You are on page 1of 1

JULIZA A.

CAPISTRANO BSED 3D

Balita

Isang batang babae, patay sa sunog na sumiklab sa


La Paz, Iloilo City

Patay ang isang batang babaeng nagngangalang Jenny Balle, isa’t


kalahating taong gulang nang sumiklab ang sunog sa kanilang bahay sa
Balle Compound, Magsaysay Village, La Paz, Iloilo City nitong Biyernes;
alas 8:20 ng gabi.
Hindi siya nakalabas at natagpuan ang kaniyang sunog na katawan
pagkatapos na naapula ang apoy.
Batay sa imbestigasyon, ang nasirang bahagi ng kuryente sa kusina ang
pinagmulan ng nasabing sunog.
Batay rin sa isinalaysay ni Jim, nakatatandang kapatid ng biktima, nang
sumiklab ang apoy ay madali siyang nakalabas ng bahay at si Jenny naman
ay naiwan umano sa loob ng bahay.
Dagdag pa niya, noong nangyari ang sunog ay silang dalawa lamang ang
naiwan sa bahay dahil ang kanilang mga magulang ay nasa trabaho.
Bukod pa rito ay kasama ring nilamon ng apoy ang dalawa pang katabing
bahay.
Sinabi ni SPO2 Arnel Garcia, ng Bureau of Fire Protection na nasa mahigit
P1,000,000.00 ang pinsalang dala ng sunog.
Pansamantalang nanunuluyan sa Covered Court ng Magsaysay Village ang
mga nabiktima sa nangyaring sunog.

You might also like