You are on page 1of 11

Pagbuo ng Pinal na

Pananaliksik
Organisasyon ng Papel
(Prinsipyo)
Kronolohikal:
• Ginagamit kung ang datos ay ayon sa
pagkasunod-sunod ng pangyayari.
• Kung ang paksa ay naglalahad ng proseso o
pangyayari o maging kasaysayan.

Halimbawa:
 Ang Politikal dynasty sa Pilipinas
Ang Ebolusyon ng Telepono
Heyograpikal o batay sa Espasyo:
• Ginagamit kung ipakikita at ipapaliwanag ang
lokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo.

Halimbawa:
 Ang mga Internet Café sa Paligid ng mga Paaralan at
Pamantasan
Ang Sistema ng Edukasyon sa Kabihasnan
Komparatibo:
• Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang
pagkakatulad at/o ang pagkakaiba ng dalawang
bagay, tao, prinsipyo o kaisipan.

Halimbawa:
 Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat
Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine
Sanhi/Bunga:
• Nais bigyang diin ang sanhi at bunga ng isang
paksang sinisiyasat.

Halimbawa:
 Ang kahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong
sa kompyuter games
Ang dahilan ng maagang pag-aasawa
Pagsusuri:
• Prinsipyong ginagamit kung nais ipakita ang
paghihimay-himay ng isang buong kaisipan.

Halimbawa:
 Ang lagay ng paggawa ng indie films sa Pilipinas
Ang katotohanan sa likod ng modus na “tanim/laglag
bala”
Mga Dapat Isaalang-alang sa
Pinal na Pananaliksik
Introduksyon:
• Maaaring maglaman ng sumusunod:
Kaligiran ng paksa
Layunin ng mananaliksik
Pahayag na tesis
Kahalagahan ng paksa
Saklaw at limitasyon ng pananaliksik
Katawan:
• Banggitin ang mga naunang pananaliksik tungkol
sa paksa at ilahad kung ano ang hindi natalakay
ng mga ito na tatalakayin sa iyong papel
• Ang kasalukuyang sitwasyon at kung ano ang
mahalagang papel na gagampanan ng iyong
pananaliksik tungkol sa sitwasyong ito
Konklusyon:
• Ang paglalagom at pagdidiin ng ideya.
• Nagpapahayag ng sintesis, ebalwasyon o
paghatol ng mananaliksik sa mga impormasyon
at datos.
• Buod ng pangunahing ideyang nililinang sa
katawan ng pananaliksik.

You might also like