ang maaari mong maihalintulad sa mga sitwasyong iyong sinuri? Ano ang ginawa mong hakbang upang mapagtagumpayan ito? GAGAWIN UPANG MAKAMIT ANG PINILING KURSONG AKADEMIKO TEKNIKAL- BOKASYONAL, SINING AT PALAKASAN O NEGOSYO KASANAYANG PAGKATUTO
Natutukoy ang kaniyang mga paghahandang
gagawin upang makamit ang piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo (hal., pagkuha ng impormasyon at pag-unawa sa mga tracks sa Senior High School). EsP9PK-IVb-13.4 Sa nakaraang linggo, iyong napatunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Sa modyul na ito, iyong matutukoy ang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo. Malalaman mo ang mga hakbang kung paano umpisahan ang pagtahak sa iyong pangarap at ano-ano ang mga kakailanganin dito. Ang sumusunod ay makatutulong sa iyo: MAGKAROON NG PAGSUSURI NG SARILI. SURIIN ANG MGA HILIG, KASANAYAN AT KAKAYAHAN KUNG TUGMA ITO SA MGA PAMAMARAANG NAIMBENTO NG MGA EKSPERTO. SURIIN KUNG KAYA BA ITO SA ASPETONG PISIKAL, SIKOLOHIKAL, EMOSYONAL AT MAGING SA PINANSYAL GUMAWA NG PLANO NG PAGSASAGAWA ITALA ANG MGA MAAARING MGA MAGING HAMON AT ANG MGA POSIBLENG HAKBANG UPANG MAPAGTAGUMPAYAN ANG MGA HAMON ITO. MAGBASA AT GUMAWA NG PANANALIKSIK KUNG KINAKAILANGAN. HUMINGI NG GABAY SA IYONG MGA MAGULANG O MGA INDIBIDWAL NA MAAARING MAKATULONG SA MITHIING GUSTO MONG ISAKATUPARAN, SILA ANG MAGSISILBING GUIDE AT MANUAL MO DAHIL SA MGA KARANASAN AT KAALAMAN MAYROON SILA MAGHINAY-HINAY SA PAGSASAGAWA NG PAGPAPASIYA AT KILOS. KAPAG NAG-AALINLANGAN SA KUNG ANO ANG ISASAGAWANG PAGPAPASIYA O KILOS, BUMALIK AT PAG-ARALAN MULI ANG SITWASYON. HINGIN ANG GABAY NG PANGINOON SA BAWAT KILOS O PAGPAPASIYANG ISASAGAWA.