You are on page 1of 2

Nainggit si Kikang Kalabaw

Sa isang malayong nayon sa bayan ng Maribojoc sa lalawigan ng Surigao ay may isang masipag na magsasakang nagngangalang Mang Donato. Si Mang Donato ay tahimik na namumuhay kasama ang kanyang pamilya at dalawang alagang hayop, sina Kikang kalabaw at Basyong Aso. Si Kikang Kalabaw ang katuwang ni Mang Doanato sa bukid. Masipat ito sa pag-aararo at wala ring reklamo sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay kaya naman mahal na mahal siya ng kanilang amo. Laging may nakahandang sariwang damo at malinis na tubig para sa kanya si Mang Donato. Binibigyan din siya ng pagkakataong magloblob sa putikan lalo na kapag kainitan ng araw upang maginhawahan ang kanyang katawan. Sa gabi naman ay pinagpapahinga siya sa isang kubong malapit sa bahay ng mag-anak.Sa kabila ng maayos niyang kaligayahan ay hindi masaya si Kikang Kalabaw. Nakikita niya kasi kung panano tratuhin ni Mang Donato si Basyong Aso. Kasama siya ng kanilang amo sa loob ng bahay. Wala ring ginagawa ang aso kundi kumahol at kumawag ang buntot kapag dumarating sila ni Mang Donato mula sa bukid. Tuwang-tuwa namang hahaplusin ni Mang Donato ang mga tainga ng aso. Magpapakandong ang as okay Mang Donato at saka siya hahalik-halikan nito na labis namang ikinatuwa ng amo. Buti pa si Basyong Aso, ang madalas maibulong ni Kikang Kalabaw sa sarili. Nasa bahay lang siya at hindi nahihirapan sa bukid katulad ko subalit mas mahal pa siya ni Mang Donato kaysa sa akin, dagdag na himutok pa nito. Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang inggit ni Kikang Kalabaw sa kapwa alagang si Basyong Aso. Paano ba naman kasiy madalas niyang makitang binibigyan ni Mang Donato ng pagkain mula sa kanyang sariling pinggan si Basyong Aso. Tuwang-tuwa rin ang buong pamilya sa pagsayaw-sayaw ng aso at pagkawag-kawag ng buntot nito kapag itoy tinatawag. Paano kaya ako mapapansin at mamahalin din ni Mang Donato? Kung gagayahin ko kaya ang ginagawa ni Basyong Aso ay mapamamahal na rin ba ako sa kanila? tanong nito sa sarili habang nalulumbay na napapahingang mga lamok na umuugong sa kanyang tainga ang kasama niya sa mgatahimik na gabing katulad nito samantalang si Basyong Aso ay natutulog sa isang malambot na higaan sa ibaba ng kami ni Mang Donato. Nakatulungan na ni Kikang Kalabaw ang kanyang mga sama ng loob Medyo nababawasan lang ito kapag muli siyang papuntahan ni Mang Donato sa umaga at saka siya tatapik-tapikin nito bago bigyan ng almusal niyang damo at tubig. Subalit hindi nawawala sa kanya ang pag-iisip ng paraan kung paano niya mahihigitan ang pagtingin ng amo kay Basyong Aso. Isang araw, nakaligtaang itali ng katiwala ni Mang Donato si Kikang Kalabaw sa posting nasa bungad ng kanyang kubo. Tuwang-tuwa si Kika. Ito na, ito na ang pagkakataon ko! ang halos pagsigaw na wika nito. Gagayahin ko ang mga ginawa ni Basyong Aso para kay Mang Donato. Tingnan ko lang kung hindi matuwa at mas mahalin pa ako ng amok ko, ang tila tiyak na tiyak na wika pa nito. Patakbong pumasok si Kikang kalabaw sa loob ng kusina nina Mang Donato. Nadatnan niya

itong mag-isang kumakain ng tanghalian. Dali-dali siyang sumugod sa kinauupuan ng magsasaka at kinawag-kawag ang kanyang buntot tulad ni Basyong Aso habang patalon-talon at patakbotakbo. Sa katatalon niya ay natabig niya ang mesa kayat naglaglagan ang mga pagkain at nangabasag ang mga pinggan,baso, at iba pang bagay na Donato habang walang humpay niya itong hinalik-halikan. Tulong! Tulungan ninyo ako! Dahil sa malakas na sigaw ni Mang Donato ay nagtakbuhang pumasok sa kusina ang kanyang buong pamilya at mga katiwala. Dali-daling hinatak ng isang katiwala na tali ng kalabaw at dinala ito sa kalapit na kubo. Anong pumasok sa utak mong kalabaw ka? Muntik mo nang piata si Mang Donato sa ginawa mo! Magtanda ka ngayon at hindi mo malilimutan ang araw na ito! Ang galit na galit na sigaw ng katiwala habang pinapalo ang kalabaw dahil sa ginawa nito. Tunay ngang ang pagiging mainggitin ay hindi nagbubunga ng mabuti.

You might also like