You are on page 1of 17

PRESENTASYON

SA
FILIPINO
INIHANDA NI:
STEPHANIE GIMOTO
FLORANTE AT LAURA

Ang Florante at Laura ay isa sa obra


maestra sa panitikang Pilipino.

Daglat lamang ang katawagang


Florante at Laura sapagkat binigyan ito
ng aktuwal at buong pamagat
na:’”Pinagdaanang búhay ni Florante at
ni Laura sa kahariáng Albanya”
KABANATA 13

ANG TAGUBILIN NG GURO


TALASALITAAN
PANUTO: Basahin at tukuyin ang mga sagot sa loob ng kahon.
Isulat sa patlang ang iyong sagot bago ang bilang.

TAROK BUMALISBIS AMAIN


TINULUTAN HIMUTOK
HIRANG TULIN DALAMPASIGAN
PAKAY PAGLAYAG
1. tumatayo o gumaganap bilang pangalawa mong ama
2. maláman o maintindihan, matapos pag-aralan. 
3. umagos o dumaloy.
4. ito ay natalaga o napili
5. pagpayag o pagsang-ayon sa anumang gagawin.
6. pagkaramdam ng pagkainis, maaaring hinaing o daing.
7. ang katagang ito ay nangangahulugan ng bilis, dali o liksi.
8. hangarin,hakbang at sadya.
9. kilala ito bilang baybayin at aplaya.
10.paglalakbay sa pamamagitan ng bangka.
MGA
SAKNONG
246-258
246.
"Kung ang isalubong sa iyong pagdating
ay masayang mukha't may pakitang-giliw,
lalong pag-ingata't kaaway na lihim
siyang isaisip na kakabakahin.”
247.
“Datapwa’t huwag kang magpapahalata,
tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa,
ang sasandatahi’y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma.”
 
248.
“Sa nawikang ito luha’y bumalisbis
at ako’y niyakap na pinakamahigpit,
huling tagubilin: Bunso’y katitiis
at hinihintay ka ng maraming sakit.”
249.
“At mumulan mo na ang pakikilaban
sa mundong bayaning punong kaliluhan,
hindi na natapos at sa kalumbayan,
pinigil ang dila niyang nagsasaysay.”
249.
“ At mumulan mo na ang pakikilaban
sa mundong bayaning punong kaliluhan,
hindi na natapos at sa kalumbayan,
pinigil ang dila niyang nagsasaysay.”

250.
“ Nagkabitiw kaming malumbay kapuwa,
tanang kaesk’wela mata’y lumuluha,
si Menandro’y labis ang pagdaralita,
palibhasa’y tapat na kapuwa-bata.
251.
“ Sa pagkakalapat ng balikat namin,
ang mutyang katoto’y di bumitaw-bitaw,
hanggang tinulutang sumama sa akin
ng aming maestrong kaniyang amain.”
252.
“ Yaong paalama’y anupa’t natapos,
at pagsasaliwan ng madling himutok,
at sa kaingaya’t gulo ng adiyos!
Ang buntong hininga ay nakikisagot.”
253.
“ Magpahanggang daong ay
nagsipatnubay ang aking maestro’t
kasamang iiwan;
umihip ang hangi’t agad nahiwalay
sa Pasig Atenas ang aming sasakyan.”
254.
“Bininit sa busog ang siyang katulad
ng tulin ng aming daong sa paglayag,
Kaya di lumaon paa ko’y yumapak
sa dalampasigan ng Albanyang s’yudad.”
255.
“Pag-ahon ko’y agad nagtuloy sa kinta,
di humihiwalay ang katotong sinta,
pag halik sa kamay ng poon kong ama,
lumala ang sakit ng dahil kay ina.”
256.
“Nagdurugong muli ang sugat ng puso
humigit sa una ang dusang bumugso,
nawikang kasunod ng luhang tumulo,
Ay, ama! Kasabay ng bating Ay,
bunso!.”
257.
“Anupa’t ang aming buhat na mag-ama,
nayapos ng bangis ang sinag-isang dusa,
kami ay dinatnag nagkakayakap pa
niyong embahador ng bayang Crotona.”
258.
“Nakapanggaling na sa palasyo real
at ipinagsabi sa hari ang pakay,
dala’y isang sulat sa ama kong hirang,
titik ng monarkang kaniyang biyenan.”
BUOD NG ANG TAGUBILIN NG GURO

Pinag-ingat ng maestro si Florante sa tiyak na kakabakahin


sa oras na makaharap si Adolfo. Sinabing huwag siyang
magpahalata na batid niyang sila’y magkaaway na lihim ni
Adolfo. Ang mahalaga’y ang gagawing paghahanda ni
Florante sa isang napipintong labanan nila ni Adolfo.
Nagpaalam na rin si Florante sa matalik na kaibigang si
Menandro. Labis ang kalungkutan ni Menandro sa pag-alis
na iyon ni Florante.
Nakita iyon ng maestro na isa ring amain ni Menandro
kaya’t pinahintulutan itong sumama kay Florante sa bayan
ng Albanya. Dumating na ng Albanya sina Florante at
Menandro at dali-daling binagtas ni Florante ang papasok
na daan patungo sa kanilang tahanan. Dinatnan niyang may
sakit ang ama na lubhang lumala sa pagyao ng asawa
nitong kanya namang butihing ina. Hinagkan niya ang
kamay ni Duke Briseo. Nagyakap ng mahigpit ang mag-ama
at siya namang pagdating ng embahador ng Crotona dala
ang sulat mula sa hari na humihingi ng saklolo.
MGA KATANUNGAN

1. ANO ANG KABILIN-BILINAN NG GURO


KAY FLORANTE AT PATUNGKOL ITO
KANINO?
2. ANO ANG KATANGIAN NI MENANDRO AT
ANO ANG RELASYON NIYA KAY
FLORANTE?
3. ANO ANG DAHILAN NG PAG-UWI NI
FLORANTE SA KAHARIAN NG ALBANYA?
MARAMING SALAMAT SA
INYONG PAKIKINIG !!!

You might also like