You are on page 1of 1

Panimula

Kapayapaan, Nasaan Ka?


Kahit kay ilap, kapayapaay pangarap;
Tahimik na buhay, malayo sa away.
Kasaganaan ay laganap, di nagsasalat;
Walang pagdududa, puno ng pag-asa.
Kaysarap mabuhay sa payapang bayan;
Umaapaw ang pag-ibig, walang alinlangan;
Mumunting pangarap, nagiging katuparan;
O, kaysaya kung may kapayapaan.
Halinat magkapit bisig, abutin ang pangarap.
Iwaksi ang galit, maging bukas ang pag-iisip;
Tigilan ang digmaan at ang pamamaslang;
Nang ating malasap ang katamis-tamisan.
Sadyang kay ilap ng kapayapaan. Gayunpaman, ito ay hindi imposible.
Kahit sino ay maaaring magsulong nito. Ikaw, ako, tayo.

You might also like