You are on page 1of 8

Sagutin:

1. Sa iyong palagay, tama ba na gawing huwaran


ng mga tao sa kanilang pamumuhay ang mga
hayop?
2. Higit bang epektibong maipaparating sa mga
mambabasa ang mensahe ng isang kuwento
kung mga hayop ang gagawing tauhan?
Ipaliwanag.
Bigyang pansin ang mga sumusunod, alin ang
ginamit bilang malapandiwa at panuring na may
kahulugan tulad ng pandiwa.

1. “Mga anak, dapat na sumilong kayo sa aking


pakpak, umuulan, baka mabasa kaso at
magkasakit….”
2. “Hay, pwede ba tumigil ka sa pagtakbo?
Itatanong ko lang kung bakit mo sinuntok ang
anak ng amo ko? Lagot ka sa akin….!”
3.“Kailangang mag-imbak tayo ng pagkain,
malapit na ang tag-ulan…”

4. “Gusto niyang kumain nito. Ibig ni Aling


Marta na lumusog ang anak na si Baby.”
MODAL

Ang Modal ay tinatawag na malapandiwa.

DALAWANG GAMIT NG MODAL

1. Bilang pantulong sa pandiwang nasa anyong


pawatas
2. Bilang panuring na may kahulugang tulad ng
pandiwa.
1.Gamit ng Modal bilang malapandiwa

a. Gusto ng Tigre na kainin ang lalaki.


b. Ibig ng kuneho na puntahan ang hukay na
kinahulugan ng tigre.
( Ang “gusto” at “ibig” sa mga pangugusap ay
ginamit bilang malapandiwa sapagkat wala itong
aspekto na nagpapahayag kung kalian naganap
ang kilos. Kung ginamit bilang ganap na
pandiwa, dapat may aspekto ang mga ito.)
2. Bilang panuring na may kahulugang tulad ng
Pandiwa
Hal.
Gusto niyang maglakbay muli.
( Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa
salitang maglakbay na isang pandiwang nasa
anyong pawatas.)
MGA URI NG MODAL

1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad, at


pagkagusto.
Hal. Gusto ko mamitas ng bayabas.
Ibig kong matupad ang iyong mga
pangarap.
2. Sapilitang Pagpapatupad-
Hal. Dapat sundin ang alituntunin.
3. Hinihinging Mangyari-
Hal. Kailangan mong magpursigi sa iyong
pag-aaral.
4. Nagsasaad ng Posibilidad-
Hal. Maaari ka bang makausap mamaya?
Puwede kang umasenso sa buhay.

You might also like