GRADUATION CEREMONY SCRIPT
Tema: Henerasyon ng Pagkakaisa; Kaagapay sa Bagong Pilipinas
Taong Panuruan Dalawang Libo’t Dalawampu’t Apat hanggang Dalawang Libo’t
Dalawampu’t Lima
[Pagbati at Pagsisimula ng Programa]
POLANE: Isang makasaysayang araw po sa inyong lahat! Maligayang pagdating sa Seremonya
sa Pagtatapos ng Senior High School ng Don Pedro High School para sa Taong Panuruan
Dalawang Libo’t Dalawampu’t Apat hanggang Dalawang Libo’t Dalawampu’t Lima.
MA’AM VERN: Ngayon ay ating ipinagdiriwang ang bunga ng tiyaga, sakripisyo, at
pagkakaisa—tagumpay hindi lamang ng mga mag-aaral, kundi pati ng kanilang mga magulang,
guro, at buong pamayanan.
POLANE: Ako po si Polane Sediaco Gumiran
MA’AM VERN: At ako naman po si …
BOTH: Kami po ang inyong mga tagapagdaloy ng programa sa makabuluhang araw na ito!
[Pagpasok ng mga Magtatapos, Guro, Panauhing Pandangal, at Punongguro]
POLANE: Sa puntong ito, sabay-sabay nating salubungin ang ating mga magsisipagtapos,
kasama ang kanilang mga magulang—mga huwaran ng tapang at pagkakaisa sa pag-abot ng mga
pangarap. Kasunod po nila ang ating mga guro, panauhing pandangal, at ang butihing
punongguro ng ating paaralan.
(Cue: Graduation March – instrumental/orchestral)
(Tahimik habang pumapasok ang mga magtatapos, magulang, guro, at panauhin)
[Pambansang Awit, Mimaropa Hymn, Oriental Mindoro Hymn, Panalangin, at
Panunumpa]
MA’AM VERN: Upang pormal na simulan ang ating programa, tayo po ay tumayo para sa pag-
awit ng "Lupang Hinirang." Susundan po ito ng ating Mimaropa Hymn bilang pagpaparangal sa
ating rehiyon. At Oriental Mindoro Hymn bilang paggalang sa ating probinsiya.
Ang pagkukumpas ay pangungunahan ni Pearl Angeline M. Hagupit ( May karangalan)
(Cue: Pambansang Awit)
(Cue: Mimaropa Hymn)
(Cue: Oriental Mindoro Hymn)
POLANE: Susundan po ito ng isang panalangin na pangungunahan ni John Christopher D.
Inocencio. (May Karangalan)
(Cue: Panalangin)
MA’AM VERN: Mangyaring magsiupo na po ang lahat.
[Bating Pambungad]
POLANE: Upang magbigay ng kanyang mainit na pagbati at magbigay ng pambungad na
pananalita para sa ating seremonya sa ating mga magsisipagtapos at mga panauhin, narito po ang
isang mag-aaral na may karangalan; Yechane Rose M. Algo.
(Cue: Welcome Remarks)
[Pagkilala sa mga Magtatapos]
MA’AM VERN: Narito, atin pong kilalanin ang mga magsisipagtapos ng taon na ito sa pangunguna ni
Gng. Ana Krisleen P. Martinez, Gurong Tagapayo at SHS Coordinator, at ang pormal na pagpapatibay ng
pagtatapos ay pangungunahan ni Gng. Germelin M. Casao, Punongguro ng ating paaralan.
: At upang pagtibayin ito sa ngalan ng Kagawaran ng Edukasyon, narito po si Dr. Maria Luisa D.
Servando, PhD., CESO IV, Tagapamanihala ng mga Paaralan, upang maghatid rin ng kanyang
mensahe. IF EVER LANG DITO SYA
(Cue: Confirmation and Message)-
[Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal]
POLANE: Upang ipakilala ang ating panauhing pandangal, narito po si Gng. Daama T. Mortel,
Guro III.
(Cue: Introduction)
[Mensahe ng Panauhing Pandangal]
MA’AM VERN: Narito na po ang ating kagalang-galang na panauhing pandangal, Bb. Miriam D.
Ursua, Dalubguro I, upang maghandog ng makabuluhang talumpati na magsisilbing gabay at inspirasyon
sa ating mga magsisipagtapos.
(Cue: Inspirational Speech)
[Pagkakaloob ng mga Katibayan at Gawad]
POLANE: Narito na po ang pinakaabangan at mahalagang bahagi ng ating seremonya — ang pormal
na pagkakaloob ng mga Katibayan ng Pagtatapos at mga Gawad ng Karangalan na pangungunahan nina:
Dr. Maria Luisa D. Servando ( tagapanihala ng mga paaralan)
Gng. Germelin M. Casao ( Punongguro ng ating paaralan)
Bb. Miriam D. Ursua (Panauhing pandangal)
(Cue: Awarding)
Basahin ang mga pangalan ng students , bigayan ng diploma at awards
[Tugon ng Magtatapos]
MA’AM VERN: Bilang kinatawan ng Batch 2025, narito po si Wena Rose A. Zapata, may
mataas na karangalan, upang magbigay ng mensahe ng pasasalamat.
(Cue: Valedictory Message)
[Panunumpa ng Katapatan]
POLANE: Ngayon ay maririnig natin ang Panunumpa ng Katapatan—isang taimtim na pangako ng
katapatan, pasasalamat, at patuloy na pagdadala ng dangal ng ating paaralan saan man makarating ang
bawat mag-aaral.
Upang pangunahan ito, narito po si Lujille G. Boltron, mag-aaral na may mataas na karangalan.
[Pangwakas na Mensahe]
MA’AM VERN: Upang bigyang wakas ang ating seremonya, pakinggan natin ang panghuling
mensahe mula sa ating mahal na Punongguro, Gng. Germelin M. Casao.
(Cue: Closing Message)
[Awit ng Pagtatapos]
POLANE: Ngayon ay ating pakinggan ang Awit ng Pagtatapos na inihahandog ng mga
magsisipagtapos bilang alay ng pasasalamat at pangarap.
(Cue: Graduation Song)
[Resesyunal]
MA’AM VERN : Kami po ay magalang na humihiling na manatiling maayos ang daloy habang ang
ating mga mag-aaral, guro, at panauhin ay umaalis. Maaari na pong Magpapicture, ngunit sana ito ay
gawin nang maayos. Bago po umalis, mangyaring isurrender ang inyong toga sa inyong mga adviser.
(Cue: Recessional Music – instrumental "Awit ng Pag-asa" o kahalintulad)
[Pangwakas na Pagbati]
BOTH (Sabay):
Muli, isang taos-pusong pagbati sa Batch 2025!
Kayo ang pag-asa ng bayan—Henerasyon ng Pagkakaisa; Kaagapay sa Bagong Pilipinas!