You are on page 1of 20

Kulturang Popular

(Teleserye)
“Hindi maitatanggi na gumugugol ang sinuman ng kaniyang oras sa
harap ng telebisyon.”
Rebyu sa Teleserye

1. Industriya sa likod ng teleserye


2. Dahilan sa pagtangkilik sa teleserye
3. Kahinaan ng Teleserye
4. MTRCB
Industriya sa Likod ng Teleserye
Tatlong panig ng teleserye:

1. TV network
2. Kompanyang Isponsor
3. Manonood
Kailan ba masasabing matagumpay ang Teleserye?

“Malalaman ng mga manonood na tagumpay ang isang teleserye sa


dami at haba ng patalastas na kaakibat nito.”
Karaniwang dahilan sa pagtangkilik ng Teleserye

1. Nagsisilbi itong libangan o pampalipas ng oras.


2. Bahagi ng teleserye ang idolo o hinahangaang personalidad.
3. Nagagandahan sa daloy ng kwento at iskrip.
4. Naiuugnay ang pangyayari sa teleserye sa kanyang personal na
katayuan sa buhay.
5. May napupulot na kaalaman, aral o impormasyon mula sa
pinanonood.
“Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay ng ilang palabas, taglay pa
rin ng mga ito ang kahinaan na kalimitan ay naoobserbahan ng mga
kritiko at mga manonood.”
“Kahinaan ng Teleserye sa kabila ng Tagumpay”

1. Hinihikayat ang mga manonood na magpantasya.


2. Namumutiktik ito sa Deux ex machina o mga eksenang hindi sadya
ngunit halatang plano ng isang manunulat.
3. May mga teleserye na masidhi ang pinakikitang karahasan.
4. Maraming kwento ang paulit-ulit lamang ang detalye.
5. karaniwang nag-uumpisa sa pagkabata o kabataan ang bida.
6. Hitik sa mga eksenang komprontasyon (berbal o pisikal).
7. Hindi pantay ang lebel ng pag-arte ng mga tauhan.
8. Ang mga bata ay tila matanda.
9. Pinapahaba ang subplot kapag patok ang teleserye.
“Sa kabila ng kahinaan ng mga teleserye ay patuloy ang pag-ere nito.
Sa tulong ng masusing pagkritik ng Movie and Television Review and
Classification Board (MTRCB), nasasala ang mga eksenang hindi
angkop sa mga manonood.”
Movie and Television Review and Classification Board
Ano-ano ang mga classification rating ng mga palabas
ayon sa MTRCB?

G – General Patronage
PG – Parental Guidance (Patnubay at Gabay)
SPG – Strong Parental Guidance (Striktong Patnubay at Gabay)
X – Disapproved for Airing on Television
G – General Patronage

Ang paalala ay ini-eere 10 segundo bago ang palabas. Ito ay


classification rating sa programang angkop sa lahat ng manonood.
PG – Parental Guidance (Patnubay at Gabay)

Ang paalala ay ini-eere 20 segundo bago ang palabas. Ito ay


classification rating sa programang naglalaman ng mga eksenang
maaaring hindi angkop sa mga batang manonood. Kinakailangan ang
patnubay at gabay ng magulang sa oras ng panonood.
a. Tema – maaaring tumatalakay sa mga seryosong isyu na hindi
angkop sa edad 13 pababa.
b. Lengguwahe – pinahihintulutan ang pagmumura ngunit bahagya
lamang. Dapat ay hindi ito kaugnay ng usaping tungkol sa kalaswaan at
hindi sunod-sunod.
c. Hubad na katawan – pinahihintulutan ang pagpapakita ng hubad na
katawan sa kontekstong natural at hindi seksuwal.
d. Sex – hindi pinahihintulutan ang lantarang pagpapakita ng gawaing
seksuwal, tanging mga pahiwatig lamang.
e. Karahasan – hindi magmukhang kaakit-akit sa mga manonood ang
mga armas at patalim na ginamit sa paggawa ng isang krimen sa
palabas. Hindi lantad ang detalye ng labanan at hindi matagal na
ipinakikita ang karahasan.
f. Katatakutan - Banayad at sandal lamang dapat ang mga eksenang
nakatatakot.
g. Droga – maaaring ipakita ang pahiwatig ng paggamit ng
ipinagbabawal na gamut ngunit hindi ang aktwal o hayag na paggamit
nito.
SPG

Ang paalala ay ini-eere 20 segundo o higit pa bago ang palabas. Ito


ay classification rating sa programang naglalaman ng mga eksenang
hindi angkop sa mga batang manonood. Ito ay higit na maselan kaysa
sa PG, kung kaya’t masusi ang isinasagawang pagsusuri ng MTRCB.
X – Disapproved for Airing on Television

Ang mga programang hindi nakatutugon sa pamantayan ng MTRCB


ay hindi pinahihintulutang maipalabas.
1. Mahalay, nakasasam o nakapanlilibak ng alinmang bahagi ng
katawan, gayundin ang gawaig seksuwal.
2. Tumutuligsa sa anumang lahi, pananampaltaya o relihiyon.
3. Hinihikayat o kinukunsinti ang paggamit ng ipinagbabawal na
gamot.
4. Gawi laban sa pamahalaan o gobyerno.
5. Pagkunsinti sa isang krimen.
6. Nakasisirang puri sa pangalan ng tao o sinuman.
“Lahat ng programang ipinalalabas sa telebisyon ay dumadaan sa
mapanuring proseso ng MTRCB upang matiyak na kalidad ang
serbisyong matatanggap ng mga manonood.”

You might also like