Ang parabula ay isang uri ng salaysay na sumusunod
sa mga elemento ng maikling kwento. Ngunit kaiba sa maikling kwento, may tiyak na layuning magbigay ng aral ang mga parabula. Gumagamit ito ng talinghaga upang ilahad ang sitwasyong makapagdudulot ng aral sa mga mambabasa. Layunin ng Parabula 1. Ito ay nangangaral o nagbibigay-payo sa mga mambabasa. 2. Nagpapahiwatig ito ng kabanalan at gawaing makabuluhan na nakapagpapataas sa antas ng moralidad ng tao. 3. Layunin nito na mapalaganap ang mensahe at aral ng Banal na Kasulatan. 4. Layunin din nito na maiugnay ang Banal na Kasulatan sa tunay na buhay. 5. Maaari itong gawing gabay sa pang-araw-araw na Gawain at pagtahak sa tamang landas ng buhay.