You are on page 1of 5

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang


saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa
pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon
na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa
ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga
pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang
praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay
ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang
edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal
na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay
na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala
nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na
pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na
maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at
impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na
humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng
mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan
sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa
kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang
siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga
kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila
sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga
sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang
magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang
buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang
naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang
matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa
upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at
malaman ang mga layunin nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at
pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga
bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay
natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang
matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

You might also like