You are on page 1of 6

MGA PROGRAMANG PANGKAPAYAPAAN

➢ Ang kapayapaan ay nararanasan sa isang komunidad kung ang mga kasapi

nito ay nagkakaunawaan at nagkakaisa ng mithiin.
➢ Mayroong mga ahensiya ang pamahalaan na nagpapanatili ng kaayusan at
kaligtasan ng mga mamamayan.
➢ Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines
(AFP) ay ang pangunahing lakas tagapagtanggol ng bansa.
➢ Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa dayuhang mananakop,
mga taong nais mang-agaw ng kapangyarihan ng bansa, at sila ang
tumutulong sa mga mamamayan sa oras ng sakuna.
➢ Binubuo ito ng Hukbong Katihan (Army), Hukbong Himapapawid (Air
Force), Hukbong Dagat (Navy), at Tanod Baybayin (Coast Guard).
➢ Ang tungkulin ng Kagawaran ng Tanggulan ng Bansa o Department of
National Defense (DND) ay ipagtanggol ang bansa laban sa panlabas at
panloob na banta sa teritoryal na integridad at soberanya, upang makalikha
ng isang ligtas at matatag na kapaligiran na kaaya-aya sa pambansang
kaunlaran.
➢ Pinangangasiwaan ng mga Lokal na Pamahalaan o Local Government Unit
(LGU) ang lokal na pamahalaan sa 81 na lalawigan, 144 na lungsod, at 42,
028 na mga barangay sa buong bansa.
➢ Ang mga opisyal ng LGU ay responsable sa pagbibigay ng direkta at
pangunahing serbisyo sa mga tao at tiyakin ang kapayapaan at kaayusan
sa pamayanan.
➢ Tumutulong ang mga lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan
sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga
ordinansa.
➢ Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas o Philippine National Police (PNP) ay
ang lakas ng hanay ng kapulisan ng bansa.
➢ Sila ang kaakibat ng mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa mga krimen
at sa paghuli sa mga taong lumalabag sa batas.
➢ Katulong rin sila sa pagpapatupad ng batas trapiko.
➢ Nagpapatupad din ang pamahalaan ng mga programang pangkapayapaan
para sa kaligtasan at upang maiangat ang kalagayan pang-ekonomiya ng
mga kasapi ng komunidad.
➢ Isa na rito ang Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA). Ang PAMANA
ay isang programa sa kapayapaan at pag-unlad sa mga lugar na apektado
ng kaguluhan at mga lugar na sakop ng umiiral na mga kasunduang
kapayapaan.
➢ Layunin ng programang ito na mapaunlad ang kabuhayan at
makapagtrabaho sa mga lugar na may kaguluhan; palakasin ang
kakayahan ng lokal na pamunuan upang maisulong nito ang mga plano at
programa sa kapayapaan; at paghikayat sa mga mamamayan na makiisa sa
pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran ng kanilang komunidad.
➢ Ang mga pamayanan na nakakaranas ng armadong tunggalian ay madalas
sa mga pinakamahirap sa bansa.
➢ Bilang tugon, ang gobyerno ay walang tigil sa paghahanap ng kapayapaan
sa pamamagitan ng mga peace building initiatives kagaya ng usapang
pangkapayapaan (peace talks) at kasunduan sa kapayapaan (peace

Bilang tugon, ang gobyerno ay walang tigil sa paghahanap ng kapayapaan
sa pamamagitan ng mga peace building initiatives kagaya ng usapang
pangkapayapaan (peace talks) at kasunduan sa kapayapaan (peace
agreements) sa mga rebelde at iba pang grupo na sumasalungat sa
pamahalaan.

MGA PROGRAMANG PANG-EKONOMIYA

➢ Ang ekonomiya ay sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.

➢ Ang pamahalaan ay mayroong mga patakarang pangekonomiya na
nagsisilbing gabay sa pagtataguyod ng mga programang pangkaunlaran ng
bansa.
➢ Ang agrikultura ay isa sa mahahalagang industriya sa bansa. Binubuo ito
ng panggugubat (forestry), pag-aani (crop production), pagsasaka ng hayop
(livestock farming), at pangingisda (fisheries).
➢ Kaya naman bilang pagpapaunlad ng sektor na ito, binibigyan ng suporta
ang mga magsasaka gaya ng pagtuturo at pagsasanay hinggil sa
makabagong mga paraan sa pagsasaka.
➢ Naging malaki ang tulong ng Comprehensive Agrarian Reform (CARP) sa
mga magsasaka.
➢ Ang layunin ng CARP ay mabigyan ang mga magsasaka ng sarili nilang
lupang sasakahin at sisinupin.
➢ May dalawang mahalagang tugon ang pamahalaan para sa pangangalaga ng
kagubatan.
1. Ang una ay ang reforestation o ang muling pagtatanim sa mga lugar na
pinuputulan ng puno.
2. At ang ikalawa ay ang pagbabawal ng mga trosong panluwas.
➢ Upang mapaunlad ang sektor ng pangingisda nagkakaloob ang pamahalaan
ng mga programa tulad ng mga pagsasanay para sa wastong pangangalaga
at pagpapalaki ng mga fingerling, at pagpapautang ng puhunan kaugnay ng
mga negosyo.
➢ Ang kabundukan ng Pilipinas ay sagana sa iba’t ibang uri ng mineral.
➢ Ngunit ang paglinang dito ay hindi ganap. upang mapaunlad ito, binigyan
ng pamahalaan ng permiso ang ilang korporasyong pag-aari ng dayuhan na
mamuhunan sa paglinang ng mga mineral sa bansa.
➢ Upang maging ganap ang partisipasyon ng mamamayan sa pagtugon sa
pambansang ekonomiya, hinihikayat ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga
korporasyon, kooperatiba, samahan, at mga negosyong pag-aari ng
pribadong mamamayan.
➢ Ang pagkakaroon ng monopolyo ay iniiwasan ng pamahalaan dahil
naghahatid ito ng hindi makatarungang kompetisyon.
➢ Ang monopolyo ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan ang
pagkontrol at pagtustos ng iisang kompanya ng isang uri ng produkto.
➢ Ang lingkurang-bayan ay mga pampublikong pasilidad na bukas sa
sinumang mamamayan ng bansa na may kaalaman at kakayahang
magpatakbo ng negosyo.
➢ Ang ganitong patakaran sa pangangalakal ay nakasaad sa Saligang Batas
ng Pilipinas bilang proteksiyon sa mga Pilipinong mangangalakal.
agreements) sa mga rebelde at iba pang grupo na sumasalungat sa
pamahalaan.

MGA PROGRAMANG PANG-EKONOMIYA

➢ Ang ekonomiya ay sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.

➢ Ang pamahalaan ay mayroong mga patakarang pangekonomiya na
nagsisilbing gabay sa pagtataguyod ng mga programang pangkaunlaran ng
bansa.
➢ Ang agrikultura ay isa sa mahahalagang industriya sa bansa. Binubuo ito
ng panggugubat (forestry), pag-aani (crop production), pagsasaka ng hayop
(livestock farming), at pangingisda (fisheries).
➢ Kaya naman bilang pagpapaunlad ng sektor na ito, binibigyan ng suporta
ang mga magsasaka gaya ng pagtuturo at pagsasanay hinggil sa
makabagong mga paraan sa pagsasaka.
➢ Naging malaki ang tulong ng Comprehensive Agrarian Reform (CARP) sa
mga magsasaka.
➢ Ang layunin ng CARP ay mabigyan ang mga magsasaka ng sarili nilang
lupang sasakahin at sisinupin.
➢ May dalawang mahalagang tugon ang pamahalaan para sa pangangalaga ng
kagubatan.
3. Ang una ay ang reforestation o ang muling pagtatanim sa mga lugar na
pinuputulan ng puno.
4. At ang ikalawa ay ang pagbabawal ng mga trosong panluwas.
➢ Upang mapaunlad ang sektor ng pangingisda nagkakaloob ang pamahalaan
ng mga programa tulad ng mga pagsasanay para sa wastong pangangalaga
at pagpapalaki ng mga fingerling, at pagpapautang ng puhunan kaugnay ng
mga negosyo.
➢ Ang kabundukan ng Pilipinas ay sagana sa iba’t ibang uri ng mineral.
➢ Ngunit ang paglinang dito ay hindi ganap. upang mapaunlad ito, binigyan
ng pamahalaan ng permiso ang ilang korporasyong pag-aari ng dayuhan na
mamuhunan sa paglinang ng mga mineral sa bansa.
➢ Upang maging ganap ang partisipasyon ng mamamayan sa pagtugon sa
pambansang ekonomiya, hinihikayat ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga
korporasyon, kooperatiba, samahan, at mga negosyong pag-aari ng
pribadong mamamayan.
➢ Ang pagkakaroon ng monopolyo ay iniiwasan ng pamahalaan dahil
naghahatid ito ng hindi makatarungang kompetisyon.
➢ Ang monopolyo ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan ang
pagkontrol at pagtustos ng iisang kompanya ng isang uri ng produkto.
➢ Ang lingkurang-bayan ay mga pampublikong pasilidad na bukas sa
sinumang mamamayan ng bansa na may kaalaman at kakayahang
magpatakbo ng negosyo.
➢ Ang ganitong patakaran sa pangangalakal ay nakasaad sa Saligang Batas
ng Pilipinas bilang proteksiyon sa mga Pilipinong mangangalakal.

You might also like