You are on page 1of 21

Sosyedad at Literatura/

Panitikang Panlipunan
LITR101
Panunuring Pampanitikan
• Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog
ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing
manunulat at katha.

• Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang


sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng
pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo.

• Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda upang ihatid


ang kahalagahan nito ay pamumuna.
Panunuring Pampanitikan
• Ang kalipunan ng mga pinagyamang sinulat
o nilimbag sa isang tanging wika ng tao ay
Panitikan.

• Ang pinakamahalagang salik na nagturo sa


atin kung paano lumikha ng mahuhusay na
panitikan ay karanasan.
Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at
marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o
balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may
kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.
Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa,
mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng materyal, malinaw ang balangkas na
kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay,
may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at
makinis ang pagkakasulat.
5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat
panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at
lawak ng pangitain nito. Ang simulaing ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring
nagsabing ang mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng
prutas. Ayon pa sa kanya, ang buhay raw ng sining ay nasa ubod at laman.
Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
6. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan.
7. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng
mga sangkap ng pagsulat.
Bakit mahalaga ang panunuring pampanitikan?
• Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang
akda kung tayo’y may kinalaman sa pagsusuri nito.

• upang makita ang mas malalim na kahulugan sa


nilalaman ng akda

• upang pahalagahan ang lalim ng kuwento at


ang mensahe na binabanggit ng may-akda

• upang maipahayag ang mga opinyon sa isang lohikal na


paraan na maaaring maunawaan ng nakararami.
Panunuri o Kritisismo
Kritisismo Panunuri
1. Naghahanap ng mali Naghahanap ng estruktura

2. Naghahanap ng kulang Naghahanap ng kung ano ang pwede

3. Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya Nagtatanong upang maliwanagan


maunawaan
4. Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong
tinig
5. Negatibo Positibo

6. Malabo at malawak Kongkreto at tiyak

7. Seryoso at hindi marunong magpatawa Nagpapatawa rin

8. Naghahanap ng pagkukulang sa manunulat Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa


at sa akda pahina
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko
• Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang
pampanitikan bilang isang sining.

• Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang


pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o
ideolohiya.

• Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa


panitikan.

• Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na


sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya,
atbp.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko
• Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang
sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na
alituntunin at batas.

• Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng


damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng
panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari
nang mga unang taon ng kanyang pamimili.
Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan
1. Pamagat – binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at paksa
na iyong ilalahad sa paghihimay

2. Panimula – impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-


siyang pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis

3. Paglalahad ng Tesis – kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong


mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng
layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto iparating

4. Katawan – naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa teksto at


sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis

5. Konklusyon – ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-
katuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan
MATALINONG PAMUMUNA
• Ito ay nagbibigay ng mahusay na komento, opinyon o reaksyon sa nabasa at
ginagamitan ng talas ng pag-iisip

• Pagsusuri o pag-aaral ng bawat detalyeng binabasa

• Pagbibigay ng balanse at makatwirang pamumuna sa pamamagitan


ng pagbanggit ng mga positibo at negatibong punto sa binasa

• Walang kinikilingan: kung nararapat na sumang-ayon ay ipinapahayag ang


pagsang-ayon at kung nararapat tumutol ay ipinahihiwatig ang pagtutol
MATALINONG PAMUMUNA
• Pagtutuon ng pansin sa nais ipabatid ng manunulat

• Pagpapahalaga sa kalakasan ng isang akda

• Pagtukoy sa kahinaan ng isang akda at pagbibigay mungkahi para sa


ikaliliwanag at ikagaganda nito tungkol sa paghabi ng mahahalagang balyus

• Sining sa paggawa ng mga pagpapasya o paghatol at pagtuturo o pagsasabi


ng mga kanais-nais na katangian, kapintasan, kamalian o pagkukulang
BISANG PAMPANITIKAN
Ang ano mang anyo ng panitikan ay kailangang magkaroon ng bisa sa katauhan ng
mambabasa. And tatlong bisa na dapat taglayin ng isang akdang pampanitikan ay:

1. Bisang Pangkaisipan - Nagbubunsod sa mga mambabasa na mag-isip upang


umunlad ang diwa at kaisipan. Ito ang panunahing tatak ng isang akdang
pampanitikan.

2. Bisang Pangkaasalan - Ang mga mambabasa ay natututong kumilala sa kung ano


ang mabuti o masama at kung ano ang labag sa moral. Kaya masasabing malaki
ang nagiging bahagi sa paghubog ng katauhan ng isang tao.

3. Bisang Pandamdamin - Tumutukoy sa naging epekto o pagbabagong naganap sa


damdamin ng mambabasa. Ito ang pinakamahalagang dapat taglayin ng isang
akdang pampanitikan.
Mga Kritikong Pilipino at
Banyaga
Alejandro G.
Teodoro Agoncillo
Abadilla
● isang makata, sanaysayista at ● isang bantog na manunulat, makata,
kuwentista at tinaguriang “Ama ng manunuri at mananalaysay. Siya ay
Makabagong Tulang Tagalog” tanyag sa kanyang aklat na “Ang
Maikling Kwentong Tagalog”
Clodualdo Del
Virgilio S. Almario
Mundo
● isang bantog na manunulat, kritikong ● kilala sa kanyang sagisag-panulat na
pampanitikan at nobelista ng komiks. Rio Alma.

● Naging co-founder at naging unang ● Isa siyang makata, kritiko,


Presidente ng Panitikan noong 1935. tagapagsalin, editor, guro at
tagapamahalang pangkultura ng
Pilipinas.
Lamberto E. Antonio Lope K. Santos

● Isang Pilipinong manunulat at ● isang tanyag na manunulat, abogado,


kabilang sa tatlong tungkong batong kritiko, lider, obrero, mananalaysay,
panulaang Filipino kasama sina nobelista at “Ama ng Pambansang
Virgilio S. Almario at Rogelio G. Wika at Balarila ng Pilipinas”. Naging
Mangahas. director ng Surian ng Wikang
Pambansa. Isa sa kanyang nobela ay
ang Banaag at Sikat
Rogelio G. Mangahas Fernando B. Monleo

● isang kritiko na kabilang sa tungkong ● isang alureadong makatang nagsulat


batong panulaang Filipino. Siya ang ng nobelang “Tres Muskiteras”. Kilala
namuhunan at namatnugot ng siya bilang Prinsipe ng Balagtasan
antolohiyang Manlilikha (1967) na
unang nagpakilala sa tatlong
modernistang makata sa Filipino.
Ponciano B. Pineda

● isang manunulat, guro, linggwista,


abogado, at ―Ama ng Komisyon ng
Wikang Filipino.

You might also like