You are on page 1of 6

MGA DAPAT PAG-ARALAN:

TALAMBUHAY NI DR. JOSE RIZAL


KONDISYONG PANLIPUNAN NG PILIPINAS SA BAGO AT PAGKATAPOS ISULAT ANG NOLI ME TANGERE

PANG-URI:
Ang pang-uri ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan at iba pa na tinutukoy ng
pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap.
Ang mga pang-uri ay may iba’t ibang kayarian:
Kayarian ng Pang-uri
1. Payak – ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang.
Halimbawa: luma, pangit, payat
Luma na ang kanyang mga gamit panskwela bagkus pinapahalagahan at iniingatan pa rin niya ang mga ito.
2. Maylapi – binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.
Mga panlaping mapanuring na madalas na ginagamit:
kayganda, kaylinis, malabo, magaling, makatao
Halimbawa: Kayganda ng mga tanawin sa Pilipinas.
3. Inuulit – ay binubuo ng salitang-ugat o salitang maylapi na may pag-uulit.
Halimbawa: maputing-maputi, maliliit, payat na payat
Si Bemar ay hindi kumakain sa tamang oras dahil sa paglalaro ng online games kaya payat na payat na siya.
4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang-ugat
a. Karaniwang kahulugan
Halimbawa: balikbayan, biglang-yaman, taos-puso
Taos-puso pagbibigay niya ng tulong sa mga taong naghihirap ngayon dulot ng pandemiya.
b. Matalinghagang Kahulugan
Halimbawa: bukas-palad, kapit-tuko, ngising-aso
Siya ay bukas-palad lalo na sa mga mahihirap.

Antas ng Pormalidad ng Wika at mga tamang pahayag sa pagpapahayag ng opinion.


A. Pampanitikan
May antas ng pormalidad ang wika. Ito ay ang dalawang uri ng pormal na salita. Ito ang pambansa at pampanitikan.
Pambansa –yaong ginamit sa pamahalaan mga aklat, o mga wikang ginamit sa pagtuturo.
Pampanitikan – salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika. Ito ay mga salitang may malalim na kahulugan
at ginagamit na mga pahiwatig.
Halimbawa: Pambansa – asawa Pampanitikan – kabiyak
Pambansa – problema Pampanitikan – tinik

Mga Uri ng Di-Pormal na salita


1. Lalawiganin - Ito ay mga bokabularyong dayalektal. Ginagamit ang mga ito sa isang partikular na pook o
lalawiganin
Halimbawa:
Iskapo (takas) Atche (ate)
Datong (pera) Banas (init)
Kaon (kain) Itang/Tatang (tatay)
Balay (bahay)
Inang (nanay)
2. Kolokyal - Ito ay mga pang-araw-araw na salitang ginagamit sa pagkakataong impormal. Kasama na rito ang
pagpapaikli ng salita.
Halimbawa:
Dalwa (dalawa)
Meron (mayroon) Nasan (Nasaan)
Dyan (diyan) Kelan (Kailan)

3. Balbal - Ito ay mababang antas ng wika. Nagmumula ang mga salitang ito sa mga pangkat ng taong may sariling
“code”.
- Ito ay mga salitang Pangkalye o Panlasangan.
- Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita.

Halimabawa:
Ermat/mudra (nanay)
Lodi (idol)
Parak (pulis)
Werpa (power)

1. Iba’t ibang paraan sa pagpapahayag ng damdamin at emosyon:


A. Mga pangungusap na padamdam –nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng
bantas na tandang padamdam ( ! ).
Halimbawa: Bawiin mo ang iyong sinabing kasinungalingan!
B. Maikling sambitla- ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Halimbawa: Aray! Lagot! Naku! Aba!
C. Mga pangungusap na nagsasaad na tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao. Kadalasan, ito’y mga
pangungusap na may anyong pasalaysay kaya’t mahihinuhang hindi gaanong matindi ang damdaming ipinahayag
subalit maaari ding maging pangungusap na padamdam na nagsasaad naman ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Kasiyahan: Natutuwa ako sa iyong pagdating G. Crisostomo.
Pagtataka: Bakit hindi baliktad ang papel na kanyang binasa?
Pagkalungkot: Ikinalulungkot ko ang nagyari sa iyong ama.
D. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsahang paraan.
Halimbawa: Nakalulungkot isiping ang iyo ama ay sumakabilang buhay na bago kayo nakarating.
2. Iba’t ibang paraan sa paglalahad ng katwiran o paninindigan.
Pangangatwiran – ay paraan ng pagpapahayag na may layuning
manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng
makatwirang pananalita.
Ginagamit ang mga pangatnig na pananhi na dahil sa/kay, sanhi sa/kay, gawa ng, pagkat o sapagkat, palibhasa,
mangyari, kasi, dangan kasi, kaya, kung kaya.
Gumagamit din sa pagbibigay ng katwiran/paninindigan ng pang-abay na panang-ayon tulad ng totoo, tunay,
talaga, siyanga, totoo.
Gumagamit din ng pang-abay na pananggi tulad ng hindi/di, huwag, wala, ayaw, aywan.

Ang mga angkop na salita/ ekspresyon sa:

• Paglalarawan: mga pang-uri


• Paglalahad ng sariling pananaw: sa aking palagay, sa tingin ko, naniniwala ako na, sa aking pananaw, sa
aking obserbasyon, masasabing

• Pag-iisa-isa: una, pangalawa, sa simula, una sa lahat, tulad nag, susunod, at sahuli, at sa wakas, muna, saka,
bago, sabay-sabay, kauna-unahan, kahuli-hulihan, pangatlo, panlima, atbp

• Pagpapatunay: sa madaling salita, ibig kong sabihin, tingnan mo sa ganito, sang-ayon sa, batay sa resulta
ng, ipinakikita na, pinatutunayan na, makikita sa, tinutukoy sa, ipinahayag ni, mababasa sa, ang katotohanan ay…..

Iba’t ibang Paraan ng Pagbibigay-Pahiwatig sa Kahulugan:


1. Pagbibigay kahulugan sa Talinhaga o Idyoma

Ang salitang talinhaga ay mula sa pariralang “tali ng hiwaga” o salitang nagtataglay ng “hiwaga” dahil sa
malalim, nakatago o kakaiba nitong kahulugan.

Ang matatalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan.

Ito ay mga pahayag na di tuwirang nagbibigay ng kahulugan.


Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-
bagay sa ating paligid.

• Mga Idyoma - mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao, mga pangyayari sa buhay at sa
paligid subalit nababalutan ng higit na malalim na kahulugan. Ang kahulugan ng mga idyoma sa ating wika ay
nakaugnay sa kultura, kasaysayan at pamumuhay ng ating lahi kung kaya, malalim man ang kahulugan ng mga ito,
ay kaya pa ring maunawaan ng mga kabataan kung kilala nila nang lubos ang ating lahi at bansa.

Mga halimbawa at kahulugan nito:

balat-sibuyas – maramdamin

buto’t balat - payat na payat

ilista sa tubig - kalimutan

butas ang bulsa - walang pera

bahag ang buntot – duwag

2. Denotasyon at Konotasyon

Denostasyon – literal o karaniwang kahulugan ng salita mula sa diksyunaryo

Mga halimbawa at kahulugan nito:

Ang ganda ng mga bulaklak sa kanyang hardin. (bahagi ng halaman na karaniwang mabango at makulay)

Malaki na ang punong itinanim ko sa bahay. (halamang lumalaki nang mataas)

Konotasyon – may dalang nakatagong kahulugan o pansariling kahulugan ng isang tao

Mga halimbawa at kahulugan nito:


Maraming naggagandahang bulaklak na dumalo sa pagtitipon. (babae)

Kadalasang mababait ang mga anak na nanggaling sa mabubuting puno.(magulang)

3.Tindi ng Kahulugan o Klino

pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.

Halimbawa:

Poot matinding galit na halos gusto nang makapanakit

Suklam matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala

Galit tumatagal na inis

Tampo munting galit na madaling mawala

Pikon damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang

4. Paggamit ng contextual na clue

Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.

Mga halimbawa:

Ang panganganlong ng tulisan sa kagubatan ay hindi nalingid sa mga guwardiya sibil. (pagtatago)

Isang marusing na babae ang dumating sa pagtitipon. (marumi)

Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon


– Ito’y mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit ito ay nagpapakita
ng tiyak na damdamin o emosyon.

Halimbawa:

Kasiyahan: Anumang nagdudulot ng tugon sa pangangailangan.


Halimbawa: Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa mundo.

Pagtataka: pagdududa
Halimbawa: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng isang magulang ang isang walang malay na sanggol

Pagkalungkot: pakiramdam ng kawalan ng pag-asa at kawalan ng interes sa mga nakasisiyang gawain.


Halimbawa: Masakit isiping ang mag ama ay ang nagharap sa isang pagtutunggali.

Pagkagalit: pagkamuhi o oagkainis

Halimbawa: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.

Pasang-ayon: ito ay nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya
Halimabawa: Tama ang naging desisyon ng pastol na hindi patayin ang bata.

Pagpapasalamat: pagbigay ng bunyi, gantimpala, o pagkilala matapos ang isang gawain o serbisyong mataas,
malaki, at napakahalaga ang naging ambag sa isang tao, bagay, lugar, kompanya, o pangyayari.
Halimbawa: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang pastol.

Narito ang mga ekspresyong ginagamit sa pagbibigay ng matinding paninindigan sa mga pangyayari:

Sumasang-ayon ako Hindi dapat Kumbinsido akong Sa paniniwala ko


Lubos akong naninindigan na Naniniwala ako Lubos kong pinaninindigan na
Kung sakali ‘pag pagka kapag nang upang

Halimbawa:

Humanda kayo kapag ako ay magiging mayaman.


Kung hindi ka uuwi sa bahay ng maaga, lagot ka talaga sa akin

Mga Ekspresyon sa Pagpapaliwanag, Paghahambing at Pagbibigay ng Opinyon/Pananaw


Pagpapaliwanag
Pagbibigay-linaw at pagpapalawak ng detalye upang maunawaang mabuti ang pahayag.
Ginagamit ang mga pangatnig na ito kung:
- nais magpasubali
- nais magpahayag ng dahilan,
- nais linawin ang mga mahahalagang bagay.
• Kung •Palibhasa
• Kapag/pag • Kaya
• Dahil sa • Kung gayon
• Sapagkat • Sana

Halimbawa:
Lahat ng hirap ay malalagpasan natin kung hindi tayo susuko.
Mahirap ang buhay ngayon kaya kailangan nating magtipid.
Dahil sa pandemya, maraming pamilyang Pilipino ang naghihirap ngayon.

Paghahambing

Ang paghahambing ay proseso ng pagsususri ng dalawa o mas madami pang tao, bagay, ideya o pangyayari upang
makita ang pagkakapareho at pagkakaiba-iba. Mga ilang ginagamit sa paghahambing:
Pahambing na Magkatulad
• gaya • hawig/kahawig
• tulad • mukha/kamukha
• kapwa • wangis/kawangis
• mistula • pareho/kapareho

Halimbawa:
Mistulang puno ang tatag ng kanyang pananalig na lahat ay babalik sa dati.
Tulad ng isang awit, ang pagdurusang ito ay may katapusan din.

Paghahambing na Di-magkatulad
• lalo, • di-tulad
• higit/mas, • di-gaano
• labis • Di-gaya
• di-hamak
Halimbawa:
Di-gaanong malaki ang kita ng mga negosyo ngayon dahil marami ang nawalan ng trabaho.
Mas maraming nagkakasakit sa mga lungsod dahil mas malaki ang populasyon kaysa sa mga lalawigan.

Pagpapahayag ng Opinyon/Pananaw

Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ang pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayaring nagaganap o


namamamalas natin sa ating paligid. Sa pagbibigay ng sariling pananaw ay maaring banggitin o magpahayag batay
sa sariling damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan at nararanasan. Ilang mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng
opinyon:

• Sa aking palagay… • Hindi ako sumasang-ayon sa sinasabi dahil…


• Para sa akin… • Mahusay ang sinasabi mo at ako man ay…
• Sa tingin ko… • Nasa iyo ‘yan kung hindi ka sumasang-ayon
• Ang paniniwala ko ay…
• Kung ako ang tatanungin…
• Alinsunod sa… naniniwala ako..

Halimbawa:

Lubos ang aking paniniwala sa kasabihang pagkatapos ng gabi may umagang darating.
Kung ako ang tatanungin, dapat pa ring laging mag-ingat at sumunod sa health protocols kahit niluwagan na ang
mga kautusan ukol sa COVID

You might also like