You are on page 1of 24

EPP 4:

Mga Pakinabang sa
Pagtatanim ng Halamang
Ornamental
Paunang Pagsubok
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at
punan ng wastong salita ang bawat patlang. Piliin
ang sagot sa mga lipon ng mga salita sa kahon.
paghahalaman lata paligid angkop
pamahalaan tubig

1. Ang mga halamang tanim ay nakapagpapaganda rin ng _________.


2. Sa paghahalaman mahalagang piliin ang ________ na lugar.
3. Ang paghahalaman ay isang gawaing nakatutulong hindi lamang sa kabuhayan ng
mag-anak kundi pati rin sa programa ng ________ tungo sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa.
4. Kung walang malawak na lugar o taniman, maaaring gumamit ng mga paso o
________ at iba pang uri ng sisidlan.
5. Ang ________ ay isang sining ng pag-aalaga at pagtatanim ng mga halamang
ornamental, gaya ng mga namumulaklak, baging, palumpong at punongkahoy.
Tamang Sagot
1.Paligid
2.Angkop
3.Gobyerno
4.Lata
5.Paghahalaman
Balik-aral
Panuto: Masdang mabuti ang mga larawan ng
mga halamang ornamental. Anong uri ng
halamang ornamental ang nakalarawan?
Pagtambalin mula Hanay A sa Hanay B. Isulat sa
kahon ang titik ng wastong sagot
Hanay A Hanay B
A. Halamang medisinal
1. 4.
B. Halamang palumpong
C. Halamang di-
2.
namumulaklak
5.
D. Halamang
namumulaklak
E. Halamang baging
3.
Tamang Sagot
1.E
2.A
3.B
4.C
5.D
Mga Pakinabang sa Pagtatanim
ng mga Halamang Ornamenal
1.Mapapaganda ang ating
bakuran, tahanan, at pamayanan.
2. Naiiwasan ang polusyon
3. Napagkakakitaan ng mga tao.
4. Nagbibigay ng lilim at
sariwang hangin.
5. Pumipigil sa pagbaha at
pagguho.
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga
pangungusap. Lagyan ng tsek (✓) kung
sumasangayon at eks (x) kung hindi.
______1. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang
pagtatanim ng mga halamang ornamental.
______2. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakatutulong sa
pagbibigay ng malinis na hangin.
______3. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa
pamilya at iba pang tao sa pamayanan.
______4. Ang pagkakaroon ng sariwang hangin ay biyaya ng kalikasan na
dapat pangalagaan.
______5. Maaring ipagbili ang mga itinanim na halamang ornamental.
Tamang Sagot
1.X
2.X
3.✓
4.X
5.X
Paglalahat
Ano-ano ang mga natutuhan mo ngayon sa ating
natalakay na aralin?
Ano-ano ang mga kapakinabangang makukuha sa
pagtatanim ng halamang ornamental na
makakatulong sa pamilya at pamayanan?
Ngayong panahon ng pandemic maraming mga
pagbabagong nararanasan ng mga tao sa buong
mundo, mahalaga ba ang pagtatanim ng halamang
ornamental sa ating paligid?
Magbigay ng isang halimbawa o sitwasyon kung
bakit mahalaga ang pagtatanim ng halamang
ornamental?
Panapos na Pagsusulit
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at
sagutan nang maayos. Isulat ang letra ng tamang
sagot.
1. Ang mga sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental maliban sa isa.
A. Nagiging libangan ito na makabuluhan.
B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
C. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke.
D. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran.
2. Saan maaring makita ang mga halamang ornamental bilang
palamuti?
A. Sa loob ng bahay
B. Sa paligid ng bahay
C. Sa pasyalan
D. Lahat ng nabanggit ay tama
3. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng
mga halamang ornamental.
A. Nililinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
B. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at
ng ating pamilya ang maruming hangin.
C. A at b
D. Walang tamang sagot
4. Ang mga halamang namumulaklak na palamuti ay maaring mabili
sa saang lugar?
A. Bulaklakan C. Isdaan
B. Karnehan D. gulayan
5. Mga halamang ornamental gaya ng palmera, San Francisco at
money plant ay mga halamang _____.
A. Namumulaklak
C. di namumulaklak
B. Puno
D. medisinal
Tamang Sagot
1.C
2.D
3.C
4.A
5.C

You might also like