You are on page 1of 1

MABUTING BALITA

Mateo 8, 23-27
Narinig natin sa unang pagbasa at sa ebanghelyo ang isang uri ng pananampalataya na madalas din
nating maranasan… tulad ni lot sa unang pagbasa at ng mga apostol sa ebanghelyo. Ano iyon? Yun ay
ang takot… bakit sila natakot? Yun ay dahil meron parin silang pagdududa, sa unang pagbasa anghel na
ang gumabay kay lot, sa ebanghelyo naman si Hesus na mismo ang kasama ng mga apostol, ngunit
natakot parin sila.
Normal lang sa atin ang matakot (…) , natatakot tayo lalo kapag dumarating na yung mga pagsubok, o
kung ano man, makakaramdam talaga tayo ng takot.
Nung elementary ako ang kinatatakutan ko, bukod sa walang baon, takot na takot ako teacher ko nung
grade 4, dahil bukod sa kilay nya na magkasalubong lagi, namamalo din sya ng tambo, minsan
nambabato ng eraser. Lol. Nandun yung takot ko pero yung hindi ako nagduda sa kanya bilang teacher,
dahil magaling syang magturo, mas nagduda pa nga ako sa sarili ko, sa kakayahan ko bilang estudyante.

Nais ipahatid sa ating ng mga pagbasa ngayon na huwag katakutan ang takot, kundi mas katakutan natin
ang mga pagdududa o doubt natin, lang lalo na pagdating sa pananampaltaya at pagtitiwala natin sa
Diyos. Kinakailangan nating matakot, para ipalala sa atin na tayong lahat ay mahina, na tanging
pananampataya at pagtitiwala lamang sa Diyos ang magpapalakas sa atin, at hindi pagdududa sa Kanya.
(mga superheros nga)…

Kapag may dumarating na mga pagsubok sa buhay, matutu tayong huminahon o maging kalma lang,
kung nagtitiwala tayo sa Diyos walng lugar ang takot at pagdududa sa ating mga puso.

You might also like