You are on page 1of 4

Dokumentaryon

g Pantelebisyon
• Bukod sa radyo, ang isa pa sa mga itinuturing na
mahalagang midyum sa larangan ng broadcasting ay ang
telebisyon. Tunay na napakalaking epekto nito sa buhay ng
mga Pilipino. Binago ng telebisyon ang paraan ng
pagpapahayag natin sa mga kuwento o aral ng buhay. Dati,
sinusubaybayan o inaabangan natin ang mga kuwento ng
buhay na umaantig sa ating puso gamit ang mga imprenta o
babasahin o kaya ay sa aktuwal na mga langhalan. Dulot
na rin ng pagsulong ng modernisasyon at teknolohiya ay
nabuo ang telebisyon na higit na nagbigay-kulay at
larawan sa mga pangyayari sa ating paligid gamit ang mga
ilaw at kamera.
• Saglit natigil ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng paghahari
ng BATAS MILITAR. Matapos ang yugto ng diktadura sa ating bansa ay
sumilang ang isang uri ng pamamahayag o pagbabalita na maituturing na
higit na liberal at mapusok ang anyo sapagkat ito ay tumatalakay sa mga
napapanahong isyu sa kasalukuyang tinatawag na DOKUMENTARYONG
PANTELEBISYON. Ito ay isang programa o palabas na naglalayong
maghatid ng komprehensibo, mapanuri, at masusing pinag-aralang proyekto
o palabas na sumasalamin sa katotohanan ng buhay na kalimitang
tumatalakay sa isyu, problema, kontrobersiyal na balita, at maging ng mga
paksang may kinalaman sa kultura at pamumuhav sa ating lipunan. Ang
DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON ay maituturing na isang uri ng
sining na ang pangunahing layunin ay magbigay ng mg tiyak at totoong
impormasyong gigising sa isip at damdamin ng isang tao patungkol sa isang
isyu. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito so isipan, ugali, at
pananaw ng isang nilalang sapagkat sa kasalukuyan ay isa ito sa uri ng
panitikang popular na kinahihiligang panoorin ng mg° Pilipino lalo na ng
kabataan.
• Kilala sa larangan ng dokumentaryong
pantelebisy on ang mga batikang mamamahayag
na sina Che-Che Lazaro, Jessica Soho, Kara
David, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay
Taruc, at iba pa. Ang sumusunod naman ang
mga tanyag na dokumentaryong pantelebison sa
bansa - Reporter's Notebook, I-Witness, Reel
Time, Motorcycle Diaries, Krusada,
Investigative Documentaries, at iba pa.

You might also like