You are on page 1of 22

Modyul 3:

Panitikang Asyano
Tula ng Pilipinas
SUBUKIN:
Panuto: Basahin at unawain mo nang mabuti ang sumusunod na pahayag. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Pakinggan mo ang tulang “Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus


sa
ang tulang at pakinggan itong mabuti. Anong damdamin ang
nangingibabaw sa tula?
A. nalulungkot
B. tumatangis
C. nababagot
D. Naiinis

2. Ano ang karanasan ng may-akda sa tula?


A. Naging pabaya sa sarili
B. Umiiyak dahil sa kalungkutan
C. Malubha ang kaniyang karamdaman
D. Nagumon ang sarili sa bisyo at karangyaan
3. Paano maihahalintulad ang punongkahoy sa buhay ng tao?

A. Ang puno at ang tao ay parehong nalalagas.


B. Gaya ng puno. Ang buhay ng tao ay marupok.
C. Ang puno ay tanim, samantalang ang tao ay nilalang.
D. Magkapareha ang puno sa taong dumaranas ng kaginhawahan sa
buhay.

4. Sa bandang huli, ano ang nangyayari sa mga dahon?

A. nalalagas dahil sa katandaan


B. ginawang pugad ng mga ibon
C. ginawang korona sa hukay
D. tagabantay sa hukay
5. Sa alin maiuugnay ang kandila sa sariling buhay?

A. isang nakadipang krus


B. pugad ng mga ibon
C. sariling libingan
D. tubig sa batis

6. Sa tulang “Ang Punongkahoy”, ano ang kahulugan ng pahayag sa


saknong VI?

A. Ang kaniyang ginawa ay inspirasyon sa iba.


B. Malapit na siyang ihatid sa huling hantungan.
C. Nagsisisi siya dahil sa bata pa ay may bisyo na.
D. Nawala ang kaligayahan niya at napalitan ng kalungkutan.
7. Ano ang sinisimbolo ng hangin sa tulang “Ang Guryon” ni
Ildefonso Santos?
A. magkakaroon ng tibay ang loob
B. maabot ang mga pangarap
C. mga pagsubok sa buhay
D. sagabal sa buhay

8. Mula sa larawan sa ibaba, ano ang kaugnayan nito sa iyong


buhay?
A. Sa buhay, minsan mapupunta sa mababa at mataas ang
pagpapalipad ng saranggola.
B. Nagsisikap ang magulang para matayog ang pagpapalipad ng
saranggola.
C. Nais pasayahin ng magulang ang anak sa pagpapalipad ng
saranggola.
D. Nagsisilbing gabay ang mga magulang sa pagpapalaki sa mga
anak.
9. Ano ang simbolo ng guryon?

A. pamumuhay
B. pangarap
C. pag-asa
D. Buhay

10.Batay sa larawan sa ibaba, anong pahayag sa tula ang tinutukoy


nito?
A. Ang buhay ay guryon.
B. Matalino ang gumagawa ng guryon.
C. Mas matatag ang humahawak ng guryon.
D. Maraming pagsubok ang nagpapalipad ng guryon.
Suriin

Gawain 2:
Hanapin mo ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay kahoy sa
mga salitang nasa loob ng dahon. Isulat ang titik sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

_________ 1. Malabay a. Malabo


_________ 2. nunukal b. mayaman
_________ 3. taghoy c. hinagpis
_________ 4. malamlam d. lilitaw
e. mayabong
Gawain 3

Basahin ang mga pahayag. Kilalanin at isulat sa bilog ang


tsek (/) kung ito ay may kaugnayan sa tula at ekis (X)
naman kung hindi.

1. Ang tao, gaano man kaganda ang buhay, gaya ng


paglagas ng mga dahon ay kusa ring mawawala.

2. Ang buhay ay di masasayang kung ito’y pinag-iingatan.

3. Ang katotohanan, na ang tao ay nangangamba sa


kalikasan.
Gawain 4: Ikonek Mo!

Piliin at isulat ang kahulugan ng mga salitang may


salungguhit sa loob ng pangungusap. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot.

Lubid kumiling dumausdos


Mahina saranggola malakas

1. Bihira ang nagpapalipad ng guryon sa


panahon ng pandemya
2. Tibayan ang pisi sa pagkahawak upang
di-lagutin ng hanging malakas.

3. Maingat naming pinalipad ang guryon upang


di-tuluyang sumubsob sa lupa.

4. Ang buhay ay guryon, marupok at malikot.

5. Tuluyang umiikit ang saranggola, kasabay


sa paglipas ng ating panahon.
TULA
Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo
ng panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin ng makata o manunulat nito. Kilala
ito sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang
anyo at estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at
magagandang kaisipan gamit ang maririkit na
salita. Ito ay matalinghaga at kadalasang
ginagamitan ng tayutay.
ELEMENTO NG TULA
1. Anyo
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito
ay may apat (4) na anyo.

Malayang taludturan – walang sinusunod na


sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa
nais ng manunulat. Ang mga tulang isinulat ni 
Alejandro Abadilla ang halimbawa ng mga
tulang nasa anyong malayang taludturan.
Tradisyonal – may sukat, tugma, at
mga matalinhagang salita. Ang ilan
sa mga halimbawa ng tulang nasa
anyong tradisyonal ay ang mga
tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal, isa
na dito ang “Isang Alaala ng Aking
Bayan“.
Walang sukat na may tugma 

– mga tulang walang tiyak na bilang


ang pantig sa bawat taludtod ngunit
ang huling pantig ay
magkakasintunog o magkakatugma.
2. Kariktan
Ito ang malinaw at hindi malilimutang
impresyon na natatanim sa isipan ng
mga mambabasa. Ang kariktan ay
elemento ng tula na tumutukoy sa
pagtataglay ng mga salitang umaakit o
pumupukaw sa damdamin ng mga
bumabasa.
3. Persona
Ang persona ng tula ay tumutukoy sa
nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang
persona at ang makata ay iisa. Maari
rin naman na magkaiba ang kasarian
ng persona at makata. Maaari rin na
isang bata, matanda, pusa, aso, o iba
pang nilalang.
4. Saknong
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga
taludtod ng tula. Ito ay maaring
magsimula sa dalawa o higit pang
taludtod.
5. Sukat
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat
taludtod na karaniwang may sukat na
waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan
na pantig.
6. Talinhaga
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga
tayutay o matatalinhagang mga pahayag
upang pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa.

7. Tono o Indayog
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng
bawat taludtod ng tula. Ito ay
karaniwang pataas o pababa.
8. Tugma
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga
salita sa huling pantig ng bawat taludtod
ng tula. Sinasabing may tugma ang tula
kapag ang huling pantig ng huling salita
ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula.
Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula
ng angkin nitong himig o indayog.
My Titser, My Hero

Bagot na bagot ang aking pakiramdam,


Nang pumasok ako sa paaralan,
Minsan wala pang laman aming tiyan,
Ngunit ‘di sumusuko sa anomang
laban.
Silang mga personalidad dumaan kay
titser,
Sinagip at inalagaan upang maging
better,
Ordinaryong nilalang binigyang-
kapangyarihan,
Hindi matatawaran kanilang kadakilaan.
Mapagod man, walang daing, walang
katulad,
Susubukin, susuungin, kahit lumipad,
Haharapin, saan man mapadpad,
Maihatid lamang edukasyong
nagpapaunlad.

You might also like