You are on page 1of 36

BANAL

NA
SANTO
ROSARY
Halina ating dasalin ang Santo Rosaryo

Sa Ngalan ng
Ama, at ng
Anak at ng
Espiritu Santo.
Amen
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa
ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng
Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa karoroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa
kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula’t
paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, Sa Banal na Simbahang
Katolika, sa kasamahan ng mga banal;
Sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay
na tao, At sa buhay na walang hanggan. Amen.
AMA NAMIN, SUMASA-LANGIT KA. SAMBAHIN
ANG NGALAN MO. MAPASA AMIN ANG
KAHARIAN MO. SUNDIN ANG LOOB MO DITO
SA LUPA PARA NANG SA LANGIT.
 
BIGYAN MO KAMI NGAYON NG AMING
KAKANIN SA ARAW-ARAW. AT PATAWARIN MO
KAMI NG AMING MGA SALA, PARA NANG
PAGPAPATAWAD NAMIN SA MG
NAGKAKASALA SA AMIN. AT HUWAG MO
KAMING IPAHINTULOT SA TUKSO, AT IADYA
MO KAMI SA LAHAT NG MASAMA. AMEN.
ABA GINOONG MARIA, NAPUPUNO KA
NG GRASIYA, ANG PANGINOONG DIYOS
AY SUMASAIYO. BUKOD KANG
PINAGPALA SA BABAENG LAHAT AT
PINAGPALA NAMAN ANG IYONG ANAK
NA SI HESUS.

SANTA MARIA, INA NG DIYOS


IPANALANGIN MO KAMING
MAKASALANAN NGAYON AT KUNG
KAMI'Y MAMAMATAY. AMEN.
ABA GINOONG MARIA, NAPUPUNO KA
NG GRASIYA, ANG PANGINOONG DIYOS
AY SUMASAIYO. BUKOD KANG
PINAGPALA SA BABAENG LAHAT AT
PINAGPALA NAMAN ANG IYONG ANAK
NA SI HESUS.

SANTA MARIA, INA NG DIYOS


IPANALANGIN MO KAMING
MAKASALANAN NGAYON AT KUNG
KAMI'Y MAMAMATAY. AMEN.
ABA GINOONG MARIA, NAPUPUNO KA
NG GRASIYA, ANG PANGINOONG DIYOS
AY SUMASAIYO. BUKOD KANG
PINAGPALA SA BABAENG LAHAT AT
PINAGPALA NAMAN ANG IYONG ANAK
NA SI HESUS.

SANTA MARIA, INA NG DIYOS


IPANALANGIN MO KAMING
MAKASALANAN NGAYON AT KUNG
KAMI'Y MAMAMATAY. AMEN.
LUWALHATI SA AMA, AT SA
ANAK, AT ESPIRITU SANTO.

KAPARA NOONG UNANG-UNA,


NGAYON AT
MAGPAKAILANMAN,
MAGPASAWALANG HANGGAN.
AMEN.
Halina at ating Pagnilayan ang mga Misteryo ng Hapis
Ang panalangin ni Hesus sa Halamanan
Unang Misteryo ng Hapis
Ialay natin ang misteryong ito:
a. Para sa Banal na Papa Francisco, para sa ating
Obispo Dennis, para sa ating Kura Paroko at ibang mga
Pari upang panguluhan nila ang Sambahayang
Kristiyano ayon sa diwa ni Hesukristo.
b. Para sa ating mga ama ng tahanan upang matapat
nilang gampanan ang pagtataguyod ng kapakanang
pangkaluluwa at pangkatawan ng kanilang angkan.
Ang panalangin ni Hesus sa Halamanan
Unang Misteryo ng Hapis
O Hesus ko, patawarin
Mo kami sa aming mga
sala. Iligtas mo kami sa
apoy ng impiyerno.
Hanguhin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatory.
Lalong lalo na yaong
mga walang
nakakaalaala
Ang paghampas kay Hesus na nakagapos sa haliging bato
Ikalawang Misteryo ng Hapis
Ialay natin ang misteryong ito:
a. Para sa mga namumuno sa ating Pamahalaan
upang gamitin nila ang kapangyarihang
ipinagkatiwala sa kanila para sa kapakanan ng mga
mamamayan at ng ating bansa.
b.Para sa ating mga ina upang maging tunay silang
ilaw sa buhay kanilang asawa at mga anak.
Ang paghampas kay Hesus na nakagapos sa haliging bato
Ikalawang Misteryo ng Hapis
O Hesus ko, patawarin
Mo kami sa aming mga
sala. Iligtas mo kami sa
apoy ng impiyerno.
Hanguhin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatory.
Lalong lalo na yaong
mga walang
nakakaalaala
Ang pagpuputong ng koronang tinik kay Hesus
Ikatlong Misteryo ng Hapis
Ialay natin ang misteryong ito:
a. Para sa mga taong malayo sa Diyos upang
mamalayan nila at matugunan ang anyaya ng Diyos
na magtamo ng ganap na buhay kay Jeuskristo.
b.Para sa mga Anak upang pagpitaganan at
mahalin nila ang kanilang mga magulang at upang
maligtas sila sa maraming mga panganib na
nagkalat sa ating kapaligiran
Ang pagpuputong ng koronang tinik kay Hesus
Ikatlong Misteryo ng Hapis
O Hesus ko, patawarin
Mo kami sa aming mga
sala. Iligtas mo kami sa
apoy ng impiyerno.
Hanguhin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatory.
Lalong lalo na yaong
mga walang
nakakaalaala
Ang pagpapasan ng krus ni Hesus
Ika-apat na Misteryo ng Hapis
Ialay natin ang misteryong ito:
a. Para sa ating paaralan, St. Paul College San
Rafael nawa ay maging gabay tayo at ilaw ng
sanlibutan na ipakilala si Kristo sa lahat.
b.Para sa kapayapaan ng ating pamilya at
komunidad na kinabibilangan na nawa’y maging
matatag sa bawat pagsubok na dumarating at
umiral ang pagkakasundo ng bawat isa.
Ang pagpapasan ng krus ni Hesus
Ika-apat na Misteryo ng Hapis
O Hesus ko, patawarin
Mo kami sa aming mga
sala. Iligtas mo kami sa
apoy ng impiyerno.
Hanguhin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatory.
Lalong lalo na yaong
mga walang
nakakaalaala
Ang pagkapako at pagkamatay ni Hesus sa krus
Ikalimang Misteryo ng Hapis
Ialay natin ang misteryong ito:
a. Para sa mga may karamdaman, kapansanan, para sa
mga dukha at api sa ating lipunan, higit lalo ang mga
kaanib ng ating pamilya na nawa’y pagkalooban sila ng
kaginhawahan ng isip at pangangatawan.
b. Para sa ating mga minamahal na yumao (lalo na
sina…) upang ganap nilang tamasahin ang kaligayahan
sa piling ng Panginoon.
c. Tahimik nating ilahad ang ating mga kahilingan.
Ang pagkapako at pagkamatay ni Hesus sa krus
Ikalimang Misteryo ng Hapis
O Hesus ko, patawarin
Mo kami sa aming mga
sala. Iligtas mo kami sa
apoy ng impiyerno.
Hanguhin Mo ang mga
kaluluwa sa purgatory.
Lalong lalo na yaong
mga walang
nakakaalaala
Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa.
Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba
pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin,
pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga
namin ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay
aba, pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin,
ang mga mata mong mawain,
ipakita mo sa amin ang iyong
Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain,
maalam at matamis na Birhen.
NAMUMUNO: Ipanalangin mo kami,
Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.
LAHAT: Nang kami'y maging dapat
makinabang ng mga pangako ni
Hesukristo.

NAMUMUNO: Manalangin Tayo.


LAHAT: Panginoon naming Diyos, kasihan
mo nawa ang aming mga kaluluwa ng
Iyong mahal na grasya, at yayamang
dahilan sa pananalita ng anghel, ay
nakilala namin ang pagkakatawang tao in
Hesukristong Anak Mo. Pakundangan sa
mahal Niyang pagpapakasakit at
pagkamatay sa Krus, ay papakinabangin
Mo kami ng Kanyang pagkabuhay na
mag-uli sa kaluwalhatian sa langit. Alang-
alang kay Hesukristo ring Panginoon
namin. Siya Nawa.
MARIA,
AMING
ULIRANG INA
Ipanalangin
mo kami.
SA PABLO,
AMING
PINTAKASI
Ipanalangin
mo kami.
PADRE LOUIS
CHAUVET AT ANG
MGA UNANG
KATUWANG NIYANG
MADRE

Mamagitan nawa
kayo sa amin
ANG PAGMAMAHAL NI KRISTO AY
PATULOY NAWANG MANAHAN SA ATIN

Ngayon at Magpakailanman. Amen


Sa Ngalan ng
Ama, at ng
Anak at ng
Espiritu
Santo. Amen

You might also like