You are on page 1of 46

MALIKHAING

PAGSULAT
NG DULA
Ang daigdig daw ay isang malaking dulaan ng buhay, at ang Panahon ang
umaakda ng mga pangyayaring itinatanghal sa araw-araw at tayong lahat na
nalikha sa ibabaw ng daigdig ang mga tauhang kumikilos at gumagalaw sa
malaking dulaang iyon. Kung ibig nating makilala at mapag-aralan ang
kabuhayan, pag-uugali, hilig, kabihasnan, kalinangan o kultura ng isang
bayan o lahi ay pumasok tayo sa kanilang dulaan at doon natin makikilala,
di lamang ang kasalukuyan, kundi ang kahapon at ang bukas ng bayan o
lahing iyan, palibhasa'y ang dulaan ay siyang tanghalan ng mga bagay na
nangyari, nangyayari at mangyayari sa isang kapookan, bayan o lahi.
Layunin:
1. Natatalakay ang mga pangunahing elemento
kahulugan at uri ng dula

2. Nakapagsusulat ng banghay ng isang dula tampok


ang mga pangunahing elemento nito

3. Nakalilikha ng dulang pantanghalan


ANG DULANG PILIPINO: ISANG
DEPENISYON
Ang dulang Pilipino ay nagmula sa ritwal, tulad din ng pinagmulan
ng lahat ng dula. Ang mga seremonya na nagpapakita ng simula at
wakas ng buhay sa tribo kapanganakan, binyag,
pagbibinata/pagdadalaga, pagtuli, panliligaw, pagpapakasal,
kamatayan; pagkakasakit at pagpapagaling; pagtatanim at pag-
aani; pakikipaglaban at pananagumpay lahat ng mga ito kalimitan
ANG DULANG PILIPINO: ISANG
DEPENISYON
Ang masining na pagpapahayag ng mga katangian ng iba't ibang
yugto ng ating kasaysayan at pagkabuhay, ang mga tradisy ong
pampanitikan na tulad ng mga kuwentong bayan, bugtong,
salawikain, bersong panritwal, alamat, epiko, at iba pang anyo
ay nagmula sa makataong karanasan ng bawat tribo, sa kanilang
makaliping kalikasan at hinagap, sa kanilang sama-samang
paggawa, at sa kanilang mga partikular na prosesong
panlipunan.
ANG DULANG PILIPINO: ISANG
DEPENISYON
Ang dula, kung gayon, ay dula hindi dahilan sa
entablado, kagamitan, iskrip o teksto, tauhan,
tunggalian, at diyalogo kundi dahilan sa
pangunahing elemento nito ng mimesis ang
panggagagad at pananagisag ng isang aktor sa
mga kilos na nangyayari sa tunay na buhay.
DUL
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito
sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa
isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula
ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng
pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay
tinatawag na mga mandudula, dramatista, o
dramaturgo.
BAHAGI NG DULA
SIMULA
GITNA
WAKAS
SIMULA
MAMAMALAS DITO ANG
TAGPUAN, TAUHAN, AT
SULYAP SA SULIRANIN.
GITNA
MATATAGPUAN ANG SAGLIT
NA KASIGLAHAN, ANG
TUNGGALIAN, AT ANG
KASUKDULAN.
WAKAS
MATATAGPUAN NAMAN DITO
ANG KAKALASAN AT ANG
KALUTASAN.
MGA
ELEMENTO
ISKRIP O NAKASULAT
NA DULA
Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang
lahat ng bagay na isasaalang-alang sa dula at
nararapat na naaayon sa isang iskrip. Walang
dula kapag walang isktrip.
GUMAGANAP O
AKTOR
Ang mga aktor o gumaganap ang
nagsSasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip. Sila ang nagbibigkas ng
dayalogo, nagpapakita ng ibat ibang
damdamin at pinapanood na tauhan sa
dula.
TANGHALAN
Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang
dula ay tinatawag na tanghalan. Tanghalan din ang tawag
sa kalsadang plnagtanghalan ng Isang dula o ang silid na
pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
TAGADIREHE O
DIREKTOR
Ang direktor ang nagpapa kahulugan sa
isang iskrip. Siya ang naginterpret sa
iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng
tagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga taunan ay dumidepende
sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
MANONOOD
Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung
hind ito napanood ng ibang tao. Hindi ito maituturing na dula
sapagkat ang layunin ng dula'y maitanghal at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasaksi o manood.
SANGKAP NG
DULA
TAGPUAN
Ito ay sumasaklaw sa panahon at lugar/ pook na
pinagyarihan ng aksyon. Kadalasang inilalarawan ito ng
manunulat upang makatulong sa produksyon. Ang
kaligiran ay mahalaga upangmakita ng mambabasa ang
pinagganapan ng kuwento.
TAUHAN
Sila ang gumaganap at sa buhay nila umiinog ang mga
pangyayari sa kuwento. Sila ang nagsasagawa ng kilos
na ipinahihiwatig ng kanilang mga dayalogo. Sa
kanilang pagsasalita lumilitaw ang mga butil ng
kaisipang ibig palutangin ng sumulat at sa kanilang mga
kilosnaipadarama ang damdamin at saloobin.
INUURI ANG MGA TAUHAN NG DULA
BATAY SA KANILANG TUNGKULIN SA
PAGLINANG NG KWENTO.
1. Dramatis personae
-mga tauhan ng drama na binubuo ng
protagonista at antagonista.
INUURI ANG MGA TAUHAN NG DULA
BATAY SA KANILANG TUNGKULIN SA
PAGLINANG NG KWENTO.
2. Bayani ng trahedya (tragic hero)
-ang protagonista sa dulang trahedya .
INUURI ANG MGA TAUHAN NG DULA
BATAY SA KANILANG TUNGKULIN SA
PAGLINANG NG KWENTO.
3. Confidant/confidante
-ibinubunyag ng pangunahing tauhan ang
kanyang pinak- pribadong pag-iisip
damdamin.
INUURI ANG MGA TAUHAN NG DULA
BATAY SA KANILANG TUNGKULIN SA
PAGLINANG NG KWENTO.
4.Foil
- isang maliit na karakter na may kakaiba o taliwas
na personalidad na ang layunin ng manunulat at
mabigyang-tuon ang pagkakaiba nito sa ibang
tauhan.
KWENTO NG DULA
Ito ay maaaring bungang isip lamang o hango sa
totoong karanasan. Sa kasalukuyan, maaaring
pagbatayan ang Isang maikling katha o kaya ay
nobela. Mayroon din namang pagkakataon na ang
orihinal na dula,maikling kwento o kaya ang nobela
ay nagiging batayan ng pelikula o kaya'y dulang
pantelebisyon.
ASPEKTO
NG
KWENTO NG
DIYALOGO AT KILOS
Ang dramatikong diyalogo ay masining, pili at pinatindi batay sa
sitwayon. Hindi dapat kaligtaan ang pagiging natural sa
pagsasalita. Ang pagsasalita ay may sariling katangian-tinig,
bigkas, diin, bilis, lawak. Ang galaw ng kalamnan ng mukha, ng
mga bisig, balikat, kamay at katawan hanggang paa mula
pagpasok hanggang paglabas ng tanghalan ay pagkakataong
minumungkahi ng manunulat ang mga galaw sa bawat
mahahalagang dayalog na higit na makapagpapalutang ng
mensaheng nais ihatid.
BANGHAY
Ito ang basehan ng kayarian ng isang dula. Pinapanood ang mga kilos
o aksyon na sadyang pinag-ugnay-ugnay upang mabuo ito. Ng
magkakaugnay na pangyayar1. Hinahatihati ang buong banghay sa
mga yugto o bahagi at ang bawat yugto ay sa mga tagpoo eksena.
Gaano man kahaba o kaikli ang isang dula, dapat itong magtaglay ng
paglalahad, suliranin, gusot at ang kawakasan. Ang suliranin o ang
gusot ay ang pagtaas na ng aksyon na kinakailangan malutas sa
pagtutunggalian ng mga tauhan. Ang huling bahagi ng dula ay ang
resolusyon at wakas na bunga ng tunggalian ng mga tauhan o pwersa
sa kapaligiran.
Banghay o mga mahahalagang
pangyayari ay maaaring buuin ng mga
sumusunod na bahagi.
(IHAMBING SA MGA BAHAGI NG MAIKLING
KWENTO)
EKSPOSISYON

-Sa bahaging ito ipinakikilala ang mga


karakter, nagsisimula ang paglalarawang
tauhan o karakterisasyon at nagpapasimuno ng
aksyon. Kung minsan, isang pormal na prologo
ang makikita sa unahan ng drama upang
mailarawan ang tagpuan.
KOMPLIKASYON

- Ipinakikilala at pinauunlad ng komplikasyon ang


tunggalian. Nagaganap ito kapag ang isa o higit pang
pangunahing tauhan ay nakaranas ng mga
gusot o problema o kapag ang kanilang relasyon ay
nagsisimulang magbagosaglit napaglayo o pagtakas
ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
KRISIS

- Nagaganap ang krisis sa panahon ng


pinakarurok ng intensidad ng damdamin
at kadalasan ay kakikitaan ang desisyon ng
maliwanag na tunggalian ng protagonista at
ng antagonista.
PABABANG AKSYON AT KAKALASAN

- Nag-uugat ito sa pagkawala ng kontrol ng


protagonista at ang pinal na catastrophe ay hindi na
maiiwasan sa pagdating tulad ng nagaganap sa
isang trahedya. Samantala, sa 1sang komedya, mga
mga dumarating na di-naasahang pangyayari
(twist) na nagbibigay-daan sa drama upang
magwakas nang masaya.
RESOLUSYON

-Sa sangkap na ito nalulutas


nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula. Maaari rin
itong magpakilala ng panibagong mga
suliranin at tunggalian sa panig ng mga
manonood.
URI NG
DULA SA
PARSA
Nagdudulot ito ng katatwanan sa mga
tagapanood sa pamamagitan ng paggamit ng
eksaheradong pantomina, pagbobobo
(clowning), mga nakakatawa, nakatutuwa,
komikong pagsasalita na karaniwang
isinasagawa sa mabilisan at di akmang layunin
at di pagkakaunawaan.
KOMEDYA
(MULA SA GRIYEGO - KOMOS - MAGKATUWAAN
O MAGSAYA).
Naglalahad ng isang banghay sa sitwasyong
nakahihigit kaysa parsa, higit na seryoso at
kapani-paniwala, ngunit hindi naman sobra. Ang
mga tauhan ay makikita sa lipunan ng mga
indibidwal maaaring sila'y pagtawanan o
makitawa sa kanila na may pansin sa kanilang
kalagayan o suliranin.
MELODRAMA
Tumutukoy ito hindi lamang sa kawili-wiling
misteryo, ngunit maging sa mga dulang may
mapuwersang emosyon o damdamin na puno
ng mga simpatetikong mga tauhan.
TRAHEDYA
Kumakatawan ito sa mga tauhan na
ang lakas ng isip ay nakatuon sa
kanilang kalikasan ng sariling
moralidad at sila'y nagagapi sa mga
puwersa o laban sa kanila.
SAYNETE
Ang layunin nito ay
magpatawa ngunit ang mga
pangyayari ay karaniwan
lamang.
TRAGIKOMEDYA
kung magkahalo ang katatawanan at kasawian
gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may
katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing
tagapagpatawa, subalit sa bandang huli ay
magiging malungkot na dahil masasawi o
namamatay ang bida o mag bida.
ANG KOMBENSYON
SA
1 3 ANG KOMBENSYON
NG
PANANALITA O WIKA
PANAHON
APAT NA KOMBENSYON

NG DULA
ANG KOMBENSYON ANG KOMBENSYON
SA
KAAPAT NA DINGDING 2 4 NG
PAGSASALITA SA
SARILI
ANG KOMBENSYON SA
PANAHON
naniniwala oo kunwa’y ang manonood sa loob
ng ilang oras ay nabubuhay siya sa loob ng
isang araw, lingo o buwan o taon, na kasa-
kasama ng mga tauhang kanyang pinanonood
sa tanghalan.
ANG KOMBENSYON SA IKAAPAT
NA DINGDING
ng manonood na tulad sa isang tanghalan, sa
totoong buhay ay may tatlong dingding lamang ang
isang bahay. Ang ikaapat na dingding ay
bukas kayat namamalas at naririnig niya ang lahat
ng sinasabi at ikinikilos ng mga nasa loob ng bahay
na nasa kanyang harapan
ANG KOMBENSYON NG
PANANALITA O WIKA
Tinatanggap ng manonood na kung ano ang
Pananalitang binibigkas ng mga tauhan sa dula ay gayon
ding pananalita ang kanilang
Binibigkas at ginagamit sa tunay na buhay.

You might also like