Professional Documents
Culture Documents
Tekstong Persuweysib
Tekstong Persuweysib
PERSUWEYSIB NA
BAHAGI NG IBA PANG
TEKSTO
Page 2
Mabubura lamang ang kaakuhan kung ito ay
hahayaan. At hindi nangangahulugan na dahil
ginamit mo ang isang wika ay mawawala na
iyong pagkatao. Kung may malay ka dito, at
may kontrol ka dito, hindi ito mabubura. Ito
dapat ang pinagkakaabalahan ng mga
aktibistang rehiyonalista, ang pagyamanin ang
kani-kanilang mga wika, kultura, kamalayan,
kasabay ng pagtangkilik sa pagpapalaganap
ng isang wikang pambansang sa ngayon ay
maaring ang dominanteng hulmahan ay ang
Tagalog, subalit bukas sa pagpasok ng ibang
pang mga wika upang ito ay mapagyaman at
mapayabong.
."
Page 3
• Dapat pa ngang makigpagtulungan
ang mga aktibistang rehiyonalista sa
labang ito, dahil sa iisang panig lang
lahat tayo. Malinaw na kapag
mawalan ng lugar ang wikang Filipino
sa pagbubuo ng kamalayang
pambansa, mawawalan din ng lugar
ang mga wikang rehiyonal na
makapag-ambag sa kabuoan ng
kamalayang ito. Sa isang sistemang
global, mawawala at lalamunin tayo
sa ating pagkawatak-watak.
Page 4
Ito ang taong pinipilit papiliin ang
Pilipino na mag-Ingles o mag-Filipino,
samantalang ang nararapat ay
palawakin ang kamalayang Filipino sa
mga Pilipino upang kahit mataas
tayong magsalita ng Ingles ay
mananatili tayong mataas magsalita sa
Filipino at kung anumang rehiyonal
nating mga wika.
Page 5