You are on page 1of 20

Pagtukoy ng Angkop na

Search
Engine sa Pangangalap
ng Impormasyon
Lesson 6
Panuto: Gaano ka kapamilyar sa mga web browsers
at search engine na maaaring magamit sa
pangangalap ng impormasyon sa internet?
Gawain: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Sagutin ng SANG-AYON
kung ang mga pahayag at tama at DI-SANG-AYON kung hindi.

________1.Magpost ng mga paksang malayo sa layunin ng


discussion forum.
________2. Kung sasagot sa isang paksa, siguraduhing tama
at totoo ang isasagot.
________3. Mahalagang isaalang-alang ang netiquette sa pagsali
sa isang forum at chat.
________4. Ang discussion forum ay ang pag-uusap ng dalawa
at higit pang tao sa email o sa social media.
________5. Basahin ang mga patakaran sa sasalihang discussion
forum upang lubos na maunawaan ang mga kailangang gawin.
WEB BROWSER

• Web Browser - ay
isang software na
ginagamit upang
makapagsaliksik sa
internet.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Ang larawang ito ay isang halimbawa ng
isang web browser na Google Chrome at ang mga parte nito.
Search Engine

•Ang Search Engine ay isang


programang ginagamit upang
maghanap ng dokumento gamit ang
isang keyword o salita.
Google
● Google - Pinakakilalang
search engine sa buong
mundo. Ito ay maaaring
magsalin-wika ng mga
pahina batay sa
awtomatikong wika na
itinakda sa setting.
Bing

●Bing - ang search engine


na ito ay bunga ng
kolaborasyon ng Microsoft
at Yahoo.
Yahoo
●Yahoo - kilalang dating
yellow page directory. Mas
kilala ito bilang isang
email provider site.
Baidu
●Baidu – ang search engine
na ito ay mas ginagamit
sa bansang China. At
binansagang Chinese
Google.
AOL
●AOL – ang search engine
na ito ay mula sa
pangalang America Online
taong 1991 at naging AOL
Inc. ng 2009. Ito ay
nakabase sa New York.
Ask.com

● Ask.com – kilala rin sa


tawag na Ask Jeeves na ang
konsepto ay payak na
tanong at sagot
Excite
● Excite – ang search engine na ito ay
hindi kasing kilala ng iba pang search
engine ngunit isa padin sa napili bilang
isa sa mga 10 pinakaginagamit. Ito ay
isang online service portal na
nagbibigay ng internet services kagaya
ng email, search engine, mga balita, at
iba pa.
DuckDuckGo

●DuckDuckGo – ang search


engine na to ay kilala sa
pagprotekta sa mga pribadong
impormasyon ng mga
gumagamit dito.
Wolfram Alpha

● Wolfram Alpha – ang search engine na


ito ay direktang sumasagot ng mga
katanungan sa pamamagitan ng pag-
compute ng sagot mula sa ibang
source sa halip na magbigay ng isang
listahan ng mga dokumento o web
page na maaring naglalaman ng sagot.
Yandex

●Yandex – ang search engine na


ito ay mas kilala at mas
ginagamit sa bansang Russia.
Naver

●Naver – ito ay mas kilala at mas


ginagamit sa bansang Korea.
Hakbang kung paano mo maa-access ang search
engine:
1.Pumili ka ng search engine mula sa mga natalakay. I-type
ang pangalan ng napiling search engine at pindutin ang
Enter sa keyboard.
2.Mamili ka ng mas angkop na keywords o phrases na inyong
kailangan sa hinahanap na paksa.
3.I-click ang Search o pindutin ang Enter sa keyboard kapag
may napili ka na.
4.Lalabas ang iba’t ibang site na naglalaman ng paksang iyong
hinahanap. Aralin at basahin ang mga resulta.
Isaisip
• Bawat website ay may layunin. Maaari itong magbigay ng
mga impormasyong makatulong sa iyong pagkatuto at
maging daan sa mas mabilis na komunikasyon. Bagamat
may iba’t ibang feature ang mga search engine,
makatutulong pa rin ang pagkuha ng impormasyon gamit
ang isa o dalawang search engine upang masala at
mahusay na makapangalap ng mga datos na kakailanganin.
Ngunit hindi lahat ng search engine ay may kakayahang
mangalap ng mga datos na kailangan kaya maging
matiyaga sa paghahanap

You might also like