Professional Documents
Culture Documents
BY: ElleStrange
ellestrangeavenue.weebly.com
-------------------------------------
CHAPTER 0 --
Unang araw nang klase. Bagamat tinatamad si Sandy ay pinilit nya pa ring bumango
n. Sa totoo lang ay tinatamad sya dahil bagong school ang kanyang papasukan. Mul
a nang mamatay sa aksidente ang papa nya ay lumipat sila nang mama nya at nang d
alawa nyang kapatid na mas bata sa kanya sa isang mas maliit na paupahan sa Pasa
y.
Pumasok bilang isang accountant sa isang kumpanya ang mama nya upang may maipant
ustos sila. Ang papa lang kasi nila ang may trabaho noon at may kalakihan ang ki
ta nito bilang isang chief sa isang cruise ship na nagtatravel sa buong mundo ka
ya buwanan ito kung umuwi.Bagamat may naiwang pera ang papa nila bago ito biglaa
ng mamatay ay itinabi pa rin ito nang mama nya. Mag-iipon daw ito upang makapagp
atayo nang isang restaurant. Magaling din kasi ito magluto kagaya nang papa nya.
Naiinis lang sya sa mama nya kung bakit pinipilit sya nitong mag-aral sa St. Be
rnard University dahil bukod sa private ang nasabing unibersidad ay may kalayu
an ito sa bago nilang tinitirahan kumpara sa isang branch nang unibersidad na
pinapasukan nya noong nasa Laguna pa sila.
Hati ang mama nya at ang Tita Lorena nya, na kapatid nito, sa tuition nya, kaya
siguro naisip na lang nang mama nya sa nasabing unibersidad na lamang sya mag
-aaral. Pero naiinis sya. Ayaw nya nang pahirapan ito kaya nais nya na sa pub
lic na unibersidad na lamang sya mag-aral ngunit nagtatalo lamang sila.
Mas maganda daw na doon nya ipagpatuloy ang pagkuha nya nang Journalism. Second
year college na sya nang araw na iyon, at na mimiss nya ang mga kaklase nya s
a dati nyang pinapasukan. Nagpasya kasi ang mama nya na lumipat sila dahil sa
mga social climber na kapatid nang papa nya. Inangkin nang mga ito ang bahay a
t lupa nila.
Bumuntong hininga sya bago bumangon nang kanyang kama. Dahil maliit na lamang a
ng inuupahan nilang bahay ay agad na tatambad ang sala at kusina sa oras na lu
mabas sya nang mga kwarto.
Sandy, dalian mo ang pagkilos. Baka ma-late ka. Utos ni Loreta sa anak. Kasalukuy
an nitong sinusuklay ang buhok nang sumunod kay Sandy na si Carina. Second yea
r highschool na ito ngunit dependent pa rin ito sa mama nila. Sa tabi naman ni
to ay ang bunso na si Chloe, grade five.
Naka simangot sya nang umupo sa hapag-kainan. Nakapag bihis na ang tatlo at han
da nang umalis ang mga ito dahil alas syete ang pasok nang mga ito. Malapit la
ng sa kanila ang papasukan nang mga kapatid nya at idadaan na lamang nang mama
nya ang dalawa.
Sandy, mauuna na kami ha. Iniwan ko ang baon at pamasahe mo sa tabi nang telepon
o. Sabi ni Loreta sa anak.
Tumango lamang sya sa mga ito at pinagmasdan hanggang sa maisara na ang pinto n
ang makaalis na ang mama at mga kapatid nya. Agad syang nagluwag nang kakainin
nya. Adobo ang ulam, tiyak na sinadya iyon nang mama nya bilang pampalubag lo
ob sa pagpilit sa kanya na mag-aral sa private university na iyon.
Agad syang naligo matapos kumain. Plantsadong plantsado na ang bagong uniform n
ya. Napatango sya nang makita ang disenyo nang uniform. Mabuti at may taste an
g nagdisenyo nang uniform nang mga Journalism student sa private university na
iyon.
Alas otso y media ang naka schedule na pasok nya pero alas syete y media pa lam
ang ay naroon na sya sa tapat nang gate. Mataas ang bakod nito at kulay itim a
ng kulay nang gate. Isinuot
nya sa tenga ang headphones na naka sukbit sa
leeg nya at ini-on ang kanyang mp3 player.
Diretso syang naglakad papasok. Nalula sya sa
ganda at ayos nang mga buildings and
establishment nang maka pasok na sya. Ang mama
nya lang kasi ang nag-enrol sa kanya. Bago nya
pa malaman ay naka-enrol na pala sya.
Tumigil sya sa paglalakad at inilibot nya ang
paningin. Madaming puno at may malaking
fountain sa bandang kaliwa pagkapasok nang
gate. Malawak ang kabuuan at malinis. Ibang iba
ang university na ito sa dating pinapasukan
nya.
Nang magsawa ang mga mata ay muli syang
naglakad nang may makabangga sa kanya. Naka
uniform din ang babae, ngunit malamang na iba
ang course nito. Muntik na syang matumba,
mabuti at nakapag balance sya.
Oh my. Im sorry. May hinahabol lang kasi
ako. Paghingi nito nang paumanhin sa kanya.
Umalis rin ito agad matapos magsalita.
Kinurap na lamang nya ang kanyang mga mata at
nagpasyang maglakad na muli. Hinanap nya ang
College na kinabibilangan nya at nakita nya
naman agad iyon. Nagulat din sya nang makita
ang bilang nang mga kotse sa parking lot na
halos katabi lang nang building nila.
Napa-iling sya. Masyadong mapepera ang mga tao
sa university na ito. Mangilan ngilan pa lamang
ang tao sa klase na iyon nang pumasok sya,
karamihan pa nang mga naroon ay lalaki. Matapos
maibaba ang gamit nya sa napili nyang upuan,
nagpasya syang sumilip sa bintana.
Nangunot ang noo nya nang makita na may kumpol
nang mga babae sa isang particular na lugar sa
parking lot. Ang iba naman ay nasa labas nang
kanya-kanyang mga kotse nang mga ito at
nagre-re-touch. Napangiwi sya. Nawiwirduhan sya
sa mga iniaasta nito.
Ilang sandali pa ay may dalawang itim na kotse
ang dumating. Agad na nabaling roon ang
atensyon nang mga babaeng nagkumpulan at tila
natutuwa ang mga ito. Naunang bumaba ang mga
lalaki sa unang kotse. Pulos naka itim ang mga
ito.
Lumapit ang isang unipormadong lalaki sa isang
kotse na kasunod at binuksan nito ang isang
pintuan. Mula roon ay may bumabang matangkad
na lalaki. Naka uniform ito kaya nalaman nya na
estudyante rin ito. Masyadong malayo ang
kinalalagyan nya kaya hindi nya makita ang
itsura nito.
Ano ba yan. Kailangan talagang may taga bukas
pa nang pinto nang kotse para sa kanya? Naka
ngiwi at naiiling na bulong nya. Minabuti nya
na lamang na maupo at making sa mp3 player nya
habang naghihintay sa pagsisimula nang klase.
Ikatlong araw na nang klase ngunit wala pa ring
nagiging kaibigan si Sandy sa mga kaklase nya.
Ang nakakasama nya tuwing lunch break ay si
Renz, ang baklang MassCom student na kaklase
nya noong highschool sa Laguna. May kaya ang
pamilya nito kaya hindi na sya nagtataka kung
afford nitong mag-aral doon.
Nagkita sila noong unang araw nang klase sa
canteen at doon sila nagkwentuhan. Bagamat
MassCom student ito ay pareho ang kanilang
schedule kaya nagpasya sila na sila na lamang
ang magkasamang kakain tuwing lunch.
Girl, wala ka pa rin bang friendship sa mga
classmates mo? Minsan ay tanong ni Renz.
Kasalukuyan silang kumakain nang ice cream sa
isang bench na nasa ilalim nang isang puno na
malapit sa parking lot.
Umiling sya. Wala pa nga eh. Dati na kasing
magkaka klase yung mga yun. Block section sila.
Okay lang naman. Kibit balikat na sagot nya.
Kaloka ka naman.Dapat mag effort ka naman para
magka friendship ka na sa mga classmates mo.
Hindi ka normal kapag sa lingo na ito eh wala
ka pa ring nakakausap. Sabi pa ni Renz.
Ngumiwi si Sandy. Ah ewan. Ang kulit naman
kasi ni mama eh. Sinabi ko nang ayoko mag-aral
dito. Pinilit pa rin ako. Bago ko nga malaman
na dito na ako mag-aaral, naka enroll na pala
ako. Mas nakakaloka yun, diba? Kwento nya sa
kasama. Tinititigan nya ang hawak nyang
notebook.
Nakakaloka nga girl. Umiiling na sabi ni
renz. Pero alam mo, hindi ko rin masisisi ang
madires mo kung dito ka nya gusto mag-aral.
Kagaya nang madires at padires ko, they want
the best for me, and they think na ito ang
school na best para sa akin. Sabi naman ni
Renz.
Whats so great with this school? Inilibot
nya ang kanyang paningin. The scenery and the
ambience, maybe. Pero kung ang pagbabasehan ay
ang pagtutro, ewan ko. Parang pumapasok lang
ang mga estudyante dito upang magpasikat o
makita ang mga kaibigan nila dito.
Pareho lang ang pagtutoro nang mga professor
dito at nang sa public. Ah basta. Sabi ni
Sandy. Nilingon nito si Renz. Oops, no offence
meant Renz. Hindi ka naman ganon eh. Sabi nya
rito.
Tumawa ang bakla bago nagsalita. Ayos lang,
ano ka ba. Aminado naman ako doon, pero may
impact ang pangalan nang university na ito
kapag nakapag graduate ka na. Mas maraming
opportunities sa bawat magtatapos sa
St.Bernard. Paliwanag ni Renz. Pumipilantik pa
ang mga daliri nito.
Yumuko lang si Sandy, hindi na nagkomento.
And oh, by the way. About sa pagtuturo naman
nang mga professor, depende kasi sa prof yun,
Girl. Habol ni Renz, still smiling.
Malungkot na tumango na lamang si Sandy. Ilang
sandali pa ay nagpaalam na si Renz dahil may
tatapusin pa raw syang project. Isang oras pa
bago ang kanyang susunod na klase. Nagpasya
syang libutin na lamang ang university.
Una nyang pinuntahan ang field. Sa tabi noon ay
may mga kumpol nang halaman at mayayabong na
puno. Maraming naglalaro nang ibat ibang
sports sa field kaya dumiretso sya sa tila mini
forest na iyon. Napangiti sya sa nakita. The
place is perfect for her.
Pasalampak na naupo sya sa lilim nang isang
puno at agad na isinuot ang kanyang headphones.
Itinodo nya ang lakas nang kanyang mp3 at
pumikit. Ganoon sya kapag nagrerelax.
Napadilat sya nang may tumalon na grasshopper
sa kanyang binti. Sa gulat nya ay napatili sya
nang malakas. Agad syang napatayo. Narinig
nyang tila kumaluskos ang mga dahon sa puno na
sinilungan nya kaya tumingala sya. Nanlaki ang
mga mata nya nang may bulto nang tao ang
pabagsak sa kanya. Bago nya pa mamalayan ay
nadaganan na sya nang taong iyon.
A-aray.. Mahinang sabi nya. Agad syang
dumilat at lalong nanlaki ang mga mata nya nang
makita na maraming kapwa studyante na rin ang
naroroon at nakapalibot pa ito sa kanila. Agad
nyang itinulak ang lalaking nakadagan sa kanya.
Dagli naman itong tumayo.
Nagbulungan ang mga studyante na naroroon. Ang
lalaki naming nakadagan sa kanya ay nagpapagpag
nang suot nito. Nakayuko ang lalaki kaya hindi
nya ito makita.
Matapos magpagpag ay tiningnan sya nang lalaki.
Watch your mouth next time. Nakakaistorbo ka.
Sabi nito bago tumalikod at agad na naglakad
palayo. Sinundan ito nang ibang babaeng
studyante.
Napanganga sya sa inasal nito. Aba! Hoy! Ikaw
na nga itong nakadagan eh! Pwede ka naman
sigurong mag sorry! Pahabol sa sigaw nya rito.
Nagpagpag din sya nang damit at dinampot nya
ang kanyang mp3 player.
Miss, okay ka lang? Tanong nang isang babaeng
studyante. Nakilala nya ito, Isa ito sa mga
kakalase nya. Ang iba naman ay umalis na nang
makitang okay naman sya.
Nginitian nya ito. Oo, Sabi nya matapos
tumango.
Ako nga pala si Judy. Classmates tayo.
Naglahad ito nang palad. She wore a bright
smile.
Tinangap nya ang pakikipag-kamay nito.Im
Cassandra. Just call me Sandy.
Nagulat kaming lahat sa field nang marinig
namin na may tumili. My God, si Aled na pala
ang nakapatong sayo. Sabi nito, pagkatapos ay
humagikhik.
Ngumiwi si Sandy. Ah, Aled ba ang pangalan
non? Ang rude. Hindi man lang nag sorry, sya
na nga itong nakadagan sa akin. Inis na sabi
nya.
Muling humagikhik si Judy. Ganon talaga yun.
Numero unong isnabero. Pero ang pogi no? Hay.
Sya ang pinapangarap nang halos na lahat nang
women population dito sa St.Bernard. Sabi nito
na tila nangangarap.
Nangunot ang noo nya. Talaga ha?
Tumango si Judy. Oo naman. Ay teka, upo tayo.
Magkwentuhan tayo. And since bagong transfer ka
lang dito, itu-tour kita gamit ang kwento ko.
Nakangiting sabi nito.
Sabay silang naupo sa lilim nang puno kung saan
nahulog ang lalaki.
So, balik tayo kay Aled. Hes not just good
looks. Sila rin ang may-ari nang pinaka
malaking shares nang St.Bernard, so
technically, parang sila na ang may-ari nang
school. Mabuti ka pa, parang nayakap mo na rin
sya. Kinikilig na sabi nito.
Crush mo yun? Ni wala ngang manners eh.
Naiiling na sabi nya.
Nagkataon lang yun. May sariling mundo yun, at
tahimik. Nagising mo ata sya nang tumili ka
kaya nahulog sya sa puno. Natatawang sabi
nito.
Natutulog sya sa taas nang puno? Namilog ang
mga mata nya sa sinabi nang kausap.
Tumango ito. But not exactly natutulog talaga.
You know, umiidlip pag walang klase.
Nakakapag-relax sya dito.
Mukhang crush mo nga sya. Ang dami mong alam
sa kanya eh. Sabi nya rito.
Ngumiti ito at nagkwento pa nang kung anu-ano.
Nakikinig lang si Sandy sa mga kwento ni Judy.
Masayahin ito kaya sa tingin nya ay makakasundo
nya ito. Sabay silang pumasok sa susunod na
subject nang mamalayan nila ang oras.
Hindi mapigilan ni Sandy ang isipin si Aled
nang gabing iyon. Kahit na naiinis sya sa
ugali nito ay aminado syang gwapo talaga ito.
Halatang mayaman at alaga ang makinis nitong
kutis. May kahabaan ang buhok nito, at halatang
may lahi. May pagka singkit ang mga mata nito
at matangos ang ilong na tila nililok.
Bagamat sandali nya lang nakita ang kabuuan
nito ay aminado sya na may karapatan nga itong
maging pantasya nang mga studyante sa
St.Bernard. Pero hindi sya. Sobrang naiinis sya
sa ginawa nito. Hindi na nga sya tinulungan
tumayo, sya pa ang sinisi. Tama ba naman kasi
na umidlip o umakyat sa puno sa eskwelahan?
Sa sobrang pag-iisip ay hindi na namalayan ni
Sandy na nakatulog na sya. Napuyat sya kakaisip
kay Aled kaya may kalakihan ang eye bug nya na
agad napansin ni Judy.
Ang laki nang eyebug mo ngayon, Sandy. Mukhang
nagpuyat ka. Puna nito.
Nginitian nya na lang ito. Oo eh.
Tumango lang ito bilang pagsang-ayon. Ay sya
nga pala, pwede mo ba akong samahan sa parking
lot? Naiwan ko kasi yung wallet ko sa kotse ko
eh. Do you mind?
Ah, hindi. Ayos lang. Sabi nya at agad na
tumayo.
Sabay silang naglakad nito. Nang malapit na
sila ay napansin nya na naman ang mga babaeng
nagkakalat sa parking lot kagaya nang nakita
nya noong unang araw nang klase.
Judy, pwede ba magtanong? Agad na tanong nya
sa kasama.
Binubuksan na nito ang pinto nang kotse nito.
Tumango ito. Ano yon?
Yang mga babae na yan, Tinuro nya ang mga
ito. Bakit parati ata silang nakatambay dito?
i mean.. Nagkibit balikat sya, hoping na
magegets nito.
Tumawa si Judy. Yeah, I know. Hinihintay nang
mga yan na dumating si Aled. Hindi ata
nakukumpleto ang araw nila kapag hindi nila
nakikita si Aled sa umaga. Paliwanag ni Judy.
Nanlaki ang mata ni Sandy. Seryoso? Hinihintay
talaga nila yung suplado at walang manners na
yon?
Ssh! Saway ni Judy dito. Huwag mong
ipaparinig sa iba yang asar mo na yan kay Aled.
Youll gain haters, Im telling you. Sabi pa
nito.
Ngumuso na lamang si Sandy. Hanggang makarating
na sila sa classroom nila ay hindi pa rin maka
get-over sa mga nalaman nya si Sandy. Bakit sa
dinami dami nang lalaki sa campus ay ito pa ang
tila heartthrob sa university? Bakit sa kabila
nang kagaspangan nang ugali nito ay madami pa
rin ang nagkakagusto dito to the point na
inaabangan pa ito nang iba sa parking lot?
Sya rin ang sumagot nang mga tanong na iyon.
Gwapo si Aled, at isa iyong katotohanan na
hindi nya maikakaila. Malakas ang appeal at
mayaman. Pero hindi dapat iyon ang basehan.
Ah! Bahala na.Ipinilig nya ang kanyang ulo.
Ayaw nya nang mag-aksaya nang oras para sa
lalaking iyon.
Tita Lorena! Masiglang sinalubong ni Sandy
ang butihing tiya nya sa gate nang kanilang
bahay. Kinuha nya ang dalang bag nito at inakay
papasok.
Wow, ang cute naman pala nang bagong bahay
nyo. Hindi nga lang kasing laki nang bahay nyo
dati pero maayos naman. Sabi naman ni Lorena
habang inililibot ang paningin.
Upo ka tita. Tamang-tama lang sa aming apat
itong bahay. Kasama ni mama sa kwarto si Chloe,
tapos kami naman ni Carina sa isang kwarto.
Kwento nya rito.
Umupo si Lorena. Anong oras ba darating ang
mama mo?
Liningon ni Sandy ang orasa. Pauwi na iyon
Tita. Aniya. Nauuna kasi syang umuwi dahil
alas dos ang huling klase nya at bago mag alas
kwatro ay nakakauwi na sya. Ang mama nya naman
ay alas singko, gayun din ang dalawa.
Halika ka. Magkwento ka naman about sa bagong
school mo. Maganda ba doon? Well, I guess.
Hindi piptsuging university ang St.Bernard.
Nakangiting sabi ni Lorena sa paboritong
pamangkin.
Umupo si Sandy sa tabi nang tiya nya. Uhm,
okay lang naman sya. Sagot nya.
Natawa si Lorena. Parang hindi okay pero ayaw
mo lang aminin. Sabi nya sa pamangkin.
H-hindi naman sa ganon tita. Kaya lang, hindi
pa kasi ako nakakapag adjust. Bagong
environment at classmates ang hinaharap ko for
one week na and Im trying my best to fit.
Sabi nya.
Sabagay. Naiintindihan kita. Kaya lang. doon
gusto nang mama mo na mag-aral ka. And I think,
maganda naman iyon para sayo..
Ngumiti si Sandy at tumango. Yun na nga lang
din po ang iniisip ko.
Just like the old times bago mag-asawa ang tita
Lorena nya ay nagkwentuhan sila. Limang taon na
itong executive secretary sa isang
multi-national company bago nito makilala si
Roger, ang asawa nito ngayon.
Limang buwan pa lamang silang kasal at
businessman si Roger kaya nang malaman nang mga
ito ang nangyari sa papa nya ay nangako ang
tita Lorena nya na tutulungan sya sa pag-aaral.
Pumayag naman si Roger dahil naging malapit na
rin ito sa kanila.
Iyon ang unang beses na pagdalaw nang Tita
Lorena nya sa bagong bahay nila dahil naging
busy rin ito nang mga nakaraang lingo. Bunsong
kapatid nang mama nya si Lorena, pangalawa ang
mama nya sa magkakapatid at ang panganay ay
nasa ibang bansa kasama ang pamilya nito.
Lorena, andito ka na pala. Hindi mo ako
tinext. Bungad ni Loreta. Kadarating pa lang
nito at kasama na nito sina Carina at Chloe.
Nag mano ang dalawa kay Loreta at dumiretso
nang kwarto upang magbihis.
Napa-aga nga ako ate. Pinag-under time ako
nang boss ko dahil may pinuntaha syang business
meeting.
Anong masasabi mo sa bagong bahay namin?
Ang ganda ate. Tamang-tama sa inyong apat.
Mabuti nga at hindi kayo masyado nahirapan sa
paghahanap nang mauupahan.
Sinabi mo pa. Anyway, dala mo ba? Tanong ni
Loreta.
Tumango si Lorena.
Nagsalubong ang mga kilay ni Sandy. Ang ano?
Ah eh. W-wala anak. May ipinadala akong
kwintas sa tita mo. Hiniram nya sa akin last
time. Sabi ni Loreta.
Tumango naman si Lorena.
Nagkibit balikat na lamang sya at nagsaing sa
kusina.
CHAPTER 1 ----
You need to find her, Renato. Sabi ni Lyn sa
asawa. Kasalukuyan silang nag-uusap sa veranda
habang kumakain nang agahan.
Don Renato took a sip in his mug bago sumagot.
I know sweetheart. I just need more time.
Nagpadagdag na ako nang detectives para mahanap
agad ang dapat hanapin. Hindi ito madali,
iilang impormasyon lang ang hawak natin.
Yes, I know too. Pero dalawang buwan na lang
at magbibirthday na si Aled. We need to move
fast. Tila bahaw na sabi nang Donya. She took
a slice of bacon on her plate.
Tumango ang Don. Im confident this time,
sweetheart. Mahahanap na natin sila. Sabi nang
Don bago muling ibinalik ang atensyon sa hawak
na dyaryo.
Don Renato and Donya Lyn has an only child, si
Alejandro o Aled sa marami. Ito ang nakatakdang
mag-mana nang lahat nang ari-arian nang pamilya
Santillan sa takdang panahon.
Ngunit mayroong kondisyon na ginawa ang ama ni
Don Renato na lolo ni Aled. Aled must marry
before he can have the power over their
corporation, ang Clandestine International. At
hindi lamang basta babae ang pwede nitong
pakasalan, may ipinapahanap ang lolo nito, apo
umano nang matalik nitong kaibigan na nagligtas
nang buhay nito.
Matagal nang alam ni Aled ang kondisyon nang
lolo nya, ngunit hindi ito nagpakita nang
pagtutol o pagsang-ayon. Hindi malaman nang
mag-asawa kung ano ang plano nang anak nila.
Ang kumpanya ay magiging pag-aari nang bunsong
kapatid ni Renato na si Roberto. Hindi ito
nakapag asawa at malayo ang loob nang
magkapatid ngunit alam ni Renato na tuso at
ganid ito.
Nasa huling testamento nang ama nila na kapag
hindi pa nakapagpakasal ni Aled sa edad nitong
bente sa nasabing babae ay mapupunta ang lahat
nang kayamanan kay Roberto. Magtatrabaho bilang
simpleng empleyado sa kumpanya ang mag-ama na
sina Renato at Aled. May sariling negosyo din
naman si Donya Lyn ngunit mas malaki nang di
hamak ang kinikita nang Clandestine.
Sa kasong ito ay handa sanang tanggapin nang
asawa na hindi sa kanila mapunta ang mana dahil
ayaw nilang pilitin ang anak nila, ngunit ayaw
nila na ang ganid na si Roberto ang
makikinabang nang lahat. Alam nila na may mga
illegal businesses ito at siguradong hindi
magiging maganda ang pagpapatakbo nito sa
kumpanya na pinaghirapan nang papa nila.
Ang nasabing babae ay bata kay Aled nang
dalawang taon, ayon na rin sa kwento ni Don
Rafael bago ito yumao. Apo ito ni Lucio
Ronquillo, dating empleyado nang Don sa
Clandestine ngunit kalaunan ay naging matalik
na kaibigan nito. Kasama ito palagi nang Don sa
bawat lakad nito.
Isang beses ay nagpasya ang Don na pumunta sa
isang beach resort na pag-aari nang
Clandestine. Kasama nito si Lucio at isang
driver nang may mangyaring aksidente. Nabangga
ang kotse na sinasakyan nila. Namatay ang
driver ngunit nabuhay ang dalawa. Tinulungan ni
Lucio na maunang makalabas ang Don.
Don Rafael remember Lucio saying na mas
importante ang buhay nya kaysa sa kanya kaya
kailangan nitong mabuhay. Kailangan daw ito
nang pamilya nito at nang Clandestine. Nang
makalabas ang Don ay agad nya rin tinulungan
makalabas ang kaibigan. Ngunit bago ito
tuluyang makalabas ay pinatakbo na sya nito
dahil ilang sandali na lang ay sasabog na ang
kotse.
Bagamat ayaw iwanan nang Don ang matalik na
kaibigan ay natakot na din sya, pinilit nyang
lumayo kahit madami na rin syang sugat. Ilang
sandali pa ay sumabog ang sasakyan. Bagamat
hindi agad binawian nang buhay si Lucio dahil
naisugod pa ito sa hospital ay hindi kinaya
nang katawan nito ang mga tubo na bumubuhay
dito.
Nailibing ito nang hindi nakikita ni Rafael
dahil dinala sya sa America nang anak nitong si
Renato upang magamot nang maayos. Nang makauwi
muli ay wala na syang nahanap na kamag-anak
nang namatay na kaibigan. Bilang pasasalamat ay
gumawa nang last will and estament ang Don bago
ito mamatay.
Ang sabi nang Don ay malalaman nila kung ito na
ang apo ni Lucio kapag hawak nito ang kwintas
na kapareho nang kwintas na ibinigay nito kay
Aled. Isa iyong 24karat gold na may pendant na
may diamond sa gitna. Pinasadya nila iyon kaya
wala itong ibang katulad.
Ang kwento ni Don Rafael ay sinadya nilang
bumili ni Lucio nang kwintas upang kapwa ibigay
sa mga apo nila. SI Aled ang una at nag-iisang
apo nang Don kaya mahal na mahal nya ito.
Papa was so clever. Alam nyang hindi natin
hahayaan na mapunta kay Roberto ang
Clandestine. Naiiling na sabi ni Renato sa
asawa.
Tumango si Lyn. Yes, sweetheart. And I hope,
maintindihan tayo ni Aled. Ayoko na lalong
lumayo ang loob nya sa atin. Malungkot na sabi
nang Donya.
Si Donya Lyn naman ay pure Korean na nakilala
ni Don Renato sa isang business trip nito sa
Korea. Marunong mag English ang Donya nang
magkakilala sila kaya hindi naging mahirap para
sa kanila ang mag-usap. Anak si Lyn nang isang
Korean businessman, at nag-iisang anak ito kaya
dito ipina-mana ang jewelry business nang mga
ito.
Bagamat nagkaroon nang anak sa pagkadalaga si
Lyn ay hindi iyon naging hadlang kay Renato
para mahalin ito. Limang taon na si Patrice
nang magpakasal ang dalawa. Naiwan si Patrice
sa mga magulang ni Lyn at alam rin iyon ni
Aled. Nakilala nya na rin ito.
Sa ina namana ni Aled ang singkit na mata nang
binata. Ang tangkad naman nito ay sa ama na si
Renato. Walang itulak kabigin ang lahat sa
itsura ni Aled, tila ito isang celebrity na
Koreano. Malakas din ang appeal nang binata,
tipong lilingunin ito nang mga tao once na
makasalubong nila si Aled.
But there is a big problem. Masungit, suplado
at hindi pala imik si Aled. He has his own
world. Masyado itong misteryoso, he barely
smile.
Ang mga katulong sa mansion nang mga Santillan
ay ilag dito. Kaunting galaw lang kasi nila na
hindi nito gusto ay malamang na sisinghalan
sila nito.
CHAPTER 2 ---
T-teka ma, ano to? Bakit mo binibigay to sa
akin? Gulat na tanong ni Sandy sa ina. Isinuot
nito ang isang gold necklace sa kanya.
Anak, sayo yan, remember? Ibinigay iyan nang
lolo Lucio mo noong five years old ka pa lang,
pero I decided na itago dahil bata ka pa noon,
baka mawala mo lang. Sabi ni Loreta sa anak.
Inayos nito at lagpas balikat na buhok nang
anak at ihinarap sa salamin.
Hinawakan nya ang kwintas. Hindi nya alam pero
pakiramdam nya ay mayroong hindi magandang
mangyayari nang hawakan nya ito. Napalunok sya.
Ah, eh ma, bakit bininigay mo na ito sa akin
ngayon?
Ano ka ba. Syempre sayo yan. Ang tagal ko nga
lang na naitago iyan, nawala na sa isip ko
habang lumalaki ka. Nakangiting sabi ni
Loreta.
Nagkibit balikat na lamang si Sandy.
Huwag mong iwawala yan, yan na lang ang
ala-ala na naiwan ni Itay bago sya mamatay.
Paalala ni Loreta bago iwan ang anak sa kwarto.
Hinubad ni Sandy ang kwintas at pinagmasdan na
maayos. Simple lang ang disenyo nito, may
diamond sa gitna nang pendant. Whats so
special with this necklace aside from the fact
na galling ito sa paboritong lolo nya? Itinaas
nya ito, sinipat. Pinaikot at pinisil-pisil.
Pakiramdam nya talaga ay may hindi magandang
mangyayari.
Muli nya itong isinuot. Lalo nya tuloy na miss
ang lolo nya. Fourteen years old sya nang
mamatay ito dahil sa isang car accident, at
naaalala nya na nangako ito na dadalhan sya
nito nang pasalubong. Ngunit sa hospital nya na
ito muling nakita.
Palagi sila nitong naglalaro nang kung anu-ano.
Bagamat may katandaan na ang lolo nya ay
nagiging malakas ang lolo nya pagdating sa
pakikipaglaro sa kanya. How she wished na hindi
ito maagang kinuha sa kanila.
--------------------------------------
Judy is deffinietly sexy and charming. Iyon ang
unang pumapasok sa isip ni Sandy tuwing
pinagmamasdan nya ang kaibigan. Bukod pa sa may
sinabi din ito sa klase ay mayaman si Judy.
Anak ito nang isang mayor sa isang probinsya at
nag-iisang anak ito.
Pakiramdam nya ay nagmumukha syang katulong
nito kapag magkasama sila nito. Hindi sya
kasing charming at kasing sexy nito. Bagamat
matangkad din sya ay simple lang ang ayos at
itsura nya.
Lagpas balikat ang buhok nya na palaging naka
lugay. Iniiwasan nya kasi na mag tali dahil
nagpa fly-away ito sa gilid. Hindi sya ganoon
kaputi
ngunit hindi rin naman sya maitim, ngunit kung
tatabi sya kay Judy ay parang napaka itim nang
tingin nya sa sarili nya.
Pero alam nyang hindi sya naiinsecure dito, she
admire her. Napaka down to earth nito at
humble, hindi katulad nang iba nilang kaklase
na kala mo sobrang ganda at yaman. She always
dazzled. Kapag biyernes ay maari silang magsuot
nang civilian at talaga namang pansinin kung
mag damit si Judy.
Samantalang sya, ang favorite attire nya ay ang
skinny jeans at simpleng blouse o printed shirt
na tiniternuhan nya nang kanyang paboritong
chucks. Kumportable sya sa ganoong ayos, at
hindi din sya maarte sa katawan. Wala syang
pakialam kung ang tingin nang iba nyang mga
kaklase ay wala syang taste o baduy sya.
She seldom care kung ano ang sasabihin nang
iba, basta masaya sya at wala syang natatapakan
na tao o nagagawang masama. Masayahin sya at
may kalakasan sya tumawa. Naiinis sya sa mga
kaklase nya na kimi tumawa, halatang pinipilit
magpaka elegante. She hate pretending, na sya
namang nakikita nyang ginagawa nang karamihan
sa mga kaklase nya.
Sandy, I want you to invite on my debupt party
next week. Heres the the invitation, sana
pumunta ka.Nakangiting inabot ni Judy ang
isang envelope kay Sandy.
Kinuha iyon nang dalaga. S-sigurado ka?
Tumawa si Judy. Oo naman. Ikaw talaga. Nasa
invitation na ang lahat nang details, please
come.
Nginitian nya na lang ito. Binuksan nya ang
envelope. Sa isang five star hotel gaganapin
ang party, formal attire, at hanggang alas tres
nang madaling araw ang party.
Napangiwi sya. Alam nya na kailangan nyang
magsuot nang gown, ang she hates wearing one.
Hindi sya umattend nang JS prom nila noong
highschool dahil hindi sya komportable na
magsuot nang gown at sapatos na de takong.
Hanggang pag-uwi ay problemado ang dalaga. Agad
nyang sinabi sa mama nya ang pagimbita sa kanya
nang kaklase nya pag-uwi nya.
Thats nice, anak. This time, inoobliga kitang
umattend sa debut party na iyan. Sabi ni
Loreta. Pinilit nya itong sumali sa JS prom
noong highschool pa ito ngunit tigas nang iling
nito.
Umiling si Sandy. Mama naman. Alam mo namang-
Oo, alam ko. Sansala ni Loreta sa anak. At
hindi magandang idea yan. Ikaw lang yata ang
babaeng kilala ko na ayaw magsuot nang gown!
Hindi normal iyan, anak. Sabi pa nito.
Nag make face ang dalaga. Hay nako. Dont tell
me, iniisip mo na tomboy ako? Ugh! Umikot ang
dalawang eyeballs ni Sandy.
Umiling si Loreta. Wala akong sinasabing
ganyan. I just find it a bit abnormal.
Nagkibit balikat na lamang ito.
-------------------------------------------
They found her. My God. Napatampal sa noo nya
si Don Renato nang maibaba na nito ang
telepono.
Agad na lumapit si Donya Lyn sa asawa. Really
sweetheart? Halatang masaya ito.
Tumango si Don Renato. Yes, somewhere in
Pasay. Maghanda ka na sweetheart, were going
there now. Ibinigay na sa akin ni Harvey ang
address. Tukoy nito sa may-ari nang detective
agency kung saan sila umupa nang mga detectives
upang mahanap ang apo ni Lucio Ronquillo.
Hapon na nang marating nila ang lugar kung saan
nakatira ang anak at apo ni Lucio Ronquillo.
Pinagbuksan nang pintuan nang kotse ang
mag-asawa. May kasikipan ang lugar kaya hindi
sa mismong tapat nang bahay sila bumaba.
Naglakad sila nang kaunti.
Lahat nang tao roon ay nagtinginan sa kanila.
They knew they look so elegant, at marahil ay
nagtataka ang mga ito kung bakit sila napadpad
doon.
Loving the attention, sweetheart? tudyo ni
Renato sa asawa.
Oh shut up, sweetheart. Just walk. Halatang
iritado na sabi ni Lyn. Hindi ito sanay sa
mainit na lugar, kaya madali itong mairita.
Nang marating na nila ang bahay nang mga ito ay
kumatok ang kasama nilang driver. Agad na
bumukas ang pinto. Matapos nilang magpakilala
ay agad silang pinapasok ni Loreta.
Ano ho bang maipaglilingkod ko sa inyo Mr. and
Mrs. Santillan? Magalang na tanong ni Loreta
matapos paupuin ang mga ito. Umanggi ang mga
ito nang inalok nya nang merienda. Day-off nya
noon at isinama ni Lorena ang mga anak nya sa
bahay nito.
Hindi na kami magpapaligoy pa, Mrs.Roxas. Alam
mo naman siguro na matalik na magkaibigan ang
papa mo at ang papa ko noong nabubuhay pa sila,
at hindi rin lingid sayo na ang papa mo ang
nagligtas sa papa ko. Simula ni Don Renato.
Mataman naman na nakikinig si Lorena, bagamat
bahagyang kinakabahan. Ngayon nya pa lamang
nakita o nakausap nang personal ang kahit na
sino sa mga Santillan.
Well, ganito kasi iyon. Bago mamatay si papa,
nag-iwan sya nang isang last will and
testament. Ipinapahanap nya kayo nang anak mo
sa amin.. and then.. Liningon ni Don Renato
ang asawa, as if saying na ito na ang magtuloy
nang pagpapaliwanag sa babae.
Ngumiti si Lyn. Ah, o-oo. And then, may
kondisyon kasi ang papa na ano, parang
kailangan magpakasal ang panganay na apo nang
papa mo at ang anak naming lalaki.
Dahan-dahang sabi nang Donya.
Nangunot ang noo ni Loreta. A-ano po? Kasal?
Si Sandy ko? Ulit ni Loreta.
T-teka, ganito kasi iyon. Siguro naman ay
kilala mo o naririnig mo na ang Clandestine
International Corporation hindi ba? W-well,
dahil ang anak namin ang nag-iisang apo ni
papa, he is supposed to be the only heir of
Clandestine..
A-at ano ho ang kinalaman nang anak ko sa mana
na yan? Naguguluhan pa rin na tanong ni
Loreta.
Mapupunta sa kamay nang ganid kong kapatid ang
Clandestine kapag hindi naipakasal ang anak mo
sa anak namin. I know, we sound selfish pero
hindi ko hahayaan na mapunta sa kapatid ko ang
kumpanya na pinaghirapan nang papa ko.
Roberto is such a sick bastard. He has illegal
businesses, may mga ebidensya kami and Im
afraid na sisirain nya lang ang Clandestine. We
know its too much and too sudden, pero matagal
na naming kayong ipinapahanap. Lumipat kayo
nang tirahan mula nang mamatay ang papa mo.
Paliwanag si Renato.
Napa-awang ang labi ni Loreta. Hindi nya pa
masyado maabsorb ang mga sinabi nang mag-asawa.
Ah, hindi ho ba at parang napaka bata pa nang
mga anak natin upang mag-asawa? I mean,
disi-otso pa lang ang panganay ko. I bet, mga
ganoong edad lang din ang anak nyo. Sabi pa ni
Loreta. Sa loob nya ay tinatanong nya ang
kaluluwa nang papa nya.
Tumango ang mag-asawa. My son is turning
twenty in two months time. At iyon ang pinaka
importanteng parte. Papa wants our children to
be wed before my son reach twenty years old, or
else ay mapupunta ang Clandestine kay Robert.
God. Tila devastated na paliwanag ni Lyn.
Lalong rumehistro ang pagkalito at pagkabigla
sa mukha ni Loreta.
A-ano?! Pakiramdam nya ay maloloka sya.
Malungkot a muling tumango ang mag-asawa.
Oh my God. Baby pa ang anak ko.. Bulong ni
Loreta.
Dont worry, sa oras na pumayag kayo ay hindi
kayo magsisisi. We can be a family, at matagal
na naming tanggap na ganito ang kapalaran nang
anak namin dahil kay papa. Sabi pa ni Lyn.
Umayos nang upo si Loreta. P-pero, I doubt
kung papayag sa ganoong set-up ang anak ko.
Alam kong hindi sya papayag. Ni hindi pa nga
sya nagkaka boyfriend.
Nagkatinginan ang mag-asawa. T-talaga?
Tumango sya.
Can we see her? Kami na lamang ang kakausap sa
kanya at magpapaliwanag. Sabi nang Donya.
N-naku, wala ho sya ngayon dito. Nasa bahay
sya nang kapatid ko. But you can see her. Sya
ang pinaka matangkad sa picture na yan.
Itinuro ni Loreta ang isang framed picture na
naka display sa wall nila.
Tumango si Lyn. Good. So ano sa palagay mo? Sa
oras na pumayag ang anak mo, you dot have to
stay here. I mean, sa mansion na kayo titira.
Dont get me wrong, hija. Alam kong nakaaangat
rin kayo noon.
Yumuko si Loreta. Tama ang sinabi nito. May
kaya sila noon bago ma bankrupt ang bangko na
pag-aari nang pamilya Ronquillo.
H-hindi ko ho maipapangako na papayag ang anak
ko. M-maganda ho sana ang offer nyo, at alam ko
rin ho na gaganda ang kinabukasan nang anak ko,
kahit may asawa na sya kung ang anak nyo ang
mapapangasawa nya. Ngumiti si Loreta.
Good. Sya nga pala, we need to see the
necklace your father gave her when she was
young. Ang sabi ni papa ay pareho raw iyon nang
kwintas nang anak namin. Ipinasadya daw nila
iyon upang ibigay sa mga apo nila, at umaasa na
magiging isang pamilya talaga tayo. Sabi ni
Renato.
N-nako, suot ho ni Sandy ang kwintas.
G-ganoon ba? Sa uulitin, maari naman siguro,
hindi ba?
Tumango si Loreta.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang mag-asawa.
Tsaka nakahinga nang maluwag ang babae nang
maisara nya ang pinto matapos lumabas ng mga
ito.
Agad nyang naisip si Sandy. Tiyak na tututol
ito. Pero tiyak nya na ang kinabukasan nito
kapag nagkataon. Yayaman ito, at alam nyang
gaganda ang buhay nang anak nya. Sigurado din
naman sya na hindi naman pangit ang anak nang
mga ito dahil kapwa may itsura ang mag-asawa,
lalo na at Koreana si Donya Lyn.
Sumakit ang ulo ni Loreta kakaisip. Agad syang
nagsaing at nagluto nang ulam para sa hapunan.
Hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya
habang nakasalang pa ang niluluto nyang ulam.
Ilang sandali pa at umaapoy na ang halos
kalahati nang kusina nila, ngunit tulog na
tulog na si Loreta..
CHAPTER 3 ---
Pasensya na talaga Lorena. Nahihiyang sabi ni
Loreta sa kapatid. Dalawang araw na silang
nakatira rito, hindi rin makapasok sa school
ang magkakapatid dahil natupok nang apoy ang
mga gamit nila.
Wala iyon ate. Nasabi mo na ba sa anak mo?
Tanong ni Lorena.
Umiling si Loreta. H-hindi ko alam kung paano
ko sasabihin.
Ikinwento nya rito ang nangyaring pagpunta nang
mag-asawang Santillan sa kanila, at ang mga
pinag-usapan nila. Sabi ni Lorena ay iyon na
lamang ang tanging solusyon sa nangyari sa
kanila.
Malaki ang maitutulong nang mga ito. Sa
katunayan ay tinawagan sya nang umagang iyon ni
Donya Lyn, offering help. Pero hindi nya ito
kinausap nang matagal. Hindi nya pa nakakausap
si Sandy at natatakot sya na magalit sa kanya
ang anak.
-----------------------------------------------
----------
W-what? Okay ka lang ba ma? Napatayo sa
kinauupuang sofa si Sandy nang kausapin sya
nang mama nya at nang tita Lorena nya. No
way!
A-anak, hindi naman sa pinipilit kita,
pag-isipan mo muna.. Sabi ni Loreta. Ito na
ang nakikiusap sa anak. Were broke. Nasunog
ang bahay at mga gamit natin. Pati ang pera na
iniwan nang papa mo, naging abo. I dont know
where to start.. Garalgal na sabi ni Loreta sa
anak. This time ay umiiyak na ito.
Yumuko si Sandy. Hindi nya kayang makitang
umiiyak ang mama nya, at tama ito. Walang wala
talaga sila. Hindi sila pwedeng umasa sa tita
Lorena nya dahil tumutulong na rin ito sa
pag-aaral nya at magkakapamilya na ito.
Knabukasan ay pumasok si Sandy dahil biyernes
naman at pwedeng magsuot nang civilian. Agad
nyang sinabi sa mga professor nya at nagpaalam
sya sa mga ito na baka hindi makapasok nang
ilang araw. Naiintindihan sya nang mga ito.
Hindi sya agad umuwi nang araw na iyon.
Tumambay pa sya sa university at
nakipagkwentuha kay Renz.
Grabe girl. Young wife ang drama mo kapag
nagkataon. Komento nito. Kumakain sila nang
ice cream sa paborito nilang spot, sa ilalim
nang puno.
Sumimangot sya. Nang-aasar ka pa dyan. Ni
hindi ko pa nga nakikita yung mapapangasawa ko
kung sakaling pumayag ako. Ang awkward naman.
Bakit, hindi ka ba papayag? Paano ang mama at
mga kapatid mo? This time, literal na bread
winner ka nang pamilya mo Sandy. Dont let
them suffer. Naiiling na sabi ni Renz.
Ah! Ano ba to? Ayoko nang ganito. Halos
maiyak na sabi ni Sandy.
Kaya mo yan girl. Isipin mo na lang na para sa
pamilya mo ang pagsasakripisyo mo, and Im sure
naman ay pwede mapa-annul ang kasal nyo kung
hindi na kayo masaya. Sabi pa ni Renz.
S-sa tingin mo, dapat akong pumayag?
Tumango si Renz. Kung ako nasa kalagayan mo,
which is impossible, malamang iko-consider ko
talaga ang pagpapakasal sa lalaking iyon.
Siguro naman hindi yon panget. Nakangiwing
sabi ni Renz.
Natawa sya dito. Ikaw talaga.
Alas singko nang hapon umuwi si Aled nang araw
na iyon. Katulad nang nakagawian ay dumidiretso
ito nang uwi. Tuloy-tuloy itong bumaba sa
sasakyan nang pagbuksan na ito nang mga
bodyguards nito.
Nang makita ito ni Donya Lyn ay agad nya itong
hinarang. Anak, can I talk to you for a
minute? She asked.
Blanko ang mukha na tiningnan lang ni Aled ang
ina. Inakay ito ni Lyn sa tabi nang pool at
doon kinausap.
Ahm, anak.. naaalala mo pa ba yung last will
and testament nang lolo mo?
Tumango ito, blangko pa rin sa reaksyon ang
mukha.
In two months time, twentieth birthday mo na.
We found the girl that papa wants you to marry
para sa Clandestine. Dahan-dahan na paliwanag
ni Lyn.
Okay. When is the wedding? Tanong ni Aled.
Napanganga si Lyn sa tanong nang anak. W-what?
Y-you mean to say, payag ka?
You never ask. Sagot nito. Tumayo ito at
inayos ang nagusot na damit, tila naiinip.
Tumayo rin ang Donya. Ah, s-sige anak. Ill
tell your dad that you said yes. Excited na
sabi nang Donya.
Dumiretso ito sa library kung saan gumagawa
nang ilang paper works ang Don. Agad nyang
sinabi rito ang pagpayag nang anak nila.
Thats good. Hindi na tayo nahirapan
kumbinsihin si Aled, sweetheart. Kailangan na
lang natin malaman ang desisyon nang apo ni
Lucio Ronquillo.
Yes, and kailangan na rin nating iplano ang
kasal. Dalawang buwan na lang at birthday na ni
Aled, we need to move fast. Sabi naman nang
Donya.
-----------------------------------------------
----
Kinakabahan na pinihit ni Sandy ang doorknob
nang pinto nang library room sa mansion nang
mga Santillan. Her soon to be husband is there.
Nag-uusap sa ibang detalye ang mama nya at ang
mag-asawang Santillan about sa details nang
magiging kasal nila.
Pinapunta sya nang mga ito sa library upang
makilala nya na ang anak nang mga ito, si
Alejandro. Parang tatalon sa dibdib nya ang
puso nya sa kaba. Masyadong kakaiba ang
nangyayari.
Nang makapasok sya ay nakita nya ng bulto nang
lalaki na nakatalikod, naghahanap nang libro sa
mga estante. Nakasuot ito nang isang checkered
polo at slacks. Tumikhim sya upang ipaalam ang
presensya nya.
I-ikaw? Gulat na tanong nya. Ang lalaking
humarap sa kanya ay walang iba kundi si Aled,
ang heartthrob nang St.Bernard, at ang lalaking
walang manners na nakadagan sa kanya.
Tumiim ang tingin nito sa babae. Ibinaba nito
sa lamesa ang hawak na libro at unti-unting
lumpit sa babae. You? Nagsalubong ang mga
kilay nito.
Hoy, wag mo akong ma you you ha! Ikaw ang
biglang nandagan at sa akin ka pa nagalit.
Muling bumangon ang inis na nararamdama ni
Sandy sa lalaking ito. Bagamat naiintimidate
sya sa pagkakalapit nito sa kanya ay mas
nangibabaw ang inis nya.
Nangunot lang ang noo nito at tiningnan sya
mula ulo hanggang paa bago muling tumigil sa
mukha nya ang tingin nito.
Nainsulto si Sandy sa ipinakita nitong paghagod
nang tingin sa kanya. Huwag mo nga akong
tingnan nang ganyan. Saway nya at tiningna nya
ito nang masama.
Why not? In a few days ay magiging mag-asawa
na tayo. He mocked bago tumalikod at muling
bumalik sa paghahanap nang libro.
Napasimangot na naman si Sandy. Ganyan ka ba?
Napaka obedient mo namang anak. Out of the
blue ay tanong nang dalaga.
May sarili akong isip, nagkataon lang na
kagustuhan ko rin na pumayag sa ganitong
set-up. Matigas na sagot ni Aled, na nasa
binabasa pa rin ang atensyon.
Umirap sya dito bagamat hindi ito nakatingin.
Nagbabasa pa rin ito nang libro. Ni hindi man
lang sya tiningnan nito. Lalo syang naasar
dito. Wala ka talagang manners! Nakakinis ka!
I hate you! Tila bata na sabi nya rito.
Pumadyak sya nang dalawang beses, mannerism nya
iyon kapag upset o naiinis sya.
Muli syang nilingon ni Aled ngunit wala na
naman itong reaksyon. Sa inis nya ay agad nya
itong iniwan at bumalik kung nasaan nag-uusap
ang mga magulang nila. Bahala na!
Oh, hija. Nagkakilala na ba kayo ni Aled?
Nakangiting tanong ni Lyn.
Tumabi si Sandy sa mama nya na kaharap naman
nang mga Santillan. Tumango sya. Actually,
nakita ko na ho sya sa St.Bernard, were
schoolmates.
Nagkatinginan sila Renato at Lyn. Thats good,
sa St.Bernard ka din pala nag-aaral. Maaari
kayong pumasok nang sabay ni Aled. Sabi ni
Aled.
Yes, and hija, dont worry dahil kahit na
kasal na kayo ay ang pag-aaral nyo pa rin ang
una nyong priority. Graduating ngayong taon si
Aled, and we were looking forward to that.
Sabi pa ni Renato.
Natuwa sya sa sinabi nang mga ito. Magiging
normal pa rin naman pala ang buhay nya,
magkakaroon nga lamang sya nang asawa na
kinaiinisan nya.
Nang gabing iyon ay napag-usapan din nila na
araw-araw nang susunduin o dadaanan ni Aled si
Sandy dahil kailangan daw na ma-established ang
kanilang relationship bago sila ikasal.
Nais sanang tumutol ni Sandy, dahil alam nyang
halos araw-araw din ay may mga babaeng
nag-aabang kay Aled sa parking lot, plus, may
mga bodyguards pa sila.
Anak, mas mabuti na nga ang suggestion nila
Renato at Lyn. Mas panatag pa ako sa pagpasok
mo, dahil may kalayuan din sa atin ang
St.Bernard. Sabi ni Loreta sa anak.
Past ten oclock nang gabi na sila nakauwing
mag-ina. Pansamantala ay ipinahiram nang asawa
ni Lorena ang dating bachelors pad nito sa
mag-iina sa Makati. Ipinahatid sila sa driver
nang mga-asawa matapos nilang mapag-usapan ang
lahat.
Hanggang ngayon ay hindi lubos maisip ni Sandy
kung bakit naging ganoon ang takbo nang buhay
nila.
Ate, I cant believe it. Magpapakasal ka na.
Magkakaroon na rin ako nang pamangkin.
Natatawa at tila excited na sabi ni Carina.
Tumigil ka nga dyan. Wala pa akong balak
magkaanak. Tsaka wala sa plano at usapan yan.
Priority pa rin naming nang Alejandro na yun
ang pag-aaral.
Ngumiwi si Carina. Alejandro? Eew. Pangmatanda
ang pangalan. Baka mukha ring matanda. Sabi ni
Carina.
No comment. Pasalampak na nahiga si Sandy sa
higaan nya. Nasa kwarto na sila nang kapatid
nya at nag-uusisa ito.
No comment ka dyan. Ano ba ang itsura ate?
Nag Indian sit ito sa kama nito at humarap kay
Sandy.
Okay naman. Matangkad, maputi at singkit.
Sabi nya. Hindi nya masabi rito na gwapo ito at
malakas ang sex appeal, ayaw nyang puriin ang
lalaki.
Tumango-tango si Carina. Sabagay, hindi ba,
Koreana yung mama noon?
Oo, kaya singkit sya.
Nakasuap mo ba yung future husband mo? Usisa
pa ni Carina.
Naupo na rin si Sandy at hinarap ang kapatid.
Oo. Walang gana na sagot nya.
Ano naman napag-usapan nyo?
Hay, ano ka ba Carina. Wag ka nang tanong nang
tanong. Sabi nya rito.
Nagtatanong lang eh. Syempre curious ako.
Dapat maganda o gwapo ang magiging pamangkin
namin ni Chloe. Sab nito sabay hagikhik.
Sa inis ay binato ito nang unan ni Sandy.
CHAPTER 4 ---
Unang araw na magkasabay na papasok si Sandy at
Aled. Alas syete pa lamang ay kumatok na sa
pinto nila si Dave, ang personal na katiwala ni
Aled. Nasa late thirties na ang edad nito at
seryoso rin ang mukha.
Magandang araw senyorita. Nasa kotse ho si
senyorito at hinihintay na kayo. Bati nito sa
dalaga.
Nailang sya nang tawagin syang senyorita nito.
Ah ano, mister Dave, pwede bang Sandy na lang
ang itawag mo sa akin? Hindi ako sanay eh.
Umiling ito. Ipagpaumanhin ninyo senyorita,
pero hindi ko ho kayo mapagbibigyan. Sabi nito
at ngumiti nang bahagya.
Nagkibit balikat na lamang sya. Matapos
magpaalam sa mama nya ay kinuha ni Dave ang bag
nya at inalalayan sya hanggang sa makasakay sya
nang kotse. Agad nyang naramdaman ang lamig
dulot nang aircon.
Magkatabi sila ni Aled sa likuran, samantalang
nasa unahan si Dave at ang driver. Sa unahan
nila ay mayroon pang itim na kotse ka kagaya
rin nang sinasakyan nila. Naroon ang apat na
bodyguards na kasama araw-araw ni Aled tuwing
pumapasok ito at umuuwi.
Napahikab sya. Naipit sila sa traffic at halos
kinse minutos nang hindi gumagalaw ang mga
sasakyan. Sinusulyap sulyapan nya ang katabi,
at kagaya nang dati ay walang makikitang
reaction sa mukha nito. Umingos sya.
Is there a problem with my face? Bigla ay
tanong ni Aled matapos umingos ni Sandy.
Diretso pa rin ang tingin nito.Napaka sarap
sanang pakinggan ang boses nito, ngunit imbes
ay lalo lamang naiinis si Sandy sa lalaki.
Napa-awang si Sandy nang magsalita ito. Ah,
eh.. Na offguard sya sa tanong nito. Wala.
Then stop staring. Nakakairita. Matigas na
sabi nito.
Whatever. Mahinang sagot ni Sandy.
Habang papalapit na sa St.Bernard ay lalong
hindi mapakali si Sandy. Ano ang mangyayari
kapag nakita nang iba na kasabay syang bababa
ni Aled sa kotse? To think na tatlong araw din
syang hindi nakapasok dahil nagpatahi pa sya
nang uniform at nag-usap pa nga ang mama nya at
ang mga magulang ni Aled.
Papasok na sila sa gate nang university at
biglang nakaramdam nang pag-punta sa cr si
Sandy dahil sa kaba. Kagaya nang inaasahan ay
maraming babae pa rin ang nagkakalat sa parking
lot, halatang inaabangan ang pagdating ni Aled.
Bumaba sa naunang kotse ang mga body guard at
sabay na binuksan ang magkabilang pinto nang
kotse na kinalulanan nila Sandy at Aled. Sabay
silang bumaba at inabot sa kanila ang
kanya-kanya nilang bag.
Nakayukong naglakad palayo si Sandy.
Nagbubulungan na ang mga babaeng nag-aabang sa
pagbaba ni Aled. Alam nyang sya ang
pinag-uusapan nito at kung ano ang relasyon nya
sa lalaki. Si Aled naman ay tuloy tuloy lang
din na naglakad, ni hindi man lang sya
nilingon.
Magkaiba ang building nila kaya magkaiba ang
daan nila. Nagulat sya nang bago sya sumakay sa
elevator ay may mga babaeng humabol sa kanya.
Napapikit sya. Hindi nya alam ang sasabihin sa
mga ito.
Hey miss. Tawag nang isa.
Nilingon nya ito. Yes? Tanong nya.
Pinalibutan sya nang mga ito. Sa tingin nya ay
humigit kumulang sa walo ang bilang nang mga
ito. Nakauniform ang mga ito kagaya nang
uniform nya, maybe higher year.
Ah, we saw you na bumaba sa kotse ni Aled
kanina. If you dont mind, pwedeng malaman kung
bakit kayo magkasama? Sabi nang isa. She look
wicked, literally.
Hindi ko rin alam. Sagot nya.
Tumaas ang kilay nang mga ito sa sagot nya.
If you dont mind, malelate na ako sa klase.
Agad syang sumakay sa elevator nang bumukas
iyon. Naiwang naka nganga ang mga babaeng
pumalibot sa kanya.
Nagpasalamat sya nang marating nya na ang
classroom nila. Patakbo syang pumunta sa upuan
nya at agad na naupo.
What is going on? Gulat na tanong ni Renz sa
kaibigan. Kalat na halos sa buong university
ang pagpasok nila nang sabay ni Aled at pagbaba
nya sa kotse nito.
Hay Renz. Hindi ko alam na magiging ganito ka
kumplikado ang lahat. Tila nalilito na sagot
nya.
Baliw ka na ba girl? Exaggerated na tanong
nito.
Hinampas nya nang kamay nya ang braso nito.
Tumawa si Renz. Joke lang girl. Ikaw naman
kasi. Napakamisteryosa mo. Magugulat na lang
ako, jowa mo na si Aled Santillan. My gosh, the
hottest guy in the campus. I hate you for
that. Kunyari ay inirapan ni Renz ang
kaibigan.
Hindi ko jowa yun no. Pinagkasundo lang kami
nang mga lolo naming mag bestfriend pala noon .
Hay nako naman. Parang maiiyak na bata na sabi
nya.
Wow, bongga. Uso pa pala yan ngayon. Edi kung
ayaw mo, huwag kang pumayag. Hindi ka naman na
siguro mumultuhin nang lolo mo. Ngumunguya
nang mani na sabi ni Renz.
Umiling-iling sya. You dont understand. Sa
kasunduan na iyon nakasalalay ang mana ni
Alejandro, at ang future ko.
Nanlaki ang mga mata ni Renz. S-seryoso ka?
Yes, kaya go with the flow na lang ang drama
ko. Ayoko lang nang ganito. Girls are chasing
after me asking kung ano relationship ko kay
Alejandro. It sucks!
Ang hirap nga nyan girl. Instant celebrity ang
beauty mo. Bongga! Pumalakpak pa si Renz.
Bongga ka dyan. Alam mo naman na may sarili
akong mundo eh. Hindi ako sanay sa atensyon at
kung anu-ano pa.
Yun na nga, its your time to shine!
Pagkumbinsi ni Renz dito. Cheer up, girl. Para
kang namatayan samantalang mapapangasawa mo ang
pinaka hot na lalaki sa campus. Hay. Tila
nananaghinip na sabi ni Renz.
Renzo Martin, tumigil ka nga. Nang-iinis ka pa
lalo eh.
Kailangan sasabihin talag real name ko? Bongga
nga. Tila inis na sabi ni Renz.
Ikaw naman nanguna dyan eh.
Inaasar na kita sa lagay na yon? Im stating a
fact, a reality! So, imbitado ba ako sa kasal
mo? Tanong pa ni Renz.
Sa inis ni Sandy ay kinurot nya ito sa hita at
napasigaw naman ito sa hapdi.
CHAPTER 5 ---
I hope na maisama mo si Aled sa birthday ko if
you dont mind.. Sabi ni Judy.
Nagulat si Sandy dito nang bigla itong tumabi
sa kanya sa classroom. Kasalukuyan syang
nagsusulat nang kung anu-ano nang marinig nyang
nagsalita si Judy.
Tiningnan nya ito. Ha?
Ngumiti si Judy. Ikaw talaga, pa humble ka pa.
Boyfriend mo pala si Aled, hindi mo sinasabi.
Anyway, since ganun nga, you might as well
bring him as your escort.
Napanganga sya. E-escort?
Tumango si Judy. Ah, dont tell me na
nakalimutan mo ang birthday ko? Sa susunod na
araw na iyon. Tila nagtatampo na sabi nito.
Ah, eh hindi. Nagulat lang ako. Titingnan ko
kung sumama sya. Hindi sya mahilig magparty.
Dahilan nya. Wala naman talaga syang balak na
isama ito. Maiinis lang sya.
I know. Remember, crush ko sya. Marami rin
akong alam sa kanya. I was just taking chances,
mukhang mahal ka talaga ni Aled. Sinundo ka pa
talaga so, baka makumbinsi mo sya. Parang
nagdi-daydream na sabi nito.
Sa loob nya ay gusto nyang isigaw sa harap nito
na hindi totoo ang relationship nila dahil
kasunduan lang ito. Kung tutuusin ay parang mas
bagay pa ang lalaki at si Judy.
Biyernes nang gabi ay inimbitahan nang
mag-asawang Lyn at Renato sila Sandy kasama na
ang mama at kapatid nito. Naghanda daw ang mga
ito para sa isang simpleng hapunan.
Alas syete nang gabi nang marating nang
mag-iina ang mansion. Muli ay ipinasundo ito sa
driver.
Wow, ang laki naman nang bahay nila mama.
Tuwang tuwang sabi ni Chloe.
Ano ka ba Chloe, ang ignorante mo. Hindi bahay
ang tawag dito kundi mansion. Sabi ni Carina.
Sinaway ito ni Loreta. Carina, watch your
mouth.
Tumahimik na lamang si Carina. Ilang sandali pa
ay natipon na sila sa hapag-kainan. Naroon rin
si Aled, na ikinagulat ni Sandy.
Masiglang nag-uusap ang mag-asawa at ang mama
ni Sandy samantalang tahimik lamang ang mga
bata at nakikinig lamang.
Nagulat na lamang si Sandy nang biglang
banggitin nang mama nya kung pupunta sya sa
debut party ni Judy kinabukasan sa La Vera
hotel.
Is it true hija? Tanong ni Lyn.
Nahihiyang tumango si Sandy. Isa iyon sa mga
bagay na hindi nya ipinagmamalaki. Magsusuot
sya nang gown na ayaw na ayaw nya.
Very well then. Aled can accompany you
tomorrow night. Hows that? Suggestion ni
Renato.
Nanlaki ang mga mata ni Sandy.
Napatigil naman sa pagsubo si Aled. Liningon
ito ni Sandy.
Ah naku baka ho may gagawin pa si Aled bukas
nang gabi, kaya ko naman ho pumunta mag-isa.
Dahilan nya. Ayaw nyang sumama ito. Tiningnan
nya ang lalaki sa mata, pleading na wag sana
ito pumayag.
Liningon naman ni Donya Lyn ang anak, asking
his approval.
Its fine, ma. Sagot nito bago muling sumubo.
Tila nakahinga nang maluwag ang mag-asawa
habang si Sandy naman ay tila nagkaroon pa nang
problema. Bumuntong hininga sya.
So its settled then. Mula sa school ay dito
na kayo dumiretso bukas. Ill call my personal
stylist. Is it alright with you Loreta? Tanong
nang donya kay Loreta.
W-wala hong problema madam. Sagot naman nito.
Napangiwi si Sandy sa sagot nang mama nya.
Naiinis na naman sya. Ilang lingo na lang at
hindi na sya single, hindi man lang sya
makapag-enjoy, lagi pa silang pinagsasama nang
lalaki na iyon.
Naging mabilis ang oras kinabukasan. Sa
ikatlong pagkakataon ay sabay silang pumasok ni
Aled, at ikatlong beses din silang umuwi nang
sabay. Araw-araw ay tatlumpong minuto nya itong
hinihintay dahil nauunang natatapos ang klase
nya rito. Nagkekwentuhan na lamang sila ni
Renz.
May sasakyan si Renz kaya walang problema dito
kahit medyo ma-late ito nang uwi. Mas lalo
silang nagiging close nito sa araw-araw na
pagkikita nila.