You are on page 1of 7

KARAPATANG

PANTAO
KAHULUGAN
 Ang karapatang pantao ay ang payak na mga
karapatan at ang kalayaang nararapat na
matanggap ng lahat ng mga tao anuman ang
estado sa buhay. Ang karapatang pantao ay ang
mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling
siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga
pangangailangan niya tulad ng damit , pagkain,
bahay, edukasiyon at iba pang pangangailangan ay
nangangahulugan na nakakamit niya ang kaniyang
karapatan. Hindi maaaring mabuhay ang tao kung
hindi niya nakakamit ang kanyang mga karapatan.
Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao.
Ang karapatang Pantao ay nahahati
Sa karapatan bilang Indibidwal at pangkatan:
1. Indibidwal o Personal na Karapatan – Ito ay
karapatan na pag aari ng mga indibidwal tao para sa
pag unlad ng sariling pagkatao at kapakanan.
a. Karapatang Sibil – ito ang mga karapatan ng tao upang
mabuhay na malaya at mapayapa. Ilan sa mga halimbawa ng
karapatan sibil ay ang karapatang mabuhay, pumili ng lugar
kung saan ay maninirahan, maghanapbuhay at mamili ng
hanapbuhat
b. Karapatang Pulitikal – ito ang mga karapatan ng tao na
makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan
tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa referendum o
plebisito.
c. Karapatang Pangkabuhayan – Ito ang mga
karapatan ukol sa pagsusulong ng kabuhyan at
disenteng pamumuhay.
d. Karapatang Kultural – Ito ang mga karapatan ng
taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at
magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng
pamayanan.

2. Paggrupo o Kolektibong Karapatan- Ito ang


mga karapatan ng tao ng bumuo ng pamayanan
upang isulong ang panlipunan. Pangkabuhayan,
pangkultural ng pag-unlad sa pamamagitan ng
paggamit ng kanilang likas na kayamanan at
pagsusulong ng malusog na kapaligiran.
MGA URI NG KARAPATANG
PANTAO
 Karapatan sa Sibil at Politiko ( Civil at Political Rights)
– ang karapatan na ito ay nangangalaga sa isang katayuan
bilang isang mamamayan ng siang bansa.
 Karapatan sa Ekonomiya, Panlipunan at Kultura
(Economic, Social and Cultural Rights) – ang karapatan
na ito ay nangangalaga sa isang katayuan bilang isang tao

Halimbawa:
 Edukasiyon

 Kalinisan

 Kaligtasan

 Kaayusan

 Seguridad

 Pamana ng ating bansa


 Karapatan sa Kolektibo ( Collectiove
Rights)
- karapatan na matamasa ng isang komunidad
halimbawa:
 pagpasiya sa sarili

 Kalayaan

 Karapatan sa Pagpapantay-pantay ( Equal


Rights) – karapatan na nangangahulugan na
dapat walang diskirminasiyon sa kahirapan
at kayamanan, kasarian, pagiging matalino o
hindi, at hindi pagtrato ng tao sa iba.

You might also like