You are on page 1of 40

TALAKAYAN sa

FILIPINO 6
Nobyembre 17, 2022 (Huwebes)
MGA DAPAT TANDAAN SA KLASE SA FILIPINO:

1. Maging aktibo sa pakikibahagi sa


talakayan.
2. Sundin ang bawat panuto at gawaing na
ibibigay ng guro.
3. Maging RESPONSABLE at TAPAT sa
lahat ng oras.
HDC2022
SalitAraw
panhik| Pandiwa
Kahulugan: pag-akyat sa hagdan o sa itaas ng
bahay, pag-akyat sa anumang mataas na lugar

Halimbawang Pangungusap:
Inutusan ako ni ina na ipanhik ang labada
sa itaas.
MGVDC2022
BALIK-ARAL:

Panuto: Ibigay ang angkop na wakas ng


sitwasyon at piliin ang letra ng tamang
sagot.
BALIK-ARAL:
1. Kinamulatan ni Raine ang ginagawang pagtulong sa mahihirap ng
kaniyang mga negosyanteng magulang. Pinauutang nila ang mga
kababayan na may napakaliit na tubo upang may maipuhunan sa
paghahanapbuhay. Nang siya ay makapagtapos sa pag-aaral, siya ay
nangibang bansa at naging matagumpay.
A. Nanatili sa kanyang puso ang pagtulong sa mga mahihirap kaya
bumalik siya ng bansa.
B. Naging mapagmataas si Raine dahil sa tagumpay na kaniyang
nakamit.
BALIK-ARAL:
1. Kinamulatan ni Raine ang ginagawang pagtulong sa mahihirap ng
kaniyang mga negosyanteng magulang. Pinauutang nila ang mga
kababayan na may napakaliit na tubo upang may maipuhunan sa
paghahanapbuhay. Nang siya ay makapagtapos sa pag-aaral, siya ay
nangibang bansa at naging matagumpay.
A. Nanatili sa kanyang puso ang pagtulong sa mga mahihirap kaya
bumalik siya ng bansa.
B. Naging mapagmataas si Raine dahil sa tagumpay na kaniyang
nakamit.
BALIK-ARAL:
2.Si John ay nagmula sa mahirap na pamilya at pangarap niyang
makapagtapos sa pag-aaral upang matulungan ang kaniyang mga
magulang. Kaya naman, sa kabila ng kasalatan ay ipinagpapatuloy pa
rin niya ang pag-aaral.
A. Hindi na niya pinagtutuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral
dahil wala naman siyang pangbaon.
B. Maaga siyang gumigising upang maghanda para sa klase at tuwing
hapon naman ay tumutulong siya sa kaniyang mga magulang sa
paghahanda at pagtitinda ng mgapagkain.
BALIK-ARAL:
2.Si John ay nagmula sa mahirap na pamilya at pangarap niyang
makapagtapos sa pag-aaral upang matulungan ang kaniyang mga
magulang. Kaya naman, sa kabila ng kasalatan ay ipinagpapatuloy pa
rin niya ang pag-aaral.
A. Hindi na niya pinagtutuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral
dahil wala naman siyang pangbaon.
B. Maaga siyang gumigising upang maghanda para sa klase at tuwing
hapon naman ay tumutulong siya sa kaniyang mga magulang sa
paghahanda at pagtitinda ng mgapagkain.
POKUS NG TALAKAYAN
Naibibigay ang maaaring mangyari
sa teksto gamit ang dating
karanasan/kaalaman
(F6PB-IIIg-17)
MGVDC2022
Suriin:
Ano-ano ang
nasa larawan?
Ano ang
kadalasang
ginagawa ng
aso at pusa?
SI ASIONG AT PUSALITA

May isang lalaki na nagtatrabaho sa


palaisdaan malapit sa kanila. Kapag nasa
trabaho siya ay naiiwan sa bahay ang kaniyang
alagang sina Asiong at Pusalita. Isang aso si
Asiong at pusa naman si Pusalita.
Ang dalawa ay palaging nag-aagawan sa higaan malapit sa may
pintuan. Gustong-gusto nila doon kasi nag-uunahan silang
salubungin ang kanilang amo kapag uuwi galing sa trabaho. Palagi
nilang pinagtatalunan kung sino ang paboritong alaga ng kanilang
amo. “Ako ang paborito ni tatay Carlito dahil binabantayan ko ang
kaniyang bahay kung wala siya.” Sambit ni Asiong. “Hindi! ako ang
paborito ni Tatay Carlito kasi binabantayan ko ang kaniyang bahay
sa mga makukulit na daga at katabi niya ako sa pagtulog,”
pagmamayabang naman ni Pusalita.
Ganito palagi ang nangyayari sa bahay ni Mang Carlito
kapag wala siya. Isang makulimlim na hapon habang
papanhik ng hagdan si Mang Carlito ng
magkasalubong at nagkatinginan ang magkaaway na
sina Asiong at Pusalita.
Tanong:
1. Anong mga hayop ang madalas na nag-aaway?
2. Ano ang kadalasan nilang pinagtatalunan?
3. Ganito rin ba kayo ng mga kapatid mo o kamag-aral?
4. Ibigay ang susunod na mangyayri sa teksto.
Isang kasanayan sa pagbasa ang pagbibigay ng maaaring
mangyari sa isang teksto
gamit ang dating karanasan/kaalaman. Kung gayon,
mahalagang matutuhan ang
kasanayang ito upang mahasa ang pagiging malikhain at
mapanuri sa pag-iisip.
Paano ba ang epektibo at mahusay na pagbibigay ng
maaaring mangyari sa isang
teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman?
1. Mahalagang basahin at unawaing mabuti ang teksto.
2. Tiyaking naunawaan ang mahahalagang detalye o
pangyayari. Maaari itong itala o i- highlight.
3. Suriin ang mahahalagang detalye o pangyayari.
Kilalanin ang mga tauhanang kanilang kilos o gawi,
damdamin, at pananalita. Unawain ang pagkasunod-
sunod o daloy ng mga kaganapan.
4. Pagkatapos ng pagsusuri, tukuyin kung saang
bahagi maaaring iugnay ang dating karanasan
at kaalaman. Maaaring ilagay ang sarili sa
tauhan sa kuwento o isama sa mga pangyayari
sa teksto.
5. Paganahin ang imahinasyon. Maging malikhain at
mapanuri sa pag-iisip. Maaaring sumang-ayon o
sumalungat sa kaisipan ng nagsasalita at ikinikilos ng
tauhan. Malayang mag-isip kung paano
makapagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto o
akda batay sa dating karanasan/kaalaman.
6. Kung mayroon nang naisip, isulat ito nang
malinaw. Pagkatapos ay basahing muli at
tiyaking nakatulong ito upang higit na
maging makabuluhan at makatotohanan ang
teksto.
Pagsasanay #1
Panuto: Hanapin sa hanay B ang posibleng
mangyari samga sitwasyon na nasa hanay A. Isulat
ang letra ng inyong sagot.
Tamang sagot:
1.B
2.C
3.D
4.A
5.E
Pagsasanay #2
Panuto: Basahing mabuti ang
sitwasyon at sabihin ang maaaring
mangyari.
Pag-uwi ni Junjun mula sa paaralan ay dumiretso kaagad siya
sa bahay ng kaniyang kaklase upang maglaro ng video games.
Sapaglalaro ay hindi namalayan ni Junjun na takipsilim na. Ano
kaya ang susunod na mangyayari?

A. Maglalakad mag-isa si Junjun


B. Magpapatuloy maglaro si Junjun
C. Matutuwa ang mgamagiulang niya
D. Mag-aalala ang mga magulang niya.
Pagsasanay #3
Panuto: Basahin ang talata at tukuyin
ang pinakaangkop na maaring
mangyari.
Mabait at matulunging bata si Rose. Maging ang kaniyang
mga kapatid ay iniidolo siya. Nangunguna rin siya sa klase, siya
ang palaging ipinapadala ng kaniyang paaralan sa mga tagisan
ng talino. Isang araw, saaarawng timpalak, masama ang
pakiramdam ni Rose.
A. Bibilhan siya ng guro ng pagkain.
B. Pumunta sila ng kaniyang ina sa parke.
C. Sinamahan muna si Rose ng kaniyang guro sa clinic.
D. Naglakad si Rose papunta sa pinkamalapit na mall.
Tandaan:
Sa pagsusuri ng mga susunod na
pangyayari sa mga tekstong ating binabasa,
malaking tulong ang ating mga karanasan at
maging ang ating mga dating kaalaman.
Kapansin-pansin na mas madali nating matandaan
ang mga bagay na sa atin ay naganap. Sa kadahilanang
maaaring may nagging epekto ito sa ating personal na
buhay. Maaaring naging masaya ka nang maranasan mo
ang kaparehong kaganapang ito. Puwede rin namang nag-
iwan ito ng hapdi o sakit na lubhang nakaapekto sa iyong
damdamin, na mahirap makalimutan.
Sa mga ganitong pangyayari, dumarating ang
mga panahon na ang kaparehong karanasan ay
nangyari sa iba at maging sa mga tekstong iyong
nababasa. Kaya naman mayroon ka ng ideya
kung ano ang kasunod na mangyayari sateksto o
kuwentong iyong binasa.
PAGTATAYA:

Panuto: Basahin ang bawat talata at ibigay


ang angkop na hinuha. Isulat lamang ang
letra ng angkop na sagot.
1.Maagang naulila sa ina ang limang magkakapatid. Nasa ikaanim
na baitang ang panganay at isang taon pa lamang ang bunso.
Palaging malungkot ang kanilang itay. Pagkalipas ng ilang araw
pagkatapos na mailibing ang kanilang ina hatinggabi na siyang
umuwi at lasing pa.
A.Matutuwa ang magkakapatid.
B.Mapapabayaan ang magkakapatid.
C.Isusumbong nila sa pulis ang kanilang ama.
D.Maiisip na nilang lumapit at humingi ng tulong sa pamahalaan.
2.Nasira ng bagyo ang bahay nina Maya sa probinsya kayat
naisipan nilang magtungo ng Maynila upang doon
makipagsapalaran. Dala nila ang kaunting naipong pera.
Nagsimula sila ng pagtitinda ng kaunting pagkain sa harapan ng
kanilang bahay. Dumarami ang bumibili rito araw-araw.
A.Masama ang ugali ng nagtitinda.
B.Mauubos ang kanilang puhunan.
C.Hindi pinapansin ng mga tao ang kanilang paninda.
D.Nagugustuhan ng mga tao ang kanilang paninda.
3.Taon – taon hindi lumilipas ang bakasyon na hindi nagtutungo
sa dagat ang pamilya nina Aling Mely at Mang Jose. Masaya
silang naglalangoy sa malinis na dagat. Subalit biglang
ipinagbawal ang mga kasiyahan dahil sa paglaganap ng COVID
19.
A.Ipagpapaliban muna nila ang pagtungo sa dagat.
B.Itutuloy pa rin nila ang kanilang nakagawiang gawin.
CAalis sila ng gabi upang hindi mahalata ng mga bantay
D.Ipagwawalang bahala na lamang nila ang utos ng gobyerno.
4.Sa lahat ng ma batang nag-aaral sa ikaanim na baitang namumukod si
Pelipe dahil sa kanyang katalinuhan. Isa sa katangian ni Pelipe ay
mapangarapin. Dahil malimit makaranas ng hirap sa buhay, gusto
nilang yumaman. Madalas niyang sabihin “Sana magkaroon kami ng
maraming pera” Ilang sandali pa’y may narinig siyang kaguluhan sa
labas ng kanilang bahay. Nakita niya sa kanyang kapitbahay na kanya-
kanyang pulot ng pera sa lupa. Kumuha siya ng basket at namulot din
siya ng salapi.
Nagutom siya sa kahahakot ng salapi at wala siyang mabilhan ng
pagkain, dahil sarado ang lahat ng tindahan. Tinanong niya ang isang
matandang lalaki, kung bakit walang nagtitinda. May pera na silang
lahat ang sagot ng matanda. Tinawag siya ng kanyang ina at niyugyog.
Sa palagay mo ano kaya ang ginagawa ni Pelipe?
A.Naglalaro buong araw sa paligid.
B.Natutulog at nananaginip ng pera.
C.Nakikipagkuwentuhan sa kanyang nanay.
D.Gumagawa ng kuwento na ipapasa sa guro.
5.Paano napatunayan na si Pelipe ay isang batang
mapangarapin?
A.Siya ay matalino at mabait na bata.
BGumagawa siya ng pagkakakitaan ng pera.
C.Nangangarap siya na magkaroon ng maraming pera.
D.Lagi niyang sinasabi sa nanay niya na darating ang
araw ay yayaman siya.
Tamang Sagot:

1.B
2.D
3.A
4.B
5.C
Karagdagang Gawain
Pag-isipang mabuti ang sitwasyon
sa ibaba at magbigay ng tatlong
maaaring mangyari.
Dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID 19 sa ating bansa,
napagpasyahan ng Department of Education (Deped) na walang face-to-
face na klase ang magaganap. Ibig sabihin ay walang bata at guro ang
pupunta sa paaralan. Sa halip ay ipapatupad ang tinatawag na distance
learning katulad ng pagsasagawa ng online classes na kung saan ay
gagamit ng kompyuter, smart cellphone, ipad, tablet at ibang pang
gadyet ang mga bata at guro upang maisakatuparan ang pag-aaral.
Para naman sa mga batang walang kagamitan sa online learning ay
bibigyan naman sila ng mga modyul at learning packets na kanilang
pag-aaralan sa bahay sa tulong at pagsubaybay ng kanilang mga
magulang at iba pang kasama nila sa bahay na maaaring makatulong sa
kanila upang unawain ang mga aralin.
Sa ganitong sistema o paraan ng pag-aaral, ano ang nahihinuha ninyong
mangyayari. Magbigay ng lima.

You might also like