You are on page 1of 10

IMMACULATE CONCEPTION POLYTECHNIC

Sta. Maria, Bulacan, Philippines Inc.


Marian Road, Poblacion, Sta. Maria, Bulacan

KABANATA III

ANG LENGUWAHE NG MALIKHAING PAGSULAT

Basahin ang teksto at bigyan ng kasagutan ang kasunod na mga tanong.

NOSEBLEED: KWENTO NG PAG-IBIG NI INDAY

We’ve been friends four a long time. We come from the same Alma Mother.
Actually, our paths crossed one time on another. But it’s only now that I gave him a
second hand look. I realized that beauty is in the eyes. The pulpbits of my heart went
fast, really fast. Cute pala siya. And then, he came over with me. He said, “I hope you
don’t mine. Can I get your number?” Nag-worry ako. What if he doesn’t give it back?
He explained naman na it’s so we could keep intact daw. Sabi ko, “Connect me if I’m
wrong, but are you asking me ouch?” “The!!!??” ang sarcastic na sagot niya.

Aba! The verb! Parang siya pa ang galit! Persona ingrata!!! Ang kapal niya! I
cried buckles of tears. Na-guilty yata siya. Sabi niya, “Isipin mo na lang na this is a
blessing in the sky.”

Irregardless daw of his feelings, we should go ouch na rin. Now, we’re so in


love. Mute and epidemic na ang past. Thanks God we swallowed our fried. Kasi, I’m
33 na and I’m running our time.

After two weeks, he plopped the question. “Will you marriage me?” I’m in a
state of shocked. Kasi mantakin mo, when it rains, it’s four! This is true good to be
true. So syempre, I said “Yes.”

Love is so many splendor. Pero nung inaayos ko na ang aming kasal,


everything swell to pieces. Nagdi-dinner kami noon nang biglang sa harap ng aming
table, may babaeng humirit ng, “Well, well, well. Look do we have here.” What the
fuss! The nerd ng babaeng `yon! She said they were still on. So I told her, “Whatever
is that, cut me some slacks!” I didn’t want this to get our hand kaya I had to sip it in
the bud. She accused me of steeling her boyfriend. As is!!! I don’t want to portrait the
role of the other woman. “Gosh, tell me to the marines!” I told her “Please, mine your

1
own business!” Who would believe her anyway?

Dahil it’s not my problem anymore but her problem anymore, tumigil na rin siya
ng panggugulo. Everything is coming up daisies. I’m so happy. Even my boyfriend
said like twice. He’s so supportive. Sabi niya, “Look at this way. She’s out our lives.”

Kay advise ko sa inyo, take the risk. You can never tell. Just burn the bridge
when you get there. Life is shorts. If you make a mistake, just pray for the internal
repose of your soul. I second emotion.

Panimulang Gawain…

1. Ano ang naramdaman mo matapos basahin ang teksto? Bakit mo iyon


naramdaman?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____

2. Ano-ano ang napansin mong pagkakmali sa teksto? Isa-isahin ang mga iyon.
Paano maiwawasto ang bawat mali?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
______________

2
TALAKAYIN NATIN…
Paano nga ba magiging malikhain ang isang
kwento? Ano ang katangian ng lengguwaheng ginagamit sa
mga malikhaing akda?

Sa unang kabanata, nabanggit na na ang malikhaing


pagsulat ay pagsulat na mula sa imahinasyon ng manunulat.
Layunin nitong pukawin ang imahinasyon ng mambabasa.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagbuo at paggamit ng imahen na siya ring
mga imaheng inaasahang mabubuo sa isip ng mambabasa.
Ito ang isa sa sukatan ng galling ng isang manunulat.
Ibig sabihin, ang malikhaing manunulat ay gumagamit ng mga creative device
sa kanyang sulatin na kinabibilangan ng sumusunod:

A. MGA IDYOMA

Ito ang mga `di-tuwiran o `di-tahasang pagpapahayag ng gustong sabihin na


may kahulugang patalinghaga.
Ito ay nagpapabisa, nagpapakulay at nagpapakahulugan sa pagpapahayag.
Ito ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita.
Ito ay tinatwag ding idyomatikong pahayag o sawikain sa ating salita.

Halimbawa:

 Pansinin kung paano ginamit sa pangungusap ang ilang idyoma sa ating wika.

1. Mababaw ang luha ng kasintahan ko. (madaling umiyak)


2. Hindi ako sanay na maglubid ng buhangin . (magsinungaling)
3. Tampulan ang bata ng tukso sapagkat siya ay putok sa buho. (anak sa pagkadalaga)

 Narito naman ang iba pang halimbawa ng idyomang Filipino at ang kahulugan ng
bawat isa:

1. kayod kalabaw – halos walang tigil sa pagtatrabaho


2. nagtaingang kawali – nagbingi-bingihan
3. walang itulak-kabigin – parehong-pareho sa mga katangian
B. MGA TAYUTAY

Ayon kay Bisa (1999), ito ay mga kasangkapang panretorika at pampanitikan na


mahahati sa dalawa:

3
 kasangkapan sa paglikha ng tunog o musika
 kasangkapan sa pagpapasidhi ng guniguni at damdamin

May apat na kasangkapang panretorika at pampanitikan sa paglikha ng tunog o


musika.
Ang mga ito ay ang sumusunod:

1. Aliterasyon
ito ay pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita (pag-ibig,
pananampalatay at pag-asa).

Halimbawa:

Ang Huling Hiling, Hinaing at Halinghing ni Hermano Huseng


(pamagat ng kwento) ni Pat V. Villafuerte

2. Asonans
pag-uulit naman ito ng mga tunog-patinig sa alin mang bahagi ng salita (hirap,
pighati, salamat at paalam).

Halimbawa:

Nasisiyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid na kamandag at lason.

3. Konsonans
katulad ng aliterasyon, pag-uulit ito ng mga katinig, ngunit sa bahaging ng pinal
naman ( kahapon at ngayon, tunay na buhay)

Halimbawa:

Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamot sa isang pusong wasak.

4. Onomatopiya
sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang
kahulugan nito

Halimbawa:

Dinig ko ang langitngit ng kawayan, lagaslas ng tubig, dagundong ng kulog at


haginit ng hangin sa kubong iyon sa gitna ng gubat.

Ayon naman kay Alejandro (sa Bernales, et al., 2002), may tayutay ding pag-uulit,
ngunit hindi ng tunog kundi ng buong salita katulad ng sumusunod:
4
5. Anapora
pag-uulit ito sa unang bahagi ng paghayag o ng isang taludtod.
Halimbawa:

Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating Inang Bayan. Kabataan ang sanhi ng
pagsisikap ng bawat magulang. Ngunit kabataan din ba ang sisira sa kanyang sariling
kinabukasan? At kabataan din ba ang wawasak sa pangarap ng kanyang kapwa?

6. Epipora
pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag o taludtod.
Halimbawa:

Ang Konstitusyon o Saligang Batas ay para sa mamamayan, gawa ng


mamamayan at mula sa mamamayan.

7. Anadiplosis
kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una at huli. Magandang halimbawa nito
ang tulang Pigili’t Pigilin ni Huseng Sisiw o Jose Dela Cruz.

Matay ko man yatang pigili’t pigilin


pigilin ang sintang sa puso’y tumiim;
tumiim na sinta’y kung aking pawiin,
pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin…

Ang sumusunod naman ang mga tayutay sa pagpapasidhi ng guniguni at damdamin:

8. Simili o Pagtutulad
Ito ay hindi tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay, tao o pangyayari
pagkat gumagamit ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng.

Halimbawa:

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako’y tila isang nakadipang kurus…

9. Metapora o Pagwawangis
Ito ay tuwirang paghahambing sapagkat hindi na gumagamit ng mga nabanggit
na parirala sa itaas sa sinundang tayutay.

5
Halimbawa:

Ang daigdig ay isang tanghalan…

10. Personipikasyon o Pagbibigay-katauhan


inaaring tao rito ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng
pagkakapit sa mga ito ng mga gawi, kilos o katangian ng tao

Halimbawa:

Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kanyang malagim na wakas.


Pinsan ng magsasaka ang matapat na araw.

11. Hayperboli o Pagmamalabis


Ito ay lagpas sa katotohanan o eksaheradong pahayag

Halimbawa:

…at kung mangyayari, hanggang sa malibing ang mga buto ko, kita’y
sisintahin…

12. Metonimi o Pagpapalit-tawag


ang panlaping meto ay nangangahulugan ng pagpapalit o paghahalili. Dahil dito,
nagpapalit ito ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy.

Halimbawa:

Nagpulong-pulong ang mga ilaw ng tahanan ng barangay.

13. Sinekdoki o Pagpapalit-saklaw


binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan, o kabuuan para sa
bahagi.

Halimbawa:

Kagabi’y dumalaw ako, kasama ang aking mga magulang, upang hingin ang
kamay ng pinakamahal kong si Nena.

14. Eupemismo o Paglumanay


paggamit ito, katulad ng nabanggit na, ng mga salitang magpapabawas sa tindi
ng kahulugan ng orihinal na salita.

Halimbawa:

6
Makiramay tayo sa mga naulila sa Funeraria Paz, kung saan nakahimlay ang
labi ng yumao.
15. Retorikal na Tanong
pagtatanong ito na hindi naman talaga kailangan ng sagot. Ang layunin ay
maikintal sa isipan ng nakikinig o mambabasa ang mensahe.

Halimbawa:

Nasaan kayo, mga kabataan, sa sandaling ang Inang Bayan ay inaalipusta ng


mga dayuhan?

16. Klaymaks o Pagsusukdol


paghahanay ito ng mga pangyayaring may papataas na tinig, sitwasyon o antas.

Halimbawa:

Mabilis na humupa ang hangin, napawi ang malakas na ulan, muling sumilay
ang liwanag ng araw na nagbabadya ng panibagong pag-asa!

17. Antiklaymaks
ito naman ang kabaligtaran ng sinundan nito.

Halimbawa:

Noon, ang bulwagang iyon ay puno ng mga nagkakagulong tagahanga,


hanggang sa unti-unting nababawasan ang mga nanonood, padalang nang padalang
ang mga pumapalakpak at ngayo’y maging mga bulong ay waring sigaw sa kanyang
pandinig.

18. Oksimoron o Pagtatambis


paggamit ito ng mga salita o pahayag na magkasalungat.

Halimbawa:

Ang buhay sa mudo ay tunay na kakatawa: may lungkot at may tuwa, may hirap
at ginhawa, may dusa at may pag-asa!

19. Paralelismo
sa pamamagitan ng halos iisang estruktura, inilalatag dito ang mga ideya sa
isang pahayag.

7
Halimbawa:
Iyan ang disiplinang militari: sama-samang lulusob sa mga kaaway, sama-sama
rin kaming mamamatay o magtatagumpay.

20. Pag-uyam o Sarcasm


ito ay may layuning mangutya ngunit itinatago sa paraang parang nagbibigay
puro.

Halimbawa:

Kahanga-hanga rin naman ang babaeng iyan! Matapos mong pagmabutihan at


tulungan ay siya pa ang unang mag-iisip ng masama sa iyo.

21. Ironiya o Balintunay


ito ay pagpapahayag ng kabalintunaan. Huwag itong ipagkamali sa pag-uyam.
Halimbawa nito ang ilang saknong sa Aklasan ni Amando V. Hernandez:

…Ang naglitson
ng malutong
patay gutom.
Ang nagbihis
sa makisig
walang damit.
Ang yumari
sa salapi
nanghihingi…
22. Paradoks o Paradohiya
pahayag itong sa unang isip ay parang taliwas sa katotohanan o sentido kumon,
ngunit kapag sinuring mabuti ay maiisip na mayroon palang matatag na
kahulugan.

Halimbawa:

Sa pagharap sa dambana, ang dalawa ay nagiging isa.


Ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo ay tatlong persona ng
iisang Diyos.

23. Apostropi o Panawagan


ang mga bagay na walang buhay o isang taong yumao na ay waring kinakausap.
Halimbawa nito ang isang awit ni Levi Celerio:
8
O, maliwanag na buwan,
nakikiusap ako.
Ang aking minamahal,
sana ay hanapin mo…

24. Prosopopiya o Pahiraya


nangungusap naman dito ang isang bagay, taong yumao na o maaaring buhay
pa, ngunit wala naman sa harapan ng mambabasa/tagapakinig. Sa tulang Upos
ni Lope K. Santos ay nangungusap ang bagay na ito:

Huwag nang makita, banggitin na lamang.


sadyang ang ngalan ko ay nakasusuklam;
ang pinagmulan ko ay kasalaulaan;
ang katwiran ko ay tira-tirahan…
C. MGA ALUSYON
Ayon kina Bisa at Sayas (1966), ang alusyon ay tinatawag na tukoy. Ayon sa
kanila, ito ay isang pamamaraang panretorika na gumagamit ng pagtukoy sa isang tao,
pook, katotohanan, kaisipan o pangyayari na iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala
ng isang taong may pinag-aralan.

May apat na uri ng alusyon ayon sa maraming manunulat.

1. Alusyon sa Heograpiya
Halimbawa:

Ang Mt. Apo ang pinakamataas na bundok sa ating bansa, ang Mt. Everest ng
Pilipinas.

2. Alusyon sa Bibliya
Halimbawa:

Nagsilbi siyang isang Moises ng kanyang lipi na nagligtas sa mga kababayan sa


kamay ng mapang-aliping mananakop.

3. Alusyon sa Metolohiya
Halimbawa:

Sa unang saknong ng tulang Felicitation (Maligayang Bati) ni Jose Rizal ay ganito


ang mababasa:

9
Kung si Filomena ang dila’y may tamis
ang sa kay Apolo, sa kanyang pagsilip,
sa may kabukira’t bundok na masungit,
ay may dalang awit.

4. Alusyon sa Literatura
Halimbawa:

Walang alinlangan isa siyang Ibarra na puno ng pag-asang kanyang maliligtas


ang kanyang bayan sa pamamagitan ng ideyal na pamamaraan; samantalang
ako ang Simoun na namulat na sa katotohanang ang ideyalismo ay walang
puwang sa gitna ng digmaan.

10

You might also like