You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education

DIAGNOSTIC TEST
Araling Panlipunan 10

Pangalan: _____________________________________________________ Petsa: ________________


Baitang/Seksiyon: _____________________________________________ Distrito: ______________
Paaralan: ______________________________________________________ Iskor: ________________

Panuto: Basahin nang mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin ang
tamang sagot sa mapamimilian at isulat lamang ang titik ng inyong napiling sagot sa
sagutang papel.

1. Anong konsepto ng pananaw ito kung saan binigyang-diin ang pag-unlad bilang
pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita?
A. Makabagong pananaw C. Positibong pananaw
B. Pananaw sa kasalukuyan D. Tradisyunal na pananaw

2. Ayon sa kanya, ang pagsulong ng ekonomiya ay dulot ng mga dayuhang


mamumuhunan at ang pag-unlad na inaangkat ay walang kahulugan sa masa kung
ito ay hindi naman mararamdaman ng mga pangkaraniwang tao.
A. Amartya Sen C. M. Todaro
B. Feliciano Fajardo D. Sally Meek

3. Sa anong antas ng kaunlaran nabibilang ang bansang may mataas na Gross


Domestic Product (GDP), income per capita at mataas na HDI?
A. Bansang sumusulong
B. Maunlad na bansa (Developed Countries)
C. Papaunlad na bansa (Under Developed Countries)
D. Umuunlad na bansa (Developing Countries)

4. Ito ang bansang kung ihahambing sa iba ay kulang sa industriyalisasyon, mababang


antas ng agrikultura at mababang GDP, income per capita at HDI.
A. Bansang sumusulong
B. Maunlad na bansa (Developed Countries)
C. Papaunlad na bansa (Under Developed Countries)
D. Umuunlad na bansa (Developing Countries)

5. Alin sa mga sumusunod ang dapat na maging batayan ng pagkwenta ng dapat kitain
sa pagnenegosyo at investment?
A. Exhange rate C. Inflation rate
B. Floating rate D. Interest rate

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
Republic of the Philippines
Department of Education

6. Ano ang pinakaunang problema ng mga Pilipino?


A. Kakapusan C. Maliit na sweldo
B. Kawalan ng trabaho D. Pagbaba ng halaga ng piso

7. Ang pagiging bahagi ng _______ ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon


ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.
A. Pagsali sa kooperatiba
B. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
C. Tamang pagbabayad ng buwis
D. Tamang pagboto

8. Ano ang mabisang susi sa paglaya mula sa kakapusan?


A. Magpautang upang tumubo
B. Matalinong pamamahala ng iyong kita
C. Pagbili ng mga assets
D. Pagtitipid

9. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na


materyales upang ito ay maging isang produkto?
A. agrikultura C. industriya
B. impormal na sektor D. paglilingkod

10. Anong batas ang nagsasaad na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas
noong Panahon ni Pangulong Marcos?
A. Atas ng Pangulo Blg.2 ng 1972
B. Batas Republika bilang Bilang 1190 at 1954
C. Land Registration Act ng 1902
D. Public Land Act ng 1902

11. Ito ang sektor ng agrikultura na maaaring magkaroon ng suliraning pagliit ng mga
takdang lupain kung may patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng
panirahan, komersiyo, at industriya.
A. Pagmamaneho C. Pagsasaka
B. Pangingisda D. Pagtuturo

12. Ano ang tawag sa mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda


kung saan ito ay gumagamit ng malaking lambat na may pabigat upang mahuli ang
lahat ng isda?
A. Bait casting C. Thrawl fishing
B. Bait fishing D. Trolling

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
Republic of the Philippines
Department of Education

13. Sinong pangulo ang itinalaga kapalit ni Marcos nang mapatalsik ito sa EDSA
Revolution noong 1986 at siya ang nag-aaproba ng Comprehensive Agrarian Reform
Law (CARL) noong 1988?
A. Cory Aquino C. Fidel Ramos
B. Erap Estrada D. Jose Laurel

14. Ang sistemang Torens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan
ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.
A. Batas Republika Bilang 1160
B. Batas Republika Bilang 1190 at 1954
C. Land Registration Act ng 1902
D. Public Land Act ng 1902

15. Ito ang sasakyang ginagamit sa pag-aani upang magkaroon ng sapat na produkto
ng mga pagkaing tumutugon sa pangangailangan ng tao.
A. Ambulansya C. Patrol
B. Bangka D. Traktora

16. Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, de-metal, at enerhiyang
mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto o
kabahagi ng isang yaring kalakal.
A. Konstruksiyon C. Pagmimina
B. Pagmamanupaktura D. Pangangalakal

17. Ayon sa kanila, may kaukulang kahulugan ang konsepto ng Industriyalisasyon ng


isang bansa.
A. Adam Smith C. Federmason at Levine (2005)
B. Balitao, et al. (2012) D. Williamson (1999)

18. Ito ang sektor na nagpoproseso ng mga hilaw na produkto.


A. Konstruksiyon C. Pagmimina
B. Pagmamanupaktura D. Pangangalakal

19. Si aling Jerica ay may anak na nagngangalang A, B, C, at D. Si A ay isang driver. Si


B ay isang barber. Si C ay isang mangingisda, samantalang si D naman ay isang
pulis. Sino sa apat na anak ang may hanapbuhay na nabibilang sa sektor ng
agrikultura at industriya?
A. Si A na isang driver C. Si C na isang mangingisda
B. Si B na isang barber D. Si D na isang pulis

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
Republic of the Philippines
Department of Education

20. Ano ang pangunahing gampanin ng sektor ng paglilingkod?


A. Magkaloob ng buwis sa pamahalaan
B. Magkaloob ng hilaw na materyales para sa produksiyon.
C. Magkaloob ng serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng tao.
D. Magproseso ng mga hilaw na sangkap upang makalikha ng kalakal.

21. Ang bawat manggagawa na hindi nakapaglilingkod nang hindi kukulangin sa isang
(1) taon ay dapat magkaroon ng karapatan sa taunang __________ na limang (5) araw
na may bayad.
A. Overtime Pay (Artikulo 87)
B. Separation Pay (Artikulo 297-298)
C. Service Charges (Artikulo 96)
D. Service Incentive Leave (Artikulo 95)

22. Paano nakakasama sa isang manggagawa ang lipunang may pagtatangi sa isang
kasarian sa larawan ng paggawa?
A. Labag ito sa pagkakapantay-pantay ng tao.
B. Magdudulot ito ng kahirapan sa bansa.
C. Magdudulot ng higit na di-pagkakapantay-pantay sa lipunan.
D. Nalilimitahan nito ang kakayahan at dignidad ng isang tao.

23. Ito ay tumutukoy sa karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong (8) oras
na trabaho sa araw ng pahinga at special days.
A. Holiday Pay (Artikulo 94)
B. Overtime Pay (Artikulo 94)
C. Premium Pay (Artikulo 91-93)
D. Thirteenth-month Pay (PD 851)

24. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi


nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo at hindi nakapaloob
sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
A. Impormal na Sektor C. Sektor ng Industriya
B. Sektor ng Agrikultura D. Sektor ng Paglilingkod

25. Ito ay tumutukoy sa mga bayarang ahente na naglalakad ng mga papeles na


kakailanganing kunin mula sa pamahalaan ng mga pribadong mamamayan o
negosyo.
A. Fixer C. Personnel
B. Operator D. Retailer

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
Republic of the Philippines
Department of Education

26. Ayon sa kanya, ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon.
A. Cieleto Habito
B. Cleofe S. Pastrana
C. Hedayet Ullah Chowdhury, et.al.
D. Nicholas Mankiv

27. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa impormal na sektor?


A. Caregiver C. Pasugalan
B. Karpentero D. Pedicab Driver

28. Ito ay tumutukoy sa ganap na kalamangan ng isang bansa sa isang produkto kapag
mas mababa ang halaga ng produksiyon nito kaysa halaga ng produksiyon ng ibang
bansa.
A. Absolute Advantage Theory
B. Comparative Advantage Theory
C. Efficient
D. Opportunity Cost

29. Ano ang tawag sa pag-aangkat o pagbibili ng produkto sa ibang bansa?


A. Barter C. Import
B. Export D. Kalakalang Pambansa

30. Bukod sa likas na yaman, ano-anu pa ang ibang salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa?
A. Likas na Yaman, Inobasyon at Teknolohiya, Lakas-Paggawa
B. Likas na Yaman, Yamang-Tao, Ekonomiya, Teknolohiya
C. Likas na Yaman, Yamang-Tao, Kapital, Teknolohiya at Inobasyon
D. Yamang-Tao, Likas na Yaman, Kapital at Inobasyon

31. Sa mga sumusunod na konsepto, alin ang HINDI nagpapakita ng pag-unlad?


A. Isang progresibo at aktibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao.
B. Kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
C. Mga nakikita at nasusukat na pagbabago sa pamumuhay ng isang bansa
D. Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
Republic of the Philippines
Department of Education

32. Ang pag-unlad ay multi-dimensiyonal na prosesong kinapapalooban ng malaking


pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng tao at pambansang institusyon,
gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya. Ano ang “KKK” ng pag-unlad
ayon kay Amartya Sen?
A. Kasaganaan-Kalayaan-Kaalaman
B. Kaunlaran-Kasaganaan-Kayamanan
C. Kayamanan-Kaunlaran-Kaalaman
D. Kayamanan-Kalayaan-Kaalaman

33. Ang pagkakaroon ng kultura ng ___________ ay makakatulong upang magkaroon ang


pamahalaan ng sapat na halaga na magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad
ng libreng edukasyon.
A. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
B. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
C. Tamang pagbabayad ng buwis
D. Tamang pagboto

34. Tama ba ang paniniwala na ang lahat ng uri ng utang ay nagpapahirap?


A. Mali, dahil may mga utang na kailangan upang mapalago ang negosyo o
investment.
B. Mali, dahil pwedeng mangutang upang ipambayad ng utang.
C. Tama, ang may utang ay mahihirapan sa pagbabayad ng interes.
D. Tama, hindi dapat mangutang dahil ito ay mali.

35. Ang kakapusan ay nararanasan ng lahat.


A. Mali, ang isang tao ay maaaring hindi kapos dahil gumagastos lamang siya
batay sa kanyang pantustos.
B. Mali, ang mga mayaman ay hindi nakakaranas ng kakapusan.
C. Tama, dahil ang kakapusan ay bahagi ng buhay
D. Tama, dahil laging kulang ang pera para sa pangangailangan

36. Ang mga sumusunod ay mahahalagang kaalaman na makukuha sa paggamit ng


teknolohiya upang mapatatag ang sektor ng agrikultura maliban sa:
A. Iba’t ibang uri ng teknolohiya na pwedeng gamitin sa pagtatanim.
B. Kaalaman sa paggamit ng pataba sa mga halaman.
C. Mga paraan sa paggamit ng malaking lambat na may pabigat.
D. Mga paraan sa pagpuksa ng mga peste.

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
Republic of the Philippines
Department of Education

37. Malaki ang kontribusyon ng agrikultura sa ating pambansang ekonomiya.


Gayunpaman, kapuna-puna mula rito ang mabagal na pag-unlad kung ikokompara
sa sektor ng paglilingkod. Ilan sa kadahilanan ay ang sumusunod, MALIBAN sa isa:
A. Hindi magandang lupa para sa pagsasaka
B. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor.
C. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
D. Pagliit ng lupang sakahan.

38. Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan ng


lipunan ay isang palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing
na mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
A. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.
B. Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng
trabaho sa isang bansa.
C. Sila ang mga namumuhunan sa bahay-kalakal.
D. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo
upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan.

39. Paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya?


A. Ito ay nagbibigay ng magandang benepisyo sa ibang bansa.
B. Ito ay nagdudulot ng pansariling kaunlaran.
C. Ito ay nagpapaasenso sa kabuhayan ng mamamayan.
D. Ito ay nagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.

40. “Salamin ng maunlad na ekonomiya ang sektor ng paglilingkod na nagtataglay ng


malawak na kakayahan”. Ano ang maaaring mahinuha sa pahayag na ito?
A. Makalilikha ng mas maraming kalakal at paglilingkod ang bawat kasapi ng
lipunan kung nagtataglay ito ng sapat na kakayahan.
B. Nakabatay sa dami ng bumubuo sa sektor ng paglilingkod ang kaunlarang
pang-ekonomiya ng isang bansa.
C. Nakadepende ang kaunlarang pag ekonomiya ng isang bansa sa sektor ng
paglilingkod.
D. Pinakamahalagang sektor ng ekonomiya ang sektor ng paglilingkod.

41. Ayon sa IBON Foundation, ang Impormal sa sektor ay kabilang sa “isang kahig, isang
tuka’’. Ano naman ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
A. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
B. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino.
C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
D. Sumasailalim ito sa paglaganap ng backyard industries.

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
Republic of the Philippines
Department of Education

42. Laganap ang pamimirata sa halos lahat ng pwesto ng palengke sa buong kapuluan.
Ang patuloy na paglaganap ng pamimirata sa bansa ay maaaring bunga ng
sumusunod, MALIBAN sa isa.
A. Kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon sa
mga tao ukol sa masasamang bunga nito.
B. Kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas laban sa
pamimirata.
C. Kakulangan ng mapapasukang trabaho.
D. Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa illegal na
pamamaraan

43. Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan ang mga bansa sa ibang bansa lalo na sa
panahon ng globalisasyon. Alin sa sumusunod na pangungusap ang pinaka-akmang
dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig lalo na sa larangan ng
pakikipagkalakalan?
A. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
B. Madaragdagan ang pantugon sa mga panustos para sa pangangailangan ng
lokal na ekonomiya.
C. Maipagmamalaki ang kanilang produktong banyaga na maaaring gayahin.
D. Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin ng ibang
bansa.

44. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal


at panlabas na mga bansang naaapektuhan ng globalisasyon?
A. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa
B. Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan.
C. Ang pagkakaroon ng mga surplus sa mga pamilihan.
D. Ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transisyonal.

45. Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng


ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga
dahilan nito ay ang patuloy na korapsiyon. Paano kumikilos ang mga mamamayang
Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na problemang ito?
A. Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang mga
hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
B. Idinadaan na lamang nila sa samu’t-saring protesta ang kanilang mga hinaing
ukol sa talamak na korapsiyon sa pamahalaan.
C. Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling
nagaganap sa ating bansa.
D. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon, maliit man o malaki,
kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat.

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
Republic of the Philippines
Department of Education

46. Ang bansa na may mataas na pag-unlad sa kanilang kabuwanang kita ay inaasahan
na_____________.
A. Makapagbigay ng karagdagang suplay ng produkto.
B. Makapaghatid ng maayos na buhay para sa mga mamamayan.
C. Makapaghahatid ng magandang resulta sa ekonomiya ng bansa.
D. Nakakapagpatunay na tumaas ang antas ng kaunlaran sa ating bansa.

47. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing
kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin
upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang
maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
A. Maging aktibo sa pagsali sa mga rally para ipaabot ang mga hinaing sa
gobyerno.
B. Maging mulat sa anomalyang nangyayari sa lipunan.
C. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
D. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.

48. Isa sa pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang


pagkabulok o madaling pagkasira ng mga ani o produktong agrikultural. Bakit
nangyayari ito?
A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
B. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market-road).
C. Kawalan ng mamimili sa pamilihan.
D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.

49. Alin ang itinuturing na pangunahing dahilan kung bakit napapabilang ang Pilipinas
sa bansang agrikultural?
A. Dahil malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng
agrikultura
B. Dahil sa dami at lawak ng mga lupain.
C. Dahil sa dami at lawak ng lupain, malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga
gawaing pang-agrikultura.
D. Dahil sa maayos na pamamahala ng ating gobyerno sa usaping lupain.

50. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapaloob sa Social Reform and Poverty
Alleviation Act o RA 8425?
A. A. Pagbalangkas ng mga suportang pampinansyal sa impormal na sektor
B. Pagbibigay ng bahay at lupa sa mga informal settlers
C. Pagbuo ng isang ahensya ng pamahalaan na tututok sa mga suliranin ng
kahirapan
D. Pagkakaroon ng konkretong programa upang labanan ang kahirapan.

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
Republic of the Philippines
Department of Education

ANSWER KEY
AP 10

1. A 26. C
2. B 27. A
3. B 28. B
4. C 29. C
5. C 30. C
6. B 31. C
7. A 32. D
8. D 33. C
9. C 34. A
10. A 35. A
11. C 36. C
12. C 37. A
13. A 38. D
14. C 39. A
15. D 40. A
16. C 41. B
17. B 42. C
18. B 43. B
19. C 44. C
20. C 45. D
21. D 46. C
22. A 47. B
23. C 48. B
24. A 49. C
25. A 50. B

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16

You might also like