You are on page 1of 5

1.) Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?

Paggalang sa karapatan ng bawat isa


2.) Ang ay ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya.
Katarungan
3.) Ayon sa kanya,ang katarungan panlipunan ay nauukol hindi lamang ugnayan ng
tao sa kanyang kapwa kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan?
Manuel Dy
4.) Ayon sa kanya, isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang ang iyong
lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapwa?
A.Comte – Spoonville
5.) Saan unang naranasan ang katarungan?
Pamilya
6.) Ano ang tawag sa ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa
kanyang tungkulin sa isang institusyon?
Kalipunan
7.) Ano ang ibig sabihin ng katarungan?
Lahat ng nabanggit
8.) Alin ang makabuuang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
Igalang ang karapatan ng kapwa.
9.) Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katarungan?
May Feeding Program ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
10.) Alin ang nagpapakita na tunay ngang nagsisimula sa makatarungan? Pamilya
ang pagiging
Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng
iba.
11.) Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng mabisang makatarungan?
Pagsasanay sa pagiging
Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase.
12.) Si Jose ay isang field reporter. Nakita niya na may korapsyon na nangyayari sa
kung saan siya nagtatrabaho. Ano ang dapat niyang gawin para maipapairal ang
katarungan?
Isasangguni ang pangyayari sa mga tamang tao at tamang proseso.
13.) Ang iyong ina ay may malubhang sakit. Wala kayong mapagkukunang pera
sapagkat walang trabaho ang iyong ama at ikaw ay nag-aaral pa lamang. Isang
araw, ang kapatid mo ay umuwi sa bahay na may dalang maraming pera. Nalaman
mo na ang kapatid mo ay nagnakaw pala sa bangko. Ano ang dapat mong gawin
upang maipairal ang katarungan?
Pagsabihan ang kapatid sa ginawa na kahit na mabuti ang kanyang layunin,
mali naman ang kanyang pamamaraan at papayuhan siya kung ano ang
pinakamabuting gawin.
14.-16.) Ano – ano ang mga katangian ng kagalingan sa paggawa?
Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga
Nagtataglay ng positibong
Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos
17.) Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang
buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa.
Kasipagan
18.) Ayon kay _____ May tatlong yugto ang mga kasanayan sa pagkatuto
Morato
19.) Ang isang matagumpay na tao na nagsasabuhay ng pagpapahalaga ay ang
pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng
produkto o gawain. Anong pagpapahalaga ito?
Masigasig
20.) Anong pagpapahalaga ang nagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga
hadlang sa kanyang paligid.
Tiyaga
21.) Ayon kay Morato, ang mga kasanayan sa pagkatuto ay may tatlong yugto.
Aling yugto ang yugto ng pagkilaa sa iba’t – ibang stratehiyang maaring gamitin
upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong napili.
Pagkatuto habang ginagawa
22.) Pinalitan ni Lesie ang nagretirong punong – guro ng kanilang paaralan.
Maraming nagsasabing hindi niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at
tagumpay na narrating ng huli. Alin sa mga sumusunod ang kailangan niyang
ipakita upang mapatunayan na siya ay karapat – dapat sa posisyong ibinigay sa
kanya?
Maging masipag, masigasig, at malikhain pagsasabuhay nang kanyang trabaho
23.) Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang patuloy na pagkatuto gamit ang
panlabas na pandama?Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang
pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang
kaugnayan ng malusog na isda sa malusog na ecosystem.
24.) Bata pa lamang si Tomas, pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng
kaniyang mga magulang. Alin sa sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang
upang maging madali sa kaniya na upang maabot ang pangarap at sa huli’y
magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa sarili
25.) Malapit na ang Pasko at abala na ang pamilya mo sapagkat mayroon kayong
pagawaan ng parol. Ano ang pinakamagandang motibasyon na dapat ninyong
isaalng – alang sa paggawa ng mga ito?
Pag-unlad ng sarili, kapwa, at bansa
26.) Ano ang tawag sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na
mayroong kalidad?
Kasipagan
27.) Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na
may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.
Pagpupunyagi
28.) Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito din ang
pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
Katamaran
29.) Ito ay ang kakambal ng pagbibigay.
Pagtitipid
30.) Sino ang may akda sa Teoryang Heirarchy of Needs?
Maslow
31.- 32.) Ayon kay Francisco Colayco, mayroong tatlong dahilan kung bakit
kailangan na mag-impok ang tao. Pumili lamang ng dalawa.
Para sa proteksyon sa buhay.
Para sa pagreretiro.
33.) Ano ang sinasabi ng teorya ni Maslow tungkol sa pera?
Ito ay tumutulong sa atin na maramdaman ang ating seguridad sa buhay lalo na sa
hinaharap.
34.) Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na
pangungusap ay nagbibigay kahulugan nito maliban sa.
Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
35.) Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao
ayon kay, Francisco Colayco maliban sa:
Para maging inspirasyon sa buhay
36.) Ikaw ay sadyang masipag, hindi ka nagmamadali sa iyong mga gawain at
sinisiguro mo na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan
sa kasipagan ang iyong tinataglay?
Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
37.) Inutusan ka ng iyong ama na gumawa ng mesa. Ginagawa mo ito ng walang
pagdadabog. Anong palatandaan ng kasipagan ang taglay mo?
Hindi nagrereklamo sa paggawa.
38.) Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag – iwas
sa anumang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
Si Maria ay hindi na kailangan pang utusan ng kanyang ina sa gawaing bahay. Siya ay
gumagawa nang mayroong pagkukusa.
39.) Ano ang tawag sa sa panahon, pagkakataon, saglit, araw, at sa gaano katagal
ang ginugol sa paggawa?
Oras
40.) Wala na apil ni sir og encode
41.) Ito ay ay tumutukoy sa definitive na aspeto ng oras.
Chronos
42.) Ito ay ay tumutukoy subjective na aspeto ng oras.
Kairos
43-44.) Alin sa mga ito ang mga halimbawa sa paraan ng wastong pamamahala ng
oras?
Eisenhower Matrix
Pickle Jar Theory
45.) Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit
ng oras sa anumang aspekto?
Pamamahala ng oras
46.) Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng epektibong pag-iiskedyol ng mga
gawain?
May tunguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga, paglilibang, espasyo para sa
interapsyon, paglilibang, pagkawanggawa
47.) Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng wastong pamamahala ng oras?
Si Nestor na ginawa agad ang gawain na iniutos sa kanya.
48.) Si Lara ay may proyekto na dapat tapusin ngayong sabado subalit siya ay
inatasang mag-alaga sa kanyang kapatid sa darating na sábado dahil may mahalagang
pupuntahan ang kanyang magulang. Alin sa sumusunod ang hindi niya dapat gawin?
Gumawa ng proyekto at hindi na alagaan ang mga kapatid.
Mag-alaga ng mga kapatid at hindi na gawin ang proyekto.
49.) Si Mario ay litong – lito kung ano ang gagawin dahil nagkakaatong lahat ng
mga asignatura ay may mga gawain o takdang aralin na kailangang isumite. Kung
ikaw si Mario, alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan na gagamitan niya sa
pagkakataong ito?
Pamahalaan ang pagpabukas – bukas
50.)Ikaw ay isang working student. Paano mo magagamit ang wastong
pamamahala ng oras sa iyong pag-aaral at sa gawaing bahay?
Gumawa ng iskedyul at magtakda ng tunguhin para magawa ang mga gawain.

You might also like