You are on page 1of 3

AP REVIEWER

1.Ang sambahayan ang pinagmumulan ng salik ng produksyon na tumatanggap ng _________.


A. sweldo ,upa , tubo at interes C. shares , upa , interes at tubo
B. assets , investments, stock , tubo D. upa , liabilities , stock at investment

2. Malaki ang gampanin ng pamahalaan sa ikot ng ekonomiya ng isang bansa. Ano ang tulong na
ibinibigay ng pamahalaan para maisakatuparan ang mga gawain ng mga sektor ng ekonomiya para sa
kagalingan ng lahat.
A. Subsidiya kapag may mga sakuna C. Buwis na ipinapataw tulad ng taripa
B. Pag – iimpok sa mga pinansiyal na institusyon D. Pamumuhunan sa pagsisimula ng negosyo

3. Mahalagang masukat ang economic performance ng bansa upang________


A. makabuo ng mga patakarang magpapabuti sa ekonomiya ng bansa.
B. maging sikat ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pinansiyal.
C. makakuha ng malaking boto sa eleksiyon ang mga namumuno sa pamahalaan.
D. makilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.

4. Mahalagang malaman kung may pagtaas sa GDP at GNP upang malaman kung
A. dapat magpalit ng pangulo. C. dapat mangutang ang pamahalaan.
B. may laban ang ating bansa sa iba. D. dapat baguhin ang patakarang pang
ekonomiya

5. Palaging may malaking epekto ang implasyon sa demand at suplay. Alin sa mga sumusunod ang pinaka
naaapektuhan tuwing may implasyon?
A. Mga taong tiyak ang kita , nangungutang , speculators
B. Mga taong may tiyak ang kita , nagpapautang , nag – iimpok
C. Mga taong may di tiyak ang kita , speculators ,nangungutang
D. Mga Taong may di tiyak ang kita , nag – iimpok , nagpapautang

6.Paano inilalarawan ang unang modelo?


A. Ang pambansang ekonomiya ay bukas.
B. Ang bahay- kalakal at sambahayan ay iisa.
C. Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
D. May dalawang aktor sa isang ekonomiya-ang sambahayan at bahay kalakal

7. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng kabuuang dimensyon ng ekonomiya.


A. Makroekonomiks B. Distribusyon C. Microekonomiks D. Produksiyon

8. Bakit mahalaga ang panlabas na sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya?


A. Dahil nakikilala ang produkto sa iba’t - ibang bansa.
B. Napupunan ang mga kakulangang produkto sa ating bansa.
C. Nagkakaroon ng kita sa pagluluwas at pag-aangkat ng mga produkto.
D. Nakikilala ang kahusayan ng mga Pilipino sa paglikha ng mga produkto.

9. Sa anong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya inilalarawan ang pamilihang pampinansiyal?


A. Unang Modelo C. Ikatlong Modelo
B. Ikalawang Modelo D. Ikaapat na Modelo

10. Ano ang pangunahing papel na ginagampanan ng pamahalaan sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kumokolekta ng buwis
B. Nagbibigay ng tubo at Sweldo sa sambahayan
C. Bumubili ng kalakal at paglilingkod
D. Nagbibigay ng tubo at Sweldo sa Bahay - Kalakal

11. Anong paraan ng pamahalaan ang ipinatutupad kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang
presyo sa ekonomiya? Nagaganap din ito kapag lubhang masigla ang ekonomiya na maaaring nmagdulot
ng overheated economy.
A.Contractionary money policy C. Expansionary fiscal policy
B.Contractionary fiscal policy D. Expansionary money policy
12. Ito ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan at
polisiya ng budyet. Anong konspeto ang tinutukoy nito?
A. Patakarang Piskal C. Patatakang Pananalapi
B. Patakarang Pisikal D. Patakarang Pampamahalaan

13. Sa pamamagitan ng _____________ policy ay isinasagawa ng pamahalaan ang paggasta sa mga


proyektong pampamahalaan at pagpapababa sa buwis.
A. contractionary Fiscal C. demand Pull
B. expansionary Fiscal D. cost – push

14. Kung ikaw ay may Nakita at napatunayan na hindi maayos na paggasta sa pera ng pamahalaan, bilang
isang responsableng mamamayan, ano ang nararapat mong gawin ukol dito?
A. Sasabihan ang opisyal ng pamahalaan na ibalik ang pera na hindi kanya.
B. Ipagbigay alam ito sa pinakamalapit na istasyon ng radio upang malaman ng mga mamamayan.
C. Ipagbigay alam sa kinauukulan at magpakita ng sapat na katibayan sa maling paggasta ng pera ng
bayan.
D. Ipagbigay alam ito sa mga kamag-anak at mga kapitbahay at magsagawa ng pagprotesta laban sa mga
opisyales ng pamahalaan.

15. Ito ay may tumutukoy sa pamamahala o pagkontrol sa suplay ng salapi upang patatagin ang halaga ng
salapi sa loob at labas ng bansa.
A. Patakarang Piskal C. Pambansang Ekonomiya
B. Patakarang Pananalapi D. Pambansang Kita

16. Kung ang Bangko Sentral ay magpatupad ng Expansionary Money Policy ano ang magiging epekto
nito sa ating ekonomiya?
A. Marami ang magsasara ng kanilang negosyo
B. Mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa
C. Aalis ang mga dayuhang negosyante sa ating bansa
D. Dadami ang mga negosyanteng magtatayo ng kanilang mga negosyo

17. Alin ang HINDI kabilang sa dahilan kung bakit mas mainam ang mag-impok ng pera sa bangko kaysa
sa alkansiya?
A. Kumikita ang pera ng interes
B. Madaling makuha ang pera kung kailangan
C. Ligtas ang pera sa magnanakaw, sunog at kalamidad
D. Maari itong mapalitan sakaling ma-holdap ang bangko

18. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pag-iimpok ng mga konsyumer?


A. Pagkuha ng credit card C. Pagbili ng bagong damit
B. Pagpasok ng pera sa bangko D. Pagbili ng mga kalakal na installment

19. Ang pamumuhunan ay isang mahalagang salik sa bansa. Paano ito nakatutulong sa mga
mamamayan?
A. Kapag maraming namumuhunan sa isang bansa, nakikilala ito sa buong mundo.
B. Kapag maraming namumuhunan sa isang bansa, maraming mga negosyo ang naitatayo.
C. Maraming salapi ang napupunta sa sirkulasyon kapag maraming namumuhunan sa bansa.
D. Nagiging daan sa mabuting ugnayan ng Pilipnas sa ibang bansa ang pamumuhunan nila dito.

20. Paano mo paghahambingin ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya?
A. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya samantalang ang
pamumuhunan ay papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
B. Ang pag-iimpok ay isang papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya samantalang ang
pamumuhunan ay palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
C. Ang pag-iimpok ay isang papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya samantalang ang
pamumuhunan ay papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
D. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya samantalang ang
pamumuhunan ay palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

You might also like