You are on page 1of 9

1.AKAPULKO (Cassia alata L.

bayabas-bayabasan, kapurko, katanda, katandang aso, pakagonkon, sonting (Tag.); andadasi, andadasi-a-dakdakel,
andadasi-bugbugtong (Ilk.); adadisi (Ting.); ancharasi (Ig.); andalan (Sul.); bayabasin, bikas-bikas (Bik., Tag., Bis.,);
kasitas (Bik., Bis.); sunting, palo china (Bis.); pakayomkom kastila (Pamp.); ringworm bush or shrub (Engl.)

PARA SA:

• an-an
• buni
• alipunga
• galis-aso

PAGKILALA:

• palumpong (shrub) na tumataas ng 3 metro o higit pa


• may bulaklak na kulay dilaw na matatagpuan sa dulo ng mga sanga
• mga buto ay maliit at nakalagay sa isang mahabang sisidlan

PAGTATANIM:

• mga pinutol na taad (stem cuttings) na may sukat na 20 sentimetro at may 2-3 buko
• mga buto

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK: anihin lamang ang mga magugulang at malulusog na dahon

PAGHAHANDA: magdikdik ng sapat na dami ng sariwang dahon

PAGGAMIT: ipahid ang katas sa apektadong balat 1-2 beses maghapon

PAALALA:

Para sa mga taong may allergy sa sariwang dahon ng akapulko, gawin itong dekoksyon:

• Magpakulo ng 1 basong tinadtad na dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto o hanggang maging 1 baso
na lamang.
• Ihugas ito sa apektadong balat 1-2 beses maghapon.

2. AMPALAYA (Momordica charantia)


amorgoso (Sp.); margoso, ampalaya (Tag.)l apalia (Pamp.); apape (Ibn.); apapet (Itn.); palia (Bis., Bin., If.); paria (Bis.,
Ban., If., Ik.); pubia (Sub.); suligum (sul.); balsam apple, balsam pear, bitter gourd (Engl.)

PARA SA: diabetes mellitus (mild non-insulin dependent)


PAGKILALA:

• baging na namumulaklak at namumunga


• bunga at dahon ay kinakain na gulay

PAGTATANIM:

• itanim ang mga magugulang na buto


• alalayan sa pag-usbong ng mga tukod

PAG-AANI:

• anihin lamang ang mga murang dahon


• tiyaking malinis ang mga dahon

PAGHAHANDA:

• hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin


• magsukat ng 1 basong dahon at 2 basong tubig
• pakuluan sa loob ng 15 minuto sa mahinang apoy
• huwag takpan ang palayok
• palamigin at salain

PAGGAMIT:

• uminom ng 1/3 baso 3 beses maghapon 30 minuto bago kumain


• ang murang dahon ay maaaring pasingawan at kainin (1/2 baso 2 beses maghapon)

3. BAWANG (Allium sativum)


ajos (Span., Bis.); garlic (Engl.)

PARA SA: pampababa ng cholesterol

PAGKILALA:

• butil na ginagamit na pampalasa


• pahaba ang dahon at namumulaklak

PAGTATANIM: mga butil

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

• karaniwang inaani tuwing Pebrero at Marso


• iimbak sa isang lugar na tuyo at nahahanginan upang hindi mabulok at kainin ng mga peste

PAGHAHANDA:

• igisa (konti o walang mantika)


• iihaw
• ibabad sa suka sa loob ng 30 minuto o kaya'y banlian ng pinakulong tubig hanggang 5 minuto

PAGGAMIT: kumain ng 2 butil 3 beses isang araw pagkatapos kumain

PAALALA: Tiyaking may laman ang tiyan bago kumain upang hindi makasugat ng tiyan at bituka.
4. BAYABAS (Psidium guajava L.)
guayabas, kalimbahin, tayabas (Tag.); bagabas (Ig.); bayabo (Ibn.); bayawas (Bik., Pang.); biabas (Sul.); gaiyabat,
gaiyabit (If.) geyabas (Bon.); guyabas (Ilk.)

PARA SA: panlinis ng sugat, impeksyon sa bibig, magang gilagid, bulok na ngipin

PAGKILALA:

• isang uri ng puno na tumataas hanggang 4-5 metro


• namumulaklak ng kulay puti
• bunga ay bilog na may maliliit na buto at kinakain ng sariwa

PAGTATANIM: mga buto

PAG-AALAGA: hindi nangangailangan ng lubos na pag-aalaga

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

• anihin lamang ang mga murang dahon o talbos


• tiyaking walang insekto o kahit anong dumi ang mga dahon

PAGHAHANDA:

• hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin


• magpakulo ng 2 basong dahon sa 4 na basong tubig sa loob ng 15 minuto sa mahinang apoy
• huwag takpan ang palayok
• palamigin at salain

PAGGAMIT:

Para sa Sugat :

• ipanghugas ang pinaglagaang tubig 2 beses maghapon

Pangmumog: gamitin ang maligamgam na pinaglagaan

PAALALA: Piliin lamang ang native na puno dahil ito lamang ang dumaan sa pananaliksik.

5. LAGUNDI (Vitex negundo L.)

tugas (Ceb.); molave-aso, magupay (Sul.); dangla, lino-lino (Ilk.); dabatan (If.); lingei (Bon.); sagarai (Bag.); 5-leaved
chaste tree (Engl.)

PARA SA:

• hika
• ubo
PAGKILALA: palumpong (shrub) na may limang dahon at tumataas ng may 5 metro

PAGTATANIM:

• mga pinutol na sanga na may kasamang 3 buko


• patulisin ang sanga at ibaon sa lupa na may kasamang isang buko
• ilagay sa lilim ang bagong tanim sa loob ng 2 linggo at diligan
• ilabas sa araw kapag may sibol na

PAG-AALAGA:

• diligan araw-araw
• alisan ng mga damo sa paligid

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

• kolektahin ang mga dahon kung panahon ng pamumulaklak


• anihin lamang ang mga magugulang at malulusog na dahon
• tiyaking may matitirang sapat na dahon sa halaman upang hindi mamatay
• tuyuing mabuti ang mga dahon
• ilagay sa bag na plastik o garapong may kulay at takpang mabuti

PAGHAHANDA:

• hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin


• magtakal ng 2 basong tubig at dahon (ang dami ng dahon ay depende sa edad)
• pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto
• huwag takpan ang palayok
• palamigin at salain

Kailangang Dahon
Edad
Sariwa Tuyo
matanda 6 kutsara 4 kutsara
7-12 taon 3 kutsara 2 kutsara
2-6 taon 1 1/2 kutsara 1 kutsara

PAGGAMIT:

• Ubo at Hika
- hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan
- inumin ang bawat bahagi umaga, tanghali at gabi
• Lagnat
- inumin ang bawat bahagi tuwing ika-4 na oras

PAALALA: Mag-ingat sa ibang uri ng lagundi na may 1 o 3 dahon.

6. NIYUG-NIYOGAN (Quisqualis indica L.)


balitadham,pinones, pinion bonor (Bis.); bawe-bawe (Pamp.); kasumbal, talolong, tanglon, tangulo, tataraok (Bik.);
tagarau, tagulo, tanolo, totoraok (Tag.); talulong (Ibn.); tartarau (Ilk.); taungon (Mbo.); Burma creeper, Chinese honey
suckle, Liane vermifuge (Eng.)

PARA SA: bulateng askaris

PAGKILALA:

• palumpong na gumagapang at tumataas hanggang 8 metro


• namumulaklak (pula, rosas, puti)
• bunga ay maliliit na korteng balimbing
• buto ay lasang laman ng niyog

PAGTATANIM: mga pinutol na sanga o stem cuttings na may habang 20 sentimetro at may 3 buko

PAG-AALAGA:

• itanim ang sanga sa malilim na lugar


• ilipat sa permanenteng taniman pagkaraan ng 2-3 linggo
• mas mabilis tutubo kung nasisikatan ng araw

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

• anihin lamang ang mga magugulang na bunga (kung naging kulay ginto na)
• pahanginan upang matuyo
• ilagay sa garapon at takpang mabuti

PAGHAHANDA:

• gumamit lamang ng mga butong magulang, tuyo at kabubukas pa lamang na bunga

PAGGAMIT:

• kainin ang mga buto 2 oras pagkatapos ng hapunan


• kung hindi magkabisa sa unang gamit, ulitin ang parehong dosis pagkaraan ng 1 linggo

Edad Kailangang Buto


matanda 8-10
7-12 taon 6-7
6-8 taon 5-6
4-5 taon 4-5

PAALALA: Mga hindi kanais-nais na epekto: sinok, sakit sa tiyan, pagtatae.

7. SAMBONG (Blumea balsamifera (L.) DC.)


alibhon, alimon (P. Bis.); ayoban, bukadkad, gabuen, gintin-gintin, haliban, kambihon, lalakdan, lakdanbulan (Bis.);
dalapot (C. Bis.); labulan, sambun (Sul.); sob-sob (Ilk.); kaliban (Tag.); takamain (Bag.); blumea camphor, ngai camphor
(Engl.)

PARA SA:

• manas (pampaihi)
• pantunaw ng bato (anti-urolithiasis)

PAGKILALA:

• palumpong (shrub) na tumataas ng 3 metro


• may bulo ang dahon

PAGTATANIM:

• supling o suhi (plantlets): bagong halamang tumutubo sa paligid ng pinakapuno, may 3 o higit pang dahon
• maingat na hukayin ang supling kasama ang ugat at itanim

PAG-AALAGA:

• ilagay sa malilim na lugar


• diligan at palagiang alisan ng damo

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

• anihin lamang ang mga magugulang at malulusog na dahon


• tiyaking may matitirang sapat na dahon ang halaman upang hindi mamatay
• tuyuing mabuti ang mga dahon
• ilagay sa bag na plastik o garapong may kulay at takpang mabuti

PAGHAHANDA:

• hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin


• magtakal ng 2 basong tubig at dahon (ang dami ng dahon ay depende sa edad)
• pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto
• huwag takpan ang palayok
• palamigin at salain

Kailangang Dahon
Edad
Sariwa Tuyo
matanda 6 kutsara 4 kutsara
7-12 taon kalahati ng sa matanda

PAGGAMIT:

• hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan


• inumin ang bawat bahagi sa umaga,tanghali at gabi

PAALALA: Hindi ito gamot sa impeksyon sa bato o ihi.


8. TSAANG GUBAT (Ehretia microphylla Lam.)

alibungog (bis.); malatadiang (Gad); kalabonog, maragued (Ilk.); taglokot, talibunog, kalimunog, tsa (Tag.)

PARA SA: sakit ng tiyan

PAGKILALA:

• isang uri ng palumpong (shrub) na tumataas ng hanggang 5 metro


• maliliit ang mga dahon na makintab at matingkad ang pagkaberde

PAGTATANIM:

• mga pinutol na sanga na may haba na 20 sentimetro at may 3 buko


• mga buto

PAG-AALAGA:

• diligan araw-araw
• huwag pabayaang tubuan ng mga damo ang paligid

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

• anihin lamang ang mga magugulang at malulusog na dahon


• tiyaking may matitirang sapat na dahon sa halaman upang hindi mamatay
• tuyuing mabuti ang mga dahon sa pamamagitan ng pagpapahangin
• ilagay sa bag na plastik o garapong may kulay at takpang mabuti

PAGHAHANDA:

• hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin


• magtakal ng 2 basong tubig at dahon (ang dami ng dahon ay depende sa edad)
• pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto
• huwag takpan ang palayok
• palamigin at salain

Kailangang Dahon
Edad
Sariwa Tuyo
matanda 4 kutsara 3 kutsara
7-12 taon kalahati ng sa matanda

PAGGAMIT:

• hatiin sa 2 bahagi ang pinaglagaan


• inumin ang bawat bahagi tuwing ika-4 na oras

PAALALA: Maaari rin itong imumog upang tumibay ang ngipin.


9. ULASIMANG BATO (Peperomia pellucida)

pansit-pansitan

PARA SA: pampababa ng "uric acid" sa dugo (rayuma, gout)

PAGKILALA: isang uri ng damo na makatas at hugis puso ang dahon

PAGTATANIM:

• nagkalat lamang
• maaaring itanim sa pamamagitan ng buto

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

• siguraduhing malinis ang pinanggalingan ng mga dahon (malayo sa usok ng sasakyan at alikabok)
• anihin lamang ang mga malulusog na dahon

PAGHAHANDA/PAGGAMIT:

Salad

• hugasang mabuti ang mga dahon


• maghanda ng 1 1/2 baso ng sariwang dahon (hindi siksik)
• hatiin sa 3 bahagi at kainin ang bawat bahagi sa umaga, tanghali at gabi

Dekoksyon

• hugasang mabuti ang mga dahon


• maghanda ng 1 1/2 baso ng sariwang dahon at 2 basong tubig
• pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto
• huwag takpan ang palayok
• palamigin at salain
• hatiin sa 3 bahagi at inumin ang bawat bahagi sa umaga, tanghali at gabi, pagkatapos kumain

10. YERBA BUENA (Mentha x cordifolia Opiz ex Fresen)

hierba buena, hilbas (Dav., Ley., Sam.); ablebana (If.); malipuen (Ak.); mint, peppermint (Engl.)
PARA SA: pananakit ng iba't ibang bahagi ng katawan

PAGKILALA:

• halamang gumagapang na amoy mint


• may apat na kanto ang tangkay at kulay berde
• dahon ay magkakatapat, magaspang at parang kulubot

PAGTATANIM:

• mga pinutol na sanga (stem cuttings) na may habang 10-15 sentimetro at 3-4 pares ng dahon
• nagsisitubo ang mga ugat sa loob ng isang linggo

PAG-AALAGA:

• diligan ang mga bagong tanim upang hindi matuyo


• alisan ng mga damo sa paligid

PAG-AANI AT PAG-IIMBAK:

• anihin lamang ang mga magugulang at malulusog na dahon


• tiyaking may matitirang sapat na dahon sa halaman upang hindi mamatay
• tuyuing mabuti ang mga dahon
• ilagay sa bag na plastik o garapong may kulay at takpang mabuti

PAGHAHANDA:

• hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin


• magtakal ng 2 basong tubig at dahon (ang dami ng dahon ay depende sa edad)
• pakuluan sa mahinang apoy sa loob ng 15 minuto
• huwag takpan ang palayok
• palamigin at salain

Kailangang Dahon
Edad
Sariwa Tuyo
matanda 6 kutsara 4 kutsara
7-12 taon kalahati ng sa matanda

PAGGAMIT:

• hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan


• inumin ang bawat bahagi sa umaga, tanghali at gabi
• maaaring dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa bahaging nananakit

You might also like