You are on page 1of 9

ARALING PANLIPUNAN 10

KONTEMPORARYONG ISYU
IKALAWANG MARKAHAN
SY 2022-2023
PANGALAN: ___________________________________________ PANGKAT: ___________________

Panuto: Suriin ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakahukugan sa globalisasyon?


A. Ito ay isang pangyayaring nagpapabagal ng inetgrasyon ng mga bansa
B. Ito ay tumutukoy sa pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino
C. Ito ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy ng tao, bagay, impormasyon at produkto
D. Ito ay makabagong mekanismo na humahadlang sa interaksyon sa pagitan ng mga tao

2. Maaaring suriin ang globalisasyon s aiba’t ibang anyo nito MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Ekonomiko B. Sosyo-kultural C. Teknolohikal D. Sikolohikal

3. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na hadlang o nagpapabagal sa globalisasyon?


A. Isyu sa paggawa B. Terorismo C. Korupsiyon D. Teknolohiya

4. Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at transnational corporations sa isang


bansa. Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto nito?
A. Pagnanais na manirahan sa ibang bansa
B. Pagkalugi ng mga local na namumuhunan
C. Pagbibigay ng oportunidad at trabaho para sa mga mamamayan
D. Pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili

5. Anong dimensyon ng globalisasyon ang sinasalamin ng ulo ng balita sa ibaba?

China, hinangad ang mas pinalakas na ugnayan sa PH Army


- Balita Online, June 5, 2022

A. Globalisasyong Ekonomiko C. Globalisasyong Teknolohikal


B. Globalisasyon Politikal D. Globalisasyong Ekolohikal

6. Mayroon ding nagsasabi na ang globalisasyon ay nagsimula noong taong 2001 nang pabagsakin ng
mga terorista ang Twin Towers sa New York. Anong perspektibo o pananaw ang isinasaad nito?
A. Ang paniniwalang ang “globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa
B. Ang globalisasyon ay may mahabang siklo (cycle) ng pagbabago
C. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan
D. Ang globalisasyon ay naniniwalang may anim na “wave” o epoch o panahon na siyang binigyang
diin ni Therborn
7. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?
A. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
B. Nagdudulot ito ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at political na aspekto
C. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng mga institusyon sa lipunan
D. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas pinaunlad ang mga malalaking industriya

8. Hindi maikakaila na malaki ang epekto ng gloabalisasyon sa ekonomiya ng isang bansa. Paano
isinasagawa ng bawat pamahalaan ang guarded globalization upang mapangalagaan ang mga lokal
na namumuhunan?
A. Pagpataw ng traipa sa lahat ng produkto mula sa ibang bansa
B. Pagbubukas ng bawat bansa sa mga dayuhang namumuhunan
C. Pagbibigay ng financial aid sa mga maituturing na “Bottom Billion”
D. Pagkakaroon ng integrasyon ng pamilihan sa pagitan ng mga bansa

9. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito?

A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao


B. Saklaw ng globalisasyon ang aspetong ekonomikal, political at kultural
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan

10. Nakabuti ba ang pagpapatayo ng mga MNCs at TNCs sa mga MANGGAGAWANG PILIPINO?
A. Oo, dahil tumaas ang pambansang kita ng Pilipinas
B. Oo, dahil nabigyan sila ng katanggap-tanggap na sahod
C. Hindi, dahil mas tinangkilik ng mga Pilipino ang dayuhang produkto
D. Hindi, dahil mas nagpalala ito sa mga isyung may kinalaman sa paggawa

11. Nakapagtapos ng kursong culinary si Isha ngunit wala siyang mahanap na trabaho na tugma sa
kanyang natapos na kurso. Ito ang dahilan kung kaya’t nagbukas nalang siya ng isang grocey store
sa kanilang lugar. Ang sitwasyon ni Isha ay isang halimbawa ng ________________.
A. Unemployment B. Underemployment C. Kontraktwalisasyon D. Flexible Labor
12. Ito ay isang kondisyon kung saan ang manggagawa ay walang makita o mapasukang trabaho ngunit
aktibong naghahanap ng trabaho
A. Unemployment B. Underemployment C. Kontraktwalisasyon D. Flexible Labor

13. Ito ang batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sa pagkatanggal ng mga manggagawa
A. Batas ng Pangulo Blg. 442 C. Batas Republika Blg. 1052
B. Batas Republika Blg. 1933 D. Batas Republika Blg. 1131

Para sa bilang 14-15. Gamitin ang chart na makikita sa ibaba.

14. Sa taong 2019, alin sa sumusunod na sektor ang may pinakamaliit na bilang ng naeempleyo?
A. Agrikultura C. Serbisyo
B. Industriya D. Lahat ng nabanggit

15. Sa taong 2018, anong sektor ang may pinakamataas na bilang naeempleyo?
A. Agrikultura C. Serbisyo
B. Industriya D. Lahat ng nabanggit

16. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng kontraktwalisasyon o “ENDO”?


A. Ang mga manggagawa ay hindi binabayaran ng karampatang sahod at benepisyo
B. Ang mga manggagawa ay hindi basta basta nakakaalis sa pinagtatrabahuan
C. Ang mga manggagawa ay nahihikayat na pagbutihin ang kanilang trabahao
D. Ang mga manggagawa ay nabibigyan ng sustenableng trabaho

17. May apat na haligi ng marangal at disenteng paggawa. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang
naglalarawan sa haligi ng empleyo (employment pillar)?
A. Nagpulong ang Mababang Kapulungan at Mataas na Kapulungan upang pag-usapan ang mga
karapatan ng mga manggagawa
B. Sa kompanyang ABC, nabibigyan ng pagkakataon ang lahat ng kasarian na mabigyan ng
oportunidad upang makapagtrabaho
C. Nagkaroon ng pagpupulong ang kompanya ng LECO at ang DOLE upang pag-usapan ang mga
nagging paglabag ng kompanya.
D. Pinayagan ang mga manggagawa na bumuo ng union upang maipaglaban sa kanilang karapatan.

18. “Binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng mga manggagawang Pilipino”, ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag na ito?
A. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
B. Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino
C. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa
D. Pagtaas ng presyo ng mga produktong ibinebenta sa pamilihang lokal

19. Nagdulot ang globalisasyon ng pagtaas ng demand sa mga manggagawa na may iba’t ibang
kasanayan sa paggawa na ayon sa global standard. Paano ito tinutugunan ng ating pamahalaan?
A. Pagdaragdag ng mga asignatura sa Junior High School na may kinalaman sa paggawa
B. Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education upang ang mga mag-aaral ay maging globally
competitive
C. Pagtatayo ng mga paaralang pang-vocational sa mga pook rural
D. Pagbibigay ng mga scholarship

20. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino labansa mababang
pasahod at di-makatarungang pagtanngal sa knila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa
paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pagsasagawa ng piket at rally laban sa kompanya at kapitalista
B. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya
C. Pagboycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng
pagkondena sa mga ito
D. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapitalista o may-ari ng
kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuuhang Collective Bargaining Agreement (CBA)

21. Ano ang katuturan ng akronim na OWWA?


A. Overseas Workers Welfare for All
B. Overseas Workers Welfare Authority
C. Overseas Workers Welfare Administration
D. Overseas Welfare of Workers Administration

22. Ang migrasyon ang paglipat ng mga tao sa ibang lugar. Alin sa mga sumusunod ang push factor ng
migrasyon?
A. Tumira na ng Siargao sina Leslie nang masunugan sila sa Maynila.
B. Hinikayat sina France ng kanilang lola na doon na manirahan sa States kaya sila nag-migrate
doon.
C. Lumipat ang mag-anak nina Arkin sa Maynila dahil magkokolehiyo na ang kanilang kapatid na
panganay.
D. Naging manager ng isang kompanya ang am ani Tarah sa Pampanga, kaya simula noon doon na
sila nanirahan.

23. Ano ang maaaring maging epekto ng pandarayuhan ng mga tao sa mga lungsod?
A. Pag-unlad ng ekonomiya
B. Pagtaas ng populasyon sa mga kalunsuran
C. Pagpapaganda ng mga serbisyong pampubliko
D. Pagkakaroon ng maraming kalamidad sa bansa

24. Sino ang mga binansagang “economic migrants”?


A. Mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFW
B. Mga tumakas sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o hindi kaya ay kaguluhan
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang oportunidad upang mapaunlad ang kanilang
kabuhayan
D. Mga taong may kakayanan na tustusan ang kanilang mamasyal sa mga magagandang lugar sa
ibang bansa

25. Ang mga sumusunod ay tamang pahayag tungkol sa migrasyon, MALIBAN sa isa. Alin ang HINDI
kasama?
A. Ang migrasyon ay kaakibat ng globalisasyon
B. Ang migrasyon ay maaaring panloob o panlabas
C. Ang migrasyon ay nagaganap lamang sa mahihirap na bansa
D. Ang migrasyon ay pag-alis o paglipat sa isang lugar pansamantala man o permanente

26. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon?


A. Nagkaroon ng mga konsepto ng “house husband”
B. Mas dumami ang bahagdan ang single moms
C. Maraming bansa ang nagpanukala na bigyang proteksiyon ang mga kababaihan
D. Mas maraming mga kabataan ang napariwara dahil wala silang ina sa kanilang tahanan

27. Ano ang implikasyon sa mga bansang may mataas na flow of migration?
A. Bumababa ang bilang ng populasyon sa mga bansang ito
B. Pagkakaroon ng negatibong epekto sa pamilya at pamayanan
C. Mas lalong tumataas ang buwis na ipinapataw sa mga mamamayan
D. Pagtaas ng gastusin ng pamahalaan sa mga serbisyong pampubliko
28. Suriin ang talahanayan sa ibaba. Ano ang maaring mahinuha mula dito?

A. Dinarayo ng mga OFW ang mga bansang maituturing na first world countries
B. Bumababa ang bilang ng mga Pilipinong nangingibang bansa sa paglipas ng taon
C. Mas pinupuntahan ng mga migrante at nandarayuhan ang mga bansang may mataas na
populasyon
D. Mas pinipili ng mga OFW na manirahan sa labas ng Pilipinas dahil sa mga magagandang tanawin
na matatagpuan sa mga lugar na kanilang pinupuntahan

29. Alin sa mga sumusunod ang positibong epekto ng migrasyon?


I. Pagtaas ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao
II. Pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyonal o virtual families
III. Pag-unlad ng ekonomiya
IV. Multiculturalism at Integration

A. I, II B. III, IV C. I, II, IV D. I, II, III, IV

30. Suriin ang dalawang pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung tama o mali ang bawat pahayag.
I. Ang migrasyong panloob tumutukoy sa pandarayuhan na nagaganap sa loob ng lamang ng
bansa
II. Ang migrasyong panlabas ay nagaganap kung nandayuhan ang isang indibidwal o grupo mula
sa isang lalawigan, bayan o rehiyon.

A. Ang una at ikalawang pangungusap ay tama


B. Ang una at ikalawang pangungusap ay mali
C. Ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawa ay mali
D. Ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawa ay tama
31. Kung ihahambing noon, ang Pilipinas ay may maikling basic education kaya itinuring na second class
professional ang karamihan sa mga Pilipino. Dahil ditto, nagkaroon ng reporma sa sistema ng
edukasyon noong 2010 na tinawag na _________________.
A. Bologna Accord C. Monroe Doctrine
B. K to 12 Curriculum D. Washington Accord

32. Alin sa mga sumusunod ang positibong epekto ang naidudulot ng migrasyon sa pamilya?
A. Pagkakaroon at pagtangkilik ng imported na kagamitan
B. Makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar
C. Pagtugon sa pangangailangan para sa mas maginhawang pamumuhay
D. Pag-usbong ng mga makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon

33. Si Lea ay nag-apply bilang isang domestic helper sa bansang Malaysia, ngunit pagdating niya doon
ay hinarang siya sa airport dahil sa bagahe niya. Napag-alaman na may lamang droga ang kanyang
maleta kaya siya nahatulan ng kamatayan sa bansang inakala niya na magdudulot ng magandang
oportunidad para sa kaniyang pamilya. Ano ang tawag sa sitwasyon ni Lea?
A. Forced labor C. Sexual Exploitation
B. Human Trafficking D. Slavery

34. Si Lucy ay isang dating domestic worker sa Lebanon. Ayon sa kaniyang panayam, kinukulong siya ng
kanyang amo sa loob ng bahay na sarado ang mga bintana at pinto. Inuutusan siyang gumising ng
alas-kwatro ng umaga at matutulong ala-una ng madaling araw. Minsan pa, isang buong magdamag
siyang namamalantsa ng mga damit ng kanyang amo. Ano ang tawag sa sitwasyon ni Lucy?
A. Forced labor C. Remittance
B. Human trafficking D. Sexual Exploitation

35. Ang pamilya ni Jun-jun ay nabubuhay sa pagsasaka. Dahil sa mbabang kita tuwing anihan,
napagpasyahan niyang mangibang bansa at iniwan ang kanilang sakahan sa kaniyang mga kapatid.
Hindi naman siya nangulila, sapagkat may komunikasyon naman siya sa mga ito. Alin sa mga
sumusunod ang naging epekto ng migrasyon sa pamilya ni Jun-jun?
A. Pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa virtual family
B. Ang posibilidad na maging dayuhan siya sa sariling bayan
C. Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid
D. Ang pagtangkilik ng kanyang pamilya sa mga imported na produkto

36. Sa kabila ng mga banta sa kalagayan ng mga migranteng manggagawa, marami pa ring mga Pilipino
ang nangingibang bansa. Alin sa mga sumusunod ang hindi prayoridad ng mga Pilipino upang umalis
ng bansa?
A. Magkaroon ng maayos na trabaho at kita
B. Makapaglakbay at makapamasyal sa ibang bansa
C. Ang magkaroon ng pagkakataon na manirahan sa ibang bansa
D. Upang makatulong sa pag-ahon ng pamilya sa kahirapan

37. Ang brain drain at brawn drain ay may mga negatibong epekto sa ekonomiya ng isang bansa. Alin sa
mga sumusunod ang halimbawa nito?
A. Pagtaas ng populasyon
B. Pagbaba ng bahagdan ng labor force
C. Pagkakahiwalay ng mga mag-anak
D. Pagtaas ng bilang ng mga kababaihang nagiging OFW

38. Bakit kinakailangan ng ibang magulang ang magtrabaho at mapalayo sa kanilang pamilya?
A. Upang makapagpundar ng mga mamahaling ari-arian
B. Upang makapamasyal sa mga magagandang lugar
C. Upang makaiwas sa iba’t ibang personal suliranin ng mag-asawa
D. Upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya at ng mga anak

39. Ang mga kabataan ngayon ay mahilig sa mga banyagang musika na mula sa Amerika, Espanya at
Korea. Sa kadahilanang ito, mangilan-ngilan na lamang ang tumatangkilik sa musikang Pinoy. Anong
paraan ang mabisang pang-iwas sa epektong ito sa pagbabago sa mga pagpapahalaga at
pamamaraan sa pamumuhay ng kabataang Pinoy?
A. Pagtangkilik sa mga produktong gawa ng mga Pinoy
B. Hindi pagtanggap sa mga pagbabagong dala ng globalisasyon
C. Hindi pagpansin sa mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa buhay
D. Ang malalim na pagkakahubog ng mga magulang sa mga anak ukol sa pagpapahalaga at
kulturang Pilipino

40. Suriin ang infographic sa ibaba. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol dito?
A. Ang mga OFW ay pang-landbased lamang
B. Mas maraming OFW ang pumupunta sa UAE kaysa sa Saudi Arabia
C. Karamihan sa mga OFW na landbased ay pumpunta sa Gitnang Silangan
D. Ang mga OFW ay mas pinipiling pumunta at magtrabaho sa kalapit na bansa tulad ng Saudi
Arabia at UAE

You might also like