You are on page 1of 3

FERLYN S.

QUIDOLES 10-GALILEO 8/26/22

PANANALIKSIK

(Para sa pangkatang Gawain)

Magpangkat-pangkat at magsaliksik ng iba’t ibang mga kuwentong mula sa mitolohiyang Gresya o


Romano. Bilang isang pangkat isulat ang buod nito at ibahagi sa klase.
PAG-UUGNAY

(Indibidwal na Gawain)

Sagutin ang mga sumusunod na kasagutan.

1. Noong unang panahon ang paniniwala ng mga tao ay may buhay ang mga diyos at diyosa ng
Olympus. Paano ito nakakaapekto sa kanilang buhay noon? Bumanggit ng ilang kasagutan mula
sa kwentong narinig o napanuod.
Nakakaapekto ang mga ito sa kanilang pamumuhay sa paniniwalang sila ay laging
pinapanood ng kanilang mga kinikilalang diyos/diyosa kung kaya’t mas pinipili nilang
gumawa ng mabuti upang sila ay hindi maparusahan ng mga ito o kung hindi naman sila
ay nagaalay ng mga sakripisyo.

2. Paano nakapagbibigay ng pag-asa sa buhay ng tao ang mga kuwento ng mitolohiya?


Ito ay nakakapagbigay sa kanila ng pagasa sa paniniwalang sila ay lagging
pinoprotektahan ng kanilang mga diyos/diyosa sa kahit ano mang unos. Naniniwala din
sila na may kakayanang buhayin ng mga diyos ang kanilang kapamilyang namatay.

3. Paano nakapagtuturo ng kagandahang-asal ang mga mito?


Nakakapagturo ito ng kagandahang asal sa mga mamamayan sa dahil na rin sa kanilang
sariling paniniwala. Sila ay palaging pinapanood ng kanilang diyos/diyosa kung kaya’t
upang makaiwas sa parusa mas pinipili nilang maging mabuting kapwa.

4. Upang higit na mapalapit sa kalooban ng mga tao ang kuwentong mito, inilarawan ng mga
kwentista ang mga diyis at diyosa na katulad ng tao- na may damdaming natutuwa, nalulungkot,
nagagalit, namamangha at iba pa.

A. May pagkakataon bang nagalit ang isang diyos sa isa pang diyos o diyosa?
Oo, may pagkakataong nagkakagalit ang mga diyos/diyosa sa isa’t isa. Ito ay
maaring dahil may nagawa ang isang diyos/diyosa na hindi kaaya aya sa tingin ng
kanyang kasamahan.

B. May pagkakataon bang pinarusahan ng mga diyos ang isang nilalang?


Oo, mayroong pagkakataong pinarusahan ng mga diyos ang isang nilalang. Isang
halimbawa nito ang metolohikal na nilalang na si Medusa.

You might also like