You are on page 1of 5

Mangas-as Integrated School

Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)


Third Quarter

NAME:_______________________________________ Section: ___________________________ Date:_______________

TEST I - Bilugan ang tamang titik.


1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. kita at gastusin ng pamahalaan
B. kalakalan sa loob at labas ng bansa
C. ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
D. transaksyon ng mga institusyong pampinansyal

2. Ang pagtatanim ng palay na iyong ikinabubuhay ay isa sa mga halimbawa ng simpleng ekonomiya na kung saan ang
lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer nito. Anong modelo ng pambansang ekonomiya ang nagsasaad nito?
A. Unang modelo C. Ikalawang modelo
B. Ikatlong modelo D. Ikaapat na modelo

3. Alin sa sumusunod na sektor ng ekonomiya ang gumagamit ng mga sangkap ng produksiyon?


A. sambahayan C. pamahalaan B. bahay-kalakal D. panlabas na sector

4. Kailan masasabi na ang ekonomiya ng isang bansa ay sarado? A. Kapag ito ay nakikilahok sa kalakalang panlabas.
B. Kung may nagaganap na pag-aangkat at pagluluwas sa pagitan ng mga bansa.
C. Ang hindi pagkakaroon at pakikilahok nito sa mga produkto at serbisyo sa kalakalang panlabas.
D. Kung ito ay nagsasagawa ng interdependence o umaasa sa isa’t isa ang lahat ng aktor sa isang ekonomiya.

5. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa paikot na daloy ng ekonomiya batay sa ikaapat na
modelo nito?
A. Tungkulin ng gobyerno na magkaloob ng tulong-pinansyal sa mga kapus-palad.
B. Nangongolekta ng buwis sa bawat aktor ng ekonomiya upang ipagkaloob ang produkto at serbisyong
pampubliko.
C. Panatilihin na maging maayos at matiwasay ang ugnayan ng bawat mamamayan.
D. Nagsasagawa ng mga polisiya o batas para maitataguyod ang kaunlaran at kapayapaan ng bansa.
6. Alin sa sektor ng ekonomiya ang nagluluwas at nag-aangkat ng produkto at serbisyo?
A. pinansiyal C. sambahayan
B. pamahalaan D. panlabas na sector

7. Paano nakikinabang ang ating pambansang ekonomiya sa panlabas na sektor?


A. Dahil sa panlabas na sektor, nagaganap ang pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa pagitan
ng mga bansa.
B. Nagkakaroon ng malawakang oportunidad o pagkakataon sa ating ekonomiya na isulong ang kaunlaran.
C. Naging malawak ang ating ugnayan sa ibang bansa sa larangan ng politika.
D. Nagaganap ang mga kasunduang kapayapaan at kabuhayan upang masolusyunan ang problema at agawan ng
teritoryo.

8. Paano ang naging ugnayan ng pamilihang pinansyal sa sambahayan sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Ang sambahayan ay siyang mangungutang ng salapi bilang dagdag puhunan sa produksyon.
B. Ang pamilihang pinansyal ay pinaglagakan o pinag-iimpukan ng salapi ng sambahayan bilang paghahanda sa
hinaharap.
C. Ang pamilihang pinansyal ang siyang umuupa at gumagamit ng mga salik ng produksyon.
D. Ang sambahayan ang bumibili at kumukonsumo ng kalakal at serbisyo.

9. Alin sa sumusunod ang natatanggap ng pamahalaan mula sa bahagi ng kita ng sambahayan?


A. buwis B. puhunan C. eksport D. import

10. Sa isang simpleng ekonomiya, bakit sinasabing ang sambahayan ay siya ring bahay-kalakal?
A. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay mga pangunahing aktor sa pamilihan.
B. Ang sambahayan ang siyang may-ari at nagbebenta ng mga salik ng produksyon.
C. Ang bahay-kalakal ay siyang nagpoprodyus at nagbebenta ng kalakal at paglilingkod.
D. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Samakatuwid, ang lumilikha ng produkto ay siya ring
konsyumer.

11. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga paraan ng pagsukat ng Gross National Income?
A. Income Approach
B. Expenditure Approach
C. Industrial Origin Approach
D. Economic Freedom Approach

12. Ang kita ng Overseas Filipino Workers ay nabibilang sa aling economic indicator?
A. Growth Rate
B. Income Approach
C. Gross National Income
D. Gross Domestic Product

13. Alin sa sumusunod na economic indicator ang tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nalikha
sa bansa sa loob ng isang taon?
A. Industrial Origin Approach
B. Gross Domestic Product
C. Gross National Product
D. Income Approach

14. Alin sa sumusunod ang may direktang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
A. Mataas na remittance ng mga OFW’s.
B. Mataas nabilang ng mga dayuhang manggagawa.
C. Maayos na pamumuno sa pagpapanatili ng kapayapaan.
D. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.

15. Alin sa sumusunod na paraan ang tamang pagsukat ng produksiyon at pambansang kita batay sa sektor ng
ekonomiya?
A. Industrial Origin Approach C. Income Approach
B. Expenditure Approach D.Capital Consumption

16. Bakit mahalagang masukat ang pambansang kita?


A. Magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal.
B. Makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na
pamamalakad sa ekonomiya

C. Magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa.


D. Repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksiyon.

17. Si Mr. Swan, isang American National ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Ang kanyang kinikita ay
isasama sa ______________. A. Gross Domestic Product ng USA dahil mamamayan siya nito.
B. Gross National Income ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
C. Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
D. Gross Domestic Product ng Pilipinas at USA dahil parehong dito nagmulaang kanyang kita.

18. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pagsukat ng pambansang kita gamit ang paraan batay sa kita?
A. Sahod ng mga manggagawa
B. Net Operating Surplus
C. Gastusing personal
D. Subsidy

19. Ang sumusunod ay ilan sa mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita MALIBAN sa ________.
A. Gawain mula sa impormal na sektor
B. Pamumuhunan ng mga dayuhan
C. Hindi pampamilihang gawain
D. Kalidad ng buhay

20. Ang Gross Domestic Product at Gross National Income ay parehong ginagamit bilang panukat ng kaunlaran ng bansa.
Alin sa sumusunod ang HINDI TAMA sa mga pahayag?
A. Mas kapani-paniwala na panukat ang GDP kaysa GNP.
B. Parehong pananda ng economic performance ang GNP at GDP.
C. Sinusukat ng GDP ang pangkalahatang kita ng mga salik ng produksiyon sa loob ng bansa.
D. Sinusukat ng GNP ang kabuuang kita ng mamamayan ng bansa sa loob ng takdang panahon.
21. Alin sa sumusunod na paraan ang tamang pagsukat ng produksiyon at pambansang kita batay sa sektor ng ekonomiya?
A. Industrial Origin Approach B. Expenditure Approach
C. Income Approach D.Capital Consumption

22. Ang kita ng Overseas Filipino Workers ay nabibilang sa aling economic indicator?
A. Growth Rate B. Income Approach
C. Gross National Income D. Gross Domestic Product

23. Bakit mahalagang masukat ang pambansang kita?


A. Magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal.
B. Makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad sa ekonomiya
C. Magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa.
D. Repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksiyon.

24. Alin sa sumusunod na economic indicator ang tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nalikha sa
bansa sa loob ng isang taon?
A. Industrial Origin Approach B. Gross Domestic Product
C. Gross National Product D. Income Approach

25. Alin sa sumusunod ang may direktang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
A. Mataas na remittance ng mga OFW’s. B. Mataas nabilang ng mga dayuhang manggagawa.
C. Maayos na pamumuno sa pagpapanatili ng kapayapaan. D. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa
kawanggawa.
26. Ang sumusunod ay ilan sa mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita MALIBAN sa ________.
A. Gawain mula sa impormal na sektor B. Pamumuhunan ng mga dayuhan
C. Hindi pampamilihang gawain D. Kalidad ng buhay

27. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga paraan ng pagsukat ng Gross National Income?
A. Income Approach B. Expenditure Approach
C. Industrial Origin Approach D. Economic Freedom Approach
28. Si Mr. Swan, isang American National ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Ang kanyang kinikita ay isasama
sa ______________.
A. GDP ng USA dahil mamamayan siya nito. B. GNI ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
C. GDP ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita. D. GDP ng Pilipinas at USA dahil parehong dito
nagmulaang kanyang kita.
29. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pagsukat ng pambansang kita gamit ang paraan batay sa kita?
A. Sahod ng mga manggagawa B. Net Operating Surplus
C. Gastusing personal D. Subsidy

30. Ang Gross Domestic Product at Gross National Income ay parehong ginagamit bilang panukat ng kaunlaran ng bansa. Alin
sa sumusunod ang HINDI TAMA sa mga pahayag?
A. Mas kapani-paniwala na panukat ang GDP kaysa GNP.
B. Parehong pananda ng economic performance ang GNP at GDP.
C. Sinusukat ng GDP ang pangkalahatang kita ng mga salik ng produksiyon sa loob ng bansa.
D. Sinusukat ng GNP ang kabuuang kita ng mamamayan ng bansa sa loob ng takdang panahon.

TEST II – Gumuhit ng apat na hamlimbawa ng Modelo ng Ekonomiya. Pumili lamang ng apat mula sa limang Modelo.
Pwedeng iguhit sa likod ng papel or ilagay sa ibang piraso ng papel.

You might also like