You are on page 1of 8

Materyal para sa pelikula ang nobelang Timawa (1951) ni Agustin C. Fabian.

Nasabi
ko ito dahil sa masalimuot nitong banghay, pakikipagsapalaran ng mga tauhan, at
pabago-bagong kaligirang tinambalan ng kapana-panabik na paglalahad. Higit pa rito,
pinapaksa ng nobela ang nagaganap ngayon sa Filipinas: ang kasalatan ng mga mediko,
ang kabulukan ng alta sosyedad, ang prostitusyon ng sarili’t propesyon, at ang pag-
iibigan ng magkakaibang lahi.

Tampok sa nobela ni Fabian ang pakikipagsapalaran ni Andres Talon sa Estados Unidos,

na pumasok ng kung ano-anong trabaho, gaya ng upahang obrero sa California,
Washington, at Oregon; manggagawa sa salmunan sa Alaska; tagalatag ng riles sa
Nevada; at weyter sa ospital sa Chicago. Magsisikap makatapos ng medisina si Andres,
ngunit daranas muna siya ng matinding diskriminasyon at pag-aaglahi sa mga puting
Amerikano at sa mga kapuwa Filipinong nagmula sa alta sosyedad. Mamumuo sa loob ni
Andres ang paghihiganti, at gagamitin ang talino at katusuhan upang gatasan ang mga
mapagmataas na kababayang gaya nina Alfredo at Estrella.

Magiging ganap na doktor si Andres, at darating ang sandali na sisiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Magsisilbi siya sa Medical Corps ng hukbong Amerikano, upang
gantihan ng utang na loob ang nakamit niyang propesyon at nang makabalik saka
pagsilbihan ang mga kababayan niyang dukha. Masasabak sa digmaan si Andres, tataas
ang ranggo at aani ng papuri mula sa sandatahang lakas ng Amerika. Isang araw,
masasabugan ang kanilang kampo, at inakala ng awtoridad na isa sa mga nasawing
medikong kawal si Andres. Hindi itutuwid ni Andres ang gayong balita, at magtutungo sa
Filipinas upang itago ang lihim niyang katauhan.

Ngunit darating ang hukbong mediko sa Filipinas, at makikilala si Andres. Sisikat si

Andres sa hanay ng mayayaman, aakitin ng mga dalaga, at magsisikap na magbigay ng
libre at epektibong serbisyong medikal para sa mga dukha. Lumabis sa trabaho ang
binata, at isang gabing dumalaw siya sa tahanan ni Lily—na isang puta at tanyag sa
sirkulo ng mayayaman—ay nahilo at nabagok ang ulo sa sahig. Magkakaroon ng amnesia
si Andres, at gagamitin ni Lily ang pagkakataon upang papaniwalaing siya at si Andres
ay mag-asawa.

Samantala, hahanapin siya ng kaniyang kasintahang Amerikana na si Alice. Si Alice ang

pinadalhan ng kasulatan ni Andres na sakali’t masawi ito sa digmaan ay siya ang
mamamahala ng salaping naipon ng binata upang maipagpatayo ng pagamutan para sa
mga maralita. Magtutungo si Alice sa Filipinas, at gagawin ang nais ng kasintahan.
Maraming matutulungang tao si Alice habang kabalikat sina Alredo, Bill, at Estrella.
Magbabalik ang alaala ni Andres nang muling mabagok ito, at saklolohan ni Tandang
Pedro. Mababatid din sa wakas ang panlilinlang ni Lily, at magkakabalikan sina Andres
at Alice habang ipinahihiwatig ang paninirahan nila nang lubos dito sa Filipinas.

Pambihira ang ganitong nobela dahil inuurirat nito ang usapin ng pag-aaglahi (racism)
hindi lamang ng mga puting Amerikano bagkus ng mga Filipinong nagmula sa
maykayang angkan. Ang deskriminasyon na matatamo ni Andres ay magmumula sa liblib
na baryong pinaghaharian ng panginoong maylupang si Don Marcos. Iigting ito pagsapit
sa Estados Unidos, at aabot sa sukdol nang magbalik siya sa Filipinas pagkaraan ng
digma. Kung babalikan ang kasaysayan, itinatag ang programang Apartheid sa Timog
Africa noong 1949 at naganap ang madugong bakbakan sa Johannesburg laban sa
Apartheid noong 1950. Sa Amerika, magkakagulo nang bugbugin ng mga Puti at pulis
ang mga Itim na Amerikano sa Birmingham, Alabama, na ang sukdol ay ang
pagkakadakip kay Martin Luther King at pagpapakalat ng may tatlong libong kawal
noong 1963. Malalim ang ugat ng rasismo sa Amerika, at maiuugnay sa pang-aalipin sa
mga Itim na Afrikano at sa mga baluktot na patakaran ng pamahalaang pinaghaharian ng
Puti.

Ilalatag sa nobela ni Fabian ang masalimuot na usapin ng prostitusyon at pagbawi ng

dangal. Ang prostitusyon ay hindi lamang kakatawanin ni Lily, bagkus maging si Andres
mismo na gagawin ang lahat upang makapiga ng salapi sa mga bulsa nina Alfredo,
Estrella, at Lily at maibahagi iyon sa higit na nangangailangang maralita. Maituturing din
na puta ang gaya nina Alfredo at Estrella, na pawang gagamitin ang salapi upang paikutin
ang mga dukha at iba pang tao, alinsunod sa kanilang nais. Sa kabila ng lahat, aasa si
Lily na maiaahon siya sa lusak sakali’t mapangasawa si Andres. Maghuhunos ang
pagkatao nina Bill, Alfredo, at Estrella dahil sa leksiyong ibibigay ni Andres. At
magbabago si Andres dahil kay Alice na magtuturo sa kaniya na paganahin ang
damdamin imbes na isip lamang.

Walang bida sa kumbensiyonal na pakahulugan ng “bida” sa nobela ni Fabian. Lahat ng

tauhan ay may kahinaan, at nalulutas lamang ang kahinaan dahil may banggaan ng isip at
loob ang mga tauhan. Ang naturang banggaan ay lumikha ng sintesis upang maituwid ang
pagkakamali. Si Andres ang ultimong halimbawa, na ang isang tagapagligtas ay dumanas
ng pagkatimawa mulang pagsilang hanggang pagkatigulang at nawalan ng gunita.
Makaaahon lamang si Andres sa madilim na yugto sa tulong ng kaniyang mga kaibigan at
ng gaya ni Tandang Pedro; at dahil nagmumula sa loob mismo ni Andres ang
kapasiyang umahon sa karukhaang pangkatawan, pangkabuhayan, at pangkaisipan.

Kung sisipatin naman ang bayan ni Andres, mababago lamang ang sistema ng gamutan sa
naturang lugar nang dumating si Andres at magpasimula ng bagong sistema. Mababago
rin ang diskriminasyon sa mga dukha nang ipagpatuloy ni Alice ang naiwan ni Andres.
Sa panig ni Alice, matutuklasan niya na hindi sapat na gamutin ang pisikal na katawan.
Kailangan ding gamutin ang masasamang kaugalian na bumabalot sa isip ng taumbayan.
Makatutulong din ang hukbong mediko ng Amerika nang magtungo ito sa bayan para
gamutin ang mahihina, maysakit, at sugatan. Ngunit ang sukdulan ng paggamot ay hindi
lamang sa pisikal na antas. Ito ay ang pagbabago sa pananaw ng mga panginoong
maylupang gaya ng mga magulang nina Estrella at Mercedes tungo sa mga dukhang
magbubukid. Magiging tulay sa naturang pagbabago ng pananaw si Andres, na animo’y
humuhugot ng alusyon sa himagsikang pinasimulan ng kaniyang tukayo at nagkataong
supremo ng Katipunan.

Mahalaga ring pansinin ang pagkakasal ng dalawang lahi. Magpapakasal sina Bill at
Estrella, at ipahihiwatig ang muling pagbabalikan nina Andres at Alice. Sina Alice at Bill
ang mga halimbawa ng pagbasag sa de-kahong pagtingin na ang mga Amerikano’y
sadyang tarantado at mapaniil. Kinakatawan nila ang mga tao na may puso kahit sa ibang
tao na iba ang lahi at estado sa buhay. Ang pag-iisang dibdib naman nina Alfredo at
Mercedes ay tila nagsasaad na kahit magkaiba ang kanilang kinamulatang gawi at asal ay
magkakaayos ang magkasintahan sa mabuting usapan. Ipinakikita rin sa nobela ang
pagiging alyado ng Filipinas at Amerika, na isa ring uri ng pagbibigkis ng lahi sa oras ng
pandaigdigang digmaan.

Ang konsepto ng “timawa” ay mauugat sa mga tala ni Juan de Isla (1565), na

ipinakahulugang uring panlipunan na katumbas ng ”malayang tao.” Kabilang ng
“timawa” ang “datu” na maykaya at ang “alipin” na siyang utusan ng mga datu. Sa pag-
aaral ni William Henry Scott at alinsunod sa mga tala ni Miguel de Loarca, ang “timawa”
ay anak o salinlahi ng asawa o kabit ng datu, o kaya’y anak ng aliping inanakan ng datu.
Walang karapatang makamana o magmana ang timawa, at tanging datu lamang ang may
kapangyarihang gawin ito. Maglalaho ang uring panlipunan na kinakatawan ng timawa
pagsapit ng kolonisasyon ng Espanyol, at ang nasabing taguri ay ilalapat pagkaraan sa
mga tao na “dukha” sa ekonomiko, pisikal, at intelektuwal na antas. Nang lumaon,
ginamit na mapanlibak na taguri ang “timawa” sa mga maralita, at kinargahan ng
negatibong pahiwatig saka inalis ang pakahulugang may kaugnayan sa “kalayaan,”
“laya,” at “paglaya.” Ang doble-karang konsepto ng “timawa” ang mahihinuhang
kinasangkapan ni Fabian sa nobela, na hindi lamang tungkol sa karukhaan bagkus
maging sa kalayaan ng tao sa sistemang mapaniil.

Kailangang balikan ng bagong henerasyon ng mga mambabasa ang Timawa ni Fabian.

Maraming Filipinong mediko, nars, at parmasyotiko ang nagtutungo sa ibayong dagat
upang maghanapbuhay, at nauubos ang hanay nila sa Filipinas. Ang pag-alis nila sa
Filipinas kung minsan ay ganap na paglagot sa ugnayan sa Filipinas, bagaman may ilang
magbabalik upang dito magretiro at gugulin ang naipong pensiyon. Ang nobela ni Fabian
ay paggunita sa kakayahan ng tao na makaahon sa madilim niyang nakaraan,
papaghilumin ang sugat sa kalooban at isipan, o kaya’y sa gunita at lipunan. Ngunit hindi
ito magagawa lamang ng isang tao. Kailangan ang pagtutulungan, at ang bisa ng
pagbabayanihan ay isang susi upang mabuksan ang pinakamaringal at pinakamatayog sa
puso ng tao anuman ang kaniyang lahi. Higit sa lahat, ang nobela ay isang mahabang
paglalakbay, at ang nagbabalik ay maaaring hindi ang taong dating umalis, bagkus
bagong tao na magpapatuloy sa naiwang tungkulin noong nakalipas na panahon.
PAMAGAT: ANG TIMAWA

A. Layunin

« Maipaliwanag ng mabuti ang unang kabanata ng nobelang Timawa ni A.C. Fabian

« Matalakay sa pamamagitan ng isang malikhaing paraan ang kwento ng unang kabanata.
« Maipahatid ang magagandang katangian at aral ng nasabing nobela.
« Maipresenta ang tunay na isyung panlipunan na nakapaloob at nakaaapekto sa nobela.

B. Panimula
Para sa panimula kami ay magpapakita ng ilang mga larawan na maaaring magpakita ng
relasyon ng unang kabanata ng nobela sa kasalukuyan.

C. Talambuhay ng may Akda

Si Agustin Caralde Fabian (Agosto 15, 1901-1976) ay isa sa kinikilalang haligi ng panitikan ng
Pilipinas. Sa Filipino man o sa Ingles, na higit na kilala ng mga mambabasa sa kanyang mga sagisag na
Angel Fernandez, M.S. Martin, Felicisimo Correz, Augusto E. Fuentes, F. Bani, at Pilar Buendia. Sa mga
kapwa manunulat, malimit na tinatawag siyang ”Ba Maltin.” Editor ng Lingguhang Graphic bago sumiklab
ang Iklawang Digmaaang Pandaigdig, naging general manager siya ng Liwayway Publications Inc.
pagkatapos ng digma hanggang sa kanyang pagretiro sa unang bahagi ng dekada sisenta. Ilan sa mga
sinulat niyang nobela ay Timawa, Maria Marcedes, Sino Ako? Mga Dayupay, Basta Mayaman, Hindi Man
Hanapin, Magbayad Ka! Ana Malaya, Ginoong Salapi at Limatik.

Kabilang sa mahahalagang gawad na ipinagkaloob sa kanya ang Pro Patria, pampanguluhang gawad sa
panahon ng Pangulong Carlos P. Garcia para sa namumukod na mga Filipino noong 1961. Gayundin ang
Gawad Quezon sa Panitikan na kaloob ng Panitik ng Kababaihan noong 1971.

Pamamaraan ng Pagtalakay: Magkakaroong ng isang game kung saan bubuuin ng napiling

miyembro ang larawan ng awtor. Bawat bahagi ng larawang bubuuin ay maglalaman ng impormasyon
tungkol sa awtor.

D. Pagbubuod
Tatalakayin naming ang kabuuan ng unang kabanata sa pamamagitan ng isang
pagsasadula sa totoong mensahe at nilalaman ng kabanata 1 ng nobelang Timawa.
Kabuuan ng Istrorya:
Nagbukas ang unang kabanata sa pangkasalukuyang ginagawa o trabaho ng pangunahing
tauhan na si Andres. Inilarawan din ditto sa mga unang bahagi ang mga taong kasalukuyang
umiikot at gumaganap na mga tauhan sa pang-araw araw niyan buhay. Inilarawan din dito ang
mga pinagdaanang hirap bago niya narating ang kasalikuyan niyang kalagayan.
Sa kalagitnaan ng unang kabanata ngakaroon ng iba’t ibang tanong na lalong
magpapaintindi sa ating magbabasa ang tunay na emosyon ng mga tauhan ng kwento lalong lalo
na si Andres. Makikita at malalaman rin natin sa pamamagitan nito ang mga tunay na isyung
panlipunan na nakapaloob sa istorya.
E. Pagsusuri:

Maaari ring ipakita ng grupo ang magagandang katangian ng mga tauhan tulad ni Andres
na kahit mabigat ang pinagdaanan ay patuloy paring nag-sumikap para sa ikabubuti ng kaniyang
buhay.
Maipapakita rin dito ang kahalagahan ng edukasyon sa atin bilang mga mag-aaral at para
kay Andres.
Susuriin din nating mabuti ang mga pinagdaanang pagkakataon sa buhay ni Andres na
maaaring magdala sa kanya sa paguugaling nabanggit at magbibigay ng magagandang aral na
makakatulong sa ating maging masipag at huwag sayangin ang mga magagandang pagkakataong
ibinigay sa atin.

Ang “Timawa” ay isang taong dukha, hamak. Siya ay kalimitan ay naninilbihan sa

masalaping kapitbahay at maaring isang alilang kanin upang hindi lamang sumala sa oras ,at hindi
malipasan ng gutom. Ngunit siya rin ang taong nakalaya sa pagpapaalipin dahil sa sariling
pagpupunyagi.

Si Andres , kung gayon ay hindi lamang ang binatang probinsyano na nagtagumpay sa buhay,
kundi siya rin ang huwaran at maaaring maging huwaran at inspirasyon sa ating lahat.

Ang paghamak kay Andres at sa kanyang Ama sa sariling nayon ay hindi nagging dahilan
upang magmukmok siya at tanggapin na lamang ang katayuan niya sa buhay. Sa halip, iyon ang
kanyang ginawang tungtungang- bato, at isinalin niya sa positibong kaparaanan ang kanyang kaapihan
at nilabanan niya ang gayong kalagayan.

May mga matatalinhagang mga pahayag na ginamit ang may akda na gustong magpakita at
magpaliwanag sa atin ang tunay na loob na maaaring mailalaman ng mga talinhagang ito. Tulad ng
“ang madalas mauntog ay matutong yumuko” , katulad ng mga pangyayaring pinagdaana ni Andres
hindi lamang siya nasaktan at nagpatuloy, ngunit pinag-aralan niyang mabuti kung paano niya
mararating ang kanyang mga pangarap upang hindi na muli malugmok at masaktan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga pagkakataon sa buhay, dapat maging isang aral ito sa ating
lahat na huwag mawalan ng pag-asa at magpatuloy sa ating mga pangarap.

Isa pa ring matalinhagang pahayag na ginamit sa unang kabanata ay ang “ Iyan ang tinatawag
nanuuhaw at ayaw makiinom”. Makikita rito na bago dapat magdesisyon ang isang tao ay dapat niya
muna itong pag-isipan ng mabuti upang hindi niya pagsissishan ito sa huli.

F. Pag-uugnay sa Kasalukuyan

Tayong lahat ay pamilyar sa mga trabahong ibinibigay para sa mga Pilipino sa ibang bansa na may
mataas na kita. Sino ba naman sa kasalukuyang panahon ang tatangi sa ganitong mga pagkakataon. Iniisip
muna nila ang maaaring positibong epekto nito sa kanilang mga mahal sa buhay kahit mahirap ang
kanilang trabaho sa ibang bansa.

Isa pa rin sa maraming problema ng ating bansa ang mga pilipinong “underemployed” sila ang mga
nakatapos ng isang kurso ngunit nagtatrabaho ng hindi ayos sa kanilang tinapos dahil sa kawalan ng mga
trabahong hahasa sa kanilang mga nalalaman.

Maraming mga sakit sa lipunan ang makikita natin sa mga pahayag na ginamit at ipinakita upang
tahasang maipaliwanag ng may akda ang tunay na mga pangyayari na hindi lamang nangyayari sa mga
tauhan sa kwento pati na rin sa kasalukuyan tulad ng isang pangyayari sa kwento kung saan pinagsabihan
ang mga magsasaka ng masasakit na salita kanilang among babae. Hindi na lamang siya nakuntento sa
masasakit na sinabi niya kanilang mga tauhan kung hindi ay inihalintulad pa niya sila sa isang timawa.

Makikita dito na ang hindi pantay na estado sa buhay ay hindi nagkakasundo at parating may
naaagrabyado. Nariyan ang panlalait sa mga mahihirap at ang maling pagtingin sa sarili na maaaring
makasakit

Dinamdam ng ama ni Andres ang pangungutsang ito at isinumpa na kailanman na hindi na

sila kakawawain at aalipustahin.

Sa pamamagitan ng ganitong pangyayari sa kanilang buhay natutong tumayo sa Andres at

patunayan na kaya niyang abutin ang anumang kanyang naisin sa pamamagitan ng sipag at tiyaga.

G. Pagkakapamagat

Maaaring pinamagatang “Timawa” ni A. C. Fabian ang nobela sapagkat nilarawan ng

pangunahing tauhan ang kanyang sarili bilang isang hampaslupa na nagkakahulugan ng pagiging isang
timawa.

Ayon sa diksyunaryo ang Timawa ay nilarawan bilang isang mahirap na hindi nagkakaroon ng
pagkakataong makuha lahat ang mga kinakailangang mga karapatan para sa kanilang buhay.

Makikita rin natin ang pinagdaanang mahihirap at mabibigat na trabaho ni Andres kung saan yung
mga may mababang kalidad ng edukasyon lamang ang nakakakuha.

Wala nang pamagat ang higit na aangkop sa mensahe ng nobela maliban sa Timawa . Bagamat
ipinangako ni Andres sa kanyang sarili na umalis akong si Andres at babalik akong si Andres, ipinakita ng
nobela na ang Andres na bumalik ay hindi lang ang Andres na pisikal na umalis. Higit na makatuturang
ipakahulugan na kaya niya sinabi ang gayon sapagkat ang nasa isip niya ay ang paglilingkod sa sarili
niyang nayon.

You might also like