You are on page 1of 12

BANGHAY – ARALIN SA KOMPOSISYON NG FILIPNO 4

IKAAPAT NA MARKAHAN – IKAWALONG LINGGO

I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Suring-Pelikula
Mga Kagamitan : Tsart
Pangunahing Kasanayan : Naisusulat nang wasto ang
nakuhang mga tala.

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Nakapagbabahagi ng pasalitang reaksyon tungkol sa tiyak na


impormasyon.

B. Nakahahango ng mga tiyak na impormasyon mula sa isang tiyak


na teksto o sanggunian.

C. Nakabubuo ng tiyak na pagsusuri sa kahalagahan at di-


kahalagahan ng mga impormasyon.

D. Naipakikita ang kasanayan sa pagpapangkat at pagsasaayos ng


mga tala ayon sa lebel nito.

E. Naisusulat nang wasto ang nakuhang mga tala.

3. PROSESO NG PAGKAKATUTO
UNANG ARAW

A. Panimulang Gawain

1. `Pagganyak : Madalas ba kayong magtungo sa silid-aklatan?


Anu-ano ang inyong na-obserbahan?

B. Pangkatang Gawain

1. Magtutungo/mag-oobserba ang guro at mag-aaral sa silid-aklatan.

Pangkat 1 : Pag-iinterbyu sa librarian tungkol sa wastong paraan


ng paggamit ng silid-aklatan.

45
Pangkat 2: Magtala ng ilang aklat na maaaring matagpuan sa
silid-aklatan.

Pangkat 3: Alamin ang impormasyong nakapaloob sa “Kard


Katalog”.

Pangkat 4: Bumasa ng isang artikulo mula sa pahayagan o


magasin. Iulat ito sa klase.

2. Pagbabahaginan ng bawat pangkat.

3. Pagbibigay ng sintesis.

a. Mahalaga ba ang iyong natuklasan sa pgg-oobserbang


ginawa sa silid-aklatan?

b. Ano ang kahalagahan nito sa pagkuha ng tala?

C. Paglalahad

1. Pagbibigay-input sa katuturan ng pagkuha ng tala


(note card).

Ang pagkuha ng tala ay isa sa mahalagang salalayan ng


mahusay na pananaliksik. Dito nakasalalay ang dami at halaga ng
datos at materyales na makakalap. Kung gayon, kailangang maging
maingat at sistematiko sa pagkuha ng tala mula sa natuloy na
sanggunian. (Pamela c. Constantino et al. md. Ed. 2000 p. 71).

2. Pagbibigay ng reaksyon ng mga mag-aaral sa


ipinakitang input ng guro.

3. Pagbabahagi ng kinagawiang pagkuha ng tala.


(Pangkatang Gawain).

Magbibigay ang bawat pangkat ng karanasan tungkol sa


kinagawiang paraan nmg pagkuha ng tala sa tulong sumusunod
na tanong :

a. Paano mo pinipili ang mahalagang kaisipan sa loob


ng isang artikulong binasa?

46
b. Kung gumagawa ka ng isang paglalagom, paano mo
ito binubuo?
c. Paano mo kinikilala ang makabuluhan at di-
makabuluhang pahayag na nakapaloob sa tekstong binasa?

d. Paano masasabing ikaw aymay kakayahan ng


umunawa sa binasa?

D. Pagbabahaginan ng bawat pangkat.

E. Pagbibigay ng sintesis ng guro sa paraang pagtatanong.

• Kung ikaw ay mananaliksik, gaano kahalaga ang isang


sistematikong paraan ng pagkuha ng tala?

IKALAWANG ARAW
PAGTALAKAY SA ARALIN

A. Mga Panimulang Gawain

Pangkatang Gawain : Pagsasatao ng bawat pangkat (low cost


production) sa mg gamit o bagay na maaaring maging sources sa
pagkuha ng tala. (Hal. Aklat, kompyuter atbp.).

B. Pagbibigay-reaksyon sa ginawang pagsasatao.

C. Pagpapabasa ng texto tungkol sa gabay at sistematikong pagkuha


ng tala.

Kung ikaw ay mananaliksik, mahalaga ang isang sistematikong paraan ng


pagkuha ng tala. Upang maisagawa mo ito nang wasto, mahalagang
taglayin mo ang mga sumusunod na katangian.

A. Nararapat ay magkaroon ka ng kakayahang pumili ng mga


mahahalagang kaalaman o kaisipan mula sa iyong mga binabasa.
Hindi naman lahat ng nakapaloob sa isang teksto ay tunay na
mahalaga. Piliin mo lamang ang mga kaalamang may kaugnayan sa
bubuing pananaliksik.

B. Nararapat •ay mayroon kang kakayahang bumuo ng lagom. Ang isang


mahabang artikulong iyong binasa ay maaari mong mapaiksi batay na
rin sa kabuluhan nito sa iyong bubuuing pananaliksik.

C. Nararapat ay mayroon kang kakayahang kumilala ng mga


makabuluhang kaisipang narinig o nabasa.

D. Higit sa lahat, nararapat na magtaglay ka ng kasanayang umunawa


sa binasa.
47
Kung magsasagawa ka ng pagsulat na pagtatala, maaari mong gabay ang
mga sumusunod :

a. Maghanda ng index card. Dito mo isusulat ang talang lilikumin.

b. Tungkol sa isang kaalaman lamang ang isulat sa bawat kard. Saka na


lamang ayusin ang mga kaalamang nalikom batay sa inihang
balangkas.

c. Sa kaliwang itaas ng kard, isulat agad ang pinaghanguan ng siniping


kaalaman. Kabilang sa dapat isulat ang ngalan ng awtor, dinaglat ng
aklat, dinaglat na pamagat ng aklat, at ang eksaktong pahinang
katatagpuan sa artikulo.

d. Sa kanang itaas ng kard, itala ang pamagat ng artikulo.

e. Sipiin lamang ang mahahalagang ideya. Paigsiin ang mahahabang


artikulo.

f. Humango lamang ng kaalaman mula sa kilalang tao.

g. Pag-ingatan ang gagawing pagsipi, pansinin ang tamang baybay ng


mga pangalan at katawagan. Kung tiyak na tiyak at batay sa orihinal
ang pagkakasipi, lagyan ito ng (sic). Kung may bahaging binago,
gumamit naman ng (….).

D. Pagbibigay-reaksyon ng mga mag-aaral.

E. Pagpapakilala ng isang tiyak na halimbawa.

48
Bilang ng tala mula sa sanggunian o ideya :

ideya

A.3 Zafra, G. awtor ng


pahina p.4 Balagtasan… pamagat

Pagsasapopular ng Balangkas pamagat


ng tala

“Hindi nakapgtataka na ang balagtasan,


bagaman pabigkas, ay makarating din
sa mga magasin at pahayagan. tala
Marami sa mga mambabalagtas ay mga

Makatang nagsusulat din sa iba’t ibang


Publikasyon at kani-kaniyang kolum”.

F. Pagsusuri ng mga mag-aaral.

G. Pagsasanay. Pagpapasulat ng talata na may kaugnayan sa


pagkuha ng tala. (gagamitin ang kaukulang impormasyon).

Mga Kaukulang Impormasyon

Aklat - Ang Panitikan Natin


Sumulat - Dr. Isagani Cruz
Pahina - pp. 34

Artikulo : Ang pagdaraos ng timpalak sa pagsulat ng mga


Dagli ang siyang nagtulak upang magkahugis ang maikling kwento
sa Panitikang Tagalog. Ang isang uri ng pagsasalaysay na ito na
may kaigsian at hayagang nangangaral ay nagpakilala sa
pangalang Deogracias a. Rosario sa larangan ng panitikan. Ang
kanyang dagli na may pamagat na Elias ang pinarangalan bilang
pinakamahusay ng dagli ng taon noong 1910. Ito ay nalathala sa
pahayagang Ang Mithi. Bukod kay Rosario, na siyang tinaguriang
Ama ng Maikling kwentong Tagalog, nagsisulat din ng dagli sina
Valeriano Hernandez pena, Inigo Ed Regalado, Lope K. Santos at
Patricio Mariano.

49
Bumuo ka ng isang pasulat na pagtatala. Gamitin mo ang artikulong nasa
itaas.

A. Tungkol sa karangalang natamo ni Rosario;

B. Tungkol sa kaugnayan ng dagli at maikling kwento;

C. Tungkol sa iba pang sumulat ng dagli;

D. Paiksiin mo ang artikulo;

H. Pagpapabasa ng ginawa sa isang kaklase. Hingan ito ng pagpuna.

I. Pagbibigay ng puna ng guro sa mga ginawa ng mag-aaral.

IKATLONG ARAW
PAGSULAT

A. Mga Panimulang Gawain

Pangkatang Gawain : Itatala ng bawat pangkat ang mga


impormasyon dapat ilagay sa index card. Gagamitin ang paraang
paghahabi upang mapagsunud-sunod ito.

Paz, V.
A6
p. 6 “Pagkaing Asyano”

Pagkuha ng
Tala

Ang pagluluto ay hindi lamang


isang pinagkikitaan ng mga taga-
Asyano. Isa rin itong mahalagang
elementong pangkultura na ipinamana
Pagluluto Bilang Tradisyon sa mga nagdaang henerasyon. Ang
mga diwang nangingibabaw at
pinahahalagahan sa tradisyong ito ang
higit na nagpapalabas at nagpapatibay
sa malakas at matibay nang kultura ng
B. Pagbabahaginan ng bawat mga taga-Asyano.
pangkat.

50
C. Pagbibigay ng input ng guro sa pamamagitan ng pagpapakita ng
isang uri ng kahalintulad ng teksto ng pagkuha ng tala.

Sa buod ng tala tinutukoy ang pinakamahalagang ideya ng isang talata


o pahina.

Halimbawa :

(Orihinal)

Dahil nasa tapat lamang ng bahay at mga lutong bahay na ito, kahit
sino pwedeng magluto at magtinda. Bagamat mayroon talagang mga
nakilala sa kanilang pagluluto, kung mapapansin, kahit matagal ng
bahagi ng pagkain ng mag tao ang mga luting ito, walang isang
malawakang industriyang nabuo para sa mga nabanggit na mga
pagkain. Oo, ginawa itong hanapbuhay ngunit tradisyon din ang
pagluluto ng mga ito. Gawain itong ipinasa’t minana ng mga magluluto
sa kanilang pamilya. Ibinibenta ito para sa isang kaanak. Sa
mahabang panahon, ang diwa ng pagbebenta ay di para sa
kumpetisyon at tubo. Kung meron man nito, sekondaryong
konsiderasyon na lamang ito. Ang diwa ng pagbabahagi ang siya pang
nagbibigay daan upang paglapitin at pagtagpuin ang mga tao. Hindi
lamang panlaman ng sikmura ang niluluto’t kinakain ng mga tag-
Angono. Nalalaman din nito ang diwa’t pagpapahalaga sa pamilya,
kapwa, pakikipagkapwa tao at pagkakaisa na nagpapatibay sa kultura
ng bayan. (Paz, Vina P. “Pagkaing ngono: Pamana ng Panahon at
Kalikasan.” Nasa (Es) Kultura ng Bayan: Angono, Rizal nina Tiamson-
Rubin, Ligaya, et al. 1999, pp. 195-204).

F1 Paz, Vina
p.204 “Pagkaing Angono”

Pagluluto bilang tradisyon

Bagamat hanapbuhay, ang pagluluto ng pagkaing Angono ay isa ring


tradisyong ipinasa’t minana sa pamilya. Sekondarya lamang ang
kumpetisyon at tubo. Ang diwa ng pagbabahagi, pagpapahalaga sa
pamilya, kapwa, pakikipagkapwa at pagkakaisa na nagpapatibay sa
kultura ang mas nangingibabaw sa tradisyong ito.

(BUOD)

D. Pagbibigay ng reaksyon ng mga mag-aaral.

51
E. Pagsasagawa/pagsusulat ng mga mag-aaral ng mga tala mula
sa binasang teksto upang makapagsuri sa kahalagahan at di-
kahalagahan ng mga impormasyon na makukuha sa texto.
Igagayd ng guro ang mag-aaral sa pagsulat. Ibibigay ng guro ang
gagamiting “sources” sa pagkuha ng tala.

“SOURCES”

Narito ang iba’t ibang artikulong sinipi mula sa mga aklat. Mula dito
ay gagawa ka ng isang pagtatala. Sundin ang mga sumusunod na panuto.

A. Ikaw ang magpasya kung alin sa mga artikulo ang kunawa’y


hinango sa isang tiyak na aklat.

B. Isulat mo ito sa laang sulatan na parang nasa indeks.


Sundin mo ang tuntunin sa pagtatala na may kaugnayan sa
paglalagay ng ngalan ng sumulat, dinaglat na pamagat ng aklat,
ang pahina at pamagat ng artikulo.

C. Ipakita mo rin kung paano mo ito pinaigsi.

D. Pagsunud-sunurin mo na ang mga tala. Alin ang panimulang


talata at alin ang pangwakas.

E. Isulat ito ng maayos.

PAMAGAT NG ARTIKULONG
BUBUIN : PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
NG MAIKLING KWENTONG
TAGALOG

MGA AKLAT NA BATAYAN : PANITIKANG FILIPINO


Ni Alejandro Abadilla
pp. 37

ITO ANG PANITIKAN NATIN


Ni Genoveva Edroza
pp. 29

ANG ATING PANITIKAN


Ni Eduardo deveza
pp. 45

52
KASAYSAYAN NG MAIKLING
KWENTONG TAGALOG
Ni Federico Sebastian
pp. 35 at pp. 67

KATUTUBONG PANITIKAN
Ni Cirilo Almario
pp. 38

Dumating ang panahong tila natutuyong disyerto ang larangan ng


kwento, binatikos ang mga paksang tinatalakay at ang paraan ng
pagkukuwento. Pinuna ng mga bagong manunulat ang de-kahing uri ng
estilo sa pagsulat. At upang isalba raw ang natutuyong larangan,
pinaagos nila ang tubig ng bagong kamalayan sa disyerto. Dito nakilala
ang mga manunulat na nag-ambag ng mga matatapang na akdang
naglalahad ng mga makatotohanang pangyayari sa buhay.

Sa pagtatapos ng pananakop ng mga Amreikano at dala na rin sa


biglaang pagdating ng mga Hapon, lalung nakakita ng magandang
kapalaran ang Maikling Kwentong Tagalog. Dahil sa pagbabawal sa
Ingles at sa pagkakaroon ng nasyunalismong oryentasyon ay naging
maningning ang kalagayan ng Maikling Kwento. Nakilala sa panahong ito
si Macario Pineda na sumikat dahil sa kanyang akdang Suyuan sa
Tubigan.

Pumasok ang Dekada 70. Nanatili pa rin ang Maikling Kwentong


Tagalog subalit sa iba ng mga kamay. Lumabas ang isang antolohiyang
tinawag na SIGWA. Tulad din ng AGOS, may sariling pananaw ng mga
manunulat na kasangkot dito. Dito tinalakay ang makatotohanang
kasaysayan ng buhay mga mahihirap at ang hayagang pagkampi ng mga
manunulat sa mga naaaping uri. Ito rin ang hayagang pagtatampok sa
naglalabang lakas sa pagitan ng mapang-aliping uri at ng mga inaalipin.
Sumuong din ang mga manunulat sa pagtalakay ng mga isyung pulitikal.
Dito ang panahon nbg pagkita ng liwanag ng mga manunulat sa piitin.

Unti-unting nanamlay ang Maikling Kwentong tagalog. Nawala na


ang interes ng mga tao sa pagbabasa nito dahil na rin sa pagkawala ng

53
kaugnayan ng kwento sa kanilang buhay. Sa kasalukuyan, nasa panahon
na naman ng tagtuyot ang larangan ng Maikling Kwento. Subalit naroroon
pa rin ang pag-asa na muling aagos ang tubig sa disyerto at babalik ang
sigal ng larangang ito.

Natapos ang digmaan. Muli na naming umusad ang Maikling


Kwentong Tagalog. Nagkaroon ito ng pagkakataong maisama sa taunang
timpalak sa itinataguyod ng pamilyang Palanca. Noong 1951,
pinarangalan ang akdang Kwento ni Mabuti na sinulat ni Genoveva
Edroza. Mula noon, marami ng kwento ang umani rin ng ganitong
pagkilala.

F. Ipababasa ang ginawang sulatin sa katabing mag-aaral. Hingan


ito ng puna.

G. Pagbubuo ng sintesis sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng


ilang suliraning nakaharap.

a. Nahirapan ka ba sa pagbubuo ng index? Bakit?

b. Naging madali ba sa iyo ang pagbuo ng index? Bakit?

IKAAPAT NA ARAW
PAGWAWASTO AT PAG-EEDIT

A. Pansariling pagwawasto

Ipasusuri sa mag-aaral ang ginawang komposisyon. Gamitin ang


“Caravan” tseklist upang masuri ito.

Wasto ba ang Wasto bang


Wasto bang
baybay, bantas, naitala sa
naitala ang
isrtuktura at notecard ang Pagkuha
mahalagang
gramatika ng kumpletong ng Tala
impormasyon?
komposisyon? datos?

B. Dalawang Pagwawasto

54
Humanap ng kapareha at magpalitan ng komposisyon. Iwasto itong
muli batay sa “Caravan” tseklist na ibinigay ng guro.

C. Ipasusulat muli ng guro sa mga mag-aaral ang nasuring sulatin.


Bigyan-diin ang kalinisan at wala nang kamaliang sulatin.

D. Pagwawasto ng guro sa isinulat ng mga mag-aaral batay sa


tseklist…

IKALIMANG ARAW
MULING PAGSULAT

A. Pagsusulit

Basahin mabuti ang halimbawang tala sa ibaba. Pagkatapos ay gawan


ng buod. Ipormat sa anyo ng note card.

Tala :

Ang maong ay rebelyon laban sa establisimentong may halos baliw


na paghahangad na magmukhang disente upang maitago ang kahinaan
at katiwalian ng sistema. Naghanap ang kabataan ng kataliwasan ng
damit ng middle class, yaong hindi maporma, mukhang marumi at hindi
naitatago ang kahinaan. Kung mukhang luma at gusgusin, higit namas
magaling. May estudyanteng taga-Lyceum na bumili ng bagong
pantaloon, binuhusan ito ng chlorox at presto, biglang kupas, mukhang
luma.

Tatak din ng pantalong maong ng pag-alsa ng kababaihang itinali


sa kumbensyon ng palda at saya. Lalo na noong panahon ng mini-skirt,
ang anak ni Eba’y kailangang bumaba ng de-numero sa kotse o magtakip
ng kwaderno, samantalang nakaupo sa dyipni upang huwag mabunyag
ang takaw-matang tanawin. Kung nakapalda’y mahirap makipaghabulan
sa pagbitin sa estribo ng bus, o sumalagmak sa lupa, at nakatatakot
malilisan ng malakas na ihip ng hangin.

Bukod sa dahilang sosyolohiko, may mga personal na dahilan ang


ilang Pilipina na mahilig magsuot ng maong. Maraming nakikisunod sa
moda upang masabing sila’y moderno at hindi napag-iiwanan ng
panahon. Para sa ilang matanda, DOM man o hindi, ang kulay asul at
pangharabas na anyo nito’y nagbibigay ng damdaming macho. Sa
karaniwang estudyanteng tatlo lamang ang pantaloon, hindi kapitin ng
dumi. Kaunting pagpag pagkagamit, maaari na uling isabit sa hanger.
Isang dalagita ang pigil ang ngiting nagkwento; “ang hilig kong umupo sa

55
damuhan, at kiliting-kiliti ako ‘pag hindi nakamaong.” (“Sa Makati at
Divisoria, Denims ang Hanap Nila,” ni Valerio Nofiente).

B. Pagbibigay ng input ng guro sa muling sulatin.

a. Paglalahad sa mga panandang ginamit sa pagwawasto.

b. Pagwawasto sa ilang halimbawang kamalian sa sulatin sa pisara.

C. Muling pagsulat ng iniwastong sulatin.

D. Pagbabasa ng ilang sulating isinulat.

E. Pagbibigay ng reaksyon sa ginawang pagkuha ng tala.

F. Pagpapahalaga.

Pagbabasa sa piling o tanging gawa ng mag-aaral. Ilalahad ng guro


ang dahlian kung bakit ito natatangi. Ilalathala sa pastilan ang
ginawang komposisyon.

56

You might also like