You are on page 1of 2

Pangalan: Petsa:

Baitang/Pangkat: Guro: NEIL N. ATANACIO

ARALING PANLIPUNAN 4
Quarter 3 Week 7
I. PANUTO: Kilalanin ang mga ahensya ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagbibigay ng mga sumusunod na paglilingkod:

1. Nagbibigay sa mga bata ng natatanging proteksiyon laban sa


pang-aabuso, pagsasamantala, at diskriminasyon.
2. Tumutulong sa pagkakaroon ng pabahay sa mga miyembro nito.
3. Pangunahing ahensiyang nagtataguyod sa kapakanan ng mga
mamamayan sa panahon ng sakuna.
4. Nagbibigay ng pagtataya ng panahon at mga babala kung may
parating na bagyo.
5. Agarang nagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad
kabilang na ang pagkain, damit, at iba pang pangangailangan o
serbisyo.
6. Pinangangasiwaan ang pagbubukas at paggawa ng mga daan at
tulay.
7. Namamahala sa pagrerehistro ng mga sasakyan.
8. Sumusubaybay sa presyo at kalidad ng bilihing pagkain at gamot.
9. Inatasan ng pamahalaan upang bumalangkas ng mga patakaran
tungkol sa mga isyu ng kapansanan at alalahanin.
10. Nagkakaloob ng mga libreng pabahay sa mahihirap na
mamamayan.

PAG-ASA DPWH BFAD


LTO DSWD NCDA
PAG-IBIG NDRRMC NHA

II. PANUTO: Basahin ang bawat pahayag. Alamin kung ang mga ito
ay TAMA o MALI.

1. Sa DSWD pansamantalang inilalagak ang mga batang may


ganitong suliranin.
2. Ang Golden Acres naman para sa matatandang walang
kumukupkop na kamag-anak.
3. Dapat makatanggap ng pribilehiyo sa mga restawran, pagbili ng
gamot, pamasahe sa pampublikong sasakyan, at iba pa, ang
matatandang mamamayan o mga senior
citizen.
4. Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tirahan ang
mga mamamayan lalo na yaong maliliit ang kita.
5. Malaking tulong para sa mamamayan ang mga murang pabahay
na ipinatatayo ng pamahalaan.
6. Nagkakaroon ng murang pabahay ang mga mamamayang maliit
lamang ang kinikita o sahod sa tulong ng PAG-IBIG.
7. Nakararanas ang Pilipinas ng iba-ibang kalamidad tulad ng bagyo,
baha, sunog, lindol, at pagputok ng bulkan.
8. Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan (local government units)
ay ginagampanan nila ang kani-kanilang mga tungkulin habang
nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan.
9. Ang NDRRMC ang nagsisilbing tagapag-ugnay ng ibaibang
ahensiya ng pamahalaan o pribadong institusyon upang
mabigyan agad ng tulong ang mga taong naapektuhan ng
kalamidad.
10. Pinauunlad din ng pamahalaan ang transportasyon at
komunikasyon sa iba-ibang dako ng bansa upang maging mabilis
ang pagluluwas ng mga produkto.
11. Nagpapagawa ng mga daan, tulay, underpass, overpass,
skyway, daang-bakal, at tunnel na nag-uugnay sa mga lalawigan
at hiwa-hiwalay na pulo ng ating bansa.
12. Pinalawak din ang mga kalsada o nautical highway upang mas
maging mabilis ang pagbibiyahe at pagluluwas ng mga kalakal.
13. Ang DSWD naman ay agarang nagbibigay ng tulong sa mga
biktima ng kalamidad kabilang na ang pagkain, damit, at iba pang
pangangailangan o serbisyo.
14. Nagpatayo rin ng mga pamilihang bayan o palengke ang
pamahalaan upang dito ipinagbibili ang mga pagkain at iba pang
produkto na kailangan ng mga mamamayan.
15. Ang NCDA ay naatasan din upang subaybayan ang
pagpapatupad ng ilang mga batas upang matiyak ang proteksiyon
sa mga sibil at politikal na mga karapatan ng taong may
kapansanan (persons with disabilities, PWDs).

III. PANUTO: Sumulat ng maikling talata tungkol sa iyong damdamin


sa sitwasyon.

Isa ang Cavite sa mga nasalanta ng bagyong Glenda noong


Hulyo 16, 2014. Maraming puno ang nabuwal at may mga
kabahayang natangay ang bubong. Nasuspinde ang pasok sa mga
opisina at ang klase sa mga eskuwelahan. Kinabukasan, nakita
mong umiiyak ang iyong kaklase habang nagkukuwento ng mga
pangyayari sa kaniyang pamilya noong kasagsagan ng bagyo.
Bilang kamag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang
makatulong sa kaniya?

You might also like