You are on page 1of 40

MENU NG

PAGKAIN
Ano nga ba ang menu ng pagkain?
 Sinasabing ang pagsulat ng menu ay isang
komunikasyong teknikal dahil
kinakailangan na ang magsusulat nito ay
maalam sa porma ng sinusulat niya at sa
nilalaman ng kaniyang sinusulat. Hindi
isang simpleng bagay ang isang menu.
Maaring ang isang simpleng food menu ay
magawa ng walang gaanong kaalamang
teknikal ngunit sa mga menu sa mga
restaurant kailangan ito.
Ano nga ba ang menu ng pagkain?
 Karaniwan sa menu nilalagay ang pangalan
ng pagkain at kung ano ang mga sangkap at
paano ito niluto. Ito ay masasabing
pagsusulat ng komunikasyong teknikal
dahil dapat siguraduhin na tama ang mga
terminong ginamit. Iba ang light soy sauce
sa dark soy sauce, halimbawa, may mga
menu din na may mga disclaimer o babala
ukol sa allergy ng isang tao lalo kung
merong sangkap na mani.
Katangian at Kalikasan ng Menu
ng Pagkain
• Nakaayos ang uri ng pagkain
Nakaayos ang mga ito batay sa uri ng pagkain
kung ito ba ay pampagana, sabaw,
kanin,panghimagas, ulam na gawa sa
karne,isda, gukay o kung ito’y mga inumin.
• Mayroong nakalagay na presyo
Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat isa
upang makapili ang mga mamimili ng kanilang
gusto o kaya’y ng abot-kaya para sa kanila.
Katangian at Kalikasan ng Menu
ng Pagkain
• Mayroong panglalarawan
Kung minsa’y mayroon ding kaunting
paglalarawan sa mga pagkaing nakalagay sa
isang menu upang magka-ideya ang mga
mambabasa tungkol sa mga ito.
• Gumagamit ng mga Larawan
Kadalasang nasa itaas na bahagi ang
pangalan ng lutuin at kalimitan ding may
larawan itong kalakip upang higit na maging
katakam-takam para sa mga makakakita.
Katangian at Kalikasan ng Menu
ng Pagkain
• Kadalasang nasa itaas na bahagi ang
pangalan ng lutuin at kalimitan ding may
larawan itong kalakip upang higit na
maging katakam-takam para sa mga
makakakita.
• Iniisa-isa rin ang mga sangkap na
kinakailangan kung saan nakalagay din ang
hinihinging sukat o dami para sa bawat isa.
Katangian at Kalikasan ng Menu
ng Pagkain
• Nakalagay din sa menu ang halaga ng
bawat isa upang makapili ang mga
mamimili ng kanilang gusto o kaya’y ng
abot-kaya para sa kanila.
• Kung minsa’y mayroon ding kaunting
paglalarawan sa mga pagkaing nakalagay sa
isang menu upang magka-ideya ang mga
mambabasa tungkol sa mga ito.
Katangian at Kalikasan ng Menu
ng Pagkain
• May ibang menu rin namang nagtataglay ng
larawan ng mga pagkain o inumin.
• Kasunod nito, iniisa-isa rin ang bawat
hakbang na kailangang sundin sa
pagluluto.
• Tiyak na malinaw ang pagkakalahad sa
bawat proseso upang masigurado ang
tamang timpla, itsura at lasa ng lutuin.
Katangian at Kalikasan ng Menu
ng Pagkain
• Sadyang mahalaga ang tiyak na paglalahad
ng mga sangkap at proseso ng pagluluto
sapagkat ito ang susundin ng mga
mambabasang ibig sumubok sa pagluluto
ng mga ito.
• Mainam na sundin ang bawat
impormasyong nakasaad sa menu upang
matamo ang akmang kalalabasan ng
anumang nais lutuin.
Halimbawa ng isang menu ng pagkain
Adobong Manok (Chicken Adobo)
• 1k Manok (chicken) hiniwa ng ayon sa gusto
mo na laki
• 2 piraso patatas (hiwain ng cubes style)
• 4 piraso dahon laurel
• 7 kutsara toyo (datu puti)
• 7 kutsara suka (datu puti)
• 6 piraso bawang (itabi ang 3 piraso)
• 1 buo na sibuyas (hiwain at hatiin) itabi ang
kalahati
• 2 kutsara na mantika (mamantika ang manok
kaya iwasan ang paggamit ng marami)
• Asin
• Paminta buo at durog
• Asukal na pula
• Magic Sarap (hindi ako gumagamit ng vetsin)
• 1 baso tubig
• 1 kutsara na cornstarch
Paraan sa pagluluto:
• Pagsama-samahin sa isang kaserola o pan ang
manok, toyo, suka, laurel, paminta buo,3 piraso
bawang dinurog, sibuyas na kalahati i-marinate ng
magdamag o isang oras at pakuluan ito ng mga 10
minuto sa mahinang apoy para ang lasa lalabas.
• Isalang ang kawali at ilagay ang mantika. Iprito
ang patatas at hanguin ito at itabi.
• Igisa ang manok na pinakuluan, papulahin ang
natirang bawang at sibuyas at kapag mapula na,
ihulog ang pinakuluang manok at hayaan sya na
medyo maprito sa sariling mantika at sa
pinagpritohan ng patatas.
Paraan sa pagluluto:
• Ilagay ang sabaw ng pinakukuluang manok
at dagdagan ng isang basong tubig.
• Hayaan kumulo ng 10minuto at lagyan ng
cornstarch para ito ay lumapot at makintab
tignan
• Timplahan ng asin at asukal
• Lagyan ng magic sarap at ilagay ang
patatas
TIPS:
• Mabango ang adobo at mas malasa kapag ito ay
iginisa.
• Kapag pang pamilya lang, puwede na siyang huwag
na lagyan ng tubig kapag iginisa, puwede na rin
hindi palaputin. Kung ayaw ng medyo matamis-
tamis, bawasan ang asukal pero huwag hayaan na
hindi lagyan kahit kaunti dahil mas masarap kapag
nalagyan ito at lalong mag-blend ang alat at kunting
tamis.
• Lahat ng niluluto, mas mainam ang half cooked
lalo na sa gulay. Presentable na at hindi pa
mawawala ang sustansiya nito.
TIPS:
• Ang patatas at carrots ay mas maganda
na iprito nang tama lang para hindi nito
sipsipin ang lasa ng kahit na anong
karne.
• Asukal na pula – isang sekreto ng mga
nagluluto sa restaurant o catering para
mag-blend at pantanggal ng alat saka
puwede na siyang gamitin pamalit sa
vetsin
Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa
paghahanda ng menu ng pagkain?
2. Bakit mahalaga ang menu sa
paghahanda ng pagkain?
3. Paano nagkakaugnay ang
komunikasyong teknikal sa pagsulat ng
menu.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang
halimbawa ng isang menu. Pagkatapos,
sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Isulat
ang iyong sagot sa kwaderno.

Lechon Paksiw
500 grams leftover lechon
2 tablespoons canola oil
2 tablespoons white onion, tinadtad
4 cloves garlic, binalatan at dinikdik
1/2 tablespoon ginger (luya), hiniwa
1 piraso laurel leaf, (dahon ng laurel)
1/2 tablespoons black peppercorns,
(pamintang buo)
2 tablespoons vinegar (suka)
1 cup lechon sauce
1/2 cup water
1 teaspoon brown sugar
1 teaspoon soy sauce
salt, ayon sa panlasa
Paraan sa pagluluto:
1. Initin ang canola oil sa isang kaserola gamit ang
katamtamang lakas ng apoy. Gisahin ang mga
sibuyas, bawang, luya, dahon ng laurel, at paminta
nang 1 minuto. Idagdag ang suka at hayaang
kumulo nang dalawang minuto. Idagdag ang lechon
at lutuin pa ng 2 minuto.
2. Idagdag ang lechon sauce, tubig, pulang asukal,
at toyo. Pakuluin. Pagakatpos kumulo ay hayaang
magngitngit sa mahinang apoy nang 15 minuto.
Dagdagan ng asin ayon sa iyong panlasa.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga
katanungan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Ano ang pagkakaiba ng halimbawang menu sa
nakasanayang nakikita sa mga restawrant?
2. Bakit mahalagang siguraduhin na tama ang mga
terminong ginamit sa pagsulat ng menu?
3. Ano ang dapat isaalang-alang upang maging
epektibo at maayos ang isinulat na menu?
4. Bakit mahalaga ang pagsulat at paggawa ng
menu ng pagkain?
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
bawat pahayag. Isulat ang titik T kung tama
ang ipinapahayag, M kung mali naman. Isulat
ito sa iyong kwaderno.
1. Ang pagsulat ng menu ay isang
komunikasyong teknikal.
2. Karaniwan sa menu nilalagay ang
pangalang ng pagkain at kung ano ang mga
sangkap at paano ito niluto.
3. Sa pagsusulat ng komunikasyong teknikal
dapat siguraduhin na tama ang mga
terminong ginamit.
4. Ang komunikasyong teknikal ay isang uri ng
pagsusulat na kung saan ang impormasyong nais
iparating sa ibang tao ay ukol sa isang larangang
espesyal or scientific, kagaya ng pagluluto.
5. Ang pagluluto ay may ga prosesong sinusundan
kaya ang menu ay hindi isang komunikasyong
teknikal.
6. Sa paggawa ng isang menu ay iniisa-isa rin ang
mga sangkap na kinakailangan kung saan nakalagay
din ang hinihinging sukat o dami para sa bawat isa.
7. Hindi detalyado ang pagkakasulat ng mga ito
sapagkat dito nakasalalay ang kalalabasan ng
lulutuin.
8. Kung minsa’y mayroon ding kaunting
paglalarawan sa mga pagkaing nakalagay sa
isang menu upang magka-ideya ang mga
mambabasa tungkol sa mga ito.
9. Nakalagay din sa menu ang halaga ng
bawat isa upang makapili ang mga mamimili
ng kanilang gusto o kaya’y ng abot-kaya para
sa kanila.
10. May ibang menu rin namang nagtataglay
ng larawan ng mga pagkain o inumin.
Panuto: Gamit ang mga larawan na makikita
sa ibaba, sumulat ng mga hakbang sa
pagluluto ng tinolang manok. Bawat larawan
ay mga hakbang na ilalahad. Narito ang mga
sangkap ng tinolang manok: mantika,
sibuyas, luya, dahon ng sibuyas, asin,
paminta, sayote at malunggay. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.

You might also like