Professional Documents
Culture Documents
EDITORIAL CARTOONING - Format-Tips
EDITORIAL CARTOONING - Format-Tips
2
3
FACT SHEET FOR EDITORIAL CARTOONING
EDITORIAL CARTOONING
Madalas, exercise in vanity lang talaga ang mga beauty pageant – pero may mga
pagkakataon na puwede itong mitsa ng pag-asa, pagbalikwas, at social reform
Bansa tayo na obsessed sa pisikal na kagandahan. At madalas, ang colonial past sa
ilalim ng mga mananakop na Kastila at Amerikano ang nagtatakda ng konsepto natin ng
ganda.
Sinasamba natin ang mga mestizo at mestiza lalo na bilang celebrity at beauty queen:
kailangan kutis porselana, matangos ang ilong, deep-set ang mata, mataas ang
cheekbones, at matangkad. Hindi bale na kung banidosa, mababaw, at hindi
masyadong matalas, basta “maganda.”
Sumikat ang kantang “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko” noong ’80s na repleksiyon
ng beauty queen bilang pamantayan ng ganda at desirability. Mukhang hindi pa ‘yan
nagbabago hanggang ngayon.
Isinulat noong 2018 ng ngayo’y presidente ng Rappler na si Natashya Gutierrez ang
isang serye tungkol sa mga beauty pageant ang at dalawang mukha nito. Habang nire-
reinforce ng beauty pageant culture ang pagtingin na tanging pisikal na kagandahan ang
sukatan ng halaga ng mga babae, sa positibong banda, tinitingnan din itong selebrasyon
ng femininity.
4
Maraming ehemplo ng empowering na aspeto ng mga pageant (kahit madalas hindi
natin maaninag): makikita ‘yan sa buhay ng mga activist at feminist na sinimulan ang
kanilang paglalakbay bilang mga reyna ng pageants – halimbawa sina Maita Gomez at
Nelia Sancho.
Sa kasalukuyan, makikita iyan sa katauhan ng reigning Miss Universe 2023 na
si Sheynnis Palacios ng Nicaragua.
Kung time-warp inducing ang Pilipinas dahil isang Marcos ang nakaupo ngayon
matapos ang 37 na taon, ganoon din ang bansa ni Ms. Palacios – nasa poder pa rin si
Nicaraguan President Daniel Ortega, na unang nailuklok sa kapangyarihan matapos
mapabagsak ang rehimeng Somoza noong 1979. Mula dating gerilya, muli siyang
nanalo noong 2007 at naging notoryus sa pagkukulong ng taga-oposisyon, negosyante,
at mamamahayag. Sa madaling salita, ang freedom-fighter noon, siyang freedom-killer
ngayon.
Kasama ang Nicaragua sa lumalalang istatistika ng mga bansang nalulukuban ng
authoritarian rule – ayon sa V-Dem, mula 46% noong 2012, umakyat sa 72% noong
2022 ang populasyon ng mundo na nasa ilalim ng mga autocrat.
Tiningnan ng administrasyon ni Ortega, lalo na ng kanyang asawa na si Vice President
Rosario Murillo, na sampal sa Ortega regime ang pagkapanalo ng aktibistang si
Palacios. (Na-feel ‘nyo rin ba ang Imelda vibes?)
Binabantayan ng buong mundo ang magiging kiskisan sa pagitan ni Palacios at
tagasuporta niya at mga otokratikong liderato sa kanyang bansa na may mahabang
kasaysayan ng paggamit ng karahasan laban sa mga tumutuligsa dito.
Sabi ni Jairo Bolledo sa kanyang analysis piece na Real-life mockingjays? When beauty
queens become icons of hope, resistance, hawig ang kuwento ni Palacios sa kuwento
ng rebeldeng si Katniss Everdeen ng fictional na seryeng Hunger Games. Naging
simbolo si Katniss ng silent majority, ang nagdurusa, nagtitiis na sambayanang
pinagkaitan ng boses.