You are on page 1of 96

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa
Filipino
Yunit I
Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na
Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa

Mga Layunin

1. Natatalakay ang pinagmulan ng pagkakabuo ng wikang pambansa sa mas lalong


mataas na antas nito;
2. Naihahambing ang kaibahan ng wikang Tagalog sa wikang Filipino sa iba’t ibang
gamit at konteks; at
3. Nakabubuo ng diskursong may kinalaman sa mga usaping pangwika.
CAPSU- Main | 6
A. Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng
pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang
paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop
ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang
ating wika.
Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro
Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan na kung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng
wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gallego na gawing wikang pambansa at wikang
opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng
isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel Luis M. Quezon, ang
tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa."
Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang
Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipakilala ang
kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang
Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8,
1935.
"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa
paglinang at paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na
katutubong mga wika. Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles at
Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal."

Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa


mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang
pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat
pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at
wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30,
1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.
Ang sumusunod ay iba’t ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa
pagkasulong ng ating wika:
Nobyembre 7, 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na
lumikha ng
Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong
wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng
Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng
paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa
ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula
noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa
Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa
taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa
ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito,
kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

Oktubre 24, 1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na
ang
lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na
ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay
maisulat sa Pilipino.
Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na
gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng
paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.
Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura
ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa
lahat ng kolehiyo at pamantasan.
Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng
Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng
Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
BILINGGWALISMO
Bilinggwalismo ang tumutukoy sa ipinapakitang kakayahan sa pakikipag-usap sa
pamamagitan ng dalawang wika.
Artikulo XIV ng Konstitusyon 1987 - Wika
Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad
at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na
Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na
pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng
Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag- uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan
ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na
siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura
Upang mapadali ang pagtalakay ng kasaysayan ng wikang pambansa, narito ang PDF
na maaaring gamitin sa pagpapaliwanag. (kasaysayan-ng-wikang-pambansa.pdf)
B. SISTEMANG K TO 12 NG EDUKASYON

Sistemang K-12
Ang pagsulong sa repormang pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon (Department
of Educationv-DepEd) kaugnay sa tinatawag na Programang K-12 ay nagkaroon ng ganap na katuparan noon 2011. Isinaalang-alang sa
pagsulong nito ang modelo na ginagamit sa edukasyon ng mga kanluraning bansa.
Hindi naging madali ang pinagdaanan ng mga nagsusulong nito bago ito pormal na naipatupad dahil na rin sa pagtutol ng
maraming kasapi ng akademya, mga mag-aaral at mga
magulang. Itinuturing nila itong dagdag pasikat sa balikat ni Juan Dela Cruz dahil sa dagdag

gastos na gugulin ng mga mag-aaral para sa higit na matagal nilang pamamalagi sa eskwelahan. Mula sa sampung taon na basikong
edukasyonay dinagdagan pa ito ng dalawang taon na hindi naman alam ang patutunguhan. Naging malaking hamon ito para sa mga
namumuno ng isang eskwelahan bunga ng mataas nitong kahingian upang matugunan ang repormang kaakibat ng programang K-12. Sa
kabila ng kaliwa’t kanang demonstrasyon at mga pagtutol ay nanaig pa rin ang inisyatibong ito ng Pamahalaang Aquino na baguhin ang
Sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pormal na itinalaga ang ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Educationv-DepEd)


bilang tagapagpatupad at tagapamahala ng Edukasyong k-12 noong taong 2013. Binigyan sila ng ekslusibong ng kapangyarihang
makapamahala sa mga pampublikong paaralan at mabigyan ng regulasyon sa mga pribadong paaralan. Ang implementasyon ng
programang k-12 at ang ratipikasyon ng Kindergarten Education Act ng 2012 at Enhanced Basic Education Act ng 2013 ay nagbukas sa
tatlong taong dagdag sa basikong edukasyon ng mga mag-aaral. Mula 1945 hanggang 2011 ay anim (6) na taon ang ginugol ng mga
mag-aaral sa kanyang elementarya at apata (4) na taon para sa kaniyang sekondarya. Dahil sa mga batas na nabanggit ay nabago ang
panahon na dapat na gugulin ng isang indibidwal bago makatungtung ng kolehiyo—isang taon ang kailangang gugulin sa kindergarten, 6
na taon sa elementarya at 4 na taon sa junior high school at 2 taon para sa senior high school.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Larangan sa Pagpapakadalubhasa
Inaasahan na ang mga mag-aaral na makapagtatapos ng bagong sistemang edukasyon ay makapagtatagalay ng kahusayan na kailangan
upang sila ay agad na makapaghanapbuhay. Maari itong magkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng mga electives na kanilang kukunin
sa kanilang sa kanilang ika-11 at 12 taong baiting ng pag-aaral. Ang mga electives na ito o pagkakadalubhasaan ay kinabibilangan ng
mga sumusunod:
1.Academics para sa nais magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo;
2.Technical-vocational para sa mga mag-aaral na nais makapaghanapbuhay matapos ang kanilang high school.
3.Sports and Arts para sa mga mag-aaral na mahilig sa dalawang larangan.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

C. Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013

Isa sa mga pinaniniwalaan ng dating komisyuner ng CHED na si Dr Patricla Licuanan na ang K-12 ang sagot sa usapin ng trabaho
matapos ang labindalawang basikong edukasyon. Opsyon ang hindi ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sapagkat taglay na niya
ang kinakailangang lakas at talino na hinahanap ng mga kumpanya para sa kanyang serbisyo (https://
www.yOutube.com/watch?v=k3000u7lxdNM). Ang mga inasahang kasanayan na ito ng mga mag-aaral ay maaaring makuha sa mga
asignaturang kasama sa dalawang taong dagdag na pag-aaral (ika-11 at 12 baitang) mula sa dating sampu (6 na taon sa elementarya at apat
na taon sa sekondarya). Bukod pa dito ang tinatawag na ASEAN Integration o ang pagsabay ng Pilipinas sa sistema ng edukasyon na
ginagamit sa halos lahat ng bansa sa Asya.
Kaugnay nito ay ang paghahanda ng mga asignatura na kailangan ng mga mag-aaral kung sakali na sila ay magpapasya na ipagpatuloy
ang pag-aaral sa kolehiyo. Naglabas ng Memo 20, Serye ng 2013 ang Commission on Higher Education para sa katumbas na mga
asignatura ng tatlumput anim (36) na yunit ng Pangkalahatang Edukasyon (General Educationi na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Understanding the Self (Pag-unawa sa sarili; Readings in the Philippine History (Mga Batasahin hinggil sa Kasaysayan ng
Pilipinas); the Contemporary World Ang Kasalukuyang Daigdig): Mathematics in the Modern World (Matematika sa Makabagong
Daigdig) (Malayuning Komunikasyon); Art Appreciation (Pagpapahalaga sa Sining); Science & Technology, and Society (Agham,
Teknolohiya, at Lipunan); Ethics (Etika). Nabalot ng kontrobersiya ang kautusang ito ng CHED sapagkat lantaran na tinangga ang
asignaturang Flipino na sana ay makaagapay natin sa pagsusulong ng intelektwalisasyon at marketisasyon ng kultura at wikang Filipino.
Ipinaliwanag ni Licuanan na hindi naman daw naging tahasan ang pagkawala ng Filipino sa kurikulum dahil may inilaan para rito sa
ika-11 at 12 baitang ng pag-aaral sa Senior High School. Kanya ring ipinaliwanag na ang bawat kolehiyo, pamantasan o unibersidad ay
may opsiyon na gamitin ang Fiipino sa tatlumpu’t anim na yunit ng General Education.
Kung susuring mabuti ang mga naging pahayag ni cuanan, makikita na para bang kanyang inihalintulad ang mga tagapagtanggol ng
wika sa isang batang inagawan lamang ng laruan at kayang patahanin kung bibigyan ng bago at higit na kaakit-akit na laruan.
Nakalulungkot sapagkat naging mababaw ag kanyang pagtingin sa pakikibaka ng mga tagapagtanggol na wika sà kahalagahan ng Filipino
sa mas mataas na antas ng pagkatuto. Ang programang K-12 lalong higit ang mga probisyong may kaugnayan sa ating kultura at wika ay
hindi dapat maging isang laro o eksperimento lamang. Kailangan ng masidhing pag-aaral bago ipatupad dahit dito nakasałalay ang
kinabukasan ng indibidwal na ang nais lamang naman ay mag-aral upang magkaroon ng sapat na kasanayan para sa higit na magandang
estado ng pamumuhay.

Maging ang kanyang pahayag na ang bawat akademikong institusyon sa kolehiyo ay may opsiyon na gamitin ang Filipino sa
tatlumpu't anim na Pangkalahatang Edukasyon (General Education) ay hindi rin katanggap-tanggap sapagkat ang salitang opsyon ay
nangangahulugan ng isang di-paborableng desisyon mula sa mga pribado at pampublikong akademikong institusyon na ang karamihan ay
nagsusulong ng Ingles bilang wikang panturo.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Naniniwala si Ramon Guillermo ng Phiippine studies sa UP Departamento ng Filipino at Panitikan sa Pilipinas na ang pagtanggal ng CHED sa
asignaturang Fillpino sa kolehiyo batay sa CMO 20, Serye ng 2013 ay magbubunga ng kawalang malay ng mga mag-aarai sawikang Hlipino.
Wala na ring magpapatuloy n9 mas mataas na pananaliksik sa Filipino kung mananaig na ito ng CHED. Kanyang tahasang sinabi na ang
memorandum na ito ng CHED ay nangengahulugan ng panganganib sa wikang Filipino at pagpatay sa intelektwalisasyon nito. Ang mga epektong
ito ay bukod pa sa pagsasara ng maraming departamento sa pribadong kolehiyo na maaaring magbunga ng kontraktwalisasyon at kagyat na kawalan
ng trabaho para sa karamihan (https:/www.youtube.com/watch?v=k3000u7bxdNM).

Idinagdag pa rin ni Guillermo sa https://www.youtube.com/watch?v=k30o0u71xdNM na ang pagkawala ng Filipino bilang asignatura sa


kolehiyo ay nangangahulugan ng hindi pagbibigay-galang o respeto sa maabot ng wikang Filipino bilang larangan ng isang siyentipiko at
akademikong pag-aaral. Binigyang diin ni Guillermo na ang Filipino ay hindi lamang dapat na manatil bilang isang simbolo ng pagkabansa. Dapat
itong maging isang wika na ginagamit natin sa mga larangan ng ating kaalaman.

Maganda rin ang naging argumento ni Antonio Tinio, ating kinatawan sa KOngreso (https://youtube.com/watch?v=k3000u7bxdNM.
Ayon sa kaniya, ang k-12 ay isang pagsusulong sa labor-export policy na ang layunin ay manghikayat ng foreign investors para sa mga
serbisyong katulad ng business courses, outsourcing , call center at iba pa. Hindi sinuportahan ng k-12 ang industriyalisasyon at pagpapaunlad ng
agrikultura.
Idinagdag pa ni Tonio na ang programang k-12 ay mas nakatuon sa pangangailangan ng ibang bansa (higit na mayayamang bansa) kaysa
pangangailangan ng higit na nakararaming mga Pilipino. Iginiit ni Tinio na ito ang dahilan kung bakit Ingles ang wikang na isinusulong sa ilalim
ng kurikulum habang ang Filipino naman ay patuloy na pinahihina.

Sinasabi pa ni Tinio na obligasyon ng administrasyong Aquino na paunlarin ang Filipino bilang panturo at wkang pambansa ayon na rin sa
D. Argumento ng Tanggol Wika at iba pa Laban sa CMO 20, Serye ng 2013

Ang petisyon ng Tanggol Wika at iba pa sa agarang paglalabas ng Korte Suprema ng Temporary Restraining order o
Permanent Restraining Order ay inihain sa kanilang kapasidad bilang, namumuwisan at mga mamamayang Pilipino, Kanilang
iginiit na ang pagpapatupad ng CMO 20, Serye ng 2013 at iba pang hakbang na kaugnay nito ay tahasang paglabag sa pollsiya at
mandating inilalatag ng Konstitusyon ng Pllipinas, lalong higit sa pagsasalansang nito sa mga probisyong may kaugnayan sa
wika, edukasyon, at pampaggawa ng Konstitusyon. Kanila pang idinagdag na ang CMO 20, Serye ng 2013 ay lumalabag din sa
Batas Republika 7104 (Ang Batas na Lumilikha sa Komisyon ng Wikang Filipino at ang Pagbibigay Dito ng Kapangyarihan,
Tungkulin, at para sa lba pang Layunin), Batas Pambansa 232 (Ang Batas na Nilikha para sa
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pagtatag at Pagpapanatili ng Sistemang Integratibo ng Edukasyon), at Batas Republika 7350 (Ang Batas na Lumilikha sa
Pambansang Komisyon ng Kultura at Sining Nationa Commission for Culture and the Arts...). Kanila ding sinabi na ang paglabag
sa kanilang karapatan na makilahok sa mga dayalogo na may kaugnayan dito ay di mababayaran o matutumbasan ng anumang
danyos na maaaring ibigay ng mga respondente.
Ang mga Sumusunod ay llan din sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner laban sa CMO 20, Serles 2013:
(1)ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura, kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan.
(2)Dudulo ang panghihina at kamatayang ito sa panghihina at kamatayan ng mga Plilpino blang nagkakaisang mamamayan at may
pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na bansa-mga bagay na ilayong iwasan ng mga nagbalangkas ng
Konstitusyon at ng sambayanang nagratipika nito.
3) Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng' mga petisyoner na ipaninto ang implementasyon ng CMO No. 20, Serye ng 2013 sa
pamamagitan ng temporery restraining order at/o writ of preiiminary injunction y tuloy na maipatutupad ng CHED ang isang
kurikulum na anti-Flipino, art nasyonalista, at tahasang lumalabag sa Konstitusyon.
(4) Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidiad, kJurd, pagkabansa, pagkakaisa, at demokrasya.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

E. Sagot ng Kataas-taasang Hukuman, Korte Suprema sa Petisyon laban sa CM0 20, Serye ng 2013

Inatasan ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema (Supreme Court) ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon
(Commission on Higher Education CHED na bigyan ng ganap na implementasyon ang kautusan nito na ibalik ang Filipino at
Panitikan sa Antas Tersyarya sa pamamagitan ng pagpapatupad sa bagong Pangkalahatang Kurikulum Pang-edukasyon (Generaf
Education Curriculum) sa Taong Aralan 2018-2019.
Ang kautusang ito ng Korte Suprema ay bunga ng pagsusulong na Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(Alliance of Defenders of the National Language) o Tan9gol wika, mga alyansa ng 'ibat ibang paaralan, kolehiyo, unibersidad,
samahang pang- linggwistika at pang-kultura, at ilang may pagpapahalagang mamayan, na makakuha ng
paborableng desisyon para sa Filipino at Panitikan. Napagtagumpayan ng Tanggol Wika at iba pang samahan ang kaniang
ipinaglalaban nang maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema laban sa pagtatenggal ng Fllpino at
Panitikan (Literature) bilang mga mandatoryong asignatura sa bagong Pangkalahatang Kurikulum na Pang-edukasyon (General
Education Curriculum) alinsunod sa CHED Memo 20 Series 2013.
(Ang Temporary Restraining Onder ay isang kautusan ng korte para sa limitadong panakon bilang (1) bilang solusyon sa gu
biglaang pongyayari- entergency remedy, (2) pragbabawal sa isarng

indibidwal na gumauwi ng asyon na makapaniminsaa ng iba, o (3) panatilikin ang dating estado status quo Ipinagkakaloob
lamang ang TRO sa mga pambihirang pagkakataon at mananatili hanggang sa maisagawa ang pandinig sa preliminary o
permanent injunction o sa pagtukoy ng tamang remedy o solusyon.
Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:

Iskor:

Yunit I Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa

PAGSASANAY 1

Panuto: Bigyang pagpapakahulugan at talakayin ang mga sumusunod.

1. Wikang Filipino

2. Wikang Opisyal

3. Pangulong Manuel Luis M. Quezon

4. Suriang Wikang Pambansa

5. Mga opisyales ng SWP


Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Panuto: Talakayin ang iyong pananaw hinggil sa mga sumusunod.

1. Ang mga sumusunod ay ilan sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner


laban sa CMO 20, Series 2013:

a. Ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura,


kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan.

b. Dudulo ang panghihina at kamatayang ito ng mga Pilipno bilang nagkakaisang


mamamayan at may pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na
bansa—mga baya na nilayong iwasan ng mga nagbalangkas ng Kostitusyon at ng
sambayanang nagratipika nito.

c. Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang


implementasyon ng CMO no. 20 sa pamamagitan ng temporary restraining order at/o
writ of preliminary injuction., tuluy-tuloy na maipatupad ng CHED ang isang
kurikulum na anti-Filipino, anti-nasyonalista at tahasang lumalabag sa konstitusyon.

CAPSU- Main | 16
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

d. Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura, pagkabansa,


pagkakaisa, at demokrasya.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

1. Ang mga sumusunod ay ang ating mga lider na makabayan sa kasaysayan ng wikang
pambansa maliban sa isa :
a. Cecilio Lopez
b. Teodoro Kalaw
c. Lope K. Santos
d. Jose Rizal
2. Anong taon ginawa Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang
Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon.
a. 1934
b. 1997
c.1935
d. 1943
3. Anong petsa Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha
ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at
pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
e. Nobyembre 8, 1936
f. Abril 1, 1940
g. Nobyembre 7, 1936
h. Disyembre 30, 1937
4. Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang
Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog sa anong taon ?
i. Nobyembre 8, 1936
j. Disyembre 30, 1938
k. Nobyembre 7, 1936
l. Disyembre 30, 1937

5. Sa anong taon ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng


paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
m.Abril 1, 1940
n. Disyembre 30, 1938
o. Abril 1, 1942
p. Disyembre 30, 1937
6. Anong taon pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa
Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
a. Hunyo 6, 1942
b Hunyo 7, 1940
c. Hunyo 9, 1941
d. Hunyo 8, 1940
7. Anong taon nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa
taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang
petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
a. Marso 27, 1954
b Hunyo 7, 1940
c. Marso 26, 1954
d. Hunyo 8, 1940

CAPSU- Main | 18
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

8. Anong taon tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at
tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
a. Agosto 12, 1959
b Hunyo 7, 1940
c. Agosto 13, 1959
d. Oktubre 24,
1967
9. Anong tao nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang
lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
a. Agosto 12, 1959
b Hunyo 7, 1940
c. Agosto 13, 1959
d. Oktubre 24,
1967
10. Anong taon ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan
na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay
maisulat sa Pilipino.
a. Agosto 7, 1973
b Hunyo 7, 1940
c. Marso, 1968
d. Oktubre 24,
1967

YUNIT II
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON
CAPSU- Main | 19
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

PARA SA KOMUNIKASYON
Mga Layunin
Mahalaga ang bahaging ito upang mabigyang tugon ang mga sumusunod na mahalagang layunin
ng pag-aaral:
1. Natutukoy ang mahahalagang sangkap na kailangan para sa isang epektibong
komunikasyon o pakikipagtalastasan.
2. Naiuugnay sa praktikal na buhay ng tao sa bawat pagpoproseso ng impormasyon para sa
epektibong komunikasyon;
3. Nakapipili ng batis(sources) ng impormasyon na mahalaga para sa iskolarling pag-aaral.
4. Nakapagbabasa ng mga pananaliksik na nanggaling sa mahahalagang batis ng
impormasyon;
5. Nakakabuo at nakapag-uugnay-ugnay ng mahahalagang impormasyon.

YUNIT II
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON
PARA SA KOMUNIKASYON
Mga Layunin
Mahalaga ang bahaging ito upang mabigyang tugon ang mga sumusunod na mahalagang layunin
ng pag-aaral:
6. Natutukoy ang mahahalagang sangkap na kailangan para sa isang epektibong
komunikasyon o pakikipagtalastasan.
7. Naiuugnay sa praktikal na buhay ng tao sa bawat pagpoproseso ng impormasyon para sa
epektibong komunikasyon;
8. Nakapipili ng batis(sources) ng impormasyon na mahalaga para sa iskolarling pag-aaral.
9. Nakapagbabasa ng mga pananaliksik na nanggaling sa mahahalagang batis ng
impormasyon;
10. Nakakabuo at nakapag-uugnay-ugnay ng mahahalagang impormasyon.

A. Ano ang Komunikasyon?

CAPSU- Main | 20
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communis” na ibig sabihin ay saklaw


lahat na binubuo ng lipunan. Ito rin ay proseso ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
Sangkot sa komunikasyon ang mga sumusunod na makrong kasanayan: Pagsasalita, Pakikinig,
Pagbasa, Pagsulat at Panonood.

Uri ng Komunikasyon
1. Komunikasyong Berbal. Ginagamitan ng wika na maaaring pasulat o pasalita.
Halimbawa ng text messages, pakikipagtsismisan at pagbibigay ng mensahe sa mga
nakalimbag na teksto sa mga mambabasa.
2. Komunikasyong Di-Berbal. Ang komunikasyong ito ay hindi ginagamitan ng wika
bagkus kilos o galaw ng katawan lamang ang gagamitin sa paghahatid ng mensahe tulad
ng pagtango, pagkindat at pagkaway na halimbawa ng senyas.

Anyo ng Komunikasyon
3. Intrapersonal – isang self-meditation na anyo ng komunikasyon na kinakausap ng tao
ang kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal.
4. Interpersonal – ito ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na umaasa
sa mensaheng inihatid at tugon sa kausap.
5. Pampubliko - sa komunikasyong ito nagaganap ang linyar na komunikasyon na ibig
sabihin, natatapos ang komunikasyon kapag naiparating na ng nagpapadala ng mensahe
sa kanyang tagapakinig. Dalawa o higit pang katao ang kasangkot. (seminar, conference
at miting de avance)
6. Pangmadla- magkatulad ito sa pampubliko ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan sa
paghahatid ng impormasyon dahil sa komunikasyong ito, ginagamitan ito ng elektroniko
tulad ng cellphone, telebisyon at radyo.

Elemento at Proseso ng Komunikasyon


Maraming modelo ng komunikasyon, ngunit narito ang tipikal na ilustrasyong makikita
sa ibaba na tumuturol sa tagapaghatid, tagatanggap, mensahe, tsanel at balik-tugon.

CAPSU- Main | 21
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

 Tagapaghatid. Nagsisimula ang proseso ng komunikasyon sa kung ano ang nais ipahatid
na mensahe ng tagahatid na sumasailalim sa malalimang pag-iisip sa bawat detalye na
partikular na paksa. Tinatawag din siya bilang communicator o source.
 Mensahe. Ito ay naglalaman ng opinyon, kaisipan at damdamin na karaniwang nakabatay
sa paniniwala at kaalaman ng ng tagahatid patungong tagatanggap upang magkaroon ng
komunikasyon.
 Tsanel. Mayroong dalawang anyo ang tsanel upang maipahayag at maihatid ang naturang
mensahe. Ang una ay pandama (sensory) tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy,
panlasa at pakiramdam; at Institusyunal (institutionalized) na tuwirang sabi o pakikipag-
usap, sulat at kagamitang elektroniko.
 Tagatanggap. Ang nagbibigay ng kahulugan sa naturang mensaheng inihatid ng
tagapaghatid na tumutugon sa mensaheng natanggap. Mayroong tatlong antas ang
tagatanggap, Pagkilala, Pagtanggap at Pagkilos.
 Balik-tugon. Hindi magiging matagumpay ang komunikasyon kung walang tugon sa
bawat mensahe. Dito rin makikita ang kabisaan ng paghahatid ng mensahe dahil ito ang
magiging batayan ng susunod na siklo ng komunikasyon.

Konteksto sa Komunikasyon
Mahalaga ring malaman ng mga mag-aaral ang iba’t ibang konteksto o paningin sa
komunikasyon. Ito ay nahahati sa limang kategorya.
1. Pisikal – oras at lugar na pinagdarausan ng isang pangyayari ay mahalagang konteksto sa
komunikasyon na maaaring kasangkutan ng aktwal na lugar, oras o antas ng ingay sa
kaugnay na salik halimbawa ang lugar kung saan gaganapin ang kumperensiya na dapat
closed door upang maunawaang mabuti ang mga presentasyon.

CAPSU- Main | 22
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

2. Sosyal – tumutukoy sa personal na ugnayan ng mga kalahok sa komunikasyon tulad ng


mga naglalaro ng basketball na kinakailangang mauunawaan ng manlalaro (teamwork)
ang bawat isa upang makamit ang tagumpay.
3. Kultural – tumutukoy ang kultura sa prinsipyo at paniniwala ng pangkat na maaaring
paniwalaan o hindi paniwalaan dahil sa magkaiba ang pangkat na pinagmulan ng
dalawang nag-uusap kung kaya’t magkaroon ng kamalayan sa bawat kultura.
4. Sikolohikal – dito makikita ang mga mood at emosyon ng mga kasangkot sa buong
proseso ng komunikasyon tulad ng debate sa loob ng klase na maaaring magkaroon ng
personalan kung kaya’t hindi nagiging maganda ang takbo ng aktibidad.
5. Historikal – ito ay batay sa kaganapang nangyari sa nakaraan na inaasahan ng bawat
kasali sa proseso ng komunikasyon tulad ng pagkatalo sa isang laro na maaaring maging
sanligan upang paghandaan ang mga sumusunod pang laban o laro.

B. PAGPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON


Tinutukoy ng pagporposeso ng impormasyon ang aktibidad ng utak mula sa mga gawaing
kinakasangkutan ng pag-iisip habang ginagamit sa kapaligiran ng isang indibiwal. Mahalaga ang
prosesong ito sa konteksto ng komunikasyong pananaliksik sapagkat ang katangian ng stimuli na
may kaugnayan sa komunikasyon—nasa parehong pamamagitan ( mediated) at interpersonal na
komunikasyon—ay kinasasangkutan ng kapaligirang panlipunan na kung saan ang isang
indibiwal ay nakikipagsapalaran sa pagpproproseso ng impormasyon (Bolls, 2017).
Idinagdag pa ni Bolls na ang pagpoproseso ng imporamsyon ay isang mahalagang dulog
ng pananaliksik na bahagi ng kognitibong rebolusyon sa sikolohiya, na angbunga ng
pagbabago ng paradigm kung paano sinubukan ng mananaliksik sa larangan ng sikolohiya ang
pag-unawa sa isip ng tao. Imuningkahi ng iskolar na ito na ang matibay na paliwanag na
teoretikal para sa kalikasan at ugali ng tao ay maunawaan lamang sa pamamagitan ng
pananaliksik na direkta at sistematikong pinag-aaralan ng isip at utak ng indibidwal na
sangkot sa pagpoproseso ng makabuluhang impormasyon buhat sa kanilang kapaligiran.

C. Kategorya ng Sanggunian

CAPSU- Main | 23
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Makatutulong sa lalim ng isang argumento ang mga sangguniang gagamitin ng isang


mananaliksik, mananalumpati at tagapagsalita. Narito ang gabay sa pagpili ng tamang
sanggunian o batis ng impormasyon.
1. Primaryang datos – nagmula sa mga dokumentong isinulat sa panahon na isinagawa ang
aktwal na pananaliksik o orihinal na dokumento kung saan ito nakabatay. Halimbawa:
talumpati, liham, birth certificate, diaries, transkripsyon ng live news feed, balita, record
ng korte, panayam, sarbey, akademikong dyornal at sangguniang aklat.

2. Sekondaryang datos – nanggaling sa mga dokumentong isinulat matapos


ang isang kaganapan o in terpretasyon ng may-akda sa naturang impormasyong hindi
niya naabutan tulad ng diksyunaryo, ensayklopedya, artikulo, rebyu at sintesis.
3. Tersyaryang datos – hinalaw sa mga dokumentong naglalarawan sa primary at
sekondaryang sanggunian tulad ng indexes na binigyang pagkakakilanlan kung saan
nagmula ang impormasyon, abstrak at databases.

D. Mga Mungkahi sa Pagkuha ng Impormasyon Buhat sa mga Sanggunian


Nangangailangan ng tamang pagtugon sa mga pamantayang pangakademiko ang isang
mag-aaral sa pagkuha bg mga impormasyon at datos para sa kanyang isinasagawang
pananaliksik. Kaalinsabay nito ay ang tungkulin na mabigyan ng rekognisyon ang may-
akda ng sanggunian na ginamit ng mananaliksik o mag-aaral upang ang kanyang
pagtalakay sa kasalukuyang pag-aaral ay magkaroon ng malalim na perspektiba.
Kung ang mananaliksik ay sumasangguni sa mga aklat at dyornal, mahalaga na bigyan ng pansin
ang pahina bilang ng sanggunian kung ang mahahalagang kaisipan ay sisipiin,
aayusin bilang talata, o bibigyan ng buod.
Mahalaga ang URL at ang petsa kung kailan mo kinuha ang impormasyon sa
isang website kung gagamitin na sanggunian ang internet.
Ang tamang rekognisyon sa may-akda ay nararapat lamang na
kabayaran para
sa kanyang karunungang hindi ipagdamot kailanman. Ang hindi pagtupad sa
tungkuling ito ay katumbas ng paglapastangan sa kanyang kabutihang mamamahagi ng
kaalaman ng iba. Sa kabilang dako, kung walang inisyatibo ang isang mag-aaral
na bigyan ng rekognisyon ang may-akda ay para na rin niyang ninakaw ang karunungan
ng ibang tao. CAPSU- Main | 24
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

E. Sistemang Pansilid-aklatan
Ang tamang retrieval system ng silid-aklatan ay makatutulong nang malaki upang higit
na mapadali at mapaghusay ng mag-aaral ang pangangalap ng mga impormasyon at datos na
kailangan sa pag-aaral. Madalas na gumagamit ng kompyuter sa sistemang ito bagamat mayroon
pa ring mga silid-aklatan na higit na pinanaligan ang makalumang sistema. Ang retrieval system
ay nakatutulong nang malaki para sa higit na sistematikong database ng mga sanggunian na
kinasasangkutan ng mga sumusunod: pangalan ng may-akda (author), pamagat ng aklat o
publikasyon at iba pa.

F. Internet bilang Sanggunian


Malaking hamon na maituturing sa kasalukuyang panahon ang matukoy ng mga mag-
aaral o mananaliksik ang mga sangguniang mapagkukuhanan nila ng tama at may kredibilidad na
mga datos at impormasyon sa mundo na kanilang kinagisnan, ang mundo ng internet. Maraming
impormasyon ang naibabahagi ng Internet sa iba’t iba nitong plataporma katulad ng web-pages,
blogs, forums, katologo at iba pa nang walang sapat na regulasyon ng paglalagay (posting)
dahilan kung bakit iminumungkahi sa mga mag-aaral ang ibayong pag-iingat sa pananalig sa
mga platapormang ito bilang sanggunian ng kanilang pag-aaral o pananaliksik.
Bawat institusyong pang-akademiko ay mayroong regulasyon o pamantayang sinusunod
sa paggamit ng internet bilang sanggunian ng pag-aaral. Mahalaga na matutunan ang mga
regulasyong ito upang maiwasan ang sakit ng ulo bunga ng pagnanakaw ng karunungan
(plagiarism) at paninira ng impormasyon nais ng may-akda (misattribution).

G. Sanggunian buhat sa Bibliyograpiya


Ang bibliyograpiya ay mainam ding gamitin sa sanggunian ng mga impormasyon at datos
ng isang pag-aaral. Sa pamamagitan ng pangsangguni sa ibang iskolar at sa mga bibliyograpiya
sa kanilang ginamit ay maaaring makatutuklas ng mga kaugnay na publikasyon na makatutulong
nang malaki sa pagpapaunlad ng isinasagawang proyekto o pag-aaral. Ang ibang mga may-akda
ay nagbibigay rin ng mga mungkahing babasahin na sa kanilang paglagay ay makatutulong nang
malaki sa iyo sapagkat napakinabangan nila ito nang husto nang sila ay sumangguni rito.

CAPSU- Main | 25
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

H.Bakit Kailangan ng Siping Panloob at Paglalagay ng


Sanggunian? Plagiarismo (Plagiarism)
Mayroong nagaganap na plagiarism o
pagnanakaw ng karunungan ng iba kung sa
iyong pagsusulat ay makikita ang alinman sa
mga sumusunod na pangyayari.

(1) Mayroong paglalahad ng mga ideya na


mistulang ikaw ang orihinal na may-
akda, bagama’t ang katotohanan, ito ay
hinalaw o kinuha lamang sa iba. Dalawa ang anyo ng ganitong uri ng plagiarismo o
plagiarism: direkta at hindi direkta. Direkta ang plagiarismo kung ang pagkopya ng
mananaliksik sa akda ng iba ay buong buo, kasama ang tama at maling mga baybay ng
salita at wala itong pagkilala sa totoong may-akda ng sulatin.
(2) Sa kabilang dako, ang di-direktang plagiarismo ay tumutukoy sa pangongopya ng
mahahalagang impormasyon sa iba bagama’t may kaunting modipikasyon sa orihinal ay
hindi pa rin nabigyan ng nararapat na rekognisyon ang orihinal na may-akda.
(3) Pagkopya at pagdikit (copy paste) ng mga teksto at imahe na hindi binibigyan ng
rekognisyon kung saan ang mga ito ay nanggaling.
(4) Hindi pagpapakita na ang sipi ay sipi;
(5) Pagbubuod ng impormasyon na hindi man lamang ipinapakita kung ano ang orihinal na
pinanggalingan nito;
(6) Pagpapalit ng ilang mga salita sa isang seksyon ng teksto na hindi man lamang
binibigyan ng pagkilala ang orihinal na may-akda.

I. Pangangalap ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pagbabasa


Ang pagbabasa ay ang pangunahing gawain ng isang mananaliksik o mag-aaral upang
maisagawa ang tungkuling makapangalap ng mahahalagang impormasyon para sa isinasagawang
pag-aaral. Ang mga panuntunan sa pagbabasa ay inisa-isa batay sa pinaglalaanan nito: (1) para sa
asignatura; (2) para sa iba’t ibang layunin; (3) para sa pag-unawa.

CAPSU- Main | 26
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pagbabasa para sa asignatura. Katulad na ng nabanggit sa mga nakaraang pagtalakay,


ang mga impormasyon na kinailangan upang mapatatag ang paninindigan ng isang pag-aaral o
pananaliksik ay madaling kalapin dahil na rin sa mga naglipanang sanggunian sa silid-aklat at
maging sa internet. Mabuti kung ang makakalap na impormasyon ay manggagaling sa isang
lehitimo at may kredibilidad na sanggunian, subalit isang kamalasan kung ang sanggunian na
makukuha ay naglalaman ng maling mga impormasyon para sa isang pag-aaral.
Pagbabasa para sa Iba`t Ibang Layunin. Ang layunin ang siyang nagbibigay ng
direksyon sa lahat ng bagay na ginagawa ng tao. Bago isagawa ang pagbabasa,
mahalaga na mailatag muna ng mga mag-aaral o mananaliksik kung ano ba ang kanilang nais
na mangyari matapos ang isasagawang pag-aaral o pananaliksik. Kung wala ang layunin,
mahihirapan ang mga mag-aaral na alamin kung ano ang landas na tatahakin ng kanilang
iskolarling pagsulat.
Ang mga sumusunod na istilo sa pagbabasa ay magagamit sa mga akademikong sulatin
batay sa layunin ng pagbabasa:
(1) Pagbabasa ng palaktaw-laktaw (Browsing)
(2) Pagsisiyasat o checking
(3) Pagtutuon ng pansin o focusing in
(4) Paghahanap ng mga kaganapan o fact finding
(5) Referencing o sanligan
Ang pagbabasa ng palaktaw-laktaw o browsing ay ang kaswal na pagtingin sa mga
pahina ng teksto upang matantya ang kahalagahan ng patuloy na pagbabasa nito sa
kabuuan at pahapyaw na malaman kung anu-ano ang mga nilalaman nito na maaaring
makatulong sa isinasagawang pag-aaral.
Pagsisiyasat o checking ay tumutukoy sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto o indek
upang malaman kung ang aklat ay naglalaman ng mga espisipikong impormasyon na
nais mong malaman o mga impormasyong malaki ang maitutulong sa iyo.
Tinutukoy ng pagtutuon ng pansin sa o focusing in sa masinsinang pagbabasa sa isang
mahalagang punto na may malaking maitutulong sa pananaliksik. Kung ang impormasyon ay
hindi naglalaman ng mahalagang punto, ang pagtutuon ng pansin sa o focusing in ay maaaring
ibalik sa palaktaw-laktaw na pagbabasa. Samakatwid, ang palaktaw-laktaw na pagbabasa ay ang
preliminaryong bahagi ng pagpapaubaya sa iyong sarili na magbasa nang masinsinan kung may
nakita kang isang punto na sa iyong palagay ay makatutulong nang malaki sa pananaliksik.
CAPSU- Main | 27
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Ang paghahanap ng mga kaganapan o fact finding ay isang istilo ng pagbabasa na


kung saan ang layunin ay maghanap ng mga tiyak na kaganapan o detalye na bumubuo sa isang
pangyayari. Imbestigasyon ang pinakapuso ng ganitong uri ng pagbabasa
Sanligan o referencing ay isang uri ng ekstensibong pagbasa ng teksto. Sa ganitong
istilo, ang mag-aaral o mananaliksik ay nangangailangan ng karagdagang teksto upang makita
ang kabuuan ng isang larawan.
Pagbabasa para Pag-unawa. Sa ganitong uri ng pagbabasa, ang mananaliksik o mag-
aaral ay naglalayong maunawan nang buong buo ang teksto at mga impormasyong
nakapaloob dito. Hindi ito paligsahan ng bilis ng pagbabasa o paramihan ng pahinang binasa
upang masabi lamang na iyong nagampanan ang tungkuling pagbabasa. Ang ganitong uri ng
pagbabasa ay nangangailangan ng komprehensyon. Ang mga sumusunod ay maaaring
makatulong upang magkaroon ng mataas na komprehensyon sa binasang teksto:
(1) Pagkaroon ng kaliwanagan sa layunin ng pagbabasa o pananaliksik;
(2) Pakikipagpalitan ng kuro hinggil sa binsasang teksto. Ang pagbabahagi ng iyong
natutunan sa binasang teksto ay simula ng pagtanggap sa perspektiba ng iba na mainam
upang higit na maging malalim ang iyong komprehensyon sa binasang teksto.

J.Mga Estratehiya sa Pananaliksik


Ang mga sumusunod na estratehiya ay maaring makatulong sa mga mag-aaral para sa
kanilang maayos na pagsasakatuparan sa mga gawaing may kaugnayan sa pananaliksik.
1. Paggamit ng impormasyon
2. Pagpili ng makabuluhang impormasyon
3. Paggamit ng dyurnal
4. Pagsasaayos ng impormasyon

K. Mga Estratehiya upang matandaan ang Impormasyon


5. Maaring idaan sa pagkanta o di kaya ay gumamit ng mga patterns upang maging gabay sa
paggtanda sa mghahalagang impormasyon ng pag-aaral.
6. Ang paggamit ng highlightener o pangkulay sa mga mahahalagang imormasyon sa teksto
ay makatutulong din upang matandaan ang mga mahahalagang impormasyon sa teksto.
7. Ang aktibong Gawain katulad ng paglalakad-lakad ay maari ring makatulong.

CAPSU- Main | 28
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

4. Maari rin naming iugnay ng mag-aaral ang mga impormasyon sa teksto sa mga
mahahalagang personal na bagay sa mga mag-aaral o mananaliksik.
5. Makatutulong din sa pagtanda ng mga impormasyon ang paglalagay ng mga ilustrasyon
at iba pang marka habang nagbabasa.

Konsepto ng Pagbubuod
Sa website na https://www.cws.illinois.edu/workshop/writers/tips/summary ay binigyan
ng depinisyon ang pagbubuod bilang pamamamaraan ng pag-uulit ng salita ng iba sa kanilang
mga akda gamit ang sariling pananalita ng nagsasagawa ng pagbubuod.
Ang mga sumusunod ay maaring makatulong sa gawaing pagbubuod:
6. Pagsasaalang-alang sa kapakinabangan ng maaring idulot sa kapwa, kamag-aaral at iba
pa.
7. Ang buod ay higit na maiksi kaysa sa orihinal nanteksto.
8. Ang isang maayos na buod ay nagtataglay ng kakayahang manghikayat sa mga
mananaliksik at magbabasa ng mahigit na mainam na basahin ang pinaiksing bersyon
kaysa napakahabang orihinal. Nararapat na mapagtagumpayan ng nagbubuod na
mabigyan ng kagyat na ideya sa orihinal na bersyon ang mga sasangguni nito.
9. Ang pagbubuod ay isang gawaing naglalarawan ng mataas na antas ng pag-unawa sa
binasang teksto.

Ang Paggamit ng Sipi at ang Pagbubuod


Napakahalaga ng sipi sa buong proseso ng pagbubuod sa mga pagkakataon na ang
kanilang orihinal na teksto ay mahirap tumbasan sapagkat maaring magdulot ng maling
rekognisyon (misattribution) sa konteksto ng may-akda na labag sa etika sa pagsulat. Sa kabilang
dako, nararapat ang pagbubuod kung ang teksto ay maaring bigyan ng paliwanag sa paraang
hindi nasasagasaan ang orihinal na konteksto ng may-akda. Higit na mainam ang pagbubuod
kaysa sa paggamit ng sipi sapagkat binibigyan nito ng control ang mag-aaral o mananaliksik sa
argumento ng orihinal na may-akda.

Pagbubuod at Synthesis

CAPSU- Main | 29
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Ang pagbubuod ay may pagkakaiba sa synthesis bagamat ang dalawang konsepto ay


parehong nararapat na isaalang-alang sa pangangalap ng impormasyon oara sa isang iskolarling
pagsusulat. Ayon kay Fries-Gaither (2010) ang pagbubuod ay ang pagtukoy sa mahahalagang
element ng teksto at ang pagpapaiksi ng mahahalagang impormasyon gamit ang sariling
lenggwahe o salita habang at pagkatapos na isinasagawang pagbabasa para sa isang buong
kahulugan.
Ang synthesis sa kabilang dako ay tumutukoy sa proseso ng pagbubuod sa mas mataas
nitong antas. Sa halip na ulitin ang mahahalagang puntos ng teksto na ginagawa sa
pagbubuod, kinasasangkutan ng paglalangkap ng sariling pananaw ng mag-aaral ang ideya na
ibinibigay ng orihinal na may-akada ng teksto na ginagawang synthesis. Sa madaling salita,
nakapagbibigay ng sariling argumento ang mag-aaral sa synthesis na hindi maaring ibigay sa
pagbubuod ng teksto.

D. Ano ang Komunikasyon?

Ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communis” na ibig sabihin ay saklaw


lahat na binubuo ng lipunan. Ito rin ay proseso ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
Sangkot sa komunikasyon ang mga sumusunod na makrong kasanayan: Pagsasalita, Pakikinig,
Pagbasa, Pagsulat at Panonood.

Uri ng Komunikasyon
3. Komunikasyong Berbal. Ginagamitan ng wika na maaaring pasulat o pasalita.
Halimbawa ng text messages, pakikipagtsismisan at pagbibigay ng mensahe sa mga
nakalimbag na teksto sa mga mambabasa.

CAPSU- Main | 30
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

4. Komunikasyong Di-Berbal. Ang komunikasyong ito ay hindi ginagamitan ng wika


bagkus kilos o galaw ng katawan lamang ang gagamitin sa paghahatid ng mensahe tulad
ng pagtango, pagkindat at pagkaway na halimbawa ng senyas.

Anyo ng Komunikasyon
5. Intrapersonal – isang self-meditation na anyo ng komunikasyon na kinakausap ng tao
ang kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal.
6. Interpersonal – ito ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na umaasa
sa mensaheng inihatid at tugon sa kausap.
7. Pampubliko - sa komunikasyong ito nagaganap ang linyar na komunikasyon na ibig
sabihin, natatapos ang komunikasyon kapag naiparating na ng nagpapadala ng mensahe
sa kanyang tagapakinig. Dalawa o higit pang katao ang kasangkot. (seminar, conference
at miting de avance)
8. Pangmadla- magkatulad ito sa pampubliko ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan sa
paghahatid ng impormasyon dahil sa komunikasyong ito, ginagamitan ito ng elektroniko
tulad ng cellphone, telebisyon at radyo.

Elemento at Proseso ng Komunikasyon


Maraming modelo ng komunikasyon, ngunit narito ang tipikal na ilustrasyong makikita
sa ibaba na tumuturol sa tagapaghatid, tagatanggap, mensahe, tsanel at balik-tugon.

 Tagapaghatid. Nagsisimula ang proseso ng komunikasyon sa kung ano ang nais ipahatid
na mensahe ng tagahatid na sumasailalim sa malalimang pag-iisip sa bawat detalye na
partikular na paksa. Tinatawag din siya bilang communicator o source.

CAPSU- Main | 31
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

 Mensahe. Ito ay naglalaman ng opinyon, kaisipan at damdamin na karaniwang nakabatay


sa paniniwala at kaalaman ng ng tagahatid patungong tagatanggap upang magkaroon ng
komunikasyon.
 Tsanel. Mayroong dalawang anyo ang tsanel upang maipahayag at maihatid ang naturang
mensahe. Ang una ay pandama (sensory) tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy,
panlasa at pakiramdam; at Institusyunal (institutionalized) na tuwirang sabi o pakikipag-
usap, sulat at kagamitang elektroniko.
 Tagatanggap. Ang nagbibigay ng kahulugan sa naturang mensaheng inihatid ng
tagapaghatid na tumutugon sa mensaheng natanggap. Mayroong tatlong antas ang
tagatanggap, Pagkilala, Pagtanggap at Pagkilos.
 Balik-tugon. Hindi magiging matagumpay ang komunikasyon kung walang tugon sa
bawat mensahe. Dito rin makikita ang kabisaan ng paghahatid ng mensahe dahil ito ang
magiging batayan ng susunod na siklo ng komunikasyon.

Konteksto sa Komunikasyon
Mahalaga ring malaman ng mga mag-aaral ang iba’t ibang konteksto o paningin sa
komunikasyon. Ito ay nahahati sa limang kategorya.
6. Pisikal – oras at lugar na pinagdarausan ng isang pangyayari ay mahalagang konteksto sa
komunikasyon na maaaring kasangkutan ng aktwal na lugar, oras o antas ng ingay sa
kaugnay na salik halimbawa ang lugar kung saan gaganapin ang kumperensiya na dapat
closed door upang maunawaang mabuti ang mga presentasyon.
7. Sosyal – tumutukoy sa personal na ugnayan ng mga kalahok sa komunikasyon tulad ng
mga naglalaro ng basketball na kinakailangang mauunawaan ng manlalaro (teamwork)
ang bawat isa upang makamit ang tagumpay.
8. Kultural – tumutukoy ang kultura sa prinsipyo at paniniwala ng pangkat na maaaring
paniwalaan o hindi paniwalaan dahil sa magkaiba ang pangkat na pinagmulan ng
dalawang nag-uusap kung kaya’t magkaroon ng kamalayan sa bawat kultura.
9. Sikolohikal – dito makikita ang mga mood at emosyon ng mga kasangkot sa buong
proseso ng komunikasyon tulad ng debate sa loob ng klase na maaaring magkaroon ng
personalan kung kaya’t hindi nagiging maganda ang takbo ng aktibidad.

CAPSU- Main | 32
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

10. Historikal – ito ay batay sa kaganapang nangyari sa nakaraan na inaasahan ng bawat


kasali sa proseso ng komunikasyon tulad ng pagkatalo sa isang laro na maaaring maging
sanligan upang paghandaan ang mga sumusunod pang laban o laro.

E. PAGPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON


Tinutukoy ng pagporposeso ng impormasyon ang aktibidad ng utak mula sa mga gawaing
kinakasangkutan ng pag-iisip habang ginagamit sa kapaligiran ng isang indibiwal. Mahalaga ang
prosesong ito sa konteksto ng komunikasyong pananaliksik sapagkat ang katangian ng stimuli na
may kaugnayan sa komunikasyon—nasa parehong pamamagitan ( mediated) at interpersonal na
komunikasyon—ay kinasasangkutan ng kapaligirang panlipunan na kung saan ang isang
indibiwal ay nakikipagsapalaran sa pagpproproseso ng impormasyon (Bolls, 2017).
Idinagdag pa ni Bolls na ang pagpoproseso ng imporamsyon ay isang mahalagang dulog
ng pananaliksik na bahagi ng kognitibong rebolusyon sa sikolohiya, na angbunga ng
pagbabago ng paradigm kung paano sinubukan ng mananaliksik sa larangan ng sikolohiya ang
pag-unawa sa isip ng tao. Imuningkahi ng iskolar na ito na ang matibay na paliwanag na
teoretikal para sa kalikasan at ugali ng tao ay maunawaan lamang sa pamamagitan ng
pananaliksik na direkta at sistematikong pinag-aaralan ng isip at utak ng indibidwal na
sangkot sa pagpoproseso ng makabuluhang impormasyon buhat sa kanilang kapaligiran.

F. Kategorya ng Sanggunian
Makatutulong sa lalim ng isang argumento ang mga sangguniang gagamitin ng isang
mananaliksik, mananalumpati at tagapagsalita. Narito ang gabay sa pagpili ng tamang
sanggunian o batis ng impormasyon.
4. Primaryang datos – nagmula sa mga dokumentong isinulat sa panahon na isinagawa ang
aktwal na pananaliksik o orihinal na dokumento kung saan ito nakabatay. Halimbawa:
talumpati, liham, birth certificate, diaries, transkripsyon ng live news feed, balita, record
ng korte, panayam, sarbey, akademikong dyornal at sangguniang aklat.
5. Sekondaryang datos – nanggaling sa mga dokumentong isinulat matapos ang isang
kaganapan o in terpretasyon ng may-akda sa naturang impormasyong hindi niya naabutan
tulad ng diksyunaryo, ensayklopedya, artikulo, rebyu at sintesis.

CAPSU- Main | 33
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

6. Tersyaryang datos – hinalaw sa mga dokumentong naglalarawan sa primary at


sekondaryang sanggunian tulad ng indexes na binigyang pagkakakilanlan kung saan
nagmula ang impormasyon, abstrak at databases.

D. Mga Mungkahi sa Pagkuha ng Impormasyon Buhat sa mga Sanggunian


Nangangailangan ng tamang pagtugon sa mga pamantayang pangakademiko ang isang
mag-aaral sa pagkuha bg mga impormasyon at datos para sa kanyang isinasagawang
pananaliksik. Kaalinsabay nito ay ang tungkulin na mabigyan ng rekognisyon ang may-
akda ng sanggunian na ginamit ng mananaliksik o mag-aaral upang ang kanyang
pagtalakay sa kasalukuyang pag-aaral ay magkaroon ng malalim na perspektiba.
Kung ang mananaliksik ay sumasangguni sa mga aklat at dyornal, mahalaga na bigyan ng pansin
ang pahina bilang ng sanggunian kung ang mahahalagang kaisipan ay sisipiin,
aayusin bilang talata, o bibigyan ng buod.
Mahalaga ang URL at ang petsa kung kailan mo kinuha ang impormasyon sa
isang website kung gagamitin na sanggunian ang internet.
Ang tamang rekognisyon sa may-akda ay nararapat lamang na
kabayaran para
sa kanyang karunungang hindi ipagdamot kailanman. Ang hindi pagtupad sa
tungkuling ito ay katumbas ng paglapastangan sa kanyang kabutihang mamamahagi ng
kaalaman ng iba. Sa kabilang dako, kung walang inisyatibo ang isang mag-aaral
na bigyan ng rekognisyon ang may-akda ay para na rin niyang ninakaw ang karunungan
ng ibang tao.

E.Sistemang Pansilid-aklatan
Ang tamang retrieval system ng silid-aklatan ay makatutulong nang malaki upang higit
na mapadali at mapaghusay ng mag-aaral ang pangangalap ng mga impormasyon at datos na
kailangan sa pag-aaral. Madalas na gumagamit ng kompyuter sa sistemang ito bagamat mayroon
pa ring mga silid-aklatan na higit na pinanaligan ang makalumang sistema. Ang retrieval system
ay nakatutulong nang malaki para sa higit na sistematikong database ng mga sanggunian na
kinasasangkutan ng mga sumusunod: pangalan ng may-akda (author), pamagat ng aklat o
publikasyon at iba pa.
CAPSU- Main | 34
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

F. Internet bilang Sanggunian


Malaking hamon na maituturing sa kasalukuyang panahon ang matukoy ng mga mag-
aaral o mananaliksik ang mga sangguniang mapagkukuhanan nila ng tama at may kredibilidad na
mga datos at impormasyon sa mundo na kanilang kinagisnan, ang mundo ng internet. Maraming
impormasyon ang naibabahagi ng Internet sa iba’t iba nitong plataporma katulad ng web-pages,
blogs, forums, katologo at iba pa nang walang sapat na regulasyon ng paglalagay (posting)
dahilan kung bakit iminumungkahi sa mga mag-aaral ang ibayong pag-iingat sa pananalig sa
mga platapormang ito bilang sanggunian ng kanilang pag-aaral o pananaliksik.
Bawat institusyong pang-akademiko ay mayroong regulasyon o pamantayang sinusunod
sa paggamit ng internet bilang sanggunian ng pag-aaral. Mahalaga na matutunan
ang mga regulasyong ito upang maiwasan ang sakit ng ulo bunga ng pagnanakaw ng
karunungan (plagiarism) at paninira ng impormasyon nais ng may-akda (misattribution).

G. Sanggunian buhat sa Bibliyograpiya


Ang bibliyograpiya ay mainam ding gamitin sa sanggunian ng mga impormasyon at datos
ng isang pag-aaral. Sa pamamagitan ng pangsangguni sa ibang iskolar at sa mga bibliyograpiya
sa kanilang ginamit ay maaaring makatutuklas ng mga kaugnay na publikasyon na makatutulong
nang malaki sa pagpapaunlad ng isinasagawang proyekto o pag-aaral. Ang ibang mga may-akda
ay nagbibigay rin ng mga mungkahing babasahin na sa kanilang paglagay ay makatutulong nang
malaki sa iyo sapagkat napakinabangan nila ito nang husto nang sila ay sumangguni rito.

H. Bakit Kailangan ng Siping Panloob at Paglalagay ng


Sanggunian? Plagiarismo (Plagiarism)
Mayroong nagaganap na plagiarism o
pagnanakaw ng karunungan ng iba kung sa
iyong pagsusulat ay makikita ang alinman sa
mga sumusunod na pangyayari.

(7) Mayroong paglalahad ng mga ideya na


mistulang ikaw ang orihinal na may-

CAPSU- Main | 35
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

akda, bagama’t ang katotohanan, ito ay hinalaw o kinuha lamang sa iba. Dalawa ang
anyo ng ganitong uri ng plagiarismo o plagiarism: direkta at hindi direkta. Direkta ang
plagiarismo kung ang pagkopya ng mananaliksik sa akda ng iba ay buong buo, kasama
ang tama at maling mga baybay ng salita at wala itong pagkilala sa totoong may-akda ng
sulatin.
(8) Sa kabilang dako, ang di-direktang plagiarismo ay tumutukoy sa pangongopya ng
mahahalagang impormasyon sa iba bagama’t may kaunting modipikasyon sa orihinal ay
hindi pa rin nabigyan ng nararapat na rekognisyon ang orihinal na may-akda.
(9) Pagkopya at pagdikit (copy paste) ng mga teksto at imahe na hindi binibigyan ng
rekognisyon kung saan ang mga ito ay nanggaling.
(10) Hindi pagpapakita na ang sipi ay sipi;
(11) Pagbubuod ng impormasyon na hindi man lamang ipinapakita kung ano ang
orihinal na pinanggalingan nito;
(12) Pagpapalit ng ilang mga salita sa isang seksyon ng teksto na hindi man lamang
binibigyan ng pagkilala ang orihinal na may-akda.

II. Pangangalap ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pagbabasa


Ang pagbabasa ay ang pangunahing gawain ng isang mananaliksik o mag-aaral upang
maisagawa ang tungkuling makapangalap ng mahahalagang impormasyon para sa isinasagawang
pag-aaral. Ang mga panuntunan sa pagbabasa ay inisa-isa batay sa pinaglalaanan nito: (1) para sa
asignatura; (2) para sa iba’t ibang layunin; (3) para sa pag-unawa.
Pagbabasa para sa asignatura. Katulad na ng nabanggit sa mga nakaraang pagtalakay,
ang mga impormasyon na kinailangan upang mapatatag ang paninindigan ng isang pag-aaral o
pananaliksik ay madaling kalapin dahil na rin sa mga naglipanang sanggunian sa silid-aklat at
maging sa internet. Mabuti kung ang makakalap na impormasyon ay manggagaling sa isang
lehitimo at may kredibilidad na sanggunian, subalit isang kamalasan kung ang sanggunian na
makukuha ay naglalaman ng maling mga impormasyon para sa isang pag-aaral.
Pagbabasa para sa Iba`t Ibang Layunin. Ang layunin ang siyang nagbibigay ng
direksyon sa lahat ng bagay na ginagawa ng tao. Bago isagawa ang pagbabasa, mahalaga na

CAPSU- Main | 36
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

mailatag muna ng mga mag-aaral o mananaliksik kung ano ba ang kanilang nais na mangyari
matapos ang isasagawang pag-aaral o pananaliksik. Kung wala ang layunin, mahihirapan ang
mga mag-aaral na alamin kung ano ang landas na tatahakin ng kanilang iskolarling pagsulat.
Ang mga sumusunod na istilo sa pagbabasa ay magagamit sa mga akademikong sulatin
batay sa layunin ng pagbabasa:
(6) Pagbabasa ng palaktaw-laktaw (Browsing)
(7) Pagsisiyasat o checking
(8) Pagtutuon ng pansin o focusing in
(9) Paghahanap ng mga kaganapan o fact finding
(10) Referencing o sanligan
Ang pagbabasa ng palaktaw-laktaw o browsing ay ang kaswal na pagtingin sa mga
pahina ng teksto upang matantya ang kahalagahan ng patuloy na pagbabasa nito sa
kabuuan at pahapyaw na malaman kung anu-ano ang mga nilalaman nito na maaaring
makatulong sa isinasagawang pag-aaral.
Pagsisiyasat o checking ay tumutukoy sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto o indek
upang malaman kung ang aklat ay naglalaman ng mga espisipikong impormasyon na
nais mong malaman o mga impormasyong malaki ang maitutulong sa iyo.
Tinutukoy ng pagtutuon ng pansin sa o focusing in sa masinsinang pagbabasa sa isang
mahalagang punto na may malaking maitutulong sa pananaliksik. Kung ang impormasyon ay
hindi naglalaman ng mahalagang punto, ang pagtutuon ng pansin sa o focusing in ay maaaring
ibalik sa palaktaw-laktaw na pagbabasa. Samakatwid, ang palaktaw-laktaw na pagbabasa ay ang
preliminaryong bahagi ng pagpapaubaya sa iyong sarili na magbasa nang masinsinan kung may
nakita kang isang punto na sa iyong palagay ay makatutulong nang malaki sa pananaliksik.
Ang paghahanap ng mga kaganapan o fact finding ay isang istilo ng pagbabasa na
kung saan ang layunin ay maghanap ng mga tiyak na kaganapan o detalye na bumubuo sa isang
pangyayari. Imbestigasyon ang pinakapuso ng ganitong uri ng pagbabasa
Sanligan o referencing ay isang uri ng ekstensibong pagbasa ng teksto. Sa ganitong
istilo, ang mag-aaral o mananaliksik ay nangangailangan ng karagdagang teksto
upang makita ang kabuuan ng isang larawan.
Pagbabasa para Pag-unawa. Sa ganitong uri ng pagbabasa, ang mananaliksik o mag-
aaral ay naglalayong maunawan nang buong buo ang teksto at mga impormasyong nakapaloob

CAPSU- Main | 37
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

dito. Hindi ito paligsahan ng bilis ng pagbabasa o paramihan ng pahinang binasa upang masabi
lamang na iyong nagampanan ang tungkuling pagbabasa. Ang ganitong uri ng pagbabasa ay
nangangailangan ng komprehensyon. Ang mga sumusunod ay maaaring makatulong upang
magkaroon ng mataas na komprehensyon sa binasang teksto:
(3) Pagkaroon ng kaliwanagan sa layunin ng pagbabasa o pananaliksik;
(4) Pakikipagpalitan ng kuro hinggil sa binsasang teksto. Ang pagbabahagi ng iyong
natutunan sa binasang teksto ay simula ng pagtanggap sa perspektiba ng iba na mainam
upang higit na maging malalim ang iyong komprehensyon sa binasang teksto.

J.Mga Estratehiya sa Pananaliksik


Ang mga sumusunod na estratehiya ay maaring makatulong sa mga mag-aaral para sa
kanilang maayos na pagsasakatuparan sa mga gawaing may kaugnayan sa pananaliksik.
5. Paggamit ng impormasyon
6. Pagpili ng makabuluhang impormasyon
7. Paggamit ng dyurnal
8. Pagsasaayos ng impormasyon

K. Mga Estratehiya upang matandaan ang Impormasyon


6. Maaring idaan sa pagkanta o di kaya ay gumamit ng mga patterns upang maging gabay sa
paggtanda sa mghahalagang impormasyon ng pag-aaral.
7. Ang paggamit ng highlightener o pangkulay sa mga mahahalagang imormasyon sa teksto
ay makatutulong din upang matandaan ang mga mahahalagang impormasyon sa teksto.
8. Ang aktibong Gawain katulad ng paglalakad-lakad ay maari ring makatulong.
9. Maari rin naming iugnay ng mag-aaral ang mga impormasyon sa teksto sa mga
mahahalagang personal na bagay sa mga mag-aaral o mananaliksik.
10. Makatutulong din sa pagtanda ng mga impormasyon ang paglalagay ng mga ilustrasyon
at iba pang marka habang nagbabasa.

Konsepto ng Pagbubuod

CAPSU- Main | 38
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Sa website na https://www.cws.illinois.edu/workshop/writers/tips/summary ay binigyan


ng depinisyon ang pagbubuod bilang pamamamaraan ng pag-uulit ng salita ng iba sa kanilang
mga akda gamit ang sariling pananalita ng nagsasagawa ng pagbubuod.
Ang mga sumusunod ay maaring makatulong sa gawaing pagbubuod:
5. Pagsasaalang-alang sa kapakinabangan ng maaring idulot sa kapwa, kamag-aaral at iba
pa.
6. Ang buod ay higit na maiksi kaysa sa orihinal nanteksto.
7. Ang isang maayos na buod ay nagtataglay ng kakayahang manghikayat sa mga
mananaliksik at magbabasa ng mahigit na mainam na basahin ang pinaiksing bersyon
kaysa napakahabang orihinal. Nararapat na mapagtagumpayan ng nagbubuod na
mabigyan ng kagyat na ideya sa orihinal na bersyon ang mga sasangguni nito.
8. Ang pagbubuod ay isang gawaing naglalarawan ng mataas na antas ng pag-unawa sa
binasang teksto.

Ang Paggamit ng Sipi at ang Pagbubuod


Napakahalaga ng sipi sa buong proseso ng pagbubuod sa mga pagkakataon na ang
kanilang orihinal na teksto ay mahirap tumbasan sapagkat maaring magdulot ng maling
rekognisyon (misattribution) sa konteksto ng may-akda na labag sa etika sa pagsulat. Sa kabilang
dako, nararapat ang pagbubuod kung ang teksto ay maaring bigyan ng paliwanag sa paraang
hindi nasasagasaan ang orihinal na konteksto ng may-akda. Higit na mainam ang pagbubuod
kaysa sa paggamit ng sipi sapagkat binibigyan nito ng control ang mag-aaral o mananaliksik sa
argumento ng orihinal na may-akda.

Pagbubuod at Synthesis
Ang pagbubuod ay may pagkakaiba sa synthesis bagamat ang dalawang konsepto ay
parehong nararapat na isaalang-alang sa pangangalap ng impormasyon oara sa isang iskolarling
pagsusulat. Ayon kay Fries-Gaither (2010) ang pagbubuod ay ang pagtukoy sa mahahalagang
element ng teksto at ang pagpapaiksi ng mahahalagang impormasyon gamit ang sariling
lenggwahe o salita habang at pagkatapos na isinasagawang pagbabasa para sa isang buong
kahulugan.

CAPSU- Main | 39
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Ang synthesis sa kabilang dako ay tumutukoy sa proseso ng pagbubuod sa mas mataas


nitong antas. Sa halip na ulitin ang mahahalagang puntos ng teksto na ginagawa sa pagbubuod,
kinasasangkutan ng paglalangkap ng sariling pananaw ng mag-aaral ang ideya na ibinibigay ng
orihinal na may-akada ng teksto na ginagawang synthesis. Sa madaling salita, nakapagbibigay ng
sariling argumento ang mag-aaral sa synthesis na hindi maaring ibigay sa pagbubuod ng teksto.

CAPSU- Main | 40
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

YUNIT III
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Mga Layunin:
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas ng
lipunan;
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang
wika sa kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad;
3. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino;
4. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa
iba’t ibang antas ng larangan.

PANIMULA
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na
pakikipagsapapalaran ni Juan dela Cruz sapagkat nag-iiwan ito ng kakintalang maaring magdulot
ng karanasang magpapatakbo ng kanyang buhay. Ang mga sumusunod na paksa ay mga
gawaing pangkomunikasyon karaniwan subalit sa mahalaga sa buhay ni Juan:

5. Tsismisan
6. Umpukan
7. Talakayan
8. Pagbabahay-bahay
9. Pulong-bayan
10. Komunikasyong di-berbal
11. Mga ekspresyong local

A. TSISMISAN: Pakikipagkwento ng Buhay-buhay ng mga Kababayan


Gaya nga ng sabi ni Rico Blanco sa kanta niyang “Chismis”, ang tsismis ay ang
pambansang marijuana ng bansa. Parte na ito ng kulturang Pilipino. Bawat barangay ay
mayroong isang grupo ng mga tsismoso/a na nagkikita araw-araw para pag-usapan ang mga
‘balita’. Kadalasan naririnig ito sa palengke, bakuran, tindahan at pinapasukan ng mga
manggagawa ngunit kadalasan sa mga ito ay mga housewife o di kaya mga middle-aged na
walang magawa. Madalas na maririnig ang mga Pilipino na magsabi ng “Tara magtsismisan
tayo” o kaya “Ano ang bagong tsismis?”

CAPSU- Main | 41
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit may mas
negatibo na konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa Ingles na may katumbas na ‘gossip’.
Ang gossiper ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto
ng iba samantalang ang tsismosa ay kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng kwento.
Paminsan-minsan lamang kung magsabi ng katotohanan at kung totoo naman ang mga kwento
ay madalas namang exaggerated.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismoso/a, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa mga sikreto
at baho ng iba. Ang mali sa pagiging tsimoso/a ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa
inggit na naging pasimpleng paraan na upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon
ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan, kamalian, at
kasalanan. Ang madalas na pinaguusapan na tsismis sa komunidad ay mga sensitibong
bagay tulad ng sex, paagbubuntis ng mga hindi kasal o ‘disgrasyada’, pagiging
homoseksuwal, at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t ibang bagay tulad ng
estado sa buhay o kaya naman sa pag-aaral.

B. Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis


Sa Kodigo Sibil sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na akto, bagamat hindi
maituturing na krimen ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon o cause of action para
sa mga danyos, pagtutol at iba pang kaluwagan:
1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng iba;
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang kaibigan;
4. Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon,
mababang antas ng pamumuhay, luugar ng kapanganakan, pisikal na depekto at iba pang
personal na kondisyon.

Ito ay sinang-ayunan sa Kodigo Penal ng Pilipinas sa Artikulo 353, ang Libelo na isang
pampubliko at malisyosong mga paratang sa isang krimen o sa isang bisyo o depekto na
maaaring makatotohanan o haka-haka, anumang kilos, pagkukulang, kondisyon katayuan o
kalagayan na dahilang ng kasiraang-puri, ngalan o pagpapasala sa isang likas na tao o upang
masira ang alaala ng isang namayapa na (Salin mula sa Article 353, RPC).

CAPSU- Main | 42
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Sa barangay, may karampatang multa ang bawat tsismis. 300, 500 at 1000 sa una,
ikalawa at ikatlong paglabag na may kaakibat na community service.

UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at Malapitang Salamuhaan


Ang umpukan ay tumutukoy sa isang maliit na grupo ng taong nag-uusap hinggil sa mga
usaping ang bawat kasapi ay may interes sa pag-uusapan na maaaring may kabuluhan sa kani-
kanilang personal na buhay, katangian, karanasan o kaganapan sa lipunan.
Mapapansin sa Kabanata 1 ng Noli Me Tangere, inilarawan ang maraming umpukang
naganap sa pagitan ng mga panauhin tulad ng asal ng katutubong Pilipino, monopolya ng tabako,
kapangyarihan ng Kapitan Heneral at marami pang iba.
Hindi maitatatwa na impormal ang naturang umpukan sapagkat malayang
nakapagpapahayag ng kani-kanilang sloobin ang bawat kasapi. Ito ay maaaring
maganap sa kalye tulad ng mga tumatambay sa tabi ng kalsada, sa tindahan o kahit sa harap
lamang ng bahay. Maaari rin itong makita sa trabahong pinapasukan na kalimitang paksa ay
tungkol sa sahod, polisiya, pamumuno at promosyon.

TALAKAYAN: Masinsinang Talaban ng Kaalaman


Ang talakayan ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan ng ideya o kaisipan para sa isang
nararapat o mahalagang desisyon. Mayroong nakatalagang tagapangasiwa sa naturang gawain
kung kaya’y higit na pormal ang gawaing ito kumpara sa umpukan.
Ito ay kadalsang nararanasan sa loob ng isang klase dahil ditto nagkakaroon ng puwang o
pagkakataong maipahayag ng mga mag-aaral na maibahagi ang kai-kanilang saloobin o
natutunan sa naturang paksa sa loob ng isang oras na kaakibat ang tulong ng dalubguro sa
naturang aralin upang tulungan sa pagpapaliwanag ang mga mag-aaral.
Sa talakayan hindi maiiwasan ang pagkabagot ng bawat isa lalo na’t purong guro ang
nagsasalita sa harapan kung kaya narito ang katangian ng mabuting pagtalakay.
1. Aksesibilidad. Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa pagtanong at pagsagot sa mga
katanungan na walang pangamba.
2. Hindi Palaban. Minsan nagkakaroon ng kainitan ang talakayan kung kaya hindi dapat
dumating sap unto na ang respeto sa loob ng klase ay mawala bagkus ipahayag ito nang
maayos at sa paraang mahinahon na may wastong paggalang.
3. Baryasyon ng Ideya. Magkaroon ng pagkakaiba-iba ng ideya na maaaring maging
instrumento ng mas mainam pang pakahulugan na nakabatay sa mga sagot ng bawat isa.

CAPSU- Main | 43
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

4. Kaisahan at Pokus. Ang dalubguro ang tagapamagitan ng impormasyon o kaisahan sa


klase kung kaya’t marapat lamang na handa siya sa pagpapanatili ng kaisahan at pokus sa
klase.

PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapwa sa kanayang Tahana’t Kaligiran


Kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit pang indibidwal patungo sa dalawa o higt pang
maraming bahay upang maisakatuparan ang naturang mithiin tulad ng pangungumusta,
pakikiramay, paghingi ng pabor para sa proyekto at marami pang iba. Makalipunan ang gawaing
ito dahil tuwirang nakikipag-usap ang isang tao.
Ang pagbabahay-bahay ay tradisyong nagpamalas ng mabuting pagpapakilala at
pagtanggap ng mga panauhin na pinatutunayan sa mahahalagang okasyon sa buhay ng tao tulad
ng pista, pasko, araw ng mga poatay at kaluluwa at kaarawan.
Sa kabilang dako, ang ebolusyon ng tradisyon ng pagbabahay-bahay ay nagpapakita na
ang dating makalipunang konsepto ay nagiging di-makalipunan dahil nawala na ang
personal na pakikipagtalakayan.
Karaniwang mabilis ang daloy ng komunikasyon dito dahil na rin sa layuning maraming
bahay ang kakailanganing mapuntahan sa loob ng isang araw ngunit ang iba nama’y
pinahahalagahan ang kalidad ng pakikipag-usap sa mga taong pinupuntahan.

PULONG BAYAN: Marubdob na Usapang Pampamayanan


Karaniwan itong isinasagawa sa isang partikular na grupo bilang isang konsultasyon sa
bawat kasapi at paghahanda sa darating na okasyon o aktibidad. Lider ang nangunguna sa
naturang pulong upang pangasiwaan ang maayos na daloy ng pagpupulong tulad ng pagbibigay
ng suhestiyon, mungkahi o opinyon.
Malaki ang papel ng pulong sa pagsasagawa ng regulasyon at batas na nais ipatupad lalo
na’t may direktang epekto ito sa mga mamamayan. Bahagi ng proseso ng regulasyon ang
konsultasyon sa tao o publiko at inbalido ang anumang batas na maaprubahan kung walang
isinagawang pagsangguni sa mga mambabatas.

Mga Dapat Iwasan Sa Pulong

CAPSU- Main | 44
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

1. Malabong layunin sa pulong – dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba’t ibang
paksa ang pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay nakawawalang
gana sa mga kasapi.
2. Bara-bara na pulong – walang sistema ang pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya
nagkakagulo, kaya dapat ang “house rules”.
3.Pagtalakay sa napakaraming bagay – hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami
ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng nagpupulong.
4. Pag-atake sa indibidwal – may mga kasama sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa
pagkatao ng isang indibidwal. Nagiging personal ang talakayan, kaya’t
daihil dito nagkakasamaan ng loob ang mga tao sa pulong.
5. Pag-iwas sa problema – posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang
problema ng organisayon. Sa halip, ang binabangit nila ay iba’t iba at walang
kabuluhang bagay para maiwasan ang tunay na problema.
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa – walang ibubunga ang mga pulong na walang
pagtitiwala at pagbubukas sa isa’t isa, dito kinakailangan ang “Iklas” manalig ka
sa Allah, palaging alalahanin ang kasabihan: “may Makita kang isda sa
dagat na wala sa ilog, at may Makita ka na isda na wala naman sa dagat”.
7. Masamang kapaligiran ng pulong – masyadong maingay o magulo ang lugar ng
pinagpupulungan kaya hindi magkarinigan. Minsan naman ay napakainit ng lugar
o maraming istorbo gaya ng mga usyoso na nanonood, nakikinig o nakikisali,
magkakalayo ang mga kinanalagyan ng mga kasamahan, dapat ang pinuno ay
nakikita at naririnig ang lahat.
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong – ang miting ay hindi dapat natatapat sa alanganing
oras – tulad halimbawa ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng trabaho ng mga
manggagawa.

EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng Masigla at Makulay na Ugnayan


Ang ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa
bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya tuwa
o galak. May mga ekspresyon din ng pasasalamat, pagbati o pagpapaalam. Sa talastasang
Pilipino, ito ang nagbibigay kulay sa mga kwento ng buhay at sumasalamin sa kamalayan at
damdamin ng mga Pilipino.
Iba’t iba ang ekspresyong lokal na laganap sa bansa. Narito ang mga
halimbawa:
1. Tagalog – “Bahala ka sa buhay mo”; “Tanga!”; “Nakupo”; “Inay ko!”; “Dyusko o
Susmaryusep”.
2. Ilocano – “Alla” o namangha; “Gemas” o nasarapan at “Anya metten!” o ano bay an!.
3. Bicolano – “Dios mabalos” o pasasalamat; “Garo ka man” o pagkadismaya; “Inda ko
sa imo” o ewan ko sayo at Masimut o Lintian” o sobrang galit.
4. Bisaya – “Ay, Tsada” o maayos sa paningin; “Samok ka!” o magulo ka; “Paghilum!”
o manahimik ka; “Ambot” o medyo inis o galit.

CAPSU- Main | 45
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Isa rin sa mga di-tuwirang ekspresyon ang pagpapahayag ng biro kaya mayroon tayong
birong totoo, may halong hibla ng katotohanan at halos walang katotohanan pero naghahamon o
nang-uuyam o fishing tulad ng “Joke lang”, “Charot”, “Echos”, “Charing” at marami pang
#charotism.
C. Komunikasyong Di-Berbal ng mga Pilipino

Iba’t ibang Anyo ng Komunikasyong Di-Berbal


Ang komunikasyong di-berbal ay maaring matagpuan sa iba’t iba nitong anyo katulad ng
mga sumusunod na paksa ng mga pagtalakay.

1. Kinesika – pinapatunayan lamang sa bahaging ito na ang bawat kilos ay may kaakibat na
kahulugan na maaaring bigyang interpretasyon ng mga taong na kanyang paligid.
Ekspresyon ng mukha tulad ng pagkunot ng noo at pagtaas ng kilay.
2. Proksimika – gamit ang espasyo, pinaniniwalaang ang agwat ng tao sa kapwa ay may
kahulugan na maaaring mabuo sa pananaw ng tagatanggap ng mensahe tulad ng nag-
uusap na malapit ang distansya.
3. Oras(Chronemics) – oras ang pinapahalagahan sa uring ito na nahahati sa apat: teknikal
o eksaktong oras, pormal na oras o kahulugan ng oras bilang kultura, impormal na oras o
o ras na walang katiyakan at sikolohikal na nakabatay sa estado sa lipunan at mga
personal na karanasan.
4. Paghaplos (Haptics) – karaniwang kinabibilangan ng paghaplos o pagdampi na
maaaring bigyang pakahulugan ng taong tumatanggap ng mensahe sa paraan ng
paghaplos nito tulad ng pagtapik sa balikat na waring nakikiramay o pagbati.
5. Paralanguage – tumutukoy sa di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita
tulad ng intonasyon, bilis at bagal sa pagsasalita o kalidad ng boses.
6. Katahimikan – ang katahimikan katulad ng pgsasawalang kibo, pagbibigay ng
blangkong sagot sa isang text message ay maituturing na mga mensahe sa isang akto ng
komunikasyon. Ang mga ito ay mga di-berbal na komunikasyon na ang kahulugan ay
nakabatay sa pananaw ng taong tumatanggap nito
7. Kapaligiran – Ang anumang kaganapan sa kapaligiran ay maaring bigyan ng
pagpapakahulugan ng mga taong tumitingin ditto. Ang pisikal na anyo ng pagdarausan ng

CAPSU- Main | 46
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

isang paliham ay pagpapaalala kung gaano pinaghandaan ng tagapangasiwa ang


mahalagang okasyon sa araw na iyon. Ang kaayusan ng lugar ng pagdarausan ng Gawain
ang makatutulong upang malaman kung ang magaganap na talakayan ay pormal o
impormal.

CAPSU- Main | 47
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

YUNIT IV
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT
INTERNASYUNAL
Mga Layunin:
1. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa
buong bansa.
2. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa
mga komunidad at sa buong bansa batay sa pananaliksik.
3. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Flipino bilang daluyan ng makabuluhan
at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang
lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.

PANIMULA
Ipakikita ng bahaging ito ng pag-aaral ang paggamit ng wikang Pilipino sa konteksto ng
mga napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa tulad ng korapsyon sa gobyerno, kahirapan,
kalusugan at iba pa. Sa ganitong paraan , ang aklat na ito ay magsisilbing daluyan ng kaalaman
at malayang kaisipan na mahalaga sa pagbuo ng isang magandang lipunan at bansa.
Ang ayos ng pagtatalakay ay idinesenyo sa paraan ng mahigpit na madaling
mauunawaan ng bawat mag-aaral ang bawat konteksto ng mga usapin; pagbibigay ng
depinisyon, pagpapaliwanag at pagbibigay ng halimbawa.

A. IBA’T IBANG ISYUNG PANLIPUNAN SA PILIPINAS

4. Pang-aabuso sa Kapangyarihan
Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na magampanan ng isang lider ang tungkulin
na inaasahan sa kanya ng mga tao sa kanyang kapaligiran. Kung wala ito, walang pwersang
makapagbibigay ng pangil para sa mabuting pagtanggap ng lipunan sa maayos na
implimentasyon ng isang tungkulin. Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad sa dalawang
kaparaanan, ministerial na pagpapatupad at diskresyunal na pagpapatupad.
Sinasabing ang kapangyarihan na ipatupad ang tungkulin ay ministerial kung ang isang
namumuno ay walang ibang nararapat na gawin kundi ipatupad ang isang polisiya. Halimbawa
1. Pagtupad sa tungkuling pangbatas trapiko para sa maayos na transportasyon ng bawat
mamamayang Pilipino;
2. Ang mekanikong pagpro-proseso ng income tax return;

CAPSU- Main | 48
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

3. Pagpro-proseso ng legal na titulo ng lupa mula sa orihinal na may-ari tungo sa bumili


nito;
4. Pagtanggap ng pamahalaan sa buwis na ibinabayad ng mamamayan;
Ang diskresyunal na paggamit ng kapangyarihan ay tumutukoy sa paggamit ng opsyon o
diskresyon ng isang namumuno o kawani ng pamahalaan na ipatupad o hindi ipatupad ang isang
tungkulin subalit may pagsaalang-alang sa mga legal na pamantayan. Ang kapangyarihang ito ay
kailangang gamitin nang ayon sa katwiran, walang kinikilingan, at hindi mapang-api o
nakapananakit ng iba Halimbawa:
5. Pagpili ng Pangulo ng Pilipinas sa mga magiging kasapi ng gabinete ng ehekutibo;
6. Pagpasok ng Lokal na Pamahalaan sa kasunduan sa isang pribadong kumpanya;
7. Pagbili ng mga kagamitang makatutulong sa pagpapatupad ng isang polisiya;
Mahalaga ang polisiya sa pagtupad ng tungkulin ng isang tao upang siguraduhin na
anumang diskresyon na kanyang nais gawin ay may sapat na pamantayan at legal na basehan. Ito
ang magsisilbing sukatan kung ang isang tao ay lumalabis sa kapangyarihan na iginagawad na sa
kanya.
(Tandaan: Walang tao sa Pilipinas o sa ibang bansa man na labis-labis ang kapangyarihan.
Mayroon itong limitasyon at hangganan)
Ang pag-abuso sa kapangyarihan o diskresyon ay tumutukoy sa hindi angkop
na
paggamit ng kapangyarihan o mga pasilidad sa mga desisyon na kailangan niyang ibigay.
Halimbawa:
8. Pagtatalaga ng Pangulo ng Pilipinas sa kanyang asawa o mga anak bilang gabinete ng
ehekutibo. Bagamat ang Pangulo ay may ekslusibong kapangyarihan na pumili ng
mga taong kanyang makakatuwang sa pagpapaunlad ng mahahalagang polisiya ng
pamahalaan, ang pagtatalaga ng kanyang asawa o mga anak ay mariing
ipinagbabawal ng ating Saligang Batas 1987 sa ilalim ng prinsipyo ng nepotismo.
9. Ang kapangyarihan ng pamahalaan na pumasok sa isang kasunduan ay mahalagang
mekanismo para sa episyente at epektibong paglilingkod sa bayan. Subalit ang
pagsasaalang-alang sa personal na interes sa kasunduan ay mga sirkumstasyang
naglalarawan ng pang-aabuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala ng taong bayan sa
pamahalaan, lokal man o nasyunal.

CAPSU- Main | 49
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

2. Pakikipagsabwatan
Ang sab’watan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na
nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba
upang tuparin ang kinakailangan o nais nilang gawin. Ito ay isang krimen ng
pandaraya, panloloko sa iba para sa kanilang mga karapatan upang makuha ang isang adhika
na labag sa batas na karaniwan ay sa pamamagitan ng pandaraya o paggamit ng hindi patas na
kamalayan.
Halimbawa:
1. Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (price fixing) sa pamamagitan ng
kasunduan ng parehong panig ng pamilihan na ibenta ang produkto sa itinakdang
presyo na nagbubunga ng pagkontrol sa suplay at pangangailangan.
2. Pagsunod ng lehislatibong sangay ng pamahalaan sa dikta ng ehekutibo na patalsikin
ang mga hindi kapanalig kahit na walang sapat na batayan at hayagan ang paglabag sa
basikong karapatan katulad ng magpahayag (expression) at karampatang proseso na
malaman ang krimen at maipagtanggol ang sarili (due process).
3. Pandaraya sa Halalan
Ipinagkakatiwala ng taong bayan sa mga pulitiko ang kinabukasan ng bawat mamamayan
sa pamamagitan ng kanyang boto sa pambansa at lokal na halalan. Ang bawat balota ay
sumisimbolo ng pag-asa sa pagkakaroon ng magandang bansa at pananalig na ang suportang
kanilang ibinibigay sa pamamagitan nito ay makabuluhan at kailanman ay hindi pagsisihan.
Sa kabila ng kahalagahan ng bawat balota para sa Pilipino at mandato sa Komisyon ng
Eleksyon na pangasiwaan ang malinis at maayos na halalan ay lantaranan ang mga pandaraya at
anomaly na ginagawa ang mga pulitiko at mga kasabwat na nagbubunga ng paghalal sa mga
taong hindi totoong napupusuan ng higit na nakakarami. Bunga nito ay ang maraming kilos
protesta at kawalan ng tiwala sa isang pamamahala.
Pinaniniwalaan ng may-akda na ang konsepto ng pandaraya sa halalan ay hindi lamang
umusbong sa kasalukuyan. Matagal ng kinakaharap ng bawat mamamayan ang
suliraning ito, na nagpasalin-salin at patuloy na magpapasalin-salin sa mga susund pang
henerasyon.
Narito ang ilang mahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa
eleksyon
1. Pandaraya sa eleksyon (electoral fraud). Tumutukoy ito sa illegal na panghihimasok
sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng pagdadag ng boto sa pinapaborang
CAPSU- Main | 50
pulitiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o pareho. Anumang akto na
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

makaaapekto sa bilang ng boto na magdudulot ng kaibahan ng boto sa nararapat na


resulta ay maituturing din na pandaraya sa eleksyon, bagamat ang bawat bansa ay
may kanya kanyang konsepto nito. Pumapasok din sa konsepto ng pandaraya ang
mga karahasang katulad ng pagsupil ay pagpaslang sa mga katunggali sa halalan, ang
pananabotahe ng mga balota, at ang pagbili o panunuhol ng mga sa mga botante
kapalit ing isang boto.
2. Manipulasyon ng eleksyon (election manipulation). Ito ay isang uri ng pandaraya na
makikita bago maganap ang halalan kung ang komposisyon ng mga manghahalal ay
nabago. Ang lantarang manipulasyon ay itinuturing na paglabag sa prinsipyo ng
demokrasya.
3. Mahalaga ring matutunan ng mga mag-aaral ang konsepto ng disenfranchisement o
ang pagtanggal ng karapatan ng isang tao na bumoto. Isnasagawa ang metodong
ito kung ang kandidato ay naniniwala na ang isang botanti o grupo ng butanti ay
sumusoporta sa kalabang panid o partido. Maari itong makita sa anyo ng pagpapahina
ng loob ng iba na mag rehistro, o kung sa kaliman na nakapag rehistro na, ay ang
tanggalin sila sa talaan ng mga botanti sa pamamagitan ng inimo legal na pagtanggal
sa proseso ng korte.
4. Manipulasyon ng dimograpiya. Maraming mga pagkakataon na kayang kontrolin ng
mga kinauukolan ang komposisyon ng mga manghahalalal upang maka tiyak ng isang
resultang pumapaborta sa sinusuportang politiko.
Intimidasyon. Tumutukoy ang intimidasyon sa lakas o puwers na ibinibigay sa mga
botanti upang sila ay bumoto pabor sa isang partikular na kandidato o kaya ay pigilan
sila na makibahagi o maki isa sa pag boto.
Karahasan o Pananakot na Paghahasik ng Karahasan. Ipinapakita nito na ang mga
botanti sa isang partikular na demograpiko o mga kilala na taga suporta na isang partikilar
nakandidato direktang tinatakot na mga tagasuporta ng kalabang partido upang ibasura nito ang
pagsuporta na hindi makabubuti sa sinusupotang kandidato. Inilalarawan nito ng mga kriming
katulad ng pag patay, pananakit, mga pagpapasabog at iba pa.
Mga Pag-atake sa Lugar ng Halalan. Madalas na nagiging target ng pag-atake at mga
karahasan ang lugar na aktwal na pinagdarausan ng local o nasyunal na halalan. Inilalarawan ito

CAPSU- Main | 51
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

ng bandalismo, paninira ng kagamitan o ari-arian, mga pananakot na nag bubunga ng


pangamba ng botante na tumungo sa lugar na pagdarausan ng halalan.
Mga Pagbabantang Legal. May mga pagkakataon na sinasamantala ng maga politico
ang kawalan ng kaalaman ng isang indibidwalsa kanyang karapatan na maki isa sa
local at pambansang halalansa pamamagitan ng pagboto. Sa pagkakataon na ito, ang mga
botanti pinaniniwalang sila ay walng legal na karapatan na bomoto o kaya ay may obligasyon na
bomoto gamit ang partikular na pamamaranan. Ginagamit ng mga taong mapagsamantala ang
kahinaan ng isang indibidwal na ito ay matakot sa magiging resulta ng isang partikular a aksyon.
Pamimilit. Ipinakikita nito na ang demograpiko na may control sa balota ay
sinusubukang hikayatin ang iba na sumunod sa kanila. Sa pamamagitan ng pagtukoy
sa mga lumalaban sa higit na nakararami, ang mga ito ay naiimpluwensyahan na palitan ang
kanilang
mga naunang desisyon sa kung sino ang kanilang iboboto.
Pamimili ng Boto. Ang isang actor ay maituturingna pamimili ng boto kapag ang
isang partido politikal o kandidato ay ng hihingi ng boto sa mga botante kapalit ng salapi, mga
kinakailangang kagamitan o kaya mga serbisyo. Ang kasanayang ito ay karaniwang ginagamit
upang hikayatinang mga botante na ganitong usapinng pandaraya sa eleksyon. Mahing sa United
States of America, Argentina, Mexico, Kenya, at Nigeria ay talamak din ang pamimili ng boto sa
eleksyon.

4. Pagnanakaw sa Kaban ng Bayan


Kadalasan na ang tiwalang ibinigay ng taong bayan sa mga pulitiko na kanilang
inuluklok sa pwesto upang mamahala sa bayan ay nawawalan ng saysay dahil sa pagkasilaw sa
mga kayamananng dapat sana ay ilalaan upang mapagsilbihan nang wasto ang taong bayan. Ang
suliraning ito ay matagal nang kinahaharap ng maraming bansa sa mundo na pinaniniwalaang
ugat ng pagkakalugmok sa kahirapan ng bawat mamamayan.
Sa Pilipinas, hindi na rin bagong maituturing ang usaping ito. Maraming isyu o usapin ng
katiwalian at pagnanakaw sa kabanng bayan ang ipinukol sa mga pulitikong
pinagkatiwalaan ng bawat Juan. Ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay pinukol ng
maraming alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa bayan, dahilan kung bakit ang taong
bayan ay nagsawa na at natutong makipaglaban noong 1986. Hindi natupan ni dating Bise
Presidente Jejomar Binay ang kanyang pangarap na mahalal na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas noong 2016 dahil sa naging
CAPSU- Main | 52
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

mainit ang mga lumabas na isyu ng katiwalian (sa Makati noong siya ay Mayor pa lamang) ilang
buwan bago maganap ang Pambansang Halalan.
Ang pagnanakaw ay matatagpuan sa marami nitong anyo at maituturing na krimen sa
ilalim ng Kodigo Penal na Pilipinas at ilang mga umiiral na espesyal na batas (special laws).
(a) Panunuhol (Bribery) at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno
(Corruption of
Public Officer)
Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas ang direktang panunuhol (direct
bribery) ay maaaring isampa sa kahit na sinongopisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa
paggawa ng isang akto na maituturing na krimen, kaugnay ng kanyang opisyal na
tungkulin, bilang konsiderasyonsa kahit na anong hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng
naturang opisyal, personal man o sa pamamagitan ng iba.
Ang krimen sa ilalim ng probisyong ito ay maaari ring ipukol sa opisyal na tatanggap ng
regalo bilang konsiderasyon sa isang akto na hindi maituturing na krimen, bagamat higit na
mababang parusa ang katumbas nito.
Mayroon ding krimen ng katulad na uri kung ang isang opisyal ng gobyerno ay tatanggap
ng regalo o ng pangako bilang kondisyon na hindi siya gagawa ng isang akto na kanyang
opisyal na tungkulin.
Kung ang bagay na kung saan ang regalo ay tinanggap o ipinangako ay ginawa sa
kondisyon na iiwasan ng opisyal ng gobyerno na gumawa ng isang akto ng kanyang opisyal na
tungkulin.
Isinasaad ng Artikulo 211 na ang isang opisyal ng gobyerno ay maaaring makasuhan ng
indirektang panunuhol (indirect bribery) sa simpleng akto ng pagtanggap ng regalo
dahil sa tanggapan na kanyang hinahawakan (inamiyendahan ng Batas Pambansa Bilang 872,
ika-10 ng Hunyo, 1985).
Ang pananagutan ng katapatan sa bayan ay tungkuling iniaatang sa lahat, maging sa mga
pribadong indibidwal. Kaugnay nito ay ang krimen ng korapsyon ng opisyalng gobyerno
(corruption of public official) ayon sa Artikulo 212. Ang krimen na ito ay maaaring
ihainsa kahit
na sinong tao na magbibigay ng alok o mga pangako o mga regalo o aginaldo sa
opisyal ng gobyerno.

CAPSU- Main | 53
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

(b) Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan


Sa ilalim ng Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas ay binigyan ng depinisyon ang
krimen ng maling paggamit ng pondo o ari-arian ng bayan. Inilatag din sa parehong probisyon
ang pagpapalagay (presumption) sa ganitong krimen. Sinasabi sa artikulong ito na kahit
sinong opisyal ng gobyerno, sa pamamagitan ng kanyang tungkulin sa tanggapan, ay may
pananagutan sa pondo at mga ari-arian ng publikokung ito ay kanilang gagamitin sa
pinaglalaanan, o sa pamamagitan ng pondo at ari-arian ng publiko, buo man o bahagdan. Ang
halaga na sangkot sa maling paggamit ng pondo ay esensyal sa pagtukoy ng angkop
na parusa sa taong mapapatunayang gumawa ng krimeng ito.
Ang pagkabigo ng opisyal ng gobyerno na mailabas o maipaliwanag ang pananalapi at
ari-arian na nasa ilalim ng kanyang kustodiya kung ito ay tahasang hihingi ng awtorisadong
opisyal ay itinuturing na prima facie na ebidensya na magpapatatag sa paniniwalan na ang
nawawalang pondo at mga ari-arian ay ginamit sa personal na gamit.
Sa kabilang dako, isinasaad naman ng Artikulo 220 ang ilegal na gamit ng pondo at ari-
arian ng publiko. Tahakang sinasabi rito na may karapatang parusa ang kahit sinong opisyanl ng
gobyerno na gagamit ang pondo at ari-arian ng kanyang administrasyon sa pampublikong gamit
bukod sa totoong pinaglalaanan nito batay sa batas at mga ordinansa. Tinatawag din itong
technical malversation.
(c) Pandarambong o Plunder
Ang pandarambong ay marring kinukundina sa sistema ng pamamahala sa Pilipinas sa
bisa ng RA 7080 ay itinuturing na isang krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta o sa
pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya o mga kamag-anak sa
pamamagitan ng kasalan o sa dugo, kasama sa negosyo, mga nasaakupan o iba pang tao ay
humahakot o nagkakamit ng yaman n kinuha sa masama gamit ang pinagsama o sunod-sunod na
hayagan o mga gawaing criminal na inilalarawan sa RA 7080 sa tinipong halagang umaabot sa
50,000,000.00 na may parusang reclusion perpetua hanggang kamatayan sa sinumang nagkasala
sa batas. Mga halimbawa nito ay paglustay ng pondo o kaban ng bayan na ipapasa sa kamag-
anak.
(d) Graft at Korapsyon
Ang usaping ito ay matagal ng hinahanapan ng solusyon ngunit hanggang sa kasalukuyan
ay hindi pa rin ito natitibag o napaglalabanan. Ang graft at korapsyon ay magkaibang konsepto

CAPSU- Main | 54
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

sa pagkuha ng personal na benepisyo mula sa transaksyong pamahalaan. Ang korapsyon ay


tumuukoy sa maling gamit sa pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo
habang ang graft naman ay tumutukoy sa maling gamit ng impluwensya para sa personal na
benepisyo na laganap sa ilalim sa RA 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices Act na mga
kasanayang may kaugnayan sa korupsyon ng mga opisyal ng gobyerno at idineklarang labag sa
batas.

Korapsyon sa iba’t ibang sangay ng Pamahalaan


1. Korapsyon sa Kapulisan at Hukbong Sandatahan
2. Korapsyon sa Hudikatura
3. Korapsyon sa Pamamahayag
4. Korapsyon sa Lehislatibo

5. Sistemang Padrino o Palakasan


Isa ito sa di mamatay-matay na isyu na hanggang ngayon ay laganap pa rin sa iba’t ibang
ahensiya o institusyon. Ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ang karaniwang nagiging saksing
bulag at bingi sa hustisya na dapat ibigay sa taong bayan mapagbigyan lamang ang mga taong
pinagkakautangan ng loob na palasak sa pampubliko at pampribadong sektor na nagkakaroon ng
posisyon sa pinakamadaling paraan sa basbas ng nasa kapangyarihan.
Sa Civil Service Commission ay hindi rin ligtas sa usaping ito na masasabing nepotismo o
pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal at kronyismo ang pagbi
bigay pabor sa kaibigan, na matinding kinukundina ngunit walang tiyak na batas kasama rin sa
ugat ng padrino sa bansa.
Iba pang Korapsyon sa Pilipinas
1. Pagtakas sa pagbabayad ng buwis
2. Ghost project at payroll
3. Patakas o pag-iwas sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata
4. Pagpasa ng kontrata
5. Pangingikil; at
6. Panunuhol

6. Ang Konsepto ng Kabayanihan ng mga Pilipino


Pinaniniwalaan ng mag-akda na ang konsepto ng kabayanihan ay nagbabago batay sa
panahon at pagtanaw at sikumstansya ng taong tumitingin dito. Ang kabayanihan ay
inilalarawan ng kagitingan at kalapangan sa pagharap ng hamon ng buhay na mababasa sa
iba’t ibang
CAPSU- Main | 55
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

mitolohiya na ang pagsasakripisyo ng buhay ay isa sa mga akto ng kabayanihan sa bayan ngunit
sa paglipas ng panahon ay naging malawak na ang konsepto nito sa punto na hindi lamang sa
digmaan nakikita bagkus sa pagsasama sa panlahat na kahusayang pangmoralidad na
sinangayunan ni Dr. Xeus Salazar sa artikulo ni Lacuata na isinalin ni Vibar (2013) na ang isang
bayani ay nakikipagtulungan nang walang anumang bayad sa gawaing pangkomunidad.
Mga taong kilala dahil sa kanilang kabayanihan sa bansa. Dr. Jose Rizal, Andres
Bonifacio, Melchora Aquino, Manuel L. Quezon at marami pang iba.
Maaaring maipakita ang kabayanihan sa pamamgitan ng mga sumusunod:
1. Ang pangingibang bayan ng mga OFW.
2. Paggawa ng bagong imbensyon na makatutulong sa sanlibutan.
3. Paggawa ng kabutihan sa kapwa.
4. Kahusayan sa napiling larang.
5. Katapatang ipinapakita sa mga gawi sa kabila ng kahirapan.

7. Rebolusyong Pangkalikasan
Isa sa mga napapanahong isyu ang pakikipagsapalaran ng tao sa hamon ng kalikasan na
mahirap labanan kahit gamit pa ang makabagong kasangkapan o teknolohiya.
Sa Pilipinas, hindi malilimutan ang bagyong naminsala sa mga bayan ng
Tacloban, Leyte
at karatig isla na kilala sa tawag na Bagyong Yolanda. Maraming namatay, nawalan ng
mahal sa buhay, nawalan ng tirahan, hindi maayos na tubig, kawalan ng kuryente at
gayundin ang kalusugan ng nakararami ay naapektuhan ngunit hindi maitatawa na sa kabila ng
mga pinsalang dulot ng kalikasan ay kakabit nito ang responsibilidad ng mga taong
gumagamit nito- ang Kalikasan.
Sa mga nabanggit, makikita ang kultura ng pagdadamayan sa buong mundo para sa
agarang pagbangon ng isang bansa subalit ang pagsusumikap na makatulong ng
iba ay kailanagan din ng kasamang disiplina ng taong tinutulungan at maayos na sistema
buhat sa kanyang pamahalaan.
Mga halimbawa ng dahilan ng kalamidad ay ang paggalaw ng mundo (lindol), may
kaugnayan sa panahon, mga pagbaha, pagguho ng putik o lupa at taggutom.

Narito ang iba’t ibang isyung may kinalaman sa kalikasan.


a) Tamang Pagtatapon ng Basura

CAPSU- Main | 56
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Kaakibat pa rin sa pag-unlad ng mundo, pagtaas ng populasyon at pag-angat ng


ekonomiya ay ang pag-angat ng basura na isang suliraning kinakaharap na hindi lamang laganap
sa Pilipinas bagkus sa ibang karatig bansa.
Matindi ang pakikibaka ng mundo sa hamon ng usapin sa wastong pagtatapon ng basura
na isang malaking hamon hindi lamang sa mundo kundi maging sa bawat indibidwal tulad ng:
1. Ang solidong basura ay karaniwang itinatapon o ibnabaon sa mga landfill sites na
maaaring makapaminsala sa lugar.
2. Ang mga nabubulok na basura ay maaaring magbunga ng mikrobyo, masangsang na
amoy o di kaya’y simsimin ng tubig sa ilalim ng lupa.
3. Ang usok na nagmumula sa mga sinusunog na basura ay nakapagdaragdag din ng
polusyon sa kapaligiran.
Isa sa mga batas na may kauganayan sa usaping basura ay ang RA 9003 o Ecologocal
Solid Waste Management Act of 2000 na kaakibat ang lokal na pamahalaan na may
pangunahing responsibilidad sa tamang pamamahala ng basura na kaisa ng mga mamamayan sa
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid sa pamamagitan ng tamang pagtatapon at
pagbubukod ng basura.

b) Pagbabago ng Klima (Climate Change)


Ang pagbabago ng klima ay isinisisi sa pagtaas ng greenhouse gases na siyang
nagpapainit o nagpapalamig sa mundo na sinasabing nakapagbubunga nga mga sakuna katulad
ng pagbaha at tagtuyot na dahilan ng kamatayan ng tao na maaaring makapagdudulot ng
polusyon na maaaring makapagdulot ng masama sa kalusugan tulad ng cholera, malaria, dengue
at iba pang sakit.
Dalawa ang itinuturong dahilan sa pagbabago ng klima. Una, ang Likas na pagbabago na
tinutukoy sa sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, pag-ikot ng mundo at
init na nagmula sa ilalim ng lupa; at Greenhouse Gases na karaniwang paggamit ng kemikal
sa mga produkto ng tao, bunga ng carbon dioxide buhat sa mga sasakyan na gumagamit ng
gasoline, ang mga usok na mula sa mga pabrika at walang habas na pagputol ng mga
punongkahoy na siyang pananggalang sa carbon dioxide at iba pa.

c) Pagkaubos ng Likas na Yaman

CAPSU- Main | 57
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Nakasalalay sa pangangailangan ng tao ang patuloy na paggamit ng likas na yaman ng


mga kapitalista dahil sa taas ng demand, ang mga kapitalista ay sumusugal sa paglikha ng mga
kalakal na maaaring ibenta sa mga pamilihan dahil na rin sa pagnanais na makilala sa merkado at
malaking tubo kung kaya napapabilis ang pagkaubos nito.
Maraming mga dahilan kung bakit nauubos ang likas na yaman ngunit isa
pinakahalimbawa nito ay pagmimina na pinangungunahan ng mga higanteng kapitalista
o mga negosyante. Ang pag-unlad din ng turismo ay isa sa mga nakitang dahilan ng
Department of Tourism at Department of Environment and Natural Resources dahil sa
pagrami ng mga turista at ang pagtaas ng kita ng isang ahensya ay may kaakibat na epekto sa
likas na yaman.

8. Konsepto ng Kahirapan
Isa sa mga sakit ng lipunan ang kahirapan na hindi nalulunasan sa kasalukuyan na
inilalarawan sa kawalan ng pag-aaring materyal na maaari gamitin upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay.
Ang kahirapan ay tinitingnan sa dalawang kategorya: ang Ganap na Kahirapan na
tumutukoy sa mga sitwasyong ang isang indibidwal ay napagkakaitan ng mga payak na
pangangailangang pantao tulad ng maiinom na tubig, maayos na kasuotan, maginhawang tirahan
at pangangalagang pangkalusugan habang ang Relatibong Kahirapan naman ay inilalarawan ng
sitwasyong ang tao ay di sapat na salapi kung ihahambing sa ibang tao sa kapaligiran na ang
pinagkukunan ng suplay at naapektuhan ng balakid tulad ng lantarang pagnanakaw o korupsyon
sa gobyerno, mga hindi makatwirag kondisyon ng pagpapautang ng gobyerno at marami pa.
Sa kabilang dako, mayroon naming dalawang teorya ang kahirapan. Ang una ay ang
indibidwalistikong pananaw na isinisisi sa indibidwal ang kakayahan na pagbangon sa
kahirapan tulad ng katamaran, kawalan ng sapat na edukasyon, kamangmangan at mababang
pagtingin sa sarili habang sa istrukturang pananaw, nakikita ng tao ang kailang pagkasadlak
sa kahirapn bunsod ng sistemang pang-ekonomiya na lalong pinaigting ng kakulangan sa
kanilang kita.
Ayon naman sa artikulo ni Dr. Phil Bartle (n.d) na isinalin ni Vitan III. Dionisio, kanyang
inisa-isa ang limang malalaking sangkap ng kahirapan na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Kawalan ng kaalaman, Sakit, Kawalang Pagpapahalaga, Hindi mapagkakatiwalaan at Pagiging

CAPSU- Main | 58
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

palaasa sa kapwa. Binigyang-diin na masosolusyunan lamang ang suliranin sa kahirapan kapag


aalisin ang limang sangkap ng kahirapan sa bawat pamilyang Pilipino.
(a) Usaping Pabahay
Ang kawalan ng maayos na tirahan masisilungan ng isang pamilya ay isang suliraning
matagal ng kinakaharap ng maraming mamamayang Pilipino. Mayroong 44% ng mga Pilipino
ang walang maayos na tirahan na matatagpuan sa Metro Manila (Global Homeless Statistics).
Ang isyung pabahay ay sumasalim ito sa mukha ng kahirapan dahil sa kawalan ng inisyatibo
buhat sa pamahalaan, kawalang disiplina sa bahagi ng maralita na magsagawa ng paraan upang
maiahon ang kanilang mga sarili sa totoong kahirapan.
Bagamat may inisyatibo ang pamahalaan sa libreng pabahay na pinangungunahan ng
National Housing Authority (NHA) ngunit kaakibat nito ang iba’t ibang kontrobersiya tulad ng
malayo ang pagkukunan ng pangunahing pangangailangan tulad ng patubig, pagkain at iba pang
pangangailangan sa pang-araw-araw na gawain.

9. Usaping Pangkalusugan
(a) Malnutrisyon
Ang malnutrisyon ay isa sa mga kinakaharap na problema ng bbansa bunsod na rin ng
kahirapan at kawalan ng wastong pagkain. Dagdag pa rito ang kawalan ng sapat na
kaalaman ngbtao sa kahalagahan ng nutrisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Kagutuman at malnutrisyon ang pinakababahalang banta sa kalusugang pandaigdig
samantalang malnutrisyon naman ang may pinakamalaking ambag sa kamatayan ng mga bata na
makikita sa kalahati ng lahat ng kaso batay sa ulat ng World Health Organization (The
Starvelings, 2011).
Kung kaya’t, ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatibo upang
mapataas ang antas ng kaalaman ng tao sa wastong nnutrisyon halmbawa na lamang ng feeding
program, information drives, seminar at outreach programs upang mapababa lamang ang kaso ng
malnutrisyon sa bansa.
(b) HIV o Human Immunodeficiency Virus

CAPSU- Main | 59
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Isa sa pinakapangunahing usapin hinggil sa kalusugan ang HIV o Human


Immunodeficiency Virus na isang espektro ng kondisyon na sanhi ng inpeksyon. Walang
makikitang sintomas ng sakit ang taong may ganitong uri ng sakit maliban sa simpleng trangkaso.
Habang patuloy ang inpeksyon ay higit nitong sinasalakay ang immune system na di kalaunan’y
mararanasan ang mga sakit na tuberculosis, opportunistic infections at tumor. Tinatawag na
AIDS o Acquired Immunodeficiency Syndrome ang pinakahuling estado nito na
kinasasangkutan ng pagbaba ng timbang.
Tinatayang 36.7 milyong katao ang may kaso ng HIV na nagresulta ng kamatayan noong
2016 na nasa isang milyon. Malaking usapin ito sa lipuanan na nagiging ugat ng diskriminasyon
at epektong png-ekonomiya na bunga ng maling edukasyon o kakulangan ng kaalaman hinggil sa
naturang sakit.
Narito ang iba’t ibang impormasyon patungkol sa HIV.
Nakukuha ang HIV sa alinman sa mga sumusunod:
1. Pakikipagtalik na walang proteksyon (anal o
oral);
2. Kontaminadong paraan ng pagsasalin ng dugo;
3. Hypodermic na karayom;
4. Mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng
pagbubuntis ng ina;
5. Pagpapasuso;
Ngunit ang anumang likido na mula sa katawan tulad ng laway at luha ay hindi
nakatutulong sa pagsasalin ng HIV sa isang indibidwal.
Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan:
6. Ligtas na pakiki[agtalik;
7. Programa para sa pagpapalitan ng karayom;
8. Paggagamot;
9. Pagbibigay ng antiretroviral medication sa bata sa panahon na ipinagbubuntis.
(c) Dengue
Nagmula ang sakit na dengue sa isang virus ng dengue na dala ng kagat ng lamok sa
isang tropikong bansa tulad ng Pilipinas. Ang sintomas nito ay karaniwang makikita
simula tatlo hanggang labing-apat na araw matapos ang inpeksyon tulad ng:
10. Mataas na lagnat;
11. Pananakit ng ulo;
CAPSU- Main | 60
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

3. Pagsusuka;
4. Pananakit ng laman at mga kasu-kasuan.
Maaaring gumaling ang may dengue sa loob ng dalawa hanggang pitong araw subalit
may mga pagkakataon na nauuwi ito sa kamatayan dahil sa lagnat na dengue
hemorrhagic na nagreresulta ng pagsusugo, pababa ng platelets at pag-awas ng blood plasma o
ng dengue shock syndrome na napakamapanganib na low blood pressure.

CAPSU- Main | 61
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

YUNIT V
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

Mga Layunin
Ang konstektwalisasyon ng wikang Filipino ay mahalagang ,aipakita sa mga tiyak na
gawaing pangkomunikasyon sa bahaging ito ng pag-aaral. Espisipikong layunin ng bahaging ito
ng aklat ang mga sumusunod.
1. Napaghahambing ang kaniya-kaniyang kakanyahan ng mga tiyak na gawaing
pangkomunikasyon katulad ng lektyur o lecture, simposyum o symposium, worksyap,
pantas-ara o seminar.
2. Natatalakay ang mga tiyak na hakbang upang makabuo ng mga agwaing
pangkomunikasyon katulad ng lektyur o lecture, simposyum o symposium, worksyap,
pantas-ara o seminar.
3. Nakapaglulunsad ng alinman sa mga sumusunod na gawaing pangkomunikasyon ng
lektyur o lecture, simposyum o symposium, worksyap, pantas-ara o seminar sa paksang
mapagpapasyahan ng klase.

A. Lektyur o Lecture
Ang lektyur ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan
na kailangan ng tao para sa isang partikular na paksa. Maraming halimbawa ang lecture tulad ng
sermon ng pari sa kanilang homiliya, pagbebenta ng mga negosyante sa kanilang target na
mamimili. Karaniwang nakatayo sa harap ng maraming tao sa isang silid o tiyak na lugar upang
maisagawa ang pagatatalakay ng paksa.
Naniniwala si Bligh (1972) na ang lektyur ay isang paraan ng pagtalakay sa pamamgitan
ng walang tigil na pagsasalita ng dalubguro. Ang nasabing gawain ay maaaring maging
one way learning o active learning na nakadepende sa estratehiya ng guro sa isang klaseng
pangwika kung kaya nabuo ang konsepto na hindi dapat ikahon sa apat na sulok na lamang ng
silid-aralan ang klase.
Mahalagang salik na kailangang isaalang-alang ng lektyurer sa pagbuo ng lektyur ay
Layunin, Nilalaman at Istruktura at Mahahalagang kakanyahan ng isasagawang lektyur.
Mungkahi sa epektibong lektyur ay ang pagkakaroon ng kahandaan, pagkakaroon ng
pokus, pakikilahok ng mga tagapanood/tagapakinig at pagkuha ng komento o pidbak.
Mga Mungkahi sa Epektibong Lektyur o Lecture

CAPSU- Main | 62
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Inilahad sa https://teachingcommons.stanford.edu/resources (nd) ang isang talaan upang maging


epektibo ang lektyur o lecture.
1. Pagkakaroon ng kahandaan
2. Pagkakaroon ng pokus
3. Pakikilahok ng mga tagapanood o tagapakinig
4. Pagkuha ng komento o feedback
Pagkakaroon ng Kahandaan
Isa sa mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng lectyur ay ang pagkakaroon ng layunin ng
isinasagawang pagtatalakay. Ito ang bahagi na siyang magbibigay ng direksyon sa gawain at
siyang magdidikta sa mga bagay na dapat matutunan ng mga kasali sa lektyur o lecture at kung
bakit ito dapat na matutunan.
Ang magsasagawa ng lektyur ay kailangang bumuo ng balangkas at mga katulong na
audiovisuals na any pagsasaalang-alang sa inetres ng mga inaasahang tagapakinig o tagapanood
upang makuha ang kanilang atensyon sa isasagawang lektyure o lecture.
Kung sakali man na ang magsasagawa ng lektyur o lecture ay madalas na kabahan sa
tuwing humaharap sa maraming tao, makatutulong ang ibayong paghahanda
upang mapaglabanan ang kaba at takot. Maaring isulat ang inyong panimula at gawan
ito ng pagsasanay bago ang itinakdang araw ng lektyur o lecture.

Pagkakaroon ng Pokus
Makatutulong din ang pagkakaroon ng pokus upang maayos na maisaktuparan ang
gagawing lektyur o lecture. Maaring mapagtagumpayan ang layuning ito kung isasaalang-alang
ang mga sumusunod na mungkahi.
5. Pagbibigay ng lima o mababa pang puntos ng pagtatalakay sa lektyur o lecture.
6. Pagsasagawa ng masining biswal na gabay at mga halimbawa upang bigyan ng diin ang
mga puntos na tinatalakay.
7. Ang pamamahagi ng balangkas sa mga mag-aaral o participant ng lektyur ay maari ring
makatulong sa makabuluhang pagtatalakay.
8. Pagbibigay ng diin sa layunin at mahahalagang puntos sa panimula ng pagtatalakay at
maging sa pagbubuod nito.

Pakikilahok ng Tagapakinig o Tagapanood


Tungkulin ng nagsasagawa ng panayam o lecture na pahalagahan ang kanyang mga
taga[akinig, manood, at lahat ng participant upang maging makabuluhan ang anumang kaniyang

CAPSU- Main | 63
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

gagawing pagtatalakay. Masasabi na hindi napagtatagumpayan ng tagapanayam ang kanyang


tungkulin kung ang karamihan sa mga participant ay uuwi na hindi nakuntento sa lektyur o
lecture.
Upang mapagtagumpayan ang layuning ito, iminumungkahi ang mga sumusunod:
1. Kilalanin kung sino ang participant o kalahok sa lektyur upang maiangkop ang
kahandaan ng makikipanayam o lecturer sa interes o bagay na makapupukaw ng kanilang
atensyon.
2. Maaring lagyan ng drama ang pagtatalakay katulad ng paggamit ng sipi, biswal, anekdota,
at iba pang mga material na mag kaugnayan sa paksa.
3. Maaring gumamit ng niba’t ibang estratehiya upang mapukaw ang atensyon ng bawat
participant sa pakikiisa sa lektyur o lecture katulad ng mga sumusunod: paggamit ng
multimedia, pakikipagbaliktaktakan, maliit na pagpapangkat o small- group techniques,
at marami pang iba.
4. Iugnay ang pagtalakay sa mga bagay na makatotohanan para sa mga participant batay sa
kani-kanilang mga karanasan.
5. Gawing aktibong participant ang mga kalahok sa pamamagitan ng manaka-nakang
pagtawag sa kanilang atensyon o kaya ay pagtatanong.

B. Simposyum o Symposium
Ito ay isang pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na kung saan ang mga
partisipant ay mga paham o eksperto sa kani-kanilang larangan. Dito tinatalakay ang mga
opinyon ng mga paham sa isang partikular na paksa na maaaring magkaroon ng malayang
talakayan matapos makapagsalita ang isang indibidwal.

C. Pantas-aral o Seminar
Pormal na akademikong instruksyon na maaaring ibigay ng isang pamantasan o kolehiyo,
komersyal o propesyunal na organisasyon. Tungkulin nitong lipunin ang mga maliit na pangkat
para sa mahalagang pag-uusap sa isang paksa. Ang magsasagawa ng seminar ay lagging handa
upang maisguro ang pagiging epektibo sa iniaatas na paksa at sa madla.

CAPSU- Main | 64
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Upang mapagtagumpayan ang naturang seminar, kinakailangan ang mga sumusunod na


sangkap tulad ng Layunin, Paksa, Tagapagsalita, Manonod/Tagapakinig o dadalo at Pagdarausan.

D. Worksyap o Workshop
Kinabibilangan ng mga elementong taglay ng isang seminar bagamat ito ay nakapokus sa
“hands-on-practice” na idinisenyo upang aktwal a magabayan ng tagapagsalita o tagapangasiwa
ang mga partisipant sa pagbuo ng isahang output na bahagi ng pagtalakay.
Ayon nga kay Jolles (2005), ang training workshop ay mayroong dalawang anyo:
General workshop na ibinibigay sa magkakaibang partisipant at closedworkshop na
inihanda batay sa pangangailangan ng espisipikong pangkat ng tao.
Sa proseso ng pagbuo ng worksyap mayroong tatlong hakbang na kailangang matugunan
at ito ang mga sumusunod:
1. Pagpaplano – kabilang na rito ang paksa, partisipant, bilang ng partisipant, oras na
laan, mga gawaing nakahanda, mga kagamitan at presentasyon.
2. Paghahanda – kabilang na ang lugar ng pagdarausan, kagamitan na kailangan sa
aktwal na worksyap, pagkain para sa partisipant at tagapagsanay, dokumentasyon at
ebalwasyon.
3. Implementasyon – na binubuo ng panimula, nilalaman at wakas.

E. Kumperensya o Conference
Ito ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong na kung saan ang partisipant ay
bibigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng kani-kanilang pagtalakay sa iba’t ibang paksa sa
iba’t ibang larangan. Mas malawak ang delegado ng kumperensiya kaysa simposyum.
Sa pagpaplano ng kumperensiya, kinakailangang isaalang-alang ang mga sumusunod:
4. Pagpapasya sa tema;
5. Magpasya sa mga maaaring makasama sa pangkat;
6. Ihanda ang plano para sa budget at paggugulan nito;
7. Paghahanap ng sponsor para sa mga gastusin;
8. Pagpapasya sa araw at lugar na pagdarausan;
9. Pagpapatala at promosyon; at
10. Pagpapasya sa mangangasiwa sa iba’t ibang komite; 8.
Ang mga komite ay nahahati sa pito at ito ang mga sumusunod:

CAPSU- Main | 65
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

1. Komite para sa Pagpaplano


2. Komite para sa Administrasyon
3. Komite para sa Promosyon ng gawain
4. Komite para sa mga mamamahala sa isponsor
5. Komite para sa Dokumentasyon
6. Komite para sa Ebalwasyon
7. Komite para sa Seguridad

F. Iba pang Gawaing Kinasasangkutan ng Komunikasyon


8. Taunang Pangkalahatang Pagpupulong (Annual General Meeting). Ito ay pagpupulong
ng mga shareholder ng isang korporasyon kung saan ang bawat isa ay binibigyan ng
pagkakataon na alamin sa mga Board o Directors o Board of Trustees kung ano ang
progreso ng organisasyon. Sa pagkakataong ding ito karaniwang ginaganap ang eleksyon
para sa mga bagong Board of Directors.
9. Ang Conclave ay karaniwang inuugnay saa eleksyon ng bagong Santo Papa, subalit,
hindi ito nangangahulugan na ito ay para lamang sa okasyong ito. Maaaring ding gamitin
ang conclave sa mga sikretong pag-uusap o closed door meetings na kinasasangkutan ng
mga indibidwal na makapangyarihan at maimpluwensya.
3. Ang Galas ay tumutukoy sa glamorosong okasyon na kinabibilangang ng malaking
hapunang piging (dinner party) na may kasamang kasiyahan at paggawad ng parangal.
Ang kasuotan ng mga kalahok ay pormal at magarbo.
4. Ang Bangkete (Banquets) ay katulad din ng gala sa antas ng pananamit ng mga kalahok
at lugar na pagdarausan nito. Ito ay piging na karaniwang inihahanda ng malalaking
kumpanya para iangat ang moralidad ng kanilang mga manggagawa.
5. Paglulunsad ng mga produkto (product launching). May mga industriya na
isinasagawa ang malawakang paglulunsad ng kani-kanilang mga produkto upang
makakuha ng mataas na antas pagkilala ang kanilang mga produkto. Karaniwan silang
nagbibigay ng halimbawa o sample ng mga produkto ng kanilang ipinakikilala.
6. Pabilog na talakayan(round table discussion). Ang bilog na hapag ay naglalarawan ng
pagkakapantay-pantay ng mga partisipant sa gawaing ito. Bawat isa sa kanila ay kani-
kanilang karapatan na mapakinggan at maging bahagi ng pagtalakay bagamat mayroong
isang pangunahing tagapagsalita (key note speakers). Malaking bahagi ng gawaing ito
ang talakayan o diskusyon.

CAPSU- Main | 66
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

7. Small Group Communication. Ang komunikasyong ito ay kinasasangkutan ng tatlo o


higit pang kasapi ng pangkat na ang layunin ay impluwensyahan ang iba gamit ang berbal
at di-berbal na komunikasyon. Ito ay kadalasang makikita sa simbahan, tindahan,
palengke o umpukan.
8. Pampublikong Komunikasyon. Isang konteksto na nangangailangan ng paghahanda
dahil sa pormal nitong kakanyahan na kung ikukumpara sa komunikasayon sa isang
maliit na pangkat. Kadalasan itong nagaganap sa mga bulwagan, silid-aralan at ballrooms.
9. Konggreso. Ito ay karaniwang ginagawa taun-taon sa bawat disiplina, binibigyan ng
pagpapahalaga ang mga tagumpay at mga nakamtan ang isang larangan. Karaniwan itong
dinadaluhan ng mga pinuno sa larangan, at nagtatampok sa mga serye ng pagtalakay.
10. Break out session. Ito ay bahagi ng isang malaking konperensya na dinisenyo o inayos
upang gumawa ng mas maliit na pangkat na laan lamang para sa mga indibidwal na nais
makibahagi sa mga espisipikong pagtalakay sa sesyon na ito.
11. Press Conference. Ang press conference ay inoorganisa o binubuo ng isang taong laman
ng mga balita upang linawin ang usapin hinggil sa kanya, magbigay ng tiyak na
impormasyon, at bigyan ng pagkakataon ang media na makapagbigay ng mga kaugnay na
katanungan sa usapin hinggil sa kanya.
12. Komunikasyong Social Media. Isa sa mga gamiting uri ng komunikasyon ang social
media tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Youtube at marami pang iba sa
pamamagitan ng pagpapaaskil ng larawan, artikulo, impormasyon o mga balita na hindi
nakikita o naririnig sa mga telebisyon at radyo.
13. Video Conferencing. Ang interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang taong nasa
magkaibang lokasyon sa pamamagitan ng pagtatawagan na may kasamang video.
Kadalasang ginagamit ito ng mga kumpanya para sa mga satellites sa ibang lokasyon,
mga OFW at sa mga negosyante.
14. Panayam o interview. Ito ay pormal na pakikipag-usap ng isang tao sa iba pang tao
upang makakuha ng mga kinakailangang impormasyon para sa espisipikong layunin
katulad ng pangangalap ng balita at paghahanap ng posibleng empleyado sa isang
kumpanya. Mainam na gumamit ng interview protocol o talaan ng mga taong na
maaaring ipukol sa isag indibidwal upang makakuha ng kinakailangang impormasyon.

CAPSU- Main | 67
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Ang katanungan ay maaaring ikategorya sa: (1) pangunahing katanungan, at (2)


sekondaryang katanungan.
Ang pangunahing katanungan ay mga panimulang katanungan tungkol sa pangunahing
paksa ng panayam, samantalang ang sekondaryang katanungan ay ang mga
kasunod na katanungan nakabatay sa mga naunang tanong.
Ang katanungan ay maaari ring bukas (open) o sarado (closed). Malawak ang sakop ng
bukas o open na katanungan sap unto na higit nitong binibigyan ng kalayaan ang bawat isa na
tumugon sa tiyak na impormasyon, opinyon, at nararamdaman. Ang tanong ay sarado o closed
kung ang dapat tumugon ay walang opsyon liban sa oo o hindi na kasagutan.
Bukod sa kategoryang nabanggit, ang katanungan ay maaari ring walang
pinapanigan(neutral) o nagtuturo (leading) na mga katanungan. Ang walang pinapanigan o
neutral na katanungan ay hindi nagdidikta ng kasagutan sa mga tinatanong samantalang ang
nagtuturo o leading na mga katanungan ay mga katanungan na sinasabi sa mga kapapanayamin
kung ano ang nararapat nilang kasagutan sa tanong.

CAPSU- Main | 68
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:


Iskor:

Yunit I Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na


Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa
PAGSASANAY 1
Panuto: Bigyang pagpapakahulugan at talakayin ang mga sumusunod.
6. Wikang Filipino

7. Wikang Opisyal

8. Pangulong Manuel Luis M. Quezon

9. Surian ng wikang Pambansa

10. Mga opisyales ng SWP

CAPSU- Main | 69
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:

Iskor:
PAGSASANAY 2
Panuto: Talakayin ang iyong pananaw hinggil sa mga sumusunod.

2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner


laban sa CMO 20, Series 2013:

e. Ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura,


kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan.

f. Dudulo ang panghihina at kamatayang ito ng mga Pilipno bilang nagkakaisang


mamamayan at may pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na
bansa—mga baya na nilayong iwasan ng mga nagbalangkas ng Kostitusyon at ng
sambayanang nagratipika nito.

g. Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang


implementasyon ng CMO no. 20 sa pamamagitan ng temporary restraining order at/o
writ of preliminary injuction., tuluy-tuloy na maipatupad ng CHED ang isang
kurikulum na anti-Filipino, anti-nasyonalista at tahasang lumalabag sa konstitusyon.

CAPSU- Main | 70
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

h. Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura, pagkabansa,


pagkakaisa, at demokrasya.

CAPSU- Main | 71
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:


Iskor:

PAGSASANAY 3

Panuto : Ilagay ang titik ng tamang sagot sa patlang na inilaan.


1. Ang mga sumusunod ay ang ating mga lider na makabayan sa kasaysayan ng wikang
pambansa maliban sa isa :
a. Cecilio Lopez
b. Teodoro Kalaw
c. Lope K. Santos
d. Jose Rizal
2. Anong taon ginawa Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang
Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon.
a. 1934
b. 1997
c.1935
d. 1943
3. Anong petsa Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha
ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at
pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
e. Nobyembre 8, 1936
f. Abril 1, 1940
g. Nobyembre 7, 1936
h. Disyembre 30, 1937
4. Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang
Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog sa anong taon ?
i. Nobyembre 8, 1936
j. Disyembre 30, 1938
k. Nobyembre 7, 1936
l. Disyembre 30, 1937

5. Sa anong taon ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng


paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
m.Abril 1, 1940
n. Disyembre 30, 1938
o. Abril 1, 1942
p. Disyembre 30, 1937
6. Anong taon pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa
Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
a. Hunyo 6, 1942
b Hunyo 7, 1940
c. Hunyo 9, 1941
d. Hunyo 8, 1940

CAPSU- Main | 72
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

7. Anong taon nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa


taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang
petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
a. Marso 27, 1954
b Hunyo 7, 1940
c. Marso 26, 1954
d. Hunyo 8, 1940
8. Anong taon tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at
tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
a. Agosto 12, 1959
b Hunyo 7, 1940
c. Agosto 13, 1959
d. Oktubre 24,
1967
9. Anong tao nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang
lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
a. Agosto 12, 1959
b Hunyo 7, 1940
c. Agosto 13, 1959
d. Oktubre 24,
1967
10. Anong taon ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan
na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay
maisulat sa Pilipino.
a. Agosto 7, 1973
b Hunyo 7, 1940
c. Marso, 1968
d. Oktubre 24,
1967

CAPSU- Main | 73
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan:
Taon/Seksyon:
Petsa:
Iskor:

YUNIT II PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON


PAGSASANAY 1
A. Sagutan nang buong husay ang hinihingi ng sitwasyon.
Sitwasyon 1. Pinaniniwalaan ng nakababata mong kapatid na ang katahimikan ay maituturing na
walang kabuluhan at kailanman ay hindi makapagdudulot ng di-berbal na komunikasyon.
Pinaniniwalaan din niya na ang inbox ng telepono na walang nakasulat na kahit ano ay hindi rin
maituturing na komunikasyon. Ipaliwanag ang iyong pananaw hinggil sa kanyang
pinaniniwalaan.

Sitwasyon2. Sakay ng tricycle si Mario nang biglang nag-ring ang kaniyang telepono dahil
tumatawag ang kaniyang asawa na si Jovid. Ipinaalala ni Jovid sa kanyang asawa na kailangan
nitong bumili ng XXL na diaper para sa kanilang anak na si Jewel. Ang kanilang mga anak na
sina Juris at Jodie ay humiling rin ng pasalubong na chocolate milk sa kanilang ama. Bago
umuwi ng kanilang bahay, si Mario ay nagtungo muna sa isang convenience store para bumili ng
large na diaper at pasalubong na yakult para sa kanilang mga anak.Ang mga pinamili ni Mario sa
convenient store ay batay lamang sa kaniyang pag-unawa sa komunikasyong namagitan sa kanila
ng kaniyang asawa habang siya ay sakay ng tricycle. Talakayin ang nagging proseso ng
komunikasyon sa sitwasyong binasa. Ano sa iyong palagay ang dahilan kung bakit hindi nagging
tugma ang layuning pangkomunikasyon ng nagpahattid(sender) ng mensahe sa tumanggap ng
mensahe(receiver)? Kung babaguhin ang nagging daloy ng komunikasyon sa sitwasyong binasa,
ano ang maimumungkahi mo upang maging matagumpay ang buong proseso ng komunikasyon?

CAPSU- Main | 74
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan:
Taon/Seksyon:
Petsa:
Iskor:

PAGSASANAY 2
A. Komunikasyon. Punan ang dayagram o modelo ng komunikasyon batay sa napag-aralan
hinggil sa elemento, proseso, uri at anyo ng komunikasyon gamit ang graphic organizer na ito.

CAPSU- Main | 75
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:


Iskor:

PAGSASANAY 3
Panuto : Ilagay ang titik ng tamang sagot sa patlang na inilaan.
1. Ano ang uri ng komunikasyon na ginagamitan ng wika na maaaring pasulat o pasalita.
a. Komunikasyong Berbal
b Komunikasyong Di-Berbal
c. Intrapersonal
d. Interpersonal
2. Ang komunikasyong ito ay hindi ginagamitan ng wika bagkus kilos o galaw ng
katawan lamang ang gagamitin sa paghahatid ng mensahe tulad ng pagtango, pagkindat at
pagkaway na halimbawa ng senyas.
a. Komunikasyong Berbal
b Komunikasyong Di-Berbal
c. Intrapersonal
d. Interpersonal
3. Anyo ng Komunikasyon na isang self-meditation na anyo ng komunikasyon na
kinakausap ng tao ang kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal.
a. Komunikasyong Berbal
b Komunikasyong Di-Berbal
c. Intrapersonal
d. Interpersonal
4. Ito ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na umaasa sa mensaheng
inihatid at tugon sa kausap.
a. Komunikasyong Berbal
b Komunikasyong Di-Berbal
c. Intrapersonal
d. Interpersonal
5. Sa komunikasyong ito nagaganap ang linyar na komunikasyon na ibig sabihin,
natatapos ang komunikasyon kapag naiparating na ng nagpapadala ng mensahe sa kanyang
tagapakinig.
a. Pangmadla
b Pampubliko
c.
Intrapersonal
d.
Interpersonal
6. Magkatulad ito sa pampubliko ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan sa paghahatid
ng impormasyon dahil sa komunikasyong ito, ginagamitan ito ng elektroniko tulad ng cellphone,
telebisyon at radyo.
a. Pangmadla
b Pampubliko
c.
Intrapersonal
d.
Interpersonal
7. Tinatawag CAPSU- Main | 76
din siya bilang
communicator o
source sa element ng
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

c. tagapaghatid
d. tsanel
8. Ito ay naglalaman ng opinyon, kaisipan at damdamin na karaniwang nakabatay sa
paniniwala at kaalaman ng ng tagahatid patungong tagatanggap upang magkaroon ng
komunikasyon.
a. mensahe
b tagatanggap
c. tagapaghatid
d. tsanel
9. Ang nagbibigay ng kahulugan sa naturang mensaheng inihatid ng tagapaghatid na
tumutugon sa mensaheng natanggap.
a. mensahe
b tagatanggap
c. tagapaghatid
d. tsanel
10. Ang konteksto sa komunikasyon ay nahahati sa limang kategorya. Maliban sa :
a.Sosyal
b Pisikal
c. Kultural
d. Sikolohikal

CAPSU- Main | 77
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:


Iskor:

YUNIT III MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO


PAGSASANAY 1
A. Panuto: Paghambingin ang mga sumusunod na konsepto. Magbigay ng
ilustrasyon hinggil sa mga konsepto.

Tsismisan at Umpukan
1. Tsismisan Umpukan

Ilustrasyon

2. Pulong Bayan at Talakayan

Pulong Bayan Talakayan

Ilustrasyon

Pangalan:

Taon/Seksyon:
Petsa:
Iskor:
CAPSU- Main | 78
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

PAGSASANAY 2

A. Pagsasagawa ng review sa mga gawaing pangkomunikasyon


Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Maaaring mamili sa mga piling pelikulang Die
Beautiful, Sister Stella L at Heneral Luna at suriing mabuti ang mga gawaing
pangkomunikasyon na maoobserbahan sa pelikula. Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit
ang dalawa hanggang tatlong pangungusap at ipaskil ang sagot sa social media page na ginawa
ng guro para sa inyo. Narito ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang kontribusyon ng mga naobserbahang gawaing
pangkomunikasyon sa
pangkalahatang naratibo at iniwang aral ng pelikula?

2. Paano natulungan ng mga gawaing pangkomunikasyong ito ang bida sa pelikula upang
maharap ang mga hamon na itinampok sa kwento?

CAPSU- Main | 79
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon:
Petsa:
Iskor:
PAGSASANAY 3
A. Komunikasyong Di-berbal: Sumulat ng talata upang mabigyan ng angkop na
pagpapaliwanag ang sumusunod na di-berbal na komunikasyon.
1.Pagkindat

2. Pagpapakita ng kamao

3. Paggamit ng bandilang pula

4. Pagpapalaki ng mata at ilong

5. Pag-angat ng dalawang balikat

6. Pagkagat ng labi

7. Pagsusuot ng blusang puti

8.Pananahimik

CAPSU- Main | 80
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

9.Pagiging huli sa oras na pinag-usapang tagpuan

10.Pagkakagulo ng tao

CAPSU- Main | 81
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:


Iskor:

PAGSASANAY 4
A. Tama o Mali
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali ang isinasaad ng pangungusap.
Isulat ang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.

1. Sa anyo ng komunikasyong di- berbal nahahati ang oras(chronemics) sa tatlong uri.


2. Ang Di-tuwirang ekspresyon ang pagpapahayag ng katotohanan kaya mayroon
tayong birong totoo, may halong hibla ng katotohanan at halos walang katotohanan
pero naghahamon o nang-uuyam o fishing
3. Proksimika ay gamit ang espasyo, pinaniniwalaang ang agwat ng tao sa kapwa ay
may
kahulugan na maaaring mabuo sa pananaw ng tagatanggap ng mensahe tulad ng nag- uusap
na malapit ang distansya.
4. Mga dapat iwasan sa pulong ay bara-bara na pulong na walang sistema ang pulong.
Ang lahat ay gustong magsalita kaya nagkakagulo, kaya dapat ang “house rules”.
5. Ang katangian ng mabuting pagtalakay ay kaisahan at pokus na ang dalubguro ang
tagapamagitan ng impormasyon o kaisahan sa klase kung kaya’t marapat lamang na
handa siya sa pagpapanatili ng kaisahan at pokus sa klase.

6. Ang Paralanguage ay tumutukoy sa linggwistikong tunog na may kaugnayan


sa pagsasalita tulad ng intonasyon, bilis at bagal sa pagsasalita o kalidad ng boses.
7. Sabi ni Rico Blanco sa kanta niyang “Chismis”, ang tsismis ay ang pambansang virus
ng bansa.
8. Walang malaking papel ang pulong sa pagsasagawa ng regulasyon at batas na
nais ipatupad lalo na’t may direktang epekto ito sa mga mamamayan.
9. Mga dapat iwasan sa pulong ay pagtalakay sa napakaraming bagay hindi na
nagiging
epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng
nagpupulong.
10. Paghaplos (Haptics) ay karaniwang kinabibilangan ng paghaplos o pagdampi na
maaaring bigyang pakahulugan ng taong tumatanggap ng mensahe sa paraan ng
paghaplos nito tulad ng pagtapik sa balikat na waring nakikiramay o pagbati.

CAPSU- Main | 82
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:


Iskor:

YUNIT IV MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT INTERNASYUNAL


PAGSASANAY 1
A. Maghanap ng mga larawang hinggil sa mga napapanahong isyu o usapin at pagkatapos ay
gawin itong isang collage. Bigyan ng masining na pagpapaliwanag ang nasabing collage.
PAGSASANAY 2
Panuto: Pumili ng dalawa sa mga sumusunod na larawan hinalaw sa larawan sa ibaba para sa
isang sanysay. https://www. Google.com/search?q=social+issues+images&client=firefox-_

CAPSU- Main | 83
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:


Iskor:

SANAYSAY 1

CAPSU- Main | 84
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon:
Petsa:
Iskor:
SANAYSAY 2

CAPSU- Main | 85
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:


Iskor:

PAGSASANAY 3
TAMA O MALI : Ilagay ang salitang TAMA kung an gang pahayag ay wasto at ilagay ang
salitang MALI kung ang pahayag ay hindi wasto.
1. Kung wala ang kapangyarihan walang pwersang makapagbibigay ng pangil
para sa mabuting pagtanggap ng lipunan sa maayos na implimentasyon ng isang tungkulin.
2. Walang tao sa Pilipinas o sa ibang bansa man na labis-labis ang kapangyarihan.
Mayroon itong limitasyon at hangganan.
3. Ito ay hindi maaring sabihing isa itong krimen ng pandaraya, panloloko sa iba
para sa kanilang mga karapatan upang makuha ang isang adhika na labag sa batas na karaniwan
ay sa pamamagitan ng pandaraya o paggamit ng hindi patas na kamalayan.
4. Ito ang ilang mahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa
eleksyon ay ang Manipulasyon ng eleksyon, ang pagtanggal ng karapatan ng isang tao na
bumoto , Manipulasyon ng dimograpiya.
5. Sa ilalim ng Artikulo 218 ng Kodigo Penal ng Pilipinas ay binigyan ng
depinisyon ang krimen ng maling paggamit ng pondo o ari-arian ng bayan. Inilatag din sa
parehong probisyon ang pagpapalagay (presumption) sa ganitong krimen.
6. Ang graft at korapsyon ay magkaparehong konsepto sa pagkuha ng personal na
benepisyo mula sa transaksyong pamahalaan.
7. Pinaniniwalaan ng mag-akda na ang konsepto ng kabayanihan ay nagbabago
batay sa panahon at pagtanaw at sikumstansya ng taong tumitingin dito.
8. Ang RA 9003 o Ecologocal Solid Waste Management Act of 2000 ay isang
batas na mayroong kaugnayan sa basura.
9. Isa sa mga sakit ng lipunan ang kahirapan na hindi nalulunasan sa kasalukuyan
na inilalarawan sa kawalan ng pag-aaring materyal na maaari gamitin upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay.
10. Ang kawalan ng maayos na tirahan masisilungan ng isang pamilya ay hindi
maituturing na suliraning matagal ng kinakaharap ng maraming mamamayang Pilipino.

CAPSU- Main | 86
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:


Iskor:

YUNIT V MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON


PAGSASANAY 1
Tiyak na Gawaing Pangkomunikasyon. Basahing mabuti ang sitwasyon at pagkatapos ay
ibigay ang hinihingi nito.
Sitwasyon 1. Nais maglunsad ng isang kumperensiya hinggil sa wikang Filipino ang Southern
Christian College. Isanlibong katao ang nagbigay ng kumpirmasyon na dadalo sa nasabing
kumperensiya ngunit isang araw lamang ang inilaan ng mga nag-organisa para ito ay magkaroon
ng mplementasyon. (Magsisilbing takdang aralin at iimprenta sa buong short bond paper)
1. Ano kayang pamamaraan ang maaaring gamitin ng mga namamahala ng kumperensiya
upang hindi kabagot-bagot ang kumperensiya?
2. Ano-ano kaya ang dapat na isaalang-alang ng mga namamahala upang maayos na
maisakatuparan ng mga tagapagsalita ang kanilang tungkulin?
3. Paano kaya kung ang budget ba laan sa pinakamahusay na tagapgsalita ay hindi tumugma
sa hinihinging presyo nito, ano kaya ang dapat na maging solusyon dito?
A. Pagsasagawa ng Simulasyon. Idaraos ngayong buwan ang ikatlong pagpupulong ng
inyong Regional Development Committee na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng
gobyerno at advocacy groups. Naatasan ka bilang kinatawan ng isa sa mga ahensya ng
pamahalaan/advocacy groups. Mamili sa mga sumusunod na ahensya. (Pagpangkatin ang
klase sa lima)
1. Sektor ng Edukasyon
2. Opisina ng Gobernador
3. National Economic Development Authority
4. Department of Social Welfare and Development
5. Department of Health
6. Gender and Development Advocacy Groups
7. Department of Environment and Natural Resources
8. Department of Interior and Local Government

CAPSU- Main | 87
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Magkakaroon ng pagpupulong ang bawat ahensya/pangkat at bibigyan ng isang oras na


pagpupulong at ilalahad sa klase ang nais isagawang proyekto na magagamit o maaaring
maimplementa sa Southern Christian College. Gawan ng powerpoint presentation at bibigyan
lamang 15 minuto upang ilahad ang proyekto.
Narito ang mga kinakailangan mailahad:
Background at Budgetary Time Frame Ebalwasyon ng
Pangangailangan na isagawa Requirement Programa
ang Proyekto

CAPSU- Main | 88
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Pangalan: Taon/Seksyon: Petsa:


Iskor:

PAGSASANAY 2
A. Pagtatapat-tapat: Panuto: Pag-ugnayin sa Hanay B ang kasagutan sa mga katanungan sa
Hanay A.
HANAY A HANAY B
1.Ito ay mga panimulang katanungan tungkol sa a. Small Group
pangunahing paksa ng panayam. Communication
2. Ito ay pormal na pakikipag-usap ng isang tao sa
iba pang tao upang makakuha ng mga
b. Kumperensya o
kinakailangang impormasyon para sa espisipikong
Conference
layunin

3. Pormal na akademikong instruksyon na maaaring


ibigay ng isang pamantasan o kolehiyo, komersyal o
c. Lektyur o Lecture
propesyunal na organisasyon.

4. Oral na presentasyon ng mga impormasyon o


karunungan na kailangan ng tao para sa isang
d. Pangunahing Katanungan
partikular na paksa.

5. Anyo ng training workshop na inihanda batay sa


pangangailangan ng espisipikong pangkat ng tao. e. Video Conferencing

6. Ang komunikasyong ito ay kinasasangkutan ng


tatlo o higit pang kasapi ng pangkat na ang layunin
f. Pabilog na talakayan(round
ay impluwensyahan ang iba gamit ang berbal at di-
table discussion)
berbal na komunikasyon.

7.Ito ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong


na kung saan ang partisipant ay bibigyan ng
pagkakataon na makapagbigay ng kani-kanilang g. closed workshop
pagtalakay sa iba’t ibang paksa sa iba’t ibang
larangan.
8.Anyo ng training workshop na ibinibigay sa
magkakaibang participant h. Panayam o interview

9. Ang interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang


taong nasa magkaibang lokasyon sa pamamagitan ng
i. General workshop
pagtatawagan na may kasamang video

10. Ang bilog na hapag ay naglalarawan ng


pagkakapantay-pantay ng mga partisipant sa j. Pantas-aral o Seminar
gawaing ito.

CAPSU- Main | 89
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

CAPSU- Main | 90

You might also like