You are on page 1of 44

PANDIWA AT

PANGATNIG
Inihanda ni: Ronald M. Curibang
Pandiwa
• Mga salitang nagpapahayag ng kilos o galaw
Halimbawa ng
PANDIWA
SAYAW LARO

LAKAD
PANLAPI
• Salita na ikinakabit sa isang salitang
ugat.
Halimbawa ng Panlapi

• Na, ma, nag, mag, um, in, at hin.


Halibawa
HALIMBAWA NG
PANDIWA
Si Marga ay umiyak ng
siya’y iniwan ng
kanyang ama.

Salitang ugat – iyak


Panlapi – um
ASPEKTO NG
PANDIWA
NAGANAP O PERPEKTIBO

• Ang kilos ay nagawa na, tapos na o nakalipas


na.
• Kahapon, Noon, Kanina, Nakaraang
buwan/araw
• Panlapi: na, nag, um, in
Halimbawa
• Sina John at Paul ay tumakbo sa parke.
• Salitang ugat = takbo
• Panlapi = um
• Naganap na = tumakbo
PANGKASALUKUYAN O
IMPERPEKTIBO
• Ang kilos ay ginagawa, nangyayari, o
ginaganap sa kasalukuyan.
• Ngayon, kasalukuyan.
Halimbawa
• Ang mga magkakaibigan ay naglilinis.
Salitang ugat – linis
Panlapi – nag
KONTEMPLATIBO
• Ang kilos ay hindi pa nagaganap at gagawin
pa lamang.
• Bukas, mamaya, sa susunod na araw, sa lunes,
sa darating na taon.
Panlapi – ma, mag
Halimbawa
• Malapit ng maglaro sina Prince at Paul.
Pagsasanay
PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO

nililikha
tatayo
sinabi
mag-aalaga
SAGOT SA PAGSASANAY
PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO
nilkha nililikha lilikhain

tumayo tumatayo tatayo

sinabi sinasabi sasabihin

nag-alaga nag-aalaga mag-aalaga


PANGATNIG
PANGATNIG
• Ito ay mga kataga o lipon ng mga salita
na nag – uugnay ng mga salita, parilala,
sugnay, o pangungusap.
Halimbawa ng Pangatnig

• Naging malinis ang Barangay San Rafael dahil


sa pagtutulungan ng mamamayan.
• Kailangan natin tulungan si kapitan upang
maayos ang barangay.
subalit upang at maging
ngunit o kaya kung
dahil samantal sakali bagkus
a
anupa’y datapwat kapag
habang
Halimbawa ng Pangatnig
• Masustansyang pagkain ang gulay at
prutas.
• Bata pa si Maria subalit siya’y
responsable na.
URI NG PANGATNIG
1. PAMUKOD

• Ginagamit sa pagbukod o pagtatanggi, gaya


ng: o, ni, maging, at man.
Halimbawa

• Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo


kung si Roger man ang piling lider natin.
• Walng diperensiya sa akin maging si Jose ang
magwagi sa paligsahan.
2. PANUBALI

• Nagsasabi tio ng pang – aalinlangan, gaya


ng: kung, kapag, pag, sakali, sana.
Halimbawa

• Kung uulan, hindi matutuloy and ating


palatuntunan.
• Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi
umuwi nang maaga ang tatay.
3. PANINSAY
• Kapag sinasalungat na unang bahagi ng
pangungusap ang ikalawang bahagi nito, gaya
ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman,
samantala, kahit.
Halimbawa

• Nakatapos si Ramon ng medisina bagamantindera


lang sa palengke ang kanyang ina.
• Nanalo paring musa si Rosa datapwat may mga
kaibigang bomoto sa kalaban niya.
• Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada
naman.
4. PANANHI
• Nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa
pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa,
sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa

• Namaos siya dahil sa matagal na


pagtatalumpati.
• Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
5. PANAPOS

• Nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng


pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa
wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa

• Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam


kong promosyon sa trabaho.
• Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang
paghuhusga.
6. PANLINAW

• Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o


kabuuan ng isang banggit.
Halimbawa

• Nagkasundo na ang mag – asawa, kung gayon


magsasama na silang muli.
• Nahuli na ang tunay na may sala kaya
makakawala na si Berto.
7. PANIMBANG

• Ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang


impormasyon at kaisipan, gaya ng: at – saka,
pati, kaya, anupa’t.
Halimbawa

• Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.


• Anupa’t pinagbuti niya ang kanyang pag –
aaral para makaahon sa hirap.
8. PAMANGGIT

• Gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad


ng: daw/raw, sa ganang akin/iyo, di umano.
Halimbawa

• Siya raw and hari ng sablay.


• Di umano, mahusay umawit si Blanca
9. PANULAD

• Tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad


ng: kung sino…. siyang, kung ano….. siya
ring, kung gaano …..siya rin.
Halimbawa

• Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring


mangyayari ngayon.
• Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
• Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya
sa iyo.
10. PANTUWANG
• Ang pangatnig kapag pinag – uugnay nito ang
mga mag kakasingkahulugan,
magkakasinghalaga, o magkakapantay na
mga bagay o kaisipan. Ang mga pantuwang na
pangatnig ay: at, saka, pati.
Halibawa

• Magtitirik ng kandila at magpapadasal si Ka –


Ebeng sa Araw ng mga Patay.
• Ang mga mamayan pati na ang mga dayuhan ay
pupulungin ng Pangulo.
11. PANTULONG
• Isang uri ng pangting kung pinag – uugnay mito ang
sugnay na di – makapagiisa sa malaya o makapag –
iisa o punong sugnay. Nag – uugnay ng di –
magkapantay na salita, parirala, o sugnay: kung,
kapag, upang, para, nang, sapgkat, dahil sa.
Halimbawa

• Nag – trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng


damit.
• Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang
pagsisikap.

You might also like