You are on page 1of 4

Ang Kalupi

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong upang
mamalengke. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang
katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-
haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay
hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at
umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga
ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.

“Ano ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

“Pasensya na kayo, Ale,” sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na supot na naglalaman ng tigbebente habang takot
siyang nakatingin kay Aling Marta. “Hindi ko ho sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”

“Pasensya!” sabi ni Aling Marta.

Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok sa palengke. Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at bumili
ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestida upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi
at napansin ng kaharap ang kanyang anyo.

“Bakit ho?” tanong nito.

“Ha?! Nawawala ho ang aking pitaka,” sagot ni Aling Marta.

“Eh, magkano ho naman ang laman?”

“Eh, sandaan at sampung piso ho.”

Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap
ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas
niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang leeg.

“Nakita ring kita!” ang sabi niyang habang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”

“Ano hong pitaka? Wala ho akong kinuha sa inyong pitaka.”

May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa
likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod.

“Iho ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.

“Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho niya akong bumili ng
ulam, para mamayang tanghali.”

Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa pag hihintay.

“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta.

“Siya ho at wala ng iba,” ang sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalisik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo, kung di ay
dadalhin kita.”
“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang
kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.”

Tumindig ang pulis, “Hindi ho natin karakarakang madadala ito ng walang ebidensya. Kinakailangang kahit paano’y
magkakaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”

“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling
Marta sa kanyang balikat sa likod.

“Aaaaah” “Napahiyaw ang bata sa sakit.”

Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni Aling Marta. Siya ay
humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwag na daan.

Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay
nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang madidilim na anino ng mga mukang nakatunghay sa
kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi siya makapag- angat ng paningin. Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag
mulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta.

“Maski kapkapan nyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin.” sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. ”
Hindi ko po kinuha ang iyong pitaka!”

Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay marahan itong napailing. “Patay
na” naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili.”

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo, ” Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya.

“Makaka alis na po ako?” Tanong ni Aling Marta.

“Maari na” sabi ng Pulis.

Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai- uwi na. Tanghali na sya ay
umuwi.

“Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay?” tanong ng kanyang anak.

“E. . . e,” Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama.

“Ngunit, Marta…,”ang sabi ng kanyang asawa, “Eh, naiwan ang iyong pitaka ditto. Kanina, bago ka umalis ay kinuha ko
iyon sa bestida mo at kumuha ako ng pambili ng Tobacco. Pero, nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili
mo niyan?”

biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang
payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito;
Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para
siyang pinanganga-pusan ng hininga at sa palagay na niya ay umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan
ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit na lumalabong
salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
- Wakas -
GABAY NA TANONG:
1.Bakit naging matindi ang paghihinala ni Aling Marta na si
Andres ang kumuha ng kanyang kalupi? Ipaliwanag.

2. Anu-ano ang kapanapanabik na bahagi ng kwentong


inyong binasa?

3. Sa huling bahagi ng kwento ay biglang nainis ang pulis kay


Aling marta? Ipaliwanag.

4. Anu-ano ang karapatang pantao ang napagkait kay


Andres?

5. Magiging masaya ka ba kung mayroon kang kaibigan,


kamag-anak at kakilala na tulad ni Aling Marta? Bakit?

6. Sino ang dapat managot sa pagkamatay ng batang si


Andres Reyes? Pumili ng isa at ipaliwanag.

a. Ang kawawang jeepney driver


b. Ang mapanghusgang si Aling Marta

You might also like