You are on page 1of 21

Masayang Araw

Grade 1!
Ilang hakbang ang kailangan gawin ng
aso pabalik sa kanyang tahanan?

apat
Ilang hakbang ang kailangan gawin ng
sisiw papunta sa kaniyang pagkain?

tatlo
lima

Ilang sabit ang kailangan gawin ng


unggoy upang makakuha ng saging?
Aralin 20:
Pagguhit ng Mapa
Mga Layunin
Sa pagkatapos ng aralin, inaasahang ang mga mag-aaral ay:

• Natutukoy ang kahulugan ng mapa


• Naiisa-isa ang mga paraan ng paggamit ng ruler
• Nakakaguhit ng sariling mapa
• Nagagamit ang ruler nang wasto
• Naipaliliwanag ang konsepto ng distansya sa iba’t ibang
pamamaraan
• Nakagagawa ng payak na mapa ng silid-aralan o paaralan
Tuklasin Natin
Maraming paraan ang ating mga ninuno para matunton
ang mga direksyon. Tumitingin sila sa langit, Ginagawa
nilang palatandaan ang araw at mga bituin.
Nauna na nating sinabi hilaga
na ang silangan ang
direksyong
pinanggagalingan ng
araw. Kapag natukoy na kanluran
ng mga mangingisda ang silangan
silangan, malalaman na
rin nila ang direksyong
kanluran, hilaga at timog
timog.
Kapag gabi naman at walang
araw, ginagamit na
palatandaan ang North Star.
Ito ay isang bituing may hilaga
napakaningning na liwanag sa
langit kung gabi.
kanluran
Ang North Star ay silangan

matatagpuan sa direksyong
pahilaga. Kung alam na ng timog
mangingisda ang direksyong
hilaga, matutukoy na rin nila
ang iba pang mga direksyon.
Paano naman sinusukat ng ating mga ninuno
ang distansya o sukat ng ilang bagay?

Noong araw, wala pa silang gamit na mga


panukat. Ginagamit lamang nila ang ilang
mga bahagi ng kanilang katawan.
kamay
braso paa
1. Halimbawang walang ruler na panukat,
paano mo susukatin ang distansya
mula sa likuran ng silid-aralan
hanggang sa harapan?
2.Paano mo naman susukatin ang luwang
ng bintana kung walang ruler?
3.Paano mo susukatin ang haba ng mesa
nang hindi gumagamit ng ruler?
Pag-usapan Natin!
Sa panahon natin ngayon, hindi na mahirap
ang pagsukat ng mga distansya. Marami
tayong mga panukat na magagamit, tulad ng
mga sumusunod:
1. Ruler
2. Meter Stick
3. Tape measure
Ruler
Ang ruler ay karaniwang gamit ng mga mag-aaral sa
paaralan.

Tignan mo ang bilang na makikita sa isang ruler may


bilang na 1 hanggang 12. Ang tawag dito ay pulgada.

Ganito ang haba ng isang pulgada


Ruler
Katapat ng sukat ng pulgada, makikita mo rin ang
bilang 1 – 30 sa iyong ruler. Ang mga numerong iyon
ay tinatawag na sentimetro

Mas maikli ang isang sentimetro kaysa isang pulgada


Meter Stick

Higit na mahaba ang meter stick kaysa ruler.


Ang meter stick ay may sukat na 100 sentimetro
Mas mahaba ito kaysa tatlong ruler na pinagdugtong-
dugtong

30 sentimetro 30 sentimetro 30 sentimetro 10 sentimetro


(ruler) (ruler) (ruler) (ruler)
Tape Measure

Ang tape measure ay panukat na maaring irolyo sapagkat


malambot lamang.

Mayroon din itong sukat na pulgada at sentimetro.

Mahalaga ang mga panukat upang malaman natin ang


tamang sukat ng mga bagay o distansya ng mga lugar.
Tandaan natin
May mga kagamitang magagamit bilang
panukat, tulad ng ruler, meter stick o tape
measure

Nakatutulong ang paggamit ng mga panukat


sa pagsukat ng tamang distansya.
Isapuso natin
Sa paggamit ng panukat, matitiyak natin ang pagiging matapat.

Kapag bumili ng tela, tama ang sukat na ating nakukuha.

Kapag bumili ng plastic na pambalot, tama rin ang sukat na


ating mabibili.

Mag-isip ng iba pang mga bagay na nararapat na mabili sa


tamang sukat nito.

You might also like