Astraea, the virgin goddess of innocence and purity, daughter of Astraeus and
Eos." nagsimula na siyang mag lecture. "the celestial virgin, have fled the world
to become the constellation of Virgo due to the mortals' wickedness."
Nakatayo lang ako habang nakikinig. Hindi ko na rin alam kung nasan si Kara.
Naramdaman ko nalang na naglakad siya papalayo.
"A few years ago, the academy witnessed the most beautiful meteor shower under
her constellation. We later discovered that the goddess sent us three stones during
that night."
"Are you saying that you're giving one of the stones for free?" nag echo ang
boses ko.
"Yes. The stones are actually real wishing stars. But Astraea will only grant a
wish from the purest of heart..."
I would die to get that stone.
"The Academy have used two of the stones. There's only one left and it's the
one at the center. Be careful in using the stone though, once you get your wish,
the stone will destroy itself."
So... if makukuha ko ang stone na'yan, I can get one wish. Well damn. That's
good enough for me.

I stepped forward when suddenly, natapon ako papalayo.


"Sinong may gawa nun?!" hiyaw ko.
"Cesia! You need to be careful with your weapon." boses ni Dio ang narinig ko.
"S-sorry... di ko kasi kayo nakikita eh..." mahina ang boses niya.
"Teka... oo nga! Ang unfair lang eh. Ang dilim dilim lang! Lah. Ang swerte
siguro ni Cal. Professional pa naman siya dito..." matinis na boses ni Art ang
sunod kong narinig.
"Who says Cal is on your team?" kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni
Sir.
"Siya ang gagawin kong defense or tagabantay ng bato. He didn't want the stone
afterall."
Okay. Ang daming catch. We're blind and we have to fight Cal.
"Now. Think of the dome as a black hole. You can use your power only for a
short span of time because the more you use energy from your abilities, the faster
you will get drained."
Idagdag mo pa 'yang sinabi niya.

"Can we just start already?!" nakapameywang ako.


"Okay then."
Biglang bumigat ang katawan ko.
Shit. Totoo nga ang sinasabi niya na unti-unti kaming dinidrain sa loob.
"It is important that you learn how to work together even when you can't see
each other." boses ni Sir Glen ang nag eecho.
Oo nga. Gets na namin. So kindly shut the fuck up.

Kahit wala akong nakikita, kung saan-saan ako tumitingin. Hanggang sa mahagilap
ko ang kaunting liwanag.
"Art! Stop wasting your energy." narinig kong sigaw ni Dio.
"Ha? Wala naman akong pakialam eh basta ang mahalaga, nakikita nyo ako." tinaas
niya ang kamay niyang nagliliwanag.

"Everyone! gather around Art." utos ni Kara.


Sumunod rin ako.
Nang biglang may humatak sa'kin papalayo. Gayundin, nawala na ang liwanag na
nagmumula kay Art.

"Cal..." napailing ako.

Nakarinig ako ng footsteps sa likod ko. "sino yan?"


Matagal ko ring narinig ang pamilyar na boses niya.
"isummon mo yung favorite weapon mo." bulong niya sa'kin.
Napangiti ako at sinummon ang nag aapoy kong espada.
Energy at light emitted from our abilities lang ang kayang higupin ng black
hole. Walang sinabi na energy at light galing sa weapons namin.

This is Semideus afterall... not PE.


Though, nararamdaman ko na ang pagbigat ng kamay ko. Energy din yung pagsummon
ko ng espada.
Holding this sword requires no ability. Ang pagsummon lang talaga.
"Ria..."
"mmm?"
"Inuutusan kita. Tignan mo kami."
"what do you mean?"
"nasa harap mo kami ngayon"
Suddenly, unti-unti ko na silang nakikita na nakatayo sa harap ko.

"Cesia is the only demigod that knows how to use a trance. In fact, she is
stronger than the trance." nakangiting sambit ni Kara.
Tinignan ko siya. For another time, napamangha na naman ako sa babaeng 'to.
A daughter of Ahprodite.

Bigla akong kinabahan.


Kung ganito kalakas ang abilities niya...

ano nalang kaya pag nag-iba na ang kulay ng mga mata niya?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

A Nice Catch

Cesia's POV
Nakaramdam ako ng sakit sa ulo.

Aish. Ang bigat bigat na rin ng katawan ko.


Parang anytime lang babagsak na nga ako ng tuluyan.

Napalingon ako sa taong kumalabit sa'kin.

"Cesia... okay ka lang?" napatigil silang lahat sa tanong ni Art.


Ngumiti ako saka tumango. Agad ko silang tinalikuran para hindi nila mahalata
ang tinding pagod at sakit sa mukha ko.

Kanina pa kami naglalakad.

Hinahanap kung saan nakalagay ang bato. Pero ewan. Wala kaming nakikita kundi
itim at greyish na fog dahil sa ability kong mag manipulate ng trance.

Ilang segundo akong nakatayo nakatulala sa harap ko nang may kuryenteng dumaloy
mula sa mga daliri ko na siyang gumising sa'kin.

Hinila niya ang baywang ko para mapalapit sa kanya.

"Trev. Wag mong sayangin ang ability mo." bulong ko sa kanya.

Hanggang ngayon, di pa rin niya ako binibitawan. Mukha ngang wala siyang balak
na bitawan ako base sa higpit ng braso't kamay niya.

Napabuntong hininga ako.

Buti naman...
Nahalata niya sigurong nahihilo na ako.

"Why are you telling me that when you're the one getting weaker and weaker...?"
mahina ang boses niya pero sapat lang para marinig ko ito.

Oo nga.

Psh.

Nawalan ako ng balanse saglit pero tinulungan naman niya ako.

"I think I'm seeing something." Ani Kara at tinuro ang isang bola ng liwanag.

Finally. Nasa gitna na kami ng lugar na'to.


"Great. That means you can stop using your powers now." yumuko siya para tignan
ako.
Tumango ako and in a second, wala na akong nakikita. Pati sila di ko na
nakikita. Pero ramdam ko pa rin ang kamay niya sa'kin.

At rinig na rinig ko ang heartbeats nilang lahat.


By 'lahat' I mean lahat. Kasali na diyan ang heartbeat ni Cal na ilang metro
lang ang layo sa'min.

Bumitaw ako sa kanya at iniwan sila.

Nagtungo ako sa ibang direksyon. Within reach na sana ang liwanag kaso
tumilapon ako.

Hay ewan ko sa'yo Cal. Sineseryoso mo talaga ang trabaho mo.

Nanatili akong nakahiga nang napansin ko ang mga bituin sa taas. Ginamit ko ang
ability ko para tignan kung mga stars nga ba ito.
Mga bituin nga...

Napangiti ako.
Pagkatapos makahanap ng sapat na hangin, napagdesisyunan ko munang umupo.

Naririnig ko ang kaguluhan mula sa kabila. May tunog ng mga katawang


bumabagsak. At hindi mawawala ang mga mura ni Chase.

"Hey..." narinig ko ang boses ni Kara.

"Kara yung bato..."

"I know." narinig ko ang mahina niyang tawa.


Natawa rin ako "sa ilang minuto ng paglalakbay natin wala man lang nakapansin..
ginamitan ko pa nga ng ability ko."

"You made them visibly brighter." tumabi siya sa'kin.


So para kaming nakapatong sa ulap. Wala nga lang nakapansin
sa mga bituin kasi ang cute lang ng liwanag nila.
Visibly brighter daw pero wala namang nakakita kundi kami lang dalawa.

Biglang kumunot ang noo ko.

"Kara.. pa'no mo nga ba ako nahanap dito?" tanong ko sa kanya.

Pati sarili ko nga di ko na makita.

"Ah yes... because I can manipulate a trance too." sagot niya.

Ginamit ko ang ability ko para makita siyang nakangiti. Kulay green din yung
mga mata niya.

"Lah." siniko ko siya. "pinagod mo lang ako."

Lumapad ang ngiti niya. Di kalaunan, nakita ko na rin ang sarili ko na


nakangiti.

Totoo ngang smiles are contagious.

"remind me to punch Cal after this." narinig ko ang boses niya.

Tinignan ko siyang umupo sa tabi ko. Natawa ako kasi ang bagal niyang umupo.
Halatang wala siyang nakikita. Kinakapa-kapa pa niya ang spot niya.

"so are you guys... a thing now?"

Nagulat ako sa tanong ni Kara.

Tinignan ko muna siya na nakahiga na pala at nakapikit. Nakapatong ang ulo sa


dalawang kamay niya.

"ummm.... sabihin nalang natin... na siya yung kahinaan ko. Hahaha." bulong ko
kay Kara.
"I thought it was the other way around." nagkibit-balikat siya.

Isa sa ability ni Kara ang makadistinguish between a truth or a lie.

Alam kaya niyang totoo ang sinasabi ko at hindi lang biro?


"Teka..." boses ni Ria ang nag echo. "BAKIT PAKIRAMDAM KO INIWAN TAYO NG IBA?!
PRESENT BA TAYONG LAHAT DITO?!"

"She's so loud... I wish there'd be someone that would be able to shut her up
anytime." nagbuntong-hininga ang katabi ko.

Tumango-tango ako. "Pero meron naman eh... May taong kayang patahimikin si
Ria..." nakasingkit ang mga mata mo habang inaalala ang nangyari sa Arcadia.

"Mas effective nga yung ginawa niya kay Ria. Talbog ang abilities ko." nakatuon
ang atensyon ko kay Chase na nakaupo.

Tinamad sigurong labanan si Cal. Mukhang nag give up na siya sa prize ng


challenge na'to.

"Who?" tanong ni Kara.

Oh my gash. Tinakpan ko ang bibig ko. Shoooot. Ang daldal ko.

"A-ano... w-wala... may ano lang kasi noong ano nag ano tas ayun n-naano..."
nag imaginary facepalm ako.

Hay grabe Cesia.

"Ano?" nagtataka si Kara.

"When should we get the stone?" iniba ni Trev ang topic.

"after they grow weary.." sagot ni Kara.

Huminga ako ng malalim. Muntik na yun ah...

Tinignan ko ang constellation ng Virgo sa itaas. May isang bituin na kakaiba


ang liwanag.

Hm.

Paano kaya namin makukuha yan?

"We literally need to... reach for a star." sabi ng katabi ko.

Napangiwi ako sa sakit nang kumirot ang sikmura ko. Ang


lakas naman palang manuntok ni Cal. Hindi kumikilala ng kaibigan... o di kaya
babae.

Maliban nalang kay Art.

Ano nga bang ginagawa ni Art ngayon kasama sina Ria, Chase at Dio?

Wala.

Naglalakad lang siya kung saan-saan. Minsan nakikita kong lumiliwanag ng kaunti
yung mga kamay niya.

Napahikab ako.

Gusto ko nang matulog... magpahinga.


Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Kara. Unti-unting hinihigop ang enerhiya
ko. Next time. Pag alam ko na gumawa ng trance, gagawa ako ng black hole na aabsorb
ng energy mula sa kalaban.
Pero mamaya nalang...

Gusto ko ngang matulog.

"Cesia..." boses ni Art ang narinig ko.


"sabi ko na nga ba.. side effect nato sa pagt-trance mo eh. Mahina ang heartbeats
mo. Alam mo ba yung power limit?"

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita si Art na nakaluhod sa harap ko.

Tumango ako. "mmm.."

Matitigok kaya ako neto? Ang hina hina ko na eh. Hindi ko nga napansin ang
pagbagal ng heartbeats ko.

Feeling ko... nasa ilalim ako ng tubig. Hindi makahanap ng hangin. Pero imbes
na lumangoy pataas...

wala.

Wala akong ginagawa.


Hinahayaan ko lang yung tubig na makapasok sa katawan ko.

Hindi ko alam kung kasali ba ito sa side effects o sadyang tamad lang talaga
ako...

hmm...

pinikit ko ulit ang mga mata ko.

"You have experienced this before, right Kara?" napangiti ako sa nag-aalalang
boses niya.

Ayun. Napapangiti na niya ako sa boses niya.

"Sir Glen!" tawag ni Art.

Pero wala akong response na narinig.

"How do we get out of a trance?" para akong stuff toy nang pasanin niya ako.
Ang gaan gaan ko lang pala.
Nakapikit ako, oo pero gising na gising ako.

Tulad noon.
Nag abot ang kilay ko nang masilawan ako sa burst of light mula sa taas.

Out of curiousity, tinignan ko kung sino ang may gawa nun.


Si Art.
Mukhang sinabihan na siya ni Kara kung saan makukuha ang bato.
Isang bituin nalang ang natira.
I can see it now.
At ang ganda nito.
"I can't fly right now." ani Trev.

Good. Buti naman alam mo ang limitasyon mo Trev.

Alam kong pagod na rin siya. Hirap na hirap na din siyang huminga. Gusto na
niyang matapos lahat ng 'to.
tug tug
tug tug
tug tug

Tibok ito ng puso.


Pero bakit nagmumula ito sa taas? Tinitigan ko ang bituin.
Bahagi ng katawan ni Astraea ang bituin na'to.

Syempre buhay ito.


Di nga lang nagsasalita. Pero buhay ito.

'fall' sinubukan kong utusan ang bituin na bumagsak pero wala.


Kahit masakit na yung ulo ko, nag focus ako sa bituin at inutusan ito ng paulit
ulit.

Ang stubborn rin. Alam kong babagsak na yan eh. Ayaw nga lang.

'I like your light...'


pagkasabi ko nun, mas lumiwanag ito.
'I like how you shine the brightest...'
this time, nagliwanag na ito ng matagal. Naging sun-like ang liwanag niya to
the point na nakikita na namin si Cal. The whole black hole isn't all black
anymore.

"What's happening?" tanong ni Kara.

Tumakbo sina Ria sa direksyon namin.

Nakatingin silang lahat sa itaas.


'Does it hurt when you fall?'
Like a reply, nag beat ang rays niya.
'Don't worry... I'll catch you.'
hindi pa rin ito bumabagsak.
'I promise.'
inubos ko na lahat ng makakaya ko. Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa silaw
mula sa liwanag na papunta sa'kin.

That's right. Wag kang matakot mahulog.

Ba't nga ba takot tayong mahulog?

Isang mainit na bagay ang hinahawakan ko ngayon.

"dalhin mo na siya sa clinic Trev." utos ni Ria.


Nagsimula nang maglakad si Trev papunta sa clinic.

"you never fail to impress me, daughter of Aphrodite."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Returned

Cesia's POV
"Eh bawal ba yun?" tanong ni Art habang kumakain ng popcorn.

Nasa clinic kami ngayon nanonood ng movie.

Busy daw yung boys kaya napagdesisyunan nilang dito sa clinic magtambay, mag
movie mara.

"Cesia... usog ka nga ng konti..." tumabi sa'kin si Ria.

Abnormal din ang babaeng 'to. Ako pa yung pina adjust niya eh ako nga tong naka
confine sa clinic.

"Teka nga. Ba't ba kayo andito? Kung sa dorm kaya kayo manood?" tinignan nila
ako na tila nairita sa sinabi ko.

Lah.

"No... we're fine..." ani Kara na umiinom ng soda.


Umupo ako. "pati ba naman ikaw Kara?" saka bumagsak ulit sa higaan.

Napahawak ako sa noo ko. Grabe.

Ang sabi ni doc okay na daw ako.


Aside na malapit na naman akong mamatay dahil sa power limit na yan.
This time, hindi brain yung nag lock down. Yung heart na mismo kaya nanghina kaagad
ako.
Pagkatapos ang isang oras na lecture tungkol sa power limit na yan, biglang
sumulpot ang mga babaeng 'to. Complete with foods and drinks.

Hays.

Wala na akong choice kundi makiisa sa kanila.


"Pakipasa nga yung fries.."

Habang kumakain, napaisip ako sa bato. Wala na akong alam kung saan napunta
yun. Pero alam kong bumagsak nga siya.

Mamaya tatanungin ko si Doc kung may nakita ba siyang bato. Baka nasa kanya
lang yun.
•••
"Mamaya niyo nalang ho sila gisingin." nag bow akong bilang thank you kay Doc.
Naaalimpungatan parin ako pero kinaya kong tumayo. Nakatulog kasi kami habang
nanonood.

Tinignan ko sila na mahimbing na natutulog. Si Ria at Art na ang pumalit sa'kin


sa bed ko. Habang si Kara nakaupo lang.

Ewan ko ba sa mga babaeng 'to. May excuse naman kaming maging abnormal kasi
hindi naman talaga kami normal.
Napagod ako sa kakahiga kaya tumayo na ako.
I also decided na pumunta muna sa library.
Katatapos lang daw ng examinations ng Beta Class kaya di na gaano karami ang
mga estudyante doon.

"Remember what I told you?" binuksan ni Doc Liv ang pinto.

Tumango ako. "Mmm... more training"

Nag nod siya saka ngumiti. Lalabas na sana ako nang may naalala ako "Umm..
doc.. wala ka bang napansin na bato na dala-dala ko papunta rito?"

Umiling siya.

Naghuhula muna ako kung saan yun napunta nang pumasok sa isip ko ang lalaking
nagdala sa'kin rito.

Baka nasa kanya nga.

Nagpaalam na ako saka lumabas. Hindi ko pinansin ang mga tingin ng ibang
estudyante. Mukhang tama nga sila noon. Masasanay ka lang sa school na'to.

Dumaan ako sa office kung saan nakasalubong ko yung mga bagong Alphas.

Napangiti ako matapos makita ang pins sa uniform nila.

"May ID na ba kayo?" tanong ko.


Lumabas si Dio mula sa likuran nila na may dalang camera.

"Of course. I will lead them to the dorm. Gusto mo bang sumama?" alok sa'kin ni
Dio.

Umiling ako. "Actually papunta ako sa library.."

Hinead-to-toe niya muna ako bago nag agree. Chineck ata kung okay na ba yung
kalagayan ko which is sweet. Silang lahat talaga nag-aalala sa'kin.
Lalong-lalo na si Cal. Manghihingi sana siya ng sorry kaso wala pa akong malay
pagbisita ng boys ayon kay Art.

Dumiretso na ako sa library.


Tulad ng sabi nila, iilan lang na mga estudyante ang nakikita kong nagbabasa.
Mas kaunti nga sila ngayon kumpara sa dati.

Papasok palang ako, may sapatos na akong nakikita na tumatalon-talon. Walang


nakasuot nito.

Napalingon ako sa grupo ng mga estudyante na nagtatawanan habang nakatingin sa


sapatos.

'B' ang nakalagay sa pins nila.

Ang saya-saya nila.

Nanlaki ang mga mata ko nang napansing nakatingin rin pala sila sa'kin.
Binigyan ko sila ng awkward na smile bago dumiretso sa aisle ng mga libro.

Nag sigh ako pagkatapos isandal ang noo ko sa wooden shelf.

"I heard you're in the clinic?" isang pamilyar na boses ang nanggaling sa likod
dahilan na umikot ako para harapin siya.

Nakita ko siya na may nakabuklat na ibro sa kanang kamay niya. Nakatayo siya at
ngayon ko lang napagtantong matanda na nga siya.

"Professor? Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

Siningkitan niya lang ako ng mata na siyang ipinagtataka ko.

Napunta ang mga mata ko sa pen na nakainsert sa pocket ng suit niya.

"Reading.." mahina niyang sagot.

"U-uhh... sige.. una na po ako." tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad


papalayo.

"Abigail wait!" narinig kong tawag niya.


Pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad nang tinawag niya ulit ang pangalan ko.

Hindi na 'Abigail' kaya huminto ako.

"Prof?" nakataas ang dalawa kong kilay.

Kinuha niya ang libro na nakapatong sa mesang katabi niya saka naghakbang
papunta sa kinatatayuan ko.

Nalaman ko kaagad kung anong klaseng libro ito nang mahagip ng mga mata ko ang
gintong kahoy sa cover.

Eto yung libro na binawi niya dati.


Nagalit pa nga siya sa'min kasi suicide daw yung gagawin naming pagpunta sa Garden
of Hesperides.

Inabot niya sa akin ang libro.


Nagdalawang isip akong tanggapin ito pero sa huli, nasa kamay ko na ang libro.

"I am so sorry about what happened. Nadala lang ako sa takot." aniya.

"Naiintindihan ko naman po kayo. Saka kalimutan na po natin yun." binigyan ko


siya ng matamis na ngiti.

Tumango siya at tinignan ako na para bang hindi pa siya tapos. Na may gusto pa
siyang sabihin sa'kin.

Kaso huminga lang siya ng malalim at yumuko.


Nag iba ang facial expression niya nang umangat siya. Nginitian rin niya ako
pabalik.

"Sweet girl..." bakas ang awa sa boses niya.

"Po?"

Umiling siya. "take good care of yourself... and the whole team." huli niyang
sambit bago tuluyang mawala sa harap ko.

Napa atras ako.

Okay... ang weird naman...

Tinignan ko ang librong hawak-hawak ko.


Umupo ako sa desk na nasa sulok ng library. Para solo effect. Nag-iisa naman
talaga ako eh.
Saka favorite spot ko rin ito since nasa harap ang malaking bintana. Kitang-
kita ang nag nagtataas-taasang puno sa surrounding forest ng academy.

Binabasa ko lang yung mga pages na hindi ko pa nabasa dati. Hindi kasi ako
katulad ni Kara noh. May mga topics na nga akong nakalimutan.
Ilang minuto ang nagdaan, inalis ko na ang mga mata ko sa libro at napatingin
sa labas ng bintana.

May mga estudyante na nag t-training.

Napangiti ako nang may dalawang Gamma na sinubukang tumalon sa bar pero palpak
kaya sa ground ang bagsak nila.

Paano kaya kapag... hindi ako myembro ng Alphas?

Or...

Di ako demigod?
Ang laki siguro ng kaibahan.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmuni-muni nang biglang natanggal ang bahagi ng


barrier.

Nanlaki ang mga mata ko. Kusang tumaas ang kamay ko at sinubukang kontrolin ang
bagsak ng glass.

Napatayo ako dahil sa bigat.

Tinignan ko ang isang estudyante sa baba na nakatingin lang sa taas.

'watch out!'

Hindi ko kayang ipasteady ang glass ng ganito katagal. Shoot!

"I SAID WATCH OUT!" saktong nahulog ang barrier.

Humihingal ako habang nakatingin sa baba.

Nakita ko ang babae na nakayakap sa isa pang estudyante.

okay okay Cesia....

She's safe...

Kalma ka lang...

Hawak-hawak ko ang dibdib ko.


Tinignan ko ang iba pang estudtanye sa library na nagulat sa biglaan kong pag
sigaw.
Binalewala ko nalang sila at dumiretso papalabas bitbit ang libro.

Nagmamadali akong pumunta sa field kung saan nalaglag yung nasirang bahagi ng
barrier.

"Everyone calm down. We will fix this." narinig kong sabi ng isang staff.

"Fix?! Kung tuluyan na ngang nabagsakan yung estudyante then what?! You will
fix that girl?!" lamang na lamang ang boses ko sa panic ng crowd kaya natahimik
sila.

"I-I'm so sorry... it was an accident..." yumuko ang staff.

I heaved a sigh.

"why would an accident like that happen?" this time, back to normal na yung
boses ko.

"it's just that.. all our mages... our workers that maintain our school
barriers are busy. Pinadala sila sa bagong camp ng huntres.." sagot niya.

Tumango ako at napatingin sa direksyon ng babae na muntik nang mabagsakan.


"okay... just make sure it'll never happen again..."

"y-yes.."

I forced a smile tas naglakad na pabalik sa dorm. I've been stressing the whole
day.
At dahil stressed ako...

Kakain ako.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

A Sisters' Bond

Jamie's POV
Nakaupo ako sa veranda habang umiinom ng kape.
Bukas na ang first day of class namin. Pero sa tingin ko hindi pa ako ready
dahil unang-una, nababaguhan pa ako. Sa dorm na'to... pati sa iniinom kong kape.
Pangalawa, namiss ko na yung kapatid ko.. gusto ko palagi kaming magkasama.

At pangatlo, PUTANGINA. Hindi ko pa nga alam kung sino yung deity ko.

Tinour kami ni Dio sa whole campus. Yung size niya ata hindi campus eh. Kundi
isang city.

Tas may mga babaeng may pakpak.


Mga lalaking half-kanding.

Kinurot ko ang braso ko saka napailing. Hindi nga ako tulog. Hindi panaginip
ang lahat ng 'to.

Bushet Jamie!

Ano bang napasok mo.

Andami ng nangyari dahil sa pagiging 'demigod' mo. Lahat mga trahedya.


Nagsimula ito nang na aksidente si mama.

Ngayon... wala na siya.

Napapikit ako at napahawak sa noo ko.

Kakayanin mo yan Jamie. Kilalang-kilala kita. Na survive mo nga lahat ng


pambubully sa'yo noon. Saka... may mga tulong ka naman. May mga kasama ka dito.
Handa naman silang tulungan ka diba?
"Palagi naman akong handa na tulungan ka..." narinig ko ang mahinang tawa ng
isang babae kaya napatingin ako.

Wala ng iba kundi ang dyosa kong roommate.


Lahat ng ginagawa niya, parang nag s-slow motion. Pati paglakad niya. Yung
buhok niyang always flowy na tila isa siyang mermaid sa ilalim ng tubig.
Tumabi siya sa'kin na may dalang dalawang iced coffee. Binili niya ata sa mall.

Kusa sigurong lumabas sa bibig ko ang nasa utak ko kaya narinig niya.

"I brought iced kasi... baka gusto mong mag chill muna? I know you're having a
hard time coping..." matamis-tamis ang ngiti niya.
Ewan ko nalang. Ba't may mga ganitong klaseng babae. Maganda na nga, ang bait-
bait pa.

ASAN ANG HUSTISYA.


"may bago na ba kayong pangalan?" usisa niya.

Naalala ko ang nangyari doon sa office.

"Pwede daw kaming magpalit ng pangalan.. next school year. Tatapusin lang muna
namin ang school year na'to." sagot ko sa kanya.
Nagets naman niya kaagad ang sinabi ko.
Tahimik lang kami na nakatanaw sa inilahad na view ng veranda sa'min. Ang
galing rin ng instincts niya. Nakatulong nga sa'kin yung iced coffee.

Teka. Pang ilang kape ko na ba'to?!

"Grabe na stress ako kanina ah." umiiling-iling siya na para bang hindi kapani-
paniwala ang nangyari sa kanya.
"Anong nangyari?" tanong ko. Ang gaan ng loob ko pag siya yung kausap o kasama
ko. Wala rin akong alam kung bakit.
"Wala. May muntik ng mamatay na estudyante.." sagot niya, nakatingin pa rin sa
harap.

"A-ano?" nabulunan ako ng kaunti.

"Pero don't worry..." sumingkit ang mga mata niya. "natural naman talaga yan
dito eh..."
Napalunok ako. Sabi ko na nga ba eh. Ikakamatay ko ang pag-aaral dito.

Kung tatakas kaya ako? Lalayas ako.

"Alam mo? Yan din yung reaction ko nung una eh." aniya at
sinipsip ang straw.
Oo nga pala. Bago rin siya dito. Hindi pa nga siya naka isang taon.
"Pero may nangyari dito sa Academy na siyang nagpalapit sa'kin dito at sa mga
tao.. lalong-lalo na sa mga Alphas." nakangiti siya habang may inaalala.
Tatanungin ko sana siya kung ano yung nangyari kaso biglang tumunog yung
doorbell ng dorm.

Tumayo siya para buksan yung pinto.


"Jamie!! May bisita ka.." narinig ko ang pangalan ko mula sa loob kaya pumasok
na rin ako.
Niyakap ko ng mahigpit ang batang babae na nakatayo sa labas.
Lumuhod ako para magkalevel kami at matignan ko siya ng maayos.
"Arah... dito ka na ba? Dito ka lang ha? Pumasok ka sa loob. Dito na tayo
titira." niyakap ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon.

"Ate... yun nga eh.." bumitaw ako sa kanya, nagtataka.

"Ate... gusto kong maging ano.." nakayuko siya. Iniiwasan niya akong tignan.

"saka hindi naman ako demigod katulad niyo ni kuya Sebastian eh..." nagkamot
siya ng ulo.

Napako ang mga mata ko sa dagger niyang naka insert sa side pocket ng backpack
niya.

"Gusto mong maging ano?" tanong ko ulit.


"B-baka... magalit ka kasi.." bigla nalang siyang humagulgol ng iyak.
Hinawi ko ang buhok niya.

"Gusto mo bang maging... huntre?" ewan pero naiiyak na rin ata ako.
Mahihiwalay na naman kami. Wala ito sa plano ko. Balak kong mamuhay na katabi
si Arah palagi. Nasanay na ako sa bahay. Na tuwing tinatawag ko siya, ilang segundo
lang susulpot na siya sa kwarto ko.
Inangat niya ang ulo niya.
Napangiti ako matapos makita ang kulay ng mga mata niya.

Tumango ako saka huminga ng malalim.


"Di ako magagalit kasi..." may nakatakas na luha mula sa mga mata ko. "kasi
alam kong aalagaan ka nila..." kinurot ko yung pisngi niya.
nagliwanag ang mga mata niya "talaga ate?"
Tumango ako. "Mmmm.. lalo na yung babaeng nakita mo sa camp. Yung nagbigay ng
nakakatakot na kutsilyo mo."

"Oo nga 'no? Hihihi..." kinuha niya yung dagger sa bag niya na siyang
ikinagulat ko.
"T-teka... dahan-dahan lang." nasa mukha ko ang matinding takot habang
sinusundan ng tingin ang kamay niyang may hawak ng dagger.
Tumigil siya saka tinignan ang weapon niya. "Sana nga magkita ulit kami..."

Nakuha mo ang loob ng kapatid ko Artemis. Ibibigay ko na siya sa'yo. Pag


nalaman kong may nangyari sa kapatid ko...

wag naman sana.

"ate... dito ka na ba titira? School ba'to?" nagulat ako nang malamang


naglalakad na siya papalayo sa'kin.
Tumayo ako at pumunta sa kanya.

"Oo... ang cool no?" kinuha ko ang kamay niya.

Naglibot-libot kami sa campus. Niyaya ko rin siyang mag shopping sa mall.


Binili ko lahat ng tinuturo niya. Nabaguhan nga ako sa ID ko na may lamang P4.5
million. Eh syempre ako rin.. bumili ako ng bagong set ng damit ko. Saka toothbrush
at etc., Nasunog kasi lahat ng kagamitan ko.

Ilang ikot sa mall at may bitbit na akong anim na bags.


Apat kay Arah dalawa sa'kin.
Hindi ko namalayang gabi na pala nang makalabas na kami sa mall.
Sinalubong rin kami ni Heather na may kasama pang dalawang huntres. Kanina pa
daw nila hinahanap si Arah.

"Pasensya na... gusto ko lang makasama yung kapatid ko bago siya umalis.."
kinuha ng isang huntre ang shopping bags ni Arah.
"It's okay.. I understand..." nginitian ako ni Heather.

Sabik na sumama si Arah kay Heather.


"Sana alam nyo rin kung gaano kahalaga para sa'kin yung kapatid ko.." puna ko
nang makita na nakahawak si Arah sa kamay ni Heather.
Tumango si Heather. "Your sister is strong. You should see her eyes when the
moon is bright."

Huminga ako ng malalim.

"Nga pala... normal lang ba yan?" iba talaga yung mga mata niya. Nakakakilabot
tuloy tignan pag gabi.
"Actually..." tinignan niya si Arah. "Normal para sa mga huntres ang pag iba ng
kulay ng mga mata namin."

tumango-tango ako.

"but her eyes are by far the most beautiful... it's like as if her eyes always
reflect moonlight." ani Heather.
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Arah.

Nakatitig lang ako sa kanya. Bakit... bakit pakiramdam ko ito na ang huling
pagkikita namin?
Malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanila.
"The others are waiting. We just came here to return some of your staffs and to
say goodbye. Do you want to come with us all the way out?" aya ni Heather.
Umiling ako. "Ay hindi na.. babalik nalang ako sa dorm namin..."

"Okay.. we'll go then.." sabay nila akong tinalikuran.


Pero bago pa sila makalayo, nagulat nalang ako nang tumakbo pabalik si Arah
para yakapin ako.
"Ate... okay lang ba talaga sa'yo? Di ka naman mag-iisa eh. Andyan naman si
Sebastian!" bulong niya.

Bumitaw ako at ginulo ang buhok niya.

"Ikaw talagang bata ka. Syempre no. Pero mamimiss rin kita eh. Wala nang aaway
sa'kin. Huhuhu." tumawa siya ng mahina.
"Basta ate ha? Mag ingat ka." hinalikan niya ang pisngi ko tas tumakbo ulit
papunta kina Heather.

Kumaway rin siya sa'kin na agad kong binalikan.

Hinintay ko munang mawala na sila sa paningin ko bago umikot at maglakad


patungong dorm.
Nasa salas silang lahat nanonood. Dumiretso lang ako sa veranda para
magpahangin.

Ewan pero naiiyak ako.


Ipinangako ko pa naman sa sarili ko na hinding-hindi kami magkakahiwalay ni
Arah.
"Are you okay? I saw Heather... with your sister." boses ni Sebastian ang
sumira sa katahimikan dito sa labas.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.

"Hindi.."

"Hindi ako okay."


tumabi siya sa'kin.

"May nakita akong sugat sa braso ni Arah." hinayaan ko na ang sarili ko na


umiyak. "Pero pinili niya pa ring maging huntre.."
Kahit di ko siya papayagan alam kong wala na rin akong magagawa. May mga pasa
na nga siya eh. Nagsimula na yung training niya para maging huntre.

"hey.." niyakap niya ako.

Tahimik akong umiyak sa balikat niya. Wala naman siyang pakialam pag nabasa
'tong shirt nya eh.
"You did what a good sister would do. You supported her... and I'm proud of
you, you know that?" hinihimas-himas niya ang buhok ko.
Ewan ko. Ewan ko kung tama ba na hindi ko siya pinigilan. Nakita ko kasi na ang
saya-saya niya. Umiyak nga siya kasi natakot siya na mapagalitan.

Buhay.

"I'm here for you. I have been and I will always. Even when you feel wrong
about yourself. Even when you do something stupid. Even when you cry out
'putangina' out of anger-"

"Gago!" tinulak ko siya ng mahina.


Lumipas ang ilang segundo ng katahimikan at nagtawanan kami.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Holding it Together
Dio's POV
"Oh diba mga bro. Sabi ko sa'nyo eh. Good idea 'to." ani Chase na may dalawang
slices of cucumber sa mga mata niya.
Actually, his idea was not bad afterall. We've been here for like the whole
afternoon. Pinatulong kasi kami sa pag establish ng bagong barrier ng skwelahan. I
heard Cesia got mad about it.
Tapos kami pa yung inutusan na linisin ang training rooms and grounds ng Beta
class bilang 'consequence' sa mga cutting classes namin. Mas nakakaawa si Sebastian
dahil nasali siya kahit wala pa siyang case dito sa Academy.
My whole body aches. When suddenly nagkaroon ng ideya ang genius kong kaibigan.
The girls are taking over the entire dorm so we have no choice but to spend time on
our own.

Kaya nga sumang-ayon kaming lahat kay Chase.

I took a sip from my tea. Nasa hot jacuzzi kami ngayon. We're all naked.
Letting all the steam swallow us.
My hair feels so minty too. Dahil full package ang kinuha namin sa spa. It came
with hair treatment which is cool.
We also ordered some foods.
Now I understand kung bakit gusto na gusto ng mga girls ang mag spa dito. Damn.
This is just out of this world.

Mas naeenjoy ko ang silence pag ganito. We should spa more often.

I should have like.... a spa schedule.

"I wonder why the staff seem so busy these days..." I said out of nothing.
It's just that... napansin ko lang. Kahapon nga wala yung principal nang kunan
ko ng litrato ang bagong transferees. May appointment din kami ni sir Rio ngayon
kaso kinancel niya.
Are they focused on the new camp for the huntres or... there is something else?
"Nakita ko rin yung leader ng Amazons kanina. Kasama niya yung fifth Amazonian
tribe." Chase said removing the cucumber slices from his eyes.

Kumunot ang noo ko.

"I saw Heather and her gang too." dagdag ni Sebastian.


So the two packs were here.
"Is there another war?" we looked at one another as if pareho kami ng iniisip.

Trev gave us his signature bored look and sighed. Pumikit ulit siya saka
sinandal ang ulo niya.
"No..." sagot niya. "we should have known earlier."

"But... paano kung meron nga?" usisa ni Chase.


"then it wouldn't happen here. It would take place somewhere else." walang nag
iba sa boses ni Trev. Pero alam kong curious din siya katulad naming lahat.
"Siguro nga. That would explain their silence. Saka... wala pa tayong
natatanggap na misyon mula sa kanila." my eyes shifted to Cal who opened his mouth
as if may gusto siyang sabihin.

"what?" siniko ko siya.

Kaso umiling lang siya. Which is another way of saying 'nevermind'.


I sighed and tried to relax.
Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa tubig na nakapalibot sa'min. Marami ang
magtatanong kung ano ang pakiramdam pag anak ka ng isa sa 'big three'. Poseidon,
particularly.
It feels nothing. Kung ano ang nararamdaman ng tao, yun rin ang nararamdaman
ko. But there is one thing. Water is very vulnerable for me.
May nararamdaman akong tingling sensation sa kamay ko when there is water.
Kahit hindi ko'to nakikita. I can feel its flow. And my body wishes to control it.

I remember my first blue eyes.


I didn't know what happened. I just felt power surge when I was thrown at the
deep blue sea. I thought I was gonna die. I was paralyzed. Unti-unti akong
nalulunod. Pero nakita ko yung babaeng kasama ko habang nalulunod. Dalawa kaming
itinapon sa tubig.
I wanted to scream. Gusto ko siyang sigawan. She's one of the strongest I know
pero di nya kinayang buksan ang mga mata niya sa ilalim ng tubig. She can swim
upwards... but still no. Pinili niyang wag gumalaw.
She can save herself. But she chose not to.
Why wouldn't she?

"Tol!?!?" boses ni Chase ang gumising sa'kin.


Ngayon ko lang namalayan na nakatingin pala silang lahat sa'kin.
"H-huh?" agad bumagsak ang tubig mula sa taas.

"I-uhh.. I'm sorry.." I quickly apologized.

I think I will apologize to the aurais because of the wet mess I made.

Ilang segundo ng walang nagsasalita and as expected...


"what the fuck happened." Sebastian broke the silence.
•••
I intentionally stepped on the twigs and fallen leaves. Nakakabingi kasi ang
katahimikan dito.
Nasa gubat ako. Nasa forest na katabi lang ng field. Hinahanap ko yung
dumadaloy na stream dito.

And I finally found it.


Napangiti ako nang makita ang kamangha-manghang daloy ng tubig. I praised the
moon for making the water shine and glisten.

Gusto kong mapag-isa ngayong gabi. Sinabihan ko na naman sila kung saan ako
pupunta. If whatever happens, they'll know.

Suddenly, nacurious ako kung saan papunta ang flow nito. On the other half,
bored rin ako. I just shrugged and traced the end of the stream.
Hindi ako nahirapan sundan ito. The stars served as my light.

My brows met upon seeing the stream gone. Nakatayo na pala ako sa putik.

"Oh shit." I murmured while struggling to get my feet out.


Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar at napagtantong ngayon pa ako
nakapunta sa bahagi na'to ng gubat.
Hula ko eto yung pinakamadilim na bahagi ng forest na walang gustong pumunta.

I mean... the forest is a place of secrets. No one knows who lurks in here.
"Meron ba tayong ikabahala?"
"Shouldn't we consult the council first?"
"They must have known already."
My ears jerked for a second upon hearing those voices. Di nga pamilyar ang
lugar na'to pero kilalang-kilala ko naman ang mga boses na naririnig ko.
Sinundan ko ang mga boses nila at napatigil sa harap ng isang entrance.

A secret cave?

cool.
I kept hearing the words 'third', 'council', and 'her'.
Her... may pinag-uusapan nga sila.
My curiousity peaked to the highest level when I heard someone say 'the
Alphas'.

Papasok na sana ako nang may humila sa'kin. Sumakit tuloy yung likod ko dahil
sa impact nito sa kahoy. Pati yung braso ko. Ang lakas kasi ng paghatak niya
sa'kin!
"what are you doing here?!" bulong niya.

I saw green orbs inches away from me.


"I should ask you that. Anong ginagawa mo di-" tinakpan niya ang bibig ko.
"shhhhhh!!!" tinanggal niya ang kamay niya saka tinignan kung may nakarinig ba
sa'min.
"wait. may alam ka sa lugar na'to? Without even consulting me?! Or one of-"
tinakpan niya ulit ang bibig ko.

I sighed. Saka niya tinanggal ang kamay niya.

"I just discovered this yesterday..." aniya at binalik ang dagger niya sa
bulsa.
Wala akong iniisip ngayon kundi ang kalagayan niya. Akala ko ba matino siya?
Bakit bumalik siya rito ng walang kasama? What if like... she gets caught or
something?
"I think they know something that we don't.." sabi niya.
Huminga nalang ako ng malalim.
"it must be big since they kept it as a secret."

"we should go now.. this is the part where they go back to the Academy."
dumiretso siya sa paglakad.
Wala na akong magawa kundi sundan siya. Hindi ako pwedeng magpaiwan dahil wala
naman akong alam sa daan pabalik.

Actually... I do know the way back. I just retrace the stream. Hmmm...

"sa susunod.. magsabi ka kung pupunta ka rito." utos ko sa kanya habang


naglalakad.
"why? who would care?" tumagos ang tanong niya sa'kin.

Unbelievable. Seryoso ba siya?

"I would." I replied na siyang nagpatigil sa kanya at harapin ako.


She just stared at me for like seconds. Na tila hindi kapani-paniwala ang
sinabi ko. Maybe she expected I was going to take back what I said as if I was
joking.

But I'm not.

Umiling lang siya saka nagpatuloy sa paglakad.


"You got a problem?" tanong ko sa kanya.

"You should know better than to ask that." every word that came out of her
mouth are like little knives.

"why are you so cold Kara?" I asked her again.

I saw her shoulder tense. Tumigil siya. Tinignan niya ako. Halatang naiinis
siya sa'kin.

"why the hell would you care?!" nagulat ako sa sigaw niya.

I was stunned honestly. Wala akong masabi.

Oh Gods. Mahirap talagang makausap ang mga babae. Para kayong mga aliens...
with your alien language. One second ang tahimik nyo and then another second
sumisigaw na.

"answer me Dio... so that I can understand you." yumuko siya.

"I... I can't understand any of you."

umderstand? Tsk!

"Bakit? Akala mo ba... may kailangan kami sa'yo? Akala mo ba gagamitin ka lang
rin namin? Just because we care doesn't mean we will use you." alam ko ang nangyari
sa kanya... and the gods know how I hate the person who did this to her.
How did he turn a beautiful soul to a lost one? He led her daughter to believe
he cared for her. Na yung mga sugat at bugbog na natatamo niya was a way of saying
'I care for you.'
"I... I'm lost. I'm just... I don't know who I am anymore and I don't know what
to do." she talked to herself.
So ironic how a daughter of Athena could be like this. Maiisip ko tuloy ang mga
panahon na nag-iisa siya. Kung ano rin ang iniisip niya.

She may have killed herself in her mind a thousand times already.
"Listen. You're the strongest person I have ever met. The most beautiful. My
favorite shade of the sky. My sweetest dream. My brightest star. My greatest fear."
humakbang ako papalapit sa kanya.
"and I'm always here to remind you that every time you feel lost."

She let in a deep breath "I'm already losing myself."

"but I'm still here to hold on your broken pieces."


it was a promise I will never forget.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

The Olympics

Ria's POV
"So... like..." I said randomly. "what if... a centaur and a mermaid bore a
child? What would it look like?" tanong ko kay Doc Liv na nakatayo sa harap.

I asked a lot of nonsense questions out of curiousity. Nagbuntong-hininga lang


siya saka ngumiti. "That.. I suppose would create a hybrid."

Hmmm... oo nga... magiging hybrid yung anak nila.

Pero ano kaya hitsura?

Sumingkit ang mga mata ko habang iniimagine ang hitsura ng hybrid na tinutukoy
ni Doc.

Will the child have scales? Have horse hinds?

I mean... its possible.

Nagsimula nang ayusin ni Doc ang mga gamit niya sa mesa saka tumunog ang bell
signifying the end of our meeting.

Tumayo kaagad ako at pinuntahan si Cesia. Halata namang excited siya kasi balik
klase na para sa mga Alphas. No missions... which rarely happens.

"Wala bang nakakapansin these past few days?" lumingon silang lahat sa'kin.

"That the academy is busy?" tanong ni Dio na nakatayo katabi si Chase.

"Ye-" hindi pa nga ako tapos magsalita eh bumanat na ang bakla.

"It's like they're attention are into something else. Pero hindi naman siguro
magkakaroon ulit ng digmaan diba?" tinaas niya ang kamay niya emphasizing his
point. As if may point yung sinabi niya. Tsk.
"Pero-"
"atleast it wouldn't happen here." sumibat si Trev.

I bit my lip.

Remind me to kill them later.


"We've seen troops too so I guess it has something to do with the academy's
alliance. They might have an event that's not on our schedule." dagdag ni Dio.
Napailing ako sa sunod-sunod na sinasabi nila. Sumingkit ang mga mata ko "saan
nyo nakuha yan?"

"Spa." Aba. At magkasabay pa talaga silang sumagot.

I heard Cesia's giggle after hearing what they said.


Tsk. Kailan nga ba nila nalaman ang salitang 'spa'? Akala ko nga wala sa
dictionary nila yun because they're boys.

Anyways. Nagkibit-balikat nalang ako.


Kung nagustuhan man nila ang pag s-spa, then let them be. Syempre gusto ko ring
makita sila na nagrerelax.
They've been stressing more than enough. Kaya deserve nila na i-tamper ang kani-
kanilang mga sarili.

Naramdaman ko ang isang kamay na pumatong sa kaliwang balikat ko. "we should
go. The students are being summoned." pagbibigay-alam ni Kara.

"where?" nagtataka kong tanong.

Ngayon ko lang ata nalaman yan?

"at the hall.." sagot niya.

I gave her a 'reaaalllyy??' look na tinanguan naman niya.


Papunta palang kami sa hall, eh nahahalata ko na ang excitement mula sa groups
of students na kasabay namin ngayon.
Di ko tuloy maiwasang manghula kung ano ang announcement nila.

It finally hit me nang narinig ko ang salitang 'games'.

Napatigil ako.

"oh shit." I cursed under my breath.

Tumigil sila saka ako tinignan. Nagtataka kung bakit bigla


nalang akong huminto sa gitna ng corridor.

"Ngayon na ba yun?!" Kumapit ako kay Kara.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Jamie kay Art.

Nakita kong nag gasp si Art saka kumapit rin kay Kara. Para kaming dalawang
koala sa isang sanga.

We both looked terrified.

Nag sigh lang si Kara. "The both of them don't like the olympics."

"Olympics?" sabay na tanong ng dalawa.


Olympics or the academy's intramurals. The time of the year where students do
sports. Duh.
May soccer, basketball, volleyball, etc. naman kami. But aside from that, meron
rin kaming 'pentathlon', a 5-event combination of discus, javelin, running, jumping
and wrestling. Mga laro sa panahon ng ancient greeks.

Beta at Gamma lang ang pwedeng makasali since marami sila. Spectators lang
kami.

Well... except sa Calydonian Boar Hunt.

The highlight of the event where all participating student try to hunt and kill
the biggest, most ferocious boar imaginable.

At first, hindi pinayagan ang mga babae na sumali because we are 'feminine' and
hunting is not a thing for female demigods. Tsk. Ang arte arte. Di lang naman
talaga nila gustong maghunt katabi ang mga babae. Or more like, ayaw nilang matalo
sa mga babae.

Not until our very own Art killed it herself..... unintentionally. Yeps.

Aksidente niyang napatay yung boar.

Nag camp kasi kami nun sa forest. Di namin alam na pinakawalan na pala ang boar
doon. Uminom kami ng konting ambrosia. Then hinamon ko si Art na panain yung buwan.
Hindi naabot ng arrow niya ang buwan pero bumagsak ito sa boar.

Hmm.

Lumabas kaagad kami pagkatapos i-announce ang annual olympics ng academy.


Nakakapit pa rin kaming dalawa ni Art.

"Teka... ba't nga ba di nila gusto yung olympics?" tanong ni Cesia kay Kara.

"Art hates it because of an accident. While Ria... she doesn't like it


because..." tinignan ako ni Kara.

"she hates having to wear a chiton for three days." sumingkit ang mga mata niya
na tila may inaalala.

Gayundin, nagliwanag ang mga mata ni Cesia. "wait... you mean... magsusuot tayo
ng chiton simula bukas?"

Tumango si Kara.

•••
"NOOOOO!!!" hinila ako ni Kara pabalik sa fitting room.

"Stop it Ria. You're being childish again." banta niya sa'kin.


Nag pout ako. "pero ayokooo! ang init init nyan!" tinulak ko papalayo ang rack
na may tatlong damit na nakahang.

"That's why we ordered the most comfortable ones!" tinulak niya sa'kin ang
rack.
"nasuot na ba niya?" lumabas mula sa likuran ni Kara si Cesia na nakasuot na sa
ombre na green and pink na chiton niya. Matched with gold belt and sandals.

"No. I haven't and I will never." I answered.

"Okay lang naman kung wala tayong mahanap na komportable sa ngayon." nakangiti
niyang sambit.

May kinuha siya sa rack na kulay pula.

"pero bibilhin ko na rin 'to para sa'yo... Bagay kasi.. red is the color of
blood." her smile didn't fade which made me guilty as fuck.

Huminga ako ng malalim. "fine. yan nalang ang susuotin ko."


"sige. Mukhang size mo nga naman 'to eh." she glanced at me before heading to
the counter.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Kara. "what?"
"she used her ability at you." natatawang sagot ni Kara.
"didn't she use her ability at all of us?" I eyed her long flowing yellow green
chiton.

I laughed knowing na napasuot ni Cesia si Kara ng chiton dito sa mall.

Nakita ko si Cesia na nakangiti habang namimili ng accessories. Naka uniform na


siya ulit.
Did I mention? She also bought sandals for the four of us girls.

Buti naman at may makakasama na ako sa t'wing mag sho-shopping ako. Mag-isa
lang kasi ako noon since ayaw sumama ng dalawa. Mga killjoy kasi.
Tsk. Ako nga yung bumibili ng mga damit nila. Pati mga sapatos.

"Eh paano sila Sebastian?" Jamie asked habang nakatingin sa mga lalaki na
pumipili rin ng outfits para bukas.

"If I know, may susuotin na ang mga lalaking 'yon. Di naman sila mahilig
lumabas. They will just have it delivered sa dorm." I answered.

And like the usual, hindi sila aattend sa opening ceremony. Lalabas lang sila
para manood sa games. Magtatambay yan sa dorm.

Alam na alam na namin ang ritual nila.

"Ria?" tinawag ni Cesia ang pangalan ko. "may kailangan ka pa ba?" napansin
niya atang nakatitig ako sa mga estudyante na namimili ng susuotin nila.

"Nope. Wala na." pinuntahan ko sila.

"Fortunately, tayo yung nakauna latest release ng store. Ang sabi pa nga nila
glow in the dark daw yung patterns sa silk." ani Cesia na abot-langit ang ngiti.

"mmm!!!" inakbayan ni Art si Cesia. "ang swerte talaga namin sa'yo hihihi"

I smiled.
First time kong makasama ang isang descendant ni Aphrodite. I thought I would
hate her because you know... since Aphrodite is my dad's other lover.
I really like her though. Akala ko magiging arte siya. Bossy... and stuffs like
that.

But she's not.

So... masasabi kong maswerte nga kami sa kanya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Beauties

Chase's POV
I hate history.

Yan ang conclusion ko habang nakikinig ng 50-50 kay madam. Ewan ko kung ilang
oras na kaming nakaupo dito, at siya nakatayo sa harap. Ang haba naman kasi ng
topic namin ngayon.

Ano pa ba kundi ang napakasikat na Trojan War.


May quiz nga daw kami sa susunod na meeting. Napagtanto ko ring boring sa
academy na 'to at desperado na akong lumabas.

Hmm.

Alam nyo kasi. Isang milagro ang hindi nila pagbibigay sa'min ng misyon sa loob
ng ilang linggo.
Bullshit!
I AM BORED.

I AM SO SO SO BORED.

"Are you not feeling well Chase?" mukhang nakuha ko ang atensyon ni madam.
Kanina ko kasi siya binibigyan ng 'lumabas-ka-na-puta-magring-na-sana-yung-bell'
look which I know is disrespectful.
But don't we all use that look at teachers?
"No madam. Please. Ituloy niyo po yung discussion niyo." I signaled her na
icontinue yung ginagawa niya which is the complete opposite sa gusto kong gawin
niya.

Eh syempre dapat mabait ako.

Kasi sabi nga nila.. ang tunay na kagandahan ay nasa kalooban.

Kagwapuhan pala.

Kaya dapat di lang tayo gwapo mga bro. Dapat mabait rin tayo.
Kulang na nga lang pakpak para mapagkamalan na akong anghel.
Angel Chase ng buhay mo.

Okay. That sounds disgusting.


"Now... the most beautiful girl in the world was Helen. Her mother was Leda who
was either raped or seduced by Zeus in the form of a swan." may pinakita siya
sa'min na painting ng scenario.
Specifically ang bed scene nila.
Swamp scene.
Lake scene.
Seryoso. Pangit ba 'tong si Zeus at di nya kinayang itanan si Leda gamit ang
sarili niyang anyo? Oh trip lang talaga niyang mag anyong swan kasi na curious siya
pano gumagawa ng bata ang swan?
Sasabihin ko na sanang ang bobo niya nang napatingin ako kay Trev.

Di naman siguro lahat ng babae eh gustong maka bed scene si Zeus. Nakakatikim
kasi sila sa galit ni Hera.
Napailing ako.
Yung ina ni Trev hindi nga nakatanggap ng parusa mula kay Hera. Pero yung anak
niya...

Napailing ulit ako.

Kwento niya 'yon at hindi ako pwedeng makialam.

Napalingon ako sa katabi kong halatang namimigat na yung mga mata.


Haha.
Ang cute niya.
Mas cute pag masungit siya.
Para siyang maliit na bunny....
na nangangagat at may dalang espada.

Pero titiisin ko parin ang pangungulit niya tawagin man niya akong bakla.
Totoo naman telege eh. Hihihi.
Joke lang. Lalaki ako. Paanakan ko pa nga ang babaeng 'to.
Ang cute siguro ng mga anak namin...

"HOY BAKLA!" nagulat ako sa natamo kong sapak mula sa


kanya.
"Yes misis?" nginitian ko siya.
Agad namang namula yung pisngi niya. Ha. Sabi ko sa'nyo. Walang nakakapalag sa
lalaking 'to. Kahit anak ni Ares. Yeah.
"Misi- kanina ka pa nakatitig ah-" tinalikuran niya ako saka dumiretso kina
Cesia.

May nasabi ba akong mali?

Tumayo na ako at kinuha ang bag kong walang laman. Kahit ballpen wala talaga.
Hangin lang.
Estudyante goals. Tsk.

"Nakarating na ba yung mga damit natin?" tanong ko sa kanila.


Mamaya pa kami makakasuot ng chiton pag opening ceremony na. Free naman lahat
ng students ngayong umaga kaya pwede muna kaming magchill lang sa dorm.
Kami ang maghahari sa dorm ngayon dahil alam naming may sarili ring lakad yung
mga girls.

Uuna na sana ako sa dorm nang biglang nawalan ng malay si Art. Buti nalang at
nasalo siya ni Cal. Syempre. Mas mabilis pa ata yung bro ko kesa sa'kin pagdating
sa asawa niya.
Pero wala pa ring nakakalamang sa'kin in general.

"I guess we can't go. We'll have to stay at the dorm while Art is out."
sinundan namin ng tingin si Cal papalabas ng room bitbit si Art.
Tsk. Akala ko pa naman okay na si Art.
Hanggang ngayon wala pa kaming alam sa nangyayari sa kanya maliban nalang na
dulot ito ng visons niya.

Sabay na kaming pumunta sa dorm. (sila lang dahil una akong nakarating.)
As expected, nakita ko ang isang rack na may nakasabit na mga chitons.
Noong panahon ng mga ancient greeks kasi, walang pakialam ang mga tao pag half
naked ang mga lalaki. Uso nga yung nudes. Kahit dahon lang suotin nila okay na okay
pa rin.
Nag consult nga ako sa office kung pwede bang magsuot ng dahon lang pero bawal
daw. Bawal daw yung nudes dito sa academy.
Hindi naman sa gusto ko pero dapat sundin namin yung nakaraan.
Para di na rin mag b-bra yung girls suot yung manipis na chiton nila. Hehe.
Amazing.

Bud sad to say, hindi nga pwede. Tsk.

"you're going with all white again?" tanong ni Ria habang tinitignan ang
susuotin namin mamaya.
"Simple is beautiful love." kinindatan ko siya. Sumingkit yung mga mata niya
bilang sagot na para bang may ginawa akong labag sa loob niya.

What is wrong with this woman.

"but not so simple. Custom made ito. There are sequences and patterns. It also
comes with gold accessories." dagdag ko.
"Woah. Ang galing." puna ni Cesia.
"All students are requested to be ready for the opening ceremony. Lunch will be
served at the hall." narinig namin ang announcement.

Nagkibit-balikat nalang ako saka kinuha yung damit ko.

Pagkatapos magbihis, lumabas na ako sa kwarto at umupo sa sala para manood ng


tv. Sumunod si Sebastian na halatang nababaguhan sa suot niya.
"bagay 'tol." saad ko nang tumabi siya sa'kin.
"it's not so bad afterall..." tumatango-tango siya.
Lumabas na sina Dio at Trev.

Ah yes. I forgot. This is the day where abs are everywhere.

You know. Ang swerte ng mga girls ngayon dahil kasama nila kami. Napapaligiran
sila ng mga macho-
Oh shit.
Hindi.
Kami yung swerte.
Lumabas sila sa kwarto ni Cesia nang nakangiti suot ang mga chitons nila na
iba-iba ang kulay.

Napatayo kaming apat.

"Goddesses..." narinig ko ang bulong ni Sebastian.


Iba ang suot nila ngayon. Ibang-iba compared sa dati. Ang sexy nila! Fuuuuuck!
Napalunok ako nang napako ang mga mata ko sa kanya looking bloody hot as ever.

Mine.

"Uhh- l-lalabas na ba kayo?" tanong ko. Puta! hindi ako nakakasalita ng maayos.
Di gumagana yung panga ko.
"mmm" tumango si Cesia. "Una nalang kami since hindi naman daw kayo aattend sa
opening."
Kumikinang ang gold wreaths nila letting their gorgeous hairs flow. This sight
is the best.

Aangal na sana ako nang biglang nagsalita si Trev na siyang ikinagulat ng


lahat.

"No. We have just decided to go with you."

Nag abot ang kilay ni Kara. "really? when?"

"the second you walked out of the door." sagot ni Dio.

Nagtinginan sila.

Isang segundo lang ang kinailangan ko para buksan ang pinto. "please.. ladies
first."

"Umm.. this is surprising.." natatawang sabi ni Ria. Nagtawanan lang sila


papalabas ng dorm.

Sumunod na kami.

"petition to make chitons our school uniform?" tinignan ko ang mga dyosa sa
harap namin.
"definitely."
"accepted."
"why not?"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Soccer and Chills

Art's POV
Katatapos lang namin bumili ng popcorn para sa games. Syempre sinamahan ako ni
Cal. Ewan ko nga. Paulit-ulit niya akong tinatanong kung okay lang ba ako.
"are you really sure you're okay?"
Oh diba? Sabi ko nga sa'nyo eh.

Tumango ako at nag thumbs up. "mmm! Sure!" nginitian ko siya. Hindi pa rin
akong magsasawang sagutin siya. Kasi gusto ko talagang tanungin niya ako palagi
kung okay ako eh. Hehehe.

"Asan nga ba si twinny?" kumain ako ng popcorn.

"With Jamie." sagot niya.

Lah. Ang tanong ko asan, hindi sino yung kasama niya. Nahimatay lang ako tas
nabingi na siya?

Tinuro ko yung isang aurai na pumasok sa store hehehe. "Cal. Pakitanong nga
kung may bago na ba silang collection." utos ko sa kanya kasabay puppy eyes.
Walang makaka'hindi' sa puppy eyes ko ano. Kahit nga si Cal eh. Talagang gamit
na gamit 'tong technique ko. Hihi.

"They have. I already bought it." sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Waaaahh!! Tologo? Weh? Para sa'kin? Yiieeee!!"
niyakap ko siya ng mahigpit.
"who told you it's for you?" sabi niya nang bumitaw na ako sa kanya.
Siningkitan ko siya. "pinag-usapan na natin 'to Cal! Na di pwede PPG tayong
dalawa. Di pwede maki share."
Ngumiti siya saka hinila ako papalapit sa kanya. "I'll never get tired of you."
umiling siya.

Kung nakangiti lang sana siya palagi... edi sana mapagkamalan siyang normal na
tao!

"So para sa'kin nga yun?" tumatalon-talon ako. Napatili ako nang tumango siya
bilang sagot.
Tinignan ko siya. "Alam mo Cal. Bagay na bagay sa'yo yung chiton mo. wahahaha!"
tinukso ko siya.
Bagay naman talaga eh. Ang ganda ng contrast ng white chiton at ang maitim na
mga mata niya. Para siyang sculpture sa mga museums. Tas ang laki-laki pa ng
katawan niya.

Nakatingin nga lahat ng mga babae dito sa mall. Ang alam ko sa kanya sila
nakatitig.

Tsk. Sinamaan ko ng tingin ang isang grupo ng mga babaeng nakangiti sa'min.
Ibang meaning yung mga ngiti nila ha. Di ko gusto yan. Subukan nyo ko.

"I like your yellow dress too. You look..." di niya tinapos ang sentence niya
dahilan na ma lungkot ako.
"pangit ba? Huhuhu." yumuko ako para tignan ang dress ko.

"I'm not allowed to say this. But you look... hot and stunningly gorgeous."
ngumiti ulit siya.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Yieee! Sabi ko na nga ba magugustuhan
nya 'to. Si Cesia na mismo pumili nito.
Tinulak ko siya ng mahina "Wag ka ngang ganyan."

Habang naglalakad sa hallway, naalala ko yung nangyari kahapon. Alam kong hindi
visions ang nakita ko.
Na stuck lang talaga ako nun nung nabanggit ni madam ang pangalan na 'Hector'.
Ewan bigla nalang akong kinabahan.

Inangat ko ang ulo ko para tignan siya.

Alam ko ba yung iniisip mo Cal? Kasi pakiramdam ko may hindi ka sinasabi


sa'kin.

"Sebastian likes those weird turtles so I guess that's another proof that you
really are twins?" sabi niya na tila nagdadalawang-isip pa rin.

"Hanggang ngayon di ka pa rin naniniwala na kambal kami?"


kumuha ulit ako ng popcorn saka sinubo ito.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Minsan talaga di ko siya ma gets.
Huhuhu. Sana naman mag open up na siya sa'kin.
Okie. Ako nga yung kinakausap niya palagi tas di siya takot ngumiti sa harap ko
pero kasi... parang may kulang.

"okay lang 'yan. Matatanggap mo rin siya pagdating ng panahon." nagulat ako sa
sinabi ko.
Anong panahon ang pinagsasabi ko?

"Tell me when you don't feel well okay?" paalala niya sa'kin.

Tumango ako.

Lumapad ang ngiti ko nang nagkasalubong kami nila Twinny at Jamie. Tumigil sila
sa paglalakad nang marinig nila ang tawag ko.

"papunta rin ba kayo sa field para manood ng soccer?" tanong ko sa kanila.

"Yes. Sabay na tayo?" aya ni Jamie.


Sumama ako kay Jamie habang nagpaiwan naman sa likuran namin yung dalawang
boys.
Ngayon ko lang napansin na may bitbit palang paper bag si Jamie kaya na curious
ako kung anong laman nito.

"Galing kayo sa mall?" ngumuso ako sa dala niya.

"Yeah." natatawa niyang sagot. "Binilhan ko siya ng unan na may mukha ng isa sa
mga... pagong."

Pagong. Wahahaha! Hangkyut ng kambal ko!

Hmm. Bilhan ko rin kaya si twinny pagbalik namin sa mall? Pasasamahin ko si


Jamie kasi mas close naman sila ng kambal ko eh.
Alam na alam niya kung ano ang gusto ni twinny.

Nakaka insecure nga pero malaki naman ang pasasalamat ko kay Jamie kasi di niya
pinabayaan ang kambal ko.
Buti naman at alam kong di pala siya nag-iisa sa mga panahong di pa kami nagkita.

Saka ang gaan-gaan na ng loob ko kay Jamie. Okay naman siya eh.

I'm sure masaya rin si papa ngayong magkasama na kaming mga anak niya.

Hindi pa nga kami nakarating, naririnig ko na ang mga hiyaw at tili ng mga
estudyante. Naglalaro ngayon ang Beta Class 1 vs Beta Class 3. Next match ay ang
winning class ng Beta at winning class ng Gamma.
Modern naman yung soccer namin. Except sa rule na pwedeng gumamit ng abilities
para mang-agaw ng bola.

Kaya ang colorful ng field ngayon. Tas yung mga audience na nakasuot ng chitons
nila.

Pinuntahan namin ang pwesto ng mga Alphas. Tumabi ako kina Cesia na nagche-
cheer rin.
Sa gilid ng field ay ang malaking statue ni Nike, the Goddess of Victory. May
mga bulaklak sa paanan niya na alam kong ibinibigay ng mga players para manghingi
ng blessings throughout the games.

Nabasa ko ang '2-2' na nakasulat sa scoreboard nila. Ay. Ang galleeenngg!

Biglang namuo ang isang tornado sa gitna ng field dahilan na mas lumakas ang
hiyaw ng mga estudyante.

"Samuel babyyyy!!! Kyaaaahhh!!!" narinig kong tili ng isang babae.

Samuel?

tinignan ko ang lalaki sa likod ng tornado. May ash brown hair siya na medyo
magulo-gulo.
"son of Eurus, God of the unlucky east or the Southeast wind." pagbibigay-alam
ni Kara.

Tumango ako. Ah... kaya pala.

"Sino nga pala yung Paris?" tanong ko ulit kay Kara.

Panay kasi yung mga babaeng sinisigaw ang pangalan niya.

"Ah. The girls' favorite." tinuro niya ang lalaking katapat ni Samuel. "Son of
Eros."

Muntik na akong mabulunan nang makita ang tinutukoy niyang player. May suot
siyang taenia na headband.

"Oh.My.Gosh. He's so fineee." ani Ria saka kumuha ng popcorn mula sa'kin.
"I heard he has a boyfriend?" tanong ni Cesia.

"I don't care. He's still gorgeous. GO PARIISS!" hiyaw ni Ria.

"Yeah he does. He is currently dating the javelin thrower of their class:


Sandoval, son of Pheme, the goddess of fame." sagot ni Kara.

Grabe si Kara. Na memorize niya talaga lahat. Pati mga title ng deities nila.

Hindi nalang ako magugulat kasi ginagawa ko naman siyang encyclopedia paminsan-
minsan. Hihi.

Nakatuon ang atensyon ko sa dalawang players na nag-aagawan ng bola.

Nang biglang lumabas sa isip ko ang dalawang bata na naglalaro rin ng soccer.

'Cairo! Defense!' nakangiti ang isang batang lalaki.

Si Hector.

Nag echo ang sakit sa ulo ko kaya hinanap ko si Cal. Agad naman siyang tumayo
at inalalayan ako. Alam niyang may mali sa'kin. Ang galing.

'Art! Pag nanalo ako papakasalan mo'ko?' Sabik na tanong ni Hector.


'Aray!' natumba ako dahil napunta sa'kin yung bola.

"Art!" narinig ko ang boses ni Cal kaya nagising ulit ako.

"H-huh?" nakahawak siya sa beywang ko habang ginagabayan ako papunta sa clinic.

"Are you okay?" tanong niya.

Isang batang lalaki ang tumakbo papunta sa'kin. 'are you okay?'

Tinignan ko ang mga mata niya.

"Cairo?"

(A/N: About Art guys, she's changing. Why? maybe the title of the book is the
answer? haha *wink wink*)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Throwback

Jamie's POV
"Gods. They're so awesome." napailing ako habang tinitignan si Sebastian na
nakaluhod at kinakausap ang mga figurines ng mga pagong ewan ko kung bakit pero
pinakapaborito niya.

Ganyan ba talaga yung mga anak ni Apollo? Sabi rin kasi sa'kin ni Cesia na adik
daw sa powerpuff girls si Art.
Kunin mo lang lahat wag lang yung PPG collection ni Art.

"So bibilhin mo ba talaga 'yan o hindi?" panlimang tanong ko na sa kanya ito.

Nasa account niya ang kalahati na pera ng kambal niya which is 4 times bigger
kumpara sa halaga ng nasa account ko.
Tapos ako pa yung palaging nanlilibre sa kanya.

Gago lang eh no?

Tumayo siya saka umiling "nope. I'll wait for the newest release."

"Puta-" huminga ako ng malalim. "hindi ka ba nagugutom?" tanong ko sa kanya.


TANGINA NYA. Isang oras na akong nakatayo dito sa store habang kinakausap niya
yung mga laruan dito. Tapos di pala siya bibili?!

Nakakahiyang maging yaya sa isang kalalaking tao.

"We should eat. My treat." nahalata niya atang kanina pa ako naiinis sa kanya.

Mabuti! Akala ko kasi ako na naman yung magbabayad. Sasabog na talaga ako pag
ako babayad.

Iiwanan ko na talaga siya dito. Ipapa adopt ko na siya sa kapatid niya.

Pumasok kami sa isang resto na ngayon ko lang napansin. Medyo elegant yung
theme nila ah. Tas ang gagara ng dresses ng mga aurai. Kulay maroon rin yung mga
pakpak nila.

"I believe I reserved a table for two?" narinig kong sabi niya sa aurai na
sumalubong sa'min.

Reserved?

So nakaplano na talaga 'to?

Tumango naman yung aurai at dinala kami sa isang table na may wine sa gitna.
Napansin ko rin ang mga mata ng mga estudyante na kasalukuyang kumakain sa resto.

Mahirap umupo pag nakachiton ka kasi nahihila yung tela na nakaipit sa belt.
Baka magka waldrobe malfunction ako dito at mahubaran.

Wag naman sana.

"Did Cesia choose that dress too?" bumaba ang mga mata niya sa suot ko na skin
tone at may pagka fit. Kaya kung titignan sa malayo, para nga akong nakahubad.

"wag mo'kong tignan ng ganyan Sebastian ah." pagbabanta ko sa kanya.

Narinig ko ang mahinang tawa niya. Nilagyan niya ng kaunting wine ang glasses
namin.

Di ko na kailangang kumain. Wine lang sapat na. Pa'no ba kasi. Kitang-kita yung
abs ng nasa harap ko ngayon. Jusmiyo. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Apollo
at sa nanay niya.

Isang malaking biyaya ang nilalang na'to.

"Umm- Jamie? Are you with me? May sakit ka ba?" tanong niya.

"H-ha? Eh wala. Uhh.. kumusta na pala kayo ni Art?" iniba ko ang topic dahil
ayaw kong ma cornered.

"nalaman niyang doctor pala ako sa mortal realm so she suggested me to Doc Liv.
I agreed to help her with her studies." mukhang proud na proud siya ah.

Napangiti ako habang tinitignan siyang nakangisi rin. Nagsimula na siyang


magkuwento.

Dumating na yung pagkain namin pero hindi pa rin siya tapos kaya pinabayaan ko
nalang siya.

Eh naaaliw naman talaga ako habang nakikinig sa kanya.

Ang dami na niyang nalaman sa Academy na'to pero ako? nganga pa rin.

Sumubo ako sa pinakamasarap na steak na natikman ko. Babalik talaga ako para
rito.

"Are you and the girls doing fine?" tanong niya.

Tumango ako. "oo... okay na okay nga. Mas close na kami ngayon. Tas sabay
kaming nag sho-shopping."

Lumapad ang ngiti niya pagkatapos marinig ang sagot ko.

"eh kayo?" binalik ko ang tanong niya.

"We went to a spa for the first time." natatawa niyang sagot.

"May nangyari ba?" tanong ko ulit.

This time, nakatitig lang siya sa'kin. Nagtaka ako saglit kasi natahimik siya
bigla.

"I did learn a few things." naging seryoso ang boses niya. "did you know about
the war that occurred just a few months ago?"

Kumunot ang noo ko.

War? Eto ba yung tinutukoy ni Cesia na dahilan na napalapit siya sa Academy at


sa mga Alphas?

"Hindi." umiling ako.

"There's this traitor who planned to attack the Academy. She was a student of
the school. She killed an oracle and sacred animals just to become powerful enough
to destroy everything." naging interesado ako sa kuwento niya.

Bagong information 'to para sa'kin.

"Her goal was to become a machine stronger than the Gods." dagdag niya.

Umusog ako ng konti. "may ganun ba?"

"Yes." tumango siya. "Two machines. The Elite Imitator that can imitate godlike
energy-based powers and abilities including resurrection and the Seht Imitator. No
one knows what it can do...yet."

Woah. Napanganga ako sa sinabi niya. Yung machines pala, pwedeng maging tao.

Hindi ko maiwasang maimagine kung paano ginawa ang dalawang machines na


sinasabi ni Sebastian.
"Umm.. may formula ba kung paano gawin yung machines na'yan?" usisa ko.
"Yes. There is. To become elite, you must be somewhat related to Apollo. Then
kill a very particular oracle and... some sacred thingies." pagbibigay-alam niya.

"She was a descendant of Apollo so..."

"so posible kang maging elite?" diniretso ko na siya.

Alam ko namang hindi niya gugustuhin maging elite pero kasi curious lang talaga
ako. Naalala ko rin yung story ni Pandora.

"yes. and Seht too." kumuha siya ng grapes mula sa salad at kinain ito.

"Seht? paano?" sige lang Jamie. Tanong ka lang ng tanong. Baka mapagkamalan ka
ni Sebastian na chismosa. Ma turn-off yan sa'yo.

"While the Alphas were on the verge of death, the traitor actually revealed the
formula of the Seht." sumingkit ang mga mata niya.

"you just repeat those steps... but he/she must consume the blood of a god or
demigod that has the ability to manipulate anything." bulong niya sa'kin.

Kusang bumigat ang panga ko. Woah.


IDOL KO KUNG SINO MAN ANG GUMAWA NG FORMULAS NA YAN.

Wait. Sino nga ba ang naka discover ng formulas?

"No need to ask, it was your half brother that invented the formulas... for the
sole purpose of protecting demigods"

So ginawa ang machines para protektahan ang mga kapwa descendants niya. Okay
naman ah.

Napahinto ako sa pag kain.

Half brother. Walang kaduda-duda. Nasa dugo talaga namin ang pagiging
inventors.
Astig!

"We're currently studying how the elite transfers a massive amount of energy.
Though nahihirapan pa rin kami. Art killed the elite and burned every inch of her
at wala silang nakuhang importanteng bagay sa naiwang ashes niya." dahil sa sinabi
niya, pumasok sa isipan ko ang kambal niyang medyo childish.

Teka. Ang sabi isa sa abilities ng elite ang mag resurrect? Tas nagawa niyang
patayin yung elite?

Hmmm... gaano ba kalakas ang isang anak ni Apollo?

Naalala ko si Sebastian nang niligtas niya ako mula sa gigantes na umatake sa


camp dati.

"pwede bang sumali sa research team nyo?" baka sakaling may maitulong ako.
Mahilig naman ako sa mga inventions eh. Out of curiousity na rin. Gusto kong
tumulong sa kanila.

Halatang nagulat siya sa tanong ko. Mayamaya, ngumiti lang siya saka tumango.

"we should watch the wrestling match after this." aya niya.

Marami pa sana akong itatanong sa kanya pero 'patience is a virtue.'

"Rinig ko may sasalihan kang sports?"

"Not exactly."

"Eh ano?" may sinabi sa'kin si Dio na sasalihan daw nilang lima. Nag react nga
si Art ng saglit.
"We'll be hunting for a boar. Art's lending me one of her weapons... umm... can
I?"

Ah. Yan nga yung sinasabi ni Kara.

Yung aksidenteng napatay ni Art yung boar...

"Hmm.." sabi rin ni Cesia na mas okay daw na wala yung mga lalaki para naman
magkaroon rin kami ng bonding time sa dorm. "fine... basta mag-ingat ka."

"Yes boss. I will." nag thumbs up siya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Message Delivered

Ria's POV
Nasa veranda kami habang nanonood sa announcement of participants ng hunt.
Gabi na pero tila bituin yung mga weapons na dala-dala ng mga participants.
Tatlong babae lang ang sumali sa hunt and the rest of them are men.

Of course, present ang limang lalaki ng Alphas. Sasali nga sana ako kaso
napagdesisyunan naming mga girls na angkinin ang dorm habang busy yung boys.

Napatakip ako sa tenga ko dahil sa nakakabinging tili ng mga babae nang tawagin
ang pangalan ng Alphas. Gods. Can't they cheer properly? Baka sila yung ipakain ko
sa boar.
Lumiwanag ang invisible dome sa forest. Ginagamit ito para di makalayo yung
boar.

"Do you think they will be okay?" nag-aalalang tanong ni Kara.

"Mananalo sila." Art answered, foretelling the outcome of the hunt.

She is being mysteriously silent today. And all she says are... serious. Yung
hindi childlike. Nag-aalala tuloy ako sa kanya. Minsan nga pag kasama namin siya,
bigla nalang siyang humihinto. Tas sasabihin niyang nagkaroon lang siya ng visions.

"oh well..." huminga ako ng malalim "mananalo naman pala sila so we don't have
to worry."

Una akong pumasok sa dorm at dumiretso sa kwarto para magbihis. It feels so


good to change into my casual attire. Actually, hindi ako magsusuot ng casual
attire ngayon.

Mag papajama ako ngayong gabi since we're having a pajama party. Alam naman
naming mauumagahan pa sa pag-uwi yung mga lalaki.

"where's Art?" tanong ko kay Kara paglabas ko sa room.

Nadatnan ko silang tatlo ni Cesia at Jamie na nakahiga sa mattress habang nag


momovie marathon.

"she says she's not feeling well." tumabi ako sa kanya at kinuha ang bucket ng
hot wings.
Nag order kami ng malaking mattress para sa gabing 'to. Nilipat rin namin yung
table at sofa para makapwesto yung mattress.

Napangiti ako sa sarap ng wings. Bumili rin kami ng chips and salsa. And a
couple of other foods.
This is literally the best thing that happened this week. Not really. I mean I hope
Art gets better well soon.

Nag kukuwentuhan lang kami tungkol sa nangyari. Cesia told us she bought 3
chitons because she liked it. Nagulat nga ako pero saglit lang. She's becoming more
Aphrodite-ish.
"Can I keep the chiton you bought for me too?" tanong ko sa kanya.
"Syempre naman. Para sa'nyo talaga yun." nakangiti niyang sagot.

And of course, girl's night 'to kaya di talaga maiwasan ang mag topic about
boys. Expecially now that we're watching one of Zac Efron's movie.

"Mas gwapo pa rin si Sebastian." ani Jamie habang kumakain ng chips.

"Yeah. Seriously Jamie. What's with you and Sebastian?" tanong ko sa kanya
dahilan na mapatigil siya.

"Idol ko sila." sambit ni Cesia. "kasi ang open nila sa isa't-isa. Huhu."
"Wala. Nung inatake kami ng mga daemons, sa bahay niya kami tumira. Long
story." sagot niya.

Di ko tuloy maiwasang macurious. "Kwento mo na! We have the whole night."


pinilit namin siyang magsalita.

Narinig namin ang pagbuntong-hininga niya. And before you know it, nakayakap na
ako sa unan ko nakikinig sa adventures nila sa mortal realm.

"Wait. You mean. Sinipsip ni Sebastian yung lason ng ahas?"


tanong ko. Nasa part na kami nung hinahanap nila yung tinutukoy na village witches
tas bigla nalang may nagpakita na malaking ahas.

Tumango siya. "tas habang nasa ospital kami, inatake kami ng isa pang daemon."

So yun nga. I didn't know na marami-rami na rin pala silang pinagdaanan. Kaya
pala close na close sila hanggang ngayon.

Or maybe there's more with the two of them?

"Bakit? Di ba kayo close ni Trev?" usisa ni Jamie.

Natawa si Cesia. "not as close as Chase and Ria." saka binigyan ako ng
nangangahulugang ngiti.

"NOOOOOO!!" humiga ako saka ginamit ang unan para takpan yung mukha ko. "I do
not want to talk about him."

Nagtawanan kami before we settled for the night. We exchanged stories and
stuffs. I guess we were exhausted sa activities kaya knocked out kaagad kami.
•••
Nagising ako dahil sa paa na nakapatong sa noo ko.

I sighed.

"Wake up sleeping beauties. It's already lunch time." nakita ko si Kara na


nakaupo sa counter umiinom ng kape.
Tatlo kaming bumangon at dumiretso sa counter ng kusina para kumain. Medyo
haggard pa kami sa harap nila pero wala naman kaming pakialam. Except Cesia though.
She's slaying that messy look.

"The boys brought us brunch." she waved her hand at the foods being displayed
on the table.

"Nasa'n nga pala sila?" tumakam ako sa grilled sandwich.

"Cleaning the mess of the hunt." sagot niya.

Uminom ako sa pineapple orange juice with fresh cucumber slices. They really
prepared a lot.
"but they won right?"

Tumango siya. "The four of them wounded the boar. The one who killed it was
Trev actually."

Mayamaya, pumasok na rin yung boys. Sila yung pumalit sa'min sa sala at humiga.
Pinagpapawisan silang lahat. Para silang bagong ligo.

"should we get you food over there?" lumingon ako sa kanila. Judging by their
looks, wala na silang enerhiya na tumayo.

"no thanks." sagot nila.

If you say so.

I just rolled my eyes at binaon ang atensyon ko sa pagkain nang biglang pumasok
ang malakas na hangin mula sa labas.

"Hello children." narinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki kasabay nito
ang pagkawala ng mansanas na nasa kamay ko.
"Dad. What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Chase.

"Iris and I got into a fight. She's taking over my office." umiling-iling siya.

To think that this youth in front of us is a God. Medyo nababaguhan pa rin ako.

"you're Hermes and you can't keep your office from a goddess like her."
natatawa kong sambit.

Tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti. Bigla tuloy akong kinabahan nang


humakbang siya papunta sa'kin.

"what are you doing?" in a flash, nasa harap ko na si Chase, nakatalikod


sa'kin.

Narinig namin ang halakhak ni Hermes. "can't I just talk to her, son?"

"hindi pwede unless you give me a valid reason." seryosong


sagot ng anak niya.

Woah. I'm shocked.

"Now you're not willing to fight your father just for her right?" natatawang
tanong ni Hermes
"what if I do?" naging seryoso ang mukha ni Hermes pagkatapos marinig ang
sinabi ng anak niya.

Hermes sighed and placed his hands on Chase's shoulder trying to calm him down.
"okay there young man. Just give us a minute to talk."
After an intense eye contact between the father and son, tumabi na rin si
Chase.

"Ah yes. Ria..."

nag black out ako sandali at nakita ko nalang ang sarili ko na nakasandal sa
isang kahoy sinusubukang wag masuka sa ginawa niya.
"are you out of your mind?!" nakahawak ako sa ulo ko. Tila umiikot yung
kapaligiran.

Dinala niya ako ewan kung saang bahagi ba'to ng kagubatan gamit ang super speed
niya. AND IT WAS UNPLEASANT.

The headache he has given me is unbearable to the point na napaluhod ako habang
siya, nakatayo at nakatingin sa'kin. Crossing his arms as if hindi siya ang may
kapakanan nito.

"I really am interested with you." narinig kong sabi niya.

Nag effort akong tumayo para hindi ako magmukhang kaawa-awa sa harap niya.

"why?" naiinis kong tanong.

"because..." naging malungkot ang ngiti niya. "I want to be a good father."
"I want to know my son more... since he lived here, we haven't had quality
time. We just talk telepathically." dagdag niya.

Natahimik ako. He wants to be a good father? Ano daw?

Nagsimula siyang maglakad kaya agad akong sumunod sa kanya. "then bakit ako
yung kinuha mo? You could've went for Dio.. or Trev..."

"A father knows when his son... is... acting.. a little strange..." sumingkit
ang mga mata niya.

"acting a little strange?" kumunot ang noo ko.

"Yes. Especially because of a... woman." ngumiti siya habang may inaalala "his
mother was indeed like you. Fierce... and strong... she's too perfect to be a
mortal to be honest."

"so? anong connect dun?"

"I want you to marry my son."


Napatigil ako sa paglalakad. Tama ba yung narinig ko?

"Why are you telling me this?" marry? Like seriously? Is he crazy? Ikasal?
Kami? Hahahahaha that's just not gonna happen.

Tumigil siya at humarap sa'kin. "I want to know that there's someone who will
always stand by him."
I was speechless. He really loves Chase that much?

I'm jealous.
"I know my son could be a lil' bit annoying-"
"I will." nginitian ko siya pero nagulat ako sa sinabi ko "N-no.. I will not
marry him but I will try to stand by him?"

Tumango siya and to my surprise, niyakap niya ako. Of course I backed up a bit
dahilan na matawa siya ng marahan.

"yun lang ba ang pakay mo?"

Umiling siya saka may kinuha na letter mula sa bulsa niya. "I'm also here to
deliver a letter from Ares."
Tinanggap ko kaagad ito at di maiwasang mapangiti ulit. He looked sad though,
when he saw my reaction kaya tinanong ko siya kung bakit.

"we are trying our best to show you that we care... I hope you know that."

I will try to live with that.

Huminga siya ng malalim. "take care of yourselves. We might not be there when
you need us the most."

Nag abot ang kilay ko. "anong ibig mong sabihin?"

"Something is threatening us. Today is my last day here on earth so tell my son
I love him. I am not allowed to go back anymore. The deities and I decided it would
be best to keep ourselves as prisoners in Olympus." nagtaka ako sa mga sinasabi
niya.

"Farewell." boses lang niya ang naiwan. Nawala kaagad siya sa harap ko without
even explaining anything.

"Ria! Shit! I'm sorry. Hindi ko alam na dadalhin ka niya dito.." narinig ko ang
boses ni Chase.

"I love you."

Teka.

"N-no... I mean... he asked me... to tell you that." napaface palm ako para sa
sarili ko.

Seriously Ria?! AM I OKAY?!

'I'm just pretending I didn't know about that kiss but...' narinig ko ang tawa
ni Hermes sa isipan ko.

HERMES!!!!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Storms

Cesia's POV

"I'm just gonna put it-" nagising ako sa boses ng pamilyar na babae.

Tinrace ko kaagad kung saan nanggaling yung boses at nakita sino pa ba kundi
ang Goddess of Rainbows na may hinahalungkat sa vanity area ko.

"Anong ginagawa mo dito?" kinusot-kusot ko ang mga mata ko

"Nevermind. You're awake." umiling siya saka may nilagay na maliit na statue sa
puting mesa.

"I didn't get the chance to give you this since you were busy. Then I thought
maybe I could sneak up in your room. Where's your roomate?" napatingin siya sa
gilid ng kama na tila may hinahanap.

Psh. So ngayon niya napagdesisyunang pumasok sa room ko kasi wala si Jamie?

"Nasa kwarto ni Ria." tipid kong sagot.


Napunta ang mga mata ko sa maliit na statue ng babaeng nakahubad. Sapat naman
yung liwanag sa labas para maaninag ko ito.

"It's a gift from your mother. She also asked me to tell you to not expect
replies from her since she's busy." nagsimula na siyang humakbang papalabas. By
'papalabas' I mean patungo sa bintana kong nakabukas na. Obviously, sa bintana siya
dumaan.

Busy?

Sinundan ko lang siya ng tingin. "Eh ikaw? Di ka rin ba busy?"


Tumigil siya sandali para tignan ako. "Girl. Iniwan nga ako ni Hermes para
gawin lahat ng tasks niya dito sa mortal realm. 'Busy' is not enough to describe my
situation right now." saka siya nawala leaving a trail of rainbow behind.

Tinignan ko ang orasan

12:42 am'...

Tumayo kaagad ako para suriin yung gift daw galing kay Aphrodite.
Wala namang bagay na nakakuha ng atensyon ko. Isa lang talaga siyang maliit na
marble sculpture ng babae.

Napailing ako pagkatapos ibalik ito sa table. Sinarado ko na rin yung bintana
at chineck na nakalock nga ito. Ayaw kong may makapasok ulit sa room ko. Tas dito
pa dumaan sa bintana. Baka sa susunod kwarto ko naman ang target ng akyat-bahay
gang.

Bumalik ulit ako sa pagkahiga.

Mayamaya, napagtanto kong hindi na ako makakatulog ulit. Nagtataka nga ako kung
bakit hindi ako makabalik sa pagtulog kasi sa totoo lang, pagod na pagod ako.
Kami yung pinalinis sa gulo na iniwan ng ibang students sa venues.
Eto kasi si Iris! Plano ko pa naman sanang matulog ng mahimbing at magising
alas dose na ng tanghali.

Pero hindi. Nagising talaga ako hatinggabi.

Tumayo ako saka lumabas ng kwarto. Kumunot ang noo ko nang makita ang mga ilaw
na naka on pa rin.

Pero wala namang tao.

Maybe nakalimutan lang nilang i-flip yung switch.

Hmmm...

Pero teka.. hindi ba automatic ang dorm na'to?

Kinibit-balikat ko nalang ito tas dumiretso sa kusina para magtimpla ng tsaa.


Muntik ko nang mabitawan ang mug na dala ko dahil sa anino na gumagalaw mula sa
veranda.

Nakabukas ito ng kaunti kaya sumilip ako.

"Did I wake you up?" tanong ng lalaking nakatalikod sa'kin.


Napangiti ako saka dahan-dahang lumabas. Nakarinig ako ng tunog ng kidlat kaya
napatingin ako. Kasalukuyang namumuo ang isang thunderstorm sa dulo ng gubat.

"Nope." umiling ako saka pinatong ang tsaa sa marble ledge


ng veranda.
Napanganga ako sa storm na nasa harap ko. May kalayuan rin ito pero dinig na
dinig ko ang tunog ng kuryente sa tuwing bumababa ito sa lupa.

"Alam mo bang takot ako sa thunderstorms?" sinira ko ang katahimikan.

"You don't have to be afraid of that." tinuro niya ang bahagi kung saan may
maitim at makapal na ulap.

"Talaga? Why?" tanong ko.

"you're a daughter of Aphrodite. Thunderstorms should be the last thing you are
scared of." narinig kong sagot niya.

"and besides..." huminga siya ng malalim. "they're beautiful."

"Okay alam kong behind that phrase is a very inspirational meaning. Pero
karamihan ng mga tao natatakot sa ganyan..." tinutukoy ko yung ingay at hitsura ng
storm.

At isa ako sa mga taong 'yan. Kahit anong gawin niyo takot pa rin talaga ako sa
mga thunderstorms. Magtatago talaga ako sa ilalim ng tatlong layers ng kumot pag
may dumadaan na kidlat.
"It does look scary from here.." tumango siya. "but it only looks scary from
here."

Nag abot ang kilay ko. "huh? anong ibig mong sabihin?"

Tinignan niya ako ng pangmatagalan.


Hindi ko mabasa kung ano yung iniisip niya pero nahahalata ko ang excitement sa
mga mata niya. Nagulat nalang ako nang nag-iba ang kulay ng mga ito.

"wanna know why I think it's beautiful?" bigla akong kinabahan sa tanong niya.

"Trev ah- hindi ko gusto yang sinasabi mo." bumalik sa normal nilang kulay ang
mga mata niya. Halatang na disappointed siya sa sagot ko.

"It's okay if you don't want to.." yumuko siya na parang bata na di pinalaro sa
playground.

"hindi ko gusto pero... hindi ko naman sinabing hindi ako go sa kung ano man
yang balak mo." nginitian ko siya.
And with that, nakita ko ang namumuong ngiti niya. Kasabay nito ang pag-iba
ulit ng mga mata niya.

"here.. hold my hand and don't shout. You might wake the others. " nilahad niya
ang kamay niya.

Nagdadalawang-isip ako pero sa huli, tinanggap ko naman ito.

Unti-unti kong nararamdaman ang hangin na pumapaligid sa'kin. Medyo gentle lang
siya, hindi harsh. Within seconds, nakita ko nalang ang sarili ko na lumulutang sa
ere hawak-hawak ang kamay niya.

"wag mong sabihin-" nanlaki ang mga mata ko nang patungo kami sa direksyon ng
storm.

"don't worry it will not hurt you." aniya at hinigpitan ang paghawak sa kamay
ko.

"paano mo naman nasabi yan?" napalunok ako nang nasa harap na namin ang
tinutukoy kong phobia.

"because this is my storm... and I will never hurt you."


Hinila niya ako papalapit dito. Eh ako naman, nakapikit lang. Napapasingap nga
ako pag may naririnig akong kidlat.

Naramdaman ko nalang na tumigil na kami.

"open your eyes now.." bulong niya sa'kin.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Napasingap na naman ako. Pero this
time, hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa ganda.

"we're at the center." aniya.


Totoong nasa gitna nga kami. Sa itaas namin ay ang nag-iisang butas kung saan
nakakalusot ang liwanag mula sa buwan.
Tinignan ko ang paligid namin kaya napabitaw ako sa kanya.

"careful." binitawan naman niya ako at hinayaan akong mamangha sa nakikita ko.
May nakita akong iilang packs ng kidlat na pinapalibutan kaming dalawa. Out of
curiousity, sinubukan kong hawakan ito.

Imbes na makuryente, nagulat ako nang naging kulay violet ang mga kidlat.

Naalala ko kaagad ang ginawa niya noon sa clinic.

"I told you there's something with the both of us."


Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. There's something with the both of us pala
ha?
May mga violet glitters na lumalabas sa bahagi ng katawan kong tinatamaan ng
lightning. Aside from that, nagiging violet talaga sila.

Pero seryoso. Bakit ganito ang reaction ng abilities niya pagdating sa'kin?

"Alam mo. Tama ka." nakangiti akong bumalik sa kanya. "Ang ganda nga."

"Everything has beauty Cesia. Others may not see it. But the right ones will."
natouch ako ng kaunti sa sinabi niya.

Nagtaka ako kung bakit naging violet rin yung pananaw ko. And then I realized
na dahil ito sa katawan kong nagliliwanag. Tinignan ko ang mga kamay kong
pinapalibutan ng violet rays.

"You're reacting with the storm. It's one of your empathic abilities."
pagbibigay-alam niya.
Nakatingin siya sa likod ko kaya napalingon rin ako. Napanganga ako. Ang storm
na nuoy pure lightbolts lang, nadagdagan na ng purple sparks mula sa taas.

"Ang ganda..." napasabi ako sa sarili ko. Parang maliliit na violet snowflakes
ang bumabagsak.

"you made it even more beautiful." dugtong niya.

"but we should go now. It's already late." Napapout ako sa sinabi niya.

"you don't want to go back?" tanong niya.

Umiling ako dahilan na marinig ko ang tawa niya. "cute." aniya saka ginulo ang
buhok ko.

"you've had enough though. I'm serious now." bumalik ang pagiging seryoso niya.

Nagsigh nalang ako at tumango. Tumango rin siya as a response. Tinaas niya ang
kamay niya at nakita ko kung paano bumalik ang storm sa katawan niya kasabay ang
pagliliwanag nito.

Nawala na rin ang violet glow ko nung nawala na yung storm. Nakakalungkot
naman. Gusto ko pang maranasan ulit yun. Ang sarap sa pakiramdam. Parang lumalakas
yung abilities ko.

Pwede kaya yun?


Bumalik na kami sa dorm. Alam kong pagod na siya kaya nag suggest ako na
matulog na kami.

Sumang-ayon naman siya.

"Goodnight." paalam ko sa kanya.

Hindi siya nag reply at pumasok na sa kwarto niya. Hmm. Ang sungit pa rin.
Pumasok na ako sa kwarto ko at napasandal sa pinto.

tinawag niya pa rin akong 'cute'!

Ewan pero nahype ako sa gabing 'to. Feel ko nga hindi-hindi na talaga ako
makakatulog.

Gods. Anong nangyayari sa'kin.

Bumagsak ako sa higaan at agad niyakap ang isa sa mga unan ko.

"Cesia, a master has wished you a good night." narinig kong sabi ng bahay.

Kinagat ko ang unan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Galatea II

Jamie's POV
Finally. Nag ring na yung bell!
May free time na naman kami. Nag suggest si Cesia na gamitin ko yung spare time
ko sa pag t-training. Inalok ko nga si Sebastian kaso busy daw siya eh.
Bumalik muna ako sa dorm para magpalit ng damit at kunin yung staff ko.
Weapon pala. Saka dumiretso na sa training room.
Napatigil ako nang makita ang isang anyo na naglalakad sa gitna ng room. Akala
ko pa naman walang tao dito.
Sinigkit ko ang mga mata ko para makita kung sino ito. "Dio?" tinawag ko ang
pangalan niya.
Pinapalibutan siya ng iilang bala ng baril. Lahat ng bala ay gawa sa ginto.
Tumigil naman siya tas nilingon ako pagkatapos marinig ang pangalan niya.
Biglang nag disperse ang mga bala kaya naging gold liquid na ito.
Naglakad ako sa gitna pagkatapos niya akong sinenyasan na pumunta sa kanya.
Tinitignan ko lang siya habang ginagamit yung kumikinang na ginto.

Ginto...
"weapon mo?" tanong ko sa kanya.
"where's yours?" tumigil ang mga mata niya sa bitbit kong staff.
Hinagis ko yung staff sa taas. Agad lumitaw ang chain ng staff ko na
nakakonekta sa kamay ko. Kasabay nito ang pagbagsak ng labrys sa ko.

"Niceeee.." tumatango-tango siya.


Alam ko na kung paano i-activate ang weapon ko. Noon, nagiging labrys lang ito
pag may nasesense itong panganib.
Tinuruan ako ni Kara kung paano kontrolin yung labrys. Nakuha ko naman kaagad ang
mga instructions niya.
Sabi pa nga niya dapat ako yung nagtuturo kung paano gamitin ang weapons nila.
Hindi siya dahil ako daw yung anak ng Master of Weaponries dito.
Nagtaka ako kung bakit siya umatras.

Nakaramdam ako ng hapdi sa may balikat ko kaya napatingin ako at nakita ang t-
shirt ko na may butas na. Sa ilalim nito ang balat kong napaso dahil sa weapon
niya.
Hmm...

Inangat ko ang ulo ko para makita siyang nakangiti. Proud ata kasi nagawa
niyang sugatan ako.

Hinahamon nga niya ako.

Napaatras ako dahil sa ginawa niya. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa labrys.
Nag anyong bala ulit yung weapon niya. Kaya napagod ako kakadepensa gamit ang
weapon ko. May nahati nga akong ilan. Tas yung isang bala na di ko nabigyan ng
atensyon.
Buti nalang, kusang gumalaw yung chain na siyang nag deflect ng bala.
"Akala ko ba wala ka pang training?" tanong niya.
"Wala nga. Mas worse pa sa training ang naranasan ko." sagot ko habang inaalala
ang first encounter ko sa mga hybrids.
Napailing ako. Puta. Di ko nga alam kung paano ko naligtas ang sarili ko.
Di ako binigyan ng oras na makapag training... Akala ko mamamatay na ako.
Hinagis ko ang labrys sa kanya. Madali naman siyang nakailag saka siya ngumiti
"it missed."
Napangiti rin ako "talaga?" umikot yung labrys sa paa niya saka ko hinila ang
kadena dahilan na mapatumba siya. Bumagsak rin sa sahig ang weapon niya.
Bago pa ako makapunta sa kanya, nagawa niyang kumawala mula sa chains saka
ginamit ang weapon niya para maibalik ako sa dating kinatatayuan ko.

Mayamaya, nag c-clash na yung weapon namin kasabay sa ritmo


nito ang pisikal naming paglalaban.
Sinipa ko kasi yung kamay na ginagamit niya sa malatubig na ginto saka tinuhod
ang sikmura niya.
Nakita ko ang dugo na lumalabas mula sa bibig niya kaya napatigil ako. "okay ka
lang ba?"
Imbes na sumagot, sinikad niya ang paa ko. Narinig ko ang tunog na nanggaling
dito kaya napasigaw ako.

Tumayo si Dio at pinunasan ang dugo na umabot sa pisngi niya. "looks like I
broke your ankle."
Tinignan niya ako. "and your arm too."

Tangina. Namali yung bagsak ko kaya natukod ko yung kamay ko. Pinakalakas ang
impact na natamo ng braso ko since nandito lahat ng bigat ko at ng labrys. Namamaga
na nga ito.

Napangiwi ako sa sakit.

HAYOP KA TALAGA DIO.


•••
"One twisted ankle and a broken arm." ani Doc habang nagsusulat sa board niya.
"Grabe naman." napailing si Cesia habang nakikinig sa kanya.
"She should be good to go. Her body was able to heal itself quicker than I
expected." nakangiting sambit ni Doc.
Nakahiga ako ngayon sa clinic. Dinala kasi ako ni Dio dito pagkatapos ng
nangyari. Pero umalis rin siya kaagad kasi may nag summon sa kanya.

Nakatulog nga ako sandali pagkatapos inumin yung ambrosia. Nagising nalang ako
sa boses ni Cesia.
Nawala na rin yung injuries ko. Saka, sabi ni Doc di ko na kailangang mag undergo
ng surgery.
"Her body is so fast in recovering I actually took a blood sample and
discovered that she is a descendant of Iaso, worshipped as the goddess of
recovery." tinignan niya ako.
Descendant rin ako ng isang goddess? "pero imposible po yun. Mortal po yung
nanay ko. Tatay ko lang yung God... I think.." kasi wala siyang sinabi sa'kin.
"your mother may have not known. It was your grandmother who is a daughter of
the goddess. Iaso's blood is thicker in your veins since you're a demigod." sagot
niya.
Si Lola... Binibisita namin siya dati sa dating bahay nila mama. Ang healthy pa
nga niyang tignan.
Ewan ko kung anong nangyari pero paglipas ng ilang linggo, narinig nalang namin
na natagpuan siyang patay sa bahay. Inatake daw sa puso.
Naalala ko ang pagkamatay ni mama. Di kaya pinatay rin siya?

Nakaramdam ako ng lungkot.


"Your grandmother is actually... a friend of Theosese."
At magkakilala rin pala sila.
•••
"So anong pakiramdam?" biglaang tanong ni Cesia. Magkatabi kami dito sa higaan
niya.
Yeps. Dito ako sa kwarto niya matutulog. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ni
Cesia na lumipat ako sa ibang room. Wala raw siyang kasama pag may akyat-kwarto
gang.
"Di naman masakit eh-"
"No. Ano yung naramdaman mo nung sinabi ni Doc na descendant ka rin ng isang
goddess?" nagulat ako sa tanong niya.
"A-ano..." umupo ako. "Masaya... obvious naman siguro yung reasons. Na
nadagdagan pa yung abilities ko kahit minor lang... etc."
Umupo rin siya. Nakasubsob ang mukha sa tuhod niya.
"pero malungkot..." dagdag ko.
"Why?" tinignan niya ako.
"Namatay silang dalawa. Feel ko ako yung susunod. Yung para bang sinusumpa ako.
Hula ko may pumatay sa lola ko... tas nanay ko rin... kahit descendants sila ng
goddess of recovery, di pa rin nila kinayang irecover ang sarili nila mula sa
kapahamakan." sagot ko. "baka ako rin..."
Napadako ang mga mata ko sa maliit na statue na nakatayo sa vanity table ni
Cesia. Tinuro ko ito at tinanong kung saan galing 'yan.
Kinuha niya ito para suriin naming dalawa.
"Galing daw sa mama ko. Hindi ko alam kung anong nagagawa ng statue na'to."
inabot niya sa'kin ito.
Hmm. May butas ang tenga, ilong at bibig ng babae. Tahimik lang ako habang
tinitignan bawat sulok ng sculpture.
"So ano sa tingin mo?"
Carved pati ang mga ugat sa kamay... yung iris din ng mga mata niya.
"Magsalita ka naman jan." kinuha niya yung statue mula sa kamay ko.
"Hmmm... may print yung balat niya. Para siyang totoong tao na pinaliit at
ginawang sculpture." natatawa kong sabi.
Nagulat nalang ako ng tinapon ni Cesia yung sculpture ng babae.
"ba't mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ako ang may gawa nun..."
Nagtinginan kami. Sabay naming sinilip ang statue sa baba ng kama niya at
napasinghap nang nakita namin ang maliit na babae habang pinapagpag ang sarili
niya. Umakyat rin siya at pumatong sa unan ni Cesia.
"S-sino ka?" nangangambang tanong ni Cesia.
"I'm Galatea. Galatea the second. A statue made alive by Aphrodite." sagot
niya. "You ordered me to speak right?"
Akala niya siguro siya yung inutusan ni Cesia na magsalita.
Naglakad siya papalapit sa'min. Okay. Nagsasalita nga siya. Syempre eh lahat
ata ng imposible sa mundong 'to pwedeng mangyayari. Ba't naman ako magugulat?
"Do you even know the story of Galatea right? A statue given life because the
goddess of love took pity on the sculptor who fell inlove with his own sculpture?"
nakapameywang niyang tanong.
Umiling kami.
Mayamaya, nakita ko nalang ang sarili ko na napahikab nang natapos na ang
kwento ni Galatea.
"so that is the myth of Pygmalion and Gala...zzzzz...." hindi na natapos ni
Galatea the second ang finale line niya.
Napangiti nalang kaming dalawa ni Cesia. Aaka namin ginawan ng maliit na higaan
sa Galatea sa mesang katabi ng kama.
"Hmm.. ang galing pala ng nanay mo." puna ko habang naghahanap ng komportableng
posisyon para tuluyan na ngang makaidlip.
Hindi ako nakarinig ng sagot mula kay Cesia kaya natulog na rin ako.
Yung kwento nila... ay imposible. Pero naging posible dahil sa matinding
pagmamahal ni Pygmalion kay Galatea.

May mga love stories rin kayang ganyan hanggang ngayon?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Tragic Sense

Cesia's POV
Napagdesisyunan namin na mag-order nalang ng pagkain since wala kaming class
the whole day. May fieldtrip kasi yung Beta at Gamma.

Every year daw nagkakaroon ng field trip maliban nalang sa Alphas. Hindi daw
kami pwedeng lumabas sa campus knowing na may naghuhunt sa'min na hybrids.

Tinatawag na namin 'tong 'Lazy Day'.

Hmm pero 'lazy day' naman talaga ang mga araw namin dito simula nung naging
busy ang mga tao. Psh.
Ilang minuto ang lumipas at nakalahad na sa harap naming lahat ang maraming
pagkain. Umupo kami habang naguusap-usap.

"No one told me Jamie was good at fighting." ani Dio habang si Jamie naman,
nakataas lang yung isang kilay.

Napangiti ako kasi naalala ko yung nangyari sa training ni Jamie. Sinabihan


lang ako ni Dio na samahan si Jamie sa clinic hanggang sa gumising siya.

Pagdating ko, alalang alala ko pa yung kalagayan niya. Nagalit nga ako saglit
kay Dio.
Ang harsh naman niya kasi!
Bago pa nga si Jamie dito tas madadatnan ko nalang siya sa clinic na ganun yung
kalagayan niya?

"why?" tanong ni Ria.

"I helped her train yesterday." pagkatapos masabi ni Dio ang phrase na yun,
napatigil ako sa pag kain dahil may naramdaman ako.

Inangat ko ang ulo ko at tinignan ang dalawa na nakayuko.


So sa kanila galing ang nararamdaman ko ngayon?

"She almost beat me. Almost." natatawa si Dio habang kumakain.

Tinignan ko ang katabi ko na mahigpit ang paghawak sa kutsara niya.

"Yun ba ang dahilan kung bakit umuwi si Jamie sa clinic at hindi sa dorm
pagkatapos ng training niyo?" inis na tanong ni Ria.

Ako lang ba or kumikinang yung kutsara na nasa kamay ni Sebastian? Siya nga
yung katabi ko and trust me, nakakawala ng gana ang nilalabas niya ngayong energy.

Lalo na 'tong babaeng katapat ko na tahimik lang na kumakain.

Umurog ako ng konti kay Sebastian. "Don't worry. Hindi lang ikaw ang nababad
vibes dito." bulong ko sa kanya saka ngumuso kay Kara.

Napatingin siya kay Kara na binigyan kami ng matatalim na tingin. Then, nakita
ko nalang na ngumiti siya saka tumango.

"Pero okay naman eh." tinignan ko sila.


"dahil sa ginawa ni Dio. Napag-alaman naming descendant pala si Jamie ni Iaso,
goddess of recovery!" masaya kong sambit.

Narinig ko ang mga 'woahs' at 'wows' nila. Napangiti rin si Jamie saka tumango
nang nasa kanya na ang mga mata naming lahat.

"really?" namamanghang tanong ni Sebastian. His voice with a hint of pride.


"Mmm... yun ang sabi ni Doc. Ang bilis kasing maghilom ng mga sugat niya."
dagdag ko.

Biglang tumayo si Art kaya natahimik kami. Dumiretso siya papalabas ng dorm.

"where are you going?" tumayo si Kara.

"Namiss ko na kasi si blobblebutt eh... bibisitahin ko lang siya. Sama kayo?"


nakangiti niyang sagot.

Although napansin ko, parang nag-iba na si Art ngayon. Lalong-lalo na yung


ngiti niya. Hindi na kasing brilliant noon.

Hindi ko rin siya ma gets minsan. Bigla nalang siyang


bubulong sa sarili niya.

"That would be cool!" tumayo si Chase at nawala na sa pwesto niya. Bumalik siya
na nakabihis after a minute.

So yun nga. Nag agree kaming lahat na sumama sa training ni Blobblebutt.


"Kara, nga pala... wait." tumakbo ako sa kwarto ko saka kinuha ang libro na
binigay ni prof.

"alam kong na memorize mo na lahat ng contents pero gusto ko lang ibigay sa'yo
ito. Baka kasi may makita ka pang clues jan or what so ever." inabot ko sa kanya
yung libro na agad naman niyang tinanggap. "you can do anything with it."

Sabay kaming pumunta sa field kung saan natagpuan namin si Art na umiiyak. May
malaking cut siya sa braso niya.

"anong nangyari?" lumuhod si Ria para tulungan si Art.

Humagulgol pa siya ng iyak saka tinuro si Blobblebutt na nakatayo sa kabilang


bahagi ng field. Susugurin na sana ni Cal yung griffin pero pinigilan ko siya.

Ako yung lumapit kay blobblebutt while busy sila kay Art.

"hey there..." sinubukan kong pakalmahin siya. Nakatalikod siya sa'kin na tila
ayaw niya akong makita kaya nagtaka ako.

Or may tinatago siya mula sa'kin?

"naririnig mo ba ako?" alam kong naririnig niya ako. Kailangan ko lang ng sagot
pero wala pa rin.

"bakit mo siya sinaktan?" tanong ko sa kanya. Umiling-iling lang siya.

Sa pagkakatanda ko, pinoprotektahan niya si Art hindi sinasaktan.

"humarap ka dito..." yumuko siya saka umiling ulit.


Napasigh ako.
"I said face me." konting push lang ng ability ko at dahan-dahan na siyang
humarap sa'kin.

"why-" napasinghap ako dahil bigla nalang niyang nilapit ang mukha niya sa'kin
saka yumuko.

"hey..." hinimas-himas ko yung ulo niya.

Naramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa paa ko kaya napatingin ako.

"umiiyak ka ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Inangat niya ang kanyang ulo.

Umiiyak nga siya.

Hinawakan ko ang pisngi niya at sinubukang basahin ang mga mata niya.
Gumawa ako ng koneksyon sa weakness niya...
Ngunit nagtaka lamang ako dahil ang tanging nababasa ko lang, ay nasasaktan
siya para kay Art. Hindi niya kayang harapin ang master niya.
"Bakit?" kumurap-kurap ako.
"sagutin mo'ko." nanghina ang aking boses.

Napaatras ako.

Kapag nagluluksa ang isang nilalang katulad niya..


Ibig sabihin may mangyayaring masama sa nagmamay-ari sa kanya...

"Imposible ang iniisip mo." lumapit ako sa kanya.

"Mali ang iniisip mo bloblebutt." binigyan ko siya ng malungkot na ngiti saka


napailing. "hindi mawawala si Art."

Kaso... lumaki siya sa mga kamay ni Apollo. Pinanganak siya para magkaroon ng
espesyal na connection kay Art.

"Hindi..." kumunot ang noo ko.

Pero umiling siya. Pinaninindigan niya ang nasa isip niya.

Natawa ako. Hindi naman siguro mawawala si Art kung walang...

dahilan.

"takot kang lumapit sa kanya kasi alam mong mawawala siya?" sinubukan kong
isteady ang pag hinga ko.
Naiiyak ako. Kasi totoo ang sakit na dinaramdam niya.

Nararamdaman ko lahat.

At wala akong nahanap na pag-asa sa lungkot niya.

"kaya mo ba siya sinaktan kasi... nasasaktan ka rin sa tuwing nakikita mo


siya?" kung anu-ano nang lumalabas sa isip ko.
Naguguluhan na ako. Unti-unti akong nadala sa matinding lungkot na nararamdaman
niya.

Tinignan niya ako at napayuko.

The creature is already mourning as if may nawala na sa kanya.

Kahit anong gamit ko sa ability ko di ko pa rin napatahan si Blobblebutt kaya


iniwan ko na siya at dumiretso sa kanila.

"Sa tingin ko... may sakit siya kaya ayaw niyang lumapit si Art sa kanya." sabi
ko sa kanila.
"Hindi totoo 'yan." naiiyak na sagot ni Art.

Napatigil ako at napatingin sa kanya.

Alam niya ba ang mangyayari sa kanya?

"we'll just get bloblebutt checked... and you too." sambit ni Kara.
Hindi pa rin matanggal ang mga mata ko kay Art.
Ano bang hindi mo sinasabi sa'min Art...

"Una na'ko." tumalikod kaagad ako saka nagmamadaling naglakad pabalik sa dorm.

Nasa corridor ako nang nakaramdam akong may humila sa'kin.

"are you crying?" nag-aalala niyang tanong.

"tell me." humarap ako sa kanya. "What is the possibility na alam ng isang
nilalang na mamamatay ang master niya?"
Kumunot ang kanyang noo bago siya sumagot. "it is possible... especially if
that creature is born to serve that person until one of them meets death."

Napahawak ako sa dibdib ko.

Tuluyan na ngang bumigat ang pakiramdam ko.

"H-hey.. are you okay?" inalalayan niya ako.

Umiling ako.

Pagkatapos, natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak sa harap niya.

Ayokong may mawala sa'min...

"N-natatakot ako Trev..." tinignan ko siya na luhaan ang mga mata.


Napalunok ako. "Natatakot ako... na balang araw.. balang araw may mawawala
sa'tin. Ayokong mangyari 'yon.."

Naging seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha.


Tinignan niya ako sandali at sa laking gulat ko, niyakap niya ako.

"I'll do my best to protect you." bulong niya.

"To protect all of you."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Behind the Silence

Cesia's POV
"Namamaga yung mga mata mo." bumaba si Galatea saka tumabi sa'kin.

Nakatitig lang ako sa salamin. Tinitignan ko lang kung okay nga ba ako. Inalok
nila akong sumama sa kanila para mag spa.
Sinabihan ko naman sila na susunod lang ako. Gusto ko pa kasing isubsob yung
mukha ko sa unan.

Pero feeling ko mas gagaan yung pakiramdam ko pag makakarelax ako.

Kahit ng konti.

"Can I go with you?" tanong niya.


Katatapos ko lang magbihis. Tumango ako saka siya umakyat sa balikat ko.

Nagtungo na kami sa spa. Ramdam ko yung mga titig nila. Ewan ko nga kung
nakatitig ba sila sa'kin or kay galatea na nag huhumm habang nakaupo.

"I'm excited to meet the girls." pumalakpak siya "will they like me too?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Parang ako lang nung first day ko dito. Excited
akong makita kung sino yung mga kahousemates ko.

"I'm sure magugustuhan ka nila Galatea." nakangiti kong sagot.


"You wouldn't know but I'm blushing right now." aniya sabay yakap sa pisngi ko.
Hmm. Totoo nga yung sinasabi niya. Naramdaman ko kasi yung init sa mukha niya.

Pumasok na kami sa spa. Nanghiram kami ng maliit na towel para kay Galatea.
This is a girl's spa afterall. Tas sabi niya gusto daw niyang maranasan ang mag
spa.

"You really came." narinig kong sabi ni Ria.

Sinalubong ako ng usok mula sa steam ng jacuzzi kaya agad akong umupo katabi ni
Kara.

As usual, wala na naman si Art.

"U-umm.." tinignan ko sila na nakatingin rin sa'kin. Magtatanong na sana ako


kung anong meron nang namalayan kong nandito pala si Galatea.

"Ahh.. Galatea meet Ria and Kara. Ria and Kara, meet Galatea. I'm sure kilala
mo na yang si Jamie." nagnod ako sa direksyon nila.

Agad kinuha ni Ria si Galatea para suriin ito. "Galatea? like the story?"
namamangha niyang tanong.

"Yes. I am Lady Cesia's personal assistant. I will do whatever as told." aniya


saka kumawala mula sa kamay ni Ria at bumalik ulit sa pwesto niya.

"I heard the Olympians are busy right now." sambit ni Kara. "the Academy too."
Napansin nga naming lahat na may nag-iba sa school na'to. Lalong-lalo na ang
mga staff.
Substitutes nalang ang nakikita namin palagi na nagtuturo sa mga classes.

"Nakakawalang gana ang aura dito." puna ni Ria. "We should confront them
anytime soon and ask about what's happening."

Tumango ako saka tinignan si Jamie na nakakunot ang noo. Nakatitig siya sa
tubig.

"Sa'n ba galing ang supply ng tubig dito sa Academy?" curious niyang tanong.

Umaandar na naman ang pagiging father-like niya kaya napangiti ako tas
napailing.

"No one knows how this school works, hon." sagot ni Ria.

Mukhang si Jamie ang ace ng Academy pagdating sa physical structures at kung


anu-ano pa.

Lahat naman talaga kami mga aces ng school na'to.


Natapos ang spa at naramdaman ko na nabawasan nga ang bigat
ng katawan ko. Pero yun pa rin.
"Cesia. Can I borrow your assistant for a night?" nagulat ako sa tanong niya
pero tumango naman ako.

Tinignan ko si Galatea na nakatingin sa'kin. Tila naghihintay sa signal ko.

"Galatea. Simula ngayon, magiging personal assistant ka na ng Alphas." utos ko


sa kanya. Nag bow siya at sumakay kay Kara na dumiretso sa room niya.

Pumunta ako sa harap ng kwarto ni Art at sinubukang buksan ito. Alam kong
natutulog siya. Gusto ko lang sanang kausapin siya.. kumustahin...

Namiss ko na si Art.

Napagtanto kong hindi na nga ako makakapasok sa kwarto niya kaya lumabas nalang
ako sa veranda para magpahangin.

"Are you still not okay?" sumulpot ang dalawa mula sa likod ko.
May dalang staff si Jamie. Nasa kamay naman ni Ria ang pinakapaborito niyang
espada.

Nginitian ko sila. "training?"

Tumango si Ria. "Yeah. I will be training her. You want to watch?" aya niya.

Ayokong mag mukmok sa kwarto kaya sumama nalang ako sa kanila.

Napa sigh ako.

Kara's POV
"you said you do what you are told to right?" I asked her again reminiscing her
introduction an hour ago.

I was thinking of someone that can help me with this. Someone that no one can
easily notice.

She sat at the edge of my bed nodding while swinging her legs. Kung totoo ang
sinasabi niya, then she will be perfect for this task. Okay lang sa'kin na ako ang
gagawa nito. But I do not want that guy to follow me again.

"Are you good at playing hide and seek?" I asked her.

"very good." she gave me a thumbs up.

"I want you to sneak in a private place." I told her. She is a good listener
too. Mabuti naman.
I grabbed her and pointed that particular part of the forest through the
window. "you see that spot?"

Tumango siya.

"I want you to go there. You will find a cave filled with people. I want you to
listen to what they are talking about and report it to me." I was direct at making
commands because I am fast at making decisions. Although, I have my own flaws.
Minsan hindi ko nababasa ko yung sarili kong utak.
Kusa nalang siyang gumagawa ng mga desisyon. Selfish decisions. Because what
the mind wants is different with what the heart wants.

But I know I can trust my brain. That's what kept me alive and ready to fight.
So far, the hardest thing for me to fight is my own heart. There will always be
a war between my thoughts and my feelings.

They can't synchronize like they should.

Maybe that's what I get for being a daughter of Athena.

"on it." to my surprise, Galatea actually jumped over the window.


Hours after staring at nothing, I found myself having dinner with the boys.

"She really is serious with her training." Dio remarked.

Tsk. You were serious with your training yesterday too.

It's already night time and they're not done yet.

"Sorry we're late." nevermind. Nandito na sila. Judging by their looks, they
went through a lot during the training.
The three of them proceeded to sit down and eat. They didn't even notice we
were staring at them. They must be tired.

I stood up and excused myself.

I sat down and started reading the book. It still has the same thing written on
it. I scanned the pages and noticed that the same paper is used in making the sub
silentio.

Could it be possible... that the author of the books are one?

My brows met trying to recall the map... the book...

Theosese.

Who are you?

All I know is that he is one of the demigods who helped establish this school.
He is once the head of the Academy before. But he just disappeared.

I need to collect more info about that guy.

If the same paper is used then that means this book is also encrypted with
hidden messages.
"is Jamie in Cesia's room?"
"yes Lady Kara."
"summon her."
I closed the book when someone knocked the door. I opened it and let her
inside.
I handed her the book. "this contains data. I want you to read it. Including
the hidden pages. You can ask Trev for help. But don't tell anyone you have this
book."
except Cesia, of course.

She was shocked but she quickly responded with a nod.

I gave it to her because her curiousity is never swayed. I know she will not
just read it but also act. And the fact that the author of the book is a son of
Hephaestus.

No one dared to tell her who her deity is.

But she gets it now.

I love how she looked going back and forth the library since the day her sister
visited.

"yun lang ba?" she asked.

"Yes. Thank you." I opened the door for her.

•••

"Lady Kara?" I heard a voice.


I slowly opened my eyes and saw Galatea a standing beside me. I sat down and
looked at the clock.

3:15...

"what did you get?"


"Everything that they talked revolves around a prophecy. It seems like may
nagbigay na propesiya regarding the mortals and half-bloods... and this mythical
world." she answered.

So that is what they are hiding from us?

"It is a prophecy given from the mother of the Gods." she sat down and faced
me.

"Rhea?"

she nodded.

"tell me about this prophecy."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Three Prophecies

Dio's POV
"You will have to train harder." I eyed the aurai who is currently standing in
front of us. Siya ang pumalit kay Sir Rio sa ngayon.

We all brought our weapons with us since Sir informed us that we will train the
whole day. Para makabawi daw kami sa mga absences namin.
Siguro napansin niya rin na panay na ang pagtatambay namin sa dorm.

Kanina pa kami nagmala action movie dito.


We haven't eaten since breakfast. She didn't give us breaks too. Kasali daw
'yon sa instructions na ibinigay ni Sir sa kanya.

Isang dagger ang bumagsak sa paanan ko.

Tinignan ko ang babaeng nakatingin sa'kin bitbit ang shield niya.

Kinuha ko ito saka binigay sa kanya. Tumango naman siya bago bumalik sa dati
niyang kinatatayuan.

Suddenly, I was thrown at the wall.

Naramdaman ko kaagad ang impact nito dahilan na mapayuko ako pagbagsak ko sa


sahig. I gasped for air and when I tried to breathe, my lungs would burst with
pain.

Sa tingin ko may nafracture nga ako.

"Son of Poseidon. Don't get distracted while fighting." puna ng aurai.

I hissed and immediately got back up.


Kanina pa nanginginig yung tuhod ko but I'm still determined to stand up as if
my whole body is not aching.

"Miss! Wala ba kaming break?" humihingal na tanong ni Chase.

"Your bones will if you keep complaining son of Hermes." inis niyang sagot.

Natumba na naman ako nang naramdaman ko ang matigas na kamao ng isang cyclope.
I just sighed and lied down. Wala na talaga akong planong bumangon.
Napagdesisyunan ko nang magpretend dead hanggang sa matapos na ang training na'to.

This is exhausting.

I'm tired.

Napansin ko si Trev na nakaupo at nakasandal kaya tumabi rin ako sa kanya.

Dalawang lalaki lang ang present sa gitna since Cal is in the clinic
accompanying Art. Who, unfortunately, ay nawalan na naman ng malay kaninang umaga.
I felt bad for the guy.

"Manonood ka lang ba?" I asked him.

He just nodded and proceeded to watch... particularly the girl who is smiling
while randomly moving enemies our of her way.

She seems to be having fun with Ria and Jamie na nakangiti rin. Nagawa pa
talaga nilang magkaroon ng humor kahit lumalaban.

Girls will always be girls.


"Cesia is pretty."

I suddenly felt tension when he gave me a glare kaya natawa ako. But I halted
when my lungs throbbed painfully.

Tsk.

I let out air and continued to watch the girls. Halatang pagod na sila. But
they still managed to talk their way out of the exhaustion.

Cesia got my attention though. No malice. Naalala ko lang kasi yung dati. Yung
una ko siyang nakita para kunan ng ID. She even got threatened.

That's why I tried my best to make her feel comfortable here. Ayokong magkaroon
siya ng bad impression.

And looking at her now, alam kong hindi lang ako ang nakapansin sa malaking
improvement niya.

If you were to look at her from afar, para siyang


sumasayaw.

She is the daughter of Aphrodite anyways.

"Gago ka Chase! Di ka marunong gumamit ng weapon mo!" narinig kong sigaw ni


Jamie nang muntik siyang matamaan sa weapon ni Chase.

Oh my. I think magkakaintindihan sila ni Chase sa mga ganito.

"Girl. I like you!" nag high five pa silang dalawa ni Ria.

"Sinong gago? Takte. Akala mo ba madali lang sa'kin to habang kayo tumatawa
jan." sagot ni Chase.

"Tangina edi huwaw." napailing si Jamie.

"Fuckyou."

I closed my eyes.

Nagsimula na kasi silang mag trashtalk. Mas worse nga 'to kasi andito na si
Jamie.

Naging uncomfortable ata ang aurai kaya finally, tinapos na niya ang training.
•••

"You need to call Cesia. We're having a meeting." narinig kong utos ni Kara.

I nodded and went to Cesia's room. Pagkatapos ng tatlong katok, lumabas na rin
siya.

"Umm... meeting?" tinignan niya ang set up namin.


"Yes. Why?" she became hesitant for a while.

"Naalala ko lang yung dati. Kinakabahan kasi ako sa tuwing may seryoso tayong
pag-uusapan." sagot niya.

Hmm... tumango ako. I think it is because of her abilities that she tends to
absorb the atmosphere.

Umupo kami saka naghintay na may magsalita. Kara was the one who broke the
silence.

"I think I know why the Academy is busy these days."

Nagulat ako nang may lumabas mula sa likod niya. Isang maliit na statue ng
babae. Pumatong siya sa balikat ni Cesia.
"Galatea the second given by Aphrodite as a gift ready to serve you my
masters." nag bow siya.

Ngayon lang ako nakakakita ng ganito. It really is true na nagagawang buhayin


ni Aphrodite ang isang statue.

"I found a cave in the forest where the staff held their meetings. They are
talking about a prophecy." dagdag niya.

Binigyan ko siya ng warning look. So she decided to go back nang wala ako? Tsk.

"I ordered Galatea to sneak in there." tinaasan niya ako ng kilay. Mukhang alam
niya ang iniisip ko.

I gave a sigh of relief.

"Binigay ito ni Rhea, the mother of the Gods. Apparently it has shaken the
realm of the immortals and mortals." She announced.

Of course it will shake the flow. Minsan lang nagbibigay ng prophecies ang
superior beings. Everything they say will greatly affect everyone.

"It was something about a revolution and a new era of Gods and Goddesses."
nakatayo ngayon si Galatea sa gitna.

Hmm. It is serious.

Umayos ako ng upo trying hard to listen and take in what they're saying.

"There are actually three prophecies. Rhea started giving a prophecy three
years ago and it all points to the same thought. That the reign of the Olympians is
going to end." She shrugged as if the information is not new to her.

"Three years?" kumunot ang noo ko. "Then how come ngayon lang natin nalaman ang
tungkol sa prophecies?"

Ganyan nalang ba kami katanga at hindi namin napansin na may tinatago pala ang
Academy mula sa'min?

Tinignan ko si Sebastian na nakatitig lang sa carpet.


We all had the same reaction as his.

Nagulat ako nang tumabi si Art kay Cesia dala-dala ang PPG Plushie niya. She's
still not her usual self pero lumalamang pa rin naman ang pagiging PPG addict niya.

"Ano kasi... may nakikita ako sa visions ko na.. kasama tayo sa prophecies..."
nagsalita si Art.

Natawa ako. So kasama pala kami sa mga prophecies.

THEN WHY THE HELL DID THE SCHOOL NOT TELL US.

"Sebastian? I heard you have the ability to foretell too?" tanong ni Kara kay
Sebastian.

"I didn't know that..." umiling si Sebastian saka tinignan ang kakambal niya.

"Hindi pa bumabalik ang abilities mo kasi hindi rin bumabalik ang memories mo."
seryosong sagot ni Art.

It makes me wonder what really happened to the both of them. Ang alam ko lang,
magkasama sila ni Cal pagdating dito sa Academy.

I remember asking her what happened pero tila wala rin siyang naaalala sa past
life niya bago mapunta dito sa Academy. She only speaks of how her twin saved her.

How did Sebastian save her though?

Setting that aside, tinuon ko nalang ang atensyon ko sa prophecies.

"We will pay a visit at the principal's office tomorrow and that's it." tumayo
na ako.

If they will not tell us something, then kami na mismo ang pupunta sa council.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Open Forum

Ria's POV
I kicked the door.
Naramdaman ko ang kamay ni Kara sa balikat ko kaya binigyan ko nalang siya ng
ngiti. "Oh no. I'm not mad. Sorry. Reflexes lang."

Inirapan ko sila saka pumasok sa loob. Giniba ko talaga yung pinto nila.

I am not mad you know.

I'm just furious.


Kung bakit ngayon lang kami may kaalaman sa mga nangyayari. We deserve to know
the truth. Hell. Lumaban nga kami para protektahan ang school na'to and all they do
is just keep secrets.
Wala naman talagang sekreto na hindi mabubulgar so here I am furiously walking
towards the glass panels.
"Hello principal." pumasok kami sa office niya.

At first nagulat siya pero agad kumalma ang expression niya as if she expected
this.

"sit down Ria." kusa akong napaupo.

Tsk. Just because she is a daughter of Aphrodite too doesn't mean she can
command us like that.

Yes she is. The last member of the previous Alphas. They were six? But all of
them died except her. Atleast that's what I heard.

"all of you.. sit down." following her command, natahimik kami habang
naghihintay sa mga susunod niyang salita.
Tumayo siya crossing her arms while facing us. Para kaming isang gang ng
students na papunta sa detention.

Huminga siya ng malalim. "what do you want to know?" tanong niya.

"The Prophecies." sagot ni Kara.


Nagbuntong-hininga siya. So she knew na ganito ang magiging reaction namin? The
why the fuck didn't someone tell us.

Malapit na ang end of the world at wala kaming kaalam-alam.

Chill Ria.

"where did it come from?" dagdag na tanong ni Dio.


"From The Last Elysian Oracle herself. An oracle of the supremes. You know
her?" tinignan niya kami isa-isa.

"She was the oracle that Kaye killed to obtain her powers. The oracle had been
giving us prophecies until her death. That is why we are in chaos right now. Huli
niyang prophecy ang ibinigay ni Rhea. She is dead and no one can explain what the
mother of the Gods is telling us... no one knows what we are supposed to do." sagot
niya.

Narinig ko na ang oracle na yan. An oracle from Elysium. Responsibilidad niya


ang tulungan ang mga heroes or nobles laban sa kasamaan. She uses her abilities of
light to prevent danger from happening.

And she is dead.

Naalala ko ang sinabi ni Kaye sa'min. The risks she took to become the elite.
May sinabi siyang oracle na pinatay niya.

So it was her.

"Hindi ba ito alam ng ibang mga oracles?" tanong ko.


Umiling siya and gave us a disappointed look. "The Elysian Oracle is the
highest ranking oracle. Even the council cannot reach half of her abilities. She is
again, dead. No one can retrieve her."
Bumalik siya sa desk niya saka umupo. She massaged her temples and looked at
us. Ngayon ko lang nahalata na pagod na siya. Her face looks... so off.

I was a little bit concerned but still, the fact remains na may tinago sila
mula sa'min.

"Mmm... alam niyo po bang kasali kami sa prophecies na yan?" Art tilted her
head.

Kumunot ang noo niya. "N-no..."

Ngumiti si Art "ngayon alam niyo na."


Natakot tuloy ako sa kanya. Alam kong may visions si Art na hindi niya
sinasabi. Pati ang connection namin sa prophecies.

She changed. Nanatili yung pagiging PPG Addict niya pero may nagbago talaga.

Napailing ako.

"We will send you to face the council. Prepare yourselves Alphas." kinuha niya
ang ilang files na nakapatong sa table at sinimulan na itong asikasuhin.

I heaved a sigh.

Lumabas na kami at umuwi sa dorm na tahimik. Alam kong iba-iba ang nasa isip
namin ngayon. So no one dared to say a word.
We each went to our own rooms. Pero bago pa ako makapasok sa kwarto ko,
kinalabit ako ni Cesia.

"Anak rin ni Aphrodite yung principal?" tanong niya.

"Yes. I'm sorry if it's late news to you." sagot ko.

Lumiwanag ang mga mata niya saka tumango. "Mm.. sabi ko na nga ba." she gave me
a subtle smile pagkatapos ay pumasok na sa kwarto niya.

Hindi kaya descendant rin ni Apollo itong si Cesia? Everytime na may news sa
kanya na supposed to be ay ikakagulat niya, ngumingiti lang siya tas tumatango na
para bang may alam na siya or di kaya yun din ang kutob niyang mangyayari.

Can she foretell too? or characteristics na yan ng isang anak ni Aphrodite.

They indeed have accurate instincts.

I am still worried though.

She almost looked like crying nang matapos na ang encounter nila ni
Blobblebutt.

Did Cesia see something?


I shrugged and proceeded to go inside.
Bumagsak ako sa higaan with my arms spread wide. Ang gulo-gulo na ng kwarto ko.

May naramdaman akong papel kaya kinuha ko ito.

Ito yung letter na binigay sa'kin ni Hermes na galing daw sa papa ko. Ito na
siguro ang huling mensahe ni Ares para sa'kin dahil alam kong hindi na siya
makakahanap ng oras para kausapin ako...

I took a deep breath bago binasa sa pangalawang pagkakataon ang nakasulat sa


papel.
'...at 1 am, we lost a soldier, a mother, a daughter, and a friend.'

It was the same letter na binigay ng comrade ni mama kay lola sa araw na 'yun.

How can I move on dad? kung ito lang ang pinapaalala mo sa'kin. Are you really
that heartless?

Do you want your daughter to hate you even more?

Natawa ako ng mahina tas tumayo. Kinuha ko ang nakaframe na military uniform at
binuksan ito. I was going to insert the letter nang may nahulog mula sa frame na
papel.
Pinulot ko ito at binasa ang nakasulat.

'May pupuntahan lang ako Ria. Wag kang mag-alala. Babalikan ko kayo. Sa araw na
lalakas kayo. Sa araw na iba na ang itatawag nila sa inyo. Babalik ako.'

Sino nama-

I paused when I remembered the only person who got a hold of this uniform. The
person who cried because she tried to wash it.

It was a long time ago pero bakit ngayon ko lang nabasa ang sulat na ito? Does
she still mean this?

May pupuntahan siya?

Napailing ako saka nilagay ang maliit na papel sa drawer.

Anong ibig niyang sabihin?

Lumabas ako at nadatnan si Cesia na nakikinig kay Kara sa kusina.


"Elysium is the place where heroes and the righteous stay to spend their
afterlife." narinig kong sabi niya.
"Everyone there lives a happy and blessed life because that's what they
deserve." sambit ko at umupo sa counter katabi si Cesia.

Kumuha ako ng grapes mula sa fruit salad nila.

"So wala na silang oracle dun?" tanong niya.


"Possibly." sagot niya.

"Hmm... Kaye really did mess things up." puna ko.


Hindi lang siya gumawa ng digmaan. Nakuha pa niyang guluhin ang natural flow ng
mundo.

"Pero paano kung... may hidden agenda pala siya?" nagulat kami sa tanong ni
Cesia.
"Paano kung intensyon niya talagang guluhin ang lahat?" tinignan niya kami.

I stared at her.

"Then why would she allow herself to get killed kung mas malaki pa naman ang
plano niya?" tanong ko.

She just nodded and gave us an "oo nga." pero binawi naman niya kaagad ito.

"Hmm.. sino nga bang may sabi na plano niya yun? What if ginamit lang siya sa
plano ng iba... ginawa siyang puppet?" tinignan niya ulit kami.
We just responded with confusing looks because we are confused. Seriously.

"Chill Cesia. Sa'n mo naman nakuha yan?" I gave her a nudge.

"May nagpakita sa'kin na anino ng babae. Madalas ko siyang naririnig. Ngayon ko


lang sinasabi sa inyo 'to kasi akala ko naghahallucinate lang ako noon." sagot
niya.

Nagtinginan kami ni Kara.

Kung totoo ang sinasabi niya.. then yung boses na naririnig ko... na biglang
sumusulpot sa isipan ko...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Training III

Jamie's POV
Ang busy ngayon ng iba kaya nagpadesisyunan kong gamitin ang oras para mag
training.
Kinibit balikat ko nalang ang nangyari sa mga nagdaang araw. Alam ko namang
seryoso yun eh pero wala talaga kaming magawa kundi maghintay kung kailan kami
pwedeng pumunta sa council.

Ayon kay Kara, yung council daw ay parang kulto. De. Joke lang.

Isang group of Oracles na pinili ng mga Olympians para gabayan ang mga mortals.

Dahil sa kanila, nananatiling tahimik at mapayapa ang pamumuhay ng mga demigods


at descendants ng Gods.

Lahat sila ay bulag pero ika nga, never underestimate them. Kaya nga nilang
makita yung future mo eh. Actually, sinadya nilang bulagin ang mga sarili nila
since they thought that the eyes only bring temptations.

Saka naniniwala rin sila na nakakatulong yung pagiging bulag nila sa prophetic
churva nila.

Meh.

Ang nakakuha lang naman talaga ng atensyon ko ang namatay na oracle. Hindi siya
miyembro pero isa siya sa mga tinitingala ng council.
Siya lang ang oracle na may kakayahang itranslate ang mga salita ng mga supreme
beings.

Hindi lang yan.

May kapangyarihan rin siya. Kaya niyang icontrol ang galaw ng liwanag. Para
siyang light bender ganun. Sa kanya rin nanggaling ang enerhiya ng Elysium.
At ngayong wala na siya, hindi namin maiimagine ang gulo sa Elysium ngayon.
Wala na ang liwanag nila.

Pati kami dito naapektohan rin.

"Hey... should we go now?" nagising ako mula sa malalim na pag-iisip.


Tumango ako at sinundan si Sebastian papunta sa training room. Siya ang
makakasama ko sa ngayon since occupied nga yung iba.
Tas gusto naman niya eh. Gusto niya raw akong makita na lumalakas. Kahit gawin
ko daw siyang punching bag okay lang as long as nakakatulong yun para sa
enhancement ng abilities ko.

Ang sweet diba?

Pero wala pa rin. Kung sabi niya pwede ko siyang gawing punching bag edi
gagawin ko.

Di dahil para sa 'enhancement' ng abilities ko kundi trip ko lang. Wahahaha. Sa


wakas. Makakaramdam na ako ng totoong tagumpay!

"Why are you giving me that evil grin?" tumigil siya sa gitna ng room.

"Wala." umiling ako. "May sinabi ka kasi na naalala ko... mehehehe."

Tumaas ang isang kilay niya. "Hmm.. yun bang punching bag?"

"pano mo nalaman?"

Ngumiti siya. "Tsk. I saw how you smiled when I said that part. Seriously
Jamie?"

Tumango ako. "Yes Sebby. Panindigan mo ang sinabi mo." nasa kamay ko na ang
labrys ko.

Hehehe. Alam ko na mga tactics niyo simula nung araw na durog yung katawan ko
dahil kay Dio.
Panay na ang pag t-training ko.

Ez lang 'to.

Humiyaw ako at tumakbo sa kanya. Wala siyang dalang weapon pero nagawa niyang
isangga ang braso niya sa handle. Hindi sa blade. Baka mahati yung kamay niya duh.
Nagdalawang-isip ako kung itutuloy ka ba itong training namin kasi ayaw kong
may mangyari sa kanya.

Sa biceps niya.

Hays. Nasugatan ko kasi ng konti.

Na caught off-guard ako kaya ilang segundo lang, naghahalikan na kami ng sahig.

Tumayo ako at napahawak sa pisngi ko na may pasa na.

Putcha.

Napasigaw ako nang tinulak niya ako mula sa likod. Destination ko na talaga ang
sahig.

Tangina. Double Hit.

Eh syempre ayokong maka triple hit yung gago kaya pagbalik niya sa harap
ginamit ko na yung labrys para gapusin siya.

Hmmm.. kala mo ano? Wahahaha!

Nanlaki ang mga mata ko nang nawala siya bigla.

"Jamie." bulong niya dahilan na mapatalon ako.

Tinignan ko siya. "P-pano mo nagawa yun?"

"Mmm.." hinila niya ako papalapit sa kanya. "Why don't you try to find out."

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

Tangina Jamie. Pumunta ka dito para mag training! Tanga ka ba?

Napalunok ako dahil ilang inches lang ang layo ng mga mata namin.

Siguro nga tanga ako.

"should we leave?" nakarinig kami ng boses.


Agad akong lumayo kay Sebastian para tignan kung kanino nanggaling yung boses.

"shh! Trev naman eh! sabi ko wag kang maingay!" tinulak-tulak ni Cesia yung
kasama niya saka nag peace sign.

"You know. Papalabas na rin naman kami eh. Ayaw namin kayong madistorbo. Diba
Trev?" sinamaan niya ng tingin si Trev kaya napangiti ako.

Si Cesia lang talaga ang may kakayahan na ganyanin ang leader ng Alphas.

"Mag t-training rin kayo?" tanong ko.

Tumango si Cesia kaya inaya ko nalang na sabay kaming apat. Mas mabuti na nga
pag ganito para di na maulit yung nangyari kanina. Jusme. Ang dali ko talagang
madistract.

Kasi naman itong si Sebastian kung anu-ano lang trip ng hinayupak na'to. Tsk.

Pinilit ko sila kaya wala na silang nagawa.

"So ano ba'to? Girls versus Boys?" tanong ni Cesia.

Hmmm...

Sinikad ko siya mula sa likod. "Us versus the both of you." nakangiti kong
sagot.

Tinulungan siya ni Trev na makatayo.

Curious lang ako sa susunod na mangyayari. Hindi ko pa kasi nakita silang


dalawa na magkasama.

Saka.

Bagay na bagay kasi silang dalawa eh. Hehehe. Syempre supportive ako na
kaibigan.

"Ah..." binigyan ako ng ngiti ni Cesia. "Ganun pala." tinaas niya ang kamay
niya.

Nagtaka ako saglit saka nagulat nang tumilapon ako. Tumayo kaagad ako at nakita
ang lumiliwanag na shield sa harap namin. Inaabsorb nito ang liwanag mula sa bolts
ni Trev.

"Hmm. Light and Lightning. Nice." puna ni Sebastian.

"off with the shield Sebastian." agad nawala ang shield nang utusan siya ni
Cesia.

Napailing si Sebastian.

"Cesia." nakangiti kong sambit saka hinagis ang labrys ko.


Hmm. Ano pa ba ang kaya niyang gawin?

Napasinghap ako nang makita ang dugo sa shirt niya. Nasugatan ko nga siya.

Puta.

Naguiguilty ako. Tas si Cesia pa. Ang sweet kasi niyang tignan.

Ang fragile.. so sensitive.

Totoo nga yung sinasabi nila na maguiguilty ka talaga ng sobra pag nagawa mong
saktan ang isang anak ni Aphrodite.

"Sorryyyyy!!!" nag peace sign ako sa kanya.

Muntik na siyang mawalan ng balanse nang sinubukan niyang hipuin ito. Napailing
nalang siya saka tinignan ako.

"Nakatulong nga yung training mo." aniya at nginitian ako.

Mukhang malalim yung hiwa niya.

Gaya ng sabi ni Ria, makapangyarihan nga si Cesia pero andali niyang manghina.

Jusko. Wala talaga akong intensyon na saktan siya ng ganyan.


Napaatras kami nang unti-unting bumuo ang maiitim na ulap sa loob ng training
room.

"nice." tumatango-tango si Sebastian kaya siniko ko siya.

Tinignan ko ang lalaking may kapakana na nakasandal sa pader at nakapikit.

Mukhang may galit 'to.

Cesia's POV
Ang sarap sa pakiramdam nang nilagyan na ni Doc ng soothing gel yung sugat ko.
"thank you po." nag bow si Jamie sa kanya.
Grabe. Kanina pa siya nagsosorry sa'kin. Paulit-ulit ko ring sinasabi na okay
lang.
"Sorry talalagaaa.." tinignan niya ang sugat ko.

Naghilom rin naman kaagad yung sugat ko. Isang oras pagkatapos ng training.
Medyo mahina yung pagrecover kasi may lalim rin yung sugat.

"Nawala na ba yung sayo?" tinignan ko ang braso niya na noo'y puno ng paso.

Tumango siya. "may nilagay rin si Doc na gel pero mukhang wala na nga..."

nginitian niya ako. "saka first-degree burns lang naman yun." binigyan niya ako
ng thumbs up.
Eto talagang si Trev. Grabeng will ang nilagay ko sa boses ko para tumigil na
siya.
In the first place, di sana ako magkaka injury ngayon kung hindi dahil sa
kanya. Eh sabi niya interesado daw siya sa empathy ability ko kaya ayun. Sumang
ayon naman ako. Baka kasi may madiscover pa akong bagong ability.

Tumayo na ako. "samahan mo muna si Sebastian. Uuna na ako sa dorm."


Nasa kabilang cubicle kasi si Sebastian. Pareho silang nakatamo ng first-degree
burns mula kay Trev.

Hays.

Tumango siya saka na ako nagpaalam at dumiretso sa dorm. Narinig ko nga ang
pagtunog ng tiyan ko sa gitna ng hallway kaya binilisan ko ang paglakad.

Binuksan ko na ang pinto nang napahinto ako dahil sa boses ni Art.

"Hinding-hindi ka magtatagumpay sa binabalak mo." may kausap ba siya?


"at mas lalo nang hindi sila sasama sa'yo. Huwag na huwag mong subukan na kunin
sila dahil ako ang makakalaban nyo." galit siya.

Nakaramdam ako ng kaba at takot. Familiar sa'kin ang eerie feeling na ito.

Eto yung...

nasa forest kami ni Dio.

Yung babae.

Nanlaki ang mga mata ko.

Kausap niya yung babae?!


"Kaya ko kayong labanan. Tandaan niyo yan."

"Cesia?" nagulat ako nang biglang nagpakita si Ria.


Agad kong sinara yung pinto.
"R-ria? Sa'n ka galing?" tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "galing ako sa mall. pupunta sana ako sa clinic tas
napadaan ako dito..."

"Great!" hinatak ko siya. "sabay na tayo."


Tumigil ulit ako. Aish. Baka may nangyari kay Art.

"may kukunin lang ako sa dorm. Wait." naglakad ako pabalik.

Pagpasok ko, hindi ko nakita si Art kaya ginamit ko ang ability ko para hanapin
siya. Napabuntong-hininga ako pagkatapos marinig ang heartbeats sa kwarto niya.

Nahagip ng mga mata ko ang bukas na glass doors ng veranda at ang maitim na
mantsa sa kurtina.

Sinara ko ito gamit ang bracelet bago lumabas.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Theosese

Jamie's POV
"Sige. Thank you po." nagpasalamat ako kay Bo, ang satyr na in charge ng
mechanical department dito sa Academy.

Bumili kasi ako ng glass tas pina adjust ko yun dito sa maliit na workhouse
nila. Hmm. Nasa likod lang naman pala ito ng mall.

"Para sa'n nga ba yan?" tanong niya.

"Umm.. project po." sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "By chance, are you a daughter of..."

Napangiti ako. "Opo. Pa'no nyo po nalaman?"

"You're the first Alpha to visit. Anyways, I expect to be working with you
here. I can teach you a lot." nilingon niya ang workshop niya.

"Talaga? Maraming salamat po!" nagbow ulit ako.

Tumango siya kaya nagpaalam na ako saka dumiretso sa dorm. Nasa library ngayon
sina Kara. Eh ako naman, may plano for the whole day. At ito ang pag-aralan ang
libro na binigay sa'kin ni Kara.

Nagpatulong ako kay Bo na i-adjust yung glass sa partikular na lightwaves.


Konting kembot lang sa blacksmith area at tapos na. Binigyan niya ng diamond-shape
ang glass saka gold borders para daw hindi ako masugatan sa dulo.

Pumasok na ako sa dorm at dumiretso sa kwarto ko. Lumapit ako sa bitana para
makakuha ng liwanag saka tinapat ang glass sa libro.

Tinignan ko ang imahe na unti-unting lumitaw sa cover. Ang noo'y puno ng


Hesperides ay naging isang palasyo na.
Kumunot ang noo ko pagkatapos makita ang pamilyar na istraktura.

"Olympus Academy?"

Cesia's POV

Lumipat ako sa next page.

"about that woman though. I swear naririnig ko yung mga tawa niya paminsan-
minsan." ani Ria habang binubuklat ang mga libro na nakalapag sa mesa.

Nasa library kami nag reresearch tungkol sa school. Nagpasama kasi si Kara. Of
course, hindi talaga maiiwasan na sumali sa plano niya.

She actually has a point nung sinabi niya na walang nakakaalam sa history ng
Academy. Ang sinabi lang, itinatag ito ng mga Gods.
"you think these things are connected with Art?" napahinto ako sa tanong ni
Ria.

Alam kong may kinalaman si Art sa mga nangyayari. Pero sana naman... may balak
siyang sabihin sa'min kung ano ang nasa isip niya.

Medyo nasasaktan ako para sa kanya kasi hindi na siya ang Art na kilala ko. She
is spacing out. Halata naman.

"I feel like she is trying to avoid us." dagdag ni Ria.

"Ria. We are not here to talk about her." binigyan siya ni Kara ng warning
look.

She just shrugged tas pinagpatuloy ang ginagawa niya.

Mayamaya, nakasandal na kaming tatlo at napapakit.

Grabe. 3/4 na ng libro na nasa History section ang nabasa namin pero wala
talaga kaming nakuha.

"Weird. Ngayon ko lang narealize na wala tayong alam sa Academy. Binabalewala


lang kasi natin 'to dati." narinig kong sabi ni Ria.

Napailing ako at umayos ng upo. Isang tower na ng mga libro ang nakatambad sa
harap ko.

Aish. Ang sakit sa ulo.

Hmm. Ngayon lang siguro pumasok sa utak nila yung tungkol sa Academy since
nalaman nila ang tatlong prophecies na tinatago ng school.

"Wala ba talaga kayong alam? Kahit konti?" nakakapagod na.

"You remember your professor?" tanong ni Kara.

I nodded.

"we saw him before the war right? Working with the Academy? He is therefore, a
staff of this school." paalala niya.

Oo nga. Pero isang beses ko lang siyang nakita. Yung nagkaroon kami ng meeting.
Nagulat nga ako.

"then I found out that it is not him that has something in relation with the
Academy." dagdag niya.

"Theosese?" tanong ko.

Tumango siya.

Syempre. Ang ama niyang demigod.


Ano ba ang meron sa Theosese na'to at nasasali pa rin siya before and after the
war.

Akala ko tapos na kami sa kanya.

"HE IS CONFUSING AS FUCK. Sino ba talaga siya?!" naiiritang tanong ni Ria.

Napailing ako.

May librong inilapag si Kara sa harap namin. "so far this is the only thing we
got."

Binuksan niya yung libro. May mga sinaunang litrato ito. Parang timeline ng mga
staffs at mga estudyante sa Academy.
Tumigil siya sa pahina kung saan may lalaking nakawheelchair. Kasama niya ang
isang batang nakatayo.

"That boy is the professor."

"so are you saying that crippled guy is Theosese?" tanong ni Ria.

Hindi ko makita ng maayos ang hitsura ng mukha dahil sa vintage style nito. May
white streak lang ng light na nakatabon sa mukha niya.

Binasa ko ang description sa baba.

'The founder with his son, Gregory Matteo Milan.'

Si Professor Gregory nga...

"founder?" kumunot ang noo ko.

"He is not just a random demigod. He actually helped the Gods establish this
school." tinuro ni Kara ang lalaki.

Siningkit ko ang aking mga mata para makita ng maayo ang image sa papel na
nakapatong sa mesa katabi ni Professor.

"Logo ba yan ng Academy?" tanong ko ulit.

Naka sketch lang ito.

Tumango si Kara. "He might actually be the one who created the logo too."

'Alis volat propriis' binasa ko ang nakalagay sa pins namin.

"She flies with her own wings..." puna ni Ria.

Yumuko siya para tignan rin yung logo na nasa photo.

"Hmm... hanggang ngayon wala pa rin akong alam kung para saan 'tong pakpak.
Although, alam ko ang mountain na yan is the mountain where the Academy is hidden."
nagkibit-balikat siya.

"It might stand for independence or something..." sagot ni Kara.


Tumango si Ria. "pwede rin.."

Napasigh nalang ako habang nakikinig sa dalawa.

Kinuha ko yung libro at nagscan pa sa ilang pages. Para nga itong yearbook.
Pero wala akong nababasa na may pagkafamiliar.
Saka sinaunang yearbook ata 'to eh. Siguro sa time na'to, wala pa silang na
recruit ma Alphas kaya puro Beta at Gamma lang ang andito.

"This is the only book like this. I think this is a remembrance for the first
batch of students and staffs." tumabi sa'kin si Kara.

So yearbook nga 'to. Pero sa first year ito ng Academy. Hindi naman gumagawa ng
yearbooks ang school so pangremembrance lang talaga ito.

Patuloy lang ako sa ginagawa ko nang napatigil ako sa Beta Class.

40 lang pala sila sa Beta noon.

Pero hindi ako tumigil para tignan ang mga pictures ng first batch of the Beta
Class. Dahil ito sa picture ng isang babae. Nakangiti siya.

'Senior Matilda Yvenne Reyes of the Beta Class, Daughter of Iaso.'

"kamukha nga niya si Jamie." puna ko habang nakatingin sa litrato.

"Yun ba yung grandma niya na nabanggit mo?" tanong ni Ria.

Tumango ako.

"looks like she was one of the first staffs of the school clinic too." tinuro
niya ang nakasulat sa baba.

'Attendee of Medical Assistance'


'Secretary of the Medicine Committee'

Kaya pala kilala siya ni Doc Liv... tas sabi rin ni Doc na magkakilala sila
Matilda at Theosese...
•••
'1:02 am'
bumangon ako saka lumabas ng kwarto. Sinigurado kong di magising si Jamie na
katabi ko at si Galatea na natutulog sa nakabukas na cabinet.

Matindi rin yung whole day na research namin.

Napailing ako saka dumiretso sa kusina. Mag titimpla ulit ako ng tea.

Ewan pero nagigising nalang ako bigla tas kinakailangan ko pang uminom ng tsaa
para makatulog ulit.

Biglang humina ang heartbeats ko na siyang ipinagtataka ko.

Hmm. Medyo mabigat yung beats kaya alam kong hindi si Trev 'to. Psh. Eh kung
hindi siya... sino?

Lumabas ako ng veranda at nakita siya na nakatayo nakasandal sa ledge. Hindi


umabot ang liwanag ng buwan dito dahil sa presensya niya. Kung saan siya pumupunta,
dumidilim talaga.
"Cal? Anong ginagawa mo dito?" tinawag ko siya.

Nilingon niya lang ako.

Tumabi ako sa kanya. "Nag eemote ka ba?" tanong ko.

Hindi siya sumagot kaya nagbuntong-hininga nalang ako.

"Art?" finally, nakuha ko na yung atensyon niya.

Napangiti ako. A son of Hades and a daughter of Apollo. Hanggang ngayon talaga
gusto kong tanungin yung mga moirai kung bakit silang dalawa ang pinagtagpo sa
isa't-isa. Wala lang. Curious lang ako kung bakit.

Or tanungin ko kaya si Eros?

Na i-intrigue talaga ako sa dalawang 'to. So much difference but the same
feeling.
"Nag away ba kayo?" tanong ko ulit.

Tumango siya.

"So sino bang may kasalanan sa inyong dalawa?" madali lang naman talaga yan eh.
Dapat may isa na magpapakumbaba.

He took time bago magsalita. "Me... she's mad at me.."

"why?"

"I didn't tell her about her past. She told me she deserved to know even before
she regained her memories." sagot niya.

"umm.. Cal..."

"you want to know what happened to us a long time ago?" mukhang nabasa niya
yung ekspresyon ko.

Sasabihin ko na sanang hindi ako makakarelate jan kasi wala akong alam sa
pinagdaanan nila.

"H-hindi naman kita pinipi-"

"No no.. it's fine. I feel like you ought to know too then perhaps you can tell
me what to do. You're a daughter of Aphrodite. You should know."

Uminom muna ako bago tumango.

"Artemia Blaire Sol..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

SC: Light's Past

(A/N: This is an all convo chap between Cal and Cesia. Make
sure to play the music! It's one of my faves. Xx. )
Cal - Cesia POV
"We were young when we met. She was staying at their mansion in the province
together with her twin, Sebastian and their maids."
"Eh si Apollo?"
"He would only visit once every two months. He usually took Art to travel and
visit places. While her twin, who has the ability to foretell the future, prefers
to stay inside their home."
"Kagaya nung Garden of Hesperides?"
"Yes. She has gone to many places."
"Okay okay.. back to story."
"Like what I said, they lived in a remote area where no one can find them.
Meanwhile, my brother, Hector and I lived in the underworld. Everytime Persephone
goes out to see Demeter, we would come along and visit the mortal realms too."
"Hector... umm.."
"Cairo. My name was Cairo."
"Okay sige."
"Hades was one hell of a father. He spoils us with riches and a lot of
things... You might think that we lived with luxury but I tell you, it was not. The
acidic air... the cries you hear from the damned souls... the painful cries begging
you to help them. Hades' palace is nothing but ugly... and uncomfortable. That's
why we tend to live in the mortal realm more often than the underworld."
"Hmmm... di na ako magtataka jan."
"That's when we met Artemia... we were playing and the soccer ball went to
their garden. She found it... and then later on... found us."
"Nandun ba si Sebastian?"
"We haven't met her twin yet. So we played with her for several days...
weeks... we actually grew closer together... until a month later, Sebastian had a
vision so he decided to meet us. He stepped in and warned us to never visit her
sister again... or else.. he would.... kill us."
"Wala ba talaga kayong alam na anak sila ni Apollo?"
"We did. After he threatened us, we went back to the Underworld. From there, we
would see Artemia playing on her own. She was sweet and happy. She was Light.
Unlike us... we were made of darkness. We were cruel. A year passed and I forgot
about her.... but my brother didn't. He was actually obsessed with her. He would
watch her day and night. I didn't even knew until the day he told Hades about her."
"What."
"Yea. Hector asked Hades if he could marry Artemia. And Hades, being the father
he is, agreed. He found out and told us that she was a demigod too. A daughter of
Apollo, particularly. But he said he didn't mind. He would claim anything if that
is what Hector wanted so he made a promise. That he will let Hector marry Artemia
regardless Artemia's decision."
"Pipilitin niyang ipakasal si Art sa kapatid mo kahit ayaw niya? What the
fudge."
"Why does it surprise you? Haven't you heard of Hades' and Persephone's
complicated love story?"
"Hmm.. tama nga..."
"We were given a month to visit Artemia so we did. I accompanied my brother in
his plan... We met... they were happy. I was not. I was afraid for Artemia that she
might end up like Persephone. Every day would pass... and she would just... it's..
I don't know.."
"..."
"I didn't want to lose that vibrant girl. I didn't want to let my father snatch
her beautiful soul... I didn't want her to marry my brother but I couldn't do
anything."
"Alam kong may nagawa ka..."
"I did tell his twin about how Hector would secretly sneak into their house and
lure Artemia to go out.... Sebastian then banned Artemia from leaving their home.
He grounded her. It was for the better. But Artemia loved her twin so much so she
just went with the flow. She accepted her punishment."
"Eh ikaw?"
"Not me. Hector. This is the part where we returned to the Underworld and he
was so mad he went crazy. Hector was a spoiled brat. He would just run around the
castle and throw things... he even pushed a lost soul in the Tartarus. It was the
first time he didn't get what he wanted."
"oh shoot..."
"Whenever someone tries to ask what they could do to make him stop, he would
just scream her name."
"iba rin yung kapatid mo ah.."
"He was more like my father, really. Hades heard about this so he did what
could be done. He sent the two of us to kidnap Artemia together with two servants
from the underworld."
"I warned Sebastian about this. But he already knew. The day we met, he already
saw what would happen to Artemia so we improvised a plan. I will distract my
brother while they make an escape.... it didn't happen though. Hector found out
about it and called me a traitor. Hector tried to kidnap Artemia all by himself.
But before they went through the portal, Sebastian managed to kill my brother."
"A-ano?"
"You heard me right. Her twin killed my brother... Hades heard about this and
it turned worse. He sent his minions to bring us back to the Underworld where the
twins were held prisoners for a week. He then made a decision. He decided that in
order to honor his promise with my brother, he would let me marry Artemia. As long
as a son of his will marry this daughter of Apollo."
"I'm so sorry.. akala ko ano yung kasal niyo... hindi ko alam na ganyan
pala..."
"After the ceremony, I looked at her. She smiled at me.... and it was the most
painful thing I have ever felt."
"I'm sorry Cal..."
"It was the first time I felt something too. We were married but I was sleeping
in a huge bedroom and she was stuck in a prison. I couldn't sleep. Every night I
would visit her and then she would wipe away her tears and face me as if I couldn't
see past through those eyes- wait are you crying?"
"H-ha? D-di kaya... ano lang... a-ano bang nangyari? Paano kayo nakalabas?"
"I thought she already cried hard enough..... So I tricked a guard one night
and helped Sebastian get out of prison... It sent an alarm and triggered the whole
palace. The guards reported what happened.. and Hades ordered his minions to kill
us... that included me, his son. We looked like we got out of a blood bath when we
finally rescued Art."
"Halos lahat ng guards nakalaban nyo?"
"Yes.... We were still in prison when we got cornered. I had no choice but to
summon a portal using my own blood. It wasn't enough for the three of us so I asked
them to go. Yet Sebastian knew that they will lose memory of everything once they
escape the underworld. It was a dangerous way to go through a man-made portal. With
the little amount of time left, Sebastian begged me to escape with Art. He said he
cannot guide Art if ever they escape since he will lose his memories too. He might
not be able to recognize his own twin."
"Si Sebastian..."
"He chose to stay... and I had to carry her while she was crying..."
"Oh Gods..."
"I am the only one who remembers and do you know how it feels Cesia?"
"Cal...."
"When the girl I risked my life for... is trying to avoid me."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Against the Dark


Ria's POV

"Goodmorning Lady Ria."

"What time is it?" bumangon na ako at inayos ang kama ko.

"It's already 7 am." sagot niya.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin saka napailing... napagdesisyunan ko ring


maligo bago lumabas para kumain.

Nasa shower ako nang mapansin ko ang dugo mula sa ulo ko kaya napaatras ako.

What the fuck.

Tumingala ako sa shower at nakitang dugo ang lumalabas mula dito.

"shit."

Kinurap kurap ko ang mga mata ko and after a few seconds, bumalik ulit sa dati
yung shower.

I paused for a while.

Am I hallucinating?

Agad kong tinapos ang shower ko.

Napatingin ulit ako sa salamin. Okay good. Namamalik mata lang talaga ako.
Hindi naman naging kulay pula yung buhok ko so it wasn't real.

Wala rin akong nakikitang blood stains sa tuwalya.

I sighed.

What the hell just happened.

Pagkatapos magbihis, lumabas na ako ng room para mag almusal. Mukhang ako yung
earliest bird dito ah.

Nagluto ako ng bacon at nag init rin ng kaunting leftovers sa microwave.


Pinakialaman ko rin yung cucumber juice ni Kara.

Hehe.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapatingin sa buong dorm. Nasa iisang


bubong kami pero bakit pakiramdam ko.. nag-iisa lang ako?

No. Literally I can sense the presence of something...

I just shrugged and continued eating.

"You are indeed sensitive demigod."


Napatigil ako sa boses ng isang babae. Tumayo ako at hinanap kung saan
nanggaling eto hanggang sa unti-unting lumutaw ang babaeng nakaitim.

A literal black lady.

Her aura is so dark I can see it with my naked eyes. Obviously, may nilalabas
siyang atmosphere sa buong dorm.

"Arianne... a child of bloodshed... violence..."

"who the hell are you?" tanong ko sa kanya.


She is giving me more than just the creeps. Inangat niya ang ulo niya at doon
ko nakita ang mukha niyang medyo grayish.

Wtf.

"I am here to get you child."

"I am no child of an ugly goddess." sagot ko.

Halata namang isa siyang goddess. May nasesense akong kapangyarihan mula sa
kanya.

Halatang nairita siya sa sinabi ko.

"You will be." lumapit siya sa'kin kaya napaatras ulit ako.

"I want you to come with me." tumigil siya sa harap ko.

"I want you to be a part of this revolution. And we will reign together."
nilahad niya ang kamay niya.

"No thanks." I grudged.

"Ah.. but that's not all. If you come home with me,
mawawala lahat ng takot mo..." may tinuro siya kaya napatingin rin ako.

Nakita ko ang sarili ko noon na umiiyak. Pati na yung panahon na muntik ko nang
masaktan si Cesia dahil hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko.
"buburahin natin ang lahat ng yan."

"really? I prefer staying."

Umiling siya saka binigyan ako ng nakakakilabot na ngiti. "don't you want to
start anew?"

"I see a dark cave in your heart. Be careful child. It might possess you."
tinaas niya ang staff niya.

Napaluhod ako dahil sa biglaang pagkawala ng hangin. Ilang segundo ang lumipas
at nakita ko ang kadiliman na dahn-dahang sinasaniban ang katawan ko.

Shadows.
There are shadows slowly turning my body into a black soulless body.

Di nagtagal, halos lahat ng bahagi ng katawan ko ay kulay itim na.

Shit.

Shit.

Shit.

Hindi ako makagalaw.

"Achus. Alam ba ng ina mo ang ginagawa mo?" narinig ko ang pamilyar na boses..

"The child of Light came." bakas sa boses niya ang irita. "how nice."

Tinulak ako ng goddess sa gitna.

"A-art anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Tinignan niya ang mga kamay ko na
nangingitim pa rin.

"I'm sorry kung nalate ako Ria..." binigyan niya ako ng malungkot na ngiti.
"buti naman at hindi ka sumama sa kanya."

Mayamaya, dumating ang dalawang babae. Gaya ng Achus na yan, nakakatakot rin
silang tignan.

"Come child." kusang gumalaw ang katawan ko papalapit sa kanilang tatlo.

"Ria.." kinuha ni Art ang kamay ko. Nagulat ako nang hinatak niya ako papalayo
mula sa kanila kaya bumagsak ako sa likod niya.

"This is a daughter of Ares." umatras si Art pagkatapos gumawa ng barrier gamit


ang liwanag.

Tinawanan lang siya ng tatlo. "We don't care about the master anymore. We are
goddesses. We are the personification of suffering... and pain... and fears. He
needs us."

"and we are immortal." giniba nila ang barrier na ginawa ni Art.

Tinignan ko si Art at ngayon ko lang napansin na nag-iba na pala ang kulay ng


mga mata niya.

WHAT THE FUCK IS HAPPENING.

Nagliliwanag ang buong katawan niya.

They backed a bit nang sumabog ang kinatatayuan ni Art.

Samantalang ako dito, nasa sahig pa rin. Sinusubukang i take in ang nangyayari
sa harap ko.

Mayamaya, ibang babae na ang pumalit kay Art.

"wag kang mag-alala Ria.. ako pa rin 'to." nginitian niya ako bago hinarap ang
tatlo.

Kumikinang ang bagong buhok niya... bago... kasi naging blonde ito. At may
malaking faded na symbol ng sun sa likod niya. May hawak na rin siyang bows and
arrows.

I am speechless.

Nag aim siya sa babae sa gitna. "Ria..." tinawag niya ang pangalan ko saka
hinatak ang weapon niya.

"gumising kana." saka niya binitawan ito.

"Goodmorning Lady Ria."


.

iminulat ko ang mga mata ko.


•••
"Ria? okay ka lang ba? Hindi mo ginagalaw yung pagkain mo." tanong sa'kin ni
Cesia.

Panaginip lang ba yun?

"Kara... may kilala ka bang goddess na Achus ang pangalan?" tinignan ko siya.

"She is one of the Algea, spirits of pain and suffering. There are three of
them actually, they're goddesses of grief, sorrow and distress." sagot niya.

Well then. Alam ko na kung sino yung bumisita sa panaginip ko...

Yet it seemed so real.

I sighed. "I had a nightmare."

"nandun ba yung tinutukoy ni Kara?" tanong ni Jamie.

Tumango ako. Hanggang ngayon, panay yung tingin ko sa mga kamay ko. Baka kasi
bumalik yung maitim na balat ko.

That feeling when the shadow almost got a hold of me still gives me goosebumps.
Nakasuot nga ako ng jacket ngayon dahil pakiramdam ko lalagnatin ako pagkatapos
magising na naliligo sa sariling pawis.

"It's okay Ria... ang mahalaga, nagising ka." binigyan ako ng ngiti ni Cesia.

She's right. Even if it seemed real, nagising pa rin ako without a bruise or
anything.

I gave them a smile. "I know.."


Isang oras kami sa mall nang marinig namin ang tunog ng bell kaya nagmamadali
kaming bumalik sa klase.

Pagpasok ko sa room, nakita ko si Art na may sinusulat sa notebook niya.


I just stared at her for a while and proceeded to sit down on my chair.

Pumasok na yung guro.

Sinara ni Art yung notebook niya saka napatingin sakin at binigyan ako ng
subtle smile.

And that's when I saw the blonde strand on her hair.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

The Last Request

(A/N: I have added media in some chapters like the 'SC:


Light's Past'. If you want you can read it again and listen. xx.)
Kara's POV
We went inside this huge temple. We have journeyed for a whole day to get this
far.
"Wala akong nakikita." Ria broke the silence.
The floor is wet and mushy. The whole place smells... old. The old I'm talking
about is the ancient kind of old.

Nawala na yung odigos na ibinigay ng principal sa'min. It vanished in front of


this place. So this must be it. Hindi kami nagkamali ng lugar.
I saw the glitter from one of the stone ceilings.

The light reflects at a 90° angle... and straight at us.

I stopped walking. I think this is thw center of the temple

"Akala ko ba nakapunta na kayo dito Chase?" tanong ni Ria.

"Sa Pilipinas lang yun. Eh iba to. Ito na yung main temple nila." he answered.
We must be at the center already. I have seen what the temple looks like. It
was supposed to be light and colorful not dark and gloomy.
There must be 12 thrones encircling the center too. 12 silver thrones.

"Ah... I miss the sense of sight." We heard a man's voice frim behind.

We are indeed at the center.

"but it is the sinful part of a man." another voice spoke.


I closed my eyes and listened to the voices.

"They say the eyes are the windows of your soul."


"the eyes are the doorway to your heart."
"the eyes reflect the truth."
"the eyes show your deepest emotions."

Do they really have to be that dramatic?

Iba't-ibang boses ang naririnig namin ngayon. They're all confusing to listen
to as if it seems like their voices are blending with the silence.

"you are scaring them."

After all those voices that I've heard, I finally knew the owner of one.

The Priestess of Apollo. She is the only woman in the council. Although, mas
marami pa rin ang mga babaeng oracles compared to the men.

After a few seconds of silence, light from the ceiling finally went through.

And suddenly, it felt like we were in another world.

It felt like wisdom. The air smells of books and scrolls.

My brows met. There are 12 thrones yet only six oracles are present. The others
might be busy. All we know is that the whole realms are disturbed by the
prophecies. Of course, everybody is doing their job.

All of them are dressed in flowing white robes. Beside them are their staffs.
One shaped like an orb, the other, a diamond. They all have unique staffs. They
gain energy from it.

It is said that it can eat a person alive.

"You have come to save your Academy from shutting down?" tumayo ang babaeng
nakaupo sa harap namin.

We didn't answer.

All of them already know what brought us here.

She smiled at us.

Her eyes...

She does not have eyes. Only two holes.


But she could still see us. She can sense our presence and smell our blood.

"We agree... only if you are willing to risk your lives for it." she announced
with palms open pointing at us.
"We are." I answered. I still don't know why they are giving us questions when
they are in fact oracles. Every question they ask, they already know the answer. Is
that a new trend for them?

Her smile widened. "Fearless. Very well then." bumalik siya sa upuan niya.
"You will go to the Island of the Gorgons. The first prophecy will take place
over there." She pointed west.

"How? We have no idea what the prophecies are in the first place." Ria
shrugged.

Kumunot ang noo niya. "Are you sure about that?"


We gave each other confusing looks. The Principal told us about it... but not
'it'. Damn.

"We... want you to prevent the first prophecy from happening." she proclaimed.

Hmmm...

for the Gods are again, silent this time. They cannot speak with the Gods, can
they? because of the prophecies. Everyone is afraid to make a connection. It might
affect what Rhea has foretold.
"we cannot prevent it from happening and you know that." I objected.
"We want you to prevent it from happening..." she paused and looked at me. "but
we need you to save the world from it. We need you to save all of us."

"Kara!" I heard someone shout my name.

Sand...

Breeze...
"Hi..." I saw the same oracle. But this time, may mga mata na siya.
"I am here to deliver your mother's last gift and message." she said facing the
horizon.

I closed my eyes to smell the salty waters. And opened it just to see my weapon
floating in front of us.

I summoned the shield. It flew and locked itself on my arm.

It actually stings.

In that moment, I realized this was not mine.

I tried to take it off but it wouldn't. I feel myself sweating because of the
burn.
"This is a weapon made from a pint of Athena's blood... you know what I mean?"

I nodded then squinted my eyes for a bit.

"Yes. I was the one who sent that cake." natatawa niyang sabi.
Why does she find it funny? She almost killed me.

"Well... alam mo... when a mortal touches the blood of a God. He.. or she will
die.." she started to explain.
"but when a demigod touches the blood of his.. or her deity... he or she may
die..."

She may die?

"or her system decides to absorb that blood and feel pain."
"Absorb?" I looked at her and realized how old she is but too young to be an
oracle.

"You know... I always dream of you... and your death."

I was taken aback by what she said. Me and my death?

Anong ibig niyang sabihin?

"A hero will kill you using a knife made out of Athena's sacred blood... He
will stab you.. in the neck."
I don't know what happened but I almost lost my balance after hearing what she
said.

It was harder to breathe.

"But that neck of yours is immune because it absorbed the ichor. Using a bit of
poison, it successfully penetrated in your body. Ligtas ka... sa ngayon."

She was trying to save me?

"why are you doing this?" Of course, I questioned her actions. She knew how I
will die and she helped me.

"because that is your mother's last request... to save you. So you can fulfill
your mission." she smiled.

"mission?" I almost stuttered.

"Yes child. As a demigod, you are now obliged to follow your new mission.."

"Protect the world from the rebellion."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

The Quote

Ria's POV
Eleven...

Twelve...

Thirteen...
Binibilang ko lang yung color white na mga bato na nadadaanan namin. Obviously,
dahil isang oras na kaming naglalakad and it is driving me crazy.

"are we there yet?" pang limang tanong ko na yan.


I sighed.

Pinadala kami dito sa Island ng mga Gorgons dahil dito daw magaganap ang unang
propesiya.
Which is...

Damn!
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang mga prophecies. Nakakalito nga kasi
sabi ng council malalaman at malalaman rin namin ang pangalawa at pangatlong
prophecy. As long as alam namin yung first. And they say, alam nga namin.
Pero hindi.
Wala pa rin akong ideya.
I shrugged. I guess I would find out the answer when we arrive. Baka may
makikita ako-
LIKE THAT HUGE TREE AT THE CENTER OF A BLACK LAKE.

Sa may di kalayuan, isang napakalaking kahoy na abot langit ang nakatayo.


The hell. I can't even see its leaves and branches clearly because of those
clouds.

We stopped and stood at the edge pf a cliff kaya kitang-kita ang maitim na
tubig at ang kaisa-isang puno sa gitna.
The whole place actually stinks so I backed up a bit. I tried to steady myself
when I saw the pile of human bones.

"We have to camp here. This is the best view we got so far." umupo si Kara at
binuksan ang bag niya. Nilabas niya ang kanyang mga kagamitan samantalang ako,
nakatingin pa rin sa baba.
So far, wala akong nakikitang mga nilalang. The only thing that got my
attention was the roots. They're all glowing.

"Cesia? Can you hear any heartbeats?" tanong ni Kara.

Pumikit saglit si Cesia saka tinignan kami. "So far wala maliban sa'tin."
Nag set up na kami ng camp sa pwesto namin. It's already late in the afternoon
too kaya napagdesisyunan naming magpahinga since wala pa kaming nararamdaman na
kakaiba.

"So... mind telling me about the first prophecy?" I emphasized the last two
words.
"We were already given the first prophecy Ria. We just didn't know it was it."
sagot ni Kara.

Kumunot ang noo ko.


And then it hit me.
"No tree, it is said, can grow to heaven unless its roots reach down to hell...
is that it?" tanong ko.
Then that means that tree is connected with the underworld and the heavens.

Tinanguan niya ako.

But still, walang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas ng gabi. Sinabihan
lang kami ng oracles kung saan at kailan magaganap ang propesiya.
Pumasok sa isipan ko si Theosese.

Who is he really.

Nakarinig kami ng pagsabog kaya sabay-sabay kaming napatayo para tignan ang
kahoy sa gitna ng island.
Noong una, yung mga ugat lang ang nagliliwanag, ngayon, yung buong puno na. May
ilang streaks of green and violet lights akong nakikita na nakapaligid sa kahoy.

A barrier?

Bumalik kami sa pwesto namin. Nagsimula na ring gumawa ng bonfire yung boys.
"Asan si Art?" Bakas sa boses ni Cesia ang pag-aalala kay Art.
"sleeping." maikling sagot ni Kara.

"Already?" dagdag ko.


She just looked at me. Oo nga. Bakit pa nga ba ako magtataka. The past few
weeks, I have been used to her absence everytime magkasama kami.
"she said she needed to rest." she added.

Tumango ako then proceeded to sit beside Cesia by the fire. Surprisingly,
nakatulala siya sa apoy kaya di ko maiwasang ma curious sa iniisip niya.
"What are you thinking?" I asked.
Pero wala akong natamong sagot mula sa kanya.

"Hey... may problema ba?" this time, I gave her a nudge.


Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti saka umiling.
"Hindi ka okay." I gave her a serious look.
Nagulat siya sa sinabi ko saka yumuko.
"So... what's bothering you?" Umusog ako ng konti sa kanya.

"Art."

I sighed and looked at her sympathetically. Lahat naman siguro kami nag-aalala
kay Art. Ang laki kasi ng pinagbago niya. Wala na rin kaming choice kundi hayaan
siya. Sinubukan naming kausapin siya, but it seems like iniiwasan niya kami.
"Sadly, wala akong dalang ice cream para pagaanin ang loob mo." umiling ako.
Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya napangiti ako.
"It is acceptable to take a break and laugh you know." I rolled my eyes.
"thank you..." bulong niya.

I nodded.

For the past few hours, wala kaming ibang pinag-uusapan kundi ang prophecies.
"Wala na bang sinabi yung oracle sa'yo nung nahimatay ka Kara?" Jamie asked.
She actually fainted upon encountering the priestess of Apollo. Pag gising
niya, sinabi niya sa'min lahat ng nangyari. She even showed us the bruise on her
arm.
"Nothing else.." she responded.
"I guess we have to wait until tomorrow night." dagdag ni Dio.
"May dalawang tao sa ilalim natin." biglang nagsalita si Cesia.
"It must be medusa's sisters. They're living in a cave below us." pagbibigay-
alam niya.
"Hindi ba nila tayo maaamoy dito?" unlike Medusa, immortal ang mga kapatid
niya.

"The mist is thick in this island. Especially if we're this close to that tree.
They can't sense us." she added some logs to the fire. "but we still need to guard
ourselves."

I agree.

Napalingon ako sa kahoy. So nakakonekta ito sa underworld... at sa heavens.


Nagtataka pa rin ako kung bakit wala pa kaming nabalitaan tungkol sa mga Gods.
Ano nga bang klase ng paghahanda ang ginagawa nila ngayon?
Naalala ko tuloy yung last phrase ng libro na:

The Gods went silent...

I rested my head on Cesia's shoulders and locked eyes with the guy in front of
me.
Napagtanto kong kanina pa siya nakatitig sa'kin.

Is he concerned?

Anyways, I'm concerned with this whole suicidal mission.


Narinig ko ang mahinang tawa ni Cesia.

"bakit?" tanong ko.


"Kanina pa kasi kayo nag s-staring contest. Ayaw mo bang makipag-usap sa
kanya?" bulong niya sa'kin.
Umayos ako ng upo at tinignan si Cesia.

"Not now." I gave her a smile.

But I still made a deal with Hermes though. Paninindigan ko ang sinabi ko sa
ama niya.
Except the part umm... except that part.
I just promised to be with him....

always.
Tumayo na ako saka pinagpag ang jeans ko.
"We should rest already." I suggested na agad naman nilang tinanguan.
Nag volunteer si Cesia na maging nightwatch for the first four hours kaya
dumiretso na kami sa mga tents namin. Kasama ko sa tent si Cesia. Sa kabila naman
sina Kara, Jamie at Art.

Humiga ako pagkapasok ko palang sa tent. Ginawa ko ring unan yung isang bag ko.
Kinuha ko ang papel na nakalagay sa bulsa ko saka pinatong ito sa dibdib ko
habang nakatingala sa taas.

Fortunately, hindi nakatakip ang itaas na bahagi ng tent namin so I got the
chance to see the night sky.

My heart was pounding.

Hindi ako makakatulog nito.


Kinakabahan kasi ako. Ewan ko kung bakit.

I tried to close my eyes for a moment trying my best to drift when I heard a
song.
"Heart beats fast..."
I smiled.
"Colors and promises... how to be brave."
Ang ganda ng boses niya.
"How can I love when I'm afraid to fall... but watching you stand alone. All of
my doubts.."
And I finally let myself get hypnotized by her voice.

I'm so proud of her.


"suddenly goes away somehow.."
I'm proud of all of us.

"One.. step.. closer..."

I took a deep breath.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Love for a Family

Cesia's POV
Napahikab ako habang nakatingin sa apoy.
Dalawang oras na ako dito since kinantahan ko sila. Ramdam na ramdam ko kasi
yung mabigat at mabilis na pintig ng puso nila. Tinulungan ko na silang makatulog.

Nakakapagod rin palang kumanta habang ginagamit ang abilities ko.

Hmmm... yung quote pala ang first prophecy...


Grabe naman.

Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko. Saka napapikit.


Nagulat nalang ako nang may biglang tumabi sa'kin. Inangat ko ang ulo ko para
makita kung sino ito.
"Art?" kinusot-kusot ko ang mga mata ko.
Si Art nga... nakayakap siya sa bubbles na plushie niya.
"Nagising ba kita-"
"I'm fine." umiling siya.
Tinignan ko siya na nakatitig sa apoy. Bumalik na ba siya sa dati?
Nagbuntong-hininga ako.
Naalala ko kasi yung pinagdaanan nila ni Cal. Damang-dama ko ang lungkot habang
nag kukuwento siya. Naiyak pa nga ako.
Hoo.

Naiiyak pa rin ako sa tuwing iniimagine ko silang dalawa. For better and for
worse talaga...
Naalala ko rin yung sinagip ni Cal si Art sa nakaraang digmaan.

Pati yung vow na 'till death do us part'

Napailing ako.
"Kapag wala na ako... kakantahan mo sila ha?" nginitian niya ako.
"A-art.." nagulat ako sa sinabi niya. Sinundan kaagad ito ng takot at kaba.
Ano ba 'tong sinasabi niya.
"Wag ka ngang ganyan. Hindi ka mamamatay..." napalunok ako.
Ang seryoso niya kasing makatingin sa'kin. Pero mayamaya, nakangiti na ulit
siya saka humarap sa nagliliyab na apoy.

"Magpapalakas lang ako Cesia." mahina niyang tugon.

"Saan?" tanong ko.


"Naniniwala ka ba sa destiny?" natatawa niyang sabi.
"Naniniwala ako na tayong lahat ay may kakayahan na ibahin ang itinadhana para
sa'tin." sagot ko.
Naniniwala akong may destiny. May mga moirai nga eh. Pero hindi naman to the
point na sundan natin yung gusto ng mga moirai dahil sila yung may hawak ng buong
buhay natin.
Kahit patayin ako ng mga moirai.

Susundan ko pa rin ang puso ko.


"Kaya nga eh... alam mo ba? Ang hirap din kayang pumili ng future huhuhuhu."
nag pout siya.
Ayun. Andiyan pa rin talaga ang Art na kilala namin.
Napangiti ako.
"Ano nga bang future ang pinili mo?" usisa ko.
Sumeryoso ang ekspresyon niya. "Future kung saan lahat tayo masaya."
"Kung ano man yang pinili mong future para sa'tin, susuportaan kita." nakangiti
kong tugon sa kanya.

Yumuko siya saka umiling.

"kahit na... mamamatay ako?"


"H-huh?" nagtaka na naman ako sa sinabi niya.

"Alam mo yung nakikita mong superheroes sa tv kung saan


papipiliin sila... buhay mo o buhay ng pamilya mo.." sambit niya.
"Gaya ng sabi mo noon, tayo nalang ang natitirang pamilya ng isa't-isa."
lumapad ang ngiti niya. Saka niya ako binigyan ng thumbs up.
"kakayanin natin 'to... hindi ba?"
Huminga ako ng malalim. She is super confusing.
Dahilan na malungkot ako.
"Art... alam mo ba ang sinasabi mo?" napaatras ako ng konti. "ba't okay sa'yo
na mamatay ng ganun ganun lang? Di mo rin ba kami naisi-"

"Cesia."
"Babalik rin naman ako eh." ngumiti ulit siya.

"K-kailan?"

Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata ko.


"Gusto mo bang malaman yung mga visions ko?" aya niya. Hindi pa rin nabura ang
ngiti niya pero naging malungkot ito.
Tinignan niya ang apoy sa gitna.
"Alam mo... masaya ako kasi yung nakikita kong visions ngayon di na katulad
nung dati. Puro kasi mga patayan... tas ngayon nakikita ko kayo... lumalakas...
tinutupad lahat ng misyon na ibinibigay sa inyo..." nakangiti pa rin siya.
"To the point that you will become as powerful as the minor gods." sumingkit
ang mga mata niya.
Minor gods? Imposible ata. Hindi kami pure immortals. Mga demigods lang kami.
Maaari kaming mamatay.
"Demigods lang kami Art. Nasa dugo namin ang pagiging mortal." angal ko.
"Akala ko nga di totoo eh... pero nakita ko kayo. Lumalabas na yung dugo ng
deities nyo. Supreme Divination? Wala lang yan para sa inyong Alphas. Maliit na
bagay lang yan. May isang stage pa Cesia. Permanenteng stage." nakita ko ang
pagpatak ng luha niya. "kaya mas pipiliin kong mawala muna ngayon para tulungan
kayo pagdating ng panahon.."

Napaiyak ako sa sinabi niya.


Mahal talaga kami ni Art dahil alam niyang kami nalang ang natitirang pamilya
niya.
"A-art..." yumuko ako.
"Pangakong babalik ako." pinunasan niya ang pisngi ko.
Naintindihan ko na yung hippogriff. Yung feeling na alam mong mawawala ang isa
sa pinakamamahal mong tao kahit buhay pa siya at kausap mo.
Gusto kong lumayo kay Art. Gusto ko siyang wag pakawalan pero iba yung gusto
niya. Ayokong masaktan kasi alam kong kahit anong gawin ko. Susundin niya pa rin
ang puso niya.

Tumango ako saka huminga ng malalim. "Eto na ba yung... huling pag-uusap


natin?"
"Kasama ko kayo at kasama nyo ako palagi. Tandaan mo yan okie? Tawagin nyo lang
ako. Makikinig ako." tumayo siya at niyakap ako.

Kaya ayun. Humagulgol na ako ng iyak sa balikat niya.


Feeling ko nga ako yung bata dito.
"Mahal ko kayong Alphas." bulong niya.
Tumango-tango ako. "alam namin yun."
Bumitaw siya mula pagyakap sa'kin. "Oh siya... matutulog na ako ah? Hihihi."
nagpeace sign siya bago pumasok sa tent niya.
Napailing ako at napangiti.
Nagbuntong-hininga ako.

Alam naman niya yung gagawin niya eh...


Pero yung stage na sinasabi niya na mas grabe pa sa supreme divination?
Eto ba yung stage na magkasinglakas na namin ang mga minor gods?
Kailangan kong hanapin ang term na yan pagbalik namin sa Academy.
Kung meron mang ganyan.
Tumayo ako para tignan ang nasa gitna ng island. Sa totoo lang, nahihirapan
akong mag sense ng heartbeats dahil sa mabigat na enerhiya ng puno na yan.
Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko.
"Trev?"
"Cesia."
nakatingin lang siya sa harap..
"Hindi ka ba makatulog?" tanong ko.
"I sensed you were in trouble. Then I saw you crying." sagot niya.
"Narinig mo ba lahat ng pinag-usapan namin?" tanong ko ulit.
Hindi siya kumibo. Instead, tinaas niya ang kamay niya.

Mukhang narinig nga niya yung sinabi ni Art.


"Light."
"H-huh?"
"There's no light in this island. There will be no day." aniya saka binaba ang
kamay niya. "You need to rest nightingale. We will need your voice tomorrow."
Ewan ko kung saang bahagi ng sinabi niya ang nagdala ng ngiti sa mukha.
Basta ang alam ko, napapangiti niya ako.
Humakbang na ako papunta sa tent ko. "Goodnight son of Zeus."
"Daughter of Aphrodite." maikli niyang sagot.

Narinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.


I can control anyone with my voice.
But his voice...

can control me.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Red

Cesia's POV
"Cesia... gumising ka na."
iminulat ko ang mata ko pagkatapos marinig ang boses ni Ria.
Bumangon kaagad ako at nakita siyang dala-dala na ang bag niya kaya kinuha ko
rin yung akin.
Huminto ako paglabas ko sa tent.
"Anong oras na ba?" tanong ko kay Ria.
"It's 9 in the morning." sagot niya.
Umagang umaga pero wala akong nakikitang liwanag mula sa taas kundi mga pulang
ulap. Kasingkulay ng dugo ang buong kalangitan.
Totoo nga ang sinabi ni Trev.
"Ariethrusa should arrive by now. She's going to help us with medusa's
sisters." nagsimula na kaming maglakad pababa ng bundok. Gaya ng pinagplanuhan,
sinalubong namin si Ariethrusa saka dumiretso sa gitna ng isla kasama siya.
Tumigil kami sa harap ng puno dahil sa narinig naming mga boses mula sa kweba.
"A sister?" lumabas ang dalawang babae na may mga ahas bilang buhok. Pareho rin
silang nakasuot ng shades.
Hmm. Eto nga yung sinasabi ni Kara na mga kapatid ni Medusa... Stheno and
Euryale.
"We have a sister!" pumalakpak yung isa habang iniikutan nilang dalawa si
Ariethrusa.
Agad kong pinikit ang mga mata ko pagkatapos nilang tanggalin ang shades nila.
"And she brought us some additions to our collections!" masayang puna ng isa.
"Can I talk to you ladies?" aya ni Ariethrusa.
Matagal rin silang tumahimik bago sumagot. "Hmm.. okay.."
Naramdaman ko ang paggapang ng iilang mga ahas sa pisngi ko. "Hss... I like
your hair..."
"Stheno." tinawag siya ng kapatid niya.
Dumaan ang ilang segundo at sinabihan na kami ni Kara na buksan yung mga mata
namin.
Nakashades na sila ngayon at malalapad ang mga ngiti.
Ano kayang sinabi ni Ariethrusa?
"I told them they can have my sister if they help us catch her." pagbibigay-
alam niya.
Pumalakpak yung isa saka lumapit sa'kin kaya napaatras ako ng ilang hakbang.
"Pretty girl." aniya at nilapit ang mukha niya sa'kin.
Nakaramdam ako ng kamay na humila sa'kin papalayo sa ahas.
"Zeusss..." napaatras ang babae at pumunta sa likod ng isa pa niyang kapatid.
"Stheno... calm down. We're here to help them...hss." tinapik niya ang kapatid
niya.
"tsk tsk tsk." napailing si Stheno pagkatapos marinig ang sinabi ng kapatid
niya. "Are we really?" halatang nairita siya.
Tumango si Euryale at lumapit sa'min. "your eyes... they say they are
beautiful..." hinawakan naman niya ang pisngi ni Chase. Eh si Chase naman, bigla
lang nawala sa harap niya at nag superspeed sa tabi nila Cal.
"Ha. Bakla." narinig kong bulong ni Ria dahilan na mapangiti ako.
Inalok kami ng magkakapatid na pumasok muna sa kweba nila bago hintayin ang
nakatakdang oras. Pagpasok ko, napansin ko na halos lahat ng kagamitan dito gawa sa
bato.
May mga statwa ng mga tao... aurai...
Eto ata yung sinasabi nilang collection. Napailing ako. Ish. Kawawa naman ang
nabiktima nila.

"Ugh... this pile of junk is old. Gusto ko sanang palitan


'to pagkatapos ko kayong makita."nakangiting sambit ni Stheno.
Nagtinginan lang kami at patuloy na sinundan ang dalawang ahas na palalim sa
kweba.
Mayamaya, nakaapak na kami sa dugo.
"Gaia is menstruating right now. Sorry about that. Wala kasing napkins sa
mundong ito." ani Euryale.
Kumunot ang noo ko.
Ibig sabihin.. ang kwebang ito...
"are you seriously saying we're in Gaia's vagina right now?" tanong ni Dio.
"Technically speaking... yes." tumango si Stheno. "this is where she gives
birth to her children." dagdag pa niya.
"but she's sleeping so she won't be bothered." sabi ng kapatid niya.
This is so weird. Anong ginagawa namin dito sa bahagi ng katawan niya? What the
fudge. Nakakadiri ring isipin.
"That tree rose when she started bleeding. So it is connected with her womb in
some way... that tree is in fact, a child of Gaia."
Tumigil kami sa harap ng malaking bato na nakasabit sa taas. "That is an egg."
Kumunot ang noo ko pagkatapos marinig ang napakaraming heartbeats mula sa loob
ng bato. Ang dami.... ang ingay-ingay.
"Inside that is a hundred monsters waiting to be released. Fathered by
Tartarus." kumuha ng bato si Stheno at ginamit ito para tamaan ang itlog. Ilang
segundo ang lumipas at narinig namin ang hagulgol sa ilalim ng lupa habang
yumayanig ito.
"Gaano ba kalaki-"
"Hss!" Napipikon na nilingon ni Stheno si Chase. "Ignorant demigod! The titans
are able to change their forms anyway they want. They existed before you and your
deities!"
"Tatanungin ko lang naman kung gaano kalaki yung mga giants na nasa loob
n'yan." ngumuso si Chase sa direksyon nung bato.
Bago pa masakal ni Stheno si Chase, ay nagsalita agad si Euryale. "She is in
labor too."
"Umm... paanong labor?" ani Jamie. "Eh dumudugo naman?"
"The immortals are forever fertile." si Kara ang sumagot. "But they do not have
their cycles because their blood is too sacred or too pure to let bleed every
month."
"However, they can still bleed red blood like yours." dagdag ni Sthenos. "When
they are conceiving a child that belongs to the mortal realms, they bleed mortal
blood to sustain impure children like you inside their wombs."
"We are not impure." nangangalit na tugon ni Ria.
"So are the children inside that egg." Napakunot-noo si Kara. "The giants come
from a titan and a titaness so why is Gaia bleeding mortal blood?"
"Hss... it is true that the giants are pure." Lumapit si Sthenos dito. "But
they were made to belong in your realm."
"What do you mean they were made for the mortal realm? This realm is ours!"
Kasunod na tumaas ang boses ni Ria. "Inatasan kaming protektahan ito even if it
means breaking that goddamn stone!" Lumitaw ang isang malaking espada sa kamay
niya.
"You will not!" Pagbabanta ni Sthenos. "Kung ayaw niyong tuluyang magising ang
ina, huwag kayong magtangkang patayin ang mga anak niya habang nasa sinapupunan
niya pa ito."
"So ano ba talaga ang gusto niyong gawin namin?" Tanong ni Dio.
Isa-isa kaming tinignan ni Euryale. "Remember the quote?"
Tumango kaming lahat.
"It means that the tree in the middle of this island is a portal. It is a
portal that brings you to the heavens and the underworld." saad niya.
Napatingin ako sa ibaba nang makaramdam ako ng napakaraming presensya.
"and a wave of monsters will try to escape through that portal... that includes
gods and goddesses from the underworld. They are trying to break free."
Kaya pala tinawag itong rebellion.
Gods. Di ko alam na masasali kami sa ganitong problema.
"We need to take down that tree. That's all?" Naglaho na ang espada sa kamay ni
Ria na nakapameywang.
Narinig namin ang halakhak ng dalawa. "But that tree is a part of Gaia's womb,
child. If you kill that tree, you will wound the mother. You will... wake her up."
sagot ni Stheno.
"and when an ancient titaness wakes up, all of the titans will hear her cries
and wake up from their deep slumber too." dugtong ni Euryale.
Well shoot. Tinignan ko sila na halatang kinabahan pagkatapos marinig ang
sinabi ni Euryale.
"So... we want you to do nothing." maikling sabi ni Euryale.
"an army will try to escape the underworld at wala kaming gagawin?" bakas sa
boses ni Ria ang pagkairita.
"This is a rebellion. A war between the reigning Gods and the underworld
deities."
"And that would affect humanity. We are tasked to protect the mortal realms
from that war." dugtong ni Kara. She's trying to be calm.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nila. "Fine."
Nagsimula na kaming maglakad papalabas ng kweba.
"If you want to protect the humans you need to defeat the first wave of the
rebellion. I'm talking about massive and powerful creatures here."
Napatigil kami nang tumigil rin sila. "we will stay here and see to it that you
are not disturbing her." sinenyasan kami ni Euryale na lumabas.
Hmm. Or ayaw nilang masangkot sa malaking digmaan na'to kasi takot sila. Halata
naman.
But I understand their decision. Sino nga naman ang gustong sumali?
Lumabas na kami ng kweba. Napansin kong mas lalong pumula ang kalangitan.
Pumikit lang ako sandali dahil sa pagpatak ng ulan.
At pagdilat ng mga mata ko, lumabas na mula sa kahoy ang tinutukoy nilang army.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

The First Wave

Jamie's POV
"Surround the tree. Don't let any creature pass you." utos ni Trev.
Tumango kami at agad pinalibutan ang kahoy. Napaatras ako nang isang malaking
kamay ang napunta sa paanan ko.
Tinignan ko ito at nakita si Kara na isa-isang tinatanggalan ng mga paa't kamay
ang gigantes.
Napailing nalang ako saka hinagis ang labrys pataas.
Nasilawan ako ng kaunti dahil sa pinagsama-samang abilities ng dalawang kambal.
Nagliliwanag yung buong katawan nila. Pareho rin silang nakahawak ng mga pana.
Mukhang signature weapon na talaga yan sa mga anak ni Apollo.
Hinagis ko ang labrys sa tatlong gigantes at pinaikot ito sa kanila. Sinadya
kong ibaon ang paa ko sa lupa para mahila ko sila papalapit sa'min.

Narinig ko ang hiyaw nila nang mahila ko nga sila sa direksyon ko. Parang acido
na kumapit ang chain ng labrys ko sa balat nila.

Ampotek. Nakakadiri.

"Tangina." napamura ako nang sinunggab ako ng isa sa nakatali na gigantes.


Ihahagis nya sana ako papalayo nang tumigil ako at lumutang ng ilang segundo
bago bumagsak sa lupa. Tinignan ko si Cesia na ginamit ang weapon niya para
kontrolin ako.

Nice.

Tinanguan ko siya.
Nagkasangga ang blade ng labrys at ang silver bracelet ng isang monster.
Napansin ko lang. Halos lahat ng nilalang dito may putol na posas sa mga kamay
nila.

Hmm. Nakatakas nga.

"Oww-" napakamot ng ulo si Ria.


Isang sanga ng kahoy ang tumama sa ulo niya. Nakita ko ang pag-iba ng kulay ng
mga mata niya nang nilingon niya ang gigantes sa likod.

Supreme Divination...

Nabasa ko na'to sa libro na ipinagkatiwala sa'kin ni Kara. Lumalamang ang


imortal na dugo ng isang semideus sa tuwing nag-iiba ang mga mata niya.

Si Kara rin.

Halos silang lahat maliban sa'min ni Sebastian.... at Cesia?


Ahh... bago rin pala siya dito so kailangan niya pa ata ng time para mag
activate yung dugo ng deity niya.
Eh yung akin- napatigil ako sa pag-iisip nang tumilapon ako sa kahoy.
Agad akong nakaramdam ng bigat dahil malapit lang ako sa opening ng portal.

Takte.

Tumakbo ako sa direksyon nila nang nag land ang isang malaking ibon sa harap
namin. Isang segundo lang at nag anyo itong tao.

Nanlaki ang mga mata ko.

Ria?!
"No monster has left the island yet." pagbibigay-alam niya.
"Copy." nawala si Chase sa tabi ko.
Teka.

Ilan nga bang Chase ang nandito...


Umiling ako. Mamaya nalang ako magbibilang pag tapos na kami dito. Tsk.
Natumba ako dahil sa pagyanig ng buong isla. Hindi ako na orient na pati isla
kayang galawin ng mga kasama ko.

Hay nako.

Tumayo ako at tinulungan sila laban sa mga weirdong nilalang. Weirdo kasi may
ibang marami ang mga kamay... may mga pinaglihi rin sa octopus na may kasaling
tentacles yung mga paa. Tas yung iba pinaglihi sa pinya sa sobrang dami ng mga
mata.

"Hehehe... anong ginagawa ninyo dito? Hindi ko alam may


ipinadala palang handa ang mga deities." narinig ko ang nakakabinging halakhak ng
isang babaeng gigantes.

Gaga. Amoy na amoy ko pa nga yung baho ng hininga nila.


Hinarap ko ang dalawa na nangangati nang kainin ako.
"Maniwala kayo sa'kin. Di ako masarap kainin." sambit ko sa kanila bago hatakin
at tanggalin ang ulo nung isa.

Natunaw naman yung kasama niya nang dumaan ang pinagsamasamang liwanag ng
dalawang kambal. Wala pang nakakalapit sa kanila. Kung meron man, nakahati na ang
katawan nila.
Pero napatigil lang kami nung lumabas mula sa kahoy ang gigantes na mas malaki
pa sa gigantes na nakita namin sa camp.

WHAAAAT.

Nagtinginan kami ni Sebastian.


Sumingkit ang mga mata ni Kara habang tinignan ito mula ulo hanggang paa ang
higante.
"Must be a new child of a titan." sambit niya.
"Who killed my brothers and sisters?!" mas dumilim ang kapaligiran dahil sa
anino niya.

"yo. eto pala yung breadwinner nila." tumatango-tango si Chase.

Nagulat nalang ako nang kinuha ng gigantes si Cesia.

Napaatras kami nang naglakad siya papalapit sa'min hawak-hawak si Cesia. Ginawa
niyang barbie doll si Cesia. Hinihimas-himas niya kasi ang buhok nito.
"I was a beautiful man before... I had a lot of women. But I was cursed by your
mother because of it. Tsk." inis niyang sabi.
Muntik na niyang makain si Cesia nang nakarinig kami ng boses sa likod.
"Hindi pa kita inutusang kumain Hill."
Hill pala ang pangalan ng gagong yan ah..
Lumabas mula sa puno ang isang babaeng nakakakilabot tignan. Nakaitim siya at
nakaikot sa katawan niya ang isang pulang ahas.

Kumunot ang noo ko.

Tama ba 'tong mga mata ko?


Eto yung ahas na kumagat sa'kin.
"Sebastian..."
Tinanguan niya lang ako as if alam na niya yung ibig ko.
Gumapang yung ahas pababa sa babae saka ito tumayo hanggang sa maging tao ito.
"Ahh... ariethrusa... kapatid ko.." nakangiti niyang sabi.
So wait.
Yung kapatid ni Ariethrusa ang nakasalubong namin noon? Mayethrusa?
"Why have you betrayed us sister?" tanong ng kapatid niya.

Humalakhak ng malakas si Mayethrusa. "Who? Me? We were born to be evil sis.


Hindi ako ang traydor dito."
Umiling si Ariethrusa at napangiti. "You know nothing sister. We are not who
you think we are. We were born to serve a god!"
Kumunot ang noo ng kanyang kapatid na may bahid ng demonyo.
"shush. we don't have time for drama. Gather all the demigods at once!" utos ng
babaeng nakaitim sa mga gigantes.
Isang minuto lang ang kinailangan nila para icorner kaming lahat. Wala na
kaming choice kundi tumayo dito sa gitna.

"Siya ba yung babaeng nakita mo sa forest Cesia?" narinig kong tanong ni Ria.

Umiling siya. "Hindi."

"You are here to protect us from conquering the mortal


realms am I right?" nakangiting tanong ng babae. "Well bad news. You will fail your
mission."
Lumapit siya sa'min. Nasa harap na namin siya nang hinubad niya ang robe niya.
Saka namin nakita ang tatlong ulo niya.

"Hecate." bulong ni Kara.

"kaya pala walang liwanag na nakakapasok dito. Siya ang may kontrol ng mist."
dagdag ni Dio.
Huh. Isa nga naman sa mga underworld deities si Hecate. Ang goddess of magic,
ghosts at necromancy. Nabasa ko na rin yung story niya sa mga libro.

"How dare you stand against the olympians Hecate!" sigaw ni Ria. Dahil sa
sinabi niya, nakakuha siya ng suntok sa sikmura mula sa gigantes.
"We all want what your deities have. Control. Over. Everything." nakangiti
niyang sagot.

"nonsense. you are a goddess. what more do you need." ani Kara na naka fighting
stance pa rin.
"pero di pa rin ako katulad ng mga magulang ninyo. I long for power more than
they have given me."

Hinatak niya ang buhok ni Cesia. "especially your mother."

Nakita ko ang reaksyon ni Trev na nagpupumilit na kumawala mula sa mga


gigantes.
"Kill them all." utos ni Hecate.
"Aray ko naman!" masakit kasi yung pag gapos nila sa'kin. As if naman
makakatakas ako eh tatlong gigantes sa bawat Alpha yung nandito.

"You're still loud even when we're dying." siniko ako ni Sebastian.

Huh?

"Ahh seryoso pala siya?! Papatayin niya tayo?!"


Akala ko gagamitin pa niya kaming bait para i-lure yung mga olympians katulad
ng nakikita ko sa mga movies.

Isuggest ko kaya yun sa kanya?

"Jamie..." binanggit niya ang pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya.


Nakakaawang tignan ang hitsura niya.

"S-seb?" bigla akong kinabahan.

"remember when I told you I would never leave you?" tanong niya. Medyo bugbog
na talaga yung katawan niya. Tangina. BA'T NGAYON KO LANG NAPANSIN YAN.

Tumango ako. "bakit...?"

Ngumiti siya saka niya ako kinindatan. "I meant that."

Lumiwanag ang kanyang kamay kaya napabitaw yung gigantes sa kanya. "Trev!"

Tinignan ko si Trev na nakatumba na ng dalawang gigantes.

"Why you!!!! Catch them!" hiyaw ni Hecate.

Nawala na yung gumapos sa'kin dahil kay Sebastian kaya agad kong ginamit ang
labrys. Hmm. Mas bumigat nga lang. Pagod na kasi yung katawan ko.
Tumalon ako sa katawan ng gigantes at hinagis ang labrys sa isa pa na papunta
sa kinatatayuan ko.

Ilang metro na ang layo namin kay Hecate kakatakbo hanggang may lumitaw na
pader sa harap namin.

"The wall is made out of toxic mist. Everyone back off." pagbibigay-alam ni
Kara.

Napaubo ako ng konti dahil sa mist.

"Sebastian!"

Pinalibutan si Sebastian ng mist mula sa pader. Nagtaka nalang ako nang hawak-
hawak na ni Hecate ang leeg niya.

"you thought you got me child?"

Unti-unting nawawalan ng hininga si Seb. Lumalaho na rin ang liwanag ng mga


kamay niya. May lumalabas na dugo mula sa bibig niya.
Anong ginagawa niya sa Sebby ko?!
Nilingon ko sila na nakatulala.
Binalik ko ang mga mata ko kay Sebastian na nakatingin rin sa'kin.
"I-I'm sorry..."

Mamamatay siya sa harap ko tas sorry?!


"HECATE!" tinapon ko ang labrys.

Nakuha ko ang atensyon niya. "bitawan mo nga siya!"

Pero imbes na sundin ang payo ko, hinigpitan pa niya ito.

"awee... a daughter of Hephaestus to the rescue? What can you do? Build a
fort?"

Huminga ako ng malalim at napapikit. Hindi ako gagawa ng kung ano. Ang bobo
niya para sa isang goddess.
May kakaibang nangyayari sa katawan ko.
Pinagpapawisan ako ng sobra. Kumukulo yung dugo ko. Literal na kumukulo yung
dugo ko.

"Jamie..." narinig ko ang pangalan ko.

Tinignan ko sila.

"Amber. Amber eyes." nakangiting tugon ni Ria.

Tumango ako at tinignan ang apoy na nakapatong sa palad ko.

Ang elemento ni Hephaestus.

Tch.

Ito ang totoong ability ko.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Grip

Cesia's POV
Sunod-sunod na pinapakawalan ni Jamie ang galit niya. Literal na fireballs ang
hinahagis niya kung saan-saan.
Pero alam ko namang in control siya. Alam niyang may mangyayari sa kanya na
ganito.
"she can manipulate fire. cool." tumatango-tango si Dio.

"eh ikaw Cesia? Kailan mo ba planong mag supreme divination?" ni reflect ni


Chase ang piraso ng mga bakal na papunta sa'min gamit ang weapon niya.

Oo nga... naunahan pa ako ni Jamie.

"Did you forget? Supreme Divination can cause death. Don't force her to do so.
She might not be ready." tutol ni Kara.
Naalala ko yung time na muntik na akong mamatay dahil sa power limit kaya
tumango nalang ako.

"or..." hinatak ni Ria ang espada niya mula sa tiyan ng isang gigantes.
"naghahanda na ang katawan niya. She might just become the most powerful demigod.
Hindi natin alam. Baka ang supreme divination niya ang maaaring dahilan ng end of
the world." natatawa niyang sabi.
"Oh you mean like Trev's?" tanong ni Dio.

Napatingin ako sa lalaking nakalutang sa ere. Nagkasalubong ang mga mata namin
kaya yumuko ako.

Ano nga bang meron sa lalaking yan?

"Trev? Is he that powerful?" usisa ni Sebastian.

Tahimik lang sila at nagtinginan.

"Trust us. Iba ang magagawa ng isang anak ni Zeus. That's his basic abilities
right now. He's just using his eyes to get critical hits whole throughout." sagot
ni Ria.

Basic Abilities?!

Tas ginagamit lang niya yung mga mata niya para ma enhance yung tama niya sa
mga kalaban...

Kaya pala... pwede niyang ibahin ang mga mata niya anytime. Alam niya ang
ginagawa niya...

At ang kalma lang niya.

Wala akong nararamdaman na kaba at takot mula sa kanya.

Napailing ako at tinignan ulit si Trev.

This time, napagtanto kong kanina pa pala siya nakatingin sa'kin.

"Son of Zeus!!" nabaling ang atensyon ko sa gigantes na tumatakbo papunta sa


kanya.

Sinenyasan ko siya na tignan ang paparating na higante.


Pero wala pa rin siyang kibo. Nakatitig pa rin siya sa'kin.

Umm...

Nagsimula na akong kabahan para sa kanya?

What the fudge.


Nakaka stress ang lalaking 'to!

Tumakbo ako para harapin ang nilalang.

ANO BA 'TONG GINAGAWA KO.

Gamit ang weapon, hinagis ko ang isang blade ng patay na gigantes at ibinaon
ito sa hita ng....

Teka.

Hindi siya gigantes.

Ang dami ng mga mata niya.


Parang pinya yung upper part ng katawan niya.

Seryoso. ANONG KLASENG HALIMAW YAN.

Nakatingin lahat ng mga mata niya sa'kin. Lumambot ata yung tuhod ko. Gusto
kong umupo at huminga muna.

Hinanap ko si Trev na nawala na sa pwesto niya.

GODS. Ano nga bang pumasok sa isipan ko. Iiwan lang naman ako ng lalaking nyan.
Wala ata siyang balak na tulungan ako dito.

Binigyan ko ang malaking pinya ng namomroblemang ngiti.

Ano nga bang magagawa ko. Walang-wala ako sa pinyang 'to.

Asan ba kasi si Trev. Edi sana hinayaan ko nalang silang dalawa na magbakbakan.
Hindi kami.

Tulong.

Nagtaka ako kung bakit tumigil yung pinya.


Di nya ba ako aatakihin?

Kinuha ko ang chance na tumakbo papalayo sa kanya. Syempre di ko naman ginawa


yun.

Instead, nagmala magneto ako at sinubukang ikontrol ang silver shield ng


nakahandusay na gigantes at pumatong dito.

Mahirap rin palang magkaroon ng ability na lumipad. Ilang segundo ang


kinailangan ko para ma stable sa shield.

Aalis na ako dito.


Okay na yang blade sa hita niya.
I swear. Obvious talagang hindi ko kaya ang halimaw na yan.

Kinuha ng pinya ang blade at itinaas ito. Saka niya ako sinigawan ng harap-
harapan.

Ayaw niya talaga akong pakawalan.

"Are you seriously gonna fight a mortal with no weapon?" nakataas noo kong
tanong sa kanya.
"Ang daya daya naman."
Parang ang confident ko pakinggan, pero sa totoo lang...
Kabog lamag ng dibdib ko ang tangi kong naririnig.

Nag isip-isip rin yung pinya bago bitawan yung blade.


Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos makita ang ginawa niya.
"I have a hundred eyes kid. You're nothing." humalakhak ang pinya.
"Really?" siningkitan ko siya.
"Tsk." May sinabi siya sa kanyang sarili na di ko narinig ng maayos.
Lumundag nga siya. Pero bago pa niya ako makuha, nakaiwas na ako ng ilang
inches sa kamay niya.
Muntik na yun.

Napansin ko ang pagngiwi niya sa sakit nang bumagsak siya.


"Hindi ako matatalo sa isang anak ng grace." sambit niya.

Kumunot ang noo ko.

Teka. Akala niya isang grace ang deity ko?

Ewan pero nainis ako sa sinabi niya.

"Wrong." tinaasan ko siya ng kilay.

Tumayo siya at sinuri ako. Nanghuhula pa ata kung sino yung deity ko.
Narinig ko ang tunog ng phoenix kaya napalingon ako.
Agad kong pinagsisihan ang ginawa ko dahil isang sampal lang ang ginawa niya at
nagbackflip na ako at bumagsak sa lupa.

Napasigaw ako sa sakit.

Iniimagine ko nalang na ako yung bola sa volleyball at siya yung spiker.


Hirap akong makahinga dahil sa bawat segundo na sumasakit ang buong katawan ko.
Namanhid ang kanang braso ko dahil sa impact.

Hindi ko kayang tumayo. Oh Gods. Inaasahan ko talaga na mangyayari 'to.

Sabi ko nga. One hit lang ako.

"Not one of the graces? Well I must say your deity must be weak. Looking at you
right now. HAHAHAHA!"

Napatigil ako sa sinabi niya.

Weak?

Kinuyom ko ang aking kamao.


Weak...

Ang deity ko?

"Kneel."
Tumigil siya sa pagtawa saka binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"I said kneel." I willed with a voice as enchanting as a siren.

Nagulat siya nang bumagsak rin siya sa lupa, nakaluhod.

Nanlaki ang mga mata niya.

"A-aphrodite?" nauutal niyang tanong.

Tumayo na ako nang unti-unti nang naghilom ang mga sugat ko.
"I-im s-sorry kid.. nandito ako p-para..." napalunok siya. "p-patayin ang
dahilan kung bakit ako g-ganito.."
Nandito siya para patayin ang anak ni Zeus? Ano nga bang kasalanan ng God sa
kanya?

"Nandito rin ako para patayin kung sino man ang magtatangkang patayin siya."
sambit ko.
Hindi ko pinapakita ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sumasakit ang buong
katawan ko.
Nagpupumilit siyang tumayo kaya mas diniinan ko pa ang will ko na nakakonekta
sa'ming dalawa.

Narinig ko ang tunog na inilabas niya dahil sa matinding galit.

Ngunit napatingin ako sa direksyon ni Art na pinapalibutan na ng gigantes.

"DON'T MOVE." utos ko saka tumakbo para tulungan siya.

"Hi Cesia! Hihihi." bati niya sa'kin habang tinutunaw ang gigantes na nasa
harap niya.
"Art..." tinawag ko ang kanyang pangalan.
Kaso hindi niya ako narinig.
Atsaka...
Ba't namumutla siya? Para na siyang multo ngayon.

Teka..

Naramdaman ko ang enerhiya na unti-unting nawawala sa kanya.

Napansin ko rin ang iilang mga linya na gawa sa liwanag sa kanyang paanan.
Sinundan ko ito at nakitang nakakonekta ito sa kakambal niya.

Nauubusan na siya ng enerhiya... kasi..

Kasi pinapasa niya ito sa kakambal niya.

Walang alam si Sebastian sa nangyayaring transfer of energy. Di niya


namamalayang mas nagiging radiant ang liwanag na meron siya.

Samantalang kay art... ang liwanag niya... unti-unting nawawala...

Napalunok ako.

"Cesia. Pakitulungan naman ako oh." nginitian niya ako.

Hindi ako sumagot at huminga ng malalim.


Tumango ako at binigyan rin siya ng ngiti.

Ngiti.. dahil napag-usapan na namin 'to. Kung ano man ang plano niya...
susuportaan ko siya bilang isang Alpha.

Pero nanghihina rin ako... hindi dahil malaking portion ng ability ko ang
nagamit...
kundi dahil ramdam na ramdam ko ang pagkawala ng liwanag mula kay Art.

"Cesia... okay na. Pumunta na tayo sa kanila." naramdaman ko ang kamay niya sa
balikat ko.

Kanina ko pa natapos ang mga gigantes... pero nakatayo lang ako dito habang
dinaramdam si Art.
Napayuko ako at sinundan si Art.

Anong gagawin ko sa'yo Art...

"Hecate is hiding. Tsk." saad ni Ria.


"The portal is closing too. Look." tinuro ni Dio ang portal. Mas lumiit ang
doorway nito.
"Just don't go near it. It's absorbing anything that comes in its way while
closing itself." paalala ni Kara.

Laking gulat ko nang tumilapon ako bigla sa kahoy.

Nakalimutan ko yung pinya.

Ang pinakamalaki sa mga gigantes na nakalaban namin.


Isang seundo lang at kinuha ako ng halimaw para itapon sa loob ng portal.

"CESIA!" narinig ko ang mga sigaw nila.

Isang kamay ang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"T-trev? Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Saving you..." humihingal siya.


"again." narinig kong dugtong niya.
Hinila niya ako. Pero katulad ng sinabi ni Kara, tila vacuum ang portal kaya't
hindi ko magawang lumabas mula dito.
Pag ipapapatuloy niya ang ginagawa niya, sigurado akong kaming dalawa ang
mahuhulog dito.

"H-hindi pwede. Kakainin lang tayo ng portal. Wag kang sumama sa'kin."

Tinignan niya ako na tila hindi kapani-paniwala ang sinabi ko.


Napatingin ako sa ibaba.
Wala akong nakikitang liwanag. Hindi ko alam kung anong klaseng abyss ang nasa
baba. Pero sigurado akong sa underworld ito.
"Let go of me Trev." utos ko sa kanya.
Nadudulas na ang kamay ko.
"Bitawan mo'ko." at sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko ang takot niya.
Nagulat ako.

Takot siya...

dahil sa'kin.

"I will never."

Umiling ako.
Wala talaga siyang planong sundin ako.

Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti. "Trev. Inuutusan kita. Bitawan-"

Nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.


"FUCK IT!" kasabay ng pagsigaw niya, ang paghila niya sa'kin papalabas ng
portal.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa portal na iniikutan ng kuryente.


Kinurap-kurap ko ang aking mga mata.

S-sinira niya ang portal para sa'kin?

(A/N: Remember: may natutulog.)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Unsteady

Cesia's POV
Tinignan ko ang mga kamay namin habang tumatakbo papalayo sa portal.

Ayaw niya talaga akong bitawan.

I felt blood run on my cheeks. Pero nalulungkot pa rin ako. Pakiramdam ko ako
ang may kasalanan pag nagising ang nga titans.

Dahil sa'kin, nasira yung portal.

Nang makasecure na kami ng location na ilang metro lang ang layo sa portal, ay
tumigil na kami para tignan ito.

Naputol ang nga sanga nito at isa-isang bumagsak mula sa mga ulap.

May ilang mga gigantes na natamaan. Tas yung iba patuloy pa rin sa pagtatakbo.

Narinig namin ang halakhak ni Hecate.

Naiinis na talaga ako sa babaeng yan.

Pero paano nga ba namin matatalo ang isang goddess?

"Risking it all will be your downfall demigods." Napuno ng mist ang peripheral
view namin saka lumabas ang goddess.
Nakangiti siya bitbit ang isang torch.
Nagmukha siyang black lady dahil sa aura niya ngayon.

Kumunot ang noo ko pagkatapos marinig ulit ang boses niya mula sa ibang
direksyon.

"Pain and suferring for your deities. The promise of a new era. Give up and you
will be our first kings and queens." lumitaw ang pangalawang Hecate. May bitbit pa
rin siyang torch.

Narinig namin ang tunog ng mga susi. "or we will offer your decomposed bodies
to your Gods." natatawa niyang dugtong.

Nagpakita ang pangatlong Hecate, this time, mga susi na yung dala niya.

Tatlong Hecate?
Hmm. Di na ako magtataka. Ngayon ko lang kasi naalala, siya rin yung Goddess of
crossroads.
Nagulat nalang ako sa biglaang pag-atake ni Mayethrusa sa sarili niyang
kapatid. Kaya isang segundo lang at nasa lupa na silang dalawa.

Nag anyong ahas ang dalawa at pilit kinakain ang isa't-isa.


Tutulungan ko na sana si Ariethrusa kaso pinigilan ako ng isa sa mga Hecates.

Malamig ang kamay niya sa braso ko at yung mga kuko niya masakit sa balat.
Napangiwi ako nang hinigpitan niya ang kanyang kamay sa braso ko dahilan na
maramdaman ko ang pag-agos ng dugo mula dito.

"Because of you this situation has gotten worse. I will kill you." nanlilisik
ang mga mata niya.

Hindi ako nakagalaw.

Dahil sa sinabi niya.

Nakatulala ako sa harap nila. Kahit ramdam na ramdam ko yung masakit na kamay
ni Hecate.

Napapikit ako dahil mas diniinan niya ang kanyang mga kuko sa balat ko.

Binigyan nila ako ng nag-aalalang tingin.


Nakahadlang kasi ang dalawa pang Hecate sa pagitan ko at ng Alphas kaya di sila
makalapit sa'kin.

"To the underworld with you-" hindi ko narinig ng tuluyan ang sasabihin niya.

Biglang nag-iba ang paligid. Nasa island pa rin ako pero hindi na madilim.
Nagtaka ako saglit nang makita ang babaeng nakasuot ng chiton na naglalakad
papalapit sa'kin.

"heavenly..." katulad nung dati, nakaka enchant pa rin yung


ngiti niya. May invisible force na humihila sa'kin papunta sa kanya. I guess kahit
sino talaga ang mahihila ng aura niya.

Ito ata yung will ko na gustong gusto yung boses niya.

"Hmm... titignan mo lang ba ang magandang mommy mo?" nakapameywang niyang


tanong.
"u-umm.." pumunta ako sa kanya. "ano pong ginagawa nyo dito?"

"We were given the permission to come down to claim Hermes' pets. It actually
took us a great amount of effort to get his permission." sagot niya.

Nakatitig lamang ako sa mga mata niya na paiba-iba ang kulay. Tila may sariling
buhay ang kagandahan niya.

"and I am very much dissapointed in you." bumigat ang pakiramdam ko pagkatapos


marinig ang sinabi niya.
"I'm sorry... alam kong dahil sa'kin nagising ang mga titans." yumuko ako. Wala
akong karapatang tignan ang isang goddess sa kasalanan ko.

"No." she lifted my chin. "I'm disappointed because you are blaming yourself.
This was no one's fault. If anything, this was the rebels' fault. They knew the
consequences when they proclaimed war."
Napangiti ako at tumango.
Wala na kaming magagawa kung magigising si Gaia...

Napunta ang mga mata niya sa braso ko at hinipo ito.


Kumunot ang noo niya. "Hecate." bakas sa boses niya ang tinding galit.
Tinignan niya ako ng matagal. "Surrender your body, child. You should not fight
a goddess of great power. You are not ready."

Nagtaka ako sa sinabi niya...

Bumalik ako sa realidad. Natagpuan ko na nakaangat at kasalukuyang sinasakal ni


Hecate. Pahigpit nang pahigpit ang kanyang kamay.

Di ako makahinga.

"Hecate." nagulat ako sa sinabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya. Saka ko hinawakan ang kamay niya na nasa leeg ko.

Hindi ko ginawa yun.

Teka. Nalilito na ako sa nangyayari ngayon.

"You belong to the underworld." hindi ako ang nagmamay-ari sa boses na kusang
lumalabas sa bibig ko.

"A-aphrodite." binitawan niya ako saka siya napaatras.

Aphrodite? Sino? Ako?

"You are one of them? Easy to guess." nagsalita ulit ako.

Naalala ko ang sinabi ni Aphrodite.


Tama nga ang hinahala ko.
Ang goddess ang may control sa katawan ko at wala na akong ibang choice kundi
ang... manood sa susunod na mangyayari.

Ria's POV
WHAT THE HELL IS HAPPENING.

"Aphrodite?" nagtataka kong tanong kay Kara.


Tumango siya. "That is not Cesia." nakasingkit ang mga mata niya.

So it is Aphrodite.

This is the first time I saw her. Well not really dahil kay Cesia pa rin ang
katawan na ginagamit niya.

But it is true... ang tungkol sa boses niya.

Narinig namin ang halakhak ni Hecate. "I didn't think I


would encounter an Olympian... because I thought you are grounded."
Binigyan lang siya ni Cesia... no wait... ni Aphrodite ng bored look.
"consider yourself lucky... dahil hindi lang isang olympian ang nandito." sagot
niya.
It's her voice that makes her so powerful.
Damn. Hindi lang si Hecate ang kinakabahan dito.
Ako rin.
Nakakakilabot ang boses niya and at the same time, nakakamangha.

Her voice sends alarms in my brain. Especially ngayong halata na galit siya.
"Really? so Zeus sent two Olympians for me? I'm flattered."

Dalawa? Dalawang olympians ang andito?

"Oh no love. He's here to claim what is his." sagot ng goddess.


Nawala na ang mist at nakita ko kung sino ang naglalakad papunta sa'min bitbit
ang staff niya.

"Ariethrusa. Mayethrusa." tinawag niya ang dalawang ahas.

Ngumiti siya. "come to papa.." tugon niya.


Agad lumapit ang dalawang ahas sa kanya. "that's it... you were made to serve
me." mahina niyang bulong. "You were stolen from me..."

Dahan-dahang umakyat ang mga ahas sa staff niya. Pero bago pa sila naging
metal, tinanguan kami ni Ariethrusa bilang pasasalamat.

"Finish your business Aphrodite." he then proceeded to fly with his winged
sandals.

Well... that was fast.

Napunta ang mga mata namin kay Hecate na nakatulala.


Ewan pero napangiti ako. Ngayon lang ako nakakakita ng goddess na takot.

And it is good to know that they can feel fear too.


"Kneel before your mistress, chthonic goddess" utos ni Aphrodite.
Kung hindi lang sana binanggit ni Aphrodite ang 'chthonic goddess', napaluhod
na rin ata kami.

Ganito ba katindi ang kapangyarihan ng isang Olympian?

"No." kumapit si Hecate sa staff niya kaya hindi siya nakaluhod. Nagmukha
siyang kuba sa posisyon niya ngayon.

"How dare you not obey my orders!" dahil sa galit na pinakawalan ni Aphrodite,
lumindol sa buong isla.
We felt the heavy air around us. I feel like suffocating too.
"I command you to kneel!" nag echo ang boses niya.
Then... lahat kami.

Pati ang mga gigantes.

Bumagsak sa lupa...

and we can't get up.


What the hell.
The monsters started whining while kneeling until the goddess ordered them to
shut up.
"This is why you belong to the underworld, Hecate. You do not belong here nor
the heavens." nagsalita ang goddess. Pero naging gentle na ang boses niya ngayon.
She stood before another goddess with poise and so much power... to the point
na ako yung kinakabahan para kay Hecate.

Ayan ang mapapala niya.

Tinapat ni Aphrodite ang kamay niya kay Hecate.


"What is wrong? Do you not have power?" tanong niya.
Galit na inangat ni Hecate ang ulo niya. "I curse you goddess-"
"silence." tumigil rin siya.
She leaned her head and looked at the goddess. Saka unti-unting lumiwanag ang
kanyang kamay.
"I will not kill you for you are a goddess. But I will... punish you." sambit
niya.
Kung papatayin nga siya ni Aphrodite, wala ng mist. Isa pa naman sa most
fundamental ang mist sa mundong ito. I guess she has a point.

Needed pa rin si Hecate para sa daloy ng mundo.. kahit... kahit malaki yung
kasalanan niya.
"Hecate, go back to the underworld and repay for what you have done."
"N-no!" sigaw niya.

Nagbuntong-hininga si Aphrodite. "Hecate, love, a goddess is righteous. Now,


look at what you did."

"Tsk. I... I regret nothing." nakangising sagot ni Hecate.

"Then I will make sure you will."

Narinig namin ang hiyaw ni Hecate.


Tinakpan ko ang mga mata ko dahil sa matinding liwanag.
Mayamaya, binalik ko ang tingin ko at nakitang nawala na si Hecate sa posisyon
niya.
"stand Alphas." gaya ng sinabi niya, tumayo rin kami.

"I will not return to help you again.. neither will the Gods." pagbibigay-alam
niya.
Her eyes turned from fierce to mother-like. Para bang concerned nga siya sa
kalagayan namin.

Is she really?
Pumikit siya. "the titans are awakened." saka niya kami isa-isang tinignan.
"You can not help your precious mortals anymore. The ground will be.... the
battlefield." naging malungkot ang boses niya.

"your next move is to temporarily protect humanity from the creatures. And stay
together, for we will need you when the third prophecy comes." huminto ang mga mata
niya kay Art.

A few seconds passed at bumalik na ang dating Cesia. Kinukurap-kurap niya ang
mga mata niya. Saka niya sinuri ang kanyang mga kamay at buong katawan.

"Cesiaaaa!!!" niyakap ni Art si Cesia.

"We still need to fight these monsters." ani Kara tas humiwalay sa'min.

Nagbuntong-hininga ako.

Right.

Hinagis ko ang espada sa direksyon ng mga gigantes na papunta sa'min at tumakbo


para salubungin sila.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Immortalized

(A/N: This is it guys. Pakiplay ng media for more drama.


Ulit-ulitin if necessary. And I'm sorry in advance. Kailangan eh.)
Art's POV
C'mon Art. Kaya mo yan. GO GO GO!!
Nadapa ako. Pero agad naman akong tumayo.
Tumatakbo ako papunta sa cliff kung saan makikita ko lahat ng nasa baba.
Napangiti ako nang maramdaman ang paghina ng aking katawan. Ubos na lahat ng
enerhiya ko. Nabigay ko na lahat sa kakambal ko.

Pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Kahit ilang beses na akong napadapa.

Patay talaga ako kay Cal sa mga sugat ko.

Naalala ko ang vision ko nang makita ang field na puno ng dugo noon. Ang
pinakaunang vision ko.

Pero tinraydor kami ni Kaye...

Dun ko napagtantong tama nga ang vision ko. Isang vision lang naman ang
naranasan ko...
tas dumating yung time na nagsupreme divination ko.

Pagkatapos nun, panay na ang nakikita ko.

Nadapa ulit ako.

Nagbuntong hininga ako habang nakaupo sa lupa.

Pumapatak na ang ulan.


Tumayo ulit ako. "k-kaya mo'to... Artemia."

Naalala ko ang sinabi sa'kin ng tatlong moirai sa panahong nawala na si Kaye...


bago pa pumasok sa isipan ko si Cesia para pakalmahin ako.

'Choose your path, oracle.'

'The Light of The Last Elysian Oracle has been passed on to you.'
Kapag namatay ang isang oracle, lahat ng kapangyarihan niya ay mapupunta sa
kung sino man ang pumatay.

Pinatay ni Kaye ang Oracle.

At ako... ako ang dahilan ng pagkamatay ni Kaye.


Nasa akin ang kapangyarihan ng Elysian Oracle.
Kaya karapat-dapat akong bumalik sa Elysium. Dapat kong tapusin ang misyon ng
oracle. Dahil marami na ang naapektuhan sa kanyang pagkawala.

Ako muna ang papalit sa kanya ngayon.

Kinakailangan dahil masisira ang daloy ng mortal na buhay kapag wala ang
oracle.

Tinignan ko sila mula dito sa itaas.

at pagdating ng pangatlong propesiya...

matutulungan ko rin sila.

"Bitawan mo nga ako!" napalingon ako nang marinig ang mga sigaw ni Jamie.
Nasa kamay siya ng isang gigantes. Balak niya atang itapon si Jamie.

Ginamit ko ang weapon ko saka tinamaan ang kamay niya dahilan na mabitawan niya
si Jamie.

Tinulungan ko siyang tumayo.

"Checkmate." natatawang sambit ng gigantes kaya napaatras kami.


Lumutang ang apoy sa mga kamay ni Jamie saka niya ito hinagis sa gigantes.
Ilang paso rin ang natamo ng nilalang bago sumugod.

Hindi ako makakalaban sa ganitong kalagayan.

Ubos na talaga! Huhu!

'It is time, oracle... to go home.' Biglang nagpakita sa'kin ang mga moirai sa
likod ng gigantes.

Tumango ako at ginamit ang huling kapangyarihan na meron


ako para tapusin ang gigantes. Pero bago pa siya makain ng aking liwanag, nagawa
niyang itulak si Jamie.
Plano ko pa naman sanang gamitin ito para ubusin lahat ng gigantes sa baba.
Kaya nga pumunta ako dito sa taas eh. Hays.

Bahala... na..

Ang mahalaga may naligtas ako.


Nagmadali akong kunin ang kamay niya.

"J-jamie..." nanghihina na ako.

"Art..."

Lumabas mula sa bibig ko ang dugo.


Napangiti ako nang marinig si Blobblebutt.
"Blobblebutt." tinignan ko ang nilalang na lumilipad sa harap namin. Agad
niyang kinuha si Jamie at pinasakay sa likod niya.
"K-kanina pa kita tinatawag..." sumakay rin ako sa kanya.

Inalalayan ako ni Jamie habang nakaupo.

"A-art.. anong nangyayari sa'yo?" nag-aalala niyang tanong.


Napapikit ako habang dinaramdam ang hangin at ulan dito sa taas.

Huminga ako ng malalim.

"Good girl... blobblebutt... good girl..." bulong ko.


"ART!!!"

Cesia's POV
Narinig ko ang pangalan ni Art mula sa taas kaya napatingin ako.
Nakita ko si Jamie na nakasakay kay Blobblebutt...

Pagkatapos...

Napasinghap ako nang makita ang pagkahulog ni Art mula sa taas.

Tumakbo ako sa direksyon niya. Mabilis ang tibok ng puso ko. As if any time,
aatakihin ako.

"Chase!" kinuha ko ang atensyon ni Chase na busy sa mga gigantes. "si Art!"
hiyaw ko sa kanya.
Nagulat siya nang makita si Art na walang malay habang bumabagsak sa lupa.

Nawala na si Chase sa kinatatayuan niya.

"Artemia!" sigaw ni Kara.

Tumakbo kami papunta sa kinatatayuan ni Chase. Tinignan kami ni Chase na may


problemadong mukha kaya lumapit kami sa kanya.
"P-patawarin niyo ako..." umiling siya saka yumuko. "Huli na ako."

Tumingin ako sa baba at muntik nang mawalan ng balanse.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata.

Nakahandusay ang katawan ni Art sa may paanan niya.

"Art... gumising ka nga!" Sinasampal-sampal ni Ria ng mahina si Art.


Dahan-dahang binuksan ni Art ang mga mata niya.

"Mmm?" bumuo ang isang malungkot na ngiti sa kanyang mukha.


"We need to bring her back now!"
Tingnan ko si Kara na nagpapanic.

Ngayon ko lang siyang nakita na nagkakaganito.


Hinawakan niya ang kamay ni Kara saka umiling. "pinili ko'to..." mahina niyang
tugon.
"k-kasi... kung hindi... h-hindi ko kayo matutulungan... diba?" dagdag niya.

Mas lumakas ang ulan.


Tila nakiisa ang langit sa nararamdaman namin.
Napansin ko si Cal na nakatayo at nakatitig lamang kay Art.

Hindi kapansin-pansin pero umiiyak siya.

"Cal.." lumapit ako sa kanya. Pero iniwasan niya ako.

Nagbuntong-hininga ako saka pumikit...

Alam kong mangyayari 'to. Pero ang sakit sa pakiramdam na wala akong magawa.
Dahil pinilit niya akong wag humadlang sa plano niya.
Malay ko ba? Nakangiti siya palagi sa tuwing kinukwento niya sa'kin ang nasa
visions niya.

At ngayon...

nakangiti pa rin siya.

Kaya kahit anong gawin ko. Pipiliin niya pa ring mawala.

Tinignan ko ang mga mata ni Art... na nakasara na.

Art...

Hindi ko alam kung paano pero unti-unting naging mga paru-paro ang buong
katawan niya.

Nagkalat kaagad sila sa iba't-ibang direksyon.


Sinundan ko ng tingin ang mga ito.

'Pinangako mong babalik ka...'

Nawala na ang ulan... at bumalik na sa isla ang liwanag.

Dahil ito sa mga paru-paro na nagawa pang tunawin ang maiitim na ulap bago
mawala sa pananaw ko.

'Babalik ako... Alpha... Omega'

Tumango ako pagkatapos marinig ang boses niya.


Alam kong matagal-tagal pa bago ko maririnig ulit ang boses niya.
Mamimiss ko siya ng sobra.
Sobra sobra.

Umiling-iling ako. Hindi ako iiyak.

Tas biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Art.

Alpha Omega?

Yun ba yung-
Namalayan ko nalang na mag-isa na akong nakatayo dito. Nawala na silang lahat
maliban sa'kin.

At kung anu-anong emosyon ang pumapasok sa katawan ko. Galit. Lungkot.

Shoot!

Inangat ko ang aking ulo at nakitang nag-aapoy na pala ang buong isla. Kasabay
nito ang lindol, ang pagbaha ng dugo mula sa mga gigantes at ang tuluyang pagkawala
ng liwanag.
Pinapalibutan ng mabigat na kadiliman ang buong lugar. Ang apoy lang sa mga
puno ang nagsisilbing liwanag dito.

"You need to help them." seryosong tugon ni Trev.

Tumango ako.
Sumabog ang isang bahagi ng isla kaya sumabog rin ang puso ko.

Isa-isa ko silang tinignan. Lahat ng mga mata nila...

Gods. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari pag nawala na si Art.

"Trev... ikaw na bahala sa apoy." sambit ko sa kanya.


Siya naman yung kayang magpa-ulan dito.
Tumango siya saka umalis.
Lumipas ang ilang segundo at nakaramdam ako ng tubig sa paa ko.

Hinanap ko si Dio.

Lulubog ang isla pag di niya kayang kontrolin ang sarili niya.

Masakit sa'kin ang pagkawala ni Art. Pero mas masakit kapag nakikita ko silang
lahat na ganito.

Pero di katulad sa nangyari kay Art, this time...

alam kong may magagawa ako.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

The Hidden Identity

Cesia's POV
Bumagsak ang phoenix mula sa taas. Bumaba na rin si Trev na puno ng dugo. Ikaw
ba naman ang makalaban ng isang malaking ibon sa ere.

"Ria!" kinuha ko ang atensyon niya. "Tapos na tayo dito. Tanggapin mo na."

Tinignan niya kami.

Ilang segundo ng katahimikan at bumalik na siya sa dating anyo niya. "S-si


Kara?" inalalayan siya ni Chase.

Nagbuntong-hininga ako.

Tapos na ako kay Dio.. tas si Jamie... Chase... kasunod si Ria...

"Hindi ko mahanap si Kara..." sagot ko.

I feel my ability draining. Nakakapagod rin pag ang buong team ang
nagkakaganito.

"Cesia... hindi kaya siya nagtatago sa isang trance?" tanong sa'kin ni Dio.

Naging lightbulb ang sinabi niya sa utak ko. Kaming dalawa ni Kara ang may
kakayahan mag manipulate ng trance. Tama.
"Hanapin niyo si Cal at Sebastian." utos ko sa kanila.

Pinikit ko ang mga mata ko at nakinig sa heartbeats.

8...

9...

May naririnig akong faint heartbeats. Dalawa. Sinubukan kong itrace kung saan
ito nanggagaling.
Iminulat ko na ang mga mata ko at nakitang nasa field ako ng Academy.

Napapaligiran ako ng napakaraming gigantes. I fought my way hanggang sa nakita


ko na rin si Kara.

Huminto ako.

Paano ako makakalapit sa kanya?


Tatlong gigantes ang kaya niyang patayin sa isang segundo. Kaya alam kong hindi
ako makakalapit sa range niya.

Naghanap ako ng link sa pagitan naming dalawa.

Ginamit ko ang trance para idistract siya. Alam kong mali ang ginagawa ko pero
dapat ko na siyang mapatigil.
Tinignan ko ang Art na nakatayo sa harap niya.
"A-art?" hindi kapani-paniwalang tanong ni Kara.

Ginamit ko ang weapon ko para matanggal ang dagger mula sa kamay ni Kara saka
nilock ang dalawang kamay niya mula sa likod.

"Wala na siya Kara. Wala na tayong magagawa. Kaya please... Tumigil ka na. Alam
niya ang ginawa niya."

Dahil sa abilities niya, isang tulak lang ang kinailangan para matapon ako
papalayo sa kanya.

Tinignan ko ang balikat ko na namamaga dahil sa impact.

"K-kara.."

Pinulot niya ang dagger saka dumiretso sa'kin. Hinagis niya ito sa binti ko
kaya napasigaw ako sa sakit.

Ginawa niya ito para hindi ako makatayo.

I cried out of pain again nang hatakin niya ang dagger.


Naiyak talaga ako sa sakit nang nilapit niya ang weapon sa'kin.

I inhaled sharply when she held the knife on my throat.

Tinignan ko siya na luhaan ang mga mata. "Don't let her death shatter you."
Kumunot ang noo niya saka tinignan ang dagger sa kamay niya. Tila nagtaka siya
sa ginagawa niya ngayon.

Tinapon niya ang weapon pagkatapos makita ang malalim na


sugat ko sa binti.

"She wouldn't... like this... I'm sorry..." aniya at pinunit ang shirt niya
para pigilan ang dugo.
Tinulungan niya rin akong tumayo.

"Let's go back Cal..." nagtaka ako sa sinabi niya.

Lumabas mula sa forest si Cal na duguan at may bitbit na ulo ng dalawang


gigantes. Binitawan niya ang mga ito saka tumango.
Kaya pala dalawang heartbeats ang narinig ko... dahil dalawa sila sa loob ng
trance.
Napasigh ako. Sila nga palang dalawa ang pinakaclose ni Art dito. Walang limit
ang pag-aalala nila kay Art noon.

Bumalik kami sa isla ng mga Gorgons.

Hindi talaga ako makakalakad nito. Nakaakbay ako kay Kara. Halata sigurong
hindi ako makakapaglakad ng maayos sa sitwasyon ko ngayon.

Hays.

Biglang nag appear si Chase sa harap namin. "you need to see this."

Sinundan namin si Chase.

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Ria nang makarating na kami sa kanila. May
tinuro siya kaya napatingin rin ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sebastian na iba ang kulay ng mga mata.

"T-teka.. ba't ganyan ang mga mata niya?" tanong ko sa kanila.

Lumabas ang apoy sa kaliwang kamay niya at liwanag mula sa kanan.

"Two abilities inside one body?" nagtatakang tanong ni Dio.

Dalawa ang kulay ng mga mata niya. Yung isa pure white katulad ng kay Art..
habang yung isa naman... kakulay ng mga mata ni Jamie.

Ngayon lang ako nakakakita ng ganito.

Inangat ni Kara ang ulo niya at sinuri ang bawat galaw ni Sebastian.

"Only one mortal can possess two different abilities at the same time." sambit
ni Kara.

Nag abot ang kilay ko dahil sa pamilyar na mga salita. Nabasa ko na yan dati.

'Only one mortal can possess two different abilities at the same time...'

Lumiwanag ang mga mata ko nang maalala ko ang libro ni Theosese.

Isang gigantes ang lumundag sa kinatatayuan ni Jamie. Pero sa laking gulat


namin, nasa harap na ni Jamie si Sebastian.

"P-paano niya ginawa yon?" tanong ni Chase.

"Tch." Sebastian smirked and all it took was a flick of his wrist para
matanggal lahat ng limbs mula sa katawan ng gigantes.

'It is not a mortal however for he/she has an energy twice of the Elite's and
has godlike powers that can only be activated to protect demigods.'

Naalala ko ang handwriting ni Theosese na mahirap intindihin.

'I have created the machine to aid the mortals that are to fulfill their
mission. I have made one. But it was too dangerous so I destroyed it.'

At ang sinabi ni Kara sa library...

"S-seht?"
Napasinghap si Ria. "wait what?! Impossible. Akala ko ba dapat ka pang maging
elite bago ka maging Seht?"

"The twins possess the ability of light and energy..." sagot ni Kara.

"I still don't get it. Sebastian must have the massive amount of light and
energy from the Elite." angal ni Ria.

Hindi ko maiwasang mag isip-isip sa posibilidad na Seht nga si Sebastian.


"p-pero... bago pa mawala si Art..." tinignan ko sila. "nakita ko kung paano
niya inilipat lahat ng liwanag at enerhiya niya kay Sebastian..."

Kaya ba... pinili mong lumaban kahit nanghihina ka Art?

She really knew what she was doing. Alam niya lahat ng dapat niyang gawin... at
ginawa nga niya.

Nagawa niyang ibuhos lahat ng nasa kanya para sa Alphas.

"Then that means... Art was the elite all along." sabi ni Dio.

"Okay. Well... how about the blood thing?" dagdag ni Ria.

'To become Seht, the Elite must drink a blood of a demigod that has the ability
to manipulate. It will be shown whose blood he/she has taken by the dominant
ability of the Seht.'

Dominant ability...
Fire. Fire ang dominant ability na ipinapakita ni Sebastian ngayon. At si Jamie
lang ang may kakayahang mag manipulate ng apoy dito.

Isa rin namang manipulator si Jamie dito.

"Jamie? Are there any instances where Sebastian had a taste of your blood?"
tanong ni Kara.

Nag isip-isip si Jamie. Nanlaki ang mga mata niya.

"Papunta kami sa village witches noon.. tas may ahas na kumagat sa'kin. Ang
alam ko, sinipsip ni Sebastian ang lason mula sa katawan ko." sagot niya.
Nagtinginan kaming lahat. It really took us time bago isink in lahat ng
nangyayari ngayon.

"what are we gonna do now?" tanong ni Ria.


Napansin ko ang malungkot na ngiti ni Kara. "we need... to thank Art for this."

Naging kalaban namin ang Elite noon. Kaya sinigurado ni Art na magiging kakampi
namin ang Seht ngayon.

Natawa ako ng marahan kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.

I can't believe this.

Iba ka talaga Art... mula sa pagiging PPG addict mo hanggang sa pagiging Elite
mo.

Kaya nga mahal ka namin. And we will always be your family.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Book Note

This part of the book is not a special chapter neither a


bonus. The chapter is rather dedicated to the readers. This section of The Last
Elysian Oracle is permanent and will not be deleted by the author.
This part here signifies that the last chapter you've read is the last chapter
of the book.
The Last Elysian Oracle [Semideus Saga]
Started: December 2016
Completed: July 2017
°°°
Personal na msg galing kay Author:
Hello po! First off, NAPAKAMARAMING SALAMAT sa inyong lahat. I am really really
thankful sa walang sawang pag suporta ninyo sa mga Alphas. Pinag effortan ko talaga
'to kaya sana naman worth it ang effort ko.
Sa pagt-tyaga niyo sa mga mistakes ko whole throughout. I will still be editing
it so feel free to point out corrections.
Me?
I am always a Cebuana. Already 16 and still reigning life!
Anyways, I am trying my best to entertain all of you readers. Para easy lang
sa'kin ang mag respond sa inyo, you can post on my WP wall... or you can send a
chopper to deliver your message.
No, seriously, thank you so much. For making me laugh with your comments. Sana
alam niyong napapasaya niyo ako through your reads and short conversations. And for
being my friends.
You see, wattpad has always been a second home to me. I read when I want to go
to another world and write when I want to. I write for the purpose of entertainment
and sharing. Eh kasi nga adik ako sa Harry Potter at Percy Jackson. Hehehe. Anuba.
Eh kapag fan ka, di mo talaga maiwasang mag daydream like what if may ganito..
ganun. Kaya voila! nagkaroon na ng Semideus Saga!
And all of this would be nothing without you.
BONUS ANNOUNCEMENT:
May epilogues (DALAWANG EPILOGUES) pa rin. Yey!
About art's death though, alam kong maraming nalulungkot sa pagkawala niya. And
sad to say, matagal-tagal pa rin ang pagbabalik niya.
Umm... kaya nga maraming nagtatanong sa inyo kung bakit parang si Art na yung
bida sa First Book. At bakit may nonsensical chapters siya.
The time I have given you to know Art, I think, is already enough. So I'm so
sorry sa Art fanatics jan at mga anak rin ni Apollo.
At sa mga shippers ni Cal at Art....
Hmm. Secret lang. Haha.
Oh see? Tumatawa pa rin ako so lift that frowns up dahil hindi pa tapos ang
kwento! May nawala nga sa kanila pero may nadagdag naman.
They say, a story must end. But yours will never. So live life like a demigod
and conquer your fears!
I wish you the best demigods!
And as always, may you find your odigos that will guide you to where you truly
are supposed to be..
I love you all. xx. ❤

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Epilogue I

Cesia's POV
Tinignan ko ang orasan.

'4 am...'

Napahikab ako saka tumayo. Nagugutom kasi ako eh. Tumunog yung tiyan ko kaya
napagtanto kong tama nga ang ginagawa ko.

Lumabas na ako sa kwarto and as expected, medyo madilim. Kaunti lang ang
nakapasok na liwanag mula sa labas ng veranda.
Madali lang naman ang inilaan kong oras para kumain. Pagkatapos uminom ng
tubig, naglakad na ako pabalik sa kwarto.

Nang nakarinig ako ng ingay sa salas.

Kumunot ang noo ko. Sinundan ko ang anino na papalabas ng veranda.


"Cal?"
tinignan niya ako. Naka jeans siya at black jacket. May bitbit rin siyang
backpack.

"Cesia.." sagot niya.

Narinig ko si blobblebutt na naghihintay ata sa field.

Hmm..

Napangiti ako saka tumango. "Hanapin mo siya, Cal. Mag ingat ka palagi." tugon
ko sa kanya.

Tumango siya bago tumalon pababa ng veranda. I just sighed at napatingin sa


langit. Mahal niya talaga yung asawa niya. Naku Art. Patay ka talaga kay Cal dahil
iniwan mo siya. Ayan tuloy. Hinahanap-hanap ka pa rin niya.

Hindi pa tapos ang love story ninyong dalawa.

"Where's he going?" nagulat ako sa boses mula sa likuran ko.


"Umm... good morning?" natatawa kong bati sa kanya.

Sabay naming tinignan si Cal kasama si Blobblebutt. With wings spread open,
they took off. Hanggang sa tuluyan na nga silang mawala sa view namin.

Together, they're in search for her. Kaya panatag ang loob ko na babalik nga
siya. Walang makakapigil sa dalawang nilalang na gagawin ang lahat maibalik lang
ang taong minamahal nila.

"Love is indeed, dangerous." puna ko.

"Then I'll take the risk." sagot niya.


Tinignan ko siya at napangiti sa hitsura niya. Hmm. Gwapo pa rin. Fair enough.

"breakfast?" aya ko.

"please." tumango siya.

•••

"Congratulations Jamie and Sebastian, you are now officially newly weds!"
nakatanggap ng sapak mula kay Ria si Chase.
"Joke lang. Congrats tol! Alpha ka na!" inakbayan ni Chase si Sebastian.

After what happened, the Academy agreed to enroll Jamie and Sebastian in
advance. Aba. Dapat lang. They risked their lives as demigods. That's enough to
make them worthy para maging estudyante sa school na'to

"Thea..." I read her name.

Lumapad ang ngiti niya. Then we embraced each other with a group hug.

Thea, yan ang napiling pangalan ni Jamie. Aside from the fact na malapit lang
ito sa pangalan ni Theosese, she chose it in honor of Art.. since Thea, is also a
goddess of light.
Meanwhile...

Sebastian chose Seht. Dahil gusto niya raw panindigan ang pagiging 'protector
of demigods' niya.

"Thea and Seht, you are now worthy to be called Alphas!" anunsyo ni Ria.

"Yuss!!" nag fist bump yung dalawa.

Mga baliw talaga. Hmm. Why do I feel like magiging best of friends 'tong si Ria
at Thea? Anyways. That's good to know. May mag-iingay pa rin sa dorm namin.

Habang nasa corridors, may naisip ako.

"Kakain pa rin ba tayo dun sa super secret underground restaurant thingy?"


concerned kong tanong sa kanila.

Narinig ko ang paghalakhak nila.

"GET OVER IT CESIA!" natatawang sabi ni Ria.

Eh?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Epilogue II - The New Beginning

A month later...

Cesia's POV

Nagmadali akong tumakbo papunta sa gitna ng Academy.


"The students are gathered inside the hall." narinig ko sa earpiece ang boses
ni Kara.
"Shoot." nadapa ako dahil sa pag galaw ng lupa.

Ang araw na magigising ang mga titans.

Binuksan ko ang malaking pinto at nakita ang principal kasama si Thea.


"ready?" tanong niya sa'kin.
Tumango ako.
Kinuha niya ang libro ni Theosese at inilapag ito sa table. "Sabi dito...
mailalabas ang totoong anyo ng Academy kapag isang anak ni Aphrodite ang makakabasa
sa nakasulat sa pin."

Tumango ulit ako.

Tama. Originally, walang location ang Academy. Walang location dahil hindi ito
nakatayo sa lupa. Kundi sa mga ulap.
Yep. The pin says it all. Supposed to be, ang Academy ay nakalutang sa itaas ng
bundok na ito. Pero nasa lupa na ito dahil sa pagkawala ni Theosese.
Nakakalipad ang Academy at nabasa ito ni Thea sa libro.
"Together?" aya ng principal.
Pinikit ko ang mga mata ko.

"Alis..."

naputol ang chant namin dahil sa naririnig naming ingay mula sa hall.
Umiling ako. Dapat naming matapos 'to bago pa masira ang lupa na kinatatayuan
namin.
"Alis volat propriis."
Hindi ko magawang buksan ang mga mata ko at tuluyan na ngang mawalan ng
balanse.

•••

I sighed while watching the red clouds below us.


Cronus, the Titan of time, is already opening an eye and time stopped in the
mortal realm two days ago.
Maliban sa mga lugar na may barriers. Hindi sila maaapektuhan sa pagkagising ng
titans.

Mamaya, bababa kami para puntahan ang mga huntres.


"Are you still blaming yourself?" tanong niya sa'kin.

Umiling ako.

Nawala na yung view dito sa veranda kaya malungkot ako. Napalitan ito ng mga
ulap na kasing kulay ng dugo.
Kinuha niya ang kamay ko. May inabot siya sa'kin kaya tinignan ko ito.

Hmm... eto yung bato ni Astraea. Nasa kanya lang pala ito.

"I kept this so you can use it. You only get one wish." tugon niya.
One wish?

May nabuong idea sa utak ko. Pwede kaya?


I closed my eyes and held the stone tightly.
'Astraea... bigyan mo ng liwanag ang mundo...'

Naramdaman ko ang pag init ng bato. At pagbukas ng mga palad ko, agad itong
lumipad pataas.
Siningkit ko ang mga mata ko para makita ng maayos kung saan ito papunta.
Napangiti ako nang lumiwanag ang constellation of Virgo.
Tinignan ko ang mga ulap na unti-unting natutunaw dahil sa liwanag na
ibinibigay ng constellation.
Naalala ko tuloy si Art at yung butterflies niya...

I sighed.

Atleast.. hindi na madilim ngayon. Humina ang liwanag ng araw. Pero andito
naman ang liwanag ng Virgo.
Kitang-kita ko ang patches of green and blue mula sa veranda kaya lumapad ang
ngiti ko.
Mas okay pala ang view mula dito.

"You really are something."

I felt my cheeks blush.

"una na tayo bro.." singit ni Chase.


Pupunta sila sa dating village ng mga moirai. Magrereunion daw sila ani Chase.
Binigyan ko siya ng ngiti. "Mag-ingat kayo."
Tinignan niya ako saka tumango.
Bago pa siya sumama sa kanila, narinig ko ang sinabi niya.

"Daughter of Aphrodite."

Natawa ako ng marahan.

"Son of Zeus."

Saka tinuon ang atensyon ko sa mortal realms sa ibaba.

Ilang minuto ng pagmumuni-muni at narinig ko ang boses ni Ria. "Cesia... let's


go?"
Napangiti ako pagkatapos makita silang tatlo bitbit ang mga weapons nila.

Tumango ako.
"tara..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

TLEO: PLAYLIST

▪ ▪ ▪
A Dance...
○ Umbrella - J2 feat. Jazelle
Demigod of Pain...
○ Will I Make It Out Alive - Tommee Profitt feat. Jessie Early
SC: Light's Past...
○ Carry You - Ruelle feat. Fleurie
Grip...
○ Closer - J2 feat. Keeley Bumford
Unsteady...
○ Nothing Else Matters - Marlisa
Immortalized...
○ Immortalized - Hidden Citizens
The Hidden Identity...
○ Shatter Me - Lindsey Stirling feat. Lzzy Hale
Epilogue I...
○ Purpose - Justin Bieber
Epilogue II - The New Beginning...
○ Claim your Weapons - Christian Reindi feat. Atnel

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

3rd Book





◇◇◇
SEMIDEUS SAGA:
a demigodly journey...
Book I : Olympus Academy
Book II : The Last Elysian Oracle
➠BOOK III : Alpha Omega
BOOK IV : Song of The Rebellion
◇◇◇




》The Saga is based on Greek Mythology.
》All FOUR books are currently under major editing.
》Languages mainly used are English & Tagalog/Filipino.
》Included are Special Chapters (SC's), Book Notes & Official Media Playlists.
©mahriyumm

You might also like