You are on page 1of 8

WIKA • wik

Ang WIKA ayon kay Henry Gleason

Masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang
arbitraryo na ginagamit sa
komunikasyon ng mga tao
sa lipunang may iisang
kultura.
KATANGIAN NG WIKA
• Sinasalitang Tunog
• Masistemang Balangkas
• Pinili at Isinaayos sa Paraang Arbitraryo
• Ginagamit sa Komunikasyon
• Salamin/kabuhol ng Kultura
• Natatangi
• Nagbabago
BARAYTI NG WIKA
• Idyolek – sariling paraan ng pagsasalita. Makikilala mo si Mike Enriquez, Rufa Mae,
Mark Logan at iba pa ayon sa sarili nilang paraan ng pagsasalita.
• Sosyolek – karaniwang wika na ginagamit sa pakikisalamuha sa mga tao. Halimbawa
pagbabayad sa jeep. Maaari ring kabilang rito ang bekimon o gay lingo at millennial
slang.
• Dayalek – barayti ng isang tubong wika o sa mga rehiyon. Halimbawa kung ang
Pangunahing wika ay Bikolano, ang dayalekto nito ay bikol albayanon, bikol naga,
bisakol, bikol uswanon at iba pa. Kung sa Tagalog naman ang mga diyalekto nito ay
tagalog Bulacan, tagalog bataan, tagalog laguna, tagaloe quezon at tagalog maynila.
• Ekolek – wikang ginagamit sa loob ng tahanan. Eksklusibo sa tahanan ang mga salitang
ginagamit. Halimbawa sa ibang bahay ang tawag sa mama ay inang, mamita, mommy at
iba pa.
BARAYTI NG WIKA
• Etnolek – wika ng etnolinggwistikong grupo. Halimbawa badjao at lumad.
• Pidgin – hindi oraganisadong pagkakaayos ng salita. Kilala sa ingles na
nobody’s language. Ginagamit ang wikang ito kung ikaw ang mangingibang
bansa o kaya ay kagaya ng paggsasalita ng mga intsik at bumbay sa Pilipinas
• Creole – pinaghalong wika dulot ng dalawang magkatabing bayan o
lalawigan, o kahit na anong pinaghalong salita. Halimbawa sa Chavacano,
nagsasalita sila doon ng mga bokabolaryong kastila. Isa sa mga halimbawa
nito ay ang kantang Porque na inaawit sa tagalog at kastila.
• Rejister – wikang ginagamit sa ispesipikong larangan o disiplina.
Uri ng Rejister o Rehistro ng Wika

1. Nananatiling Rejister – pormal na rehistro ng wika. Tinatawag


din itong frozen register dahil ang mga salitang kabilang dito ay
hindi basta-basta nagbabago o napapalitan. Halimbawa na rito
ay ang pambansang awit ng Pilipinas.
2. Akademikong Rejister – pormal na rehistro ng wika.
Ginagamit ito sa paaralan o mga gawaing pang-akademiko
katulad ng debate, pampublikong pagbikas atbp. Dito
nakapaloob ang tinatawag na jargon – ito ay tumutukoy sa mga
salitang ginagamit sa ispesipikong mga larangan o disiplina
Uri ng Rejister o Rehistro ng Wika
3. Konsultatibong Rejister – medyo pormal ang rehistro na ito.
Ginagamit sa pagkonsulta sa abogado, doktor, inhinyero atbp. Magalang
ang pakikipag-usap gamit ang rehistro na ito.
4. Karaniwang Rejister – hindi pormal. Ang rehistro na ito ang ginagamit
sa pakikisalamuha sa mga kakilala, kaklase, kasama sa bahay atbp. Ito
ang rehistro ng karaniwan nating paraan ng pagsasalita.
5. Intimasiyang Rejister – hindi pormal. Ito ay ginagamit sa mga taong
pinakamalalapit sayo. Walang itinatago o limitasyon kapag nakikipag-
usap. Ginagamit sa pakikipag-usap sa mahal sa buhay, matalik na
kaibigan o kapatid.
• Sanggunian

•Adaya, et. al. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. pp 2-23

•Saguinsin, et. al. (2019). Sipat: Araling Filipino (Wika, Edukasyon, Kultura at Midya). pp 66-68

You might also like