You are on page 1of 61

Batayang Kaalaman

sa mga Teorya sa
Pananaliksik na Akma o
Mula sa Lipunang Pilipino
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Mainam na himayin ang pinag-ugatan ng kombinasyon ng mga salitang
bumubuo sa konsepto ng pantayong pananaw upang maiangkop ang teoryang ito
sa isang espisipiko o tiyak na pag-aaral. Ang salitang “pantayo” ay binuo sa
pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat na “tayo” at unlaping “pan” na ang
kalalabasang kahulugan ay “mula sa amin – para sa amin.” Ito ay kabaligtaran ng
konsepto ng “pangkami” na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat
na “kami” at unlaping “pang” na ang kagyat na kahulugan ay para sa nagsasalita at
hindi kasama ang nakikinig nito. Sa kabilang dako, ang kabiyak na salitang pananaw
ay tumutukoy sa perspektiba o anggulo.
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Ang pantayong pananaw ay perspektiba sa pagtalakay ng kasaysayan,
kultura, at iba pa na nilinang ni Zeus Salazar, isang multilinggwal na historyador
mula sa Unibersidad ng Pilipinas, upang bigyang-diin ang kahalagahan ng
diskursong internal hinggil sa iba’t ibang isyu. Detalyadong nilinaw ni Salazar (1997)
sa artikulong “Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag” ang buod ng kaniyang
perspektiba:
Sa lahat ng mga wikang Pilipino, may mga konseptong katumbas ng “tayo,” “kami,
”sila,” at “kayo” na tumutukoy sa mga nagsasalita at lahat ng kaniyang kausap, kasama kahit
na iyong wala. Halimbawa, “tayong mga Pilipino,” kung ihahambing sa “kaming mga Pilipino,”
ay nangangahulugang ang nagkakausap-usap ay mga Pilipino mismo at implisitong hindi
kasali ang mga banyaga .
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Ang pantayong pananaw ay perspektiba sa pagtalakay ng kasaysayan, kultura,
at iba pa na nilinang ni Zeus Salazar, isang multilinggwal na historyador mula sa
Unibersidad ng Pilipinas, upang bigyang-diin ang kahalagahan ng diskursong internal
hinggil sa iba’t ibang isyu. Detalyadong nilinaw ni Salazar (1997) sa artikulong
“Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag” ang buod ng kaniyang perspektiba:
Sa sitwasyong ito, ang bagay, konsepto, kaisipan at ugali na maaaring pagtuunan ng pansin ay
madaling maintindihan, dahil sa napapaloob sa ating sariling lipunan at kultura. Mapag-uugnay
natin sila sa isa’t isa na hindi kailangan magkaroon pa ng pantukoy sa iba pang mga konsepto,
tao, ugali, at kaisipan na kaugnay nila. Katunayan nga, maraming bagay ang implisito nating
nauunawaan. Ibig sabihin, kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa sarili at
sa isa’t isa, iyan ay parang sistemang “closed circuit,” pagkat nagkakaintindihan ang lahat.
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Ang pantayong pananaw ay perspektiba sa pagtalakay ng kasaysayan, kultura,
at iba pa na nilinang ni Zeus Salazar, isang multilinggwal na historyador mula sa
Unibersidad ng Pilipinas, upang bigyang-diin ang kahalagahan ng diskursong internal
hinggil sa iba’t ibang isyu. Detalyadong nilinaw ni Salazar (1997) sa artikulong
“Pantayong Pananaw: Isang Paliwanag” ang buod ng kaniyang perspektiba:
Samakatuwid, ang lipunan at kultura natin ay may “pantayong pananaw” lang kung tayong lahat
ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan, pati ang relasyon ng
mga kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang
kung iisa ang “code” – ibig sabihin, mai isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng
mga kahulugan, kaisipan, at ugali. Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang iisang wika.
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Sa kaniyang pananaw, nararapat na magpokus ang mga Pilipino sa sarili nilang
pagtanaw sa kanilang kultura at kasaysayan: magtanong at magbigay ng kasagutan batay
sa karanasan ng bayan at ng mga mamamayan ng Pilipinas nang hindi isinasaalang-alang
at/o binibigyang-pokus ang pananaw ng mga tagalabas o mga dayuhan. Ilan sa mga
babasahing kaugnay ng pantayong pananaw ang sumusunod: “Ang isa at ang marami” ni
Eliserio (2009) sa Pinoy Weekly, “Saysay ng sariling kasaysayan: Ang Ambag ni Zeus
Salazar sa Bayan” ni Chua (2013) sa GMA News Online, at “Pantayong Pananaw o
Pantasyang Pananaw Lamang?: Kamalayan sa mga Konsepto/Dalumat ng Bayan, Mga
Tinig Mula sa Ibaba” ni Chua (2014) sa Saliksik E-Journal. Samantala, kritikal na pagsusuri
naman sa pantayong pananaw ang aklat na “Pook at Paninindigan: A Critical Appraisal of
Pantayong Pananaw” ni Guillermo (2009).
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Ayon kay Zeus Salazar (1997) napapaloob ang kabuuan ng pantayong
pananaw sa pagkakaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman,
karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng isang kabuuang
pangkalinangan – kabuuang nababalot sa, at ipinahahayag sa pamamagitan ng
isang wika.
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Ang pantayong pananaw ay isang deskriptibong konsepto na tumutukoy sa
anumang kalipunan na nagtataglay ng pinag-isa at panloob na artikulasyon ng
linggwistik-kultural na istruktura ng komunikasyon at interaksyon ng kahalagahan
ng pagkakaisa ng layunin at dahilan ng pananatili. Ang pakikibaka ng Tanggil Wika
laban sa banta ng pagsira sa wikang Filipino ay maaaring binabalutan ng konteksto
ng pantayong pananaw. Ang mga pangkat etniko at mga kalipunang sosyal, kasama
ang mga kababaihan at LGBT na naghahanap ng pantay na pagtingin ay dapat ring
tingnan sa pagtataglay nito ng pantayong pananaw.
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Ayon kay Zeus Salazar (1997), magkakaroon lamang ng pantayong pananaw
kapag gumagamit ang lipunan at kalinangan ng Pilipinas ng mga konsepto at ugali
na alam ng lahat ang kahulugan na magiging talastasang bayan.
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng Pantayong Pananaw
1. Dulog etic at emic;
2. Pag-unawa at pagpapaliwanag;
3. Suliranin ng ideolohiya
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng Pantayong Pananaw

Dulog etic at emic. Sa mga disiplina na katulad ng antropolohiya at agham


panlipunan, ang emic at etic ay tumutukoy sa dalawang sangay ng pananaliksik
batay sa pananaw; ang emic ay tinitingnan mula sa pangkat ng lipunan (social
group) mula sa perspektiba ng paksa o subject, samantalang ang etic naman ay
tinitingnan mula sa labas o sa perspektiba ng mga tagamasid.
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng Pantayong Pananaw

Dulog etic at emic. Pinahahalagahan ng dulog na emic ang pamamaraan


kung paano nag-isip ang tao o lipunan. Dito tinitingnan ang kanilang pananaw, pag-
uugali, ano ang makabuluhan para sa kanila, at kung paano nila tinitingnan o
ipinaliliwanag ang mga bagay-bagay. Sa kabilang dako, ang dulog etic naman ay higit
na siyentipiko sapagkat ang tuon o pokus mula sa lokal na obserbasyon, mga
kategorya, paliwanag at interpretasyon ay buhat sa mga antropolohiya. Sa
paggamit ng dulog na ito, binibigyang-diin ng ethnographer kung ano ang mahalaga
batay sa kanyang pagpapasya (Kottak, 2006).
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng Pantayong Pananaw

Dulog etic at emic. Tumutukoy sa paglalarawan ng pag-uugali at paniniwala


sa punto nna mahalaga sa tao o aktor ang konsepto ng emic – nanggaling sa tao sa
loob ng kultura. Ang etic naman ay tumutukoy sa deskripsyon ng pag-uugali at
paniniwala ng mga nag-aaral sa lipunan o siyentipikong tagamasid sa mga punto na
maaaring iugnay sa iba’t ibang kultura.
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng Pantayong Pananaw

Pag-unawa at Pagpapaliwanag. Ang pinakamahinang posisyon ay


ikinukonsidera ang parehong paggamit ng terminong teoretikal at ang paggamit ng
emic sa mga diskurso ng pantayong pananaw basta ang higit na nakararaming
teksto na nakasulat ang pagpapalitan ng berbal na komunikasyon ay ginamitan ng
Filipino. Ang ganitong dulog o anyo ng panulat ay nakatanggap na ng maraming
kritisismo dahil sa ang pagsulat ay ginagamitan ng Filipino samantalang ang paraan
ng pag-iisip ay nasa kategoryang banyaga.
Teorya sa Pananaliksik
Pantayong Pananaw
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng Pantayong Pananaw

Suliranin ng ideolohiya. Ang panggitnang posisyon ay ang pagbibigay ng


pribilehiyo o prayoritasyon ng dulog emic laban sa panghihiram o paglalaan ng
konsepto, habang inilalayo ang huli sa prinsipyo. Ang wika ng tekstwal na
eksposisyon ay nakasulat din sa wikang Filipino.
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Kaugnay at katunog ng pantayong pananaw ang pantawang pananaw ni
Rhoderick Nuncio na nakapokus naman sa katutubong pagsipat sa paraan ng
pagpapatawa ng mga Pilipino. Mababasa sa artikulong “Saysay at Salaysay ng
Pantawang Pananaw Mula Pamumusong Hanggang Impersonasyon” pagsusuri ni
Nuncio (2010) sa kasaysayan ng pagpapatawa sa bansa.
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Sa kabila ng iba’t ibang uri ng suliraning kinahaharap ng mga Pilipino sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ay nagagawa ng mga itong panatilihin ang
pagiging masayahin na pinatunayan ng ulat ng United Nations (UN) na nagbibigay
ng kompirmasyon na tumaas ang ranking ng Pilipinas sa World Happiness Report
nito ngayong 2018. naging pamantayan sa pagpili ng masayahing bansa ang mga
sumusunod: maunlad na ekonomiya, pagiging malaya, suportang panlipunan, at
pangangalaga sa kalusugan ng tao.
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Ipinaliwanag ng isang sosyolohista na maraming Pilipino ang pinaniniwalaan
na kanilang kakampi ang pag-asa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay,
bukod pa ito sa katotohanan na talagang likas sa mga Pilipino ang pagiging
masayahin.
Ayon kay Bro. Clifford Sorita, sa panayam sa kanya ni Apples Jalandoni
(2018) na higit sa kaligayahan ay mayroong tatlong (f) na kayamanan ang lipunan:
faith (pananalig); family (pamilya); at friends (mga kaibigan).
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Kaugnay ng kaligayahan ay ang konteksto ng pantawang pananaw subalit
upang magkaroon ng higit na kabuluhan ang pagtalakay, higit na makabubuti kung
bibigyan ng paghimay ang dalawang salitang bumubuo sa knotekstong ito, ang
“pagtawa” at “pananaw.”
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Ang pagtawa ay tumutukoy sa pisikal na manipestasyon ng kaligayahanng
isang tao. Sinasabi ng maraming pag-aaral na ito raw ay isang mabuting medisina.
Sa isang artikulo ni Di Salvo (2017), kaniyang sinabi na ang pagtawa ay nakahahawa
sa kapaligiran. Ang epekto ng endorphin ang makapagpapaliwanag kung bakit ang
pagtawa ay nakahahawa. Ang pagpapalaganap ng endorphin sa pamamagitan ng
pangkat ay nagsusulong sa kahalagahan ng pagsasama at kaligtasan. Ang bawat
utak sa yunit ng lipunan ay ang tagapaghatid ng mga nasabing nararamdaman na
nagtutulak sa nararamdamang kabutihan sa ibang utak sa pamamagitan ng
pagtawa. Para itong domino na dahilan kung bakit kapag tumawa ang isa ay
naiimpluwensyahan ang iba na tumawa kahit na hindi sila sigurado kung bakit sila
tumatawa.
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Ang pagtawa ay mahalagang kakampi ng tao upang pagaanin at pasayahin
anuman ang kaniyang kalagayan o antas sa buhay. Maituturing itong mekanismo ng
damdamin na humahanap ng solusyon kung paanong matuturan ang tao na
harapin ang anumang bagay sa paraang magaan at nakaaaliw.
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Ang pagtawa ay may objek na pinanggagalingan katulad ng mga
kaganapang biglaan katulad ng pagkatanggal ng kasuotan, pagkadapa, ekspresyon
ng mukha at marami pang iba. Ang paggamit ng imahinasyon ng tao ay masasabi
ring objek ng pagtawa lalo na sa paggamit ng mga sinasabing green jokes o toilet
humor.

Kung bubusisiin ang pagtawa ng bawat Pilipino at ang paghagalpak sa mga


kakaibang bagay na nakikita sa kapaligiran, masasabi na ang gawaing ito ay
nakadugtong hindi lamang sa damdamin o emosyon kundi maging sa kamalayang
Pilipino.
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Pananaw. Kinasasangkutan ng pag-iisip ng tao ang konsepto mh “pananaw”
na kung saan ang kaniyang dinadalumat o binibigyan ng interpretasyon ang mga
penomenong makabuluhan para sa kaniya sapagkat totoong nangyayari sa
kapaligiran. Higit na matimbang ang pananaw kung ihahalintulad sa pagbibigay ng
opinyon sa mga bagay-bagay sapagkat pilit na sinusuri sa pananaw ang detalye ng
mga pangyayari na may kaugnayan sa sariling buhay, pakikipag-ugnayan sa iba, at
sa sandaigdigan.
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Mahalagang elemento ng pantawang pananaw ang midyum o daluyan nito
katulad ng tanghalan, pahayagan, radyo, telebisyon, at iba pang anyo ng midya.
Kaugnay ng mga daluyang ito ang iba’t ibang anyo na katulad ng drama, bodabil,
kuwentong bayan, at mga impersonasyong kasama sa midya. Ang pagpapatawa ay
binibigyang-buhay ng mga aktor, mga tauhan o karakter na tinatawag na mga
impersonator, komedyante, at pusong.
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Ang kontesto ng pagtalakay ay nakatuon sa mga usaping panlipunan katulad
ng kalagayan ng bansa sa larangang sosyal at politikal. Ang pantawang pananaw ay
isang uri ng pagbasang kritikal na hindi lamang nakatuon sa intensyon na
magpatawa kundi tingnan ang mga bagay sa mas malalim nitong konteksto – ang
pagsisiyasat sa kamalayan ng bawat Juan dela Cruz. Ang pantawang pananaw din ay
isang paraan upang subhektibong basagin ang katauhan, kaligiran, katawan, at
kaayusan ng lipunan bilang paksa ng mga pagpapatawa at pagtuligsa. Kinokontra
nito ang pagkilala sa kalakasan ng kapangyarihan bilang isang anyo ng kaahinaan o
maaari rin naman na kawalan ng kapangyarihang taglay.
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Ang isa pang katangian ng pantawang pananaw ay ang pagkakaroon nito ng
kasaysayan o pinag-ugatan. Malaki ang papel na ginagampanan ng kasaysayan
upang masagot ang ating mga katanungan hinggil sa kolonyalismo at
komersyalismo. Intersubhektibo rin ang pantayong pananaw sapagkat
nangngailangan ito ng ibang tao na makikibahagi sa pagbibigay kritiko sa
pamamagitan ng pantawang pananaw. Ibig sabihin, kailangan ng patuloy na
pagbabasa ng manunuod upang makapagbigay ng higit na makabuluhang kritikang
panlipunan.
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Ang pantawang pananaw din ay may katangiang intertekstwal at repleksibo na kung
saan ay pinagtutuunan ng pansin ang pamamaraan ng pagtugon sa mga tekstong
nasa labas ng isinusulat katulad ng akdang pampanitikan, produkto ng kulturang
popular, at iba pa. Dito nararapat na maging bukas ang ilang teksto para magamit
sa pagpapakahulugan at pagkatuto sa mensahe o simbolo sa alinmang diskurso.
Ang pantawang pananaw ay hindi lamang isang genre o anyo ng panitikan sa
kadahilanang ito ay nakabukas bilang maraming anyo ng daluyan ng karanasan ng
mga Pilipino.
Teorya sa Pananaliksik
Pantawang Pananaw
Sa bandang huli, ang puntos ng intertekstwalidad sa pagdulog ng
pantawang pananaw ay masasabing paglulugar at paglilinang sa ugnayan ng
kapangyarihan, karanasan, kaalaman, diwa, at katauhan upang isakonteksto ang
pakay ng pag-aaral na ito.
Teorya sa Pananaliksik
Teorya ng Banga
Ang teorya ng banga ay buod naman ng ideya ni Prospero Covar (1993), ang
itinuturing na isa sa mga nangungunang tagapagtaguyod ng Filipinolohiya, hinggil
sa “Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.” Ayon kay Covar,
“Tambalang lapit ang pamamaraan sa pagdalumat ng pagkataong Pilipino: kung
may labas, may loob; kung may kaluluwa, may budhi. Kaya pala nahahayag sa
mahahalagang bahagi ng ating katawan ang labas, loob, at lalim…Itinatakda ng
lekturang ito ang katawan ng tao bilang isang banga: may labas, loob, at lalim; at
pinagagalaw ng tambalan ng budhi at kaluluwa.” Para kay Covar, isang halimbawa
ang pagsipat sa “labas” ng pagkataong Pilipino ang paliwanag hinggil sa mukha: “Sa
madaling sabi, sa mukha nasasalamin ang samu’t saring karanasan. Salamin ang
mukha ng damdami’t kalooban ng pagkataong nililok ng kulturang karanasan.”
Teorya sa Pananaliksik
Teorya ng Banga
Ang loob naman ay “(m)alalim at malawak ang pinag-uugatan…Mula sa salitang-
ugat na “loob,” nakagagawa tayo ng mga salitang kalooban ng Diyos, saloobin,
kaloob, looban, magandang loob, at iba pa.” Idinagdag pa niya na “…ang konsepto
ng loob ay nagiging malinaw kung ito’y ilalarawan sa konteksto ng sisidlan. Ang
sisidlan ay may loob at labas. Ang loob ay nilalagyan ng laman. Isang libo’t isang
laksa ang maaaring ilaman sa loob. Gayundin ang sa ating loob at kalooban.”
Ibinuod naman ni Guillermo (2009) sa dalawang dayagram na nasa papel na
“Pagkakataong Pilipino: Isang Teorya sa lalim ng Banga” ang teorya ng banga ni
Covar, gaya ng makikita sa Pigura 3. Sa madaling sabi, ang teorya ni Covar ay
pagtatangkang ipaliwanag ang koneksyon ng mga terminong kaugnay ng panlabas
na anyo at ng mga pariralang tumutukoy sa mga aspekto ng pagkataong Pilipino.
Teorya sa Pananaliksik
Teorya ng Banga

kha
u

Di
M

bd
an

ib
i p

Pu
Is LABAS
Ka

so
lul
Pigura 3 Pp uwa
Bu DP
dh
i
Bi t LOOB
uk ay
a At a
Tiy ur
an m
Sik

LALIM
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino
Ang sikolohiya o dalubisipan sa pangkalahatang pagkilala rito ay tumutu-
koy sa pag-aaral ng isip, diwa, at asal. Ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng
kamalayan ng tao at sa tungkulin nito lalo na iyong nakaaapekto sa kilos (
https://sikolohiyaatwika.wordpress.com/sinipi 2018).
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino
Kung may pantayong pananaw sa kasaysayan at may teoryang banga sa
pagsusuri ng pagkataong Pilipino, mayroon din silang Sikolohiyang Pilipino na
naglalahad naman ng kaisipan hinggil sa paraan ng pag-iisip at/o kamalayan ng mga
Pilipino. Unang nilinang ni Virgilio Enriquez , isang kilalang sikologong Pilipino, ang
mga ideya kaugnay ng Sikolohiyang Pilipino. Ayon kay Enriquez (1994), ang
Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng etnisidad, lipunan,
at kultura ng tao at ang gamit nito sa sikolohikal na pagsasanay ng katutubong
karunungan na nag-uugat sa etnikong pamana at kamalayan ng mga tao.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino
Kanyang espisipikong sinabi na:

“Ang sikolohiya ay tungkol sa damdami’t kamalayang nararanasan; sa


ulirat na tumutukoy sa pakiramdam sa paligid; sa isip na tumutukoy sa ugali, kilos
oasal; sa kalooban na tumutukoy sa damdamin; at sa kaluluwa na siyang daan
upang mapag-aralan din ang tungkol sa budhi ng tao.” (1974)
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino
Ang Sikolohiyang Pilipino ay isang alternatibong paraan upang maipaliwanag
nang mabuti ang diwa, gawi, at damdaming nanalaytay sa ugat ng bawat Pilipino na
taliwas o di-tugma sa iba pang sikolohiya sa Pilipinas. Ayon sa paliwanag ni Pe-Pua at
Protacio-Marcelino (2000), ang Sikolohiyang Pilipino ay paraan ng pag-aaral sa sikolohiya
na bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino at pagpapaliwanag sa sariling
paraan ng pag-iisip, pagkilos, at pagpapakita ng damdaming Pilipino, na sinasabing
maaaring may kaibhan sa pag-iisip, pagkilos, at pagpapakita ng damdamin ng iba pang
mga mamamayan. Nakabatay ito sa pag-aaral sa kasaysayan at sosyo-kultural na mga
katotohanan, pag-unawa sa lokal na wika, pagkawala ng katangiang natatangi sa mga
Pilipino, at pagpapaliwanag sa mga ito sa pamamagitan ng mga mata ng mga katutubong
Pilipino. Ito ay bunga ng kaalamang kinabibilangan ng katutubong konsepto at metodo
na sa madaling salita ay nararapat at mahalaga para sa mga Pilipino.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino
Ang Sikolohiyang Pilipino ay pagtaliwas sa kumbensyonal na paglalarawan
sa mga Pilipino na gamit ang Kanluraning oryentasyon. Sinasabi sa Sikolohiyang
Pilipino na ang diwa at karanasan ng mga Pilipino ay nararapat na tingnan o
unawain batay sa perspektiba ng mga Pilipino at hindi ng Kanluraning perspektiba
upang mailarawan ang mga Pilipino nang wasto at makatotohanan. Di naglaon,
binigyan ni Enriquez (1985) ng depinisyon ang Sikolohiyang Pilipino bilang “pag-
aaral ng diwa” o psyche na nangangahulugan ng kayamanan ng ideya na tinutukoy
ng pilosopikal na konsepto ng “esensya” at ang buong saklaw ng mga sikolohikal na
konsepto mula sa kabatiran sa motibo at pag-uugali.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Sa pagtalakay nina Pe-Pua at Protacio-Marcelino (2000) na ang hakbang


tungo sa pag-unawa sa partikular na kalikasan ng Sikolohiyang Pilipino ay hindi
maituturing na anti-universal kung ang pangunahing layunin ay makapag-ambag sa
Sikolohiyang Universal, na mapagtatagumpayan lamang kung ang bawat pangkat ng
tao ay sapat ang pagkaunawa sa kanilang mga sarili at mula sa kanilang sariling
perspektiba.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Si Enriquez (1976) ay nagsagawa ng pananaliksik hinggil sa kultura at


kasaysayan gamit na batayan ang Sikolohiyang Pilipino sa halip na gumamit ng
teoryang Kanluranin. Dito ay nakabuo siya ng depinisyon ng Sikolohiya na
isinaaalang-alang ang pag-aaral sa emosyon at karunungan batay sa karanasan
(emotions and experienced knowledge), ulirat o kabatiran sa sariling kapaligiran
(awareness of one’s surroundings), isip o impormasyon at pag-unawa (information
and understanding), nakasanayang gawain at pag-uugali (habits and behavior), at
kaluluwa (soul) na isang paraan upang matutunan ang konsensya ng tao.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Tatlong Anyo ng Sikolohiyang Pilipino (Enriquez, 1994)


Si Virgilio Enriquez ang siyang nagpakilala sa konsepto ng Sikolohiyang
Pilipino. Ang kaniyang pinakamahalagang kontribusyon sa larangang ito ay ang
pagbibigay ng liwanag kung ano ang Sikolohiyang Pilipino. Binigyang-liwanag ni
Enriquez ang pagkakaiba-iba ng konsepto ng mga sumusunod na anyo ng
Sikolohiyang Pilipino:
1. Sikolohiya ng Pilipinas;
2. Sikolohiya ng Pilipino; at
3. Sikolohiyang Pilipino
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Tatlong Anyo ng Sikolohiyang Pilipino (Enriquez, 1994)


1. Sikolohiya ng Pilipinas
Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay kinasasangkutan ng lahat ng mga sanggunian
katulad ng mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, ito man ay
banyaga o maka-Pilipino
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Tatlong Anyo ng Sikolohiyang Pilipino (Enriquez, 1994)


2. Sikolohiya ng Pilipino
Sa kabilang dako, ang Sikolohiya ng Pilipino naman ay patungkol sa lahat ng
mga pananaliksik o pag-aaral at mga konsepto sa sikolohiya na kinasasangkutan ng
mga Pilipino.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Tatlong Anyo ng Sikolohiyang Pilipino (Enriquez, 1994)


3. Sikolohiyang Pilipino
Pinakahuli ang Sikolohiyang Pilipino na siyang bunga ng karanasan, kaisipan,
at oryentasyon ng mga Pilipino. Nangangahulugan ito na tanging mga Pilipino
lamang ang may kakayahang makapagsulat hinggil dito.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino na may Kaugnayan sa Wika


Maraming paham sa akademya sa larangan ng Sikolohiya ang naniniwala na ang
maraming konsepto sa Sikolohiya ay nararapat na isalin sa wikang Filipino upang
maging madali ang pagtalakay dito. Narito ang ilan sa mga konsepto ng sikolohiya na
may kaugnayan sa pagsasalin at sa wika:
1. Katutubong konsepto;
2. Pagtatakda ng kahulugan;
3. Pag-aandukha;
4. Pagbibinyag;
5. Paimbabaw na asimilasyon; at
6. Ligaw/Banyaga
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino na may Kaugnayan sa Wika

1. Katutubong konsepto
Tinutukoy ng katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ang mga salitang
taal o likas na ginagamit sa Pilipinas. Hinalaw ang kahulugan ng mga salitang ito
batay sa kultura at kinaugalian ng mga Pilipino.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino na may Kaugnayan sa Wika


2. Pagtatakda ng kahulugan
Ang konsepto ng pagtatakda ng kahulugan ang bahagyang tumataliwas sa
konsepto ng katutubong konsepto. Sa pagtatakda ng kahulugan, ang salita na may
kaugnayan sa Sikolohiyang Pilipino ay maiuugnay sa taal na wikang Filipino
bagama’t ang kahulugan nito ay tinutumbasan lamang ng banyagang kahulugan.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino na may Kaugnayan sa Wika


3. Pag-aandukha
Isang mahalagang konseptong may kaugnayan sa wika ang pag-aandukha o
pagkuha ng dayuhang salita at pagbabago ng anyo nito hanggang sa ito ay
magkaroon ng katuturan sa Filipino. Batay sa depinisyong iniuugnay sa pag-
aandukha, maaaring gamiting halimbawa ang salitang “talented” sa wikang Ingles
na ang kahulugan ay taong nag-uumapaw sa katalinuhan sa maraming larangan
tulad ng pagsasayaw, pag-awit, pag-arte, at marami pang iba.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino na may Kaugnayan sa Wika


3. Pag-aandukha
Ang “talented” ay dayuhang salita na karaniwang binabago ang anyo sa
Filipino bilang “talentado” bagama’t pareho ng katuturan sa Ingles, kung minsan ay
nagkakaroon ng negatibong kahulugan dahil sa sarkasmo. Pagkukuro: Kung
babalikan ang depinisyon ng pag-aandukha, maari bang sabihin na ang mga
salitang ginagamit sa pormal na pagtalakay na binibigyan ng bagong anyo ang gay
lingo katulad ng wala – walay; kamusta – kamustasa at marami pang iba ay
maihahanay sa konsepto ng pag-aandukha?
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino na may Kaugnayan sa Wika


4. Pagbibinyag
Tumutukoy sa paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang sariling
pagpapakahulugan sa salitang ginagamit ng mga Pilipino.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino na may Kaugnayan sa Wika


5. Paimbabaw na asimilasyon
Karaniwan ding ginagamit ng mga Pilipino ang konsepto ng paimbabaw na
asimilasyon sapagkat mahirap na tumbasan ang sa Pilipinas ng wikang Ingles. Ang
asimilasyon ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa
impluwensiya ng mga katabing tunog nito. Kinabibilangan ito ng mga panlaping
nagtatapos sa -ng katulad ng -sing na maaaring maging sin o sim. Gayundin ang
pang- na maaaring maging pan- o pam- dahil sa impluwensiya ng kasunod na
katinig.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino na may Kaugnayan sa Wika


6. Ligaw/Banyaga
Ligaw/Banyaga na mga salita ang pinakahuling konsepto. Ito ay mga salitang
banyaga na ginagamit sa Pilipinas sapagkat walang katumbas na maibibigay
sapagkat hindi naging bahagi ng kultura. Halimbawa ay ang paggamit ng
“toothpaste” sa wikang Ingles ay siya ring ginagamit sa wikang Filipino; ang “brief”
sa Ingles na ginagamit bilang pansaplot ay “brief” pa rin sa Filipino sapagkat hindi
ito bahagi ng ating kultura kung uugatin ang ating kasaysayan.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino
Ilan sa mga artikulong nagsusuri o gumagamit ng Sikolohiyang Pilipino ang
“Sikolohiyang Pilipino: Papaloob o Papalabas?” ni Javier (1996) sa Layag at “Tungo
sa Isang Mas Mapagbuong Sikolohiya: Hamon sa Makabagong Sikolohiyang
Pilipino” ni Yacat (2013) sa Daluyan.
Teorya sa Pananaliksik
Sikolohiyang Pilipino

Maaari ding sipatin ang mga artikulo sa DIWA E-journal na “naglalayong maglathala
ng mga makabuluhan at makatuturang pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino na
nagsusuri at umuunawa sa diwa at pagkataong Pilipino mula sa oryentasyon at
perspektibong Pilipino tungo sa pagpapalawak ng pambansang kamalayan at
kamulatan ng sambayanang Pilipino.” Ito ang opisyal na journal ng Pambansang
Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.
Teorya sa Pananaliksik
Bakod/Bukod/Buklod

Maituturing naman na sangandaan ng ilang konseptong Marxista at ng mga


konseptong sariling atin ang pagdadalumat ni Morales-Nuncio (2012) sa
konseptong Bakod/Bukod/Buklod sa aklat na Ang Siyudad ng Mall: Ang Bakod,
Bukod, at Buklod bilang Espasyo at Biswal mula Tabuan Hanggang SM City North
EDSA. Batay sa aklat na ito, ang mga mall ay pisikal na nakahiwalay (may bakod) sa
iba pang lugar, at may figurative din na bakod – ang paghihiwalay sa may
kakayahang mag-mall at sa walang pambili ng mga produkto rito, kaya nagbubukod
din ang mall: nagbubukod-bukod sa iba’t ibang uring panlipunan depende sa mall
at sa tindahan sa loob ng mall mismo.
Teorya sa Pananaliksik
Bakod/Bukod/Buklod
Makikita sa Talahanayan 1 na nagbubuod sa pagdadalumat na ito na itinala sa tesis
na “Konseptong Bakod, Bukod, at Buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia ni Valerie
Lopez (2015):
Talahanayan 1
Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon
Konsepto
Bakod Pagbabakod
• Heograpiya – sakop at saklaw, • Patakaran ng segregasyon batay sa
dimensyon, at lawak ng nasasakupan dibisyon ng mga uri sa lipunan
• Pisikal na bakod at dibisyon ng mall – • Mga bakas ng espasyo ng dating
floor plan, bilang gabay sa pagsusuri pamilihan
ng gender, komodipikasyon ng espayo • Bakuran ng mall na ipinahihiwatig ng
at uri sa loob ng mall biswal at pisikal na kinalalagyan nito
sa siyudad
Teorya sa Pananaliksik
Bakod/Bukod/Buklod
Makikita sa Talahanayan 1 na nagbubuod sa pagdadalumat na ito na itinala sa tesis
na “Konseptong Bakod, Bukod, at Buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia ni Valerie
Lopez (2015):
Talahanayan 1

Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon


Konsepto
Bakod • Biswal na bakod – sikolohikal na • Pananda ng kaunlaran at
hadlang at sikolohikal na konsumeristang lipunan habang
panghihikayat balot ng suliranin at kahirapan ang
labas ng mall
• Operasyonalisasyon ng midya at
advertisement para likhain ang
mood at mentalidad ng pagkonsumo
Teorya sa Pananaliksik
Bakod/Bukod/Buklod
Makikita sa Talahanayan 1 na nagbubuod sa pagdadalumat na ito na itinala sa tesis
na “Konseptong Bakod, Bukod, at Buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia ni Valerie
Lopez (2015):
Talahanayan 1

Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon


Konsepto
Bukod Pagbubukod
• Pagsasantabi o eksklusyon • Epekto ng pagbabakod ang
• Sentralisasyon at mardyinalisasyon pagbubukod
• Konstruksyon ng kasarian • Ang espasyo ng komersya ay isang
politikal na larangan ng mga
nagtutunggaling puwersa sa lipunan
Teorya sa Pananaliksik
Bakod/Bukod/Buklod
Makikita sa Talahanayan 1 na nagbubuod sa pagdadalumat na ito na itinala sa tesis
na “Konseptong Bakod, Bukod, at Buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia ni Valerie
Lopez (2015):
Talahanayan 1

Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon


Konsepto
Bukod • Pagsasantabi o eksklusyon • Nailulugar sa ganitong pagbubuklod
• Sentralisasyon at mardyinalisasyon ang sentral at laylayang kinalalagyan
• Konstruksyon ng kasarian ng mga tao at ang maselang epekto
nito sa konstruksyon ng kanilang
identidad at lokasyon ng kanilang
kapangyarihan.
Teorya sa Pananaliksik
Bakod/Bukod/Buklod
Makikita sa Talahanayan 1 na nagbubuod sa pagdadalumat na ito na itinala sa tesis
na “Konseptong Bakod, Bukod, at Buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia ni Valerie
Lopez (2015):
Talahanayan 1

Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon


Konsepto
Buklod • Pormasyon ng sabjek Pagbubuklod
• Etnisitasyon ng global na kultura • May epekto ang pagbabakod,
• Multiplikasyon ng mga uri sa mall pagbubukod sa pagbubuklod ng mga
uri ng tao sa mall at sa lipunan.
Teorya sa Pananaliksik
Bakod/Bukod/Buklod
Makikita sa Talahanayan 1 na nagbubuod sa pagdadalumat na ito na itinala sa tesis
na “Konseptong Bakod, Bukod, at Buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia ni Valerie
Lopez (2015):
Talahanayan 1

Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon


Konsepto
Buklod • Pormasyon ng sabjek Pagbubuklod
• Etnisitasyon ng global na kultura • Mula sa biswal at espasyal na
• Multiplikasyon ng mga uri sa mall kayarian, naikakahon ang gender,
pananaw-mundo, at uring
panlipunan ng mga tao.
Teorya sa Pananaliksik
Bakod/Bukod/Buklod
Makikita sa Talahanayan 1 na nagbubuod sa pagdadalumat na ito na itinala sa tesis
na “Konseptong Bakod, Bukod, at Buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia ni Valerie
Lopez (2015):
Talahanayan 1

Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon


Konsepto
Buklod • Pormasyon ng sabjek Pagbubuklod
• Etnisitasyon ng global na kultura • Namumutawi ang etnisitasyon ng
• Multiplikasyon ng mga uri sa mall mall – ang pagkakakilanlan sa
identidad – Pilipino at ang global na
pagkilos ng umahen nito sa iba’t
ibang panig ng bansa at lokalidad.
Teorya sa Pananaliksik
Bakod/Bukod/Buklod
Makikita sa Talahanayan 1 na nagbubuod sa pagdadalumat na ito na itinala sa tesis
na “Konseptong Bakod, Bukod, at Buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia ni Valerie
Lopez (2015):
Talahanayan 1

Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon


Konsepto
Buklod • Pormasyon ng sabjek Pagbubuklod
• Etnisitasyon ng global na kultura • Sa pamamagitan ng imitasyon,
• Multiplikasyon ng mga uri sa mall kompetisyon, at distingksyon ng mga
uri nagiging dinamiko ang
konsyumer/shopper/maller.

You might also like